Vet Log... ( Part One )

Lagablab
7 minutes
" Vet Log... " ( Part One ) Log... ano nga ba ito? Sa pagkaka alam ko, isa itong uri ng record, written man or verbal. Pwede rin itong naka video, parang documentary. Basta maisalaysay, o mailathala ang mga iba't ibang uri ng kaganapan sa isang espesipikong tagpo. Madalas itong ginagamit ng mga iba't ibang uri ng mga tao, upang may nakasulat silang record ng mga nangyayari sa iba't ibang petsa at oras sa kanilang trabaho. Kagaya ng mga sikyu, may log sila parati para alam kung sino ang mga dumating na tao sa lugar na binabantayan nila, bisita man o tagaroon. Pati oras at petsa ng mga kaganapan ay isinusulat din nila. Mga kapitan ng barko, may log din sila. Maging ang mga piloto ng eroplano, naka lagay pa nga sa tinatawag na "little black box" ang record ng flight nila: saan papunta, saan nag mula, anong oras umalis, at kung sakasakali man ay kasama dito ang dahilan kung bakit nag crash ang eroplano. Maraming tao ang gumagamit ng log... at ang kwentong ito ay tungkol sa isang uri ng trabaho, na hindi ko inaakalang gagamit din ng log sa isa sa mga unang pag bisita ko sa kanila. Patuloy ang pag huni ng mga ibon sa bintana ng maliit na kwartong aking inuupahan. Ang kanilang masayang awitin ang gumising sa akin sa tanghaling umaambon at maulap sa kinalakhan kong Lunsod ng Baguio. Nilingon ko kung saan nagmumula ang kanilang mga tunog, at nakita kong mahigit limang makukulay na ibon ang nakikisilong sa bintana ng aking silid. "Trisha... basura day ngayon. Baka makalimutan mo iha ilabas ang mga kalat niyo dyan ha? Babaho tayo niyan. Nauna na ang iba sa amin na nag tapon sa labas, isunod mo na lang ang sa inyo dyan ha?" Kumakatok na sabi ng aking landlady na si Aling Meg. Nagunat unat ako bago tuluyang tumayo sa aking kama. Saglit akong naligo ng mainit na tubig at nag toothbrush, bago ko isinupot lahat ng mga balutan ng aking ginamit na sabon at shampoo upang maitapon na rin sa labas ng minsanan. Umaambon sa labas, at malamig ang hangin sa aking balat. Ang manipis na puting t-shirt ko, at radrad na lumang maong na shorts ay walang laban sa lamig ng panahon. Madulas ang mabilis na nabasang puting Spartan kong tsinelas, at medyo hirap akong lakarin ang pataas na maikling distansya mula sa inuupahan ko patungo sa patong patong na tambak ng basura.Nang maabot ko ang tapunan ay aking initsa ang hawak kong isang plastic bag sa malaking hukay na siyang nagsisilbing imbakan. Paalis na sana ako ng mapansin ko malapit sa paanan ko ang isang kuting na kulay puti, walang buhay, at medyo nababasa na ng ambon. Naawa ako sa itsura nito, at naisip kong ilagay sa isang lumang karton ng sapatos bago ko ilibing. Dali dali ko itong pinulot, pinagpagan ng mga langam na nag umpisang kumagat sa kanya, nang bigla itong umiyak... buhay pa pala ang kuting na ito. Bahagya akong natigilan sa aking kinatatayuan, nag iisip sa kung ano ang mainam na gawin sa situwasyon na ito. Dumukot ako sa bulsa ng aking shorts, at nakitang may kaunting pera pa ako upang ipagamot ang kaawa awang pusa. Naalala ko na may malapit na beterenaryo sa aming lugar, at bago pa ako makapag dalawang isip ay nag umpisang humakbang ang mga paa ko patungo sa klinika ng nasabing duktor ng mga hayop. Mahigit singkwentang hakbang din bago ko naabot ang klinika. Sa labas nito ay may naka sulat na malaking billboard na gawa sa kahoy, at napapalibutan ng mga puting bumbilya. "Pet Mo Alaga Ko Petshop." 'Yan ang naka sulat sa ibabaw ng glass door ng klinika. Tinignan ko ang sign dito sa may pinto kung saan naka sulat ang kanilang klinik hours na: 9 a.m. to 5 p.m. Mon to Fri. Closed on Sat. and Sun. Wala akong suot na relo nuon... binuksan ko na lang ang pinto nila dahil naka lagay pa naman ang OPEN sign dito. Nakarinig ako ng chime, at may ilang naka kulong na tuta ang kumahol nang makita ako. "Tao po?" Mahinang tawag ko sa may kaluwagan na espasyo. "Tao po?" Inulit ko, ngunit wala namang lumabas na tao. Sa kagustuhang malapatan agad ng lunas ang akap akap kong kuting ay pinasok ko ang may kurtinang banda ng klinika. Sa likod ng kurtina ay may mga kabinet