1. Home
  2. Stories
  3. UNDERCOVER - 1
Lagablab

UNDERCOVER - 1

By d_beast ·

UNDERCOVER - 1

Maski naka sarado ang pinto ng kuwarto ay dinig na dinig ang malakas na boses ni Chief Agent (CA) Nick Jaro ... hepe ng Anti-Organized Crime Division ng National Investigation Bureau (NIB) matinding sermon ang inaabot ng apat na Senior Agent niya.

"Ano mga bata, hanggang dito na lang ba tayo ... tatlong taon na nating trinatrabaho itong Crime Boss na si Wilson Shen ... tatlong taon na din katatawanan ang Departamento natin ..."

"Eh Sir Nick ... kaya nga yung Accountant na lang ni Wilson na si Anthony Long ang trinatrabaho namin ... dahil pag nahuli namin yun sigurado na ang kaso lalo na siya ang taga tago ng tinatawag na blue book ... hindi na kailangang mahuli pa sa akto si Wilson." ... sabat ni Senior Agent (SA) Hans Regalado ...

"Pero ano ... hanggang ngayon nganga pa din tayo"

"Naku naman boss ... alam naman niyo yung nangyari nung isang linggo ... handa na kami sa entrapment ... aba nakatunog ... parang ..." hindi na natapos ang salita ni SA Bernard Torres ...

"Ano sasabihin niyo na ... parang may mole o nag tip mula sa insider dito kaya nakatakas sa entrapment niyo ... ano pa silbi niyo na mga Senior na kayo ... di ba tinuruan ko kayo, against all odds dapat mga plano niyo ... maski may mole pa dito sa buong departamento dapat kasama sa mga plano niyo yun kung paano malabanan din ..." nanginginig ang boses na sumagot si CA Nick.

"Sir Nick, suggestion ko lang na kailangan na natin ng isang under cover agent na mapasok ang Diamond Club niya ... ayon sa surveillance, mula ng makatakas sa entrapment namin noong isang linggo ay hindi na umuwi sa bahay niya si Anthony Long ... doon na siya pinatira sa building kung nasaan ang club dahil may mga residential unit din naman ..." singit ni SA Jay Nakpil

"Na isip ko na nga ang under cover na operation ... at humiram na ako ng agent mula sa Internal Affairs Division ... dahil kailangan ko ng babae na undercover ... "

"Sino sir ... " tanong ni SA Robin Manalo

"Ang pinakamagaling ko na under cover agent dati na si Atty. Beth Regalado ... na nalipat sa office at desk job mula ng ikasal ..."

Napaangat ang ulo ni SA Hans Regalado ... na kanina pa nakatungo dahil sa pagsesermon sa kanila ni CA Nick.

"Sir Nick naman ... asawa ko si Beth ... bakit hindi niyo sinasabi man lang sa akin ... hindi pa kayo nagpapaalam sa akin kung papayag ako o hindi ..."

"Hans, asawa ka nga ni Beth ... pero nagtratrabaho kayo pareho dito sa Bureau ... hindi namin kailangan mag paalam sa iyo ... at para makamit natin ang tagumpay ng mission ay kailangan gamitin lahat ng resources ng bureau ..."

=======

Nang gabi na iyun ... sa kanilang bahay ay nag uusap sa kuwarto ang mag asawang Hans at Beth.

"Babes bakit ka pumayag ... at hindi mo man lang sinabi sa akin." tanong ni Hans sa asawa

"Kanina ko din lang nalaman sweetheart ... at mission order na agad ... either tanggapin mo o mag resign hindi ba ..." sagot ni Beth sa asawang Hans

Binata at dalaga pa lang sina Hans at Beth ay magkasama na sila sa undercover team ng departamento ni CA Nick Jaro ... linigawan ni Hans si Beth ng palihim dahil bawal ang magkasintahan sa isang departamento ... naging magkasintahan din ng palihim at apat na taon na ang nakaraan ng magpakasal din sila palihim ... ng ikasal sila ay pinalipat ni Hans si Beth sa isang departamento na hindi na niya kailangang sumabak sa mga delikadong aksyon at upang maging hayagan na ang kanilang pagiging mag asawa

Hanggang ngayon ay wala pa silang anak ni Beth ... nakaplano naman silang magka anak na mag asawa pagtapos na mahuli o mabuwag ang sindikato ni Johnny Shen ... napatay ni Hans si Johnny Shen ang ama ni Wilson ... pero naging controversial kasi ang pagkakapatay ni Hans dahil ang balita ay susuko na si Johnny Shen at binaril ni Hans na walang laban ...

