1. Home
  2. Stories
  3. The Widower's First Love
Filipino Sex Stories

The Widower's First Love

By Fiction-Factory ·
(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw. -Courtesy of JWC)

It's been said that first love never dies, but what if you have found another love? Will you let that unforgettable feelings stay with you for the rest of your life, or will you give yourself a chance to love and to be loved again for the second time around?

Nagsimula ang lahat sa simpleng, "Hi, can u be my txtmate?" lang. That was a couple of months ago from now. Galing dun sa isa kong katrabaho yung number nya. Sinubukan ko lang naman syang itext nung minsang bored ako sa bahay, isa pa gusto ko yung name nya, isa yun sa dahilan kung bakit nakuha nya ang atensyon ko, ang napakaganda nyang pangalan. Ayun may konting sparks naman akong naramdaman, hanggang sa nagtuloy-tuloy at naging regular txtmates na kami.

Nung una trip lang, pastime lang, 'till I found myself enjoying our li'l conversation turning into li'l sweet sensation. Aba kanta yun ah! Anyway, tinanong nya kung may FB account daw ako. Umamin ako, sabi ko wala, eh sa wala naman talaga eh! Sa edad ko kasing 36 wala na akong hilig sa ganun, isa pa hindi ako ganun ka-techy, kaya naman hanggang call and text lang ako.

Now about our phone talks, oks naman, she has this soft small voice, yung tipong pabebe ba o pacute, but I find it really funny and good. Natutuwa talaga ako sa twing kausap ko sya sa phone. Kaedad ko lang sya pero kung magsalita sya parang teenage girl lang. Okay yun, it only shows na match made heaven kami, isang sassy hilarious girl with a very memorable name, and I, a serious kind of man, pero hindi ako boring ha!

And today, after so many thoughts of hezitations, I finally convinced myself for the so called eyeball. Kala ko anong eyeball yun, nakikipag-meet lang pala. Ayoko naman talaga nung una. Iniisip ko kase na baka sobrang ganda nya kaya malakas ang loob nyang makipag-meet. Pero may sinabi sya sa akin na nagbigay sa akin ng lakas ng loob para pumayag sa gusto nyang eyeball.

Ruby: Hanggang dito na lang ba tayo?
Alex: Ano'ng ibig mong sabihin?
Ruby: Sabi mo sa akin mahal mo ako kahit hindi mo pa ako nakikita, pinaniwalaan ko yon kase ganun din ang nararamdaman ko para sayo. Mahal din kita kahit hindi pa tayo nagkikita. Pero tanong ko lang, masaya ka na ba sa ganito lang?
Alex: Oo naman. Kung ano ang meron tayo, espesyal sa akin. Ikaw masaya ka ba?
Ruby: Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadyang manhid ka lang? Kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi ba dapat gumagawa ka ng paraan para makasama mo sya?

Ang totoo malinaw ko syang nauunawaan. Tama nga naman sya, gagawin lahat ng dalawang nagmamahalan magkasama lang sila. Pero sa lagay ba na to eh mahal ko nga ba sya? Posible nga kayang ma-inlove ka sa taong hindi mo pa nakikita? Minsan kase madaling mahulog ang loob natin sa matatamis at mabubulaklak na salita. At sa part ko naman, madali ko ring natatago yung mga bagay na hindi na dapat pang sabihin, kumbaga, puro magagandang bagay lang ang napag-uusapan namin.

Pero talagang kakaiba itong si Ruby. Straightforward sya, sasabihin nya kung anong gusto nyang sabihin, hindi sya marunong magpaligoy-ligoy. Sa palagay ko, kung ano sya sa text ganun talaga sya sa personal. Hindi sya plastik, pero hindi rin naman sya nakakapanakit ng damdamin, hindi sya sobrang pranka, alam nya kung saan sya pepreno.

Hmm...
Minsan ko na ngang natext sa kanya na mahal ko sya, pero sa pagkakatanda ko lasing lang ako noon. Alam mo naman pag lasing sumisidhi ang damdamin at umaagresibo. Ganunman, totoo namang may nararamdaman ako para kay Ruby. Gusto ko lagi ko syang kausap sa cellphone, lagi kong inaabangan text nya. Lagi narin akong nagreregister sa mga unlimited promos ng Globe. Ewan ko nga rin ba, basta hindi lilipas ang araw na hindi ko sya tinitext o tinatawagan.

Hindi lang naman yung feelings ko ang worries ko eh. Nung ibigiay sa akin nung katrabaho ko yung number nya, nung una ayaw ko talaga, pero sabi nya kunin ko na daw kase bagay na bagay daw kami. Kase biyudo daw ako habang sya hiwalay naman sa asawa. Tatlong taon na rin daw akong biyudo kaya okay lang daw kahit makipagrelasyon na uli ako sa iba.

Sa ikalawang pagkakataon na muli akong naging binata, marami akong naririnig tungkol sa pagiging single ko. May nagsasabing ituon ko na lang daw ang buong atensyon ko sa pagpapalaki sa kaisa-isa kong anak. Mayroon din namang nagsasabing humanap daw ako ng panibagong asawa, dahil darating daw ang araw na mag-aasawa din ang anak ko, babae pa naman, baka daw wala ng mag-alaga sa akin kapag tumanda na ako.

Sabi ko naman, mag-asawa man ako ulit o hindi, hindi ko pa rin pababayaan ang anak ko. Mahal na mahal ko kaya sya. Sa katunayan hindi ko sya itinago kay Ruby. Nung una pa lang sinabi ko na sa kanya na may sampung taong gulang akong anak na babae.

Hindi naman nagbago ang tingin nya sa akin, natuwa pa nga sya, sabi pa nya gusto din daw nyang makita ang anak ko. Kase daw kaedad lang nung anak ko ang pangalawa nyang anak...

