1. Home
  2. Stories
  3. Time Machine - Chapter 1 ( Original Story )
PSErotica

Time Machine - Chapter 1 ( Original Story )

By supertoyantz ·

Chapter 1 - Time Machine
Masakit ang ulo ko pagmulat ko ng mga mata.. Nanlalabo pa ang paningin ko... Parang binibiyak ang ulo ko.. Sinanay ko ang mga mata ko sa paligid.. Malambot na kama ang nararamdaman ko sa likuran ko.. Kinusot ko ang mga mata ko at pilit inaninag na ang kabuuan ng paligid..
Marangyang silid ang tumambad sa mga mata ko..Mukhang mayaman ang may-ari ng kinaroonan ko.. Pinilit kong tumayo ng maramdaman ko na naman ang sakit na lumatay sa ulo ko.. Napasandal akok sa headboard ng kama at hinilot ang sentido ko...Pilit kong inaalala kung bakit ba sumakit ng ganito ang ulo ko...
"Shet naman na migraine toh.. San ba ako galing at bakit parang nahihiwa ang utak ko?.." inis kong tanong sa sarili ko...
Muli kong binalikan ang mga ginawa ko sa buong maghapon.. Kumain ako ng almusal.. Nagkwentuhan kami ni Lola.. Nagtanghalian.. Nakatulog sya habang nagbabasa ako.. Naglibot libot ako sa bahay at nakarating ako sa basement..Teka.. Basement?..
Napalikwas ako ng bangon.. Muling lumatay ang kirot sa ulo ko.. Unti unting bumalik sa akin ang mga pangyayari.. Muli kong sinuyod ang paligid.. Parang pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.. Dumapo ang paningin ko sa isang malaking portrait ng dalawang tao.. Mukhang mag asawa.. Kahit na kumikirot ay pilit akong bumangon upang lapitan ang nasabing larawan.. Iinot inot akong lumapit at tinitigan ko ito.. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa ng makita kong ang larawan ni Lolo at Lola na nakadamit pang kasal ang nasa larawan.. Mukang nasa silid ako ni Lola.. Nakahiga ako sa kama nya at mukhang panaginip lang ang lahat..
"Pakshet kase.. Too much fantasy movies kaya eto ang nangyari sa aken.. aHaha.." tinatawan ko ang sarili ko..
Pumwesto ako sa terrace at pinagmasdan ang malawak na taniman ng manggahan.. Mukhang magaganda ang aanihin naming mangga sa susunod na anihan.. Kitang kita ko sa pwesto ko ang maliliit pang bunga ng mga mangga.. Sa tantya ko ay lampas na limpung mangga ang nakatanim sa likod ng mansyon ni Lola Francheska.. Mayaman talaga ang pamilya nila.. SAbi ni Lola, nuong panahon pa daw ng Lolo ni Lolo Ismael mula ng taniman ng mga mangga ang lupain.. And that was 100 years ago pa..
Muli akong napangiti at lumanghap ng sariwang hangin.. Sa kabila ng yaman nila Lola ay nanatili syang nakatapak sa lupa.. Humble.. Muli kong naramdaman ang nag uumapaw na pagmamahal para sa abuela ko.. Nakangiti pa rin ako at unti unti ng nawala ang kirot sa ulo ko.. Muli kong pinagmasdan ang manggahan.. Pilit kong inaabot ang dulo nito pero alam kong mabibigo ako.. Masyadong malawak ang taniman.. Sa dulo nito ay may ilog na napakalinaw ng tubig.. Dito ko paboritong maligo nuong bata pa ako.. Kasama ng mga pinsan ko .. Nasabik akong muling makaligo dito.. Eto ang isa sa mga binabalik balikan ko dito sa probinsya.. Ang sariwang hangin at simpleng buhay.. Talagang hahanap hanapin mo ito lalo na kung matagal kang mamamalagi sa lungsod kung saan kabaligtaran ang makikita mo..Mabaho at polluted na hangin.. Dagdag pa na maalinsangan talaga.. Halos di na nagpapansinan ang mga tao dahil sa pagiging abala sa paghahanapbuhay.. Sabi ni Lola di daw dapat ganun.. Binigyan ka ng Diyos ng buhay kaya dapat mag enjoy ka.. Napangiti na naman ako ng maluwang ng sumagi sa isip ko ang mga pangaral ni Lola.. Buhay na buhay ang prinsipyo nya at matinding pananalig sa Diyos..
