1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 20
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 20

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 20

( TOYANTZ ! )

Nakaupo si Sab sa lilim ng puno kung saan madalas si Zack na tumatambay..

Hinihintay nya ang binata na lumabas mula sa locker ng Team..

Napangiti si Sab ng may dalawang kamay na tumakip sa dalawang mata nya..

Kahit di nya nakikita ay alam na alam nya kung sino ang gumagawa sa kanya ng ganito..

"Zack !.." nangingiting sabi nya..

"Di ako to.." maladwendeng biro ni Zack..

Napahagikgik si Sab..

"Hmm..Sino kaya?.. " pagsakay nya..

Napangiti na din si Zack..

"Kuya Rigor?.." bigkas ni Sab..

"Oy di ka pwdeng ganituhin ni Rigor.." biglang sabi ni Zack..

Inalis nya ang kamay sabay mabilis na nagtungo sa harapan ng dalaga..

Nakasimangot si Zack na namewang pa..

Bungisngis naman agad si Sab..

"Kita mo to..Tinatawanan pa ako.." nagtatampong sabi ni Zack..

Lalong natawa ang dalagita sa inaakto ng binata sa harap nya..

"Biro lang no.. Tapos na kayo?.. Tara na?.. " aya ni Sab..

Tumango si Zack..

"Tapos na ako.. Si Denz kinakausap pa ni Coach.. Hintayin ba natin o wag na ?.. " tanong nya..

Napaisip si Sab..

"San daw ba kayo pupunta?.. " tanong nya..

"Sabi ni Owen manlilibre daw sya eh.." sagot ng binata ..

Napangiti si Sab..

"Kanina nilalait ka nun .. Tapos ngayon friend nyo na sya.." puna nya..

Naupo si Zack sabay tumingin sa dalagita..

"Alam mo naman na ayaw kong may nakakaaway eh.." sabi nya.

Napangiti si Sab, tumango sya..

"Alam ko..Pero nanununtok ka lang.." bungisngis na sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Ngek..San mo naman nakuha yan?.. " tanong nya..

"Remember yung first game nyo?.." sabi ng dalagita..

Muling sumandal si Zack sa bench sabay tingin sa mga nagdadaang mga estudyante..

Yung iba napapatingin sa kanya at ngumingiti..

"Ah yun ba..Syempre may dahilan ako.." mahinang sabi nya..

Lalong napangiti si Sab..

Alam nya ang dahilan ng binata pero di nya pwedeng sabihin na narinig nya ito..

"Uhm..Ano naman yon?.. " tanong ng dalagita..

Napangiti si Zack..

"Sikreto.." sabi nya..

"Ay ang daya !.. Sige na !.." pangungulit ng dalagita..

"Sikreto nga eh..Wag ka na makulit .." nakangiting sabi ni Zack..

Humalukipkip si Sab sabay simangot..

Saglit silang di nagpansinan..

Ilang sandali lang ay napabuntong hininga si Zack..

"Hayyy..Andaya mo.." sabi nya..

"Hmmp !.. Ako pa ang madaya ngayon !.. " taray ni Sab..

"Oo..Wag mo akong gamitan ng ganyang mukha.." sabi nya..

Napangiti si Sab pero saglit lang..Muli syang sumimangot..

"Tse.. Pake mo ba?.." taray nya..

"Gusto mo ba talaga malaman?.." mahinang tanong ni Zack..

"Wag na kung ayaw mo !.." singhal ni Sab..

Muling huminga ng malalim si Zack..

"It's about you.." sabi nya..

Kunwaring nacurious si Sab..

"At bakit ako nadamay?.. " tanong nya..

"Ikaw ang dahilan kaya ko nasuntok yung mayabang na yon.." matigas na sabi ni Zack..

Nanatiling nakikinig lang ang dalagita..

"Sabi nya...Ilakad ko daw sya sayo..Tapos..Iiskoran ka daw nya, tapos kapag nagsawa na daw sya sayo..I-ipapasa ka daw nya saken.." mahinga ngunit madiin na kwento ni Zack.

Kunwaring nagalit si Sab..Ang totoo ay alam nya na ang buong istorya..Dahil nga yon sa pakikinig nya nuon..

"Loko yun ah !..Isusumbong ko sya kay Dad !.." sabi ng dalagita..