Oo may anak na rin si Ruby, inasahan ko na yon, pero ang kinagulat ko ay nung aminin nya sa aking apat na ang anak nya. Ayos diba? Parang buy 1 get 4 promo lang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Aaminin ko na may pagaalinlangan sa akin na ipagpatuloy ko pa kung ano yung nasimulan namin.

But at the end of the day, it is still between her and I. Ang importante yung nararamdaman namin ni Ruby para sa isa't isa. Yun lang iniisip ko sa ngayon, tsaka ko na iisipin yung mga anak nya, tingnan ko muna kung ano kalalabasan ng unang pagkikita namin.

Nauna akong dumating sa tagpuan namin dito sa chowking sa SM Clark. Wala akong maisip na ibang lugar eh. Isa pa dito yung pinakaakmang lugar. Sa Mabalacat kase sya, ako naman sa Apalit. Ganun lang distansya namin, hindi malayo, hindi malapit pero nagawa pang tumagal ng dalawang buwan bago nagkita.

Ruby: Asan ka na?
Alex: Nandito na ako sa loob ng Chowking. Ikaw?
Ruby: Nasa loob na rin ako. San ka banda? Ano kulay ng suot mo?
Alex: Ako yung naka-black na shirt na nakaupo sa dulo. Eh ikaw?
Ruby: Ako yung babaeng naka-red na dress na nakatayo sa tabi ng pinto.

Paglingon ko sa pinto, nakita ko ang isang magandang babae na nakatayo sa tabi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko sya. Sigurado akong si Ruby yon kase naka-dress sya na pula, at sya lang naman ang nag-iisang tao na nakatayo doon.

Medyo kinabahan ako. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba sya o kung ano. Nahihiya kase ako dahil maganda sya, maputi, parang dalaga pa ring tignan kahit may apat na syang anak. Baby face sya at talagang may ibubuga. Habang ako... Nevermind...

Palingon-lingon sya sa paligid, malamang kasalukuyan nya akong hinahanap, patanaw-tanaw sya, at nang magtagpo ang aming mga mata bigla syang ngumiti sa akin.

"Patay! Bukas, wala na akong textmate!" yan ang unang sumagi sa isip ko nung kawayan ko na si Ruby.

Lumapit sya sa akin, hindi natanggal yung ngiti nya. Ginawa ko tumayo na lang ako at nagpakalalake, "Hi. Ako si Alex..." kahit nangangatog tuhod. Ano ba! Parang hindi ako 35 years old nito ah!

"Hi Alex. Ruby." tugon nya, "Nice to meet you."

Ang ganda naman talaga ng pangalan nya.

Nag-shake hands kami. Hindi matanggal ang mga mata nya sa akin habang magkahawak kami ng kamay. Hindi ko alam kung ano yung first impression nya sa akin, basta binigyan nya ako ng nakakatunaw na titig. Sabi ko nalang, "Upo tayo." para makaiwas sa nakakahumaling nyang mata, "Order muna tayo, ano ba'ng gusto mo?" sunod kong tanong.

"Ah. Kahit ano, ikaw na lang bahala." tanging nasagot nya.

Tumayo ako at iniwan ko muna sya sandali. Actually wala pa akong ideya kung ano oorderin ko, gusto ko lang makatakas sa mga mata nya, at sa karisma nyang nakakakilabot. Pagdating ko sa counter dun lang ako nakahinga ng maluwag. Parang bumalik ako sa high school days. Naalala ko tuloy yung nasira kong asawa. Sya lang kase ang naka-date ko ng ganito. Sana, nasaan man sya ngayon, sana okay lang sa kanya na may dini-date na akong ibang babae.

At ito ang napag-usapan namin ni Ruby nang balikan ko na sya sa table namin. Habang kumakain kasi kami tinanong nya, "Sya nga pala, ano pala'ng kinamatay ng asawa mo?".

Medyo kinagulat ko yun pero sinagot ko sya, "Ah yun ba? Cancer... Ang pinakamasaklap na sakit. Alam mo yung ano mang oras maaari kang mamatay, pero ang mas masakit don, unti-unti syang kinukuha sa akin." malungkot kong bigkas.

"Ah. Sorry kung natanong ko pa yun, gusto ko lang kasing malaman, kase gusto talaga kitang makilalala ng husto."

Napangiti ako sa narinig ko, "Okay lang. 3 years na din naman ang lumipas eh. Tanggap ko na hanggang doon lang talaga kami. Ika nga nila, lahat tayo mamamatay, at ang mahalaga sa buhay ay yung mga sandali sa buhay mo na inilagi mo sa mundong ito. Masasabi kong worthy naman yung lahat ng pinagsamahan namin noon."

"Alam mo tama ka... At para sa akin, mas nanaisin ko na yung nangyari sa inyo, kahit sa maikling panahon lang na nagkasama kayo, at least minahal nyo ang isa't isa at naging masaya kayo, kesa naman sa nangyari sa amin nung dati kong asawa..." sya naman ang naging malungkot.

"B-bakit naman?"

"Walang oras na hindi kami nag-away, wala syang pakialam kahit nasa harapan kami ng mga bata, kung sigawan nya ako parang hindi ako tao. Syempre tao lang ako, nagsasawa din at napupuno, pero sa kabila noon nagagawa ko pang tiisin yon, ang hindi ko lang mapalampas ay yung pambubugbog nya sa akin at sa mga anak ko, tapos nalaman ko pa na meron syang kirida, grabe, nalaman ko lang kung kailan apat na naging anak namin. Imagine that... Ang tanga ko noh?"

