1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 24
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 24

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 24

Araw ng sabado..

Last practice ng kuponan nina Zack..

Kasalukuyan syang nakaupo sa bench.. Tagaktak na ang pawis nya.. Hingal kabayo na rin sya habang nakatingin sa mga kasamang naglalaro pa rin..

Kanina nya pa hinihintay si Sab..

Nasa room nito ang dalagita at nagrereview para sa nalalapit na exam kasama ang mga kaklase nito..

"Hi.." bati ng isang boses ..

Agad napalingon si Zack sa pag aakalang si Sab ang tumawag..

Pero nagkamali sya..

Bumungad sa kanya ang isang matangkad na babae na nuon lamang nyang nakita..

Nakangiti ito at labas ang mapuputi at pantay pantay na ngipin..

Napalunok si Zack..

Nakaramdam ng konting kahihiyan dahil tagaktak pa ang pawis nya..Di nya rin alam kung ano na ang amoy nya..

Kimi syang ngumiti ..

"Yo !.." bati nya..

Ngumiti ng matamis ang babae..

Akala nya napadaan lamang ito.. Pero nagulat sya ng biglang umupo sa tabi nya ang magandang babae..

Nanliit sa hiya si Zack..

Bilang pag iwas, lumipat sya sa sumunod na upuan at nag iwan ng distansya sa pagitan nila..

Tumawa ng mahina ang babae..

"Ay..Para naman akong may sakit nyan eh.." nagtatampong sabi nito..

Napangiwi si Zack..

"Di no..Nahihiya lang ako sayo..Pawis na pawis ako sa tapos tatabi ka saken.." katwiran nya.

Muling natawa ang babae..

"Alam ko..Di naman ako bulag para di makita ang itsura mo.. But still, tumabi pa rin ako..Pero lumayo ka naman.." sabi nito..

Natawa na din si Zack..

"Haha.." sabi lang nya.

Ilang saglit na katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita ang babae..

"Hi.." sabi nito..

Ngumiti si Zack..

"Hi din.." pacute nya.

Nilahad ng babae ang palad nito..

"By the way I'm Nerica..Nerica Sta. Maria.." pakilala ng babae.

Mabilis na pinunasan ni Zack ang palad nya sabay abot kay Nerica..

Nagkangitian pa sila..

Dama nya ang kalambutan ng palad nito..

Ramdam nyang pinisil pa ng babae ang kamay nya..

"So.. Anong ginagawa mo dito..?.. Ngayon lang kita nakita ha.." bati ni Zack..

Ngumuso ang babae..

"Actually.. Taga kabilang school ako..Nandito lang ako kasi may imemeet sana akong student din dito..But it seems na wala pa sya.." nakalabing reklamo nito..

Natawa si Zack at tiningnan ang mga kasama na naghaharutan na lamang..

"Your one of them right?.." tanong muli ni Nerica.

Tumango si Zack..

"Yeah..Nagpapahinga lang ako..Final game na namin sa Monday.." sabi nya..

"Magaling ka siguro.." puna ng babae.

Ngumiti si Zack at binalingan ang katabi.

"Di naman..Mas magagaling sila kumpara saken.. But ofcourse.. It takes teamwork para magtagumpay ang isang team.." paliwanag nya.

Tumingin din ang babae sa mga kasama ni Zack..

Ngumiti ito at muling bumaling sa binata..

"You seem to be friends...Not just team mates..I guess.." nakangiting puna pa nito..

Tumango lalo si Zack..

"How did you know?.. " pag eenglish nya din..

Nagkibit balikat ang babae..

"I just know it.. The way they play.. Parang di practice.. I mean, I know a little about basketball..And you said na last practice nyo na ito .. But they seem just playing.. Not practicing..If you know what I mean.." kumindat pa si Nerica sa kanya..

Napatingin si Zack sa mga kasama..

"Your right...Magkakaibigan kami sa loob at labas ng team..Yun siguro ang sikreto kaya kami nakapaglalaro ng mahusay..Kampante kami sa kakayahan ng bawat isa na bagamat dumarating sa puntong nagkakamali ang bawat miyembro..Wala ni isa man sayo ang maninisi..Yun siguro ang susi kaya kami nananalo.." wala sa sariling kwento ni Zack..

Ngumiti ang babae..

"It's because you enjoy the game..Because your with your friends..You see, playing your favorite game with your favorite people..Ang saya nun right?.." puna pa nito.

Nagkatitigan sila ni Zack .. Maya maya ay ngumiti na sila sa isa't isa..

