1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 36 Finale
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 36 Finale

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Book 1 - Final Chapter

Chapter 36

"Congratulations guys.. " pagbati ni Spolstra sa mga players nya..

Lalong lumawak ang ngiti nina Zack..

"Well, you deserve it naman.. So paano.. Kitakits tayo tonight ha ?.. Dun tayo sa bahay ko.. We must celebrate it.. " nakangiting pag anyaya pa ng Coach.

Lahat naghiyawan sa suhestyon ni Spolstra..

Lumapit ang mag asawa kina Zack at Sab.

"Congratz iho.. Sabi na mananalo kayo eh .. " nakangiting bati ni Saimon..

Napangiti din si Sabina.

"Ako talaga nagpanalo Daddy.. Ang galing kong mag cheer eh.. " pagyayabang nya..

Natawa ang mag asawa..

"Anong magaling don?.. Eh wala ngang ka effort effort yung pag sigaw mo.. " pang aasar ng ama.

Napanguso si Sab..

"KJ mo talaga Dad.. Anyway.. Celebrate din natin yung pagkapanalo ng Team.." suhestyon naman ni Bridgette..

Tumango si Saimon..

"Yeah.. So what you want to do ?.. Lunch ?.. " tanong nya ..

Napaisip ang mag ina..

Niyakap ni Ditas ang anak mula sa likod..

"Ang galing mo anak.. " bati nya.

Ngumiti si Zack..

"Ayos lang po ba kayo ?.. " tanong nya.

Tumango si Ditas..

"Ayos lang.. Medyo kinabahan lang ako nung lamang pa sila.. Pero alam ko naman na kaya nyo yun eh.. Magaling ata ang anak ko.. " puri pa..

Napangiti na lang si Zack at inakbayan ang ina..

"So tara.. Lunch na lang tayo..Isasama ba natin ang whole team ?.. " tanong ni Saimon..

Napailing si Sab..

"Wag na muna Dad.. Since na may sarili naman silang party tonight.. Dapat tayo na lang.." aniya.

Sinulyapan ni Saimon ang binata..

"Ayos lang po..Kahit nga po wag na eh." sabi pa ni Zack..

Pero umiling si Saimon..

"Nope.. Dapat may reward ang pagkapanalo nyo.. Grabe napahanga mo talaga ako sa scoring mo Zack.. Nuong kapanahunan ko.. Kaya ko din yan.. " pagyayabang nya..

Napangiti si Bridgette at ikinawit ang braso sa braso ng kabiyak..

"Kwento mo sa pagong Daddy.. Tara na at nagugutom na ko.. Masyadong nakakatense ang game nina Zack..Nagrereklamo na ang mga alaga ko.. " biro nya sabay hatak sa asawa..

Nagtawanan na lang sila sa sinabi ng babae..

Pasunod na sana sina Zack ng makarinig ng tawag mula sa likuran..

"Hey Zack.." boses babae..

Paglingon ng binata ay nakita nya si Nerica na nakangiti di kalayuan..

Nakaramdam ng kaba ang binata..

Pero di naman nya kayang balewalain ang dalaga dahil kabastusan yon..

Kaya pasimple syang nagpaalam sa Ina at kay Sab..

"T-teka lang po Nay.. Najijingle ako.." pagdadahilan nya..

Napangiti na lang si Ditas..

"Oh sya sya.. Sabihin ko na lang na hintayin ka muna namin.. Sa kotse na lang anak.." pagpayag nya..

"Samahan na kita Kuya Zack.. " ani Sab..

Napangiwi si Zack sabay iling..

"A-ah.. A-ako na lang .. Pakisamahan mo na lang si Inay .. Kasi medyo di nya kabisado itong school di ba?.. " nag isip sya ng maidadahilan..

Tila nakasense ng kakaiba si Sab.. Tinitigan nya ang binata ..

Parang tumatagos ang tingin ni Sab kaya yumuko si Zack at kunwari ay ihing ihi na..

"S-sige na nga.. " pagpayag ni Sab..

Ikinawit ni Sab ang braso nya sa braso ni Aling Ditas at naglakad palabas ng gym..

Palingon lingon pa sya sa binata..

