1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 10
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 10

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 10

Malungkot ang mga sumunod na araw para kay Zack..

Kada galaw nya ay lagi syang nasisita ni Sab..

Ni hindi na sya makapunta sa practice ng Team nila..

Mabuti na lamang ay maunawain ang bago nilang Coach..

Mananatili pa daw sya sa Team kahit na di sya laging nagpapakita sa practice..

Isang ordinaryong araw..

Abala si Zack sa pagsusulat ng kanyang takdang aralin sa isang bench..

Paborito nya ang lugar na ito..

Presko ang dapyo ng hangin dahil sa tulong ng isang mayabong na puno..

Nakalatag ang kanyang mga notebooks..

Galing sa kanyang sariling pera ang pagbili ng mga ginamit nya ngayon sa eskwela..

Matipid sya..

Mula nuong unang sahod na natanggap nya sa among si Saimon..Tinabi nya ito.. Sa utos na din ng kanyang ina..

Dito na din sya kumukuha ng budget sa eskwela.. Kapag may project o kung ano ano pa na nangangailangan ng pera..

Ayaw nyang nanghihingi sa ina.. Lalo na sa among si Saimon..

Malapit ng matapos sa ginagawa si Zack ng biglang may tumamang maliit na bato sa kanyang likod..

Galit syang lumingon sa pinanggalingan ng bato..

Naghagikgikan ang mga estudyanteng babae sa di kalayuan..

Napakunot ang noo ni Zack..

Kita nya sa grupo ng mga babae si Sab na kunot noo ding nakatingin sa kanya..

Tahimik na muling pinagpatuloy ni Zack ang ginagawa..

Pero maya maya ay muli syang nakaramdam ng masakit na tama ng bato .. Tumama ito sa likod ng kanyang ulo kaya naman tuluyan na syang napikon..

Mabilis nyang nilapitan ang grupo nina Sab..

Para komprontahin.

"Bakit nyo ba ako binabato?.." tanong nya..

Ang mga mata ay nasa kaklase ni Sab na si Princess..

Ayaw nyang tingnan ang dalagita..

Sapat na ang palitan nila ng salita nuong ginabi sya ng uwi galing sa practice..

Umismid ang dalagita..

Tinuro si Sab..

"Eh sabi nya okay lang daw eh.." sagot nito.

Napikon si Zack.. Pero alam nyang hanggang ngitngit na lamang ang magagawa nya..

"Wag mo naman sundin ang lahat ng sinasabi nya.. Kapag sinabihan ka nyang magpakamat.. Malamang na susundin mo.. Wala ka kasing utak.." biglang sabat ng boses sa likod ni Zack..

Nahindik ang dalagita..

Nilingon nila ang pinanggalingan ng boses..

Napangisi si Zack ng makita ang kaibigang si Denzel na may mga kasamang naggagwapuhang mga binata..

"Sino ba kayo?.." mataray na tanong ni Princess..

Nagbungisngisan ang mga binata maliban kay Zack..

"Kami ang Tagapag tanggol ng mga naaapi.. At ikaw malditang babae.. Ikaw ay dapat parusahan sa ngalan ng hustisya ..Kinakasuhan kita.." sabi nung isang gwapong binata sa tabi ni Denzel..

Lalong nag ngitngit si Princess..

"At anong kaso naman aber?.." tanong nito..

"Kinakasuhan kita sa pagdadala ng panget na mukha.. Sa susunod magsuot ka ng maskara.. Para kahit papaano.. Ligtas ka sa kapahamakan.." biglang banat nito..

Natulala ang dalagitang kaklase ni Sab..

Pinigilan ni Zack ang matawa ... Nilingon nya ang mga dalagita.. Kita nilang naiiyak ang mga ito maliban kay Sab na mataman ang pagkakatitig sa kanya..

Tama nga..

Biglang umiyak si Princess dahil sa kahihiyan..

Mabilis syang tumakbo na agad din namang sinundan ng mga kasama nya..

Akmang tatalikod na din si Sab pero tinapunan nya muna ng tingin si Zack..

"Umuwi ka ng maaga..May iuutos ako.." malumanay na sabi nito..

Napatango si Zack..

Di na sya nagsalita pa para di na humaba ang diskusyon..

Muling tinitigan ni Sab ang binata bago tumalikod at sinundan ang mga kaklase..

Tanging tanaw na lamang ang nagawa ni Zack sa babaeng itinatangi ng puso..

"Ahem.." singit ni Denzel..

Agad napalingon si Zack sa kaibigan..

Ngumiti ng matamis ..

"Salamat pare.." sabi nya..

Tumango lang si Denzel..Tinuro ang mga tatlong kasamang binata..

"Pare.. Tropa ko..Si Primo, Gustavo at Vincent..Mga tol, si Zackarias.. Kababata ko.. Ang pinakamabait na taong nakilala ko.. Kaso sumobra na ata.." biro nya..

Natawa si Zack..

Isa isang kinamayan ang mga bagong kaibigan..

