1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 30
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 30

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 30

Hinatid ni Zack si Sab sa classroom nito..

Tahimik ang binata ..

Maraming tanong sa isip nya.

Bakit kasama ni Nerica sina Brix at Princess ?.

Kaninang pagkakita nya sa binata ay nagulat talaga sya..

Di nya akalain na sa eskwelahang iyon lumipat si Brix.

Pero tulad ng naunang katanungan sa kanyang isipan..

Ano ang koneksyon nito at ni Nerica.. ?

Nasa tapat na ng pinto ng classroom sina Sab ng di sya nakatiis..

"Oh ikaw naman ang tahimik ngayon.. " puna nya..

Nagulat si Zack..

"H-ha ?." tanong nya.

Pinaikot ni Sab ang eyeballs nya ..

"Grabe naman.. Hulaan ko.. Si Brix right ?.. " tanong nya..

Napatango na lang si Zack..

"Wag mo ng kasi isipin yon.. Basta ang gawin nyo.. Manalo kayo sa malinis na paraan.. " bilin ni Sab.

Napangiti ang binata..

"Sige.. Para sayo.. Look mo naman jersey ko.. " pagyayabang nya sabay bukas ng bag..

Tumambad kay Sab ang kulay asul at puti na basketball shirt..

Nilabas ito ng binata at binigay sa dalagita..

Nagulat si Sab..

Akala nya ay kay Zack ang nasabing damit pero namangha sya ng bulatlatin nito sa harap nya..

"Z-zack.. " di makapaniwalang sabi niya..

Ngumiti si Zack at inabot sa dalagita ang damit..

"Alam ko medyo mumurahin yan.. Pero gusto kong malaman mo na galing sa sarili kong pera ang pinangpatahi ko nyan.. Para sayo." sabi nya sabay abot sa jersey shirt na maliit..

Nahihiyang tinanggap naman ito ni Sab at pasimpleng nilapit sa katawan..

"S-sakto ba?.. " tanong ni Zack..

Ngumiti si Sab at tumango..

"Kakagulat ka naman .. S-salamat.. " sabi nya..

Nagkatitigan silang dalawa..

"B-basahin mo yung nakasulat..Yung pangalan sa likod.. " nahihiyang utos ni Zack..

Ngumiti ang dalagita ng mahinhin at dahan dahang binaliktad ang gamit..

Muli..

Di nya maintindihan ang nararamdaman sa simpleng bagay sa mga kamay nya..

"Zabrina Forever.. " basa ni Sab..

Kahit anong pigil ang gawin nya..

Talagang ayaw maalis ng ngiti sa kanyang mga labi..

Unti unti itong lumalaki habang pinipigilan nya ng pinipigilan..

Kaya sa huli..

Imbes na itago, pinakita nya ito sa binata..

"Ang ganda.. Salamat.. " taos pusong sabi ni Sab..

Ngumiti lamang ang binata..

"Iingatan ko to.. Pangako.." dagdag nya..

Lalong lumawak ang ngiti ni Zack..

Nagkatitigan silang muli ng biglang tumunog ang bell..

"So paano.. Lalaro na kame.. " paalam ni Zack..

Tumango ang dalagita..

"Galingan nyo nina Kuya Rigor at Denzel.. Alam kong kaya nyo yang sina Brix.." sabi nya..

Tumango din si Zack..

Tumalikod na sya sa dalagita at nagsimulang humakbang pababa ng hagdan ng tawagin syang muli nito..

"Zackarias !. " tawag ni Sab..

Lumingon ang binata..

"Galingan mo.. " sabi lang ng dalagita..

Ngumiti si Zack at nag thumbs up..

"Zackarias.. ! " muling pagtawag ni Sab..

Muli na namang lumingon si Zack at napakamot sa batok..

"Wag kang magpapatalo.. Dapat lampas ng 30 points ang score mo.. " bilin nito..

"Sige.. Susubukan ko.. " sabi ni Zack..

Pero ngumuso si Sab..

"Wag mong subukan.. Gawin mo." pangungulit nya..

Natawa si Zack..

"Ayaw kong maliitin ang mga kalaban.. " pagpapakumbaba nya..

Pero napanguso lang lalo si Sab..

"Sige na , sige na.. 30 points pataas.. Para sayo.. " mahinang pagpayag nya..