Nakahinga ng maluwag si Zack..

Hinatid nya pa ng tingin ang dalawa bago muling tiningnan si Nerica..

Tinanguan nya ito at naglakad sa isang sulok ng gym..

Tila naunawaan ng babae ang nais nyang iparating kaya sumunod din ito sa kanya..

Pagdating sa sulok ay nakangiting lumapit si Nerica at akmang hahalik sa binata..

Pero mabilis na umiwas si Zack kaya sa pisngi nya tumama ang halik ng dalaga..

"N-nerica.. " pag iwas ni Zack..

Ngumiti si Nerica at tumango..

"Sorry.. Carried away lang.. Anyway, Congratulations sayo..Ang galing mo !.." pagbati nya..

Tumango si Zack.

"Salamat.. Pero di lang naman ako ang nagpanalo.. Lahat kami ay nagtulungan para sa ikakapanalo ng Team.. " nakangiting sabi nya..

Napangiti din si Nerica ..

"Dyan ako bilib sayo Zack.. Humble ka.. Well, yun lang naman ang gusto kong sabihin sayo.. " sabi nya..

Inabot ni Nerica ang palad nya para makipagkamay kay Zack.

"Nice meeting you Zack.. Sana magkita pa tayo someday.. To chat.. Or pwede ding maging lovers.. " biro pa ni Nerica..

Natawa si Zack... Inabot din nya ang kamay nya sa dalaga..

"Salamat Nerica.. Maganda ka... I'm sure na maraming magkakandarapa sayo.." payo ni Zack..

Napanguso si Nerica..

"Kung may ma-meet ako na meron kahit kalahati ng katangian mo Zack.. Ako na mismo ang manliligaw sa kanya.. " biro ng dalaga.

Natawa lalo si Zack..

Sa huling pagkakataon ay hinalikan ng dalaga ang pisngi ng binata..

"So bye bye na muna.. If there's anything you need... Page me na lang.. Lista mo pager number ko... " sinimulang isaulo ni Nerica ang pager number nya.

Napangiwi si Zack..

"W-wala akong pager eh.. Basta alam ko magkikita pa tayo.. Mag ingat ka at wag ka na magpadalos dalos sa mga hakbang mo.. " payo ng binata.

Sumimangot si Nerica pero ngumiti din..

"Sige na nga.. Bye bye.. " paalam ng dalaga..

Tumango si Zack..Nakangiti nyang hinatid ng tanaw ang dalaga.. Para syang nabunutan ng tinik sa nangyari..

Nagpasalamat sya at ganito ang kinahinatnan ng sitwasyon..

Saglit na nilibot ni Zack ng tingin ang buong gym..

Nagkalat ang plastic cups at balot ng kung anu-anong pagkain sa kung saan..

Napailing na lang ang binata sabay talikod at lumabas ng gym..

Nagulat si Nerica ng masalubong nya ang galit na mukha ni Brix at Princess..

"What the hell just happened there?.. Sablay na nga ang plano pero parang ang saya mo pa rin ?.. " tanong ng binata..

Mabilis na nakabawi si Nerica sabay ngiti ng matamis sa mag pinsan..

"Well, I just realized something.. Masyadong mabait si Zack para gawan natin ng masama.. So , I quit... Tapos na ang usapan natin.. Kalimutan na lang natin ang isa't isa.. " naalala ni Nerica ang sinabi ni Primo..

Napapangiti pa rin sya kapag naaalala ang lalim ng pinag usapan nila ng binatang kaibigan ni Zack..Di nya maiwasang makaramdam ng inggit.. Sa tanang ng buhay nya.. Laging kaakibat ng pagkakaibigan ang gamitan..

Akala nya nuon kapag nakikipagkaibigan sa kanya ang isang tao.. Lagi itong may pakay o pabor na nakahandang hilingin.. Pero mula ng makilala nya si Zack at ang mga barkada nito.. Nuon nya napagtanto na mali pala ang paniniwala nya..

Well, di pa huli para magbago..

"Whaat ??.. You quit ?.. Eh paano yung pinag usapan natin ?.. Yung bayad namin sayo ?. " reklamo ni Princess..

Napangisi si Nerica..