"Tangna pare.. Nakita namin yung pagbato sayo nung panget na yon.. Kung ako yon.. Kinotongan ko na yon eh.." sabi ni Primo..

Natawa na naman si Zack .. Napailing sya sabay lapit sa mga gamit na nagkalat..

"Di ko kayang manakit ng tao pare.. Lalo na babae.. At mas bata pa sa akin.. Pasensya na.. " sabi nya..

Nagkatinginan ang mga kaibigan nya..

"Sabi ko sa inyo eh.. Nuong nagbotohan para sa susunod na Santo Papa.. Nanominate yan eh.." banat ni Denzel..

Nagbungisngisan sila..

"Pero may tanong ako pare.. Wag ka sanang magagalit.." sabat ni Primo..

Tumango si Zack.. Isa isang niligpit ang mga kwaderno at sinilid sa bag..

"Yung huling umalis.. Kaano ano mo yon?.. " tanong nya..

Napatigil sa pagsisilid ng mga gamit si Zack.. Napatingin sya kay Denzel pagkuwan ay kay Primo..

"B-baket?.." tanong nya.

Ngumiti si Gustavo..

"Pasensya ka na pre.. Masyado lang talagang pakialamero itong pinsan ko.." banat nya..

Pero kinotongan lang sya ng pinsang si Primo..

Napabuntong hininga si Zack..

Tinapos muna ang pagsisilid ng gamit bago naupo at nagkwento..

"Anak sya ng amo ko mga pare.. Kaya konting utos nya.. Kailangan kong sundin.. Di naman sya ganyan dati.. Ewan ko ba.." nahihirapang sabi ni Zack..

Nagkatinginan ang mga kaibigan nya..

"Idaan mo na lang sa kanta yan pare.. Ganyan ako eh.. Kapag may problema.. Kumakanta.." sabi ni Vincent..

Natawa ang mag pinsan..

"Kaya pala lagi kang kumakanta lately pare.. " banat ng dalawa..

Nagtawanan sila ng biglang pag untugin ni Vincent ang mag pinsan..

"Mga sira ulo talaga kayo eh.." sabi nya.

Napangiti si Zack..

Ngayon lamang sya nag karoon ng ganito karaming kaibigan.. Tanging si Denzel lamang ang itinuturing nyang kaibigan mula pa nuon.. Kaya parang umaapaw ang puso nya sa galak..

"Come on pare.. Tell us.. Walang mangyayari kapag sinolo mo yan.. Matatae ka lang .." sabi ni Primo.

Natawa ng bahagya si Zack..

Tiningnan nya si Denzel..

Parang nagtatanong kung mapagkakatiwalaan ba ang mga bagong dating..

Tumango ng marahan si Denzel.. Hudyat na maari nyang sabihin ang nais nya..

Muling bumuntong hininga si Zack..

Nilingon nya ang building ni Sab..

"Di lang pagtinging amo ang nararamdaman mo sa babaeng yon.." biglang banat ni Gustavo..

Nag apir ang mag pinsan..

"Nadale mo insan.." sabi ni Primo..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..Nag kanda iling iling sya pero hinawakan sya sa balikat ni Denzel..

"Pare.. Wag mo ng ikaila.. Maski ako alam ko.. Nuon pang ipakilala mo sya sa akin.." sabi nito..

Napayuko si Zack sa hiya.. Tinabihan sya ni Vincent at tinuro ang mag pinsang nag haharutan di kalayuan ..

"Yang mag pinsan na yan.. Kapag nag kasundo.. Nakakatakot.. " sabi nya..

Napangiti si Zack...

"Tama.. Parehong baliw.. Pero infairness.. Talagang nakakatakot sila.. Pangarap ni Primo ang maging isang batikang abugado... Yung hindi natatalo.. Kalohan mang isipin.. Pero suportado namin sya.. At si Gustavo.. Ang maging isang sikat na detective ang nag iisang mithiin sa buhay.. Well, nakuha nya lang siguro ang talento ng tatay nya.." kwento ni Denzel..

Nagtaka si Zack..

"Baket?... Ano bang trabaho ng tatay ni Gustavo?.." tanong nya..

Napangiti si Vincent..

"Narinig mo na siguro ang pangalang Joaquin Di Caprio.. Di mo siguro masyadong kilala.. Pero yung bansag sa kanyang Mr. Valentine..Malamang narinig mo na yon.." sabi nito..

Nanlaki ang mga mata ni Zack.. Oo.. Narinig na nya ang pangalang iyon.. Pero di nya akalaing detective pala ito..

At anak nito ang isa sa mga bagong kaibigan nya..

Nakaramdam ng pagmamalaki si Zack..

"Kaya kung anong sinabi nila.. Kadalasan... Tama.. KAya di ka makakapagtago sa dalawang yan eh.. Sige na .. Ipagtapat mo na pre.. Malay mo.. MAtulungan ka namen?.." nakangiting sabi ni Denzel.

Natahimik si Zack.. Napaisip..

"Oy mga pre.. Magtatapat na daw si Zack.." biglang sigaw ni Vincent..