na may lamang samu't saring gamot, mga gamit pang hayop, at isang naka bukas na pintong may ilaw. Pumasok ako sa pintong may ilaw, at napa sigaw nang makita kong hubo't hubad na naliligo ang isang lalake sa banyo. "Hoy! Sino ka, anong ginagawa mo dito!" Galit na sabi nang may sabon sa mukhang lalake. Tumalikod ako at sinagot ang kanyang mga tanong. "Naku, sorry po, tumatawag ako sa labas kanina pero walang sumasagot. Naka lagay pa naman ang OPEN na sign ninyo kaya pumasok na lang ako. Ipapagamot ko lang sana itong kuting na napulot ko, mukhang naghihingalo na po kasi... baka pwedeng mamaya na kayo maligo at paki tingnan naman po muna kung may magagawa pa tayo para mabuhay ang pusang ito?" Nakarinig ako ng mga kaluskos bago sumagot ang mababang boses sa aking likuran. "Pasensya na rin, nakalimutan ko isara ang pinto sa harap sa pagmamadaling maalis ang suka nung isang aso sa katawan ko. Wala akong pampalit na uniporme sa nadumihang suot ko kanina, tanging boxers lang, maong na pantalon, at sweatshirt ang pwede kong isuot habang ginagamot ang pusa mo." Naunang naglakad ang lalake sa harap ko na naka boxers, at inaabot na niya ang pantalon niya at sweatshirt sa kabinet upang mag bihis. "Kung pwede po sana mamaya na kayo mag bihis, importante lang po talaga na matingnan niyo po muna ang kuting. Tutal naka boxers naman na po kayo, okay na 'yan... basta buhayin niyo lang po itong pusa?" Pag mamadali ko sa lalakeng tumutulo pa ang buhok at katawan sa naputol niyang paliligo. Nagkamot ng ulo ang lalake bago tumango at lumabas kami sa unahang bahagi ng klinika. Ipina iwan niya ang pusa sa isang maliit na operating table kung saan may isang overhead lamp na ubod ng liwanag ang naka sindi. Nag suot siya ng gloves na plastic, bago niya hinawakan at ineksamen ang pusa. "Hmmm... may kagat palibot sa may leeg niya, malalim, mahigit pitong ngipin ang bumaon sa leegan nito. Ah miss... kelangan natin na linisan muna ang sugat, tapos lagyan ng wound solution. Bibigyan ko din ng antibiotic agad. Mukhang naiwan ng matagal sa labas at nabasa na ng ulan ito, baka di makayanan ang lamig mamatay ito. Siya nga pala, may isang record book na malapit sa may pinto. Paki fill-upan muna ng pangalan mo, petsa. oras, klase ng hayop na dinala mo dito, at ano ang sakit ng alaga mo." Pagtatapos ng lalake. Lumakad ako palayo sa lamesa kung saan niya hawak ang pusa upang sulatan ang sinasabi niyang notebook. Nag umpisang umiyak at mag wala ang kuting ng ako'y malayo dito. "Eto ba? Etong may VET LOG na naka sulat?" Tanong ko sa lalakeng naka boxers lamang."Oo, paki sulat lang lahat ng sinasabi dyan, tapos paki bilisan lang kasi nagwawala na ang alaga mo." Pagmamadali sa akin ng lalake. Dali dali kong sinulat lahat ng hinihinge sa akin upang makabalik agad sa kuting na nais kong tulungan. Hinaplos ko ang likod ng pusa at ito'y muling kumalma. "Mukhang napamahal ka na sa pusang ito ah, magaling ka siguro mag alaga." Sabi ng lalake na kumukuha ng cotton swabs at hydrogen peroxide sa isang maliit na kabinet. "Kanina ko lang po napulot ang pusang ito, hindi ko alaga pero naawa lang ako. Sana po mabuhay naman siya." Sagot ko sa lalake na nag umpisang pahiran ang likod na bahagi ng leeg ng pusang hawak ko. Nagpupumiglas ang kuting nang maramdaman ang malamig na likido, at nagumpisa na naman itong umiyak. Sa likot nito ay natapon ang bote ng peroxide, at kinailangang humanap ng alternatibong panglinis sa sugat ang lalake. Kumuha siya ng isang maliit na plastic bottle na may nakakabit na spray. Inalis niya ang seal at plastic wrapper ng bagong gamot, at inalog ang bote nito. "Mas mainam siguro kung aakapin mo na lang ang pusa, para 'di masyadong maka kilos. Para na rin 'di masyado lamigin sa anti-bacterial solution na i-ispray ko sa leeg niya." Utos ng lalake na nakatitig sa aking mukha. Agad kong binuhat ang kuting at inilapit sa aking dibdib, kinarga ko ito na parang isang maliit na bata. "O, hawak lang ng maigi ha, uumpisahan ko nang linisan ang sugat niya." Sabi ng lalake habang lumalapit ang kanyang balbong mga braso, at malalapad na kamay sa aking maliit na katawan.

