1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 26
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 26

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 26

Bisperas ng araw ng laban nina Zack.

Maagang natapos ang klase nya kaya medyo masaya ang binata..

Mamaya pa ang uwian ni Sab dahil may exam pa ito..

Samantalang silang mga varsity ay tapos na..

Kasalukuyan syang nasa room at nagliligpit ng mga gamit..

"Oy Zackarias Hidalgo !.." sigaw ni Rigor.

Automatikong napangiti si Zack sa pagkarinig sa pagtawag ng kaibigan..

"Baket Regidor Dimagiba?.." panggagaya nya...

Napangiwi si Rigor sa pagkarinig ng sariling pangalan..

Tila naging isang usal pangontra sa masasamang espiritu ang dating nito sa mga tenga nya..

Nagtawanan ang mga kaklase ni Zack na nakarinig..

Kakamot kamot na pumasok si Rigor sa loob ng silid..

"Pare naman..Konti na nga lang kayong nakakaalam ng totoo kong pangalan eh.. Wag mo na i-broadcast.. Di ka naman yayaman dyan eh.." angal nito.

Bungisngis lang si Zack..

"Ginaya lang kita..Himala..Di mo kasama yung isa?.." tanong nya..

Napangisi si Rigor.

"Si Denzel ba?.. Ayun..Nakakita ng tsiks pare..Di na pinatakas.." imporma nito..

Kunot noong tinigil ni Zack ang ginagawa ..

"Oh.? .. Sino?.. Saan nyo nakita?.. Taga dito ba?.." sunod sunod nyang tanong..

Hinawakan ni Rigor ang baba gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nilahad nya..

Tiningnan lamang ito ni Zack..

"Oh anong ibig sabihin nyan?.." tanong nya..

Napangisi si Rigor..

"Ang lagay eh.. Impormasyon yon.. Dapat may kapalit.." nakangising sabi nito.

Umakma si Zack na duduraan ang palad ni Rigor.

Ng makita ang balak ng kaibigan ay mabilis na binawi nya ang kamay..

"Langyang to..Your so kadiri.." sabi ng bakulaw..

"Ako pa ang peperahan mo.. Parang ang yaman ko ah.. " sabi ni Zack..

Inakbayan sya bigla ni Rigor..

"Biro lang pare.. " sabi nya..

Ngumiti si Zack..

"Dali na..Nasan na sila?.." tanong nya..

Inakay naman sya palabas ni Rigor..

Mabilis silang bumaba ng hagdan..

"San ba kasi?.. taga dito ba?.." tanong ni Zack..

"Wag kang makulit.. Ikaw na nga itong sinasamahan eh..Tara nandun yung iba.." sabi ni Rigor..

Nagtaka si Zack..

"Sinong iba?.. " tanong nya..

Patungo sila sa parking area..

Di na kailangan pang sagutin ni Rigor ang tanong nya dahil agad syang napangiti ng makita ang ibang mga kaibigan..

"Oh ang babagal nyo.. Mamaya makaalis na yung mga yon eh.." sabi ni Primo..

Nagtawanan sina Vincent at Gustavo..

"Langya ka insan..Ang hilig mo talagang manggulo eh.. Anyway..Nasan na nga ba sila Vince?.." tanong ni Gus..

Napatingin sila kay Vincent..

"Kanina nakita ko sila naglalakad papunta dun sa park..Kung di nga lang ako nakasakay sa jeep malamang na sumunod na ako..Pero mas masaya ang pag ambush kapag marami tayo.." nakangising sabi nito..

Nagtawanan sila..

"Sige sige.. Tara na..Patunay na nandun nga sila .. Nandito ang kotse ni Taba eh.." turo ni Primo sa kotse ni Denzel.

Nagpauna na syang lumakad..

Sunod naman agad ang iba..

Malapit lang ang sinasabing park ni Vincent sa eskwelahan nina Zack.

Sampung minutong lakad lang ..

Ilang saglit pa ay nasa park na sila ng huminto si Gustavo.

"Oh bakit insan?.." tanong ni Primo.

Nanlisik ang mga mata ni Gustavo sabay ngisi na parang tanga.