Muli kong sinuyod ng tingin ang taniman.. Nawala ang ngiti ko ng mapako ang paningin ko sa isang matayog na mangga.. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.. Kitang kita ko kung paano pumuslit ang isang babae papunta sa nasabing puno ng mangga.. May hatak hatak syang mahabang kawayan..Maya maya lumingon ito sa paligid .. Agad akong nagtago sa balustre ng terrace.. Sinilip ko sya.. Panungkit pala ang mahabang kawayan na hatak hatak nya.. Maya maya abala na sa panunungkit ang babae.. Sa distansya namin na halos limampung metro.. Kita ko na may itsura sya.. Mahabang duster ang suot nya.. Nakatsinelas lang.. Hanggang likod ang buhok.. Di ko masabi kung talagang maganda...Napangiti ako ng maglaglagan ang mga mangga at taranta syang umiiwas.. Di ko na pigilan ang tawa ko ng malaglagan sya ng isang mangga sa ulo.. Napangiwi ang babae.. Lalong lumaki ang ngiti ko ng sipain nya ang mangga na parang bang sinisisi ito dahil sa pagkakabagsak ng isang bunga mismo sa ulo nya.. Maya maya napansin ko ang isang babae na nagwawalis sa di kalayuan.. Muli kong sinilip ang babaeng nangunguha sa mangga.. Nakita na rin pala nya ang nag wawalis na babae at dali dali nyang inimis ang mga nalag lag na mangga.. Di na nya nakuha pang kuhanin ang panungkit nya at tumalilis na ng takbo.. Napabungisngis ako ng halos madapa sya sa pagpuslit upang wag makita ng babaeng nagwawalis ang pangunguha nya ng walang paalam.. Napailing na lang ako at natawa..
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko upang silipin ng mabuti ang nagwawalis na babae... NAkatalikod ito sa direksyon ko.. Tatawagin ko sana sya ng upang alamin kung sino ng makarinig ako ng kaluskos sa labas ng pinto.. Napangiti ako dahil alam kong si Lola o di kaya si NAnay Teresa ang nasa labas.. Dali dali akong nagpunta sa pinto at binuksan ito.. Nakangiti kong sinalubong ng yakap kung sino man ang kakatatok sana.. Di ko alam kung sino sa amin ang mas nagulat.. Sya ba o ako.. Pero sa palagay ko ay ako dahil halos tumigil ang ikot ng mundo ko..
"Gising ka na pala iho..Kumusta ang pakiramdam mo?.." nakangiting tanong ni Lola Francheska..
Gusto ko ng sumigaw .. NAsa harap ko ang pinabatang bersyon ni Lola.. Matanda pa rin sya pero batid kong nabawasan na ng halos dalawampung taon ang edad nya.. Parang nanlambot ang tuhod ko at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot na kanina lang ay akala kong nawala na..
"L-lola?." halos lunukin ko na ang dila ko..
"Ako nga apo.. " sabi ni Lola na nakangiti pa.. Malakas na malakas ang pangangatawan nya..
"P-pero...B-bakit parang bumata kayo?.." tanong ko sa kanya.. Gulong gulo na naman ako.. Akala ko panaginip lang ang lahat..
"Dahil bumalik ka sa panahon apo.. Eto ang bahay ko .. At ngayong oras mismo ay ang araw ng kapanganakan mo.." sabi no Lola.
Nanlaki ang mga mata ko.. Di ko lubos maisip kung nagbibiro lang ba si Lola.. Ang lakas naman ng trip nya kung ganuon.. Pero ang itsura nya..
Lalong kumirot ang ulo ko.. Pilit na namang nagsusumiksik sa isipan ko ang mga pangyayari.. Nakaramdam ako na parang naduduwal na ako.. Umikot na namana ang paligid at parang dumidilim.. Naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa sahig.. Bumagsak na rin ang kamalayan ko sa malalim na kadiliman..

