1. Home
  2. Stories
  3. To find her again 9
Lagablab

To find her again 9

By synnovea ·

Hi readers! Pasensya na at ngayon lang nasundan ang kwentong ito. Balak kong tapusin na ito sa mga susunod na linggo. Kapit lang. :)

--------------------------------------------------------------------------------

"Yes, 'yan diinan mo pa, riyan. Shet, uhh.. sarap non!"

Namumula na sa hiya ang masahista habang kung ano-anong expletives ang namumutawi sa bibig ng customer niya.

"Sir, hinaan po natin ang boses natin. Baka akalain ng nasa kabilang cubicle kung anong ginagawa ko sa inyo." Mabining paalala ng masahista.

Ngumisi lang si Andrew at kinindatan ang masahista. Umupo ito sa kama at humarap sa chinitang masahista.

"Sige,tatahimik ako, miss. Sa isang kundisyon." Hinapit na ni Andrew ang babae bago pa man ito makapagtanong.

Wala naman talagang intensiyon si Andrew na manromansa ng babae sa spa na iyon. Suki siya roon dahil siya rin ang inatasang magdisenyo ng nasabing gusali. Pero kahit napakabanayad na ng mga hagod ng napili niyang masahista na si Marie, matindi pa rin ang sakit ng balikat at batok niya.

Hindi na niya napigilan si Ryan sa pagpunta sa kubo sa Laguna. Tiyak na nagkita na sa mga oras na iyon si Ryan at Anne. Deep inside ay natatakot siya sa paghaharap ng dalawa. Pareho na silang nagbago. Okay lang sana kung batid niyang hindi na lalabas ng kuwarto ang dalawa sa sobrang pagkamiss sa isa't isa. Pero alam niyang matindi ang poot ni Ryan sa dalaga. Habang may hinala naman siyang hindi lang simpleng paghanga ang dahilan kaya interesado pa rin si Anne sa binata. Ang masakit sa ulong isipin ay sino sa dalawa ang unang uupa ng gunman para patumbahin siya.

"Aww, sir. Dahan-dahan po, malaki kayo e." Naghahalo ang hapdi at sarap sa mukha ni Marie nang pasukin na siya ni Andrew.

Bumuntong hininga ang binata at minasahe ang matambok na puwet ng masahista.Pinakiramdaman niya ang unti-unti pagkalma ng mga kalamnan nito sa loob. Nagsisimula nang lukuban ng init ang kanyang pagkalalaki sa loob ng kandungan ni Marie. Sandali munang isinantabi ni Andrew ang stress mula kina Anne at Ryan. Tahimik pa ang cellphone niya. Baka naman maganda ang nangyayari roon. Kasing ganda ng nakahain sa harapan niya ngayon.

Umulos ng dahan-dahan si Andrew. Bawat pagbaon niya ay sinasagot ng impit na ungol ni Marie. Hay, ito talaga ang masarap kapag single ka at wala kang girlfriend na nakabuntot sa iyo. Iba't ibang mukha, iba't ibang katawan. Naghihintay lamang na lamasin, halikan at pagsawaan.

Dalawang guhit na lang ang nakapikit na mga mata ni Marie.

"Tumingin ka sa salamin, Marie. Tingnan mo kung anong ginagawa ko sa iyo." Bulong ni Andrew sa batok ng dalaga.

Patuloy pa rin ang marahang paglabas-pasok niya. Nagmulat ng mata si Marie at tumingin sa salamin sa harapan nila. Namumungay ang mga mata nito. Tila lasing sa nararanasang romansa.

Pinatayo ni Andrew mula sa kama ang dalaga. Magkahugpong pa rin ang kanilang katawan. Sumandal si Andrew sa dingding. Nasa harap niya si Marie at makikita sa salamin ang buong hubog ng katawan nito.

Itinaas ni Andrew ang isang paa ng masahista habang patuloy pa rin siya sa pag-ulos. Naroong pumikit, kagatin ang labi o manabunot ang kanyang kaniig.

"Malapit na ako Sir. Lakasan nyo pa ang pagbayo." Nanghihinang utos ni Marie.

Tinodo ni Andrew ang pagbayo sa dalaga. Napapaangat na ang paa nitong nakatapak pa rin sa lupa sa lakas ng salpukan ng katawan nila. Nagdedeliryo na sa nalalapit na orgasm si Marie. Nararamdaan na rin ni Andrew ang pagbigat ng kanyang bayag.

"Hoy, panget. Sagutin mo tawag ko!" Hiyaw ng ring tone ni Andrew.

Hindi niya ito pinansin. Akala niya'y imahinasyon lang na narinig niya ang ring tone niya kapag si Anne ang tumatawag.

"Ah, sir, ayan na ako... Ah...grabe..." Nagsisimula nang manginig ang katawan ni Marie.

"Hoy, panget. Sagutin mo tawag ko!"Wala pa ring tigil ang pagbulyaw ng ring tone ni Andrew.

Nawala ang pamimigat ng bayag niya. Nahati ang atensiyon nya sa ka-sex at sa kaibigan.

Sa pang-apat na pagring ng cellphone niya, itinulak niya ang nabiting masahista para sagutin ang tawag ni Anne.

"Why did you not tell me you know Ryan?" Mabalasik na tanong ni Anne.

Napalunok si Andrew. Paano ba niya ipapaliwanag ang nagawa niya kay Ryan sa pag-aakalang niloko ito ng walang pusong babae? At paano nya sasabihin kay Marie na huwag munang isubo ang sandata niya gayong ang sarap ng malambot at mainit nitong mga labi?