1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 35
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 35

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 35

Ako si TOYANTZ !..

Napangiti ang dalawa..

"Coach !.. " sigaw ni Denzel.

Lumingon ang Coach..

"Oh baket ?.. " takang tanong nya..

"Ihanda nyo na po ang victory party namin.. Mananalo na kami.. ! " maangas na pahayag ni Denzel..

Naghiyawan ang crowd..

9 na minuto..

64 - 42 pabor kina Brix..

Pero batid nilang dito pa lang bumabangon ang Home Team..

Napangiti si Spolstra..

"Oh sige.. ! tatawag na ako ng Catering !.." pagganti nya..

Lalong nagtawanan sa gym..

Asar na ang mga kalabang fans..

Nais nilang mag cheer para mabuhayan ang team nila pero sa tuwing gagawin nila yon.. Natatabunan sila ng Fans ng Home Team..

Inis na si Brix..

Maging sya ay kanina pa nanggigigil.. Bagama't malaki pa ang lamang nila.. Sa nakikita nyang galaw ng mga kakampi.. Di na talaga imposible na mahabol sila at baka nga matalo pa..

"Shet bahala na.." sabi ni Brix sa sarili..

Kinuha nya ang bola at walang sabi sabing tinawid sa kabila..

Sinalaksak nya ang depensa..

Sinalubong sya ni Denzel..

Pero nag cross over ang binata..

Nag fade away jump shot sya..

Pero may kamay na humarang sa vision nya..

"Tangna mo Rigor !.. " sigaw nya at pilit tinira ang bola..

Nakalusot ang bola..

Pero nahagip ito ng kamay ni Rigor kaya sigurado sya na sablay ang tira..

"Wala yan boy !.." pang aasar ni Rigor..

Box out sina Denzel at Zack..

Sablay nga ang bola..

Tumalon ang dalawa para sa rebound pero nagulat sila ng may kumalawit na kamay..

"And Now .. The end is near.. And so they Face.. Their final curtain.. Wahoho.. " pang aasar ni Rigor..

Nagkatinginan sina Zack at Denzel..

"Kita mo?.. Anlayo nya di ba?.. " bulong ni Zack..

Niyakap ni Denzel ang sarili..

"Sabi na nga ba.. Di yan tao pare.. T-tara.. Wag na natin awayin si Rigor at baka tawagin nya yung mga kamag anak nyang engkanto.." takot na sabi ni Denzel..

Napailing din si Zack at nilayuan na nila si Rigor na kumakanta na wala sa tono..

Balik opensa..

Mabilis na nilabas ng gwardya nina Zack ang bola at hinagis ito kay Denzel..

Di na kailangan pa ng maraming salita..

Hinanap ng mga mata nya ang pwesto ni Zack at ng makita..

Mabilis nya itong pinasa..

Maging si Zack ay di na rin nagpatumpik tumpik pa..

Matapos kunin ang sukat at distansya..

Tinira nya ang bola kahit may bantay..

Napangiwi ang bantay ni Zack..

Di sya agad nakareact ..

"Sablay yan !.. " sigaw nya..

Pero di nya pa nakukumpleto ang mga sasabihin nya ay ringless na ang tira ni Zack..

Three Points na naman !..

Nanlulumong nilabas ng kampi ni Brix ang bola at ipapasa sana sa binata..

Pero may kamay na sumundot dito..

"Good job Manuelito.. " nakangising sabi ni Rigor..

Dinive ng gwardya nina Zack ang bola at mabilis na tinapik patungo sa kanya..

Alertong tinakbo ni Zack ang bola sabay dampot ..

Pero dalawa nag bantay nya..

"Oh kapre !.." sigaw ni Zack..

Hinagis nya ang bola..

Walang nagawa ang mga bantay ni Zack kundi panuorin ang tira nya..

Pero di pala tira ang ginawa ng binata kundi pasa ..

Galing sa three points..

Tinakbo ni Rigor ang distansya at tumalon ng buong gilas..

"Boom !.. " sigaw ng crowd at sinabayan ang pagdakdak ni Rigor sa ring..

Halos magwala na ang crowd..

Depensa at Opensa..

Kinakain na sila nina Denzel..

8 Minuto pa ang nalalabi sa laro..

17 na lang ang lamang..

"Full Court guys !.. " utos ni Denzel.

Mabilis na sumunod ang lahat..