"Wag na..Kita mong nasuntok ko na nga eh.." awat ni Zack..

Ngumiti si Sab..

"Salamat ha.." malambing na sabi nya..

Ngumiti din si Zack..

"Para sayo..Basta ikaw.." ganting lambing nya..

Kinilig si Sab..

"Salamat sa pagbabantay mo.." bawi nya..

"Kahit buhay ko .. Handa kong ibigay sayo.." mahinang sabi ni Zack..

Natulala si Sab saglit..Di nya inaasahan ang pag atake ng sangkaterbang kiliti..

Umiwas sya ng tingin sa binata para itago ang pamumula ng pisngi..

"B-bakit naman kailangang umabot pa sa pag aalay mo ng buhay mo?.. Baket ?.." mahinang tanong nya..

Tumititig si Zack sa nakatalikod na dalagita..

"Kasi..Mah-" putol nya..

Sa huling sandali .. Humarap si Sab..Nais nyang titigan ang reaksyon sa mukha ng binata habang sinasabi nito ang dahilan nito.

Pero nagulat sya sa lapit ng mukha ng binata..

Nagtama ang kanilang mga mata..

Napalunok pa sila sa isa't isa..

Bumaba ang tingin ni Sab sa mapupulang labi ng binata..

"Mah-?. " tanong ng dalagita..

Ngumiti si Zack..Eto na..Matagal nyang nais na sabihin ang nararamdaman sa dalagita..

Mukhang ngayon na ang tamang oras ..

Huminga sya ng malalim at muling tinitigan ng matiim ang mga mata ni Sab..

"Sab.." masuyong tawag nya sa pangalan ng iniirog mula nuon pa..

"Z-zack.." ganting bulong ni Sab..

Unti unti..Naglapit ang kanilang mga mukha..

"Maha- " bulong ni Zack ng biglang may narinig syang tumumba...

Agad silang naglayo ni Sab sa isa't isa..

Paglingon nya..Kita nya ang mga kaibigan na sina Denzel, Primo, Gustavo, Vincent at Rigor na nasa bandang likod ng bench na inuupuan nila..

Magkakapatong ang mga ito at tila kanina pa nakikinig sa pinaguusapan nila..

"Putangna nyo !.. Ang bigat nyo !.." sigaw ni Rigor..

Tatawa tawang nagsitayuan ang apat na hari at lumingon sa malayo..Si Rigor ay hinihilot ang balakang..

"Pare..Kanina pa kayo dyan?.." nakataas ang kilay na tanong ni Zack..

Napasipol si Vincent..

"Di ah.." sabi nya..

"Napadaan lang ako.." tanggi ni Denzel..

"Nagulat na lang ako nandito na ako eh.. Uy mga tol nandyan pala kayo?.. " kunwaring nagulat na sabi ni Primo..

"Wala ako dito..Akala mo lang ako to.. Pero di ako to.." pag iwas ni Gustavo..

"Ako rin.." panggagaya ni Rigor ..

Napasimangot si Zack at tumayo..

Bigla syang pumatong sa bench sabay tinalon ang mga kaibgan..

Muli silang napahiga sa damuhan at natabunan nila si Rigor..

"Waaaaaaa...Mga hayupppp... Mga sadistaaaaa !!!.." sigaw nya..

Napangiti na lang si Sab at masayang pinapanuod ang mga kuya nya..

Sa isip isip ay di nya maiwasan ang kiligin ng sobra..Alam nya ang nais sabihin ni Zack .. Kahit na di nito naituloy, sigurado sya sa nais nitong ipahiwatig..

Gusto nya ding sagutin sana ang binata pero di pa sya sigurado sa nararamdaman..

At isa pa..

Sya ang babae, pwede naman syang magpakipot eh ..

Nasa gitna sila ng kasiyahan ng makarinig sila ng tawag..

Paglingon nila ay nakita nila si Owen na may mga kasamang dalawang lalake at dalawang babae..

Natatandaan ni Sab na yung dalawang lalake na kasama ni Owen ay yung dalawang kasama nito sa basketball kanina..Pero di nya nakita yung dalawang babae..Base sa suot na uniporme ng mga ito, kaeskwela nila ang dalawa..

Lumapit sina Owen kasama ang mga kaibigan nito..