Nanlaki ang mga mata ni Zack.. Pero wala na syang magawa dahil napalibutan na sya ng mga bagong kaibigan..

Natawa ng mahina ang binata..

"Okay okay.. Wag nyo nga akong palibutan.. PArang iniembestigahan nyo ako eh.." angal nya..

Natawa naman sina Denzel..

Lumayo sila ng bahagya..

"Wala naman talagang kakaiba sa pagtingin ko nuon sa kanya.. PArang nakababatang kapatid lang ang tingin ko kay Sab.. Pinagbilin sya sa akin ng Tatay nya.. Napakabit ni Sir Saimon.. Kaya naman kahit anong sabihin ni Sab.. Hanggat kaya ko .. Ginagawa ko.." bungad ni Zack..

Tahimik ang mga kaibigan nya..

Matamang nakikinig na parang bawat impormasyong lumampas sa tenga nila ay magiging napakalaking problema..

"Di ko maintindihan ang nangyari sa kanya.. Mabait na bata si Sab.. Nuon, Kuya ang turing nya sa akin.. Kahit kailan di nila kami tinuring na katulong ni Inay.. Mabait ang pamilya nina Sir Saimon.. Pero nagbago si Sab.. Nitong mga nakaraang araw.. Halos kulang na lamang ay pati pag tulog ko.. Utusan nya ako.. Di ko maintindihan ang nangyayari.. Pero kapag wala lang namang nakakakita nya ito ginagawa.. Kapag nakaharap ang mga magulang nya o kaya si Inay.. Di ako inuutusan ni Sab.. Ganun pa rin ang turing nya.. Malambing sya pag may nakakakitang iba.. Pero kapag kami kami na lang.. Parang alipin ang tingin nya sa akin.." patuloy na kwento ni Zack..

Tuloy tuloy na bumuhos ang lungkot sa loob nya..

Ngayon lamang nya ito nailabas..

At masaya sya...

Sa wakas.. Nasabi nya na din ang matagal ng kinikimkim ..

Natahimik ang mga kaibigan ni Zack..

"Kailan naman nagsimula yang pagbabago ng trato nya sayo?.. " tanong ni Gustavo..

Napaisip si Zack..

Tumingin sya sa kaibigan si Denzel...

"Nuong nagpraktis kami ni Denzel dito sa Gym.. Ginabi ako ng uwi.. Pag uwi ko.. Pinagbintangan nya akong nagliwaliw lang o kaya may kasamang iba..Ewan ko ba..Nagbago na talaga sya.." naiiyak na kwento ni Zack..

Nagkatinginan ang magpinsan..

"Sa tingin mo insan?.." tanong ni Gustavo..

Tumalikod si Primo..

Namulsa..

Ugali nya kapag nag iisip ng malalim..

Hinayaan lang nina Denzel ang kaibigan..

"Di ko naman sya kayang tanungin ng diretso.. " dugtong pa ni Zack..

"Okay na pre.. Tama na.. " awat ni Vincent..

Huminga ng malalim si Zack at ngumiti sa mga kaibigan nya..

"Salamat sa pakikinig mga pre.. Ngapala.. Ano bang ginagawa nyo dito?.. Di ba magkakaparehas lang tayo ng year?.. Wala kayong pasok?.." tanong nya..

Natawa sina Gustavo at Vincent..

"Eh sabi kasi nitong si Denzel.. Marami daw chix dito sa inyo kaya eto kame.. Sumugod.. Nag cutting kame sabay sabay.." sabi ni Gustavo..

"Gago !.. Wala akong pasok kasi wala yung Teacher ko sa last subject.." reklamo ni Vincent..

Napangiti si Gustavo..

"Ikaw ang nagsabi na last Teacher mo ang di papasok.. PEro bakit buong maghapon kang absent?.." malumanay na tanong nito..

Natahimik si Vincent..Sumimangot..

"Dinadamayan ko lang kayong mga tropa ko.. " palusot nya..

Nagtawanan sila..

Eksaktong bumalik si Primo..

Seryoso ang mukha..

"Oh pare.. Ano sa tingin mo?.." tanong ni Denzel..

Tinitigan ni Primo si Zack..

Napayuko ang binata..

"Nothing.. Anyway, wala bang laro ngayon ang varsity nyo Denz?.." tanong ni Primo..

Nagkibit balikat lang si Denzel..

"Ewan.. Ang alam ko may praktis kami mamaya.. Pero di ko alam kung bakit wala pa sila.." sabi nya..

May tinuro si Vincent..

"Ayun pare.. Kartada syete !.." sigaw nya..

Agad napatingin ang lahat maliban kay Zack..

"Ay kilala ko yan.. Na scan ko na yan.. May boyfriend yan from other school.. College na.." sabi ni Denzel..

Nanlumo ang tropa..

Napangiti si Zack..

"Mga babaero.." sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ng mga ito..

"Come again?.. How dare you.. !." landi ni Gustavo..

Naghagikgikan sila..

Ilang saglit lang ay may lumapit na matangkad na lalaki kay Denzel..