"I saw them.." sabi nya..

Agad na napatingin ang iba sa direksyon ng tinitingnan ni Gustavo.

"Lekat na.. Wala naman ah.." reklamo ni Rigor..

"Ginagamit mo na naman yang matang manyak mo pare..Alam mong di namin sing talas yang pang amoy mo..Nasan na ba kasi?.." angal ni Vincent..

Tinuro ni Gustavo ang isang puno..

Napangisi ang lahat ng makita si Denzel ..

Medyo malayo ito pero kamang manghang napansin agad ni Gustavo..Idagdag pa ang maraming tao..

Nagpulong sila para sa gaganaping raid..

Bumuo ng bilog..

"Oh ganito ang dapat mangyari..Daanin natin sa gulatan para di makatakas ang mga suspect.." nakangising paliwanag ni Primo..

Nag-alala si Zack..

"Baka magalit si Denz..Hayaan na lang natin sya.." pag awat nya.

Napagtingin ang lahat sa kanya na parang isa syang alien..

"Ano ba to?.. Santo?.. Ganito talaga ang mag kakaibigang tunay pare... " sabi ni Rigor..

Kunot noo naman si Zack..

"Anong ganito?.. yung guguluhin natin ang Date nila?.." tanong nya..

Tumango ang lahat..

Napangiwi si Zack.

"Hala.. Ayaw ko.." tanggi nya.

Akmang tatalikod sya pero bigla syang kinalawit ni Rigor..

"Hep hep.. Wag kang KJ.. Sakay ka na lang.. Di yan mapipikon.. Si Denzel pa..Tsaka.. Parang welcome na lang rin yon sa tsiks nya eh.. " paliwanag ni Primo..

Napanguso si Zack..

"Bahala kayo ha.. Basta di ko ginusto to..Pinilit nyo lang ako.." sabi nya..

Tumango ang lahat..

Lumapit na sina Zack at Rigor..

"Sige game..." landi ni Zack..

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng binata..

Masayang masaya si Denzel ..

Pakiramdam nya nakita nya na ang matagal nyang hinahanap..

Di sya likas na chickboy..Sadyang mahilig lang din sya sa magagandang babae..

Pero kakaiba ang dating sa kanya nitong ka Date nya..

Kakakilala nya pa lang sa dalaga sa isang mamahaling kainan..

Sa unang tingin pa lang nya ay nabighani na agad sya..

Kasama nya nuon si Rigor at titingin sana sila ng bagong labas na sapatos pero nagulat nga sya ng pagdaan nila sa nasabing kainan ay biglang parang huminto ang pagtibok ng puso nya.

Nasa harap nya ang sanhi ng pagkakapuyat nya ng ilang araw..

Nakaupo at nakasandal sa puno ng mangga ..Nakatingin sa kanya..

Nakangiti.

Labas ang magagandang ngipin..

Napabuntong hininga na lang ang binata..

Ayaw nya ng magpaliguy liguy pa..

Kailangan nyang mailabas ang nararamdaman para sa babaeng hinahangaan..

Tumalikod sya..

Humarap sa mga taong pabalik balik sa pampublikong pasyalan kung saan sila nanduon..

"Haaaaayyyyy..Im so inlove !." bulong ni Denzel sa sarili.

Di na nya kayang itago pa ang nararamdaman..

"Uhm.. Annette..." bungad ni Denzel..

"Denzel.." mabilis na sagot ni Annette..

Kinilig ang buong sistema ni Denzel sa mala anghel na boses ng dalaga..

"Alam ko .. Kakakilala pa lang natin..Pero sana maniwala ka sa sasabihin ko sayo.." dagdag nya..

Walang nagsalita..

Tuloy pa rin ang binata sa talumpati nya..

Tinitigan nya ang magandang bughaw na kalangitan..

Muli..

Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na saya sa kaibuturan ng kanyang puso...

"Siguro.. Sasabihin mo na babaero ako..Pero inuunahan na kita..Hindi ako babaero..Ni hindi pa ako nagkakanobya sa tanang ng buhay ko.. Naniniwala kasi ako na dadating ang taon nakatadhana sa akin.. At sana wag mo akong pagtawanan .. Alam ko na ikaw yon.." madamdamin nyang salaysay..