Natapos ang unang date namin na inilabas nya sa akin ang lahat ng saloobin at sama ng loob nya sa kanyang dating asawa. Ang weird, kahit puro masasamang bagay lang ang napagusapan namin tungkol sa dati nyang asawa okay lang sa akin. Para bang gusto ko lang makinig kahit halos puro pagmumura na lang maghapon ang lagi nyang sinasabi.

Totoong tao talaga sya. Hindi sya pahinhin effect o pa-angelic poise. Masaya talaga ako kase pinakita nya sa akin ang deepest side nya, which makes me feel comportable in front of her. Hindi ko lang alam kung ang pagkikita ba namin ay nakabuti o baka naman hanggang dito na lang kami?

Ang buong akala ko mawawalan na ako ng textmate. Akala ko hindi ako nagustuhan ni Ruby. Mula kasi nung magkita kami dumalang na lang sya magtext o magcall. Sinabi nya sa akin busy lang daw sya, akala ko nagdadahilan lang sya pero sa bandang huli nalaman ko na busy nga lang talaga sya.

Kase nung okay na kami, bumalik na kami sa dati. Hindi nga nabawasan yung pagka-sweet nya. Kung paano kami noon, ganun pa rin kami hanggang ngayon. Sa kabaitan at sa kagandahan ni Ruby, unti-unti na talaga syang napapamahal sa akin, unti-unti ko na syang minamahal.

Alex: Mahal na mahal kita Ruby. Pwede ba kitang maging girlfriend?
Ruby: Hmm... Pwede bang pag-isipan ko muna?
Alex: Ganun? Akala ko ba mahal mo rin ako? Sabi na nga ba eh. Siguro nahihiya ka lang sa akin kaya mo parin ako tinitext noh, pero deep inside ayaw mo talaga sa akin noh? Bakit, dahil ba hindi ako gwapo? Dahil hindi mo ako ma-display? Maiintindihan ko naman eh, basta sabihin mo lang agad...
Ruby: Haha Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Sa tingin mo ba ganun klaseng babae ako? Hindi ako ganun kababaw sa pagkilatis ng tao. Mahal kita Alex, totoo yun, pero gusto ko sana sa personal mo itanong yung tanong mo kanina, gusto ko harapan kang magtapat sa akin... Yun lang naman gusto ko...

Aaminin ko nung magkita kami ni Ruby sa Chowking libog ang una kong naramdamam. Sa mga oras na yon sex in bed ang unang pumasok sa isipan ko. Lalake ako, babae sya, at hindi lang basta babae kundi isang magandang babae. Sa edad kong ito hindi na ako yung tipo ng teenager na kinikilig, hindi na rin ako ganun ka-expressive sa sweetness of love, pero sa kabila nito alam kong mahal ko na si Ruby.

Paano nga ba matutukoy kung mahal mo na nga ba ang isang tao gayung alam naman natin na kaya tayong dayain ng emosyon at feelings? Para sa akin siguro, when you love what you feel, when you know how true you are to yourself, plus a bundle of joy. It's when someone gave you another meaning to the love that you used to know.

Nagkita ulit kami ni Ruby sa SM Clark, at sa pagkakataong ito hindi lang kami basta kumain lang sa Chowking, after non nanood kami ng Sine. Hindi ako mahilig manood ng movie, at hindi ko talaga gusto yung pinanood namin, pero ang nakakapagtaka lang bakit kahit isang segundo hindi man lang ako nainip? Maybe because love is so magical that it can make you enjoy the unenjoyable and gave you the will to do the things you don't used to do. How powerful but not commanding.

"O, ba't parang malungkot ka, tsaka bakit ang tahimik mo d'yan, hindi mo ba nagustuhan yung movie?" tanong sa akin ni Ruby paglabas namin sa sinehan.

"Gusto mong sagutin ko ng totoo yung tanong mo?"

Nagulat sya, "Huh?! Natural!"

"Alam mo Ruby, hindi ko gusto yung pinanood natin. Hindi ako fan ni Brad Pitt, at hindi ako kinikilig kay Angelina Jolie."

Bumagsak ang mukha nya sa kalungkutan, "G-ganun ba... Sige next time hindi na tayo manonoo--"

"Pero dahil kasama kita parang ayaw ko nang matapos yung pelikula..." pagpapatuloy ko.

Nakita ko syang nagblush, "Ikaw talaga umi-style ka pa d'yan!" tapos siniko nya ako.

"Halika na nga!" sunod nyang sabi kasabay ng pagkapit nya sa braso ko, sabay sandal.

Ganito sya habang naglalakad kami sa loob ng mall, medyo nakakailang pero gusto ko ang pagkapit nya sa braso ko, may namumuong kasiyahan sa dibdib ko, ngayon ko lang kasi naranasang maglakad sa mall na may babaeng nakahawak at nakasandal sa braso ko. Hindi nagawa sa akin ito nung dati kong asawa.

It is true that the sweet of love is ageless. Being in-love will make you feel like sixteen. After several years, ngayon ko lang naramdaman ulit ang excitement. Hindi ko akalaing sa edad kong ito kekerengkeng pa ako sa pag-ibig. Lakas makabata!

Walang pakialam si Ruby kahit pinagtitinginan na kami ng bawat taong madaanan at makasalubong namin. Hindi talaga nya binibitawan ang braso ko. Ako tuloy itong nahihiya para sa kanya, kase hindi sapat ang looks ko para sa kagandahan nya, feeling ko parang hindi kami bagay.

Mula non naging aware na ako sa sarili ko, at kinabukasan barbero ang una kong binisita, nagpagupit ako at nagpatanggal ng bigote at balbas, nagpamanicure at pedicure, bumili ng facial cleanser, deodorant, perfume at hair styling wax. Dati wala na akong pake sa hitsura ko, pero ngayon may inspirasyon na ako para muling magpagwapo.