"Guys, ngapala.. I want you to meet my team mates..I know na medyo magkakailangan tayo pero since na ayos na tayo..Sana pati mga kasama ko ay okay na din sa inyo.." bungad ni Striker..

Nagkatinginan sina Denzel at Zack..

Napatingin sila kay Primo at ng nakita nilang tumango ang kaibigan nila ay masaya sila nakipagkamay sa mga bagong dating..

"This is Aki and Jomar..Team mates ko.." pakilala ni Owen..

Napangiti sina Zack sa mga bagong kakilala..

"Oh, I almost forget.. Their dates..Jonalyn and Rineza.. Guys meet each other.." muling sabi ni Owen..

Isa isa silang nakipagkamay..

"So.. Where are we going?.." tanong ni Primo.

Napaisip si Owen..

"Tulad ng sabi ko..My treat..Tara...Oopss..Di tayo kasya lahat sa van.." sabi nya.

Sumingin sina Denzel..

"Sige , I have a car..Pero kulang pa rin siguro..Sino pa may sasakyang dala?.." tanong nya..

Nagkibit balikat ang ibang binata..

Ngumiti si Zack..

"Sige pare..Commute na lang kami ni Rigor.." suhestyon nya..

"Ayaw ko..Dun ako sa kotse..Malamig don e.." angal ni Rigor..

Napatingin si Sab sa kanya..

"Saan ako?.. " tanong ng dalagita..

"Dyan ka na sumakay kina Pareng Denzel..Pare paki-ingatan ha?.." bilin nya..

Tumango ang kaibigan nya pero umiling si Sab..

"Jeep na lang din tayo K-kuya.." tanggi ng dalagita..

Napangiti na lang si Zack at tumango..

"So pare .. Commute na lang daw kame.." paalam nya..

"Teka ako na lang sasabay sa inyo..Saan ba tayo?.." tanong ni Primo..

Sumingit si Owen.

"We own a restaurant..Dun na lang siguro...Convoy na lang tayo Denzel..Di naman kayo siguro maliligaw pare?.." tanong ni Owen kina Zack..

Tumango ang binata..

Nagdesisyon sila na sa restaurant na nila Owen kumain..

Isa isa silang nag si-alisan..

Lumabas ng campus sina Zack.. Kasama si Sab at Primo, nag abang sila ng jeep patungo sa sinabing address ni Owen.

Konti lang ang laman ng jeep na pinara nina Zack..Nasa bandang gitna sila..Magkatabi sina Zack at Sab habang katabi ni Zack si Primo sa bandang kanan nya..

Tahimik lamang sila..

"Pare magbayad ka na .." nakangiting sabi ni Primo..

Kinapa ni Zack ang bulsa sabay labas ng pera..

"Bayad manong..Pare yung bayad mo?.." tanong ni Zack..

Kumapa din si Primo sa bulsa nya pero umiling ito ilang saglit.

"Wala pala akong barya..Ikaw na mag abono ..Palitan ko mamaya.." nakangiting sabi nya..

Napatingin si Zack sa mga mata ni Primo..

"Ikaw?.. Magbabayad?.." sumbat nya..

Napangiti ng matamis si Primo..

"Buti alam mong di ako nagbabayad sa jeep .. Azteg no?.." sabi nya.

Napahagikgik si Sab..

Nakasimangot na nagdagdag ng pera si Zack para ibayad si Primo..

"Gago ka..Sisingilin kita balang araw.." biro nya..

Tumango si Primo..

"Mahal kita pare.." ganting biro nya..

Nagtawanan sila ng huminto ang jeep para sumakay ang dalawang kolehiyala..

Agad na nag ayos sina Zack at Primo ..Nagpacute sila pero napangiwi si Zack ng makaramdam ng kurot sa braso..

Pagtingin nya nanlilisik ang mga mata ni Sab..

"B-baket?.." takang tanong nya.

Ngumiti ng matamis si Sab..

"Wala lang..Bakit ka bigla nag-ayos ng buhok mo?.." bulong ng dalagita..

Nagtaka si Zack..

"Hindi na ba pwedeng mag ayos ng buhok?.." tanong nya..

Natawa si Primo ng mahina sa tabi ni Zack pero napangiwi sya ng bigla syang dibdiban ni Sab..

"Pare..Parang nakikinita ko na..Magiging macho ka din balang araw .." naiiling na sabi ni Primo..

