1. Home
  2. Stories
  3. Twist of Fate Chapter : 6
Lagablab

Twist of Fate Chapter : 6

By nazo ·

Twist of Fate 6: A date to Remember

"magandang hapon my one and only cousin" pag bati ng isang babae sa binatang si Odin habang inalalayan nito ang kanyang kasintahang si Gwen.

"Freya anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ng binata habang hawak hawak ang kamay ng kasintahan na kababa palang ng sasakyang gamit nila.

"andito ako para kilalanin ang girlfriend mo dahil narin sa pakiusap ni Tita Alice" sagot ni Freya habang lumalakad palapit sa dalawang mag kasintahan.

"hmmmm maganda sya pero mukang hindi sya sanay mag ayos at mukang simpling babae sya cousin" sinabi ni Freya habang hawak ang muka ng dalagang kasintahan ni Odin na si Gwen.

"ah pasensya na pero wag mo namang hawakan ang muka ko magagalit ang boyfriend ko" sinabi ni Gwen kay Freya na kinagulat ng pinsan ni Odin.

"cousin i like her she is loyal and if im not mistaken she is...." putol na sinabi ni Freya sa kanyang pinsan at ngumiti nalang eto at binitawan ang pisnge ng dalaga.

"teka anong sinasabi mo?" tanong ng binata pero hindi eto sinagot ng pinsan nya at hinatak ang kasintahan nyang si Gwen.

"come on lets have fun may room na akong pinareserve para makapag saya tayo" sinabi ni Freya sa mag kasintahan at dahil hatak hatak ng pinsan si Gwen ay walang nagawa si Odin kung hindi sumunod.

pag pasok nila sa loob ay nagulat ng husto ang dalaga dahil hindi nya akalaing napaka laki ng kwartong naka reserve para sa kanilang tatlo pero ang hindi alam ng dalaga at ng binata ay kasama ang dalawang namumukod tanging kaibigan ni Odin.

"kamusta na Odin" sinabi ni Thor Patterson sa kaibigang si Odin pag kapasok nilang tatlo sa kwarto naka upo si Thor sa upuan na nasa gitna ng kwarto.

tinitigan ng masama ni Odin si Thor at si Loki Simmons na nakaupo sa mag kabilang upuan na nasa loob ng kwarto.

"still as cold as always hindi mo ba kami na miss" sinabi ni Loki habang lumalapit sa kasintahan ng binata.

hinawakan ni Loki ang kamay ni Gwen at hinalikan eto ng bigla syang suntukin ni Odin.

"na miss kung gawin yun ilang buwan naring hindi ako nakakasuntok" nakangiting sinabi ni Odin habang pinupunasan ang kanyang kamay na pinang suntok kay Loki.

"Yun lang ba ang na miss mo!" galit na sinabi ni Loki habang galit na lalapit sana kay Odin pero inawat sya ni Thor.

"relax ka lang Loki hindi kana nasanay sa kaibigan natin hindi ka nyan malilimutan remember" sinabi ni Thor habang inaawat si Loki dahil galit na galit eto sa pag kakasuntok sa kanya ng binata.

"hahaha mga baliw talaga kayong tatlo pag mag kakasama" sinabi ni Freya sa tatlo na nag pa hinto sa galit ni Loki.

"ah.... Freya ano bang gagawin natin dito?" tanong ng dalaga sa pinsan ng kanyang kasintahan na naka upo sa gitnang upuan kung saan naka upo si Thor at Loki.

"wala naman gusto lang kitang makita Gwendalyn" sagot ni Freya sa dalaga na kinagulat ng dalaga dahil hindi naman sya nag pa kilala dito.

dahil napansin ni Odin na natakot ang kasintahan dahil sa sinabi ni Freya ay hinawakan nya eto sa balikat para sabihing wag kang mag alala.

"wag kang mag alala my Princess ganyan lang talaga ang pinsan ko inaalam nya ang tungkol sa

taong interesado sya" sinabi ng binata sa kanyang kasintahan dahilan para umakap sa kanya ang kasintahan.

"maiba ang usapan andito kayong dalawa sino ang naiwan sa grupo para mamahala?" tanong ni Odin sa dalawang kaibigan na nakaupo sa upuan.

habang naka tayo parin silang dalawang mag kasintahan habang naka yakap parin ang dalaga sa kanyang boyfriend na si Odin.

"sino pa ba ang nag iisang lalaking wala dito si Fenrir" sagot ni Loki sa kaibigan na nag pangiti sa binata.

"ganun ba sige aalis na kami at nag tagal na kaming mag kasintahan dito at gumagabi na ihahatid ko pa ang princess ko" sagot ni Odin sa tatlong tao na nasa kwarto.

"isang bilin mula kay Fenrir next month daw ay pupunta sya dito para dalawin ka at dito na ipag patuloy ang pag aaral nya gaya naming dalawa ni Loki" sinabi ni Thor sa kaibigang si Odin dahilan para mapa ngiti ng kaunti ang binata.

umalis na ang mag kasintahan para maka uwi na sila mahigpit parin ang hawak ng dalaga sa kamay ng kanyang kasintahan.

