1. Home
  2. Stories
  3. Vince and Diane 6 - Confession
Filipino Sex Stories

Vince and Diane 6 - Confession

By Shymalandi ·
Hindi alam ni Diane ang nararamdaman nya. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig na maraming yelo. Gusto nya umiyak pero parang ayaw tumulo ng mga luha nya. Isinoli nya ang papel na walang isinulat na guest nya. Hindi nya kayang magdala ng pinsan nya at malalamang may asawa na pala ang nobyo nito. Siguradong sumbong sya sa mga magulang at kapatid nya.

Nagtuloy si Diane sa shift nya at nagpaalam na hindi sya makakapasok kinabukasan at may ipina-paasikaso ang mga magulang nya. Kahit hindi sana papayagan, dahil nga sa susunod na lingo pa sya bibigyan ng restday ay wala na nagawa si Mam Cecil. Pinayagan nya si Diane sa pakiusap nya.

---

Kahit mukhang tanga na sya sa jeep ay hindi na napigilan ni Diane ang walang tigil na pagbagsak ng luha nya. Nakasuot sya ng shades at maya't maya nagpupunas ng luha at sipon. Iniisip nya lahat ng pinagdaanan nila para makahanap ng butas...mga bagay na hindi nya nakita dahil nabulag sya sa pagmamahal sa mokong na yun.

Sa isip ni Diane: Ang damuho! Ang kapal talaga ng mukha nya!

Sa kanyang pagiisip, napagtanto nya na walang pagkakataong kausap nya si Vince sa branch na may ibang kasama at napagusapang nanliligaw ang lalaki sa kanya. Nung naging sila ay laging pinagliliban ni Vince na ipagsabi sa branch na sila na...yun pala kasi wala talaga sya balak ipaalam dahil sya pala'y kabit lang. 4 taon na ang nakalagay na eded ng bata...matagal na pala syang kasal. Kaya din siguro ito kuripot sa kanya dahil kwentado tyak ni misis ang sweldo nya at nabubuhay lang si Vince sa mga allowance. Alam na nya din ngayon bakit nahihirapan magpaalam si Vince pumunta sa kanila kapag alanganin ang oras sa pasok o labas nya sa trabaho.

Pagdating nya sa bahay nya...naalala nya ang mga ginawa nila ni Vince na lambingan at lampungan sa bawat sulok ng bahay nya. Nag-init ang dugo nya na naisip na hindi sya mahal ni Vince kundi sex lang ang habol sa kanya.

Diane: ArrrrghhhhH! Ang tanga-tanga mo Diane! Nabola ka hanggang kahapong dinalaw ka nya para batiin ng happy monthsary at ilang ulit pang nakipagtalik bago ka pumasok sa trabaho.

Naligo syang pilit inaalis ang duming naramdaman nya sa pagkatao nya hanggang nangungulubot na ang balat nya at nagbihis. Wala syang gana kumain. Wala pang alas 10am ay nakatulog syang umiiyak sa sama ng loob at hinagpis ng puso.

Alas 5pm na nang maalimpungatan sya. May maingay na kumakatok sa gate na parang kanina pa sumisigaw. Tiningnan nya ang kanyang cellphone. May mahigit sampung missed call si Vince at 8 text msgs. Bumalik ang alaala ng panloloko sa kanya ni Vince. Nabosesan na din nya ang kumakatok. Si Vince. Patay pa naman lahat ng ilaw kaya hindi sya umalis sa pagkakahiga sa kama.

Diane: Sorry Vince. Hindi pa kita kayang harapin ngayon. Sana mapagod ka na kumatok at umuwi na. (naisalita lang nya kung ano ang nasa isip nya)

Binasa ni Diane lahat ng text messages ni Vince at binura isa isa. Pati ang mga dumating na text ay binura na nya pagkatapos basahin.