Napatingin sa kanya si Zack..

"Anong ibig mong sabihin?.. " tanong nya..

"Magiging machonurin sa asawa..Maniwala ka sakin.." sabi nya sabay titig kay Sab..

Nagets naman ito ng dalagita at napangiti sya ng lihim..Ramdam nya ang pamumula ng pisngi..

Ilang saglit lang ay trapik di kalayuan..

Init na init na sina Sab sa jeep..

"Manong ano po bang problema bakit ayaw gumalaw?.. " tanong ni Primo..

Napakamot maski ang driver..

"Tiis tiis lang iho..Di ko rin alam eh.." sabi ng driver..

Sinigawan nito ang katabi nilang jeep..

"Pareng Mart !.." sigaw ng driver ng jeep na sinasakyan nina Zack..

Nakailang ulit munang sigaw bago narinig ito ng driver ng katabi nilang jeep..

"Oy Pareng Jasper !.." ganting sigaw nito..

"Lekat ka..Para kang bingi..Maglinis ka nga ng tenga !.." sigaw ng driver nila..

Tumawa lang ito ..

"Anong problema manong ?.." pagsingit ni Zack sa usapan ng dalawang driver.

Namamawis na ang leeg ni Sab..

"Ewan ko nga eh.." sabi nito sabay punas ng pawis gamit ang bimbo sa leeg..

Ilang minuto muna ang lumipas bago muling gumalaw ang daloy ng trapiko..

"Phew..Akala ko dito na tayo mag tatanghalian eh.." biro ni Primo..

Napabungisngis ang dalawang babae sa harapan nila.

Tinitigan ni Primo ang dalawa at pasimpleng nagpacute..

"Hi.." di na nakatiis na bati ni Primo.

Nagkatinginan ang dalawa ..

Parang nag iisip kung papansinin ba ang binata..

Sa huli ay ngumiti ang mga ito at gumanti ng bati..

"Hello.." malambing na sabi ng isa..

"Ako nga pala si Denzel.." biglang pakilala ni Primo.

Napatingin si Zack..

Akmang tatanungin nya ang kaibigan pero naramdaman nya ang paghawak nito sa braso nya..

Napangiti ang dalawang babae sa binata..

"Nice name..Mine is Malyn." sabi ng isang maiksi ang buhok.

"Ako si Emelyn..Em for short.." nakangiting nilahad ng dalawa ang mga palad nila..

Inabot ni Primo ang isa at akmang aabutin din ni Zack ang isa ng bigla na naman syang kurutin ni Sab.

Nagtatakang napatingin talaga sa kanya ang binata..

"Baket ba kasi?.. " tanong ni Zack.

Pinandilatan lang sya ng dalagita..

"Paypayan mo ko.." utos nya..

Napangiwi si Zack..

"Wag naman sana ngayon..Nakakahiya oh.." bulong nya.

Lalong sumimangot si Sab..

"At bakit ka mahihiya sa mga yan?.. Ngayon nga lang ninyo nakilala eh..At di naman sayo nagpakilala..Kay kuya Prims.." nandidilat na bulong ni Sab..

Napakamot na lang si Zack at hinawakan ang pamaypay ni Sab...Sinimulan nyang paypayan ang dalaga hanggang sa makarating sila sa tagpuan..

"Tangna pare ang tagal nyo.." reklamo ni Rigor habang pinapagpag ang pwet..

"Gago.. Natrapik kame.." maiksing sabi ni Primo..

"Nasan sila?.." tanong ni Zack..

Nagpauna si Rigor sa pagpasok sa loob..

Sumunod naman sina Zack..

Pasimple nyang nilibot ang mga mata sa paligid.

"Parang pang mayayaman lang ang pwedeng pumasok dito pare.." bulong nya kay Primo..

"Eh bakit tayo nakapasok?.. " banat ni Rigor..

Konti lang ang tao sa loob at agad nilang nakita ang mga kaibigan nila..

"Hanep..Namasyal pa ata kayo eh.." pang aasar ni Denzel.

Dalawang mesa ang inokupa nila..

Tinawag ni Owen ang dalawang waiter..

Hawak ang mga menu na isa isa nitong inabutan ang mga magkakaibigan..

Magkatabi sina Rigor at Zack.