Binulungan nito ang kaibigan nya.. Napasimangot si Denzel bigla..

Tumawa ang matangkad na lalake at isa isang pinukol ng tingin ang mga bagong salta..

Maya maya ay umalis na ito..

"Ano daw yun pre?.." tanong ni Zack..

Nagseryoso si Denzel..

"Wala pare.. " sabi nya at tiningnan isa isa ang mga kaibigan nya maliban kay Zack..

Nakaramdam ng kakaiba ang binata.

"Ano nga yon?.." tanong nya..

Pero walang sumagot sa kanya..

"Pare naman eh.. Akala ko magkakaibigan tayo dito?.." nagtatampong sabi nya..

NAtawa ang mga ito..

"Tangnang to.. Tampuhing bata.." natatawang sabi ni Vincent..

"Sabihin nyo na kase.." pangungulit ni Zack..

Napatingin si Denzel kay Primo.. Tumango ng marahan ang binata at tumalikod..

Binalingan ni Denzel si Zack..

"Si Rigor yon eh..Hinahamon nya ng suntukan sina Primo.." maasim na sabi ni Denzel..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Oy grabe... Isumbong na natin sa Principal habang maaga pa.." tarantang sabi nya..

Lumingon si Primo at ngumisi..

"Para saan?.." tanong nito..

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Zack..

Kinakabahang niligpit nya ang mga gamit at inaya ang mga kaibigan sa principal's office ..

Pero tumawa lang ang mga ito..

"Alas tres daw pare.. Sa likod ng school.. Maaga pa.. Kain muna tayo.. " sabi ni Denzel habang tumitingin sa relos..

Nahindik si Zack..

"Tutuloy kayo? .. " tanong nya..

Tumango ang mga ito..

"Bakit pa?.. Pwede namang pakiusapan yon ah.." sabi nya..

Pero tinapunan lang sya ng tingin ng mga ito..

"Alam mo pare.. Bibihira ang naghahamon sa amin ng ganyan.. KAya dapat di na pinalalampas pa.. Kung gusto mong sumama.. Okay lang.. Di mo kailangang sumali.. Bantayan mo na lang mga gamit namin.. PEro kung ayaw mo.. Umuwi ka na at matulog.." sabi ni Primo..

Tumalikod si Primo at naglakad palayo.. Sinundan sya nina Vincent at Gustavo.. Tinapik ni Denzel ang balikat nya..

"So ano pare.. Kitakits na lang bukas.. " sabi nito..

Sumunod na din ito sa mga kaibigan..

Tulalang nakatayo lang si Zack sa bench.. Di nya alam kung ano ang dapat gawin sa mga oras na ito..

Pabalik balik si Zack sa tapat ng principal's office..

Di nya alam kung isusumbong ba ang mangyayaring suntukan sa likod ng eskwelahan..

Kinakabahan sya ng sobra para sa kaligtasan ng mga kasamahan..

Sinilip nya ang relos na nakasabit sa dingding ng opisina..

Alas dos y medya na.. Kalahating oras na lamang ay mag sisimula na ang away nila..

Di pa sya nakakapag isip kung ano ba ang dapat gawin..

Habang pabalik balik sa tapat ng opisina.. May narinig na tawag si Zack..

PAglingon nya ay nakita nya sina Sab kasama ang mga kaibigan nito..

Atubiling lumapit ang binata..

Nakasimangot ang mukha ni Sab..

"Anong ginagawa mo dyan?.. " tanong niya..

Umiling si Zack at bahagyang ngumiti..

"W-wala.." sabi nya..

Tiningnan lang sya ng masama ng dalagita..

May binulong si Princess sa tenga ni Sab..

Napatingin sa kanya ang dalagita at kumunot ang noo..

"Samahan mo ko.. Buhatin mo bag ko.." utos nya..

Nahindik si Zack..

Naalala nya ang mga kaibigan..

"A-ah.. M-may gagawin ako eh.. P-pasensya na.." tanggi nya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sab..

Muling bumulong si Princess..

"Tumatanggi na sayo Sab.. Sabi sayo may nobya na yan eh.." bulong nito..

Di maipaliwanag ni Sab ang galit na nararamdaman sa ideyang sinabi ng kaklase at kaibigan..

Tiningnan nya ng masama ang binata na namimilipit sa harap nya..

"Di pwede.. Samahan mo ko.." matigas na sabi ni Sab..

Napayuko si Zack..

"P-pero S-sab.." mahinang tanggi nya..

Nagalit si Sab..

"Samahan mo ko !.." mahina pero madiin na sabi ng dalagita..

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Sab.

Nakaramdam ng pagkatalo ang binata..

"S-saan ba?.." tanong nya..

Nagbunyi ang loob ni Sab..

"Dyan lang.. Hintayin mo lang matapos ang huling klase ko.. Dyan ka lang sa harap ng room ko.." sabi nya..

Napatingin si Zack sa dalagita..Kunot ang noo..

"B-bakit?.." tanong nya..

Pero nagsalubong ulit ang kilay ni Sab..