Kinilig si Sab..

Kumaway na si Zack at tumalikod.

Lumingon lingon sa paligid ang dalagita..

"Zackarias !.. " pagtawag nya ulit..

Napangiti na lang si Zack at lumingon.. Pero nagulat sya ng dumapo ang malambot at maliit na labi ni Sab sa mga labi nya..

Napapikit sya sa bango ng hininga nito..

Nakahawak si Sab sa mga balikat ni Zack..

Nasa pinakapunong hagdan sya habang mas mababa ng dalawang baitang ang binata..

Sakto ang height nila..

Magkatapat ang mga ulo.

Sakto din ang mga labing magkalapat..

Madiin na halik lang..

Ni hindi sila nagaksayang galawin ang mga labi..

Magkadikit lamang ito ng mariin..

Halos 5 segundo lang naman ang tinagal ng halik ng si Sab na ang kumalas...Namumula ang kanyang mga pisngi na tinitigan ang binata.

"Pampaswerte .. " landi ni Sab sabay kindat at dila..

Nagmamadali na syang pumasok sa classroom nya dahil nahihiya sya sa sariling kapilyahan..

Tila nakalutang ang mga paa ni Zack.

Pababa sya ng hagdan na parang walang tinatapakan..

Napakasarap ng kanyang feeling dahil sa halik na ginawad ni Sab..

"Oh I love you Sabina.." sabi nya.

Malakas ang loob nya dahil nasa grounds sya at alam nyang walang nakaririnig..

"Who's Sabina ?.. " boses ng babae..

Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng boses at nagulat sya sa tumambad sa kanyang paningin..

"Nerica.. " wala sa loob na bulalas ni Zack..

Ngumiti ang babae at dahan dahang lumapit sa kanya..

"Long time no see Zack.. Kamusta ka na?.. " nakangiting sabi nito.

Ngumiti ng kimi si Zack at nagkibit balikat..

"Tulad pa rin ng dati.. Ikaw ?.. " balik tanong nya..

Naglungkut lungkutan ang babae...

Ngumuso pa ito..

"Eto.. Same old me.. Well, answer my question.. Who's Sabina ? " nakangusong sabi nito.

Pinagmasdan ni Zack ang kausap..

Maganda si Nerica..

Pero nakagpagtatakang di malakas ang pagkabog ng dibdib nya ..

Di tulad ni Sab.

"Ah.. K-kaibigan ko lang.. Ang totoo, anak sya ng amo ko.. Bale amo ko din sya. " nakayukong pag amin nya..

Kumunot ang noo ni Nerica..

"But I heard you said you love her.. You mean your inlove with your boss' daughter ?.. Baka mapatalsik ka naman nyan sa work mo if ever na malaman ng parents nya yan.. " sabi nito..

Napatingin si Zack sa babae..

Aminado syang tama ito..Matagal na nyang naisip ang ganuong pangyayari pero anong magagawa nya?..

Mahal nya si Sab..

Yun ang katotohanan..

"Alam ko.. Pero wala naman akong ginagawang masama.. Kami.. Wala kaming masamang ginagawa.. " parang imbes na sa babae ay mas sinasabi nya ito sa sarili..

Bumuntong hininga si Zack..

"Zack !.. Nandyan ka lang pala.. Letsugas ka !... " pagtawag ni Rigor..

Napatingin sila pareho ni Nerica sa binatang papalapit..

Nagtataka si Zack kung bakit di pa nakabihis si Rigor.

"Bakit di ka pa bihis?.. Malapit ng magstart ha?.. " tanong ni Zack..

Sumimangot si Rigor pero nawala ang simangot nito ng masulyapan si Nerica.

"Nak ng tatay mo ka Zackarias.. Nambababae ka lang pala dito..Hindi ka pa nandamay.. Anyways.. I'm Rigs, Hi.. " swabeng pakilala ni Rigor.

Muntik ng mabilaukan si Zack..

"Putsa.. Kelan ka pa naging Rigs?.. " biglang sabat ng boses sa likod ni Rigor..

"Oh come on man !.. " reklamo ng kapre..

Natawa si Zack..

"Hayup kang bakulaw ka.. Pumoporma ka pa ha.. Hoy Zackarias.. Ano pang ginagawa mo dito ?.. Magbihis na kayo hoy !.. " sita ni Denzel.