Biglang sumigaw si Rigor..

Napatingin silang dalawa at di nila naiwasan ang matawa..

Nakasakay sa likod ni Rigor si Denzel habang may humahawak na dalawang tao sa paa nito..

Hawak ni Rigor ang bola at pilit na shinushoot.. Tawa ng tawa ang mga kaibigan nya..

Di din maiwasang matawa ni Zack..

Tumingin sa kanya ang babae..

"You seem a good guy..I'm wondering why they want me to destroy you.." bulong nito..

Napatingin si Zack.

"Come again?.." tanong nya.

Ngumiti lang ang babae..

"Nothing..Di na siguro dadating yung friend ko..Im hungry..How bout you?.." tanong nito..

Dinama ni Zack ang sarili..

Gutom na din naman sya..Pero batid nya ang kapasidad ng pera nya..Sa tingin pa naman nya sa babae ay sosyalin ito ..

Pasimpleng kinapa ni Zack ang bag sa tabi nya para silipin ang perang dala..Pero kinalabit sya ng babae..

"Don't bother to see if you have money..My treat.." nakangiting sabi nito..

Napakamot si Zack sa batok sabay iling..

"Di naman tama yun no.." tanggi ni Zack..

Ngumuso ang babae dahilan para maalala ni Zack si Sab..

"Ganito na lang..Why we pay our own food..Uhm.. Para di ka mahiya.." suhestyon nito..

Ngumiti si Zack..

"But can we wait for my friend?.." tanong nya..

Tumango ang babae..

Pero tumingin ito sa relos..

"It's getting hotter na kasi..It's past 3 na oh.. Dyan lang naman tayo sa malapit na fastfood then we can go back again..We can bring her food also.." sabi pa ni Nerica.

Napaisip si Zack..

"How did you know that she's a girl?.." tanong nya..

Saglit na nabigla ang babae.. Pero ngumiti din ito ng matamis..

"I just know..The way you talk about it..Malakas talaga ang pakiramdam ko.." sabi nito sabay kindat..

Napangiti na din si Zack..

"Ah ganun ba?.. Sige..Tara para makabalik tayo agad.. Mamaya pa siguro matatapos yon..Teka lang ha..Paalam lang ako sa mga friends ko.." sabi ni nya..

Tumango si Nerica sabay naglakad palabas ng gym..

Mabilis na kinuha ni Zack ang pera nya sa bag..Dinala na nya lahat at nagiwan na lang ng pamasahe nila ni Sab pauwi..

Nilapitan nya ang mga kasama..

"Mga panget.." biro ni Zack..

Nahinto ang laro at tumingin sa kanya ang mga kaibigan na pawisan at nagtatawanan..

"Makapanget ka naman wagas..Di ba pwedeng pare na lang?.. " biro ni Rigor..

Natawa sila..

"Siraulo ka..Patingin tingin na lang si Sab mga tol..Babalik din ako.." sabi ni Zack..

Kunot noong lumapit sa kanya si Denzel..

"Ano na naman yang pinapasok mo?.. " tanong nito..

Ngumiti si Zack sabay kamot sa batok..

"Saglit lang tol..Di ko matanggihan eh.. Ewan ko ba.." nakangiting sabi nya..

Inakbayan sya ni Denzel..

"Pare..Ayaw kong sirain ang pantasya mo pero masama ang kutob ko dyan sa babaeng yan..Pero kutob lang naman yun eh..Anyway..Sige ingat ka..Dalhin mo na rin gamit mo kasi wala kang tagabantay dito.." biro ni Denzel sabay suntok sa sikmura nya..

Natatawang umiwas si Zack..

"Salamat pare..Sige..Pero babalik ako..Pakisabi kay Sab ha..Pero wag nyo na lang sabihing may kasama akong babae..Magagalit yun sigurado eh.." sabi nya..

Tumango si Denzel..

"Sige..Bilisan mo lang...Alam mo naman yung syota mo..Parang tigre..Nananakit kapag di nakukuha ang gusto eh.." biro nya..

Natawa si Zack at tinapik ang balikat ng kaibigan..

"Sige na pare..Salamat.." paalam nya..

Akmang aakbay din si Rigor pero inunahan nya na ng sikmura ang kaibigan..

Nakangiwing umarte ito na parang nasaktan ng sobra..

"Naglalambing lang eh.." huhikbing sabi nito..

"Ulol mo..Kita mong pawis na pawis ka pa eh..Nevah !.." biro ni Zack sabay mabilis na nilapitan ang mga gamit...

