1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 22
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 22

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 22

Matamang nakikinig ang mga estudyante sa buong kwarto maliban sa isang binata ..

Nakatunganga lang sya at nakatitig sa blackboard pero naglalakbay ang kanyang diwa..

Kinalabit sya ng katabing lalake..

Bahagyang nagulat pa si Zack..

"Ano ka ba Zack?.. Baka mapag initan ka ni sir.." bulong nito..

Inayos ng binata ang sarili..

Binalik ang atensyon sa guro..

Pero nakapagtatakang di pumapasok sa isip nya ang mga nilelesson ..

Napapangiti sya ng walang dahilan..

"So this is the main reason why Jose Rizal chose Simoun to be his character in his Famous second novel El Filibusterismo..And this is my question, Why Dr.Jose Rizal did chose Simoun to be the main character?.." tanong ng guro ..

Napatingin ang mga kaklase ni Zack sa kanya..

Patuloy lamang sa pagngiti ang binata habang nakatingin sa malayo..

"Ahem.." pagtawag pansin ng guro..

Pero tuloy lang sa pag dadayream si Zack..

Sa isip ay nasa isang isla daw sya..Tumatakbo..

Nasa harap nya ang dalawang babae..

Isa ay bata..

Nakatalikod sa kanya ang dalawa.

Nakatingin sa asul na karagatan..

Tinawag nya sa pangalan ang babae...

Pero di nya narinig ang sariling boses.

Ngunit tila narinig naman nito..

Akmang haharap na ang dalawa ng biglang dumagundong..

Nakarinig si Zack ng mga tawanan..

Ilang saglit pa ay muling dumagundong..

Duon naputol ang paglalakbay ng diwa ni Zackarias..

"Zackarias Hidalgo.." banayad ngunit madiin na pagkakatawag ng guro sa pangalan ni Zack..

Napangiwi ang binata ng makita ang nakakunot na noo ng guro.

"S-sir?.." tanong nya.

Bungisngisan ang mga estudyante..

Huminga ng malalim ang guro at ngumiti ng pilit..

"Answer my question Mr.Hidalgo.." sabi pa nito.

Lalong tumabingi ang mukha ng binata.

Halatang nagtitimpi lamang ang guro..

Kita naman sa naggagalawang ugat nito sa panga.

"San ka ba kasi nakarating na ?.. " nakangiti pang tanong nito..

Pero batid ni Zack na props lamang ang mga ngiti.. Nasa likod nito ang nagbabantang galit..

"D-dyan lang sir.." biro pa nya..

Pero di natawa ang guro..

Pinalo nito ang hawak na libro sa arm chair ni Zack..

"So, you attend my class just to daydream?.." kunot noo nitong tanong..

Mabilis na umiling si Zack..

"Di po sir..May iniisip lang po.." mahina nyang sabi..

Pinaikot ng guro ang mga eyeballs nito at muling bumalik sa harap ng klase..Tinitigan ang binata..

"Okay..So.. Just answer my question.." mabining tanong nito..

Kakamot kamot si Zack sa ulo..Hindi nya alam kung ano ang tanong..

Napapailing na ang guro..

"You can't sit down and daydream again if you don't give me the answer to my question.." pagbabanta nito..

Nagsimula ng kabahan ang klase pati na si Zack..

"I'm sorry sir.." hinging paumanhin nya..

Nagulat ang lahat ng muling ihampas ng guro ang hawak na makapal na libro ng Filipino sa mesa..

Tinukod nito ang isang kamay at dinuro si Zack..

"Kilala kita Zackarias... Your a member of school varsity right?.. Siguro iniisip mo na porke varsity ka, you can take the class easily..Kabisado ko na ang mga tipo mo..Para kang yung nasa kabilang section na si Denzel Guzman..Team Captain nyo yon right?.." tanong nito..

Napalunok si Zack..

Mukhang napaaway pa sa gurong ito ang kaibigan nya..At mukhang sya ang malas na pag bubuntunan ng galit nito..

Bago pa makareact si Zack ay nakarinig sila ng tawanan..

"Yooohooo.. ! Mr. Zackzakan ng kupad..Where are you.." sigaw ng isang lalake..