"Wala ng tanong tanong pwede?.. Basta bantayan mo ako.." muling utos nito..

Natameme si Zack..

Muling nagbungisngisan ang mga kaibigan ni Sab..

Dahan dahang tumango ang binata..

Nakaramdam ng pagkapanalo ang dalagita..

Mataray syang tumalikod at naglakad pabalik sa silid..

Nagtawanan ang mga kaklase ni Sab.. Lalo na si Princess .. Binelatan nya pa ang binata na nakayuko at tahimik na sumunod kay Sab..

Ilang minuto ang lumipas.

Napatingin si Zack sa dalagitang nakikinig sa klase.. PAlingon lingon si Sab sa kanya na waring sinisigurado na di sya aalis..

Alas tres na..

Kabadong kabado na si Zack..

Di nya maatim sa sarili nya pababayaan na lamang ang mga kaibigan.. Kahit pa sabihing kakakilala lamang nya sa mga ito maliban kay Denzel..

Muli nyang nilingon ang dalagita..

Kunot noo din itong napatingin sa kanya..

Mabilis nagbawi ng tingin si Zack..

Nasa second floor sya..

Kita nya ang pabalik balik na mga estudyante sa grounds..

Nahagip ng mga mata niya ang isang grupo ng mga binata na patungo sa bakanteng lote sa likod ng paaralan..

Nanlaki ang mga mata ni Zack ng mahagip ng kanyang mga mata ang lalaking bumulong kay Denzel.. Si Rigor..

Matangkad ang lalake.. PEro sa malas ay di lang ito ang nag iisang matangkad.. Halos lahat sila ay pare pareho ng height..

Mabilis na binilang ni Zack ang mga makakalaban nina Denzel..

Gumapang ang takot sa katawan nya ng lumampas ito sa sampu..

Onse ata.. Di nya sigurado..

Basta ang alam nya.. Nasa panganib ang mga kaibigan nya..

Muling lumingon si Zack sa kwarto ng dalagita..

Abala ang guro nito sa pagtuturo ng kung ano..

Kailangan nyang magpasya..

Tinitigan ni Zack ang dalagita..

Napatingin din ito sa kanya..

NAgtatanong ang mga mata..

Umiling si Zack.. Yumuko.. Sinaboses ang pasensya sa bibig..Pilit na pinarating kay Sab na kailangan nyang umalis..

Nahindik ang dalagita ..

Umiling iling ito.. Inunday ang kamao .. Binalaan sa pamamagitan ng tingin ang binata.

Napatingin din kay Zack ang katabi ng dalagita na si Princess..

Mabilis itong bumulong kay Sab..

Kumunot lalo ang noo ng dalagita ..

Kung pwede lang sumigaw ay sumigaw na sya para lamang pagbawalan si Zack sa nakaamba nitong pag alis..

Nais nyang patunayan sa mga kaklase na sunud sunuran sa kanya ang binata..

Pinasingkit ni Sab ang mga mata.. PAra takutin si Zack..

Mukhang epektibo naman dahil kita nyang pinagpapawisan ang binata ..

Di ito mapakali na syang pinagtataka nya..

Wala ng klase si Zack sa mga oras na ito..

Bakit ito tila nagmamadali?.. Di kaya totoo ang sinabi ng kaibigang si Princess na talagang may kinakatagpo na itong ibang babae bukod sa kanya?..

Sa naisip ay lalong nag puyos ang damdamin ni Sab..

Di sya makapapayag na makuha ng iba ang binata..

Di nya maintindihan ang nararamdaman.. Pero wala syang pakiaalam..Ang alam nya ay ayaw nyang mabaling ang atensyon ni Zack sa iba.. Partikular na sa ibang babae..

Kaya hanggat kaya nya.. Pipigilan nya ang binata..

Muling binantaan ng tingin ni Sab si Zack..

PEro nanlaki ang mga mata nya ng yumuko ito..

PArang nagsasabi na pasensya na..

Nais tumayo ni Sab..

Pero may guro pa sila sa mga oras na iyon.. Mabagsik ang Teacher nila sa Math..

Nilingon nya ang binata sa pwesto nito..

Pero wala na si Zack..

Natulala si Sabina..

Mabilis na tinakbo ni Zack ang bakanteng lote..

Kabadong kabado na sya..

Para sa kaligtasan ng mga kaibigan, sinuway nya ang utos ni Sab..

Siguro naman ay mauunawaan sya ng ama ng dalagita kung sakaling magsumbong ito..

Mas importante sa mga oras na ito ang kaligtasan ng mga kaibigan..

Masukal pa ang likod ng eskwelahan.. Matataas ang mga talahib at talagang mukhang bakanteng lote..

May narinig syang nag uusap..

Hinawi ni Zack ang mataas na damo ..

Nanlaki ang mga mata nya ng makarinig ng sigawan..

NAgmamadaling tumakbo si Zack at sinundan ang pinanggalingan ng tinig..

Sa wakas ay narating nya ang kaguluhan..