Bukod doon ay nagpatuloy pa din ang pamamayagpag ng sindikato ni Johnny Shen at pinamunuan na nga ni Wilson Shen ... dahil habang nagkakagulo sa raid na ginawa ng NIB ay naitakas ng Accountant na si Anthony Long ang blue book na naglalaman ng mga ebidensya na mag didiin sa sindikato at mga kasabwat nila.

Kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa nila muling pinag usapan na mag asawa kung kailan nila planong magka anak dahil hindi pa tapos ang mission ni Hans sa sindikato na pinamumunuan ng pamilya ng mga Shen.

Nag umpisang himasin ni Beth ang dibdib ni Hans ...

"Sweetheart don't worry ha ... isang gabing work lang naman ... kailangan ko lang naman maging positive sa location nung Accountant na si Anthony Long ..."

"Delikado ang susuungin mo babes ... alam mong malaking sindikato iyan ... delikado ... at makakapasok ka lang doon dahil mag aaply ka bilang GRO o Escort Girl ... alam mo naman siguro ang mga pinapagawa habang nag aaply pa lang sa ganyang trabaho."

Bumaba ang kamay ni Beth at inumpisahang himasin ang alaga ni Hans sa ibabaw ng boxer shorts nito.

"I can handle it sweetheart ... alam mo naman ang kapasidad ko hindi ba"

Yinakap ni Hans si Beth at hinalikan sa labi sandali.

"Babes tsaka na muna kantot ha, stress out ako sa mga nangyayari ... babawi talaga ako sa iyo."

Para naman binuhusan si Beth ng malamig na tubig sa pagtanggi muli ng asawa niyang si Hans na magkantutan sila ... halos isang taon na ding hindi normal ang sex life nila ... napabuntung hininga na lang si Beth at inintindi na lang ang kanyang asawa ... alam nya stress ito dahil nga sa sindikato ni Wilson Shen na hindi mahuli at mabuwag.

Yinakap na lang ni Beth si Hans at hinalikan ng smack sa labi.

"Goodnight sweetheart ... tulog ka na para mawala stress mo"

"Thanks babes, todo bawi ako sa iyo pag natapos ang kaso ko kay Wilson Shen ... I love you and Goodnight too"

=======

Samantala ng gabing iyun may kausap si Wilson Shen sa telepono.

"O natanggap mo na ba yung limang milyon piso ..."

"Oo salamat Wilson ..."

"Huling pag uusap na natin ito ... mawawalan ka na ng sakit ng ulo ... pwede ka ng mag retire ... pero siguraduhin mo na pupunta siya dito sa club bukas ng gabi"

"Sigurado Wilson ... ako na bahala sa lahat."

=======

Kinabukasan ng gabi ...

Sa loob ng isang heavily tinted na kotse ay nakasakay sina CA Nick Jaro at Atty (SA) Beth Regalado ... nakatigil ito malapit sa Diamond Club.

"Beth, pasensya na kung ikaw ang isasabak ko dito ha ... alam ko masama loob ng asawa mong si Hans ... kinuha kita kasi kilala ko ang kakayanan mo bilang isang undercover agent at ikalawa ... pasadong pasado ka na maging GRO o Escort girl ... ikaw ang pinakamaganda at pinakasexy sa buong departamento"

"Si Sir Nick naman eh di mukha pala akong pokpok ..."

"Ay naku hindi ... compliment yun ... at sa hitsura mong iyan kung pokpok ka nga baka kasing mahal ng artista ang ibabayad sa iyo Beth ..."