Natawa ng lihim si Zack..

Boses ni Rigor..

Malamang na hinahanap sya..

Ilang saglit lang ay dumungaw ang dalawang ulo..

Di nga sya nagkamali..

Nasa pinto ng kwarto nila sina Rigor at Denzel.. Nakangisi sa kanya ang mga kaibigan..

"Practice time.." pagtawag ni Denzel..

Pero biglang natulala ito ng makita kung sino ang teacher nila..

Nameywang ang guro ni Zack at tiningnan ang mga bagong dating.

"Hoy !.. Magsilayas nga kayo dyan kung ayaw nyong ipaguidance ko kayo !.." sigaw nito..

Natakot ang mga estudyante..

Nagkatinginan sina Rigor at Denzel..

"P-pero sir..Practice na po namin..May excuse po kame.." pangangatwiran ni Rigor..

Nahindik ang guro..

Tila sasabog na ang ulo nito at nilapitan ang dalawa..

Napaatras si Denzel..Nagtago sya sa likod ng malaking taong si Rigor..

Pero tila nanliit ang binata ng harapin ng mabagsik na guro..

Nilahad nito ang palad..

"May I see that ?.." mataray na tanong nito..

Nanginginig ang mga kamay na inabot ng binata ang kapirason papel..

Mabilisan namang binasa ito ng guro.

Maya maya ay tila lalo itong nabwisit..

"Damn !.." bulong nito..

Bumaling ang tingin nito sa dalawa..

Nagkatulakan sina Denzel at Rigor..

Pero inirapan lang sila ng guro at pumasok muli sa classroom..

Padabog itong naupo at tinitigan si Zack na nananatiling nakatayo..

Biglang tumaas ang isang kilay ng guro..

"He can go.." sabi nito..

Nakahinga ng maluwag si Zack..

Nag-apir sina Denzel at Rigor..

Pero humirit pa ang teacher..

"If he could answer my question.." pahabol nito..

Nanlumo si Zack.

May pag asa syang makalabas.. Kung alam nya ang tanong..

Pero talagang nag lalakbay ang utak nya kanina..Aminado naman sya sa bagay na yon..

"S-sir..Can you repeat the question?.. " magalang nyang tanong..

Tila naman naalibadbaran ang guro..

"Why would I ? .. " pang aasar pa nito..

Napangiwi si Zack.

"For him to answer it.. Gay.." bulong ni Denzel..

Biglang napatayo ang guro..

"What did you say?.. " tanong nito..

Napatingin sa malayo ang dalawang binata..

Natawa ng lihim ang buong klase..

"S-sir..Pasensya na po talaga..Aminado po ako na di ko narinig kanina..May iniisip lang po talaga ako..Sorry po .." paghingi ng tawad ni Zack..

Napaismid lang ang guro..

Dinampot nito ang libro at pabalagbag na binuksan sa isang pahina..

Mabagal at malakas nitong binasa ang tanong habang patingin tingin kay Zack..

"We all knew.. That before Simoun of El Filibusterismo..It was Crisostomo Ibarra..The question is..Why Doctor Jose Rizal changed his main character?.. I mean, not in the sense of physical body..But what I want to ask is why he changed it..In the sense of character itself..You get it?.. You understand it?.. Or you want me to translate it to Tagalog?..Anyway.. Anong araw ang dayoff ng nanay mo?.." nang uuyam pang tanong nito.

Umalma si Rigor..

Pero inawat sya ni Denzel..

"Pabayaan mo sya.." sabi ng binata..

Kahit na inis.. Pinilit pigilan ni Rigor ang sarili..Nais nyang ipagtanggol ang kaibigan sa mapang lait nilang guro..

Wala na syang nagawa kundi panuorin na lang ang kaibigan nya..

.

Nahindik ang binata sa sinabi ng teacher nya..

Nagtawanan ang kanyang mga kaklase..

Gusto nyang magalit.. Pero naalala nya ang kanyang ina..Sinikap nitong itaguyon sya para makatapos.. Hindi nya kailangang makipag away..

Kahit na sa mga oras na iyon ay gustong gusto nyang buntalin ang guro..

