1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 21
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 21

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 21

Masakit pa ang mga mata ni Sab ng idilat nya ito sanhi ng naririnig nyang marahang pagkatok mula sa pinto..

Napatingin ang dalagita sa alarm clock sa tabi ng mesa..

Alas singko pa lamang..

"Ano ba yaaaannn.." ungol ni Sab.

Di nya maiwasan ang mapasimangot..Inaantok pa sya.

Alas tres na ata sya nakatulog dahil sa kakaisip sa isang partikular na tao..

Napangiti si Sab ng maalala ang pagnanakaw nya ng halik kay Zack..

Pero muli itong nabura ng marinig ang marahang pagkatok..

Inis na bumangon ang dalagita..

Iinot inot na lumakad patungong pinto at marahas itong binuksan..

"Baket ba?.. " inis na tanong nya..

Pero napamulagat sya ng makita kung sino ang dahilan ng pagkatok..

"Good Morning.." baritono ang boses ni Zack.

Natulala si Sab..

Wala syang maapuhap na salita..

Kagabi lamang ay ang binata ang laman ng kanyang isip..

Ngayon ay nasa harapan na nya..

Nakangiti si Zack sa harap ng dalagita.

Halatang kagagaling lang nito sa paliligo dahil mamasa masa pa ang buhok nito..

Amoy din nya ang sabon na ginamit nito..

Napapikit si Sab ng biglang may maalala..

Kagigising lang pala nya..

Ni hindi sya nag abalang mag-ayos man lang ng buhok..

Baka nga may laway pa sya sa paligid ng mga labi..

Sa naisip ay tarantang biglang sinara muli ni Sab ang pinto.

Bumalagbag ito sa mukha ni Zack..

Kung di lang mabilis ang reaction nya ay malamang na sumalpok ito sa kanyang mukha..

"Whoa..Baket?.." bulong na pagtawag ng binata.

Napapikit si Sab sa kabilang pinto..

"S-saglit lang .." sabi nya..

Mabilis syang tumakbo sa banyo para maghilamos..

Pati pagsesepilyo ay ginawa na din nya..

Record time ang ginawa nya sa bilis ng pagsesepilyo at paglilinis ng mukha..

Muli syang bumalis sa pinto at huminga ng malalim..

Sinigurado nya munang presentable ang ayos nya bago ito muling dahan dahang binuksan..

Nandun pa rin si Zack at matyagang nag hihintay..

Napangiti ng kimi si Sab..

"G-good Morning din.." sabi nya.

Lumawak ang ngiti ni Zack.

"Mas maganda ka pa sa morning.." pang uuto nya.

Kinilig naman si Sab..Muli nyang sinara ang pinto para itago ang impit na pagtili..

Saglit lang at muli nya itong binuksan..

"Bolero..Aga natin ah.." sabi ng dalagita...

Ngumiti si Zack...Lumabas ang pantay pantay na ngipin..

Lalong tila naging bato si Sab..

Kailangan nya pang iiwas ang tingin kundi ay baka di sya makapagpigil..Mahalikan na naman nya ang binata..

Sa ideyang pumasok sa isip ay muli nyang naalala ang ginawang kapilyahan kagabi..

Napadako ang kanyang paningin sa mga labi ni Zack.

Ramdam nya ang pagnanais na muli itong hagkan..

Tumikhim ang binata..

Napapangiti sya sa nakikita nya sa mga mukha ni Sab..

Tumingin sa kanya ang dalagita.

Muling naramdaman ni Zack ang pamilyar na pakiramdam..Mabilis ang tibok ng kanyang puso at halos di nya na ito mapigilan..

Nais nyang hagkan si Sabina sa mga oras na iyon lamang ay natatakot sya na baka bigla itong magalit sa kanya..

Nagtitigan lamang silang dalawa..Wala silang masabi sa isa't isa..Kapwa parang naging tuod na sa pagkakatayo ..

Kung di pa bumukas ang kasunod na pinto ay di pa sila gagalaw..

Lumabas ang ina ni Sab na nakaroba..

Nagtaka ito ng makita ang dalawa na nasa pinto at nagtititigan lamang..

"Oh..Anong ginagawa nyo dyan?.. " tanong ni Bridgette..

Napangiti na parang nahihiya ang dalawa..

"G-ginigising lang po ako ni K-uya Zack, Mommy.." palusot ni Sab..

Napatango si Zack..

Ngumiti si Bridgette at nilapitan ang dalawa..