Patakbo nyang nilapitan si Nerica ..

Tumango naman ang babae at nagpauna na sa paglabas ng gym..

Nakasunod si Zack..

Nasa gitna na sila ng school grounds ng lumiko ito sa parking..

Nagtaka si Zack pero nagulat sya ng binuksan nito ang isang magarang kotse..

"Come in.." nakangiting utos ni Nerica..

Napangiwi si Zack..

"Parang ayaw ko na.." tanggi nya..

Natawa si Nerica at nilapitan ang binata..

Tumingkayad ito bigla dahilan para maglapit ang mga mukha nila..

"You know?.. Your so cute .." biglang bulong nito..

Napalunok si Zack..

Damang dama nya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ..

Napakaganda ni Nerica..Amoy nya ang mabangong samyo ng katawan ng dalaga na di nya alam kung saan galing... Kung natural ba o pabango lang..

"D-di naman.. " mahinang bulong din ni Zack..

Nagkatitigan sila..

Bumaba ang tingin ni Nerica sa mga labi ni Zack..

Muling lumunok ng laway ang binata..

Di nya naiwasan na basain ng laway ang sariling labi dahil pakiramdam nya bigla itong nanuyo.

Napangiti si Nerica..

Umangat ang tingin nito sa mga mata nya..

"And innocent .. Now I know why.. I think I have a crush on you.." diretsong bulong nito..

Lalong naging parang mabilis na dribble ang pagtibok ng puso ni Zack..

Wala syang masagot sa mga direktang papuri ng kaharap..

Lumingon si Nerica sa likod nya..

Ngumiti ang dalaga sabay biglang hinalikan sya sa labi na talagang ikinayanig ng mundo ni nya..

Mabilis lang naman ang naging paghalik pero sapat na ito para saglit ding matulala si Zack..

Rinig nya ang pagtawa ni Nerica..

"Oy..Tara na.." sabi nito ..

Napatingin si Zack at nakita nyang pumasok na ang dalaga sa kotse..

Para syang zombie na sinalat ang mga labi..

Binuhay ni Nerica ang makina at bumusina..

Napaigtad si Zack..

"Tara na.." dungaw ni Nerica sa bintana..

Dahan dahang lumapit si Zack sa kotse at mabagal na pumasok sa loob..

Pinaandar na ni Nerica ang sasakyan palabas ng campus.

Tulala si Sab na nakatayo malapit sa gitna ng school grounds..

Papunta na sana sya sa gym para puntahan si Zack ng mapatingin sa parking area...

Nakita nya ang dalawang tao na magkaharap na parang nag uusap..

Di na sana nya papansinin ang mga ito ng lumingon sa kanya ang babae at walang sabi sabing hinalikan ang kaharap nito..

Napaismid pa sya ..

"Di man lang nahiya.." sabi nya..

Pero nagulat sya ng mamukhaan ang kahalikan nito..

Akala ni Sab kahawig lang ito ng binata..

Kaya naman mabilis syang umikot para makita ang mukha nito..

Natulala na lang siya ng makita si Zack na tinatanggap ang paghalik ng babae..

Nabitawan nya ang mga dalang gamit..

Kita nya ang pagsakay ng binata sa kotse ng babae hanggang sa umalis na ang mga ito..

Tahimik na bumyahe ang dalawa..

Walang nagsasalita..

Napapatingin na lang si Nerica sa binatang tahimik na nagmamasid sa paligid..

Napapangiti sya sa nakikitang kainosentehan sa mukha nito..

Ilang saglit lang ay nagpasya na syang ihinto ang kotse sa isang sikat na fastfood resto..

Napatingin si Zack sa katabing babae ng huminto ang kotse..

"Baba ka na... " utos nito..

Tahimik lang na bumaba si Zack at sumunod sa babae sa pagpasok sa loob.

Sa second floor sila dumiretso..

Dulo ang pinili nilang pwesto ..

Kokonti pa lang ang mga customer ng dumating sila..Halos dalawa pa nga lang ang laman ng second floor..

Tahimik na naupo ang dalawa..

Mabilis namang lumapit ang waiter para tanungin ang order nila..

Tulala pa rin si Zack.

Ipinaubaya na lamang nya sa babae ang pagorder ..

"That would be all..Thank you.." sabi nito..

Pag alis ng waiter ay duon lamang bumalik ang huwisyo ni Zack..

Napangiwi sya sabay pasimpleng kinapa ang bulsa.

"Ahm..M-magkano ba inorder mo?.." nahihiyang tanong nya..