Huminga ng malalim si Zack..

Nainsulto sya ng bahagya sa di direktang panlalait ng guro..

Kalat kasi sa buong unibersidad na paaral lamang sya..Isang katulong na kundi maninilbihan ay di makapag aaral..

Tumiim ang bagang nya..Pero di sya nagpakita ng kahit konting kapikunan..

Bagkos.. Sinimulan nyang mag proseso ng sagot sa karipasong laman sa ulo nya nag tataglay ng kamangha manghang abilidad..

Napatingin si Zack sa mga kaibigan..

Nag thumbs si Denzel na parang sinasabi nito na sisiw lamang sa kanya ang tanong ..

Si Rigor naman ay tumatango tango habang nakahawak sa baba nito..

Animo'y pinag aaralan din ang tanong..

Huminga ng malalim ang binata..

Lipas na ang galit na dumaan sa sistema nya..Mabilis nya itong winaksi para di maapektuhan ang kanyang pagkatao..

Tinitigan nya ang guro..

Tumaas ang isang kilay nito..

"Sir... What am I going to say is only based on my opinion.." bungad nya..

Tumango ang guro.

"I think the first famous novel of Dr. Rizal is all about the love and passion, not only the characters of the story but also Doctor Rizal itself.. As you can see, almost half of the story was used to showcase the love of Crisostomo Ibarra for Maria Clara.. Several occassions were written about how he showed his love for her childhood sweetheart.. His soft and kind heart captured the pure love of the main female character of this novel which is Maria.." dugtong nya..

Nakinig ang lahat..

"But that was not the question I know.." sabi pa ni Zack..

Ngumiti ng plastic ang guro..

"As you can see, the last part of the first novel ended to a tragedy.. Where soldiers haunting Cristomo up to the river.. They thought they killed Ibarra.. But as we all know, they did'nt .. And it is because of the help of no other than Elias.. His sidekick.." dagdag ni Zack..

"Kung pagbabatayan natin ang pagwawakas ng first novel.. We can all see why Doctor Rizal changed the character of the main character. With the help of Elias, Ibarra escaped.. Then Simoun appeared.. With vengeance and hatred.." madiing sabi ng binata..

Walang nagsasalita .. Tanging ang binata lamang ang nakatayo at nag momonologue..

"So what are you trying to say Mr. Hidalgo?.. Why Simoun wants revenge ?.." tanong ng guro..

Ngumiti si Zack..

"Kahit sino kagalang galang na guro ko.. Kahit gaano kabait ang isang tao..Nauubos din ito..Kung ihahalintulad mo ang kabaitan ng isang tao sa apoy sa mitsa ng isang kandila.. Maalab at nakakapaso.. Pero nauupos.. Umuunti.. Nauubos.. Nawawala.. Kahit anong busilak ng puso ng isang nilalang, kapag mahal mo sa buhay ang kanyang nilapastangan sa kanyang harapan.. Nagbabago ang puti nyang puso.. Nagiging itim.." nakatitig si Zack sa guro..

Napalunok naman ang teacher..

Pati klase ay walang masabi sa binata..

Nuon lamang nila nakita na nagningas ang mga mata ni Zack..

"Di santo si Simoun tulad ng ibang tao sa mundo Sir... Kahit na pinapakita nilang mabait sila, may tinatago din silang kasamaan sa katawan..At lalabas lamang ito sa oras na salingin mo o pagsalitaan ang mga mahal nila sa buhay... Kaya nagbago si Ibarra.. Lumabas si Simoun.. " gigil nyang sabi..

Eksaktong tumunog ang bell..

Mabilis na nilikom ni Zack ang mga gamit nya..

Nilapitan nya ang mga kaibigan na tahimik syang inakbayan at inakay pababa ng hagdan..

Dire diretso sila sa locker nila...

Tahimik na nagpalit ng damit at lumang rubber shoes si Zack..

Nanginginig ang kanyang mga panga..

Ni hindi nya maibuhol ang sintas ng sapatos sa galit na nararamdaman laban sa guro na lumait sa kanyang ina..

Maya maya ay naramdaman nya ang pagdantay ng kamay sa balikat nya..

