1. Home
  2. Stories
  3. Twist of Fate Chapter : 5
Lagablab

Twist of Fate Chapter : 5

By nazo ·

Twist of Fate 5: The love of a Father

tumunog ang cellphone ni Odin at ng tignan nya ang pangalan ng nag text ay ang pangalan ng kanyang pinaka mamahal na si Gwen ang naka rehestro.

'Prince ko puwede bang sunduin mo ako dito sa bahay gusto ka daw makausap ni inay at itay sorry prince ko sinabi ko na sa kanila na tayo ng dalawa' ang nilalaman ng text ng kasintahan nyang si Gwen.

nilingun ni Odin ang relos at nagulat sya ng makita nya ang oras hindi nya namalayang 11 na pala kaya naman agad naligo ang binata para sunduin ang kasintahan sa kanilang bahay at ng makausap narin ang ama ni Gwen.

'okay lang yun princess ko don't worry about it at sorry di ko napansin yung oras nandito kasi ako sa dojo ang akala ko 9 palang sorry princess ko and i love you' replay ni Odin sa kasintahan at bago sya tuluyang maligo ay binasa nya ang reply ni Gwen na i love you too.

nagsimula ng maligo si Odin at ng matapos maligo ay pumili na si Odin ng damit at dahil unti lang ang damit na naka lagay sa Dojo ay hindi na nag tagal ang pag pili ni Odin at ang pinili nya ay ang long sleeve na t-shirt na kulay itim at isang maong na pantalon luma man ay puwede na dahil bagay naman sa binata ang suot nya.

nag ayos na ng sarili ang binata at nag pabango matapos mag bihis ay mabilis syang umalis at nilock nya ang pintuan.

dumaan muna ng mall ang binata para bumili ng ipapasalubong sa kasintahan isang dosen ng white rose ang binili ng binata at bumili rin sya ng makakain para naman sa ama at ina ng dalaga.

bago pa matapos ang inoorder ni Odin ay dumating na si Paul para sunduin sya at ihatid sa bahay ng kanyang kasintahan.

"ah Paul antayin muna kami ni Gwen mamaya kakausapin daw ako ng father nya kaya eto kainin mo habang inaantay mo ako mamaya para di ka mainip" nakangiting sinabi ng binata sa driver at body guard nya kahit na kinakabahan ay di nya eto pinahalata dahil alam ng binata na nirereport ng driver ang lahat sa kanyang ina.

nakarating na ang binata sa bahay nila Gwen at gaya ng inutos ng binata ay mag aantay ang driver nya.

"my prince andyan kana pala" ang pag salubong ng dalaga sa binatang kasintahan at hinawakan ang kamay ng binata.

"pasensya na my princess late ako di ko napansin ang oras" pag hinge ng pasensya ng binata sa kanyang kasintahang si Gwen.

pumasok ang binata at sinalubong sya ng masamang tingin ni Alfonso at kinuha naman ni Dorothea ang dala nyang pag kain at kinuha naman ng dalaga ang bulaklak na dala ng kasintahan.

"maupo ka iho?" utos ng ama ng dalaga na agad namang sinunod ng binata.

"gusto nyo daw po akong makausap?" tanong ng binata sa ama ng dalaga na seryoso parin ang tingin sa kanya.

"tatapatin kita Odin hindi ko pa pinapayagang mag karoon ng Boyfriend ang anak ko ngayon ko lang nalaman ang tungkol sayo kung matagal na syang nag paalam sa tingin mo ba ay papayagan ko sya?" sinabi ni Alfonso sa binatang kasintahan ng dalagang anak.

"pasensya na po pero wala po akong balak saktan ang anak nyo at seryoso ako sa kanya at isa pa po malinis ang intensyon ko kay Gwen" sagot ni Odin sa ama ng dalaga.

hindi maka paniwala ang ama ng dalaga sa narinig na sagot ng binata pero naunahan sya nito ng pag ka pikon dahil hindi matanggap ni Alfonso na totoo ang sinabi nito.

"kain muna tayo alfonso mamaya muna takotin ang boyfriend ng anak mo at muka namang hindi mo kayang takotin si Odin" sinabi ni Dorothea sa asawa habang hinahanda nito ang pag kain na dala ng binata katulong nya ang dalaga.

"my prince kain muna tayo" sinabi ni Gwen sa kasintahan at tinabihan nya eto sa Sofa kung saan naka upo ang binata.

"sige na my princess mauna ka ng kumain hindi pa ako gutom at nakakahiya naman sa father mo hindi pa nya ako tanggap ay kakain na ako baka kung anong isipin nya" sagot ng binata sa dalaga habang hawak hawak ng pag kaing inabot ng kasintahan.

"tay naman eh akala ko ba tanggap muna si Odin?" malungkot na sinabi ng dalaga sa ama pero inawat lang ng binata ang kasintahan at parang sinasabing mali ang magalit sa kanyang ama.

"my princess wag kang magalit sa father mo gusto lang nya ang nakakabuti sayo?" sinabi ni Odin kay Gwen at pinahid nito ang luha ng kasintahan na maluha luha.

dito namangha ang ama ng dalagang si alfonso sa pinakita ng binata dahil kahit na alam nito na hindi nya eto tanggap ay inawat pa nito ang anak nya sa pag away sa kanya.