Napatingin sa kanya ang babae ..

Bigla itong tumawa..

Hiyang hiya naman si Zack sa tanong nya kaya umatras sya..

Pero umiling si Nerica at biglang hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa mesa.

"It's okay baby..Ako na muna taya ngayon.. Then treat mo na lang ako the next time..Okay ba?.." tanong nito..

Wala ng magawa si Zack kundi sumang ayon..

"Nakaorder ka na eh..Di mo man lang ako tinanong.." nagtatampong sabi nya..

Dumukwang ang babae..

Nagulat na naman si Zack ..

"Oy teka.." awat nya..

Pero tumawa lang si Nerica at tinuka sya sa labi..

Aaminin ni Zack na nasasarapan sya .. Pero talagang mali ang ginagawa nila kaya sya na ang kusang umiwas..

Napangiti na lang si Nerica..

"Mukhang loyal ka sa kanya..Anyway..Kwentuhan mo na lang ako.." sabi nito..

Napatingin sa kanya si Zack..

"Ano naman gusto mong ikwento ko?.." tanong nya.

Nagkibit balikat si Nerica.

"Anything..About you..And your friends..About her.." sabi nito.

Napangiti si Zack..

Excited syang nagkwento hanggang sa dumating na ang order nila..

Tulala lang si Sab..Pakiramdam nya ay tumigil na ang pag ikot ng mundo..

Ilang minuto siguro ang lumipas bago sya makarecover..

Isa isa nyang dinampot ang mga gamit..

Ng biglang pumatak ang isang luha sa mga mata nya.

Akala nya isa lang..

Pero nagulat sya ng may sumunod pang isa..Na sinundan pa ng isa pa.

Tuloy tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ni Zack..

Masakit na masakit ang pakiramdam nya..

Daig pa nito ang paghiwa ng kung anong matalas na bagay sa puso nya..

Walang maaaring mapagkumpara sa nararamdaman nyang hapdi..

Tahimik nyang inimis ang mga nalaglag na gamit..

Naupo sa bench na paboritong tambayan ni Zack..

Ayaw nyang may makakita sa ganitong ayos nya..

Kailangan nya muna ng ilang minuto.. o oras para payapain ang sarili..

Ilang saglit lang ay nagpasya na syang umuwi dahil sa tingin nya ay di na babalik pa si Zack..

Mabilis na lumipas ang oras at nagulat pa si Zack ng pagtingin nya sa bintana ng restaurant ay madilim na..

"Naku po.." biglang sambit ni Zack..

Ngumiti ng lihim si Nerica..

"Oh bakit?.." sabi nito..

Natapik ni Zack ang noo nya..

"U-uwi na ako.." sabi ni Zack.

Napangiti na lang si Nerica at tumango..

"Waiter.." tawag nito..

Mabilis namang lumapit ang waiter..

"Yung bill.. And paorder pa ng isa.." sabi nya..

Tumango ang waiter..

Di na mapakali si Zack sa upuan ..

Natatawang sinaway sya ni Nerica..

"Relax.. Ano ka ba?.." saway nito..

Kinalma ni Zack ang sarili..

Pero talagang di sya mapakali..

Ilang saglit pa at dumating na ang waiter dala ang ilang supot ng pagkain..

Naglabas ng pera si Nerica..

Nahihiyang nagbaling ng tingin si Zack ..

"Thank you.. " pasasalamat ni Nerica sa waiter..

"Your change Ma'am.." sabi ng lalake.. Pero tumanggi si Nerica..

"Keep it..Let's go Zack.." aya ng babae.

Nagyuko na lang ng ulo si Zack..

Tinahak nila ang daan pababa ng restaurant ..

Hanggan sa makarating sila sa kotse ng babae ay tahimik lang si Zack..

"It seems na di ka nag enjoy.." nagtatampong puna ni Nerica..

Nag angat ng tingin si Zack at mabilis na umiling..

"Di no.. Pero kasi.." sabi nya..

Tumango lang si Nerica..

"I know..Sorry..Napasarap kasi kwentuhan natin kaya di natin napansin ang oras..Okay lang naman siguro sya.." sabi nito..

Tumango na lang si Zack..

"Tara hatid na kita.." aya ni Nerica pero umiling ang binata..

"Di na..Mag jeep na lang ako..Malapit lang naman..Anyway salamat ha.." sabi nya..

Ngumiti at tumango si Nerica..

Muli nyang hinalikan ang binata..

Tulala na naman si Zack ..