"ah my prince sino nga pala yung dalawang lalaking yun" tanong ni Gwen sa kanyang kasintahan habang nasa elevator sila at nag hahantay na maka abot sila sa ground floor.

"sila ba my princess mga kaibigan ko sa japan nung nag aral ako dun at ang mga kasama ko sa grupong tinayo namin dahil sa mga nakakaaway nami" nakangiting sagot ni Odin sa dalagang kasintahan nya bago sila umabot sa ground floor.

"ganun ba my prince ah my prince gutom na ako puwede ba tayong kumain muna bago mo ako ihatid sa bahay" pag lalambing ni Gwen sa kasintahang si Odin na hindi namang tumanggi sa gusto ng dalaga.

habang nag lalakad silang mag kasintahan palabas ng hotel ay may isang taong naka salubong si Odin na kinagulat nya pero pinilit nyang wag etong pansinin.

"heh yun na ba ang girlfriend nya" sinabi ng lalaki sa sarili habang inaantay nya ang elevator na galing pa sa taas.

pumunta ang mag kasintahan sa isang kilalang fastfood dahil narin sa hiling ni Gwen dahil favorite nya ang isa sa pag kain dun.

kasama man nila si Paul ay sa ibang mesa naman eto umupo dahil ayaw nitong maka istorbo sa kalambingan nilang dalawa.

nag subuan ang mag kasintahan ng kinakain nilang dalawa at marami ang nakatingin sa kanilang dalawa habang sweet na sweet sila na kumakain at nag susubuan.

karamihan sa nakatingin sa kanila ay ang mga babaing interesado kay Odin.

"hindi sila bagay ng babae" sinabi ng isang babae na hindi nakaligtas sa pandinig ng binata at alam nya na narinig eto ni Gwen.

"teka lang my princess may dumi ka sa muka" sinabi ni Odin sa kanyang kasintahan na nag pahinto dito sa pag subo sa kanya.

"saan?" tanong ni Gwen sa kasintahan habang pinupunasan nya ang kanyang pisnge.

"dito oh my princess" sinabi ni Odin sa kasintahan na kinagulat ng dalaga ang sunod na ginawa ng binata at nagulat din ang lahat ng tao lalo na ang mga babae na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa.

hinalikan ni Odin ang labi ng kanyang dalagang kasintahan natulala naman si Gwen dahil eto ang una nyang halik na kinuha ng kanyang pinaka mamahal na si Odin.

at eto rin ang unang halik nilang dalawa at dahil dito ay pumikit ang dalaga at ninamnam ang sandali ng kanilang unang halik.

"ah my princess okay ka lang ba?" tanong ng binata dahil ng mag hiwalay ang kanilang labi ay naka pikit parin ang dalagang kasintahan nya kaya naman hinimas nya ang pisngi nito na hinawakan ni Freya.

"my prince i love you so much" malambing na sinabi ng dalagang si Gwen kay Odin habang hawak hawak ng binata ang kanyang pisngi.

kaya naman hinawakan ni Gwen ang kamay ng kasintahang si Odin at kiniskis nya ang kanyang pisngi sa kamay ng kasintahan.

"i love you too my princess" malambing na sagot ng binata kay Gwen.

matapos ang ginawa ni Odin ay pinag patuloy na ng mag kasintahan ang pag kain pero ngayon ay wala ng tumitingin sa kanila kung meron man ay ingit na ang nararamdaman.

samantalang sa hotel kung nasaan ang tatlo ay may kumatok sa pintuan at ang akala nila Freya Thor at Loki ay bumalik si Odin at Gwen para makipag saya sa kanilang tatlo.

pero ng buksan nila ang pintuan ay kinagulat nila ng makita nila kung sino ang kumakatok sa pintuan.

"ikaw anong ginagawa mo dito!" sabay na tanong ni Thor at Loki ng mabuksan nila ang pintuan.

"magandang gabi po tito tita andito na po kami" sinabi ni Odin ng nasa tapat sya ng pintuan ng bahay ng kasintahan at nasa loob na ang dalagang kasintahan at pilit syang hinahatak papasok.

"pasok kana my prince di magagalit sila inay at itay" sinasabi ni gwen sa kasintahan habang hinahatak nya eto papasok pero ayaw pumasok ng binatang kasintahan ng walang pahintulot ng magulat ng dalaga.

"pasok ka Odin anak papasokin mo ang boyfriend mo at painumin mo muna ng juice" sinabi ni Alfonso sa anak na dalaga.

"ah wag na po tito ihinatid ko lang po ang Princess ko tito" sagot ng binata sa ama ng kasintahan.

"salamat iho hindi ako nag kamaling pag katiwalaan kita salamat din at niligawan mo ang anak ko at ikaw ang sinagot nya" pag papasalamat ni Alfonso sa kasintahan ng anak na Dalaga na kinagulat ni Gwen dahil sa ginawa ng ama.

itutuloy.....

Twist of Fate Copyright © By Nazo

Sites the Author is Present : (Story Library in Facebook and Lagablab.net) any site that not in the list is not allowed to post the story