1. Home
  2. Stories
  3. Torn Between Two Loves
Filipino Sex Stories

Torn Between Two Loves

By Teddyray ·
" Your kiss reveals the magical potion of your love...that it stunned me cold, glued to where I stood...Your spell has me all over. That now, I am all yours, for keeps."

Habang pasakay ako sa bus pauwi sa amin, binasa ko yung dalawang texts sa inbox ko. Mala-inibay pa ang pakiramdam ko. Di ako sigurado kung nalasing ako doon sa alak na tsokolate na dala ni Lynn o doon sa bango ng mamahaling pabango na ibinuhos nya sa kanyang katawan. Pero yung nagpapawala ng lasing ko ay yung text ni Ellaine. " Hon, pwede magkita tayo uli this Sunday...importante lang,"

Pormal yung text nya. Walang lambing. Sabado ngayon, so yung Sunday ba na sinasabi nya, bukas na?

Pagkaupong pagkaupo ko sa bus, tinipa ko agad ang cell phone ko." Good evening hon," almost 6:00 pm na ang oras ng ihatid ako ni Lynn sa harap ng planta." Bukas na ba tayo magkita?" Sagot ko sa text nya. Ilang minuto din ang lumipas bago umilaw yung inbox ko.

"Oo hon. Magkita tayo sa mall doon sa Lipa. 10:00 am." Natigilan ako. Linggo bukas, ipapasyal ko sana yung mag-iina ko sa Robinson. Gusto mapanood ni bunso yung "Happy Feet".

" Hindi ba pwede sa next Sunday na lang?" Text ko ulit sa kanya.

" Gusto ko makita ka bukas. Miss na miss na kita hon, please." Parang naiimadyin ko siya nakiki-usap. Yung malamlam at maamo nyang mga mata ay bato-balani na hindi ko magawang tanggihan.

"Siya, sige magkita tayo bukas," Nang i-send ko yung text, Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Sasabihin ko na lang kay misis na sabihin kay bunso na sa susunod na Linggo na lang namin papanoorin yung "Happy Feet" Matagal pa naman sa mga sinehan iyon.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng muling umilaw yung cell phone ko. "Thanks hon. I love you. Tsuppp! Sa lips mo yan. " Ewan ko kung dahil sa nalunok ko na nakakalasing na tsokolate o dahil sa masisira ako sa pangako ko kay bunso, di ako gaanong na excite sa text ni Ellaine. O natatakot lang ako na hindi na siya umuwi sa kanila at tuluyan ng sumama sa akin pag nagkita kami kinabukasan.

" I love you too hon, see you tomorrow. Tsuppp! " Pagka send ko ng text saka ko binasa ang text ni Misis.

" Daddy, uwi ka ng maaga ha? Nagluluto ako ng paborito mong adobong pusit. Saka bumili uli ako ng herbal tea mo." Nangiti ako sa text ni misis. Talagang balak nyang maka-buo kami ng junior ko. Excited din ako talaga na magkaroon ng anak na lalaki.

"Pauwi na ko 'Ne, sarapan mo ang luto sa pusit. Gusto ko yung tuyo ang sabaw. Maligo ka na..." Kay misis ko ibubuhos yung dilig ko. Parang nakadama ako ng relief na nalasing ako kanina sa tsokolate. Kung hindi, tiyak said na said na naman si manoy. Tsk! Tsk! Tsk! Titiyakin ko sa susunod, tatanggi na ako sa kumare ni Ben. Hindi na mauulit yung laro namin na hubo-tabo. Hindi kaya marunong mandaya si Lynn sa baraha? Otso na ako nag lucky nine pa siya. Napapa-iling ako sa kina-uupuan ko. Napansin ko lang na naka-tingin sa akin yung katabi ko sa bus. Ibinulsa ko ang cell phone ko at naidlip ako habang tumatakbo ang bus. Nanaginip ako sa maikling pagkaka idlip ko sa loob ng bus. Hinahabol daw ako ng isang magandang babae. Nagtataka ako bakit sa panaginip ko ay tumatakbo ako palayo dito. Samantalang kung sa totoong buhay mangyari ito, yung takbo ko ay palapit...