Paglingon nya ay nakangiti ang kaibigang si Denzel sa kanya.

"Pare.." pagtawag nito..

Ngumiti ng kimi si Zack..

"Ayos lang pare.." sabi nya..

Tumabi sa kanya ang kaibigan..

Di sila nagsalita ng ilang minuto hanggang sa nagdatingan na din ang mga kasama nila..

Nagpapasalamat si Zack sa presensya ni Denzel at Rigor sa tabi nya.

Hinintay muna nilang maubos ang mga ka team mates sa locker bago sila naglakad palabas..

Wala na sanang magbabanggit ng nangyari ng biglang nagsalita si Rigor..

"Pare.." seryosong tanong nito..

Ngumiti si Zack ..

"Okay lang pre.. Salamat.." inunahan nya na ang kaibigan..

"Di pare.." pero umiling si Rigor..

Nagtatakang napahinto sa paglalakad si Zack at Denzel..

"Baket?.. " tanong ni Zack..

Nag alinlangan pa si Rigor kung itutuloy pa ba nya ang tanong o hindi..

"Sige na pre.. Para matapos na.. Ayos lang ako.." sabi ni Zack..

Huminga ng malalim si Rigor .. Parang nahihiya ito sa mga kaibigan.. Pero sa huli, buo ang dibdib na nagtanong..

"Ano ang spell ng vengeance ?.. " mahinang tanong nya..

Nagkatinginan sina Denzel at Zack..

"Pare.." tanong ni Denzel..

"Pare.." pagsagot ni Zack..

Nagtanguan sila..

Inakbayan ang isa't isa at iniwanan si Rigor..

"Bahala ka dyan gago.." sabay nilang sabi..

Dismissal.

Naglalakad si Zack patungo sa classroom ni Sab..

Nagtataka ang binata dahil dapat ay nasa bench na ang dalagita.. Kadalasan ay nauuna itong lumabas sa kanya..

Pagdating nya sa kwarto ay mabilis na nagtago ang binata..

Mula sa maliit na siwang ng bintana..Kita nya ang kaganapan sa loob.

Mukhang may klase pa kahit na nagbell na..

Mukhang may recitation na nagaganap..

Di alam ni Sab na nandun na sya..

Sinuyod nya ng tingin ang dalagita..

Wala ito sa dati nitong upuan..

Napunta ito sa bandang harapan..

Kita ni Zack ang pamamawis sa nuod ni Sab..

Kinakabahan sya..

Para sa dalagita..

"Sana po madali lang ang tanong sa kanya.." panalangin ni Zack..

Ganun din ang dasal ng dalagita..

Taimtim syang nananalangin na sana ay madali ang mapuntang tanong sa kanya..

Wala syang kaide ideya sa mangyayaring recitation sa araw na ito..

Sabagay..

Hindi naman tatawaging "Surprise Recitation" ito kung alam nila kung kelan..

Pero di nakatulong kay Sab ang joke nya sa sarili.

Kinagat nya ang kuko..Kumukuha ng lakas ng loob at talino ..

Nag aalala sya kay Zack..Baka naghihintay na ito sa tagpuan nila..

Pero sana nga ay maghintay na lamang ito..

Di nya masikmura kung bigla na lamang itong umakyat sa classroom nya dahil sa inip at makita ang sitwasyon nya ngayon..

Kulang na lang ay kainin na ni Sab pati daliri nya sa nerbyos..

Ayaw nyang magmukhang tanga..

Yun ang pinakaayaw nya sa lahat..

Random ang tawag ng pangalan..Kaya sya nalipat ng pwesto ay dahil ginawa ng alphabetical order ang seating positions..

Na talaga namang ikinainis nya dahil napalayo sya sa mga matatalinong kaklase..

Nasa kalagitnaan ng pagsisintir si Sab ng biglang sumigawa ng guro..

"We've been studying for almost a year now Princess !.. And still you didnt know whats the answer.. My god.. Sinasayang mo ang perang pinapang aral sayo ng mga magulang mo !.. Sit down !.. You got a 75 for recitation !.." sigaw ng babaeng guro..

Adviser pa naman nila ito kaya masyadong istrikto sa kanila..