Napabungisngis si Annette pero muntik na syang mapatili ng biglang may tumabi sa kanyang dalawang binata..

Paglingon nya ay nakangisi ang mga ito at sinasabing wag syang maingay..

Napalunok ang dalaga..

"Sssshhh.." pag saway ni Primo sa takdang pagsasalita nito..

Di kilala ni Annette ang mga lalaking katabi nya..

Napatingin sya sa katabing binata..

Hinawakan nito ang braso ng dalaga at inakay patayo..

Nagtatakang sumama sya sa mga ito..

Di naman siguro ito gagawa ng kung anong kasamaan dahil napakaraming tao sa paligid..

"Sige sagutin mo lang mga sinasabi nya..Mga kapatid nya kame..Si Denzel Guzman yan di ba?.." pabulong na utos ni Primo..

Napahagikgik si Annette..Tumango ng marahan..Mukhang nakukuha na nya ang gustong gawin ng mga ito..

Kinakawayan ni Denzel ang mga ibon na lumilipad ng matiwasay at masigla sa kalangitan..

Napakasarap ng nagmamahal..

"Annette.." pagtawag nya..

"Oh.." sagot ng dalaga..

Kinilig si Denzel..

"Napakagandang tinig mula sa isang napakagandang anghel.." pang uuto nya..

"Bolero.." sabi ng dalaga..

Umiling si Denzel kahit nakatalikod..

"Hindi aking irog..Sadyang nagsasabi lamang ako ng katotohanan.." sagot nya.

Pinipigilan ni Annette ang pagbungisngis ng lumapit ang dalawa pang binata na may kasamang bakla..Para itong nanggaling sa hukay sa itsura nito..

"Anowng gagawin ko mga powgi?.. " tanong ng bakla..

Napangiwi sina Rigor at Zack..

"A-ah.. Wag ka lang magsalita... Basta tayo ka lang dyan sa puno.." bulong nila..

"Hmmp.. !.. Kung di lang kayo mga pogi !.. " sabi pa nito sabay himas ng malapad na dibdib ni Rigor..

Umalma ang kapre..

"Putangna pare..Ikaw na bahala sa mga maiiwanan ko kung sakaling mapatay ko na ito dito pa lang.." gigil nyang bulong..

Natawa si Zack..

"Easy.. Easy boy.." pang aalo nya..

Dahan dahan nilang pinalitan si Annette ng bakla..

Sinenyasan na wag maingay..

Pigil ang pagtawang lumapit si Primo sa bading at binulungan..

"Nakikita mo yang nakatalikod na yan?.. Gwapo na yan, mayaman pa.. Magtatapat yan sayo.. Bahala ka na.." sabi nito sabay takbo palayo..

Nanlaki ang mga mata ng bading ..

Ilang saglit lang ay nilabas nito ang dila at parang natatakaman na tiningnan ang nakatalikod na si Denzel..

"Oh Annette.." pagtawan ni Denzel..

Pero walang sumagot..

Ngumiti si Denzel..

"Mukhang di ka na makapagsalita mahal ko sa sobrang kilig na nararamdaman mo.. Ako rin naman.. Pero gusto ko sanang marinig mula sa mga bibig mo na mahal mo rin ako..Tama Annette..Mahal kita.. !!" sigaw ni Denzel..

Napatingin ang lahat ng tao sa kanya..

Pero imbes na mailang.. Tila nagmalaki pa si Denzel..

Tiningnan nya ang mga napahintong tao at tinuro ang nasa likod nya..

"Mga kababayan ko !... Hihiramin ko lamang ang ilang saglit ng inyong oras ... Narito.. Narito sa aking likuran ang taong aking PINAKAMAMAHAL ! .. " sigaw nya..

Pinagdidiinan pa talaga ang salitang Pinakamamahal..

Nagulat ang taong bayan sa binunyag ng gwapong binata..

Sabay sabay silang napatingin sa likod nito para lamang mamangha..