NAgmulat ang mga mata ko.. Malabo na naman ang paligid.. Kinusot ko ang mga mata ko at pilit na sinanay ang paningin sa paligid..Madilim na pala.. Mukhang nakatulog na naman ako.. TAtayo na sana ako ng maalala ko ang mga pangyayari..Nakaramdam na ako ng kilabot dahil mukang napaglalaruan na ata ako ng kung anong nilalang..Litong lito ang pag iisip ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si Lola at may dalang tray ng pagkain..Sumiksik ako sa headboard ng kama at nagtalukbong ng kumot..Nanginginig na ako at mainit ang pakiramdam ko sa katawan ko.. Mukang lalagnatin pa ata ako.. TAkot na takot ako sa ideyang nakabalik nga ako sa nakaraan..Kung totoo man nga iyon.
"Oops.. Wag ka na namang hihimatayin.. Para ka namang babae apo.. Daig mo pa ako ah.. Haha.." sabi ni Lola habang tumatawa.. Mataginting ang tawa nya at halatang malusog pa ang pangangatawan..Nilapag ni Lola ang dala nyang tray sa lamesa sa tabi ng kama.. Inabot nya sa akin ang isang baso ng gatas at pinilit na inumin ko daw...Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko.. Humahagod ang mainit na gatas sa sikmura ko.. Nuon ako nakaramdam ng gutom.. Kumalam bigla ang sikmura ko na syang lalong ikinatawa ni Lola..
"Oh kain na.. Alam kong kanina ka pa walang kain.. Ikaw ba naman ang himatayin ng dalawang beses.. Haha.." bumungisngis si Lola .. NApangiti na rin ako nagsimulang sumubo kahit papaano..
Matapos kong kumain ay inimis ni Lola ang pinagkainan ko.. Pinigilan ko sya at sinabing ako na pero sinaway nya lang ako at pinahiga.. Babalik daw sya..Lumabas si Lola dala ang pinagkainan ko... Saglit lang naman syang nawala at pagpasok nya ay agad nya akong pinausog.. Tumabi sa akin si Lola at di na ako nahiyang yakapin sya.. Tila kumukuha ako ng lakas sa kalinga ni Lola.. Masuyo nya naman akong niyakap.. Di pa rin nagbabago ang amoy ni Lola...
"La.. Bakit ganito?.. Bakit di man lang kayo nabigla na nakita nyo ako?.. Panu nangyaring nakabalik ako sa nakaraan?.. Ako ba talaga yung ipapanganak nung babae?.. Si Mommy ba yun?.." sunod sunod na tanong ko ng makabwelo ako..
"Oy.. Dahan dahan lang apo at mahina ang kalaban.. Tama ka... Ikaw nga yon.. Ngayon ka ipapanganak ng Mommy mo.. at sa nakikita kong itsura mo ngayon.. Mukang malusog naman at normal ka nyang ipinanganak.." sabi ni Lola at saglit nya pa akong tinitigan..
"Eh panu nga po Lola na nakabalik ako?.. " gulong gulo na talaga ang isip ko..
Napansin kong parang natahimik si Lola.. Tiningala ko sya at nakita kong nakatingin lang sya sa tapat at parang napakalalim ng iniisip.. Muli kong kinulit si Lola at parang nagulat sya at nagising sa malalim na pagmumuni muni..
Ngumiti ng mapait si Lola.. Huminga sya ng malalim at nagsimula ng magkwento..
"Alam mo apo.. Matigas talaga ang pagtanggi ko sa inyong mag pipinsan lalo na sa iyo na bumaba sa basement.. Pero sa nakikita ko ay sadyang matigas ang ulo mo.. Kaya nagpunta ka parin at sinuway ang utos ko.." sabi ni Lola .. Nanliit ako dahil ito ang unang pagkakataon na sumuway ako sa mga utos nya.. Napayuko..
"Sorry po La.. Sorry po.." bulong ko..
"Ayos lang yon apo.. Mukang nakatadhana na talaga na madiskubre mo iyon .. Kahit anong pigil ang gawin ko ay di na talaga maiiwasan.. Napatagal ko lang ng kaunti ang pagkakabunyag mo sa bagay na iyon pero sa huli ay nagtagpo pa rin kayo.." sabi ni Lola.. Tumingala ako sa kanya at nakita kong parang nangingilid ang luha sa mga mata nya... Parang mabigat sa loob nya ang nangyari.. Lalo akong na curious...
Tumahimik muli si Lola.. Pero sandali lang ito..
"Mukhang oras na para malaman mo ang isang bahagi ng nakatagong katotohanan apo.. " mabagal na sabi ni Lola..