Kailangan daw nila ang nasabing recitation para sa paparating na exam..

Random names.. Random questions.. Depende pa naman kung saan ka mahina.

Matinding matindi ang pagtawag ni Sab kay Papa J..

"Papa J.. Sana po 1 + 1 na lang ang itanong saken .. Promise po.. Di na ako manunuod ng TV sa gabi..Tutulong na din po ako sa household chores.. " pakikipagbargain nya kay Papa J..

Napapitlag pati si Zack ng tawagin ng guro ang pangalan ng dalagita.

Kahit di nya ugali ay nakagat nya na din ang kuko sa nerbyos..

Tumayo ang dalagita ..

Lumunok ng laway .. Kahit tuyong tuyo na ang lalamunan nya..

Tumingin sa kanya ang guro at ngumiti..

"Ms. Sab.. I hope your not like your friend.." tanong nito..

Ngumiti din ng kimi si Sab..

Sinimulang pag aralan ng guro ang mga grado ni Sab..

Ng ilang saglit lang ay nagbukas ito ng libro at naghanap ng maaaring itanong..

Nanlumo si Sab ng makitang Science book ang binuksan nito..

"Sana English na lang .." nanghihinayang na sabi nya.

Tumayo ang teacher at lumapit kay Sab..

"So here..Sab... Sabi ng teacher nyo nandito na daw kayo..Hmm.. Ah ito..So, what are the functions of the heart and brain.. And give me their importance.." tanong ng guro..

Nabuhayan si Sab..

Medyo pamilyar sa kanya ang tanong..

Pero sa kasamaang palad ay di nya maapuhap ang nais sabihin..

Ilang minuto ang lumipas ..

Nais ng maihi ni Zack..

Ayaw nyang mapahiya ang dalagita..

Mukhang sa inaasta nito ay yun nga ang mangyayari.

"Diyos ko..Masagot po sana nya.." pagdadasal ng binata..

Mabilis na ang kabog ng dibdib ni Sab..

Nakalimutan nya na ang ibang detalye.. Nasa dulo na ng dila nya ang sasabihin pero di nya talaga kayang pangalanan..

Napatingin sya sa guro..

Nakataas na ang kilay nito..Tanda na naiinip na rin..

Ngumiti ng nagpapaunawa si Sab..

Nilibot nya ang tingin at di sinasadyang napatingin sya sa mga naglalakad na estudyante sa grounds.. Papauwi na ito.. Hindi ang ideya ng uwian ang nagpangiti sa kanya kundi ang dalawang magkasintahan na magkahawak kamay habang naglalakad..

Naalala nya si Zack..

Tumikhim ang guro..

"So what now?.. " inip na tanong nito..

Ngumiti ng maluwang si Sab..

"Sorry for the delay mam.." sabi nya..

Tumango lang ang teacher..

"As for the first question.. Functions of heart and brain..First is heart, alam po nating lahat na importante ang dalawang organ sa ating katawan.. Pero syempre... May kanya kanya silang trabaho.. Parang sa bahay.. Ang pag supply ng dugo sa bawat system sa ating katawan ang syang pangunahing trabaho ng Puso.. Sya ang nag papupmp paikot ng blood, nutrients at vitamin na kailangan ng ating katawan.. Kung wala po ang puso.. Di gagalaw ang dugo.. Di gagapang ang mga bitamina na kailangan natin sa ating katawan.. Kaya natural na mahalaga ang ating Puso.. Ngayon naman po .. Ang ating utak.. Funny speaking.. Pero ang utak ay ang utak ng lahat..Sya ang may pakana kaya gumagana ang ating katawan.. Kapag po gusto nating maglakad.. Ang mensahe po ay pinapadala natin sa utak at pinapadala naman ng utak natin patungo sa ating mga paa.. Kaya po sya gumagalaw.... " nakangiting sagot ni Sab..

Napangiti din ang guro ..

Namangha ang mga estudyante sa dalagitang antukin..

"Ang bangis.." nababaliw na sabi ni Zack..

Manghang mangha sya sa dalagita..