Ganap ng malalim na yung gabi ng naka-uwi ako. Grabe ang trapik na inabot ko sa byahe. Sabado kasi yun. Uwian ng mga namamasukan sa Manila. Pagdating ko sa amin, gising pa si misis na nadatnan kong nanonood ng tv sa sala. Wala na yung mga bata. Tulog na marahil. Humalik siya sa akin. Napansin ko pormal siya. Pinagmamasdan nya lang ako habang automatic na hinubad ko yung sapatos ko at medyas.

"Tulog n yung mga bata?" Tanong ko, gayung alam ko na naman ang sagot. Tumango siya. "Ang tagal mo kasi, ang tagal naghintay sayo si bunso. Nangako ka raw..." Sagot paliwanag ni misis. Ah kaya pala pormal siya, kasi ginabi ako ng uwi.

" Dinaanan mo ba yung textmate mo ?" Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko malaman yung sasabihin ko. Napa-kunot-noo ako. "Ano bang sinasabi mo, eh Sabado ngayon, matrapik." Sabi ko na pinapa kalma yung sarili ko. Alam ko di ako dapat ma-pressure sa pag-uurirat ni misis. Dapat parang totoo na hindi ako guilty.

"Dati naman pag Sabado half-day ka lang pag pumasok ka." Tama naman siya. Yung kumare ni Ben kasi. Pero, hindi eh, kung ayoko di ako mapipilit ni Lynn. Pero sumama ako sa kanya, kaya tama si misis na maghinala kasi di nga ako ginagabi pag pumapasok ako ng Sabado.

"Teka pala, ano ba yung tungkol sa sinabi mo kanina? Yung tanong mo, kung dinaanan ko pa yung textmate ko? " Sabi ko sa kanya habang nagpapalit ako ng damit pambahay. "Anong texmate?" Balik tanong ko sa kanya.

"Texmate, yung mga kahalikan mo sa texts." Sabi nya na walang kagatol-gatol habang nakatingin sa clutch bag ko. Alam nya naroon ang cell phone ko. Naalarma ako. Baka nabasa nya yung hindi ko nabura na mga messages ni Ellaine. Nag-apuhap ako ng masasabi, ng maikakatwiran. Kaya una kong pinangarap na kumuha ng abugasya kasi magaling ako gumawa ng lusot.

"Binasa mo yung cell phone ko? Pinakialaman mo yung cell phone ko?" Ayokong magalit. Mawawala ako sa tamang pangangatwiran. At ayoko na mag -away kami, gabi na. Tulog na ang mga bata.

"Bakit, masama bang basahin ko ang laman ng mga text mo?" Sabi nya na nandidilat ang mga mata. Nakita ko sa kanyang mga mata ang magkahalong galit at frustrations. " Hindi ka naman dati ginagabi pag-uwi..." Ibinitin nya ang sinasabi. " Unti-unti ka ng lumalayo, sa akin, sa mga bata." Humina yung boses nya, parang ang sarili nya ang kinakausap.

Isa sa mga kahinaan ko ay yung ayaw ko nakikitang nasaktan ko ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi ko nais na makitang umiiyak ang mga taong mahalaga sa akin. Bigla akong napa-upo sa tabi ni misis. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Hinawakan ko siya sa balikat.

" Fling lang yun 'Ne. Wala yun. Texts lang yun." Kinabig ko siya palapit sa akin, at hinagkan sa buhok. Biglang bumaling siya ng tingin at nakita ko yung luhang namamalisbis mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang pisngi. Tahimik na pala siyang humihikbi. "Fling? Texts lang?" Sumbat nya habang tinititigan ako ng mata sa mata. Parang gusto nyang malaman ang katotohanan sa sinasabi ko. Pero nagapi ako ng kanyang titig. Kusa akong nagbaba ng tingin.

" Mula ng nagkaroon ka ng letseng cell phone na yan, naiba ka na Daddy..." Umurong siya ng upo at kumalas sa pagkaka-akbay ko. " Pag nandito ka sa bahay, mas madalas pang hawak mo yung cell phone mo. Madalas nasa ibaba ka ng basement. Madalas nagbababad ka sa banyo..." Hindi ako kumikibo habang naglilitanya siya ng mga ginagawa ko. Paano ako kikibo, eh totoo lahat ng sinasabi nya.