Ang iba ay di na tinago ang pagtawa..

Di naman alam ng iba kung matatakot sila o maaawa sa binata ..

Sa isip isip ay para na itong sinaniban ng masamang espiritu ng tawagin nitong PINAKAMAMAHAL ang nilalang sa likod nito..

Napangisi si Denzel sa reaksyon ng madla.

"Nagulat kayo no?.. Akala nyo diwata?.. Huh !.. Sya ang aking pakakasalan balang araw !.. MAMATAY KAYO SA INGGIT !.. " sigaw nya..

Nagkatinginan pa ang mga tao bago sumambulat ng tawa..

Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Denzel..

"Whats funny?.. " takang tanong nya..

Lumapit sa kanya ang isang may edad na manong na nagtitinda ng lobo..

"Iho.. Di ka ba nilalagnat lang?.. Umuwi ka na kaya .. Baka kung napano ka na eh.." nag aalalang sabi nito..

Nagtaka si Denzel..

"D-di ho.. Wala ho akong sakit.." tanggi nya..

Naawa ang matanda..

"Baka kulang ka sa kalinga ng mga magulang mo iho.. Di pa huli para magbago sila.. Ikaw na ang lumapit sa mga magulang mo kung di ka nila naaasikaso.. Mukhang kulang ka sa atensyon at pagmamahal.." pangaral pa nito..

Nahindik si Denzel..

Di nya maintindihan ang sinasabi ng matanda..

"Tatang. Ayos lang po ako.. Ganito lang siguro ang tingin nyo sa akin.. Akala nyo nababaliw na ako pero sadyang ganito lang siguro ang nagagawa ng matinding pag ibig .. Alam ko pong napagdaanan nyo na din ito.. " nakangiting paliwanag nya.

Tumango ang matanda..

"Alam ko iho.. Pero di man ako gwapong tulad mo nuong kabataan ko.. Di naman ako nababaliw... Ganito na ba ang kabataan ngayon?.. Iba na ang hilig?.." iiling iling na sabi nito sabay tinapik sa balikat si Denzel..

Gusto nyang sulyapan ang pinagmamalaki nitong nilalang sa likuran pero tila ba babaligtad ang sikmura nya sa oras na gawin nya iyon..

Kaya imbes na tingnan.. Minabuti ng matanda na umalis na lang..

"Mahalin nyo ang isa't isa kung ganon.." sabi pa nito..

Tumango si Denzel..

Muli nyang tiningnan ang mga tao .. Nasa mukha nito ang inggit..

Tuwa..

at..

at.. Pandidiri..

"T-teka..Bakit ba kasi?.. " tanong nya sa sarili..

Pero nahinto ang pagtibok ng puso nya ng may maramdamang paggapang ng isang kamay sa braso nya..

Saglit na sinulyapan ni Denzel ang kamay na ito.

Ngingiti na sana sya pero nauwi ito sa pagtataka..

"A-annette?.. Tila ba naging kamay ng kargador ang kamay mo?.." tanong nya..

Walang sumagot..

Bigla syang nanigas ng idantay ng nilalang sa likod nya ang baba nito sa balikat nya..

Gustong kiligin ni Denzel.

Pero nagulat sya ng may sumigaw sa kung saan..

Paglingon nya, di nya alam kung sisigaw din ba sya o hindi..

"Annette !.. Anong ginagawa mo dyan?.. " tanong ni Denzel..

Humahangos na lumapit ang dalaga.

"Di ako may pakana nito !.. Alisin mo yan !.." reklamo ng dalaga..

Napalunok si Denzel..

"T-teka.. K-kung nandyan ka.. S-sino to?.. " tanong nya..

Pigil lang ang pagtawa ni Annette.. Nagtatago sila kanina sa likod ng isang puno habang pinagmamasdan kung paano ipagsigawan ni Denzel ang nararamdaman nito sa kanya sa taong akala nito ay sya..

Pero di na sya nakapagpigil ng yakapin na ng bading ang binata..

Kaya sa ayaw at sa gusto ng mga kaibigan nito ay nilapitan nya ang binata para itigil ang nangyayari..