"Good job Sab.. uhm.. Wag ka sana magagalit.. Isa pa.. Galing mo kasi sumagot eh.. Sabi ng iba.. Mas importante daw ang utak... Sabi naman ng iba.. Ang puso daw.. Sa tingin mo.. Sinong mas tama ?.." tanong ng guro..

Napasimangot si Sab.. Di naitago ang inis dahil sa dagdag na pasakit sa utak nya.

Napanguso pa sya..

Sa labas naman ay gigil na si Zack sa itsura ni Sab.

Cute na cute sya sa itsura ng dalagita..Nakausli ang mapupula nitong labi na natural at walang halong lipstick..

Sa mga oras na iyon ay gusto nya ng halikan ng madiin ang dalagita.

"I think mam gasgas na ang linya ko..Pero po sa tingin ko ay wala akong pipiliin sa kanila.. Pareho silang mahalaga.. Katulad ng mga magulang ko..Kung ang tatay ang nagsusupply sa amin ng mga kailangan namin sa buhay.. Ang nanay ko naman po ang matalinong nagsisinop nito at nagsasabi kung saan at kailan ito gagastusin.. Now, sino po ang gustong mawala ang isa sa mga ito?.. " tanong ni Sab..

Bilib ang guro sa dalagita..

"Thank Sab for her answer.. Satisfy na ako for today.. Tomorrow naman ulit.. Sa mga di pa nakakarecite.. You have time to review.. And to those na di nakasagot.. Sige.. Dahil sa ganda ng sagot ng classmate nyo.. May chance pa kayo bukas.. Pero hanggang bukas na lang.. At yung mga nakasagot .. Di naman nangangahulugan na pwede na kayong mag easy easy.. Syempre we have periodical exam to come pa.. So study harder.. Para sa inyo din naman yan eh.. See yah guys.." paalam ng guro.

Naghiyawan ang mga estudyante..

"Nice Sab !.." sigaw ng isang kaklase ni Sab..

Ngumiti lang ang dalagita ..

Pinagmasdan ang mga kaklaseng isa isang naglalabasan ng pulbos at kolorete sa mukha..

Marami sya non.. Pero di nya maisip na kailangan nya itong gamitin..

Parang makati sa mukha..

Di lang siguro sya sanay.. Hinintay na lamang nyang matapos ang mga kaklaseng babae..

"Sabina.. Ang galing mo.." sabi ng isang lalake..

Paglingon ni Sab ay napasimangot sya ng makita ang kinaaasarang manliligaw..

"Salamat.." sabi lang nya..

Pero di pa rin ito umaalis..

"H-hatid kita.." mahinang sabi nito..

Akmang sasagot na si Sab ng biglang may bumuhat ng bag nya..

Paglingon nya ay di nya maiwasan ang mapangiti..

"Gagabihin na tayo.." sabi ni Zack..

Di nito nilingon ang binatilyong nag aabang ng kasagutan ng dalagita.

Di na rin naman kailangan pang sagutin ni Sab ang manliligaw nya ..

Sapat na ang presensya ni Zack para umurong ito at umatras..

Na sya namang ginawa ng binatilyong kaklase ni Sab.. Mabagal itong umatras at binigyan sila ng daan..

"Bye sis.." paalam ni Sab sa mga kaibigan babae..

Napasimangot ang iba..

Pero wala syang pake..

Ang mahalaga ay kasama nya ang binata..

Sabay nilang tinahak ang daan pababa ..

Masarap ang pakiramdam ni Zack..

Ganun din si Sab..

Palabas na sila ng gate ng biglang may tumawag sa binatang mga babae..

Kumaway din si Zack bilang pagiging maginoo..

Pero nagulat sya ng biglang umangkla ang braso ni Sab sa braso nya..

Paglingon nya ay nakatingin lang ang dalagita sa daan..

Di na nagtanong pa si Zack..

Nakangiti na lang syang naglakad din ng diretso patungo sa sakayan..

Di nya napansin ang ngiting sumilay sa mga labi ni Sab.

Dumiretso na sila sa abangan ng jeep..

Walang nagsasalita.. Parehong dinadama ang mga braso ng isa't isa..

Kapwa pinatahimik ng kilig ..

ITUTULOY !!!