"Walang magpapahinga kahit sandali !.." dagdag nya..

"Sige !.. " sigaw ng lahat..

Nangilabot si Brix sa itsura nina Zack..

Tila bagong tao na ang mga kalaban nila..

Tagaktak ang pawis ng lahat pero kataka takang tila di nauubusan ng pwersa ang mga kalaban nila..

Nilingon nya ang mga kakampi..

Sila itong kokonti ang pawis..

Pero bakit sila ang hinihingal?..

Galit ang nararamdaman nya.. Partikular kay Zack..

Sa di nya maipaliwanag na dahilan..Gigil sya sa binata..

Nais nyang durugin ang maamo nitong mukha..

"Zackarias !.. Go Zack !.. " sigaw ni Sab..

Kanina pa sya sigaw ng sigaw pero nakapagtatakang tahimik ang kaibigan nya..

"Sis ?.. " tanong ni Sab..

Tila nagulat pa ito..

"Ay sis.. " gulat na tanong ni Heidi..

Nagtaka si Sab..

"W-wala.. Sige cheer pa tayo sa kanila.. Zaaaacccckkkk... Deeennnnnzeeeeellllll... Riiggooorrr !.." wala ng pakealam si Sab kahit mawalan na sya ng poise..

Napapangiti na lang sina Saimon at Bridgette sa anak nila..

Kinalabit nila ang kasamang si Ditas ..

"Kita mo yang alaga mo.. Todo suporta sa anak mo.. " nakangiting sabi nya..

Ngumiti lang din si Ditas at nagfocus sa panunuod..

Tila nasa alapaap si Zack kapag naririnig ang malamyos na tinig ni Sab..

Pero focus muna..

Tinitigan nya si Brix na may dala ng bola..

Galit na ang nasa mukha nito..

Sinalubong nila ang opensa nina Brix ..

Kailangan nilang mag sikap na ibaba ang lamang bago bumaba din ang oras sa limang minuto..

Pinasa ni Brix ang bola..

Pero nagkamali sya ng pinasahan..

Yung three pointer nilang may numerong 22 ay tila wala na sa huwisyo..

Nakanganga na ito at hinihingal..

Tumagos sa mga kamay nito ang malakas na pasa nya at tumalsik sa labas..

Pumito ang ref..

"Home ball.." sigaw nito..

Nagtagis ang mga bagang ni Brix..

Nilapitan nya ang kakampi at hinawakan sa jersey..

"Matulog ka na lang !.." gigil na sabi nya.

Pero talagang wala na ata itong lakas..

Inis na sinalya nya ang binata at hinarap si Zack..

Sya na ang nagbantay dito..

Hawak ni Zack ang bola..

Nakatitig sya kay Rigor at sa iba pang kakampi ng tawagin ni Brix ang pansin nya.

"Zack.. Mukhang nag eenjoy ka ha.. Baka nakakalimutan mo ?.. " nakangising tanong nya..

Pero walang emosyon na lumitaw sa mukha ni Zack..

"Di ko nakakalimutan ang ginawa ko Brix.. At nagsisisi ako.. Tama ka..Gusto ko si Sab.. Mahal na mahal ko sya.. Pero dahil sa ginawa ko.. Mukhang lalo lang syang lalayo sa akin.. Pero anong magagawa ko?..Kesa madagdagan ang galit sa akin ni Sab kapag natalo ang Team.. Di lang din sya ang magagalit sa akin, maraming taong umaasa sa pagkapanalo namin.. Ngayon..Kung malalaman ni Sab ang nangyari.. Tatanggapin ko ang desisyon nya.. Hihingi ako ng tawad.." walang emosyong sabi nya..

Natulala si Brix..

Ilang saglit syang walang masabi..Di nya akalaing lalaban si Zack sa pamblablackmail nya..

"Ows ?.. Baka naman sinasabi mo lang yan ?.. Kapag nilapitan ko kaya si Sab ngayon?.. " panunubok nya..

Pero umiling si Zack.

"Wala na akong pakealam.. Karapatan nya ding malaman yan.. Gusto ko na ring sabihin yan sa kanya.. Pero mukhang tutulungan mo pa ako.. Sige .. Go na .. Sabihin mo.. Gawin mo ang gusto mo.. Basta mananalo kami ngayon.. " madiing wika nya sabay cross over papasok..

Naiwan si Brix..

Pinasa ni Zack ang bola kay Denzel at nag jump shot ang binata..