Maging ito ay biglang naging swabe ng makita si Nerica..

"Hi miss beautiful.. May I know your name ?.. " baritong pagpapakilala ni Denzel..

Napangiti si Nerica at inabot ang kamay..

"Haha.. Thanks.. I'm Nerica Sta. Maria.. " pakilala nya..

Pero nagulat sya ng ibang kamay ang sumalo sa kamay nya..

"I'm Primo Di Caprio.. Oh shet may bagyo ba sa langit ?.. " tanong ni Primo..

Nagtaka si Nerica..

"B-baket ?.. " tanong nya..

"Kase, dito nag evacuate ang isang anghel nila.. " swabeng sabi nito sabay titig sa mga mata ni Nerica..

Natahimik ang lahat..

"Boom !.. Hanep ka insan.. Kadiri ka !.. " sigaw ni Gustavo sa likod..

Nagpapalakpak si Vincent sa tabi ni Gustavo.

Nagtawanan ang lahat ..

"Aga nyo ah.. Manunuod kayo ?.. " tanong ni Zack..

"Ay hinde.. Napadaan lang kami.. Gumising kami ng maaga tapos nagpunta kami dito sa school nyo para dumaan lang at makipagbeso.. Hiyang hiya naman kami sayo no !.. " landi ni Vincent..

Natulala si Zack pero napabunghalit din sya ng tawa..

Imbes na mailang si Nerica , natawa na din sya..

Isa isa nyang pinagmasdan ang mga naggagwapuhan binata sa paligid nya..

Hanggang sa dumako ito kay Zack..

Tila ba nahihipnotismo sya sa malutong nitong pagtawa..

Tumabi sa kanya si Primo..

"May crush ka kay Zack ?.. " tanong nito..

Ngumiti si Nerica..

"Yap.. Actually mukhang di na lang sya.. Lahat na kayo.." biro nito..

Napangiwi si Primo..

"Kahit kay Rigor ?.. " biro nya..

Natawa si Nerica..

"Grabe ka naman.. Di naman sya panget.. Akward lang talaga yung height at built ng katawan nya kasi ang laki nya.. " paliwanag nya..

Ngumiti si Primo ..

"Yeah I know, biro lang.. Kahit ganyan yan si Rigor ay mabait yan na kaibigan.. Ang totoo nyan ay kailan lang namin sila nakilala ni Zack..Kami talagang apat ang magkakababata plus na pinsan ko pa si Gustavo.. Wala akong masabi sa mga yan kundi paghanga sa pagkatao nila.." sabi nya..

Napatingin sa kanya si Nerica.

"So you mean kakikilala mo pa lang kay Zack at Rigor?.. How come na naging bestfriends na ata kayo like nung tatlo ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat lang si Primo..

"I know magiging katawa tawa ang paliwanag ko pero sa maniwala ka o sa maniwala ka.. Wala sa tagal ng panahon ang pagkakaibigan.. Nasa sinseredad yan.. Yung alam nyo na walang gamitan na magaganap.. Pareho man kayo ng gusto o hinde.. Ang mahalaga ay hawak nyo ang pinakaimportanteng sangkap ng pagkakaibigan... " paliwanag nya..

Ngumiti si Nerica.

"Ano naman daw ang pinakaimportanteng sangkap ng pagkakaibigan ?.. " tanong nya..

"Respeto sa isa't isa.. " walang kagatol gatol na sagot ni Primo sabay sulyap sa mga kaibigan na masayang nagbibiruan..

Sinulyapan din ni Nerica ang masayang barkada sa harap nya..

"Hmmm... Sa nakikita ko malawak ang pag iisip mo.. Matalino ka.. Malayo ang mararating mo basta gamitin mo lang sa tama yang katalinuhan mo." puri ni Nerica..

Natawa si Primo at nagkibit balikat..

"Wag kang plastic.. " biglang banat nya..

Nabigla si Nerica..

"Wow.. Pinuri na nga plastic pa.." nakasimangot na sabi nya.

Natawa muli si Primo..

"Kakakilala mo pa lang sakin.. di mo kilala ang ugali ko.. Ako ang Hari ng Spades.. " pakilala nya..

Nagtaka si Nerica..