"Naks si Sir gusto pang bumawi hihihi ..."

"Syempre naman ikaw best undercover agent ko sa mga babae noon ... pero okay ka lang ba Beth ... mukhang tense ka ..."

"Okay lang ako Sir Nick ... syempre matagal na din hindi sumabak kaya hindi mo maalis na magkaroon ako ng konting kaba ... at saka first time ko mag undercover na ganito ka super sexy ang suot ko ... napaka iksi ng damit ... hindi ako nag susuot nito sa totoong buhay hihihi ..."

"Para mukhang totoong aplikante ka na GRO o Escort Girl ..."

"Sir Nick, bakit wala pala tayong briefing kanina ... nasaan yung ibang team at back up ... apply lang ba talaga ako ngayon para mag GRO at pag natanggap sa susunod na araw ko na hahanapin kung nasaan si Anthony Long?"

"Ah eh ... hindi ko nasabi sa iyo nakakalat na ang mga tao kanina pa ..."

"So nandiyan din mister ko na si Hans?"

"Wala sila ... may pinalakad ako sa kanilang iba ... wala naman akong inaasahan na aksyon dahil mag aaply ka lang naman nga sa club ... eh kung matyempuhan mo si Anthony Long eh di swerte ... testing nga natin ulit yang gadget sa relos mo kung tutunog ..."

Pinindot ni Beth ang maliit ng buton sa relos niya ... tumunog naman sa receiver ni CA Nick Jaro.

"May dalawa pang agent na tutunog din ang receiver nila para siguradong pag tunog ay alam namin na nandyan si Anthony Long ... mga 15 minutes naman ay naka responde na kami ... o ayan na bukas na ang club ... ikot lang kita sa madilim na bahagi para hindi nila makitang galing ka dito sa sasakyan ..."

Si CA Nick Jaro lang ang bumaba muna ng sasakyan pagkaparada sa di kalayuang kanto, umikot at tumigil sa tapat ng pinto ni Beth ... ng makita na walang tao ay binuksan nya ang pinto sa parte ni Beth para bumaba na ito ... nanlaki ang mga mata ni CA Nick Jaro ng makita nito ang makinis at maputing mga hita nito at ang katambukan ni Beth na natatakpan ng puting panty ... dahil napabuka ito pababa ng sasakyan mula sa kinauupuan ...

Alam ni Beth na nasilipan siya ni Sir Nick niya ... dahil nga naman napaka iksi ng kanyang damit ... kinindatan niya lang si CA Nick at nginitian ito.

"Beth, pagbutihin mo ha ... last hurrah ko na siguro itong kasong ito ... please don't let me down iha ..." seryosong sinabi ni Nick.

Nakaramdam bigla ng kaba at pressure si Beth sa sinabi ng boss pero huminga lamang siya ng malalim.

"I won't let you down sir Nick."

"Malaki ang tiwala ko sa iyo Beth ... be good, be careful girl"

Agad naman nakapasok si Beth sa loob ng club ... pinapunta siya sa isang kuwarto na kung saan may tatlong babae din na seksi na nag fi-fill up ng application form.

Matanong yung dalawang babae doon receptionist na umaasikaso sa kanila ... nakikinig lamang si Beth.

"Miss sa tingin mo papasa kami ... ano bang test ang ipapagawa sa amin ... balita namin pinag huhubad ..." tanong ng isang babae

"Alam niyo naman siguro ang pinapasok niyo ... so wala sigurong problema kung pahubarin kayo ng inyong mga damit sa test niyo ..." sagot ng receptionist.

"As in pati panty at bra kasamang huhubarin ...?" tanong naman ng isang babae ...

Depende sa mood ng mag bibigay ng test sa inyo ... basta ang tip ko sa inyo ay sumunod lang sa gusto ng magbibigay ng test ... mababait naman sila." Nakangiting sagot ng receptionist ...