Pasok !..

15 na lang ang lamang sa loob ng 7 minuto..

Muling nagsigawan ang crowd...

Sumipol ang ref..

"Time out !.. Away Team !.." sigaw nya..

Nanlumo ang fans..

Lulugo lugong lumapit ang mga players sa galit na Coach nila..

Nakangiti si Spolstra na sinalubong ang mga players nya..

Isa isa nya itong binigyan ng high five..

"Oh yes.. Sa wakas mag kaka girlfriend na ko !.. " wala sa sariling bigkas ni Rigor..

Napatingin sa kanya sina Zack at Denzel.

Napaismid si Zack..

Sinipa nya ang tuhod ni Rigor dahil akala nya si Sab ang sinasabi nito..

"Asa ka pa .. ! Lokong to .. Kinalaban pa ko !.. " gigil na sabi nya sa binata..

Napangiwi si Rigor..

Nilapitan nya din si Zack...

"Ano bang problema mo ?.. Kanina ka pa ha ?.. " galit na wika nya..

"Oh baket ?.. Pake mo ?.. " tanong ni Zack..

Nagsilapitan ang mga kakampi nila at inawat ang dalawa..

Nagulat sina Sab sa nakikita nila..

Pati si Heidi ay nanlaki ang mga mata ng biglang magsigawan sina Zack at Rigor..

"Hala.. What happened ?.. Sis.. " kabadong tanong ni Heidi..

Umiling si Sab..

"I don't know either.. Tara lapit tayo konti.. " suhestyon nya..

Kinalawit ni Spolstra ang dalawa at nilayo sa karamihan..

"Ano bang problema nyo ?.. " galit na tanong nya..

Napayuko sina Zack.

"Eto kasi Coach.. Basta na lang nanunuhod !.." reklamo ni Rigor..

"Zack iho.. Bakit ka ba kasi nanunuhod ?.. " tanong ni Spolstra..

Umismid si Zack..

"Ewan ko sayo Rigor.. Simula pa lang alam mo na may gusto na ako kay Sab.. Tapos aagawin mo pa !.. " bulong nya..

Nagulat si Rigor..

"Who telling you that truth ?.. " pa-english na sabi nya..

Napangiwi si Denzel.

Lumapit sya sa mga kasama..

"Ahm.. Magbati na kaya kayo.. Pangit ang nag aaway sa magkakaibigan.. Sige na.. Kiss na.. " sabi nya..

Tiningnan ng dalawa si Denzel..

"Sabi mo pare may gusto si Rigor kay Sab ?.. " tanong ni Zack..

"Huh?.. You are the one who's telling him that truth ?.. " tanong ni Rigor..

Pero binatukan sya ni Spolstra..

"Nangingilo ako sa english mo.. Ano ba yan Denzel?.. " tanong nya..

Nahihiyang napakamot ng batok si Denzel..

"Joke lang yon.. " nakangiwing sabi nya..

Pero sinakal sya ng dalawang kaibigan..

"Ikaw pala eh.. Wala akong gusto kay Sab !.. Dun sa kasama nya.. " sabi ni Rigor..

Pero natigilan ang pag aaway nila ng awatin sila ni Spolstra..

"Hala kayo.. " pananakot ng Coach..

Nagtaka ang tatlo..

"Baket sir ?.. " tanong nila ng sabay..

Nginuso ni Spolstra ang likod nila..

Dahan dahang lumingon ang tatlo at halos mawalan sila ng malay tao..

Nasa likod nila ang dalawang dalagita..

Namumula ang mga pisngi ng mga ito..

"A-ah, E-eh, I-ih, O-oh.. Oh no.. " bulong ni Zack..

Naninigas na tumalikod si Rigor at pumasok ng court..

"Hoy di pa nag bubuzzer.. !.." sigaw ni Spolstra..

"O-okay lang Coach..M-mag shoo-shooting muna ako dito.. Pang warm-up.. " nahihiyang sabi nya..

Sumunod si Zack..

"S-sama ako pare.." pahabol ng binata..

Pinigilan nina Spolstra at Denzela ang matawa..

Muling tumunog ang buzzer..

Pumasok na ang mga players pero kataka takang wala si Brix..

Pagkatingin ni Zack at nasa bench ang binata at tila galit na galit..

"Ay wawa.. " pang aasar ni Rigor..

Natawa si Denzel at Zack..