"Yung mga anak mo, hinahanap-hanap na yung dating ikaw. Ano pa ba ang hinahanap mo Ted? Kulang pa ba ako, kami ng mga anak mo?" Sinasabi nya ito ay humahagulgol na siya. "Sorry hon..." Yun ang nasabi ko. Ewan ko kung napansin nya yun. Nagkamali kasi ako. Yung hon eh si Ellaine. At 'Ne ang tawag ko sa kanya. Lalong lumakas yung hagulgol nya.

"Dati ikaw ang madalas kumakalabit pag madaling araw, ngayon kahit kinakalabit kita, tinutulugan mo lang ako." Sabi pa nya. Napa-lunok ako. Di ko alam kung ano ang pwede kong gawin para aluin siya. Para mawala yung hinanakit niya. Hinila ko siya palapit sa akin. Nagpupumiglas siya.

"Huwag mo akong yakapin, yakap hudas yan..." Sabi nya. Natawa ako ng lihim. Yakap hudas ha? Malapit din sa halik hudas. Habang pilit nyang iwinawaksi yung mga kamay ko, Hinawakan ko siya sa batok at siniil ko siya ng halik. Kinagat nya ang labi ko. Nasaktan ako, pero nangyari na ito sa amin. Nag away na kami ng ganito nung bago pa lamang kami nagsasama at wala pa kaming anak. Selosa si misis. Pinagselosan nya yung best friend nya.

Alam ko ang kahinaan nya. Bigla ko siyang hinalikan sa tenga. Nandoon ang kiliti niya. Isa yun sa erogenous zone nya. Madali siyang libugan pag hinahalikan ang punong tenga nya. Habang hinahagod hagod ko ng halik yung puno ng tenga nya ay pilit nyang iwinawaksi yung kamay ko na nakadakot sa kanyang matambok na paborito ko. " Ano ba? Tigilan mo ako. Doon ka humalik sa textmate mo!" Sabi nya pero naramdaman ko unti-unti humihina yung pag depensa nya. Lalo pa ng maitaas ko yung laylayan ng suot nya na duster at maipaloob ko sa kanyang panty ang isa kong palad. Napa singhap siya. Basa na agad ang masabaw nyang lungga.

"Uhhh alisin mo yang kamay mooohh dyan ka magaling ohhhh" Impit na halinghing nya. Bigla siyang humarap sa akin. At sinunggaban nya yung labi ko ng labi nya. Marahas yung halik nya. May halong galit. Parang gusto nyang ibuhos sa halik na yun yung lahat nyang pagdaramdam sa akin. Pinabayaan ko siya na ngabngabin yung labi ko. Hinayaan ko siyang sipsipin ng sipsipin ang dila ko. Habang ginagawa nya sa akin ito ay naibaba ko na yung panty nya. Nang sumandaling tumigil siya sa pagngabngab sa labi ko, ay marahan ko siyang itinulak pahiga. Nakalaylay yung mapuputi nyang mga binti sa gilid ng kama. Mabilis kong inililis yung duster nya. Tumambad sa akin ang mala-pagong sa tambok na paborito ko. Agad akong sumubsob sa pagitan ng kanyang mga hita. Mabango talaga si misis doon kahit di siya gumagamit ng feminine wash.

" Sige, yan ang pagsawaan mo... Yan ang isinumpa mong aangkinin mo habang buhay." Sabi nyang parang nanunumbat. Pinalaki nya ang pagkabukaka ng kanyang dalawang hita habang inuumpisahan ko yung maka libong beses na naming ritwal. Pero sa mga oras na yun gusto ko maging memorable ang pagniniig namin. Parang pagtitika sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya at sa sinumpaan kong matrimonyo ng aming kasal.