Isang linggo lang ang nakalipas nasundan na naman yung date namin ng textmate kong si Ruby. Nagulat pa sya sa pagbabago ng hitsura ko, at mas pumorma na ako ngayon. Parang laging nakangiti ang puso ko sa twing mahuhuli ko sya na nakatingin sa akin, lagi nya akong sinusulyapan, I have this feeling na tinititigan nya ang mukha ko, at alam ko nakangiti sya. Dati ang baba ng tingin ko sa sarili ko, pero sa ginagawa nya nagkakaroon ako unti-unti ng self-esteem.

Tinuruan nya akong gumamit ng facebook dun sa phablet nya habang nakaupo kami sa isang bench sa loob ng mall, Sabi ko sa kanya bago nya ako turuang mag-facebook, turuan muna nya ako kung paano gumamit ng touchscreen phone.

Napatawa sya sa akin, "Gusto kita, hindi ka nahihiyang magtapat sa akin." sabi pa nya.

"Eh wala naman kasing nakakahiya don diba? Hindi pa kaya ako nakahawak ng ganyang cellphone." tugon ko.

"Ba't kasi hindi ka pa bumili ng bagong phone? Bakit ka nagtyatyaga d'yan sa Nokia N95 mo na yan?"

Nung una hindi ko alam kung paano ko sya sasagutin pero umamin na lang ako at nagpakatotoo, "May sentimental value kasi sa akin ang cellphone na ito."

"Hmm... Ganun ba... Siguro bigay sayo yan nung ex-wife mo noh?"

Ang awkward...
Dapat pa ba kayang pag-usapan pa namin ni Ruby ang tungkol sa ex-wife ko? Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ko yun ex wife, pero hindi ko rin naman masabi na hanggang ngayon wife pa rin ang turin ko sa nasira kong asawa.

Hindi pa ako nakakasagot nang muli syang nagsalita, "Ang swerte siguro nung napangasawa mo noh? Sa nakikita ko kase sa'yo mukhang naging napakabuti mong asawa."

"Huh? Pano mo naman nasabi yon?"

"Kase biruin mo ha, kung tutuusin cellphone lang yon, materyal na bagay lang naman yon pero pinapahalagahan mo parin kahit 3 years na syang wala."

Napatindig ako, "Hindi lang yun basta materyal na bagay lang, dahil parte yon ng pag-ibig nya sa akin!" at hindi ko napigil ang dila ko sa pagsabi nito.

Nagulat sya at biglang nalungkot, kaya agad akong humingi ng, "S-orry Ruby..."

"Okay lang... Ang totoo naiinggit lang ako. Magkaiba ang naging kapalaran natin sa pag-ibig. Kung ikaw nagawa mong itreasure ang mga bagay na binigay nya sayo, ako naman itinapon ko na lahat ng bigay nya at ibinasura ko na yung value nito..."

"Bakit naman? Kahit ba ganun kasaklap yung nangyari sa inyo, minsan na rin naman kayong nagmahalan diba?"

Huminga sya ng malalim, "Hmf! Para sa akin, lahat ng yon parte lang ng panloloko nya sa akin. Kung talagang mahal mo ang isang tao dapat tapat ka sa kanya at dapat hindi mo sya binubugbog at sinasaktan!"

"Eh ikaw, Minahal mo rin naman sya diba?" sapal ko.

Napatitig sya sa akin, akala ko magagalit sya, buti na lang ngumiti sya, "Siguro nga minahal ko sya, pero hindi ko na sya mahal ngayon. Love is just a feeling, and feelings can be erased, memories can be forgotten, and as the time goes by, you'll realized that nothing's left but hate and pain. Love is also the pain, that kind of love is pain and that love is my pain."

Marahil magkaiba kami ng pananaw pagdating sa pag-ibig, marahil magkaiba nga kami ng naging kapalaran, pero hindi ako sang-ayon sa narinig ko sa kanya, o baka naman dahil lang sa first love ko yung ex-wife ko, baka dahil hindi ko pa nararanasang magmahal muli?

At kung may salitang 'magmahal muli', ibig bang sabihin 'nagmahal ka dati'?
At kung nagmahal ka dati, ibig bang sabihin hindi mo na sya mahal ngayon?
At ang ibig lang bang sabihin nito, namamatay ang pag-ibig?

"Ruby..." sa pagbigkas ko ng pangalan nya nagkatinginan kami, "Sinubukan mo na bang bigyan ng second chance yung ex-husband mo?" masinsin kong tanong sa kanya.

"Huh? Hahaha" napatawa sya, "Alam mo Lex, yung deserving lang ang binibigyan ng second chance... In our case there's no room for a second chance, may malaking wall of faults na between us, so hindi ko na sya makita dahil mataas na yung wall. "

"Pero may posibilidad pa rin na magiba yung wall na yun diba?"

Pagkasabi ko nun hinawakan nya ang kamay ko, "Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo napagdaanan yung dinanas ko sa kanya, nasasabi mo lang yan kase hindi ka pa nakatayo sa sitwasyon ko. Tanong ko lang, ikaw, mahal mo pa rin ba yung ex wife mo hanggang ngayon?"

Natameme ako at natigilan sa tanong nya. Hindi ko inasahan yon, at hindi ko alam ang isasagot ko.

"O, ba't ka natahimik d'yan? Hindi ka makasagot noh? Kase mahal mo pa rin sya. Isa lang ang ibig sabihin nyan. Nung sabihin mo sa aking mahal mo ako pinaniwalaan kita. It's either nagsinungaling ka sa akin or the worst, mahal mo kaming dalawa..."

Sa palagay ko lumalalim na talaga ang usapan namin. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mata na para bang may pinangangambahan. Sasagot pa sana ako pero bigla syang tumayo.