Lalo lang nabwisit si Brix kaya imbes na manuod ay tumayo sya at sinuyod ng tingin ang buong gym..Ilang saglit lang ay nahagip ng mga mata nya ang pakay...

Ngumisi ang binata at nagpasimple..Lumapit sya kay Sab..

Sinitsitan ni Brix si Zack..

"Psst.. Enjoy !.." sabi nya..

Lumingon si Zack sa binata at di nya maiwasan ang di kabahan ng makitang lumalapit ito kay Sab..

Pero pinili nyang walang gawin at hintayin ang reaksyon ng dalagita..

"Bahala na.. " bulong nya sa sarili.

Hinayaan na lang nya na si Sab ang humusga sa ginawa nyang pagkakamali..

Di nawalan ng pag asa si Brix ng makitang walang ginawa si Zack..

"Hah !..Bahala ka.. Good Luck.. " bulong nya sa sarili..

Pasimple syang lumapit sa dalawang dalagita na nag cheecheer..

"Uhm Sabina.. " pagtawag ni Brix..

Natigil sa pag cheer ang dalagita..

Nakangiti syang lumingon pero nawala ang ngiti nya ng makilala si Brix..

"Yes ?.. " mataray nyang tanong..

Ngumiti ng matamis si Brix..

"I just want to say hi.." bungad nya..

Tumango si Sabina at muling tumalikod..

"At gusto ko lang sabihin sayo na may alam akong lihim ni Zack.. " biglang banat nya..

Natigilan si Sab..

Dahan dahan nyang nilingon si Brix..Napahawak sa braso nya sa Heidi..

"Sis.. " kinakabahan si Heidi na lumingon sa kaibigan..

Ngumiti ng matamis si Sab..

"It's okay sis.. Saglit lang ako.. " sabi nya..

"Sama ako.. " ungot ni Heidi..

"You can't come.. It's just for Sab.. " pag awat ni Brix..

Inirapan lang sya ni Heidi..

Ngumiti si Sab at inalis ang hawak ng kaibigan nya..

"Okay lang ako.. Saglit lang.. 5 minutes kapag di ako nakabalik.. Tawagin mo sila Daddy.. " banta nya kay Brix.

Tumango si Heidi at tiningnan ng masama si Brix..

Nakangising naglakad palabas ng gym si Brix kasunod si Sabina..

Nagtungo sila sa parking area.

Lumapit si Brix sa kotse nya at pumasok sa loob..

Ilang saglit lang ay may hawak na itong isang envelope..

Inabot nito ang hawak kay Sab at ngumisi..

"Open it.. And be amaze.." sabi ng binata..

Parang ahas na takot matuklaw.. Dahan dahang binuksan ni Sab ang folder.

Hinugot nya ang mga laman sa loob..

Maya maya ay isa isang nagbagsak sa paanan ni Sab ang mga litrato..

"S-si Zack.. " bulong nya..

Nasa pictures ang binata na may kahalikan..Ito mismo ang nakita nya nuon..

Masakit pa rin sa twing maiisip nya ang pangyayaring ito..

"See?... Niloloko ka ng iyong "Kuya Zack " " gagad ni Brix..

Tulalang napatingin si Sab sa binata..

Masakit talaga ang nasaksihan nyang iyon..

"S-sino ito ?.. " tanong nya..

"Si Nerica Sta. Maria..Part time Model.. at Girlfriend ni Zack.." pag bibigay impormasyon nya..

Tila nanikip ang paghinga ni Sab ng marinig ang sinabi ng binata..

Unti unting naiipon ang luha sa kanyang mga mata..

Napapikit sya..

Sa isip ay naglalaro ang dalawang nilalang na naghahalikan..

Pero kataka takang di nya makita ang mukha ni Zack..

Ilang saglit lang at ang luha ay huminto..

Dahan dahang pinahid ni Sab ang naipong luha sa gilid ng mga mata at ngumiti sa binata sa harap nya..

Nawala ang ngisi sa mukha ni Brix ng makita ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Sab..

"Why are you smiling ?.. " tanong nya..

Ngumiti na ng tuluyan si Sab..

"Nothing.. I just now realize that I love Zack so much.. Kahit anong mangyari.. Mahal ko pa rin sya.. " sabi nya sa binata..

Kumunot ang noo ni Brix..

"Are you nuts ?.. Niloloko ka na nga mahal mo pa rin ?.. " asar na tanong nya..