---

Umalis si Vince na malakas ang dudang alam na ni Diane and sikreto nya. Kasi naman, buong akala nya ay regulars lang ang kasama sa Christmas Party. Mukhang galante ngayon ang branch dahil sinama na ang agency hired at may libreng pa-t-shirt pa kaya ang aga nagpalista ng mga aattend para sa t-shirt sizes.
May balak naman sya sabihin kay Diane ang sikreto nya, hindi pa lang sa ngayon...at lalong hindi sa ganitong paraan. Anong gagawin nya ngayon.

Nagtext sya sa nga kasamahan sa trabaho at nalamang ang ilan sa kanila ay nasa inuman. Sumunod sya at nakisama para makalimutan sandali ang problema nya.

---

Dumating ang kuya Aldrin ni Diane bandang alas-830pm, ang nakatoka sa pagbabantay sa kanya. Kasalukuyang naghahapunan na si Diane pero nilalaro lang nya ang pagkain sa pinggan at hindi masyado kumain. Hindi rin ito nakabihis pamasok kaya nag-alala ang pinsan.

Aldrin: Diane, bakit hindi ka pa bihis?

Diane: Rest day ko kuya.

Aldrin: Sigurado ka bang wala ka sakit? Matamlay ka at walang gana kumain.

Diane: Ok lang. Busog pa naman ako.

Aldrin: Nasan na si Vince? Absent yata sya ngayon.

Diane: Malay ko sa mokong na yun!

Aldrin: Inaway ka nya? Loko pala sya e. Wag na wag sya magpakita dito kundi...

Diane: Kuya...wag mo na pagaksayahan ng oras yun. Hindi sya worth ng pambubugbog nyo baka kayo pa mapasama.

Aldrin: Asus! Inaway ka na mahal mo pa din! Martyr! Sya, salamat sa masarap na sinigang na hipon. Alis na ako at mukhang di naman na dadating ang mokong mong jowa kasi halos alas 10pm na.

Palabas ng gate si Aldrin ng makasalubong si Vince.

Vince: Pare, nandyan ba si Diane? Pwede ko ba kausapin ng solo?

Aldrin: Pare, bakit lasing ka? Ano ginawa mo sa pinsan namin ha? Pasalamat ka at nakapromise ako kay Diane na hindi kita sasaktan. Nandyan sya, tulala. Pagbutihin mo ang pagpapaliwanag at kung mabalitaan kong mas lalo mo sya nasaktan ay kakalimutan kong nangako ako kay Diane. Pumasok ka na at iwan ko na kayong dalawa.

Pagpasok ng bahay ni Vince...naghuhugas na ng pinggan si Diane at nakatalikod ito sa pinto. Narinig ni Diane na may pumasok.

Diane: O kuya, napabalik ka? Gusto mo magbaon bukas ng sinigang? Teka at ibalot ko ang sob.... (natigilan si Diane ng makitang si Vince pala ang pumasok. Naisara na din nya ang pinto sa harap). Bakit ka nandito? Sino nagpapasok sayo?

Vince: Nakasalubong ko si Kuya Aldrin...pinapasok nya ako...tulala ka daw?

Diane: So? Anong pakialam mo? Wala ka naman pakialam sa pakiramdam ko diba? Kaya mo ngang gawin akong tanga e...pinaikot mo lang ako sa pambobola mo!

Vince: Diane, hindi kita binola...please..let me explain...

Diane: Wala ako oras makinig sa explanation mo. Lumayas ka na. Tapos na tayo or naging tayo nga ba? Shit ka! Ginawa mo akong kabit...LAYAS!

Lumapit si Diane kay Vince para palabasin sya pero hinawakan ni Vince ang dalawang kamay at iniharap nya sa kanya para makuha ang atensyon at mapilitang tumingin sa kanya. Naamoy ni Diane na nakainom si Vince. Napansin din nyang namumula na ang mga mata nito. Natakot sya sa mata ni Vince na may pagmamakaawa at galit? Galit? Hindi ba sya ang dapat magalit dito? Anong dahilan ni Vince para magalit? Kanino? Sa kanya? Kaya ba sya uminom? Mula ng naging sila ay hindi pa nya nakita o narinig na uminom ulit si Vince kasi sinabi nyang ayaw nyang naglalasing ito madalas. Inalis ni Diane ang pagkakatingin kay Vince at yumuko.