Nagkandaduling duling sila sa pagbasa ng menu..

"Pare ano ba yung asparagus?.. " tanong ni Rigor..

Napalunok si Zack..

"D-di ko alam pre..Basta maghanap ka ng kilala mo tapos yun ang orderin mo.." bulong nya..

Inagaw ni Sab ang menu..

"Steak samin dito... Well done..Ano pa kuya?.." sabi nya.

Nagkatinginan sina Rigor at Zack.

Muli nilang inabot ang menu at tinitigan ang mga litrato..

"Ano yon pre?.. " tanong ni Rigor.

Tinuro ni Rigor ang isang dish na maganda ang pagkakaayos..

"Eto na lang pards.." turo ni Rigor sa waiter..

Nilista naman agad ito ng waiter..

"Sure ka dyan pare?'.. " tanong ni Rigor..

"Wala na akong alam talaga..Ngayon lang ako nakakain dito... Yung pinakamaganda na picture na lang tinuro ko.." biro nya..

Nagkatawanan sila..

"Ano sayo?.. " tanong ni Rigor..

"Malay ko pare.. Pero hayaan na natin si Sab.." sabi ni Zack..

Tumango si Rigor..

Ilang saglit lang ay dumating na ang inorder nila at nanlaki ang mga mata ni Rigor..

"I-ito na yung inorder ko?.. " tanong ni Rigor sa waiter..

"Yes Sir.. Thats mashed potato stu.." .. magalang na sabi ng waiter.

Napatingin si Owen sa kanila...

"Ano pare?..Ayos lang ba kayo dyan?.. " tanong nito..

Nag thumbs up si Zack..

"Is there anything sir?.. Mam?.. " tanong ng waiter.

Umiling si Sab..

"Sige na pare..Salamat..Ayaw mo ba?.. marami naman itong dinala mo eh.." pag aya ni Zack.

Napangiti na lang sina Denzel..

"Uhm.. It's prohibited sir..Thanks anyway.." sabi nito

Binasa ni Rigor ang nameplate ng waiter..

"Ino?..A-ano ba ito?.. " tanong nya sabay turo ng mashed potato..

Napangiti ang waiter na si Ino.

"Thats mashed potato sir.." sabi nya..

"Oo nga..Ahhh di bale na nga.." natatawang sabi nya

Magalang namang nagpaalam na ang waiter sa kanila ..

Tinitigan ni Rigor ang inorder nya sabay hinawakan ang kutsara..

Dahan dahan nya itong kinutsara at tinikman..

Napapikit pa ang binata pero biglang nanlaki ang mga mata nya..

Nilabas pasok nya pa ang dila nya ..Pilit nilalasahan ang kinakain.

Napansin ito ni Primo..

"Problema pre?.. " tanong nya..

Umiling ang binata..

"Parang dinurog na patatas na may sabaw lang eh.." sabi nya..

Natawa si Primo..

"Kaya nga mashed potato engot.." sabi nya..

Sumimangot si Rigor.

"Akala ko kasi masarap..Patatas nga talaga..Putsa..Ang ganda sa litrato tapos ganito lang pala ang lasa?..Eh mas masarap pang magluto ang nanay ko eh.." dire diretsong sabi nito..

Tarantang tinakpan ni Zack ang bibig ng kaibigan..

Napatingin sa kanila si Owen..

"Pare ?.." tanong nito..

Umiling sina Zack at Primo..

"No problem amigo.." biro ni Primo..

Ngumiti si Owen at muling pinagpatuloy ang tanghalian..

Ng hindi na nakatingin sa kanila ang binata ay magkasunod na dinagukan nila si Rigor..

Umangal ang binata pero inakbayan sya ni Primo..

"Pare..Wag kang ganyan..Matuto kang magpahalaga sa bawat grasya na nakahain.." pangaral nya..

Natahimik si Rigor..

"S-sorry.." sabi nya.

"Isa pa..Mahiya ka naman, nilibre na nga lang tayo ni Owen tapos lalaitin mo pa yung mga pagkain nila.." pangaral ni Sab..

Napayuko si Rigor.

"Sorry na nga eh.." kunwaring naiiyak na sabi nya.

Pero muli lang syang nakatanggap ng dagok..

Mula ito kay Sab..