Nagkibit balikat si Sab..

"I don't have to explain my feelings to you.. But just so you know.. I don't care..And for your information.. Nakita ko na yan.. Nandyan ako mismo sa pinangyarihan.. Sa tingin ko di girlfriend ni Zack yan kasi parang kakakilala lang nila.. Di ko sure pero I know..Basta mahirap mag explain.. Dyan ka na nga at baka di ko pa mapanuod kung paano durugin nila Zack ang Team nyo .. Tse !.. Bansot ka pa rin !.." singhal nya sabay talikod...

Nanggigil si Brix at akmang hahablutin nya ang braso ng dalagita ng may kumalawit na braso sa kanya..

Paglingon nya ay napapalibutan sya ng tatlong binata..

Seryoso ang mga mukha nito at halatang kanina pa nakikinig sa kanila..

"S-sino ba kayo ?.. " tanong ni Brix..

Ngumisi si Primo.

"Ako si B1.." biro nya..

"Ako si B2.." biro din ni Gustavo..

"Wag nyong sabihin na B3 ako ?.." nakangiwing tanong ni Vincent..

"Wag ka na choosy.. " biro ni Primo..

Pumalag si Brix.

"Di ako nakikipaglokohan sa inyo..Tumabi kayo dyan at maglalaro na ako !.." sigaw nya..

Pero nanatiling nakangisi ang tatlo sa dadaanan nya..

"Tatawag ako ng security !.." banta nya..

Nagkibit balikat ang tatlo..

"Eh di sumigaw ka..Pero bago yun dumating wala ng paglalagyan ang pasa sa mukha mo sa gagawin namin.. " banta ni Primo..

"Tama insan.. Tutal outsiders tayo dito.. Di nila tayo kilala.. " pagsakay ni Gustavo..

"Game nga mga tol.. Kahit wag na lang natin sirain yung mukha para di halata.. Upakan na natin yan.. " gigil na sabi ni Vincent..

Lumingon si Sab..Nanlaki ang mga mata nya ng makitang pinapalibutan nina Primo ang kawawang si Brix.

"Mga kuya !.. " sigaw nya sabay takbo pabalik..

Pumagitna sya sa mga binata..

"Stop it na .. " saway ni Sab..

Nagkatinginan ang tatlo at napakamot na lang sa batok..

Inakbayan ni Primo si Sab at inakay pabalik sa gym..

"Stop na daw mga utol.. Yaan nyo na yan.. Malamang na tabla na yung game.. Tara na.. " aya ni Primo..

Tinitigan ni Gustavo si Brix..

"Tse !.. " irap nya ..

Akala ni Brix ligtas na sya..

Napaluhod na lang sya ng may dumapong kamao sa sikmura nya..

Namimilit sa sakit syang bumagsak sa lupa..

Nagmamadaling lumapit si Vincent at nagpauna na sa pagpasok sa gym..

Paglingon nina Primo ay natawa na lang sya ng makita si Vincent na nakaluhod hawak ang sikmura..

Pagpasok nina Sab sa gym ay nakasimangot sya..

Mabilis na lumapit si Heidi sa kaibigan..

Nalulula sya sa naggagwapuhang binata na kasama nitong pumasok..

"S-sis.. Anong ginawa nila sayo.." tanong ni Heidi..

Umiling si Sab .. Pero nakasimangot pa rin sya..

"Oh bakit ka nakasimangot ?.. " takang tanong ng kaibigan..

Bumulong si Sab..

"Nawiwiwi ako.. Ayaw ko namang mamiss ang panalo nila.. Ilang minutes na lang ba ?.. Ilan na yung lamang ?.." tanong niya..

Natawa si Heidi at tinuro ang score board..

Nanlaki ang mga mata ni Sab.

"Wow !.. Lamang na sila ng 10 points ?.. Grabe ang galing nila.. " namamanghang sabi nya..

"Ang galing nila Kuya Zack at Kuya Denzel.. Lalo na si Rigs.. " kumikislap ang mga mata ni Heidi.

Nilingon ni Sab ang kaibigan at tinitigan..

"Sinong magaling ?.. " panghuhuli nya..

"Sila Kuya Zack, Kuya Denzel at syempre si Rigs.. " tila wala na sa sarili si Heidi..

Napangisi si Sab..

"I thought you like Zack ?.. " tanong nya..

"Sayo na sya.. " wala sa sariling bigkas ni Heidi.