"Don't worry.. I don't need your money naman talaga.. Eto oh.. Intact yan.. Yan mismo yung perang binayad nyo sakin month ago.. Walang bawas.. " sabi ng dalaga sabay labas ng pera mula sa bag..

Natulala ang mag pinsan..

Kinuha ni Nerica ang palad ni Princess sabay abot ng pera..

Tumalikod na sya para tunguhin ang gate ng campus.. Pero napalingon sya sa dalawa ng magsalita si Brix..

"So your backing out ?.. " tanong ng binata..

Humarap muli si Nerica at tumango..

Ngumisi si Brix na parang nang iinsulto..

"I thought noone resists your charms ?.. But it looks like you failed at Zack.. " natawa ng sarkastiko ang binata..

Natawa din si Princess..

Napahinto si Nerica..Napaisip sya..

Tama ang sinabi ni Brix.. Yun ang paniniwala nya nuong una.. Gamit ang ganda at talino.. Madali nyang mapapaikot ang kahit na sinong lalaki sa mga palad nya..Pero iba si Zack at ang mga barkada nito..Sing taas ng tore ang prinsipyo ng mga ito lalo na kung masasangkot ang pagkakaibigan at pagibig..

Imbes na mainsulto.. Tila proud pang tinaas ni Nerica ang ulo at ngumiti sa dalawa..

"Yeah I know.. And I was such a bitch.. I admit it also... But I changed.. Thanks to Zack and friends.. " nakangiting sabi nya..

Napahinto sa pagtawa ang dalawa..

"What you mean ?.. " tanong ni Princess..

"You can't harm a good guy with a good friends.. Uhm.. I think they're not just friends.. They are family.. " dahil kina Zack.. Nagbago ang paniniwala ni Nerica..

Nakangiti syang tumalikod..

"I pity you.. You don't know what I mean.. So chow !.. " landi nya at naglakad ng seksi palabas ng gate..

Tulalang naiwan sina Princess at Brix..Talunan at walang magawa..

"Grabe busog much !.." hawak ni Sab ang tyan nya ..

Kinalabit sya ng ina.. Pinandilatan at palihim na nginuso si Zack..

"Why Mom ?.. " tanong ng dalagita..

"Ano ka ba ?.. Where's your manner ?.. Nakatingin sayo si Zack oh.. Nakakahiya ka .. " gigil nitong bulong..

Mabilis na nag ayos si Sab .. Pero napatingin sya sa ina at kumunot ang noo..

"E-eh ano naman po Mom ?.. " utal nyang tanong..

Ngumiti lang si Bridgette at kumindat sa anak..

Napanganga na lang si Sab sa ina..

"So.. Anong plano after this?.. " tanong ni Saimon..

Nagkibit balikat ang asawa nya..

"San mo gustong pumunta Zack?.. Ikaw anak ?.. " tanong pa ng ama..

Nagkatinginan ang dalawa..

"Uwi na lang tayo Dad.. Mag peprepare pa ko.. Mom punta tayo ng salon ha ?.. " ungot ng dalagita..

Napakunot ang noo nina Zack at Saimon..

Maging si Bridgette ay nagtaka..

"Why all of a sudden anak?. Di ba kakaparlor mo lang the other day?.. " tanong ni Bridgette..

Napanguso si Sab..

"Basta.. " reklamo nya..

Natawa na lang ang ina..

"Saan ka naman daw pupunta anak ?.. " tanong ni Saimon..

"Victory party ng Team di ba?. Hello Daddy .. Para kang nasa ibang planet.. " pang aasar ni Sab..

Pero natawa sina Saimon at Ditas.. Maging si Bridgette at napangiti ng lihim..

Napanganga si Zack..

"Don't tell me sasama ka sa Kuya Zack mo ?.. " tanong ni Saimon..

Tumango si Sab sabay pinunasan ang labi gamit ang tissue..

Tinitigan nya ang mga nakapaligid sa kanya.. Parang natatawa ang mga ito..

"Why ?.. Masama ba sumama ?.. " nakangusong tanong ni Sab..

"Pero ikaw na rin ang nagsabi anak.. Victory Party ng Team.. So it's for the players lang.. Player ka ?.. " pang aasar ni Saimon..