"Sa tingin ko Lex, kailangan mo muna ng panahon para makapag-isip. Tawagan mo na lang ako kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo sa akin. Mas nanaisin ko na ang magkaroon ng ibang babaeng karibal, kaysa naman isa na lamang ala-ala ang kahati ko sa puso mo..." ang huling sinabi nya atsaka na nya ako iniwan.

Bago nya ako iniwan nakita ko ang luha sa kanyang mga mata. Ngayon nakita ko ng harapan kung gaano kaseryoso sa akin si Ruby, pero ngayon narealized ko din na hindi ko pa kayang pakawalan sa puso ko ang dati kong asawa.

Totoo nga kayang first love never dies?
Siguro kaya nasasabing first love never dies dahil sa mga memories na hindi malilimutan. Usually kasi sa first love natin mararanasan ang lahat, first kiss, first rose, first love lies, first love letters, first romance, first moments and maybe even first sex! Paano mo nga naman malilimutan yun?

Kasi yung first love mo definitely unforgettable, kahit ano pa'ng sabihin ng iba, doon natin mararanasan at matututo ng mga bagay tungkol sa pag-ibig at hindi ito madali tulad ng akala ng marami. Siguro masasabi ko may naging successful love at meron ding masasaktan o mawawala sa buhay natin ng dahil sa first love. Sure thing is, it will remain in our memories and heart 'till the day we die.

Pag-uwi ko sa bahay sinalubong ako ni Mama at ng anak ko. Nagmano sya sa akin, ako naman kay Mama, at ang unang tanong nya sa akin, "San ka galing? Kanina ka pa hinihintay ng anak mo, gawin nyo daw yung homework nya, naku ayaw nyang patulong sa akin, gusto daw nya ikaw."

Kumain muna kami bago ko tinulungan ang anak ko sa homework nya. Habang abala ako sa pagtuturo ng math equation sa anak ko pinagmamasdam ko sya habang kasalukuyan syang nagsusulat.

Hindi rin naging madali para sa anak ko ang pagkawala ng Mama nya. Gabi-gabi din syang umiiyak noon at lagi nya itong hinahanap. Buti nga ngayon medyo umu-okay na sya, pero paano ko ba sasabihin sa kanya na may ibang babae na akong napupusuan, na hindi magtatagal magiging bagong Mama na nya.

Hanggang sa pagtulog ko ito pa rin ang nasa isip ko. Kung sakaling maging kami ni Ruby, matatanggap kaya sya ng anak ko? Ituturin kaya syang pangalawang mama nito? At sa tingin ko may mas nakakatakot pa don. Kung sakali nga na magkatuluyan kami ni Ruby, matatanggap kaya ako ng mga anak nya, lalo na kung buhay pa ang tunay nilang ama? Mas mahirap palitan ang taong buhay pa.

Pagpasok ko sa trabaho kinabukasan tinawag ako nung katrabaho ko. Sya yung nagbigay nung number ni Ruby sa akin. Tinanong ko sya kung kaano-ano nya si Ruby at kung bakit nya naisipang ibigay yung number nito sa akin.

Na-touch ako sa naisagot nya, "Totoo nyan hindi nya gusto yung pagbibigay ko sa number nya, pero kalaunan nag-thank you naman sya, tapos lagi na syang nagtatanong tungkol sayo. Nagtataka nga ako kung bakit ka nya in-entertain, dati kase dinededma lang nya yung mga nirereto ko sa kanya. Mula kasi nung naghiwalay sila nung asawa nya naging man-hater na sya. "

Sa narinig ko hindi ko napigilan ang sarili ko. Naalala ko kasi yung feeling nung sabihan ako ni Ruby na mahal nya ako, tagos sa puso. Kinuha ko sa kanya ang address ni Ruby, at ang unang ginawa ko after work umuwi ako ng maaga, naligo at pumunta ako sa bahay nila Ruby upang pormal na umakyat ng ligaw.

Sa twing maiisip ko, mahirap magmahal ng isang babaeng tulad ni Ruby na may apat na anak at hiwalay lang sa asawa ng verbal. Walang katiyakan sa susunod na mangyayari, pero masusukat naman ba o matitimbang ang pag-ibig? Ang alam ko lang mas mahirap pigilan ang nararamdaman.

Kahit kaba sa dibdib lang ang bitbit ko ngayong gabi naglakas-loob pa rin akong bumisita kina Ruby. Gusto ko talaga syang makita at makausap. Sa tingin ko mahal ko na talaga sya, at sa palagay ko hindi ko lang malimutan ang alaala ng dati kong asawa at ang magandang buhay nung magkasama pa kami, pero hindi ibig sabihin non hindi ko mahal si Ruby o pareho ko silang mahal.

"O Lex, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong sa'kin ni Ruby pagbukas nya sa pinto.

"Aakyat sana ako ng ligaw sayo."

"Hahahah" napahalakhak sya, "Baliw! Halika na nga pumasok ka!"

Pinapasok nya ako at pinaupo sa sala. Akala ko galit sya sa akin dahil hindi maganda yung huli naming pag-uusap pero sa tamis ng ngiti nya mukhang masayang-masaya syang makita ako. Tapos sumigaw sya ng, "Mama, may bisita ako, yung boyfriend ko." na nagpakilig sa'kin.

Pinakilala nya ako sa Mama nya, na tulad ko isa na ring balo. Pinakilala din ako ni Ruby sa mga anak nya. Yung panganay nya 13 years old na. sumunod yung 10 na sinasabi nyang kaedad nung anak ko. tapos sunundan ng 8 at 6 years old.