Kita nyang pinagtutulungan ng mga kaeskwela ang mga bagong kaibigan kabilang na si DEnzel..

Nakaluhod sa lupa ang kalaban ni Primo at tinatadyakan nito..

Pero biglang may sumuntok sa likod ng kaibigan..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

Napaupo si Primo .. Akmang sisipain ng matangkad na lalaki pero mabilis itong naitulak ni Gustavo..

Nagdikit sina Denzel..

Tinayo nila ang kaibigan..

Napalibutan ang mga kaibigan nya..

Walang maisip na gawin si Zack..

Napatingin sya sa mga batong maliliit sa tabi nya..

Naalala nya ang ginawa ni Princess sa kanya..

Mabilis ang naging reaksyon ng binata..

Dumampot sya ng maraming bato.. PEro di hamak na mas malalaki sa ginamit ni Princess sa kanya..

Hiniwalay ni Zack ang dalawa sabay pinukol ang isang kalaban ng mga kaibigan nya..

Natamaan ito sa bandang batok at ngumiwi..

Napaluhod sa sakit ang natamaan ni Zack..

Nagtaka ang mga kalaban ng kaibigan nya at hinanahap ang pinanggalingan ng bato..

Kita nila ang binatang nasa likod ng mga talahib..

Nagalit si Rigor..

Pero huli na.. Mabilis ang naging pagkilos ng mga kaibigan ni Zack..

Sinugod ni Denzel ang tuhod ng matangkad na lalake dahilan para makaupo ito sa lupa..

Magkatulong na hinawakan ni Gustavo at Vincent ang magkabilang kamay ni Rigor.,.

Pumwesto sa harap si Primo.. Buong lakas na pinitik sa ilong ang kalabang binata bago tinuhod ang baba...

Duguan ang labi ni Rigor..

PEro di pa tapos .. Mabilis na sumunod ang tig iisang suntok kina Denzel, Vincent at Gustavo..

Hilong bumagsak sa lupa ang kapre..

Nagsisugod ang iba pa.. Pero natitigil sila dahil lumilipad ang naglalakihang bato mula kay Zack..

Nagpasya ang isa na sugurin ang binata pero mabilis ang naging pagkilos ni Vincent..

Dinamba nya ang susugod sna sa kaibigan na bumabato sa di kalayuan..

Mabilis din sina Primo na inalalayan si Zack..

Walang makalapit kay Zack na patuloy lang sa paghagilap ng bato at paghagis nito..

Akala nya malaya syang makakagalaw..

Pero nagulat ang binata ng bigla na lamang syang bumagsak sa maputik na damuhan..

Hilong nilingon ni Zack ang dahilan ng kanyang pagbagsak..

Galit na dinamba ng isang lalake ang binata at inundayan ng suntok sa mukha..

Putok ang ilalim ng kaliwang mata ni Zack.

Di sya sanay sa marahas na labanan kaya mabilis syang nahilo ..

Napasigaw si DEnzel..

Akmang lalapitan si Zack pero napatid sya ng hawakan ni Rigor ang kanyang mga paa..

"Primo si Zack !.." sigaw ni Denzel..

Mabilis din ang naging reaksyon ni Primo pero nagulat sya ng may pumalong kahoy sa mukha nya..

Hilo man.. Pagapang na nilapitan ng binata ang kaibigan na walang magawa kundi ang sumalag sa nakapatong ditong kalaban..

Di makalapit sina Gustavo..

Lumabas na ang lamang sa kanila ng mga kaaway.. Mas marami ang mga ito..

Mas matatas ng di hamak..

Pero di nila kailangang sumuko..

Nakalapit si Primo kahit pagapang kay Rigor.. Dinakot nya ang buhok nito at hinatak ng malakas.. Inundayan ng binata ng malakas na suntok na tumama sa ilong ni Rigor..

Dahilan para mabitawanan nito si Denzel..

Mabilis na kumilos at tumayo si Denzel.. Halos liparin nya ang pwesto ni Zack .. Tinalon nya ang natitirang distansya at dinamba ang nakapatong kay Zack.. Gigil na pinagsusuntok ng binata ang kalaban..

Wala na itong magawa kundi ang sumalag..

Matapos gulpihin.. Nilapitan ni Denzel ang kaibigang si Zack ..

"Pare.. Buhay ka pa ha.." biro nya..

Ngumiti si Zack kahit putok ang labi..

Iinot inot syang tumayo..

Napasigaw sya ng makita ang taltong kaibigan..

Nakadapa ang lahat..

Inakay ni Denzel si Zack palapit kay Gustavo na nakahiga sa kalaban nito..

Humihingal ang binata.. Duguan ang ilong..

Pero nakangiti..

"Yo !.." biro ni Primo..

Napatingin sila sa kaibigan na nakadapa at hawak ang labi.. Pinupanasan nito ang umaagos na dugo mula sa bibig.

"Si Vincent?.." tanong ni Zack..

"P-present !.." sigaw ng binata sa dikalayuan..

Nagtawanan sila ng makita si Vincent na umiihi sa isang puno..