Diane: Nakainom ka. Walang mangyayari at hindi rin tayo magkakaintindihan.

Vince: Please....nagmamakaawa ako, pakinggan mo lang ako...

Diane: Para saan pa...isa pa, alam mong ayokong umiinom ka.

Niyakap ni Vince si Diane ng mahigpit at patuloy na nagmakaawa at nagumpisa ng litanya nya.

Humihinto hinto sya sandali at hinahalikan ang ulo ni Diane. Si Diane naman ay hindi gumagalaw...hindi alam ni Vince kung pinayagan na ba syang magexplain o iniinis sya sa walang imik nito para umalis na sya. Kung ano man ang nasa isip ni Diane ay balak nyang baguhin at ibalik ang dating pagtitinginan nila sa isa't isa. Minahal nya si Diane, pero hindi na nya mababago na may asawa't anak na sya...ngayon nga'y buntis na sa pangalawang anak kaya madalas silang nag-aaway. Hindi na iyon ang babaeng pinakasalan nya. Pakiramdam nya ay mas mahal na nya si Diane. Hindi lang nya maiwan dahil sa obligasyon nya. Ito ang nais nya ipaunawa kay Diane.

Vince: Honey, sorry at napainom ako. Tama nga ang duda ko at alam mo na ang sikreto ko...nainis ako at alam kong nasaktan kita ng sobra...kanina ayaw mo pa ako pansinin at pagbuksan ng pinto...hindi mo sinasagot mga tawag at text ko...hindi ko nakaya kaya gusto kong mamanhid sa sakit at pangongonsensya ng damdamin ko sa nagawa ko sayo.

Vince: Pero Diane...lahat ng sinabi ko sayo ay totoo. Oo, nailihim ko na may pamilya na ako pero yun lang ang pagkukulang ko. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya mawala ka sa buhay ko. Bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala. Kung pwede kita pakasalan...gagawin ko kahit ilang ulit pa pero nakatali na ako at ngayon ay malapit na maging 2 ang anak. Kung pwede ko lang silang iwan, gagawin ko para sayo pero may obligasyon ako sa mga bata...wala naman trabaho si Rizza.

Vince: Sorry na mahal ko...please...nasasaktan pa din ako hanggang nakikita pa kitang naghihinagpis at umiiyak dahil sa akin. I love you honey. Sorry talaga. Marahil naidugtong mo na, na ito ang dahilan kung bakit hindi ko masabi sa trabaho na tayo na...hindi sa ikinakahiya kita pero...I'm really sorry baby, please forgive me naman na. Hindi ko kaya makita ka ng ganito. Kapag patuloy kita makitang nasasaktan ay aalis na lang ako sa trabaho at maghahanap ng iba para hindi mo na ako makita. Yun ba ang gusto mo? Gagawin ko yun para sayo, mapatawad mo lang ako at maniwala kang mahal na mahal kita.

Parang may demonyo at anghel na naguusap sa isipan ni Diane.

Ang sabi ng isa ay: Anong klaseng pagdadahilan naman ang sinasabi mo Vince? Akala mo maloloko pa pa akong lalo dyan sa litanya mo? Never again! Bumalik ka na sa asawa mong buntis. Buntis? Aha! Tigang ka sa sex kaya katawan ko pinagpipiyestahan mo. Walanghiya ka talaga! Manloloko! Maniac! Babaero! Lokohin mo ang lelang mong panot!

Samantalang ang isa naman ay bumubulong sa kanya ng: Nakakaawa naman si Vince. Mukha namang totoo ang pagsorry nya. Tingnan at pakinggan mo sya Diane. Mahal ka nya. Wala sya balak saktan ka. Higit ka pa sa pamilya nya. Kung hindi sya kasal...malamang ay kayo na ang kasal ngayon. Kayo mo ba sya tiisin? O ikaw ang nagsisinungaling. Minahal mo ba syang talaga? Kung oo, nasan na ang pagmamahal mo? Ngayon ka nya kailangan.