"Sayo naman si Regidor.. " singit ni Primo..

"Pwede... " mabilis na sagot ni Heidi..

Pero nanlaki ang mga mata nya ng mapagtanto ang sinasabi nya..

"Oh my God !.. " napayuko ang dalagita at pulang pula ang mukha..

"Huli ka !.." biro ni Sab..

"Kainis ka Sabina !.." asar na pinagkukurot ni Heidi ang kaibigan..

Tawa ng tawa si Sab at pinilit umiwas pero lalo lang syang naiihi..

"Tama na sis.. Lalo lang akong nawiwiwi.. Don't worry di ko sasabihin.." sabi ni Sab..

Napangiti na lang si Heidi at nag cheer ng mahina ..

"Go Rigs !.." bulong nya..

Wala ng sumisigaw sa kabilang team..

Nag time out ang kalabang team..

Pagod na pagod na ang mga kalaban nila Zack.

Kasalukuyang nagpupunas ng pawis Zack ng matigilan sya ..

"P-pare.. Sa tingin mo pogi ba ako?.. " mahinang tanong ni Rigor..

Nagulat si Zack.

"Mabait ka pare.." banat nya..

Sumimangot si Rigor..

"Pareng Denzel.. Sa tingin mo Pogi ako ?.. " isa pang try nya..

Nasamid si Denzel sa pag-inom..

"M-matangkad ka pare at magaling kang mag basketball... Talent yon.. " pag iwas nya..

Nagtatampong lumapit si Rigor sa Coach nila..

"Coach.." untag nya..

Pero mabilis na nakareact ang batang Coach..

"Iho.. Lahat tayo may kanya kanyang katangian.. At ikaw ay isa sa mga pinagpala.. " banat nya..

Nabuhayan ng loob si Rigor..

"Talaga po?.. So pogi din pala ako ?.. " tanong nya..

Iniba ni Spolstra ang topic..

"Anyway boys.. Durugin nyo na sila.. Tapusin nyo na ang paghihirap nila.." pag iwas nya..

Nagsitayuan na ang lahat..

"What the hell.. Basta sabi ni Inay pogi ako.. Tapos !.. " maangas nyang sigaw..

Last minute..

Wala na si Brix..

Di alam ni Zack kung saan na nagpunta ang binata..

Hawak ang bola..

Determinado na syang tapusin ang paghihirap ng mga kalaban..

Isa isa ng nag aalisan ang mga nakapulang cheering squads..

"Sorry guys.. But this is our home !.." sabi nya at tumira..

Walang mintis si Zack..

Ang huling three points nya ang nag pako sa mga kalaban sa saradong trenta puntos na pagkabaon..

72 - 102 ang score.

Si Rigor ay nagtala ng 26 Rebounds at 8 Blocks na ikinamangha maging ni Spolstra..

Si Denzel at tumabo ng 12 Steals at 22 Assists..

Habang si Zack ay ayaw pa paawat..

"Pare.. Mahiya ka naman.. " pagsaway ni Denzel..

Pero determinado si Zack..

Palingon lingon sya sa orasan..

13 seconds pa..

Kailangan nyang pumuntos..

"Di nyo ko naiintindihan pare..Kailangan ko ang score na to.." sabi nya..

Kahit 2 points lang..

Maging si Spolstra ay naalala ang pangako nya..

Sinigawan nya ang mga players..

"Rigor !.. Denzel.. Pigilan nyo si Zack !.. " sigaw nya..

Pero di ata sya narinig ng mga players nya dahil tinuloy nito ang laro.

Pinasa ng kalaban ang bola sa kakampi nito..

Pero dinagdagan lang ni Denzel ang steals nya..

Naagaw nya ang bola..

Mabilis nya itong pinasa kay Rigor..

Nasalo ng binata ang bola ..

"Rigor !.. " sigaw ni Zack..

Nagulat si Rigor sa itsura ni Zack..

"Katakot much.. " sabi ni Rigor sa sarili..

Umaandar ang oras..

47 points pa lang ang nagagawa nya..

Naalala nya ang pangako na pabuya ng Coach..

Kaya sa inis nya sa kaibigan ay inagaw nya ang bola dito at walang sabi sabing tinira.

Tumunog ang buzzer tanda na tapos na ang laro..

Pasok ang tira ni Zack..

Napatalon ang binata sa tuwa..

"Wooo !.. " sigaw nya..