Pero paglapit nya ay muli nyang nais sumabog sa tawa sa itsura ni Denzel habang nakatingin sa kanya..

Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat at pagtataka..

"Hi pogi.." tila nagmula sa impyerno ang boses na iyon..

Pakiramdam ni Denzel nagtayuan na lahat ng balahibo nya sa katawan..

Unti unti nyang nilingon ang pinanggalingan ng boses...

Pero nanlaki ang mga mata nya ng nakanguso na ito at akmang hahalikan na sya.

Gamit ang buong pwersa..

Yumuko ang binata at buong lakas na hinagis ang nilalang sa likod nya..

Gulat na gulat si Denzel sa nagawa..

Napaupo sya at tinitigan ang kung anong bagay na hinagis nya.. Para lamang manghilakbot..

"A-aray .. " reklamo ng bakla habang hawak ang balakang..

Tumayo si Denzel at naghanap ng kung anong mahabang bagay para ipalo sa pangit na nilalang ng tatawa tawang awatin sya ni Annette..

Parang nuon lang nahimasmasan ang binata..

"N-nasan ako?.." tanong nya..

Di na tinago ni Annette ang pagtawa..Napaupo sya halos sa lupa..

Patingin tingin si Denzel sa bakla at kay Annette..

Imbes na magalit..

Napatawa na lang din sya..

"Putsa naman eh.. Trip mo ata ako eh.. " reklamo nya..

Akmang lalapit ang bakla pero mabilis na nagtago si Denzel sa likod ni Annette..

"Mapapatay kitaaaaa.. " sigaw nya..

Lalong halos gumulong na si Annette sa kakatawa..

"Talagang pinagsigawan mo pa na PINAKAMAMAHAL mo SYA !!!!.. Ahahahahahaha.. Dami ko talagang tawa.. Mga 11.. hahaha.." maluha luhang sabi ni Annette..

Natawa na lang din si Denzel..

Di nya akalaing pagtitripan sya ng babaing ito..Ang alam nya ay mga kaibigan lamang nya ang may kakayahang gumawa nito..

"Grabe ka.. Ang lakas ng trip mo saken.. " kunwaring nagtatampong sabi nya..

Saglit na huminto sa pagtawa si Annette at tinuro ang likod ng puno...

"Nandun sila.. Ahahahahaha... " tawa pa rin ang dalaga..

Agad na nagets ni Denzel ang mga pangyayari.. Nabiktima sya ng tropa..

Imbes na magalit.. Natawa na lang din sya.. Pero di sya papayag na di makabawi..

Tiningnan nya ang bakla na nakahandusay sa damuhan..

"Hoy.." sigaw nya..

Tumingin ito at nagbeautiful eyes..

Muling gumapang ang kilabot sa katawa ni Denzel..

Tinuro nya ang likod ng puno..

"Nandun ang mga gwapo at macho kong barkada..Dumakma ka ng isa.. Kapag nakuha mo.. Sayo na..May pera ka pa.. Eto oh.. Paunang bayad.." nakangising utos ni Denzel sabay labas ng pera..

Nanlaki ang mga mata ng bakla at halos maglaway na ito..

"Yung mga gwapong yon?.. Kahit sino?..." tanong nito..

"Kahit sino..Kahit lahat na sila.. Basta kaya mong hulihin..Oh wag ka nang lumapit sakin kasi baka makatakas na sila.." sabi ni Denzel.

Ngumisi ang bakla..

Inabot nito ang pera at sinilid sa suot na bra..

Tinipon ang lahat ng lakas at tinakbo ang nasabing puno..

Sa likod ng puno.

Halos mamatay na sa tawa ang apat limang binata..

Di na maipinta ang mga mukha nila dahil sa sobrang tawa na ginagawa..

Ilang saglit pa..

Biglang may tumalon na nilalang.

"Bulagaaaaaa.." sigaw nito..

Bagsak ito sa katawan nina Rigor at Vincent..

"Putangnaaaaa... Impaktoooo.. Baklaassss... !!!!!.." sigaw ni Primo..

Pero nahawakan nito ang paa nya..