Pagod ang lahat sa naganap na suntukan..

Walang nagsasalita..

Magkakasama sila sa likod ng bakanteng lote kasama din ang mga naging kaaway nila..

Tulog na hakahimlay si Rigor sa tabi ni Primo..

"Napabilib mo ko pare ah.. Pumunta ka talaga?.." mahinang tanong ng binata..

Di ito gaanong makapagsalita dahil sa malaking hiwa sa gilid ng bibig..

Tumango si Zack..

May dugo sa ilong nya .. Kanina pa sya punas ng punas pero ayaw talagang umampat ng dugo..

Nagtawanan sila..

Lahat may bangas..

Nagpalipas muna ng ilang oras ang magkakaibigan bago dahan dahang tumayo..

Madilim na..

"Hatid ka na namin pare.." suhestyon ni Denzel..

Nilingon ni Zack ang silid ni Sab .. Wala ng katao tao sa paligid.. Napagsarhan na nga sila ng Gate..

"Sige tol.. PAsensya na kung huli akong dumating ah?.. " sabi nya..

Inakbayan ni Vincent ang binata at ginulo ang buhok..

"Walang pase pasensya.. Napakalaki ng tulong mo pare.. Asintado ka pala.." biro nito..

Nagtawanan sila..

Pero huminto si Primo..

Sinenyasan ang mga kaibigan na tumahimik..

"Pare teka.. Yung gwardya.. Siguradong yari tayo kapag nakita tayong ganito ang itsura.." bulong nito...

Nagtanguan silang lahat..

"Anong gagawin natin?.." tanong ni Vincent..

Nagisip si Primo..

Napatingin sya kay Zack..

"Sa lahat.. Pare .. Ikaw ang pinaka pogi sa mga oras na ito.. Konti pa lang ang sugat mo.. Mamaya pa yan mamamaga sigurado ako.." sabi ni Primo..

Napakunot noo si Zack..

Tama ang kaibigan nya..

Masakit ang parteng pisngi nya at bibig..

Alam nyang di magtatagal ay magiging pasa na ang natamong sugat..

"Hubarin mo muna uniform mo.. Denzel pare palit kayo damit.. Malinis linis konti sayo eh.. Baliktarin nyo.. Tapos lapit ka sa guard sabihin mo na nanakawan ka.. Turo mo yung principal's office.. Sisimple kami ng labas .. Magtatawag kami ng taxi tapos pipito ako.. Kapag narinig mo yung pito tumakbo ka agad ng mabilis.. Kami na bahala.." paliwanag ni Primo..

Nagngitian sila pero kinabahan si Zack..

"T-teka.. Di ko ata kaya.." sabi nya..

Napaungol ang lahat..

"Pare.. Masakit na mga sugat ko.. Wag mo ng patagalin parang awa mo na.." makaawa ni Gustavo..

Napatingin lahat sila kay Zack..

Huminga ng malalim ang binata..

Mabilis nyang hinubad ang suot na uniporme at inabot kay Vincent..

Naghubad din si Denzel at binaliktad ang suot...

Ginawa nila ang sinabi ni Primo..

Tahimik na natago ang mga kaibigan nya sa gilid ng halaman..

Umarte si Zack na nasasaktan.. PEro talagang nasasaktan sya dahil sa sakit ng katawan na natamo sa labanan..

"M-manong.. !." impit nyang sigaw..

Napalingon ang gwardya na nakatoka sa gate at nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa binata..

Agad nitong iniwan ang pwesto..Tinakbo ang distansya nila ni Zack..

Napaluhod si Zack dahil sa naramdamang kirot sa bandang tuhod..

"Wow pare.. Ang galing nyang umarte.." puri ni Primo..

Namangha sila sa galing umarte ni Zack pero ang totoo ay talagang masakit ang tuhod nya.. Nangamba sya na baka di sya makatakbo agad..

"Boy anong nangyari sayo?.." tanong ng gwardya..

Iinot inot na nagpaalalay si Zack sa guard..

"May pumalo po sa akin.. Di ko nakita.. Tapos pag gising ko.. Wala na yung wallet ko.. " palusot nya..

Akmang mag raradyo ang gwardya pero mabilis itong pinigilan ni Zack..

"M-manong.. Baka ho andun yung bago ko sa hagdan.. P-pakikuha po.. Y-yung gamit ko.. Pakitawagan ho M-mommy ko.." sabi nya..

Agad namang sumunod ang matandang gwardya...

"Saan kamo iho?.." tanong nito..

"Sa ilalim ho ng hagdan.. Aray nakuuu.." pag arte nya..

Mabilis na kumilos ang gwardya..

NAglabasan ang mga kaibigan nya at akmang aalis pero sinitsitan sila ni Zack.

Napalingon si Primo at Denzel..

"Pare.. Di ako makalakad !.." impit nyang hiyaw..

Nanlaki ang mga mata nina Primo..

"Gustavo !.. Lekat na.. Ambibilis nyong tumakbo.. Si Zack di daw makalakad.. Buhatin natin dali.. Babalik yung gwardya.. !.." sigaw niya..