"Kayong dalawa..Wag nyo akong paglaukan ha..Sige na ..May pasok pa kayo..Mabuti nga at ginising mo ito iho..Para naman makatulong sa gawaing bahay..Aba naman Sabina..Wag kang kain tulog lang .." pangaral ng ina..

Napanguso si Sabina.

"Mommy !.." nahihiya sya kay Zack..

Pero tutoo naman talaga na kain tulog lang sya sa bahay..Ni hindi sya humahawak ng walis tambo para tulungan ang mag-ina na si Ditas at Zack sa pagmamaintain ng kaayusan at kalinisan sa bahay..

"Oh baket?.. Sabihin mo nga iho..May mali ba sa sinabi ko?.." tanong ni Bridgette..

Nanunukso ang mga mata nito na tumingin at tinapik si Zack sa balikat..

Napakamot si Zack sa batok..

Bagamat nais nyang patotohanan ang ina ni Sab..Nag aalangan din sya na baka mapahiya ang dalagita..

Pero sa huli ay naisip ni Zack na kung mapapahiya man si Sab ay para na din ito sa kabutihan nya..

Ngumisi si Zack sa dalagita.

"Tama nga po kayo Tita..Kaya ko nga po sya ginising ng maaga.." biro ni Zack.

Napasimangot si Sab..

Natawa naman si Bridgette at ginulo ang buhok ni Sabina..

"Kita mo..Ahaha..Dyan na nga muna kayong dalawa at ipagtitimpla ko lang ng kape ang Daddy mo.." paalam ng ina..

Hinatid na lamang nila ito ng tingin...Tinanaw nila hanggang sa mawala ito sa hagdan..

Biglang napangiwi si Zack ng maramdaman ang kirot ng kurot ni Sab sa braso nya..

"Anong ibig mong palabasin?.. Na wala akong silbi dito?.." asar na tanong nya..

Napabungisngis si Zack..Pero napangiwi lalo sya ng dalawahin ni Sab ang kurot nya..

"N-nagbibiro lang naman ako eh.." palusot ng binata.

Tinigilan ni Sab ang pagkurot at sumimangot..

"Sige ikaw na masipag..Ganyan naman kayo eh.." tampong sabi nya...

Nakanguso si Sab..

Mamula mula ang mga labi nya na inirapan ang binata..

Napalunok si Zack ng mamasdan ang kariktan ng bagong gising na Sab..

Lumingon sya sa hagdan..

Walang tao..

Muli syang lumingon sa kwarto ng mag asawa ..

Mukhang wala namang lalabas..

Huminga sya ng malalim sabay kinalabit ang dalagita..

Asar na lumingon si Sab..

"Ano ba-" naputol ang sasabihin nya ng sakupin ni Zack ang makikipot nyang mga labi..

Nagimbal ang buong pagkatao ni Sab..

Nayanig ang kanyang sistema..

Nawala ang inis na nararamdaman para sa binata at napalitan ito ng laksa laksang kilig at kung ano pang pakiramdam na di nya pa kayang pangalanan..

Ito na ang kagabi nya pa gustong maulit..

Lamang ay nahihiya sya dahil baka sabihin ng binata na masyado syang garapal...

Di na nagpakipot pa si Sab..

Pinalibot nya ang mga maliliit na braso sa leeg ng binata at nangunyapit na dito..

Hinatak nya ang batok ni Zack para lalo pang ipagdiinan ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa.

Walang kasing ligaya ang nararamdaman nilang dalawa.

Pakiramdam nila ay nasa alapaap sila at wala ng nais pang bumalik pa sa lupa..

Huminga si Sab at humabol ng hangin dahil kinakapos na sya..

Kumalas ng halik si Zack pero napangiti sya ng muli syang hapitin ni Sab at lamukusin ng halik..

Parehas nya.. Para ding uhaw na manlalakbay ang dalagita at nakakita ito ng tubig na nanggagaling sa bibig nya..

Masuyong hinagod ni Zack ang likod ng dalagita..

Lumalalim pa ang halik nila ..

Pero kahit anong sarap ng pakiramdam, kailangan itong matapos..

Hinawakan ni Zack ang pisngi ni Sab at marahan syang umatras..

Nakapikit pa rin ang dalagita..

Nakaawang ang makikipot at mapupulang mga labi ...

Humabol pa ito ng halik..

Pero siguro nagtaka ito ng wala ng maapuhap ang mga labi..

Dahan dahang dumilat si Sab..

Namumungay ang kanyang mga mata..

Napangiti ng masuyo si Zack..Hinaplos ang makinis na pisngi ng dalagita..