"Ang arte mo..Ang laki laki mo tapos tampuhin ka.." nakasimangot na asar ng dalaga..

Natawa sina Primo at Zack.

"O loko.." biro ni Zack..

Natawa na lang si Rigor at muling sumubo..Umiling sya at tinago ang disgusto sa mukha..

"Naloko ako don ah..Ang ganda sa picture tapos ito lang pala yon.." natatawang sabi nya..

Inakbayan sya ni Primo..

"Ganun talaga minsan pare..Kapag tumingin ka sa panlabas... Natural na madadaya ka..Kahit sinong sa ganda lamang ng nakikita ang pinagbabasehan ang paghuhusga, magkakamali talaga..Dapat kasi tinanong mo muna kame..Basta ka nalang nag turo eh.." sabi ni Primo sabay inalok ang kinakain..

Ngumiti si Rigor..

"Salamat father.." biro nya.

Nagtawanan sila.

Pero nagseryoso si Primo.

"Tulad yan sa mga hunyango..Wag kayong padadala sa panlabas na kabaitan..Kadalasan.. Ginagawa lamang yon ng iba para mapakinabangan nila ang iba..Matuto kayong magmasid at alamin kung sino talaga ang mapagkakatiwalaan nyo..Lalo ka na.." nakatitig si Primo kay Zack.

Nagtitigan silang dalawa..

"Baket ako?.. " tanong ni Zack.

Nagkibit balikat si Primo sabay tinuloy na ang kinakain.

"It's for you to find out..Anyway..Masarap naman ang steak nila...Right Mrs.Hidalgo?.." biro ni Primo ..

Biglang naubog si Sab..

Bumara ang kinakain nya sa lalamunan..

Tarantang hinagod naman ni Zack ang likod ng dalagita..

Inabot ni Rigor ang tubig at mabilis na uminom si Sab..

Pulang pula ang mukha nya ..

Tawa naman ng tawa si Primo ..

Pero bigla din syang napahinto ng bumara ang kinakain sa lalamunan..

Mabilis ang reaction ni Denzel at Gustavo..

Kinabog nila ang dibdib at likod ni Primo na naging sanhi para maubo lalo ang binata..

Ilang saglit pa ay nakahinga na ng maluwag si Primo at pinagkokotongan ang mga kaibigan.

"Tangna...Bakit kay Sab tubig?.. Sakin dibdib?.. May pinapanigan kayo?.." asar na sabi nya.

Nagtawanan lang sila ..

Masayang natapos ang tanghalian..

Ilang oras muna silang nagkwentuhan bago nagpasyang umuwi ng lahat..

Bago maghiwalay sina Primo at Zack ay muling tinitigan ni Primo ang kaibigan..

Napatingin din sa kanya si Zack..

"Pare..Tandaan mo ang sinabi ko..Wala sa tamis ng salita ang tunay na saloobin ng isang tao..Maraming plastic na sinilang sa mundo..Tandaan mo yan.." banta nya sabay sumakay na ng kotse ni Denzel..

Kumaway na lang ang mga kaibigan nya..

Nasa bahay na sila ng masayang ibalita ni Sab ang nangyari sa laban..

Eksakto namang nakauwi ng maaga si Saimon..

"Talaga iha?.. Kita mo nga naman oh..Narinig ko na din yung balita na malakas daw yung makakalaban nyo eh..Pero grabe..Tinalo nyo talaga?.. " tanong ni Saimon kay Zack..

Pangiti ngiti lang ang binata habang naghuhugas ng plato..

Nasa kusina sila..

Katatapos lang maghapunan.

"Yes Daddy !.. If nakita mo lang si Zack !.. naku.. grabe talaga.. !" tili ni Sab..

Napakamot na lang sa ulo si Zack..

"Di naman .. Ikaw grabe kang makapuri eh.." sabi nya..

Pero biglang nagtawanan ang mga kasama nya sa kusina..

Nagtatakang napatingin si Zack..

"Anak .. Puno na ng sabon yung ulo mo.." sita ni Ditas ..

Nagtawanan muli sila..

"Eh kasi naman..Parang bata..Ako na nga.." saway ni Sab..

Pinunasan nya ang ulo ng binata.

Nangingiti na lang sina Saimon at Ditas pero nananatiling tahimik ang nanay ni Sab na si Bridgette..Nangingiti lang sya..Pero nananatiling tikom ang bibig nya para pagmasdan ang anak..