About wish_trish

u/wish_trish
wish_trish has nothing to say.

More from wish_trish

  • " Dalampasigan... " Bulok. 'Yun ang nag iisang salitang naiisip ko ngayon para mailarawan ang lugar na ito. Maraming kakulangan. Hot water...
    18 minutes
  • " Ang Yummy ni Yumi... " ( 11 ) "Araaayyyyy!!! Tama naaaaa... ayokooo naaaa!!! Hugutin niyo... hugutin niyo pleaseeeee!!!" Nagmamakaawa ako sa dalawang lalake, ngunit...
    5 minutes
  • Pt. 04 Umuwi ng maaga si mang Luis sa kadahilanang hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Mag dadalawang buwan na sila dito...
    7 minutes
  • Pt. 17 Sumasakit na ang batok ni sir Dave sa tagal niyang naka upo sa kanyang lamesa, at minabuti niyang lumabas...
    14 minutes
  • " Ganti ng DILIM... " ( 04 ) Dahil sa expertong pag chupa ng bungangang mainit sa tarugo ng binata ay hindi ito lumambot, bagkus...
    3 minutes
  • "Turo Ng Magaling 1..." Kelan lang lumipat sina Arnold sa tapat ng bahay namin... siguro wala pa silang apat na buwan...
    8 minutes
  • " Lupain... " ( Part Two ) Agad kaming nabasa sa malamig at malinaw na tubig, nagtatawanan, nag haharutan, tila nakalimutan ang estado namin...
    3 minutes
  • Pt. 13 Umuwi si Jonathan sa isang bahay na walang katao tao matapos ang kanyang magdamag na pagbabantay sa eskuwelahan ni...
    10 minutes
  • " Bituin... " ( Part Two ) Tahimik na ang paligid, kadadaan lang kanina ng mga nurses para sa rounds nila. Nariyang i-BP ka...
    5 minutes

    Related Stories

    • " Larawan... " ( Pt. 07 ) "That's it baby... konti pa... konti na lang... ahhh fuck, ang lalim ng lalamunan mo Trish, ang init...
      6 minutes
    • " To Trap a Wish... " Opulence. The high domed ceiling illuminated by countless low hanging crystal chandeliers. The Baccarat glasses and...
      20 minutes
    • Pt. 16 Idinikit ni Troy ang kanina pang nag huhumindig niyang kargada sa malambot na pwetan ng dalagita. Bagama't nababalot pa...
      9 minutes
    • Agad akong pumunta sa kama at tinabihan si Andrea. Nagyakapan kami at halikan sa labi muli. Parang may kakaibang lakas...
      9 minutes
    • Sa Loob Ng Bahay 6 : MykaDATE sa loob ng boarding house ay nakasuot lang ng nighties at ng panty si Jenjen...
      8 minutes
    • " Biyaya... " ( 02 ) Yumuyuko sa lakas ng hangin ang mga talahib, mga damo, at mga bulaklak sa pag dating ng Bell 429 helicopter...
      8 minutes
    • " Vet Log... " ( Part Three ) "Uhhhmpf!" Isang pigil na ungol ang kumawala sa aking nanunuyong mga labi. Napapikit ako bahagya, at...
      3 minutes
    • UNDERCOVER - 1 Maski naka sarado ang pinto ng kuwarto ay dinig na dinig ang malakas na boses ni Chief Agent...
      14 minutes