"S-sab.." anas nya..

"Zack.." ungol ni Sab..

Ngumiti silang dalawa sa isa't isa..

"Mah-.." nais ng sabihin ni Zack ang nararamdaman pero natatakot pa rin sya sa maaaring maging epekto nito..

Baka mabigla si Sab..

Baka bigla itong lumayo sa kanya..

Kailangan nyang mag ingat..

Muli nyang sisikilin ang damdamin para pareho nilang katiwasayan..

Bagamat hirap na hirap sya..Kailangan nyang magtiis dahil bata pa si Sab..

Maaaring parehas nya na matindi din ang nararamdaman nito pero natatakot syang hindi pag ibig ang kay Sab..

Maaaring paghanga lamang ito ..

Samantalang sya ay siguradong sigurado na pag ibig na ang nararamdaman nya para sa dalagita..

Kailangan nya pang mag hintay..

Kailangan nya munang may patunayan sa dalagita bago nya lakas loob na isisiwalat ang nararamdaman..

Ngumiti si Zack..

"Sige na..Maligo ka na para maaga tayong makapasok.." sabi ng binata..

Tumango ang dalagita..

Nakangiti itong umalis sa pinto...

Hati ang loob na bumaba si Zack para ituloy ang mga gawaing bahay..

Tulad ng inaasahan..Maagang nakarating sa eskwela ang dalawa...

Dahil pareho pang walang klase..

Tumambay muna sila sa paboritong spot ni Zack..

Sa lilim ng isang mayabong na puno..

Magkatabi silang nag kukunwetuhan..

Rinig ang malulutong na tawa ni Sab..

"Langya.. Natawa talaga ako kay Rigor nun eh.." kwento ni Zack..

"Ahahaha..Kung nagtanong kasi sya..Maski naman ako konti lang alam ko sa mga nakalista dun sa menu.. Di tuloy sya nag enjoy.." natatawang kwento din ni Sab..

Natigil ang kwentuhan nila ng may dumaang dalawang magagandang babae..Kapwa nila estudyante..

Natatandaan ito ni Sab..Ito yung mga candidates para sa Ms. Campus..Tumaas ang kilay nya ng magbulungan ito sa harap nila at ituro si Zack..

Di siguro nakatiis ang isa kaya dahan dahan itong lumapit..

"Ahm.. Excuse me..Zack Hidalgo right?.. " tanong ng isa..

Ngumiti si Zack..

"Oo.. P-paano nyo nalaman?.." tanong ng binata..

Napatili ang isa at tinawag ang kasama nito..

"Shei dali !.. Sabi sayo mabait to eh..Anyway I'm Janine..But you can call me Nhynn.." pakilala ng babaeng may mahabang buhok..

Akmang iaabot na ni Zack ang kamay nya pero hinarangan ito ni Sab..

"Thank you.. " pagtataray ng dalagita.

Napataas ang kilay ni Nhynn..

"Uhm.. I was talking to Zack.. Would you mind?.." halatang nagpipigil lamang ito sa pagtataray..

Inis na humalukipkip si Sab.

"Kamusta ka Nhynn?.." tanong ni Zack..

"Oh I'm Fine ..Really..Hey sis..Dito ka na kasi.." pagtatawag nito..

Nakangiting lumapit ang kulot na babae ay pasimpleng inabot ang palad nito kay Zack..

"Sheila..Shei for short.." kiming pakilala nya.

Inabot din ni Zack ang kamay ng babae ..

"Anong section mo?.." tanong ni Nhynn..

Umepal si Sab.

"Baket?.." tanong nya.

Pero di sya pinansin ng dalaga.

"Sabay tayong mag lunch?.. Kung okay lang sayo..Treat namin..Parang cogratulatory treat namin kasi tinambakan nyo yung isa sa pinakamagaling na Team sa District natin.." sabi ni Shei..

Napatingin ang binata sa dalagitang nasa tabi nya..

"Ah sorry ah..Kasi may date kami eh..Di ba?.." tanong ni Sab..Nasa mata ang pagbabanta na di pwedeng tanggihan ni Zack.

Kakamot kamot na umiling ang binata..

Sayang ang libreng tanghalian..

"S-sorry..Pero sabay kasi kaming kumakain eh.." sabi nya sa dalawang dalaga..

Nanghihinayang namang napaungol ang dalawa..

"Ayy..Sayang..Pero ok lang..May next time pa naman eh..Kapag wala ka ng kasamang bata.." pang aasar nito kay Sab..