Masaya naman ang unang pagbisita ko sa kanila. Mabait yung mama nya pati mga anak nya, tingin ko maganda yung pagpapalaki sa kanila. Isang malaking responsibilidad ang unang pumasok sa isip ko nung ma-meet ko sila, pero ni katiting hindi nagbago o nabawasan ang pagtingin ko kay Ruby. Mahal ko pa rin sya at ngayon ang mga anak nya ay parang mga anak ko na rin.

Minsan sa buhay kung kailan masaya ka na dun pa aatake ang mga kontrabida. Andaming kontra! Makalipas kasi ang isang linggo si Ruby naman ang dinala ko sa bahay at opisyal na pinakilalang girlfriend ko sa mga magulang ko at mga kapatid.

Akala ko okay yung kinalabasan. Nakangiti kasi silang lahat at pinakitunguan nila ng maayos si Ruby, pero pag-alis naman nya kinausap ako nila Mama, Ate at yung isa kong Tita na kapatid ni Mama.

"Ano kamo?! Apat na anak non?!"

"Mag-isip ka nga! Kapag nagkataon ikaw ang aako sa responsibilidad nung Ama nila!"

"Parang kang kumuha ka ng malaking bato na ipupukpok mo sa ulo mo!"

"Marami namang ibang babae d'yan pero bakit sya pa?"

Nauunawaan ko ang ibig nilang sabihin, pero hindi ko kinakatakot yun, at ni minsan hindi ko nakita ang mga bagay na yon, wala lang sa akin yon. Siguro totoo nga yung sinabi nilang love is blind. Well, love is really blind and deaf when you see nothing but love and you hear nothing but heartbeat.

Hindi ko pinakinggan kahit ano pang sabihin nila. Wala akong balak layuan si Ruby, at sa ginagawa nila lalo lang lumalalim ang feelings ko for her. Kung bulag ako at walang ibang pinakikinggan kundi si Ruby, naniniwala akong ganoon din sya sa akin.

Araw ng fiesta. Lahat abala sa kani-kanilang ginagawa. Ako naman nanonood lang ng tv habang hinihintay si Ruby. Inimbitahan ko kase sya, at sabi ko isama nya ang mga anak nya para makilala sila dito sa bahay.

Ilang minuto ang lumipas pinasok ako nung pinsan ko upang anyayahang mag-inuman. Nung una tumutol ako at sinabing mayroon akong hinihintay na bisita, pero mapilit sya dahil kinaladkad nya ako palabas ng bahay. Wala na akong nagawa nung makita ako nung mga tito ko na nakapwestong umiinom sa tapat ng videoke.

Tinawag nila ako at pinaupo, tinagayan at sinabihang, "Ang dalang lang nating magsama-sama, d'yan ka muna, umalis ka na lang pagdating nung bisita mo."

Hinarap ko muna sila habang hinihintay ko si Ruby. Wala silang ideya kung sino ang bisita ko kaya siguradong magugulat sila kapag nakita nilang girlfriend ko ang darating kasama ang apat nyang anak.

Ruby: Nandito na ako sa tapat ng gate ng bahay nyo.
Alex: Ba't 'di ka pa pumasok? Nandito kami sa likod.
Ruby: Ihh, sunduin mo 'ko dito.
Alex: Okay. Hintayin mo ako lalabas na ako.

Pagkatapos kong magpaalam sa mga kainuman ko pinuntahan ko na si Ruby. Nadatnan ko sya na padungaw-dungaw sa gate.

"O, ba't ikaw lang? Nasaan na sila?" tanong ko sakanya nung mapansin kong wala syang kasama.

"Sa susunod ko na lang sila isasama, nasa school kasi sila."

Pagbukas ko ng gate nagulat ako nang makita ko sya. Naka-fitted long sleeves kasi sya na talagang hapit sa brest nya, medyo manipis pa ang tela kaya medyo naaaninag ang kulay ng suot nyang bra, tapos naka-perfect shorts sya na sobrang ikli, litaw na litaw ang mabibilog at mapuputi nyang hita.

Nagulat lang ako kase hindi ako sanay na makita syang ganito ang suot. Okay lang naman sa akin yon, mas malala pa rito ang nakikita kong sinusuot ng ibang kababaihan sa panahon ngayon, pero ang inaalala ko sina Mama at sina Lolo't lola, alam mo naman ang matatanda hindi sanay sa ganito ka-revealing na kasuotan.

"Tara pasok ka." paanyaya ko.

"Marami ba kayong bisita? Baka nakakahiya naman."

"Ano ka ba, ba't ka naman mahihiya? Puro kapamilya ko lang ang nandito."

Sa ganda ni Ruby sobrang proud ako at sabik na ipakilala sya sa iba ko pang kaanak. Parang reunion na rin twing fiesta kaya kumpleto talaga ang pamilya. At sa kabila nito ay ang takot ko na mauna pa ang panghuhusga nila kay Ruby kesa pagkilala.

Tulad ng inaasahan ko pinagtinginan talaga si Ruby, mula ulo hanggang paa. Lalo na yung mga tito ko at mga pinsan na parang hinuhubaran na si Ruby sa lagkit at tagos ng tingin nila. Okay lang naman sa akin yon, parte lang yon ng pagkalalake, tanda lang ito ng pagiging hot ng girlfriend ko.

Habang kumakain kami ni Ruby nakapalibot sa amin ang mga elders, ano pa nga ba't sandamakmak na tanong ang ka. ilang inihain, pero bilib talaga ako kay Ruby kase kahit ano'ng itanong nila sumasagot sya ng maayos at diretsahan ngunit may paggalang. Hindi ko inexpect na ang jolly-easy-lucky girl ganito pala katalino kapag matanda na ang kaharap. Nakita ko yung matured side nya, and I find it very lovely.