Sumagot na naman ang isang boses: Weh? Walang syang balak saktan si Diane. Pwes, huli na ang lahat. Walang utak ang ulo ng titi at sadly yun lang ang ginamit ng Vince na mokong na yan para akitin itong si Diane. Hay naku Diane! Maganda ka at sexy, matalino pa...pwede ba wag mong pakinggan yang kakampi ng mapanglinlang na Vince na yan. Madami ka pang manliligaw...well...umuunti na sila at dumadalang ngayon pero naman...wag ka patali dito sa hunghang na ito...wag ka pagamit sa tigang sa sex na ito dahil buntis ang asawa nya.

Nagdepensang muli ang kumakampi kay Vince: hindi na ako makikipagtalo dyan sa intrimidang bumubulong sayo. Ikaw na ang magdesisyon Diane. Mahal ka ni Vince. Ilang ulit nya sinabi yun. Kung mahal mo rin sya...ipakita mo...unless nga na ikaw ang nagsinungaling nung sinabi mong mahal mo si Vince.

Ang sakit na ng ulo ni Diane sa mga nasa isip nya...naluha sya ng walang tigil. Luha na umagos sa braso ni Vince na nakayakap pa rin sa kanya at tuloy ang magsasabi ng sorry at mahal nya si Diane at humahalik sa ulo nya.

Naramdaman ni Vince ang mga luhang tumulo sa kanyang braso. Hinawakan nya si Diane sa magkabilang braso at hinarap sa kanya. Hindi nya na kayanan ang sakit ng makita nyang pulang pula ang mata ni Diane, maga ang mga ito marahil dahil sa pag-iyak mula kanina pa. Hindi na nya mapigil ang sarili nya. Lumuhang muli si Vince at inangkin nya ang mga labi ni Diane. Wala syang pakialam kahit hindi sya sagutin ng halik ni Diane. Maamo ang kanyang paghalik habang sya rin ay lumuluha.
Parang nanliligaw sya sa pamamagitan ng halik. Hinawakan nya ng dalawang kamay ang mga pisngi at nagumpisang palalimin ang kanyang halik. Naglakbay sa buong mukha ni Diane ang labi ni Vince...sa mga mata nyang nakapikit at lumuluha, sa pisngi nya, sa baba, pataas sa panga at sa tenga. Maya-maya'y bumaba si Vince sa leeg nya at dun sya pinuno ng halik. Dito nawala ang depensa ni Diane kaya ng bumalik sa labi nya ang halik ay hindi na nya natiis na hindi sumagot sa paglalambing nito. Umangat din ang mga kamay ni Diane at hinawakan din ang mga pisngi ni Vince bago ito umangkla sa batok para masigurong hindi kakalas sa halik ang lalaki.

Hindi na nacontrol ni Diane ang sarili. Kahit anong pagtatanong nya sa sarili ay parang hindi na nya pinakinggan pa. Marahil baliw sya sa pagmamahal nya kay Vince kahit alam nyang hindi dapat ngunit ramdam nya na mahal din sya ni Vince. Alam nyang tunog ang tanga-tanga nya pero ito ang final sa isip nya...

"Who cares! Im happy now. Hindi naman ako magpapabuntis na magdagdag ng komplikasyon... hayyyy... kiss me more Vince... make love to me... antayin ko na lang na mabasag ang helmet ko... bahayinla na si batman... mahal ko si Vince and that's final. Tanga na kung tanga."

Kumalas si Vince upang maghabol ng hininga. Nagulat sya sa pagbabago sa tingin ni Diane sa kanya. Kulang na lang ay kainin na sya nito ng buhay sa pagnanasa. Mas lalong nagulat sya sa sinabi ni Diane sa kanya....

Diane: Dyan ka lang. Wag ka aalis. Magbibihis lang ako at aalis tayo.

Vince: San tayo pupunta?

Diane: Magbabayad ka ng kasalanan mo sa akin. Mag momotel tayo. Ayaw kong pigilan mo ulit ako umungol kaya dun tayo. Iparamdam mo sa akin yang pagmamahal mo at sorry mong kanina mo pa sinasabi!