1. Home
  2. Stories
  3. The Dominator Series
PSErotica

The Dominator Series

By Boyong Sabayton ·

Sorry. Ang rason kung bakit hindi na po ako nakakapagpost ng update sa Dominator Series ay pinakiusapan po ako ng sender na si 'Jessa' na huwag nang ituloy ang story. Hindi na niya sinabi sakin ang totoong dahilan kung kaya't sinabi na lamang niya sakin ang estado ng buhay niya ngayon.

Ang taong nagbukas ng pintuan ng unit ng kanyang landlord habang sila'y nagpapahinga sa sofa ay ang asawa niyang si Ryan na sana'y kukuntsabahin ang landlord para sa gagawing sorpresa nya para sa asawa. Ngunit sa tagpong nadatnan ay sya ang nasorpresa. Dahil dito ay binugbog ng balikbayan ang Landlord na noo'y nakahiga pa rin sa sofa nang hubo't hubad habang si Jessa nama'y tarantang nagbihis at kaagad na inawat ang dalawa.

Hindi naman nanlaban pa ang landlord dahil siya rin naman ang may kasalanan at dulot na rin ng katandaan.

Nagmakaawa si Jessa na balikan siya ng Asawa ngunit agad ding umalis si Ryan at nagpakalayo layo. Hindi maitatanggi ng babae na may nararamdaman siyang pagmamahal kay Mang Berting. Pero lubos pa rin siyang nanghihinayang sa mga plano nilang gawin ng Asawa.

Nakalipas ang araw, linggo, buwan, taon ay hindi na talaga bumalik pa ang asawa. Nawalan na rin siya ng balita at contact dito.

Sa estadong ito ng buhay niya ay naging karamay niya ang Landlord na si Mang Berting. Tuluyan nang nagkahulugan ng loob ang dalawa at pagkaraa'y nagkaroon ng bunga ang kanilang pagsasama.

------------------

Taong Kasalukuyan:

Isiniwalat ng sender ang kanyang buhay ngayon. Naninirahan siya ngayon sa isang probinsya sa Norteng bahagi ng Luzon. Pinamamahalaan niya ang naiwang mga negisyo ng kanyang minamahal na si Mang Berting. May contact rin siya sa Caloocan na siya namang namamahala sa naiwang two storey na paupahan ni Mang Berting. Kasalukuyan niyang mina manage ang isang maliit na Pineapple Farm na pinundar nila nang magkasama ni Mang Berting.

May dalawa na siyang anak ngayon na parehong bunga nila ni Mang Berting. Mga limang taon nas ring patay si Mang Berting dahil sa sakit niyang Stage IV Lung Cancer dulot ng walang tigil na paninigarilyo.

...

"Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko noon, sa kung sino at anong mayroon ako ngayon ay dahil sa desisyon ko. Hindi ako nagsisi, I go with the flow at ginawa ang bagay na kung ano sa tingin ko ang makakapagpasaya at makakabuti sakin. Gusto ko lamang ay maraming kababaihan at kalalakihan na makabasa nito. Nais ko sanang kapulutan ng aral ang bahagi ng buhay kong ito para hindi sila matulad sakin. Sana maging aral ito sa lahat na huwag maging marupok at huwag magpadala sa init ng katawan. Salamat sa inyo. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko ukol sa aking madilim na nakaraan."

-Jessa Dominador

-----------

Salamat sa pagsubaybay. Isiniwalat ko nalang ang Summary ng kwento ni Jessa gaya ng kanyang kagustuhan. Maybe I'll try to create my own Fictional Stories. Kung mayroon namang magsend muli sakin ng kanyang kainspire inspire na True Story ay baka gawan ko ito ng story. Maraming Salamat sa inyo. Siguro pansamantala muna akong magiging Reader dito. Nakakatuwa kasi ang mga Stories ni Sir Cloud and Sir Balderic. Kudos! Godbless!