Pasimpleng kinurot ni Bridgette ang kabiyak..

"Hayaan mo na.. Basta uuwi sila ng maaga.. Wag na magpapagabi.. Or better na sunduin mo na lang sila after the party Daddy.. " nakangiting kinindatan ng ina ang anak.

Napangiti din si Sab..

Si Zack naman ay napakamot sa batok..

"Pero for the boys ata yon Sab.. Baka mailang ka.. " sabi ni Zack.

Tiningnan ng masama ng dalagita ang binata.

"Baket ?.. Don't tell me na ayaw mo ko isama ?.. Siguro manchichix kayo don ?.. " wala sa loob na tanong nya..

Huli na para mapag-isipan ni Sab ang sinabi nya..

Ramdam nya ang pamumula ng pisngi dahil napansin nya ang pagtingin ng tatlong matatanda sa kanya..Kaya pasimple syang napayuko..

"Ngek.. Ito talaga oh.. " naiiling na sabi ni Zack..

Natawa si Saimon..

"Wala ka talaga pag asa mag ka girlfriend Zackarias.. May bodyguard ka eh.. " natatawang sabi nya..

Nagtawanan na lang ang lahat..

Tulad ng inaasahan..

"Iuwi mo ang anak ko ng buo iho.. " pabirong sabi ni Saimon.. Pero nakalakip duon ang seryosong utos ng isang ama..

Nakakaunawang tumango ang binata..

"Makakaasa po kayo Tito.. " seryosong sagot ni Zack..

Di maiwasang kiligin ni Sab.. Pakiramdam nya ay mag de-date sila ng binata at pinagpapaalam sya ng pormal sa kanyang mga magulang..

Tulad ng napag-usapan..

Kasama si Sab ng magpunta si Zack sa victory party nila sa bahay ni Coach Spolstra..

Nagcommute lang sila..

Patingin tingin sa kanya si Zack..Tahimik lamang ito..

Kanina pa di makatiis si Sab kaya bago sila pumasok ng gate ay hinarap nya ang binata sa kanya.

"Bakit ka ba kasi tingin ng tingin ?.. May dumi ba sa face ko ?.. Panget ba get-up ko?.. Sana kanina mo pa sinabi yan.. Kainis ka naman eh.. !" asar na tanong nya..

Lumamlam ang mga mata ni Zack at sinuyod ng tingin ang dalagita..

"You look like a fallen angel Sab.. Angel, kasi you have an angelic face.. Fallen, kasi ang sungit mo.. " pabulong na sabi ng binata..

Natigil sa pagsisintimyento si Sab..

Ramdam nya ang pag gapang ng kilig sa katawan pero pinagtakpan nya na lang ito ng pag tataray..

"Sus.. Nambola pa daw.. Baka nahihiya ka lang na sitahin yung get-up ko.. Kainis.. Uwi na nga ako.. Siguro manchichix talaga kayo dyan kaya ito ang way mo para mapauwi ako ng maaga eh.. " tuloy tuloy na reklamo nya..

Pero napahinto si Sab ng hawakan ni Zack ang mga kamay nya at titigan sa mga mata..

Tila nababatubalaning inangat nya ang isang kamay ay hinaplos ang pisngi ng dalagita..

"You have an angelic face.. Nasabi ko na yan... Soft voice... Like an angel talaga.. Pero lagi kang nakaangil sa akin.. Di ko alam kung bakit pero lalo lang pinapatindi nuon ang nararamdam ko sayo.. Kahit na magalit ka sa akin lagi.. You still have pretty face.. " wala na sa sarili si Zack..

Natulala na lang din si Sab..

Gumapang ang mga dalari ng binata sa mukha ng dalagita.

"Your eyes.. Lagi silang naniningkit.. Pero still .. Your beautiful.." dagdag pa nya..

Tahimik na lang si Sab na nakikinig ..

"Your nose.. Maliit pero matangos.. " puri ni Zack..

Natawa ng mahina ang dalagita..

"Wag kang mag uto.. Pango ako..Mas matangos ilong mo.. " sabi ni Sab..