Nais maghurumentado ng dalagita pero naawat sya ni Zack.

"Ahaha..Sige..Salamat sa alok..Sa susunod na lang siguro..Salamat ha.." sabi nya..

Ngumiti ang dalawang dalaga at nagpaalam na..

Naglakad na ito patungo sa parehong room para sa klase nila..Patingin tingin kay Zack..

Tumayo si Sab..

"Oy maaga pa.." awat ni Zack..

Pero di sya pinansin ng dalagita..

Tarantang hinabol ito ni Zack..

Napigilan nya sa braso si Sab ..Inis na humarap sa kanya ang dalagita..

"Baket ba?.." asar na tanong nya.

.

Natatawa si Zack pero tinago nya ito dahil baka masuntok lang sya ng dalagita.

"Baket ba?.. Eh kanina ang saya ng kwentuhan natin don tapos lalayasan mo ko..Eh ang aga pa oh .. Kalahating oras pa ata bago ang first subject mo.." paliwanag nya..

Pero umirap si Sab..

"Eh ano?...May fans ka naman eh.." asar na sabi nya..

Di nya maintindihan ang nararamdaman..Nais nyang mag wala ..Inis na inis sya sa dalawang babaeng lumapit sa binata pero di naman nya alam kung bakit..

"Nagseselos ka ba?.. " biglang tanong ni Zack..

Nanlaki ang mga mata ng dalagita at muling bumalik para bayuhin ang dibdib ng binata.

Tatawa tawang umiwas si Zack..

"Ang kapal ng mukha mo..Bakit ako magseselos?.. Bakketttt?.. " sigaw nya.

Umaagaw na sila ng pansin ng mga nagdadaang mga estudyante..

"Ewan ko sayo..Kaya nga tinatanong kita eh.." natatawang tanong ng binata..

Lalo lang pinagsusuntok ni Sab ang braso ni Zack.

Nasa kalagitnaan sila ng paghahabulan ng biglang tumunog ang bell.

"Oh ayan na..Time na .." nanghihinayang na sabi ni Zack.

Humihingal si Sab sa ngitngit dahil di nya maabutan ang binata..

Mabilis itong tumakbo..

Lumapit sa kanya si Zack at naglabas ng panyo..

"Pinawisan yung noo mo..Kaw kasi eh.." sabi nya..

Dahan dahan nyang dinampian ng panyo ang noo ng dalagita..

Natameme si Sab..

Pakiramdam nya ay may gumapang na kuryente sa buong katawan nya sa simpleng gestures ng binata.

"Ayan..Sige na.." untag ng binata.

Napangiti si Sab.

"Salamat.." sabi nya.

Naglakad palayo si Sab patungo sa kwarto nya..

Dahil sa hiwalay na building sila..

Malapit na sya sa bukana ng gusali ng may sumalubong sa kanyang lalake..

Napasimangot sya ..

Isa ito sa mga makukulit na manliligaw nya..

"Uy .. Nandyan ka lang pala..Sabay na tayo sa pag akyat.." sabi ng lalake..

Sa malayo ay akmang tatalikod na sana si Zack pero nahagip ng mga mata nya si Sab na sinalubong ng binatilyo..

Mabilis pa sa alas kwatro ang reaksyon nya.

Para syang ninja na tinakbo ang distansya ni Sab.

Nagulat ang dalagita ng may humawak sa braso nya.

Paglingon nya ay di nya maiwasan ang mapangiti ng lihim..

"Tara na Sab..Baka malate ka pa.." seryosong sabi ni Zack..

Nilampasan nila ang kaklase ni Sab at umakyat ng hagdan..

Tahimik silang sumabay sa agos ng mga estudyanteng tinatahak din ang daan patungo sa mga rooms nila..

Hanggang pinto ng kwarto ay hinatid ni Zack ang dalagita..

"Sige na.." paalam ni Zack.

Pero napahinto sya dahil kakaiba ang ngisi ni Sab.

Nagtatakang nagtanong sya.

"Oh baket?.. " tanong ng binata.

"Someone's jellyfishy.." nakangiting sabi nya..

Pero tumalikod si Zack..Inirapan ang dalagita..

"I don't know what your talking talking.." english carabao na sagot nya sabay mabilis na tumakbo pababa ng kwarto..

Late na din sya..

Nagulat ang mga kaklase ni Sab ng biglang humalakhak ang dalagita sa pinto..

"BWAHAHAHAHAHA !.." sigaw nya..

ITUTULOY !!!