Pagkatapos namin kumain tinawag kami ni Tito at pinaupo nya kami sa inuman. Ayoko sana pero sabi ni Ruby okay lang daw sa kanya, gusto daw nyang makilala ang mga tito at pinsan ko, at gusto nyang maka-bonding para maging comfortable daw sya sa kanila.

Isang basong redhorse ang sumalubong sa akin na mabilis kong linagok. Sa pag-upo namin ni Ruby sya naman ang inabutan ng tagay ng pinsan kong tanggero. Nung una ayaw itong tanggapin ni Ruby at sinabing hindi sya umiinom, pero sa ikalawang pilit kinuha nya ang baso at pikit-mata nyang tinagay ang laman.

Halatang hindi talaga sya sanay uminom, nagreklamo pa sya sa akin na mapait daw. Kaya yung ikalawang tagay na inaabot sa kanya tumanggi na talaga sya, at sinabi na lang nya na kakantahan na lang daw nya kami. Sinalo ko na lang yung tagay nya.

Binigay sa kanya yung mic at tumayo sya at humarap sa videoke kahit random song ang nakasalang. Pinagmamasdan ko sya habang kumakanta sya, hindi sya ganun kagaling pero marunong syang kumanta, at lalo akong nai-inlove sa kanya habang pinapanood ko sya.

Inabot kami ng dilim sa kasiyahan namin. Marami na rin kaming nainom. Hindi pa ako lasing pero sinadya kong maglasing-lasingan para makapagpaalam na sa kanila. Pero hindi ko sinadyang magpahatid kay Ruby sa aking kwarto.

Naglasing-lasingan ako dahil pinangangambahan kong dumating yung mga ex-in laws ko, alam ko pumupunta talaga sila twing gabi ng fiesta dahil kahit papano apo parin nila ang anak ko.

Nakaakbay ako kay Ruby habang naglalakad papunta sa aking kwarto, medyo nahihilo na rin ako pero alam kong kaya ko pa, at hindi ko alam kung bakit hinayaan lang nila na si Ruby ang maghatid sa akin sa kwarto ko.

Pagpasok namin sa kwarto sinindi ni Ruby ang ilaw, binagsak nya ako sa aking kama at inayos ang pagkakahiga ko, "Okay ka lang ba ha? Uuwi na ako, bukas na lang ulit tayo magkita." sabi nya sa akin.

Bago pa nya magawang umalis hinawakan ko ang kamay nya sabay hablot. Nawalan sya ng balanse at natumba sya sa akin, sinalo ko sya ng yakap sabay bulong, "Dito ka muna, dito ka na lang matulog, ihahatid na lang kita bukas ng madaling araw."

"Hindi pwede Lex! Baka ano pa isipin nila kapag dito ako natulog." pagpupumiglas nya.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon, siguro dahil lang sa alak kaya umiinit ang pakirandam ko. Pero inaamin ko rin na gusto kong makasiping ngayong gabi si Ruby.

Hinahalikan ko sya sa labi pero umiiwas sya, "Lex, ano ba?! Lasing ka na, matulog ka na okay?!"

"Ruby, mahal kita..." bulong ko sa kanya tapos pinagpatuloy ko ang halik.

Tinitikom nya ang bibig nya at pilit nya akong tinutulak palayo. Gusto nyang tumayo upang humiwalay sa akin pero hindi nya magawa dahil sa higpit ng yakap ko.

"Lex, ano ba yan, amoy alak ka!" sa twing bubuka ang bibig nya sa pananalita, halik ang sinasagot ko. Ang tamis ng kanyang mga labi, ang init ng hininga nya, ang sarap nyang halikan.

"Shh... Huwag kang maingay, baka marinig nila tayo sa labas." bulyaw ko.

"Hmm... Hehe Ikaw talaga pilyo ka!" pagkasabi nya, nagulat ako nang sya naman ang humalik sa akin.

Dama ko ang pagmamahal ni Ruby sa kanyang matatamis na halik. Kakaibang ligaya ang nararamdaman ko sa puso ko. Sa mahigit tatlong taon na wala akong labing nahalikan, walang balat na nahaplos at walang katawang babaeng nakayapak sabik na sabik talaga ako.

Sumidhi ang aming halikan na nauwi sa hubaran. Bukas ang ilaw, maliwanag kaya bulgar na bulgar ang sa paningin ko ang hubad na katawan ni Ruby. Feeling ko parang first time ko ulit. Bawat haplos, bawat salat, bawat pintig ng puso ko parang ngayon ko lang nararanasan.

Pinatuwad ko si Ruby sa ibabaw ng kama, pinasok ko sya mula sa likuran matapos kong himurin at lasapin ang mainit at malinamnam na pagkababaeng aking papasukan.

"Uuhhhmmmffff Aahhhhggg..." pigil na pigil ang daing ni Ruby nang simulan ko na syang sipinagan. Pareho kaming hinihingal at pawis na pawis.

Pinagbuklod kami ng aming pagmamahalan, pinag-isa kami ng pag-ibig in the most special and erotic way. Naririnig ko ang heartbeat nya, ramdam ko ang panginginig ng katawan nya. Wala syang balak kumontra nang maabot ko ang orgasmic tenderness sa loob nya.

"I love you Lex..."

"I love you Ruby..."

Kinabukasan nagising ako na wala sa tabi ko si Ruby. Pagtingin ko sa cellphone ko nakita ko may text sya, *"Good morning mahal ko... Pasensya na hindi na kita ginising, tulog na tulog ka kasi. I love you."*

Nanatili akong nakahiga sa aking kama habang sinasariwa ang nangyari sa amin ni Ruby kagabi. Masayang-masaya ako dahil gustong-gusto ko yung nangyari sa amin. Pinikit ko ang aking mga mata upang muling lasapin ang bawat halik at haplos nya sa akin.

