1. Home
  2. Stories
  3. The Challenge - VI
Lagablab

The Challenge - VI

By ertyb4y ·

Sa isang bar na may live music sa may Ermita tumungo ang magkaibigan. Ito ang unang beses na nakapunta si Bobby sa lugar na yun. Sa unang tingin ay aakalain mong may mga GRO doon dahil sa mga mapuputing babae sa labas na nakasuot ng napakaiiksing mga damit. Nakatayo sila sa labas ng bar at binabati lahat ng pumapasok doon. Sa loob ng bar ay merong dance floor sa mismong tapat ng stage, para makapag sayaw ang mga customers na gustong sumabay sa kinakanta ng banda. Dahil sa open ang bar, pinapayagang manigarilyo ang mga umiinom doon.

Tyempong bakante ang isang mesa na pang apatan sa may malapit sa stage at doon naisipan ng dalawa na maupo, para nakikita nila ng maayos kung sino mang banda ang tutugtog. Pagkaupo ay binigyan sila ng waiter ng menu, at wala pang 30 segundo ay umorder na si Jobert ng isang bucket ng San Mig Lite tsaka pulutan. Dahil sa matagal ng umiinom si Jobert doon, kabisado na nya ang lahat ng pulutan at alam nya kung alin yung masarap.

"Pare, masarap sisig nila dito. Try mo yun."

Makalipas ang halos 10 minuto ay dumating na ang order nila. Sakto namang natapos na ang isang banda at pumalit naman ang isa na puro babae ang miyembro. Maganda ang uniform ng banda, bagamat, para kay Bobby, ang mga kasuotang yun ay mas bagay sa mga sumasayaw na babae sa mga noon-time show kaysa sa isang bandang tutugtog. Maiksi ang mga suot nila. Ang pulang palda nila ay hindi aabot sa tuhod. Sa taas naman ay nakasuot sila ng itim na sleeveless shirt na napakasikip, animoy sinasakal ang katawan nila dahil sa pagkakalantad ng hubog nito. Sobrang baba ng neckline nito kaya kitang kita ang cleavage ng mga babae.

Habang inaayos nila ang mga instrumento nila, napako ang tingin ni Bobby sa isang babae, na marahil ay ang bokalista nila, dahil ito ang nag sesetup ng mic, habang ang 5 nyang kasama ay may mga sariling instrumentong inaayos. Hindi matangkad ang babae, at nasa 5'1" lang ang tantya ni Bobby sa kanya, ngunit ibang klase ang chinitang ganda nito. Maiksi lang ang itim na buhok nito na shaggy cut ngunit bumagay yun sa kanyang maputing mukha at dangling na hikaw. Ang boobs naman nya ay nasa normal na laki lang, bagay sa kanyang height. Sa lahat ng miyembro ng banda ay sya lang ang may maiksing shirt, kung kaya't kitang kita ni Bobby ang pusod nito na may hikaw na kumikislap pa kapag natatapatan ng ilaw mula sa umiikot na spotlight.

"Pare, Cindy ang pangalan nyan. Ganda no?", bulong ni Jobert kay Bobby na napansing matagal ang pagkakatitig nya sa babae. Tumango lang si Bobby ngunit tila tulalang nakatingin pa rin sa bokalista. Ilang saglit lang ay pinutol na naman ni Jobert ang pantasya ng binata ng magsalita ulit ito.

"Pare, pwede natin syang i invite dito mamaya kung gusto mo. Usap usap lang. "

"Ha? Naku wag na pare. Di tayo makakapagkwentuhan nyan. ", sagot ni Bobby na tila biglang nagising mula sa isang bangungot.

"Sure ka? Kakausapin lang natin. Tsaka, hindi naman sya GRO eh. Walang GRO dito. Pare, maraming lalaking gustong i table yan. Pero kilala ko yung manager nila, kaya una tayo sa pila pag nagsabi ako. "

Isang sabay ngiti at iling ang isinagot ni Bobby kay Jobert sa sinabi nyang yun, at ng bumalik ulit ang tingin nya sa stage, handa na ang banda para sa kanilang tugtog. Sinimulan nila ito sa pamamagitan ng pagbati ni Cindy at pagpapakilala nya ng kanilang banda sa mga audience. Isang malakas na palakpakan ang natanggap ng banda mula sa maiksing intro na yun. Bumalik ang pagkakatulala ni Bobby ng sinimulan na ni Cindy ang pagkanta. Ang napakalamig ng boses ng bokalista ay dahan dahang pumasok sa utak ng lalake at pilit hinuhukay ang ala ala nito. Hindi maipaliwanag ni Bobby ang naramdamang yun, kung bakit biglang naalala nya ang nakaraan, hanggang sa natuon ulit ang atensyon nya sa tinig ni Cindy. "Shet! Magkaboses sila ni Katherine.", mahinang sabi ni Bobby, na hindi naman narinig ng kasama dahil sa lakas ng sound system ng bar. Sunod sunod ang paglagok ni Bobby sa alak nya at hindi nya namalayang naubos nya ito agad, samantalang ang kay Jobert ay mahigit kalahating bote pa. Nagbukas ulit sya ng isang bote at napatingin sa kasama, na ngayon ay tila tulala din.