"sige na iho kumain kana at ayoko rin namang malungkot ang anak ko kaya sumabay kana samin sa pag kain" sinabi ng ama ng dalaga at dahil dito ay ngumiti ang dalaga at hinandaan muli ang kasintahan ng makakain.

napangiti ang ama at ina ng dalaga habang pinanonood ang mag kasintahan na nag susubuan ng pag kain at sweet na sweet sa isa't isa kahit ang amang hindi payag ay napapangiti sa saya ng anak na dalaga.

matapos kumain ang pag kain nilang lahat ay muling nag tanong ang ama ng dalaga sa kasintahang si Odin.

" Odin payag na akong maging kasintahan ka ng anak ko" sinabi ni alfonso na nag pa saya sa anak nitong dalaga at kay Odin.

"salamat po hinding hindi ko po sisirain ang tiwalang ibinigay nyo sakin" sinabi ng binata sa ama ng kasintahang si Gwen.

"salamat tay" masayang sinabi ng dalaga sa ama at hinalikan nya ang pisnge ng ama at niyakap eto dahilan para mapangiti ang ama ng dalaga.

"teka nga pala iho anong nga palang buong pangalan mo at anong pangalan ng mga magulang mo?" tanong ni Alfonso sa binatang kasintahan ng kanyang anak na si Gwen.

"ang pangalan ko po ay Odin Hernandez ang nag iisang anak ni Alice at Lancelot Hernandez" sagot ni Odin sa ama ng kasintahan na kinagulat nito.

"teka Alice at Lancelot Hernandez yung may ari ng A&L Corporation?" gulat na tanong ng ama ng dalaga sa binata.

"opo sila nga po kilala nyo po ba sila mom at dad?" sagot ni Odin sa ama ng kasintahan at dahil sa sagot na iyon ni Odin ay mas lalong nagulat ang ama ng kanyang kasintahang si Alfonso.

"sige tay alis na kami ni Odin may date pa kami pinadaan ko lang po sya dito para makausap mo nay alis na kami" pag papaaalam ni Gwen sa mga magulang.

"sige na iha at umuwi ng maaga Odin iho wag mo pababayaan ang anak ko ah" bilin ni Dorothea sa binata.

"opo..." putol na sinabi ng binata dahil nag salita agad ang ina ng dalagang kasintahan.

"tita nalang iho at tawagin mong tito ang tatay ng girlfriend mo" sinabi ni Dorothea sa binatang kasintahan ng anak na dalaga.

"sige po tita tito alis na po kami ihahatid ko rin po si Gwen mamaya at aagahan ko po ang pag hatid sa kanya" paalam ng binata sa ina at ama ng dalaga at hinatak na sya ng kasintahan para maka alis na silang dalawa.

"oh alfonso? bakit nakatulala ka jan at naka buka ang bibig mo?" tanong ni Dorothea sa kabiyak ng makita nyang tulala ang asawa at parang hindi makapaniwala.

"kilala mo ba kung sino ang boyfriend ng anak natin dorothea?" tanong ni Alfonso sa asawa na sinagot lang ng pag iling ng asawa nito.

"yun lang naman ang nag iisang anak ng may ari ng company na pinag tratrabahuan ko" sagot ni Alfonso sa kanyang kabiyak na si Dorothea.

"ANO!" sigaw na sinabi ni Dorothea sa asawang si alfonso na hindi rin nya inakalang ganong klase ng tao ang magiging kasintahan ng kanilang anak na si Gwen.

"seryoso kaba alfonso hindi kaba nahihibang?" pag sisigurado ni Dorothea sa asawang si Alfonso.

"hindi kasasabi lang nya sakin hindi ako puweding mag kamali" sagot ni Alfonso sa asawang si Dorothea.

natahimik ang dalawa dahil sa nakomfirma nilang ganun pala kayaman ang kasintahan ng anak nilang si Gwen hindi nila alam kung masisiyahan o matatakot sila para sa anak nilang si Gwen.

samantalang ang mag kasintahan naman ay masayang mag katabi sa van na service ng binata kahit sa paul ay nakangiti dahil masaya sya para sa binatang amo.

ang hindi alam ng dalawa ay may gustong kumausap sa kanilang dalawa ang over protective na pinsan ni Odin sa side ng ina ni Odin ang hindi alam ng binata ay kinakuntsaba nito ang driver nyang si paul.

huminto ang sasakyan sa isang condo building na hindi naman nya inutos sa driver na dalin sila dun kaya naman naging masama ang tingin ni Odin kay Paul at nag taka rin si Gwen dahil hindi nya alam kung nasaan silang dalawa.

"pasensya na Odin hindi ako makatangi sa mommy mo na humiling sakin para dalin kayo dito" pag hinge ng tawad ni Paul sa among si Odin.

"okay lang my prince may time pa naman tayo kausapin muna natin ang mommy mo kung okay lang sayo" pag awat ni Gwen sa kasintahang si Odin dahil napansin ng dalaga na galit eto sa driver nya.

huminga nalang ng malalim ang binata at naunang bumaba ng sasakyan para alalayan si Gwen sa pag baba nito.

itutuloy...

Twist of Fate Copyright © By Nazo

Sites the Author is Present : (Story Library in Facebook and Lagablab.net) any site that not in the list is not allowed to post the story