Each and every love is a first love, just like first kiss. They differ in meaning, each have different feelings and emotions. It was'nt the same love that I felt before, this time, it's sweeter and lovelier...

Nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, "Mama?" napaupo ako.

Dire-diretso sya at nung malapitan nya ako bigla nya akong binatukan, "Hoy Alex! Mag-usap nga tayo! Ano na naman ba'ng pumasok sa kukote mo at dito mo pinatulog ang babaeng yon?"

"Babaeng yon?! Mama naman, girlfriend ko yun eh, sya ang babaeng mahal ko okay?"

"Ah. may gana ka pang sumagot ng ganyan ha! Anong klaseng babae naman ba yang mahal mo, nakikitulog sa bahay ng lalake, tapos nakikipag-inuman sa mga kalalakihan?"

"Ma, walang patutunguan ang usapan natin, hindi naman uminom si Ruby eh, nandun lang sya para makisama at kung natulog man sya dito, yun ay dahil ako ito, boyfriend nya, hindi naman sya nakikitulog sa bahay ng ibang lalake eh!"

"Ah talaga anak?! Paano ka naman nakakasiguro? Gaano mo na ba sya kakilala ha? Pano mo nasigurong mahal ka nya gayung tatlong buwan palang ata kayong magkakilala?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot ng, "Ma, alam nyo ba kung ano trabaho nya? Teacher sya sa highschool, may profession sya pero gusto pa rin nya ako kahit construction worker lang ako, wala syang pake sa estado ng buhay ko. Tsaka tignan nyo naman kung gaano sya kaganda pero wala pa rin syang pake kahit ganito lang ako. Sana Ma, huwag lang puro kapintasan ang nakikita nyo sa kanya. Huwag nyo syang husgahan sa kung ano lang ang nakikita ng inyong mata."

Natahimik ang kausap ko atsaka na lang umalis. Alam ko hindi lang ito ang problemang kahaharapin namin ni Ruby, alam kong mas matindi pa dito ang dadaanan namin sa hinaharap. pero ngayong may nangyari na sa amin ni Ruby, nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko sya bibitawan, hindi ko sya iiwan at sa abot ng makakaya ko hindi ko sya sasaktan. It's the 'here and now love' that matters most.

Siguro wala ngang perfect relationship, siguro wala ngang complete love and joy, pero hanggat nabubuhay ako, hanggat mahal ako ni Ruby, i'll do my best and will give my all to make no mistake and make our relationship successful and joyful forever.

After a year nagtext ako kay Ruby gamit ang new touchscreen phone ko na gift sa akin ni Ruby.

Viber:
Alex says: Ruby, ang totoo nyan hindi ako marunong mang-surprise...
Ruby says: Huh?!
Alex says: Wala rin akong alam na gimik at hindi ako marunong magpropose?
Ruby says: Baliw! Ano bang sinasabi mo? Pinapakaba mo naman ako eh.
Alex says: Ruby, dito ko na lang sasabihin ha? Will you be my first love that will never die? Will you marry me?
Ruby says: Niloloko mo ba ako? Magpo-propose ka ng marriage sa viber lang? tadyakan kita dyan eh!
Alex says: Gusto mo ba personal pa? Sige, lumabas ka sa bahay nyo.

Inaabangan ko syang lumabas sa tapat ng front door nila, pero dumungaw lang sya dun sa sliding window, "O, ano'ng meron at bihis na bihis ka? Mag-aanak ka ba ng binyag?" pang-aasar nya sa akin nang makita nya ang porma ko.

May dala nga pala akong isang boquet ng red and white roses na syang ibinigay ko sa kanya, "Para nga pala sayo."

Pagkakuha nya isang tuhod akong lumuhod sa lupa na sa buong talambuhay ko ngayon lang ako lumuhod sa harap ng babae, sabay dukot sa bulsa ko ng singsing,
"Ruby, mukhang mali yung tanong ko kanina kaya uulitin ko... Will you marry me and be my first ever love untill the day I die?"

"Yes!" maluha-luha nyang sagot.

Past is just past. No matter how much tears you'll shed, it will not bring back what is already gone. Huwag kang magkulong sa isang silid ng alaala, lumabas ka paminsan-minsan. Search for a new door, and always remember that a new beginning has nothing to do with the past. It was'nt the same feelings, it was'nt the same love.

*TAPOS*

"The Widower's First Love"
Fiction-Factory©FSS2016

Deleted Scene and Lines...

Akala ko okay yung kinalabasan. Nakangiti kasi silang lahat at pinakitunguan nila ng maayos si Ruby, pero pag-alis naman nya kinausap ako nila Mama, Ate at yung isa kong Tita na kapatid ni Mama.

"Ano kamo?! Apat na anak non?!"

"Mag-isip ka nga! Kapag nagkataon ikaw ang aako sa responsibilidad nung Ama nila!"

"Parang kang kumuha ka ng malaking bato na ipupukpok mo sa ulo mo!"

Naalala ko yung sinabi sa akin nung dati kong asawa bago sya namatay. Yun yung time na nalaman naming may taning na ang buhay nya, at ano mang oras maari na syang mamatay.

Sabi nya, "Lex, gusto ko sana kapag namatay na ako, gusto ko sanang isama ang pag-ibig mo sa hukay ko, gusto ko ilibing mo ito kasama ko. Balang araw may isang babaeng darating sa buhay mo, gusto ko magmahal ka ulit. Isang araw babalik ako, gusto ko mahalin mo ako ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin ngayon. Mahal na mahal kita..."

"Mahal na mahal din kita... Pangako hihintayin kita at mamahalin ulit kita Ruby..."