"Ikaw ba pinaghubad ka nila ng mag apply ka" ... tanong ni Beth sa receptionist

"Secret" bungisngis na sagot ng receptionist.

May kaba ulit si Beth ... naisip niya tuloy yung sinabi ng asawa niyang si Hans ... na baka nga may ipapagawa para makakapasok lamang siya bilang GRO ... huminga na lang siya ng malalim ... kayang kaya niya ang maghubad ng damit ... kung aabot sa aalisin pati panty at bra ay pikit mata na lang siya dahil baka ma bulilyaso ang operasyon nila.

Sampung minuto ang lumipas at isa isa ng tinawag yung tatlong babaeng kasama niya sa kuwarto ... lumapit ang receptionist kay Beth.

"Ms. Beth ... naku ang swerte niyo, natipuhan agad kayo ng may ari ... hindi na kayo dadaan doon sa dalawang mag papa-test ... kay big boss na agad ang test ninyo ... ibig sabihin isang test na lang ang gagawin niyo ..."

"Ah ganoon ba ... salamat naman at kailangan ko talaga ng work ... sabi ni Beth"

"Tara na ... nandoon siya sa isang table sa sulok malapit sa bar ... kakatapos lang ng meeting niya sa kanyang bisita"

Naglakad sila hanggang umabot sila sa tapat ng lamesang kinauupuan ni Wilson.

"Sir Wilson ... ito po si Beth"

Hinagod ng tingin ni Beth si Wilson Shen ... ang big boss ng sindikato na matagal ng tinutugis ng asawa niyang si Hans pero hindi nila madiin dahil walang makuhang matibay na ebidensya ... in fairness ... chinito ang kapogian ni Wilson nasabi ni Beth sa sarili ...

"Halika Beth ... lapit ka sa akin."

Pagkalapit ni Beth ay hinagod din agad siya ni Wilson mula ulo pababa ... talaga naman napaka sexy ni Beth sa kulay light pink na fit na maiksing dress niya.

"Upo ka sa tapat ko Beth"

Naupo si Beth sa isahang sofa ... nag cross legs agad siya ... pero hindi nakawala sa paningin ni Wilson ang puting panty na suot nito ... hinagod lalo ni Wilson ang perpektong hubog ng makinis na hita ni Beth ... pumitik ang kamay ni Wilson pataas ... ilang segundo lang at may lumapit na waiter upang bigyan sila ng inuming alak ...

Uminom agad si Beth ... pang alis kaba at bigay ng lakas ng loob sa gagawin niya ... gumuhit agad ang init ng alak sa katawan niya.

Napansin ni Wilson ang bilis ng pag inom ni Beth kaya sinalinan niya agad ng isa pang tagay ang baso nito.

"Hi Beth ... ako si Wilson Shen ... so you want to work for me ..."

"Yes Sir ... gusto kong mag work para sa club niyo ..."

"Hahaha ... hindi mo ata ako naintindihan Beth ... mas gusto mo ba sa club magtrabaho o sa akin ... "

"Ah you mean directly sa inyo Sir Wilson ..."

"Yes ... lapit ka nga sa akin Beth..."

Tumayo si Beth mula sa kinauupuan niya at umupo sa tabi ni Wilson ... agad naman ipinatong ni Beth ang kamay sa isang hita ni Wilson ... para ipakita niyang handa siya sa ipapagawa na mga test at makuha agad ang tiwala ng lalake.

Inumpisahan siyang halikan ni Wilson sa leeg ... dinadaanan ng isang kamay ni Wilson ang iba't ibang parte ng kanyang katawan ... biglang pumasok sa ilalim ng damit niya ang kamay ni Wilson at agad nakahimas sa tambok niya.

Nataranta siya ... biglang parang hindi niya alam ang gagawin ... pag tinanggihan niya si Wilson ay tapos ang operasyon nila ... pilit niyang iniipit ang hita niya dahil naramdaman niya na humahagod na ng madiin sa biyak niya na natatabingan pa ng panty ang daliri nito ... nag iisip si Beth kung ano ang sasabihin ... may dumaan na isang customer na napatingin sa kanila at kita nito ang ginagawa sa kanya ni Wilson.