Lalo akong naging curious.. Masyadong pa suspense itong si Lola ..
"Alam mo ba kung ano ang nakita mo sa basement apo?.. Yung parang makinang panahi na may mga numero at kambyo sa haparan?.." tanong ni Lola..
Nuon ko napagtanto na malakas syang mambitin.. Grabeh na ang suspense.. Pakiramdam ko ay matutuklasan ako na di ko dapat matuklasan.. Pero eto na nga at malapit ng mabilad sa mukha ko..
"Hindi ko alam kung saan galing ang bagay na iyon.. Natuklasan ko lang ito ng minsang sundan ko ang Lolo mo dun nga sa basement.. Nuong una halos mag away kami dahil ayaw nyang sabihin ang tungkol sa kung anung meron sa bagay na iyon.. Pero matigas ang paninindigan ko na dahil sa mag asawa kami ay dapat kong malaman ang tungkol duon.. Halos lumipas ang ilang linggo bago nya naipagtapat ang tungkol duon apo.. " sabi ni Lola na parang naglalakbay na sa nakaraan..
Unti unti na akong nakaramdam ng pressure.. Di ko pa nakikilala si Lolo.. Pero sa pag dedescribe sa aken ni Lola sa araw araw naming pag kukwentuhan..Parang nakilala ko na rin sya ng personal..
"Ang Lolo mo ang isa sa pinakamayang tao dito sa probinsya natin.. O baka sa buong Pilipinas pa apo." mapait ang ngiti ni Lola.. Parang ayaw nya ng ideyang yun.. Nanlaki ang mga mata ko sa isiping mayaman pala talaga sila Lolo..
"Pilit na naging mapagkumbaba ang Lolo mo iho..Isa sa mga ugali nya na talagang mahal na mahal ko.. Katulad ka nya.. Di ko maipagkakaila ang pagiging magkamukha niyong dalawa.. Kaya mahal na mahal din kita.." masuyong sabi ni Lola.. NApangiti naman ako..
"MAhal na mahal din po kita Lola..Kwento mo na kasi.." kulit ko sa kanya.. Natawa sya at ginulo ang buhok ko..
"Isa lang ang ayaw ko sa Lolo mo.. May ugali sya na kapag may problema ay sinosolo nya.. Ayaw na ayaw nyang namomroblema ang mga tao sa paligid nya.. Maganda sana.. Pero di naman sya superhero para kayanin ang lahat .. Isa pa mag asawa kami, sabi nga sa lumang kasabihan kapag ikinakasal ka.. For richer or for poorer, Through thickness and in health..Till death do us part..Pero sa ugali ng Lolo mo.. Kapag may problema, kadalasang nalalaman ko na lang ito kapag tapos na.." sabi ni Lola.
Ganuon pala si Lolo.. MAy pagkakapareho nga kami.. Ayaw ko rin na problemahin ng iba ang isang problema hanggat kaya ko pang gawan ng paraan o solusyon..
"Bago ko pa man sya makitang magpunta sa basement... Parang balisa sya ng araw na iyon.. Tandang tanda ko iyon dahil may maganda sana akong balita sa kanya.. Ng araw na iyon ay nalaman kong nagdadalangtao sa ama mo.. Kay Ismael Jr.." kwento pa ni Lola.. Maging ako ay parang naglakbay na rin ang imagination ko.. Pilit kong iniisip at isinasabuhay sa isip ko ang mga pangyayaring kinukwento ni Lola..
"Sinabi ko sa kanya ang magandang balita.. Akala ko matutuwa sya pero parang nalungkot sya..ramdam ko kahit nakangiti sya..Bago pa man kami naging mag asawa ay naging mag kaibigan kami ng matagal.. KAya kabisado ko ang takbo ng utak ng Lolo mo..Niyakap nya lang ako.. at sinabing magpahinga na.. Gabi na kasi nuon at katatapos lang naming mag hapunan.. Matutulog na nga sana kami ng sabihin ko ang balita..Nakahiga na kami at nakatulog.. Nagising ako ng kalagitnaan ng gabi ng walang kayakap.." dagdag ni Lola..