Ibinaba ko muna yung halik ko sa isa nyang legs. Nilawayan ko ito pinadausdos ko ang aking dila pababa saka paitaas. Inulit ko iyon sa kabilang binti nya. Impit na ungol ang namutawi sa kanyang labi. Nang dumako ang aking bibig sa kanyang mga hita, dama ko ang panginginig ng kanyang mga laman. Alam ko naghahatid ng ibayong init ng pagnanasa sa kanya ang mainit kong halik sa kanyang singit, sa kanyang hita, at manaka-naka kong pinasasagihan yung labi ng tunay na pakay ng dila ko. Hagod-himod ang ginawa ko paikot sa bukana ng kanyang mabangong hiyas. At ng sa tantya ko ay ay naroroon na siya sa rurok ng kanyang pagnanasa, pinatigas ko ang aking dila. Inilusong ko ito sa biyak ng kanyang hiyas. Isang impit na mahabang ungol ang pinakawalan ni misis. "Uhmmmm ohhhhh ang sarap mo talaga daddy... Ohhhhhh" Napapaliyad siya. Parang saglit na naibsan yung galit at tampo nya sa akin. Sinungkal sungkal ko ang bukana ng kanyang hiyas na parang binubukalan na ng masaganang katas. Naramdaman kong pati ilong ko ay basa na ng likidong nagmumula sa kanyang naglalawang kaselanan. Hinigop-higop ko yung perlas sa unahan ng kanyang balon. Humahabol ang kanyang balakang sa tuwing hihititin ko ang perlas na iyon. Hawak-hawak na nya ang ulo ko na parang ayaw nyang maalis ang pagkakahugpong ng aking dila sa kanyang kaangkinan.

"Daddy ohhhh libog na libog na ako Daddy ohhhh tumaas ka na...patungan mo na ako..." Paki-usap nya. Pero di ako tumigil. Lalo kong pinagbuti ang pagkain kay manay. Ipinaloob ko sa aking bibig yung perlas ng kanyang hiyas. Sinipsip ko ito habang iniipon ko sa bibig yung aking laway. Napapakinyod naman siya at ramdam ko talaga yung panginginig ng kanyang laman.

" Dadddy tama na nakikiliti na ako nilabasan na ako ohhhh nakadalawa na akoooo ummmphhh tama naahh kiliting kiliti na ako daddy, ano bahh?" Pilit nyang hinihila palayo sa kanyang harapan ang ulo ko. Pinipilit ko naman ipagpatuloy yung paghagod ng dila ko sa puke nya. Talagang kiliting kiliti na siya kasi iniipit nya na yung mga hita nya. Nang tigilan ko siya, bigla nyang ibinaba ang laylayan ng duster nya at pinunasan nya yung naglalawang puke nya.

"Grabe ka talaga Daddy, ganito ba yung ginagawa mo sa katextmate mo?" Sumbat nya.

"Grabe ka magpa sarap kaya nahahaling sayo yung mga babae mo!" Sabi pa nya. Pero sa himig nya parang tanggap na nya na ganoon ang sitwasyon namin.

Nawalan kami ng imik ng ilang sandali. Nakatuon ang tingin ko sa kisame. Kailangan ko na palang magpintura. Nababakbak na yung orihinal na pintura ng kisame namin. Naisip ko, parang tulad ng sitwasyon namin ni misis. Kailangan na ng relasyon namin ng isang malalim na makeover.

Pero, paano? Kung kisame lang ang isang relasyon, madali lang ayusin. Madali lang pinturahan. Walang involve na damdamin. Walang masasaktan.

Pero hindi nga isang kisame ang relationship. Hindi madali mag-make-over. At saka, parang hindi ko kayang saktan si Ellaine. Bukas magkikita kami. At pakiramdam ko, kahit di kami mag sex bukas pag nagkita kami, magiging maligaya pa rin ako. Hindi naman talaga sex lang ang pag-ibig. Paraan lang ang sex. Expression lamang ng pag-ibig.

Nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko si misis sa tabi ko. Nakatulog na pala ito. Naghihilik na. Hinalikan ko siya sa pisngi. Nalasahan ko ang mainit-init na luhang natuyo na sa gilid ng tsinita nyang mata. Napa-buntunghinga ako. Di ko nais na saktan siya. Hindi ba pwedeng hatiin ang pagmamahal?

Marahan kong kinintalan ng manipis na halik ang kanyang mga labi Kumislot siya pero di nagmulat ng mga mata. Tumayo ako at lumabas ng silid papunta sa kusina. Malamig na yung adobong pusit na niluto ni misis. Binuksan ko yung microwave oven upang initin ko yung ulam. At habang iniinit ko ito dumako ako sa kwarto ng mga anak namin. Marahan kong itinulak yung pinto. Tulog na tulog ang tatlo. Magkatabi si bunso at si panganay sa ibaba ng double deck nilang tulugan. Nasa itaas yung pangalawa. Matagal kong pinagmasdan yung tatlo kong anak. Lumapit ako at isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi.

Para sa kanila, siguro kailangan kong pinturahan yung kisame namin....

End of Chapter 12 – May Susunod.