"Nanay kupooooo.." palahaw ni Gustavo.. Pero hawak na din ng bakla ang isang paa nya..

Si Zack ay di sumigaw.. Pinigilan nya ang sarili kahit na gulat din sya..

Pasimple syang gumapang palayo.. Pero dinaganan sya ng paa ng kadiring nilalang..

"Huli.. Ay ang gagwapo nyo talaga.." sabi ng bakla..

Pumalag ang lima at tumilapon ang bakla..

"Hah !.. Di mo kami kaya.. Langya ka salot !.." sigaw ni Primo..

Pinagpag ng bakla ang pwetan nito sabay turo sa limang binata..

"Di pa tayo tapos.. !.." sabi nito..

Pero tumawa lang ang limang binata..

"Sinong tinakot mo?.. Gusto mong upakan kita?.. " gigil na banta ni Primo..

Pero di natakot ang bading ..

Nginuso nito ang likod ng mga binata..

Sabay sabay pa silang napatingin..

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo sa mga binata ng sa di kalayuan ay may tumatakbong mga bakla..

Napakarami nito..

Napalunok silang lima at nagkatinginan..

"Mga tol.. " takot na sabi ni Primo..

"Tol.. Uuwi na ko.. " paalam ni Zack..

"B-bukas na lang.. " sabi ni Rigor..

Bumwelo lang sila..

"Sugod mga baklaaaaa....." sigaw ng naunang bakla .

Napasigaw ang lima..

"Bahala na kayo... !" sigaw ni Zack..

Mabilis na silang pumuga..

Gamit ang buong lakas.. Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa makauwi..

Hingal na hingal na si Zack pagdating sa gate ng subdivision..

Nagtatakang napalapit ang guard sa kanya..

"Napano ka Boy?.. " tanong nito..

Ngumiti lang si Zack..

"Marathon kuya..." sabi nya..

Iinot inot syang naglakad pauwi..

Pagbukas nya pa lang ng gate ay nasalubong nya na ang ina ..

"Oh bakit ngayon ka lang?.. " tanong nito..

Nagtaka si Zack..

"Eh napasama ako kina Denzel, Nay.. may nililigawan na sya.. " nakangiting sabi nya.

Napangiti din si Ditas..

"Huuusss... Baka kayo .. Baka may nililigawan ka na din.. " biro nito..

Napakamot si Zack sa batok nya..

"Nanay talaga.. Pag aaral muna.." sabi nya..

Hinaplos ni Ditas ang pisngi ng anak at kinurot..

"Okay lang naman sakin anak.. Basta pag aaral pa din ang unahin mo.." sabi nito..

Ngumiti na lang si Zack..

"San po kayo pupunta?.." tanong nya..

"Ay oo nga pala.. Dito ka muna at may bisita si Sab.. Naubusan na tayo ng tinapay.. Bibili lang ako dyan sa bakery.. Pumasok ka nga at timplahan mo sila ng juice.." utos ng ina..Binuksan nito ang payong na dala at naglakad na palayo..

Napahinto si Zack..

Bumuntong hininga sya at nilock ang gate..May susi namang sarili ang ina..

Hindi na sya sa main door dumaan kundi sa kusina..

Mabilis syang nagpalit ng pambahay..

Pagkatapos ay pasimpleng sinilip ang salas ..

Pero walang tao..

Nagtatakang lumabas sya ng kusina para hanapin ang sinasabi nitong bisita..

Pagtingin nya sa bukana ng hagdan ay pababa din si Sab..

Nagkatitigan pa sila ng dalagita..

Walang ekspresyon sa mukha nito..

"Oh nandyan ka na pala..Mukhang napapasarap ang pamamasyal ah.." bungad ni Sab..

Nahindik si Zack..

Di nya magawang mangatwiran kaya napayuko na lang sya..

"P-pasensya na.. " bulong nya.

Rinig nya ang yabag ni Sab palapit sa kanya..

"Anyway.. Make juice for two.. Then bring it to my room.. " utos nito sabay muling umakyat..

Tumango si Zack.

Mabilis syang bumalik sa kusina at nagtimpla ng juice..