"Napabalikwas ako ng bangon at hinanap ko sya .. Baka kako nasa banyo lang.. Naghintay ako ng ilang sandali at nagpunta ng banyo namin.. Pero wala sya.. Nagpasya akong bumaba ng bahay.. Wala sa kusina.. Aakyat na sana ako ng makarinig ako ng mga kalabog galing sa basement.. Bumaba ako sa basement.. Iyon ang unang pag kakataon na makapunta ako duon.. May ilaw sa ibaba kaya lakas loob akong nagpunta.. Nabuhayan ako ng marinig kong ang boses ng Lolo mo.. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng isa pa..Nakakatakot ang boses nya.. PArang galing sa hukay.. Malalim at malaki.. Bigla itong sumigaw kaya napasigaw din ako.. Tarantang lumabas ang Lolo mo sa basement at nakita nya daw akong parang takot na takot...Agad nya akong kinaladkad sa itaas at dinala sa kwarto namin.. Ng mahimasmasan ako ay tinanong ko sya agad." patuloy ni Lola..
"Talagang galit na galit ang Lolo mo.. Nuon ko lang syang nakitang sobrang galit nya kaya napaiyak ako .. Para namang nahimasmasan sya kaya nagsorry sya.. Pero nagtampo na rin ako kaya lumipas ang isang gabi na may tampuhan kami.." malungkot na kwento ni Lola .. Narinig kong suminghot sya at ng tingalain ko ay nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata nya.. Mukhang mapait ang pangyayaring iyon sa buhay nila ni Lolo.
"Lola .. Kung ayaw nyo po ay wag nyo na ituloy.. Ayos lang po.." sabi ko.. Pero ngumiti lang si Lola at umiling..Nagpatuloy lang sya sa pagkwento..
"Araw araw akong sinuyo ng Lolo mo at di ko rin naman sya natiis... Pinatawad ko na sya sa kundisyong sabihin nya ang tungkol sa basement.." kwento ni Lola..
"Parang napipilitan pa sya pero nagkwento na rin ang dyaske.." nangingiti na si Lola pero di ito umabot sa magaganda nyang mata..
"Time Machine.. yon ang eksaktong sinabi nya at wala na..Nuong una natawa ako pagkat ang tanda tanda nya na eh naniniwala pa sya sa mga ganuon kwentong fictional.. Pero seryoso sya kaya nanlaki ang mga mata ko.. " sabi ni Lola..
"La..Anung nangyari kay Lolo?.. Tutoo bang namatay sya sa di malamang dahilan?.." tanong ko.. Iyon ang kwento sa akin ni Daddy nuon.. Sabi nya wag ko na daw itanong..
Lalong lumungkot ang mga mata ni Lola.. Tumingala sya at pinahid ang mga mata nya..
"Maski ako apo, di ko alam ang nangyari sa Lolo mo.. Ang totoo.. Nawala sya bigla.. Sa di malamang dahilan.. Iyak ako ng iyak nuon.. Dalawang taon pa lang ang Daddy mo.. Kaya di na sya nasundan pa.." sabi ni Lola at naglandas na ang pinipigilan nyang luha sa pisngi nya.. Taranta ko itong pinahid.. Napangiti si Lola sa akin ng malungkot..
"Manang mana ka sa Lolo mo.. Naaawa ako kay Ismael dahil lumaki sya ng walang ama.. Kaya di ko sya masisisi apo kung medyo di ka nya napapansin.. PAkiramdam nya ay kailangan nyang mag hanapbuhay para lamang pag nawala na rin sya ay di ka mahihirapan..." sabi ni Lola.. Nuon ko napagtanto ang mga ginagawa ni Daddy. Parang nais ko na ring mapaiyak dahil dumating talaga ang oras na nagalit ako dahil parang pigurin lang nya ako kung ituring sa bahay..Ni hindi nya napapansin ang mga achievements ko sa eskwela..Naluha na rin ako at nagsorry kay Daddy sa isip ko..
"Wag kang malungkot apo.. Mabait din ang Daddy mo at alam kong mahal na mahal ka nya... Mapag iisip isip nya rin na di mahalaga ang salapi sa mundo kundi ang mga taong nagmamahal sa iyo.." nakangiti si Lola bagamat malungkot ang mga mata nya..