"Sige..Bye..Nag enjoy ako..Salamat sa time..Sa uulitin.." paalam ni Nerica sabay pasok sa kotse..

Hinintay muna ni Zack na mawala sa paningin nya ang sinasakyan ng dalaga bago mabilis na tumawid sa kabilang kalye..

Punuan na ang mga jeep..

Pumara sya ng isa at sumabit na lamang sa likod para lamang makauwi na..

Halos liparin na ni Zack ang daan papasok ng subdivision..

Lumagatok ang gate na bakal sa pagmamadali ni Zack sa pagpasok..

Sa backdoor na sya dumaan..

Diretso sa kwarto nilang mag ina at mabilis na nagpalit ng damit..

Paglabas nya ay nasalubong nya ang ina ..

"Oh..Andyan ka na pala.." sabi nito..

Napakamot si Zack sa batok..

"N-nay..Si Sab?.." tanong nya..

Kunot noo naman si Ditas..

"Nasa taas..Baket?..Akala ko galing kang praktis?.. " tanong nito..

Napangiwi si Zack..

"O-opo.." sabi na lang nya..

"Kumain ka na.. " sabi ni Ditas..

"Busog na ho ako.." sagot ni Zack..

Nagtaka ang ina..

"Busog?.. Eh pamasahe lang ang dala mo?.." takang tanong nito.

Nabigla si Zack..

"S-si Denzel po Nay..Nilibre ako.." sabi nya..

Napatango tango si Aling Ditas at pumasok na sa loob..

"Dyan ka na..Manunuod pa ako eh.." tatawa tawang sabi nito.

Tumawa na din si Zack ng plastic..

Pagpasok ng ina ay mabilis nyang tinakbo ang kwarto ni Sab..

Nasa tapat na sya ng pinto ..

Di alam ang gagawin..

Nagtatahi na sya ng paliwanag sa dalagita.

Kahit na di sanay magsinungaling..

Kailangan nya..

Huminga sya ng malalim .

"Bahala na.." bulong nya..

Akmang kakatok na sya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang dalagita..

Nagkagulatan pa silang dalawa..

Mabilis na binago ni Sab ang mukha nya..

Kanina pa sya nag mumukmok sa kwarto...

Pakiramdam nya ay naubos na ang luha sa mga mata nya..

Ngayong nasa harap nya ang sanhi ng sakit na nararamdaman..

Ayaw nyang magpakita ng kahit anong emosyon.

"Oh andyan ka na pala..Kuya.." mabagal at walang emosyong bati ni Sab..

Napangiwi si Zack..

"S-sorry.." sabi lang nya..

Akala nya galit ang dalagita dahil sa di nya dito paghintay..

Pero di nya alam na mas malalim pa duon ang dahilan nito..

"Okay lang.. Tumabi ka at kakain ako.." sabi ni Sab.

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Di ka pa kumakain ?.. " tanong nya..

Tumingin si Sab sa mga mata ni Zack..

Seryoso at wala pa ring emosyon..

"Di ba halata?.. Kaya nga kakain di ba?.." sagot nya.

Tinabig ni Sab ang binata at lumabas ng kwarto..

Takang sumunod naman si Zack..

"Pero bakit?.. Sige sabay na tayo.. " sabi nya..

Pero marahas na lumingon sa kanya ang dalagita...

"You don't have to.. Amo ako dito.. Taga silbi ka lang.. " biglang sabi ni Sab..

Nayanig ang buong pagkatao ni Zack sa sinabi ng dalagita.

Maging si Sab ay nabigla sa sinabi nya.

Dala ng emosyon at galit na nararamdam sa kaninang nasaksihan kaya nya nasabi ang mga salitang yon..

Pakiramdam ni Zack ay gumuho ang mundo.

Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na panliliit sa harap ng dalagita..

Yumuko sya para itago ang pagpatak ng luha sa mata mata nya..

Ilang saglit din silang nakatayo sa bukana ng hagdan.

"S-sige..Pero ipaghahain kita.." sabi ni Zack..

Mabilis syang bumaba..

Tulalang sumunod si Sab sa binata..

Naabutan nyang naghahain nga ito sa kusina..

Pinaghila ni Zack ng upuan si Sab.

"Upo na M-ma'am Sab.." sabi ni Zack..

Tahimik na umupo si Sab..

"K-kung may ipaguutos pa kayo..Nasa hardin lang po ako.." sabi ng binata..

Tumango si Sab..

Nagkatitigan muna sila..

Hanggang sa sumuko ang binata at tahimik na lumabas ng kusina..

ITUTULOY !!!