"Ah Sir Wilson ... eh baka gusto niyo ako I test sa mas pribadong lugar ... sa tingin ko naman hindi ginagawa dito mismo yung gusto niyong gawin sa akin ...."

"Ah meron din pero doon sa mas madilim na parte Beth ... pero sige ... baka mahiyain ka pa ... may unit ako sa itaas ... sa fourth floor ... pwede ba tayo doon?"

"Sige Sir ... para hindi ako mailang at magawa ko kung anuman ang gusto niyo ..."

Hinawakan ni Wilson ang kamay niya at sunod sunuran lang siya kung saan ito pupunta ... natuwa si Beth dahil ang sabi sa impormasyon ay sa fourth floor din naglalagi ang Accountant na si Anthony Long ... konting tiyaga para magtagumpay ang mission nasabi niya sa sarili.

Sa may elevator pala ang punta nila ... sumakay agad sila ... pagkasara ng pinto ay agad siyang yinakap ni Wilson at hinalikan ng mapusok ... wala magawa si Beth kung hindi tugunan ito.

Naramdaman niya pinipilit pumasok ng dila ni Wilson sa bibig niya ... hinayaan na lang ni Beth na makapasok ito at pati siya ay nakipag espadahan ng dila ... hinila pataas ni Wilson ang laylayan ng damit niya at ngayon ay minamasahe ng mga kamay nito ang umbok ng puwet niya sa ibabaw ng kanyang panty ... nagpaka game si Beth sa romansahan nila ni Wilsong sa may elevator.

Pero nataranta ulit siya ng napunta ang isang kamay sa tapat ng kaselanan niya at pinilit na sumisiksik ang isang daliri nito sa kanyang panty ... nakanti ng bahagya ng daliri ni Wilson ang kanyang biyak at hinagot ito ng marahan ... hindi alam ni Beth kung ano pang gagawin na palusot.

Nang biglang tumunog ang elevator ... sabay tigil din si Wilson sa ginagawa niya sa biyak ni Beth.

Nakahinga ng malalim si Beth ... pero may kaba pa din siya ... kailangan makita na niya ang pakay at baka kung saan pa umabot ang mga ginagawa ni Wilson sa kanya.

Lumabas sila ng elevator at naglakad ... may ilang nadaanan silang kuwarto na opisina dahil see thru ang salamin ... may isang kuwarto na nadaanan sila at nakita ni Beth na parang may tao sa loob pero hindi niya mamukhaan dahil nakatalikod ito ... kulay puti ang damit na long sleeves ... yun ang hilig na attire ni Anthony Long ... pero gustong makasiguro ni Beth ... nagsalita si ito.

"Sir Wilson, mga paupahang opisina ba ito"

"Ah opisina ko yung iba ... yung iba mukhang opisina lang ... bakit mo natanong"

"Eh kasi gabi na pero parang may nakita akong nagtratrabaho doon sa isang kuwarto"

"Accountant ko iyun Beth"

Lumakas ang tibok ng puso ni Beth ... ngayon ay positive na siya ... nandoon si Anthony Long, ang pakay nila na Accountant ... hindi niya lang ma isimple ang pagpindot ng gadget sa relos niya dahil hawak ni Wilson ang kamay niyang yun.

Natigil sila sa tapat ng isang pinto ... binuksan ni Wilson ito at pumasok sila ... pagkabitaw ni Wilson sa kamay niya ay agad niyang pinindot ang gadget ... medyo lumakas na ang loob ni Beth ... ilang minuto na lang ay may reresponde na ... naisip niyang aliwin si Wilson ng makita niya ang mini bar.

"Gusto niyo bang uminom muna ng alak Sir, ikuha ko kayo" sabi ni Beth na may paglalambing.

Nagulat si Beth sa sinagot ni Wilson.

"Ako ang maghahanda ng alak habang naghuhubad ka ng damit mo Beth" nakangiting sabi ni Wilson.

Itutuloy ....