Nangingislap ang mga mata ni Sab habang nagkukunwento ng mga pangyayari.

"Kung nakita mo lang Dad, Mom, Nanay Ditas..Nagfake si Zack tapos ginuhitan nya yung three points ng paa nya..No look !.. SHoooot !!!.." sigaw ni Sab..

Nagtawanan na naman silang lahat.

Ngiting ngiti lang si Saimon sa binata..

Proud sya dito..

Muli na namang nabuhay ang pagnanasa nyang magkaruon ng anak na lalake..At mukhang natupad na ito..Kahit na sabihing di nya tunay na anak si Zack..Itinuturing nya itong parang kanya..

"Daddy !.." sigaw na tawag ni Sab..

Duon nahinto ang paglalakbay ng imahinasyon ni Saimon at nakangiting tinitigan ang anak.

"Yes baby? .. " tanong nya..

Kumandong sa kanya ang bata..

"Sabi ko what if mag out of town tayo this saturday..Wala naman kaming pasok ni Zack.." ungot nya.

Tinitigan ni Saimon ang kabiyak..

"Ano Mommy?.. Out of town daw?.." tanong nya sa asawa..

Napangiti lang si Bridgette.

"Saan naman?.. " tanong nya sa anak..

Napanguso si Sab at nag isip..

"Baguio !.." sigaw nya..

Napanguso din si Bridgette..

"Mommy !.." angal ni Sab..

Natawa ang mag asawa kasama ni Ditas.

"Sige na nga !.. " pagpayag ni Bridgette..

Nagtatalon si Sab sa tuwa at hinalikan ang pisngi ng ina..

Dinamba nya si Zack at sumampa sa likod nito..

"Ano ba Sabina?.. " angal ni Zack..

Tatawa tawa lang ang dalagita.

"Baguio daw.." bulong nya sa tenga ni Zack.

Kinilabutan si Zack sa dumaloy na kuryente sa katawan nya.

"T-teka..Baka may praktis ang team..K-kayo na lang..T-tsaka walang bantay dito sa bahay.. " tanggi nya.

Bumaba si Sab at hinawakan ang pisngi ni Zack..

"Sasama ka.." matigas na sabi ng dalagita.

"Uhmm..".. pakipot ni Zack..

"Zackarias !.." gigil na kinurot ni Sab ang pisngi ng binata..

Natawa ang mga tao sa kusina maliban kay Bridgette..

"A-aray !.. Ano ba Sabina.." angal ni Zack..

"Sasama ka.." lambing ni Sab..

"Oo na .. Oo na.." pagpayag ni Zack.

Napangiti si Sab..

Wala sa loob na hinalikan nya sa ilong ang binata..

Natahimik ang lahat..

Walang nakapagsalita ..

Maski si Sab nagulat sa inasal nya..

Dala ng matinding emosyon kaya nya nagawa iyon..

Ilang saglit pa ang lumipas bago tumikhim si Bridgette..

"Lumalalim na ang gabi anak..Pahinga ka na..Kayo rin Ditas.." sabi nya sabay tayo..

Parang nagkagulatan pa ang lahat ng magsalita ang babae..

"Y-yeah..Let's go baby..Pahinga ka na din iho.." sabi ni Saimon.

Magkaakbay na nagtungo sa kwarto ang mag asawa..

Tila nakahalata si Ditas kaya tumayo na din sya..

"Oh ako din..Antok na me.." pakwela nya.

Natawa ang dalawa..

Pumasok si Ditas sa kwarto.

Natahimik sina Zack at Sab..

"Uy.." untag ni Zack.

Umangat ang mukha ni Sab..

"Baket?.. " mahinang tanong nya.

"Tulog na daw kayo.." lambing ni Zack..

Tumango si Sab sabay nakayukong lumabas ng kusina.

Pero pumihit sya at mabilis na hinalikan si Zack sa labi.

"Goodnight.." mabilis na sabi nya sabay takbo patungo sa kwarto..

Tulalang napangiti si Zack.

Hinaplos ang mga labi na kanina lang ay dinampian ng mga labi ni Sab..

Tinitigan nya ang daang tinahak nito..

"Goodnight din mahal ko.." bulong nya..

ITUTULOY !!!...