"Nope.. Mas matangos ang ilong mo.. Maliit lang kasi sya kaya di mo napapansin.. And this.. The sweetest thing I've ever tasted.. " mahinang sabi ni Zack..

Nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Sab sa braso sa ginagawang pagsamba ni Zack sa mukha nya..

Maging sya ay tila natulala na din at wala ng magawa kundi tumingin sa gwapong mukha ng binata..

Unti unting lumamlam ang mga mata nilang dalawa..

"Such sweet lips.. " bulong ni Zack..

Lalong namanhid ang pakiramdam ni Sab sa ginagawa ng binata..

Dahan dahan nyang binuka ang mga labi dahil pakiramdam nya ay nauuhaw sya.. Nasa labi ng binata ang kasagutan sa kanyang pagkauhaw..

Kaya wala sa loob na inangat nya ang mga braso para isabit sa leeg ni Zack..

Napangiti ang binata .

Ramdam nya ang paggapang ng apoy sa kanyang sistema..

Sa batang edad.. Ramdam na nya ang pangaingailangan ng katawan na tanging si Sab lamang ang makakatugon..

Kita nya ang simpleng pagbuka ng makikipot nitong mga labi..

Mamula mula at walang halong kolorete..

Napalunok si Zack..

Maging sya ay nakaramdam ng di maipaliwanag na pagkauhaw..

Nasa mga labing iyon ang tubig na makakatighaw sa kakulangan nya..

Kailangan nyang maramdaman ang pagdikit ng mga labi nila dahil kung hindi.. Mababaliw sya..

Pumikit si Sab.. Tanda ng pagpapaubaya sa binata..

Ayaw nyang magpakaipokrita ..

Ito din ang matagal na nyang inaasam..

Pasimple nyang hinapit ang leeg ng binata..

Tumingala si Sab..

Tagumpay ang ginawa nya dahil dahan dahang naglapit ang mga mukha nila..

Di maipaliwanag ang antisipasyon..

Hanggang sa unti unting manliit ang distansya ng mga labi nila..

Parehong nakapikit sina Sab at Zack..

Handa na ang parehong katawan na tanggaping ang katotohanang kailangan nila ang halik na iyon..

Hanggang sa wakas ay magtagpo ang dalawa..

Nandilat si Sab ng maramdaman nya ang pagdampi ng malambot na labi ng binata sa labi nya..

Dahil sa ginawa ni Zack ay ramdam nya ang kaninang pag hinto ng pagdaloy ng dugo nya.. Pero ng magdampi ang mga labi nila ay bigla namang parang bumilis ang pagtibok ng puso nya dahilan para mag pump ito ng extra..

Ramdam nila ang parehong tibok ng puso..

Mabilis ang mga ito na tila nag sasayaw sa parehong ritmo na sila lamang ang nakaririnig.

Tinagilid ni Zack ang ulo nya..

Dahil sa ginawa nyang ito ay lalong nagsara ang mga labi nila para bigyan daan ang isang makapigil hiningang halik..

Wala ng pakialam ang dalawa..

Tanging isa't isa ang mahalaga..

Halos tumagal ng isang minuto ang pagsasalo ng dalawa sa matamis na halik ng mangapos ang hininga ni Sab..

Pasimple syang kumalas sa binata..

Namumula ang kanyang mga pisngi..

Nahihiya sya sa inakto kaya dahan dahan syang yumuko pero pinigilan ito ni Zack..

Inangat nya ang mukha ng dalagita at nginitian..

"Napakaganda mo Sabina.. Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko.. " taos pusong sabi ni Zack..

Napangiti si Sab..

Di nakatiis si Zack kaya muli nyang dinampian ng masuyong halik ang mga labi ng dalagita sabay niyakap ng mahigpit..

"S-salamat.. " naluluhang bulong nya..

End of book 1..

Zack and Sab was originally created by Romeo Q. Loñosa III ( TOYANTZ )

FOLLOW Me -

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

supertoyantz-superwildfingers.blogspot.com

www.facebook.com/kwadroalas

www.facebook.com/supertoyantz

www.facebook.com/aceofspades

Copyright Issued : December 06, 2012 / Thursday.

Thank you for your support !..

Maraming maraming salamat po sa pagtangkilik..