50 points sarado ang nagawa nya..

Maging si Spolstra ay nanlumo ng pumasok ang huling tira ni Zack..

Lumapit ang ref sa binata..

Umiling ito..

"2 points iho.. " hatol ng ref sabay nguso sa tinatapakan ni Zack..

Napangiwi ang binata..

"Hindeeee !!!!.." sigaw nya..

Habang ang Coach ay napasayaw bigla..

Hindi sa pagkapanalo ng team kundi sa nalusutang pangako..

"Ahihi.. " malanding tawa ni Spolstra..

Natapos ang laro..

Awarding na at naging MVP si Denzel..

"Akala ko pa naman ako .. " nagtatampong sabi ni Rigor..

"Kapalmuks pota.. " bulong ni Zack..

Nakangising lumapit si Denzel sa mga kaibigan nya at hinawakan ang medalya..

"ANg sikip ng medal ng MVP noh ?.." talagang inemphasize nya ang salitang MVP..

Napangiwi si Rigor..

Sya lang ang walang award..

Nakuha ni Zack ang Best Deffensive Player.

Lumapit sya sa committee..

"Sir.. " tawag ni Rigor..

"Yes iho ?.. " nakangiting sagot nito..

"Wala ho bang Best Jumping ?. O kaya Best Blocking ?.. Kahit Mister Pogi Award di ba kayo magbibigay?.. " nagtatampong tanong nya..

Natulala ang Committee sa tanong ng binata..

"W-walang ganon iho.. Pero magaling ka.. " puri nito..

Lulugo lugong lumayo si Rigor...

Hanggang sa may mabangga syang katawan..

"Ay sorry.. " sabi nya..

Pero parehas silang natigilan ng mapagsino ang isa't isa..

"H-hi.. " bati ni Heidi..

Tameme si Rigor..

"A-ako si Heidi.." pakilala ng dalagita..

Pero no comment ang kapre..

"A-ang galing mo.. " puri nito.

Still, No comment si Rigor...

"S-salamat.. " nahihiyang sabi nya..

Nagkatitigan sila ng nakangiti.

"Oh picture na.." sigaw ni Spolstra..

Nagpalakpakan ang lahat ...

Marami sa crowd ang naiyak sa nakamit na tagumpay ng team..

"Nay !.. " ni Zack..

Napangiti si Ditas pero nagulat sya ng hatakin sya ng anak at isama sa picture..

"Dito kayo.. Smile tayo Nay.. " sabi ni Zack..

Nahihiyang ngumiti si Ditas..

Sa gilid ay masayang pumapalakpak si Sab..

Hanggang sa may tumikhim sa tabi nya..

Paglingon nya ay si Zack na pala .

"Congrats.." bati ng dalagita.

"Salamat.. " bulong ni Zack.

Hinubad ni Zack ang medalya at dahan dahang sinuot sa dalagita..

"P-para sa iyo.. " bulong ng binata..

Kinilig si Sab..

Pero naiihi na naman sya..

"S-salamat... " bulong din ng dalagita..

Hawak ni Zack ang mga kamay ni Sab..

Nakangiti silang nakatitig sa isa't isa..

Walang nag iiwas ng tingin.

Hanggang sa isang click ang pumailanlang..

Agad na napalingon ang dalawa at nakita nila si Primo na may hawak na camera..

"Pare.. Remembrance.. " nakangiting inabot ng binata ang picture sa dalawa..

Pagkaabot sa litrato ay umalis na din si Primo at kinuhanan naman sina Rigor at Heidi na magkatabing nagkukwentuhan.

"Mukhang magkakalove life na ang friend ko.. " nakangiting sabi ni Sab..

Napakunot noo si Zack..

"Baket?.. " tanong nya..

Nginuso nya sina Rigor at Heidi na sabay na lumalabas ng gym..

Natawa si Zack bigla.

Akmang kakamot sya sa batok ng maalala na magkahawak pala sila ng kamay ni Sab..

Maging si Sab ay napansin ang mga kamay nilang magkahugpong.

Pasimple silang nagtitigan at ngumiti..

Walang gustong kumalas..

Napakasarap ng nararamdaman nila..

Kilig at saya.

Nais nilang ipahayag ang damdamin nila sa isa't isa pero pinili na lamang nilang manahimik ..

"Action speaks louder than words.. " pareho nilang iniisip..

ITUTULOY !!!...