"Spades?.. King ?.. Childish ha.. " pang aasar nya..

Nagkibit balikat lang si Primo..

"Childish talaga.. Pero its working .. Nagagamit namin ang pagiging childish namin para alagaan ang kredibilidad ng bawat isa.." kibit balikat na bawi nya..

Natigilan si Nerica..

"Sabagay.. Pero di mo naman ako kailangang tawaging plastic no.. " inirapan nya ang binata..

Natawa si Primo..

"Well... Nasabi ko na .. Yun naman talaga ang nasa isip ko.. Kesa ilihim ko pa sayo.. Sinabi ko na lang.. " natatawang paliwanag nya..

Natawa na din si Nerica..

"Prangka ka pala.. Telling truth is good but not all the times.. I know you know that kasi nga matalino ka.. Tulad ng pagiging prangka mong tao.. Di sa lahat ng oras effective yan.. Kasi makakatagpo ka ng taong pikon sa buhay mo.. Mapapaaway ka lang .. Sige ka... " pananakot nito..

Ngumiti lang si Primo at nagkibit balikat..

"I don't care.. I'm will not change for someone kung yun lang din ang rason.. Kesa sa sarili ko pa ako maging sinungaling.. Mas mabuting sabihin ko na ang nilalaman ng isip ko .. As long as na alam kong safe sya.. Yung kahit na masaktan ang kausap ko.. Basta may sense ang sinabi ko sa kanya.. Go pa rin ako.. Di ako mangingiming maging prangka sa harap nya.. Kasi kaibigan ako..Totoong kaibigan ako.. Ngayon, kung mapipikon sila sakin.. Di ko na sila sisisihin.. Sadyang sa pang malalalawak na pag iisip lamang ang ugali ko.. Kung sakaling mali ang sinabi ko sa kanila.. Bakit sila mapipikon o magagalit sakin?.. Ngayon kung tama naman.. Dapat imbes na maghinanakit.. Humanap sila ng paraan para itama ang mga pangit na paniniwala ng mga tao sa kanila.. Ganun kasimple.. Wag kang kakahol kung di totoo.. Kung totoo naman at sinabi ito sa mukha mo.. Magpasalamat ka .. At least may isang tao na sasampal sayo pero magbibigay ng isa pang pagkakataon para baguhin ang nasabi na nya.. Ganun lang yon.. " litanya nya..

Natulala si Nerica..

Napayuko sya at napaisip..

Tama ang lahat ng sinabi ng binata..

"So.. King of Spades..Thank you .. You enlighten me .." taos pusong sabi nya..

Ngumiti lang si Primo...

"Matalino ka Nerica.. Alam ko .. Kaya sinasabi ko.. Di mo matatanggap ang paliwanag ko kung sarado ang isip mo.. Pwedeng mali ako.. Pero still, inabsorb mo.. Ganun lang yun kasimple.. Sabi ng Nanay ko.. Madaling magpanggap na matalino sa harap ng taong bobo.. Lahat ng sasabihin mo tama sa pandinig nya.. Pero mas pipiliin ko ng magpanggap na bobo .. May chance akong magmasid.. Kesa isang bobo na nagpapanggap na henyo.. Lahat ng mata nakatutok sa kanya.. Ganun din yon kasimple.. Wag kang magsasalita ng marami na as if alam mo ang lahat.. Di masama ang maging mangmang hangga't determinado kang matuto..Bago ka magpakabayani sa harap ng isang tao.. Tingnan mo muna kung tama ang pinaglalaban mo.. " tila na baliw na sya.

Kinumpas ni Nerica ang kamay sa harap ng binata..

"Helloooo.. Sino ka ba ?.. Si Primo ka pa ba ?.. Hala.. Nasapian ka na ata.. " biro nya..

Para namang galing sa isang sumpa ang binata .. Bigla syang natawa..

"Ay ano ba yon.. Sorry.. " natatawang sabi nya..

Nagtawanan na lang silang dalawa..

Ilang saglit pa ay huminto si Primo at tinitigan ang babae..

"Kahit saang lugar sa mundo ay may makikita kang ganyan na higit pa sa pamilya .. Anyways.. Yung tanong ko kanina.. May crush ka kay Zack ?. Sorry pero mukhang mabibigo ka .. He's inlove with some one.. " pagbasag ni Primo..