Sa mga oras na yun ay bihirang magkwentuhan ang magkaibigan dahil sa lakas ng tunog, at dahil na din sa pareho silang nakafocus sa bandang kumakanta. Biglang nagsalita si Bobby ng matapos ang isang kanta at habang pumipili ang banda ng susunod na kakantahin mula sa sangkatutak na requests na binigay ng mga customers.

"Pare, wala na kami ni Katherine. 2 months na. "

"Shet! Di nga? Bakit? Anong nangyari?"

"Ewan ko. Basta na lang nakipag break. Hindi nya daw kayang i handle yung relationship namin sa ngayon. Kailangan daw muna nyang magpahinga. ", sabay inom si Bobby pagkatapos nyang sabihin yun.

"Sayang pare. Antagal na naging kayo ah. Sayang naman. Kinausap mo na ba ulit?"

"Hindi pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "

Hindi na nagsalita pa si Jobert at hinintay na lang nya na ang iba pang ioopen up ni Bobby sa kanya ngunit yun na ang huling sinabi ni Bobby. Maya maya pa ay nagsimula ng kantahin ni Cindy ang Someone Like You. Lalong nadagdagan ang lungkot ni Bobby sa mensahe ng kantang yun kung kaya't nagpaalam sya sandali kay Jobert na pupunta muna sya ng CR. Sa loob ay hindi nya naiwasang maluha. Naghilamos sya para kahit papano ay mapawi pansamantala ang lungkot.

Paglabas nya ng CR ay wala na ang banda ni Cindy sa stage. Papunta na sya sa table nila ng nakita nyang umorder ulit si Jobert ng isang bucket, at napansin na may kasama itong babae. Nakaupo ito katabi ng inuupuan ni Bobby. Pag upo nya ay hindi nya pinansin ang babae, ngunit alam nyang familiar ang mukha nito.

"Pare, si Cindy nga pala. Cindy, si Bobby. ", pagpapakilala ni Jobert sa dalawa.

"Hi. ", sagot ng babae kay Bobby sabay kumaway sa kanya. Isang pilit na ngiti naman ang sinagot ng lalake.

Inilapit ni Cindy ang upuan nya kay Bobby na sya namang nagdulot ng kakaibang kuryente sa lalake. Palibhasa may tama na, bahagyang bumaba ang pagiging logical nya kung mag isip at mejo tumataas na ang level ng libog nya. Nagulat si Jobert ng biglang umakbay si Bobby sa katabing singer at pinisil ang kaliwang braso nito. Hindi naman nailang ang babae sa ginawa ni Bobby, bagkus ay tumingin pa sya dito at nginitian.

"Ngayon lang kita nakita sir. Bago ka lang dito?", tanong ni Katherine sa nakaakbay na lalake.

"Ah oo.", matipid na sagot ni Bobby.

"Sir gimik kayo ulit dito next week ha. Mas marami akong kakantahin kasi konti lang kaming bands na nag confirm for next week."

"Sure.", matipid pa rin na sagot ng binata.

Tila biglang nawala ang kanyang kalasingan ng tanungin ni Cindy ang cellphone number nya. Nung una ay nag aalangan pa syang ibigay ito, ngunit kalaunan ay nadala din sya ng lambing ng boses ng babae at ibinigay ang number nya. Bukod dun ay binigay pa nya ang cellphone nya para ilagay din ni Cindy ang number nya dito.

Habang tumatagal ay nagiging madaldal na si Bobby na nakikipagkwentuhan kay Cindy. Si Jobert, na ngayon ay mejo nahihilo na ay bihira ng sumingit sa usapan ng dalawa. Maraming napag-usapan si Bobby at Cindy. Dumating pa sa puntong pati ang mga personal na buhay ng lalake ay hindi na maiwasang mabanggit sa kausap. Pati ang break up nila ni Katherine ay aksidenteng naikwento nya sa babae.

"Grabe naman yung babaeng yun. Kung ako yun, di ko yun gagawin sayo.", seryosong pagkasabi ni Cindy sa kausap habang tinignan nya ito. Hindi na sumagot pa si Bobby sa sinabi nyang yun at hinintay na lang kung meron pang ibang sasabihin.

"Pag kailangan mo ng kausap, text mo lang ako. Kaya lang, pag kailangan ko din ng kausap, itetext kita ha.", sabay tawa ni Cindy. Tumango lang ang kausap na ngayon ay mukhang nahihilo na.

Ng naubos na ang pangalawang bucket, nagpasya ang dalawa na umuwi na. Nagpaalam sila kay Cindy at sinabing babalik ulit sila sa susunod na Friday. Sa labas ay pumara ang security guard ng taxi na masasakyan ng dalawa pauwi. Halatang lasing na ang sila sa ininom nila.