"Nuong gabing nawala ang Lolo mo.. Nagkwentuhan pa kami sa terrace..Sabi nya.. Wag na wag ko daw palapitin si Ismael sa basement.. Seryoso sya kaya naman napa-oo naman ako..Napigilan ko nga syang magpunta duon..Pero heto ka.. Mukhang ikaw ang naging kapalit ng Ama mo..Natatakot ako sa maaaring mangyari apo.. Ngayong nandito ka na.. Ang tadhana na kumokonekta sa mga taong malalapit sa iyo at sa mga taong makikilala mo ay nagalaw na..at malamang ay lalo pa itong magalaw kung paulit ulit mong lalakbayin ang oras at panahon.. Isa lang ang alam kong makakapagpabalik sa iyo apo sa panahong pinanggalingan mo.. Ang Time Machine din.. Gamitin mo ito.. Alam kong matalino ka.. Alam mo na siguro kung paano ka nakapunta dito... Ganun din ang gawin mo.. Di ko alam ang naging kapalit nito sa Lolo mo.. Pero natatakot ako kaya isa lang ang masasabi ko sa iyo apo..Mahal na mahal ko kayo ng Ama mo at lagi kang mag iingat.. LAgi kang tatawag sa Diyos sa itaas kapag nasa oras ka ng kagipitan.. Magpasalamat ka sa mga tinatamo mong grasya.. " sabi ni Lola.. Niyakap ko sya ng mahigpit.. at naluha ako.. Umiyak ako ng umiyak sa piling ni Lola..
Malalim na ang gabi ng ihatid ako ni Lola sa bukana ng basement.. Muli ko syang niyakap ..
"Lola.. Dadalawin kita ulit.. Dadalhan kita ng starbucks.." sabi ko habang yakap ko si Lola..
"Starbucks?.. Anu yun?.. Ikaw talaga.. Maloko ka rin eh.. Hala sige na at mag iingat ka..Tandaan mo na mahal na mahal kita apo.." hinalikan ako ni Lola sa pisngi at noo..
Kumaway pa sya.. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Lola at nagpaalam na.. Tinahak ko ang daan sa basement.. Bagamat madilim.. Di na ako natakot dahil alam ko na wala ng mas nakakatakot pa sa nararanasan ko.. TAhimik ang buong kwarto pagdating ko sa baba.. Tulad pa rin ng dati ang basement.. Napagawi ang tingin ko sa Time Machine daw.. Natatakot na ako na lumapit dito.. Pero nilakasan ko ang loob ko.. Kailangan kong makabalik sa panahon ko dahil di naman ako taga rito sa panahon na ito..
Umupo ako sa bangko at tinitigan ang oras.. Nagalaw ang petsa pero isang araw lang.. Sinet ko ulit ito at nagbalik sa petsa kung saan ako dapat na naruon...Muli, wala paring nangyayari.. Natandaan kong kelangan ko palang hilahin ang parang kambyo.. Hinawakan ko na ito at huminga ako ng malalim.. Dahan dahan ko itong hinatak.. Umikot muli ang mga numero at nakaramdam na naman ako ng pagkahilo.. Pumikit ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako..
Pumapasok na ang sikat ng araw at tumatama na ito sa mata ko.. Nagising akong masakit na ang ulo .. MEdyo sanay na ako kaya agad akong tumayo.. Dali dali kong binuksan ang pinto at sinara... Napatakbo na ako sa mahabang hagdan.. Unti unti kong naramdaman ang lamig ng panahon na naging maalinsangan..Sa wakas nakarating ako sa dulo ng hagdan.. Madilim pa rin sa buong kabahayan.. Napatakbo ako sa kusina at tulad ito ng inaasahan kong madatnan.. Tumakbo ako sa itaas at agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Lola.. Nakita ko syang nakaupo sa kama nya.. at nakatingin sa akin.. Ngumiti sya ng malungkot at binuka ang mga kamay... NApatakbo ako sa kanya at niyakap..Humagulgol ako ng malakas sa bisig ni Lola Francheska..
"Kamusta ang paglalakbay apo?." sabi ni Lola at hinagod hagod ang likod ko..
Batid kong talagang alam nya ang nangyari sa akin.. Niyakap ko lang sya ng mahigpit at lalo akong umiyak sa bisig nya..
"Umpisa na ito ng tadhana mo apo.. Sana maging matatag ka at laging mag iingat...Gabayan ka nawa ng ating Panginoon.." bulong ni Lola na di na umabot sa pandinig ko.. Nakatulog na ako ng mahimbing sa takot at pagod..

ITUTULOY !!!!