Tumango si Nerica..

Alam na nya ang background ni Sab dahil naibigay na iyon sa kanya ng magpinsang sina Brix at Princess..

Di nya lang talaga malaman ang dahilan ng mga ito..

"Tell me, is Zack a good friend ?.. " tanong ni Nerica..

Hinakawan ni Primo ang baba .. Isa sa mga mannerisms nya kapag napapasabak sa malalim na pag iisip..

Tulad ng pinsang si Gustavo..

Sinulyapan nya si Nerica..

"You have no crush on Zack right ?.. Your just fascinated..." paghuhusga nya..

Nagulat ang babae..

"Whoaa.. How dare you to interfere with my feelings ? .. " pagtatago nya ..

Pero matigas si Primo ..

"Si Zack.. Hmmm.. Mabuti ba syang kaibigan ?.. Well, eto na lang ang pagbasehan mo. Handa akong sumugal kahit buhay ko maipagtanggol ko lang si Zack.. Dyan ka bumase.. Kahit sino sa mga yan ang tanungin mo.. Sa tingin ko ay pareho kami ng isasagot.. " nakangiting sabi nya..

Nagulat si Nerica sa pahayag ng binata..

Muli nyang sinulyapan si Zack na nasa likod ni Rigor at sinasakal ang kapre..

"So he's mabait pala.. Sabi kasi ng Mommy ko.. Kapag mabuti ka daw na kaibigan.. Mabuti ka ding kasama sa buhay. Boyfriend or Girlfriends should start on friendship.. Yun ang sabi nya.. Pero kung mabait si Zack.. Bakit nila sya gustong saktan ?.. Anong dahilan ng magpisan ?.. " tanong nya sa sarili.

Napatingin si Primo sa babae..

"Come again ?.." tanong nya dahil di nya narinig ang sinabi nito..

Tila naman nahimasmasan si Nerica..

"Oh sorry.. Daydreaming.. ANg popogi nyo kasi.. So sige.. Wait ko na lang kayo sa gym.. Goodluck guys.. Nice meeting you.." paalam nya.

Hinatid na lamang ni Primo ng tanaw si Nerica ..

Naramdaman nya ang presensya ni Gustavo sa tabi nya..

"Insan.. " sabi ni Gustavo..

"Yeah I know insan.. Mukhang tama yung sinabi mo sakin tungkol sa motive nya.. Or should I say motive ng nag utos sa kanya? .. " tatango tangong pagsang ayon ni Primo..

"But I can see na mabait sya.. Di ko lang makita kung bakit hinahayaan nyang gamitin sya ng iba .." tanong ni Gustavo.

"I am sure na may kapalit yun.. Ganun ang nature ng tao.. Ganid talaga . Kahit ako aminado na di ako gagawa ng isang bagay as long as na alam kong wala akong mapapala.. " pangaral ni Primo..

Tumango lang ang pinsan nya..

Sinulyapan ni Primo sina Denzel at Zack na nagtatawanan..

"Maybe she's just thrilled.. Maganda si Nerica , we saw that all.. Gwapo si Zack... Pero may Sabina na sya.. Mukhang alam ko na ang ginamit nilang reasoning kaya napapayag nila si Nerica.. " hawak ni Primo ang babae..

Hawak ni Gustavo ang ilong nya ..

Sabay silang nag isip ..

Nasa kasagsagan sila ng paghaharutan ng may sumipol sa di kalayuan..

Paglingon nila ay nakita nila si Coach Spolstra na nakasimangot ..

"Punyemas kayong mga bata kayo.. Kung saan saan na ako naghahanap sa inyo ha.. Mafoforfeit na tayo mga abnormal kayo !... " labas litid na sigaw nya..

Napangiwi sina Zack, Denzel at Rigor..

Natawa na lang sina Primo.

"Oh loko.. Anlalandi nyo ha.. Pagkukurutin nyo sa singit Coach !" sigaw nya..

Muling sumipol ang Coach..

Tarantang nagsitakbuhan sina Zack sa locker para magpalit ng damit..

Naiwan sina Primo..

"Tara na.. Dun tayo sa likod ng bench nila.. " suhestyon ni Vincent.

Sumang ayon ang lahat..

Excited na pare pareho sa nalalapit na laban..

ITUTULOY !!!