Mabilis na kumilos ang apat..

Hinawakan ni Primo at Denzel ang magkabilang kamay ni Zack habang magkabilang paa naman ang hawak ni Gustavo at Vincent..

Imbes na masktan .. Natatawa si Zack sa itsura nya.. PAra syang iihawin..

Halos madapa ang magkakaibigan sa pagtakas..

Ng makalayo.. PAbagsak nilang binaba si Zack..

"Aray naman !.." reklamo nya..

NAgtawanan sila at nagpahinga saglit..

Pabalik na ang gwardya dala ang flaslight..

Wala syang makitang bag..

Baka niloloko lamang sya ng binata..

Pero natulala sya ng wala na syang abutan..

Umihip ang malamig na simoy ng hangin..

Kinilabutan ang matandang gwardya..

Marahan syang naglakad pabalik sa pwesto ng makarinig ng kaluskos..

"Ahahayyyyy !!!!.. " tili nya..

May humintong taxi sa tapat ng bahay nina Sab..

Mula sa kwarto, agad syang tumakbo pababa ng hagdan para sermunan si Zack..

Gigil na gigil na sya..

Kanina ay pinagtawanan sya ng mga kaklase dahil wala daw syang nagawa dahil umalis pa rin ang binata..

Nakapamweywang sya habang hinihintay na bumukas ang pinto..

Kunot ang noo..

Hinanda ang sarili..

Talagang makakatikim sa kanya ang binata..

May kumatok..

Mabilis na binuksan ni Sab ang pinto..

"San ka galing !.." sigaw nya..

Pero nanlaki ang mga mata nya ng makita ang dalawang binata..

"Pasensya na Sab.. Napaaway kame.. Tinulungan kami ni Zack kanina.. Di sya makalakad ng maayos kaya sana wag mo syang utusan ng mabibigat.. Salamat pare.. Una na kame at gabi na.." paalam ni Denzel..

Tumango si Zack..

Si Denzel na din ang nagsara ng bakal na gate at sumakay sa taxi na nag aabang.. Kumaway pa ang mga kaibigan nya sa loob nito..

Gumanti ng kaway si Zack..

Matapos mawala sa pangingin ang taxi..

Iika ika syang umatras para isara ang pinto..

Mabagal syang nagpunta ng kusina..

Pinuno ng tubig ang planggana at naghilamos..

Binaba nya ang bakpak sa mesa..

Humatak ng upuan at naupo..

Sumandal ang binata sa upuan.. Pinikit ang mga mata.

Masakit ang kanyang katawan ..

Pero nagulat sya ng may dumaping malamig na bimpo sa mukha nya..

"S-salamat po Nay.. Pasensya na po kung nakipag away ako.." agad na sabi ni Zack...

Pero walang sumagot..

Dahan dahan nyang dinilat ang mga mata ..

Napabalikwas sya ng pagkakaupo ng makita ang maamong mukha ni Sab..

Hawak nito ang basang bimpo na ginamit na pampunas sa mukha nya..

"S-sab." tawag ng binata..

Ngumiti ng mahinhin si Sab..

"Sorry kuya.." sabi nya..

Dinampian ng bimbo ang mukha ng binata..

Di na umangal si Zack dahil talagang maginhawa sa pakiramdam ang ginagawa ng dalagita..

Magkahinang ang kanilang mga mata habang tahimik na pinupunasan ni Sab ang mukha ng binata..

Dahan dahan ang pagdampi ng kamay nya sa mukha ng kuya Zack nya..

Mabilis ang naging tibok ng puso ni Sab..

Di maintindihan ni Zack ang nararamdaman..

Mas matindi pa ang kaba nya ngayon kesa kanina na nakikipag away sya..

PArang namamagnet ang tingin nya..

Di nya maalis ang paningin sa maamong mukha ng dalagita..

Kumurap ang kanyang mga mata..

Itinago ang pagkagulat dahil halos wala na palang pagitan ang mga mukha nila..

Mabilis din ang tibok ng puso ni Sab..

PArang ang sarap pag masdan ng gwapong mukha ng Kuya Zack nya..

Nagulat sya ng malapit na pala ang mukha nila..

Pumikit si Sab..

Lalong nagwala ang puso ni Zack..

Di nya alam ang gagawin..

Nakatitig sya sa mapupulang labi ni Sab na bahagyang nakaawang ..

Naghihintay..

Kinain na ng pag-ibig si Zack..

Dahan dahan nyang nilapit pa ang mukha..

Dahilan para marahang dumampi ang kanyang labi sa malambot na labi ni Sab..

Napadilat si Sab sa lakas ng intensidad na mabilis na rumagasa sa katawan nya..

Napalayo sya sa binata..

Saglit silang nagkatitigan..

Walang sabi sabing tumakbo si Sab palabas ng kusina....

Parang napako sa pwesto si Zack..

Tulala sya sa nagawa..

Pero unti unting napangiti..

Dinama ang sariling labi...

"Sab.." bulong nya..

ITUTULOY !!!