Ilang saglit lang ay nasa tapat na sya ng kwarto ng dalagita..

"Come in.." rinig nyang tawag ni Sab..

"Di ko kayang buksan .. May hawak ako.. Pabukas naman.. " pakiusap nya..

Naghagikgikan sa loob..

"Wag mo kong utusan.. Problema mo yan..." sabi ni Sab..

Inis na nilapag ni Zack ang tray ng juice at padarag na binuksan ang kwarto..

Pero nagulat sya sa ayos ng silid ni Sab..

Magulo ito at nakalabas ang mga stuff toys ng dalagita..

Parang dinaanan ng bagyo ang nasabing silid..

Napailing na lang si Zack at muling dinampot ang tray ng juice sabay pasok sa loob..

Nilapag nya ang tray sa mesa ni Sab sabay yuko ng ulo at humakbang na palabas..

Pero tinawag pa sya ng dalagita..

"Stay here.. Para di na kami sisigaw kapag MAG UUTOS .. " diin ni Sab.

Tahimik na tumango si Zack..

Tiim bagang syang pumasok sa loob at naupo sa tabi ng kama ng dalagita.

Ilang oras na nagkwentuhan ang dalawa..

Pasulyap sulyap lang si Sab sa binatang nakayuko at nagbabasa ng libro..

Naaawa sya dito pero naiinis din sya..

Tiningnan nya ang juice na hawak..

"Oh.. Ayaw ko na.. " sabi ni Sab..

Pero pinandilatan sya ni Princess..

Napangiwi si Sab..

Napangiti naman si Zack at inabot ang baso ..

"Ay.. Timpla ka na lang ng sarili mo.. " biglang bawi nya..

Pahiya ang binata..

Tumawa si Princess ng malakas..

"Yan.. Feeling kasi.. " pang aasar nya..

Pero di natawa si Sab..

Nakaramdam sya ng sakit para sa binata..

Tahimik lamang na ngumiti si Zack bago muling tinuloy ang pagbabasa..

"Ay sis.. Balita ko final match na tomorrow ng basketball.. Hmm.. " biglang sabi ni Princess..

Lumapit ito kay Sab at bumulong..

Nanlaki ang mga mata ni Sab.. Umiling sya ..

"Ayaw ko.. Pupunta nga ako para i cheer sila eh.. " bulong nya..

Pero muling bumulong si Princess..

Napatingin sya sa binata..

"D-di ko ata kayang gawin yon.. " malungkot na sabi nya.

Pinaikot ni Princess ang mga mata nya..

"Duh !.. Kaya mo yan.. Remember.. Yung sinabi mong nakita mong kahalikan nya!.. Di ba ang sobrang nasaktan ka non?.." pag papaalala nito..

Sa sinabi ng kaibigan ay muling nanariwa sa puso ni Sab ang nasaksihan..

Tumigas na naman ang puso nya para sa binata.

Marahas syang napatingin dito at tumango..

"Sige.. Sasabihin ko mamaya.." sabi ni Sab.

Napapalakpak pa si Princess..

"Thats my girl..Di nagpapatalo..Ay uwi na ako.." sabi nya..

Tumango si Sab..

"Hatid mo nga sya sa gate.." utos nya..

Mabilis na kumilos si Zack at nagpauna na palabas..

Hinatid nya hanggang gate nila si Princess...

Bago umalis ang dalagita ay ngumisi ito sa binata..

"Good Luck bukas.." sabi nito.

Ngumiti si Zack..

"Salamat.." sabi nya..

Pero nawala ang ngiti sa mukha ni Princess..

"Yun ay kung makakalaro ka.." sabi nito sabay tingala sa taas bago tumalikod at naglakad palayo..

Nagulat si Zack sa sinabi ng dalagita..

Dahan dahan syang lumingon sa likod at tiningala ang ikalawang palapag ng bahay..

Kita nya ang galit na tingin ni Sab sa kanya..

"Yun ay kung makakalaro ka.." parang naririnig nya pang huling binitawan na salita ni Princess..

Unti unting gumapang ang takot sa katawan ni Zack...

ITUTULOY !!!...