1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 6
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 6

Written by supertoyantz on

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 6 -


Ala singko pa lamang ay nakaligo na si Zack.

Ito ang unang araw nya sa pagpasok duon sa private school kung saan nag-aaral din si Sab..

Di nya maintindihan ang nararamdaman..

Kabado sya at excited..Pero mas nangingibabaw ang kaba..

Kanina pa nakaplantsa ang susuotin nyang uniporme..

Suot na nga nya ang pantalon..

Nakasuklay na din ang kanyang buhok..

"Hmm..Ano pa bang kulang?.." tanong ni Zack sa sarili..

Biglang bumukas ang pinto..Niluwa nito ang nanay nyang bagong ligo din tulad nya..

Ngumiti ito pagkakita sa anak..

"Oh, bakit parang problemado ka pa?.." tanong ni Ditas.

"Tinitingnan ko lang po kung ano pa ba ang dapat kong dalhin Inay.." sabi ni Zack..

Lumapit sa kanya ang ina..

Binistahan nito ang ayos nya..

"Naks..Ang pogi ng anak ko ah..Bagay pala sayo ang mabihisan anak eh.." puri ni Ditas..

Natawa si Zack..

"Syempre po, nanay ko kayo.." natatawang sabi nya..

Pati si Ditas natawa..

Inagaw nya ang suklay sa anak at sya na ang nagpatuloy ng pagsusuklay sa buhok nito..

"Mag-aaral kang mabuti anak, wag mo silang ipahiya..Ipakita mo sa kanila na kahit mahirap tayo.. Di natin sinasamantala ang binigay nilang tiwala sa atin.." pangaral ng ina..

Tumango si Zack..Pinalupot nya ang kanyang mga braso sa bewang ng ina ..

"Opo naman Nay..Pero di ko po masusunod ang sinasabi nyong wag ko silang samantalahin..Kasi po..Habang tinutulungan pa nila tayo..Sasamantalahin ko na po ito para mas marami akong magawa..Tulad po ng pagbabasa..Mas maraming oras na po para sa pagbabasa ko ng mga libro.." sagot nya.

Napangiti si Ditas sa anak..

"Ah..Di naman iyon ang tinutukoy ko anak..Ang sa akin lang .. Wag mo silang bibiguin..Dapat laging matataas ang marka mo sa eskwelahan..Kung kaya mong manguna..Gawin mo..Para naman wag silang magsawa sa pagtulong sa atin." sabi ng ina..

Napatango tango si Zack..

Lagi syang sumusunod sa pangaral ng ina..Batid nyang mas marami na itong napagdaanang hirap kaysa sa kanya..

Inatras ni Ditas ang anak para mas lalong mabistahan ang itsura ng anak..

"Okay na yan..Oh ayos na ba ang mga gagamitin mo?..Ay nako teka yung sinaing ko nga pala !.." sabi ni Ditas sabay bitaw sa anak..

Dali dali syang lumabas ng kwarto nilang mag ina..

Napapitik si Zack sa hangin..

"Oo nga pala..Yung mga notebooks ko..Lilipat ko nga pala yung mga gamit ko sa bago kong bag.." sabi nya sa sarili.

Dinampot nya sa gilid ng kama ang lumang bag..Binuksan ito at isa isang nilabas ang mga lumang notebooks at ballpens..

Napangiti sya ng makitang di nya naisoli ang mga libro nya sa eskwelahan na dati nyang pinapasukan..

"Okay na to..Bonus books .." nakangising sabi ni Zack sa sarili..

Nilipat nya ang lahat ng mga lumang gamit sa bagong bag..

Ng matapos nito...Muli syang lumabas ..

Nadatnan nya ang ina na nagsasalang ng kawali sa kalan..

"Anak..Anong oras daw ba pasok mo?.. " tanong ni Ditas..

Napaisip si Zack..

"Di ko nga po alam Nay eh.." sagot nya..

Nagpasya si Zack na muling magpalit ng pambahay..Tutal maaga pa..Tutulong muna sya sa ina..

Dinampot nya ang walis sabay tinahak ang daan patungo sa front door...

Akmang magwawalis sya ng muling magbago ang isip..

Sa itaas na lamang sya mag sisimula..

Tutal ayos lang sa mag asawa na mag akyat panaog silang mag ina sa second floor ng bahay..

Sinama na ni Zack ang isang piraso ng basahan.. Binasa nya ito ng tubig at umakyat sa itaas..

Sinimulan nya sa pinakadulong pasilyo..Lahat ng madaanan ng walis, pinapahiran nya ng basang basahan..Hanggang sa matapat sya sa kwarto ni Sab..

Nagkibit balikat na lamang si Zack, malamang tulog na tulog pa ang bata ..Alas diyes pa ang pasok nito sa eskwela..

Lalampas na sana sya ng may mahagip ang kanyang pandinig..

Tinigil ni Zack ang ginagawa at nakiramdam..

Nanlaki ang kanyang mga mata..May umuungol..Di kaya may multo ang bahay na ito?..

Dinampot ni Zack ang walis at basahan sabay lakad palayo ng muling umungol ang nasabing tinig..

This time mas malakas ang naging pag ungol nito..

Nanayo ang mga balahibo ni Zack sa batok..

Bibirahan na sana nya ng alis ng parang may kakaiba.

Dinikit nya ang tenga sa pinto ng kwarto ni Sab..

Lalong narinig nya ang pag ungol.

Nanlaki ang mga mata ng binatilyo..Di kaya nananaginip si Sab?..Baka binabangungot ito?..

Atubili syang buksan ang pinto ng kwarto ng bata..

Baka kapag nagkamali sya at mapagsabihan pa sya na basta basta na lamang pumapasok..

Pero mukhang lalong lumalakas ang pag ungol..

Di na nagdalawang isip pa si Zack, pinihit nya ang door knob..

Dahil sa maliwanag ang kwarto, agad nahagip ng kanyang mga mata ang batang si Sab na tila may dinadaing na sakit..

Tinakbo ni Zack ang distansya..

Inalog nya ang bata ..

"S-sab..Gising.." untag ni Zack..

Ayaw magising ni Sab..Ungol lamang ito ng ungol..

Walang ibang maisip na paraan si Zack kundi ang saktan ang bata..

Napapikit sya ng marinig ang malakas na lagatok ng kanyang palad sa makinis na pisngi ni Sab..

Masarap ang naging panaginip ni Sab.. Nasa paraiso daw sya kasama ang isang walang mukhang lalake..Matangkad ito ng di hamak sa kanya..

Hawak nito ang isang pirasong bulaklak at sa nakikita nya ay papalapit ito sa kanya..Napangiti ng maluwang si Sab..Di nya maintindihan ang nararamdaman pero masarap na masarap ito sa pakiramdam..

Papalapit na ang lalake, sa wakas ay nakalapit na ito sa kanya at inabot ang isang pirasong puting rosas..

Maraming regalo ang nasa likuran nya..Pero kataka takang ang isang pirasong bulakbalak na galing sa lalake ang nakapagbigay sa kanya ng di masukat na tuwa..

Inamoy nya ang bulaklak..Muling tiningnan ang lalake ..Pero nanlaki ang kanyang mga mata ng may makita syang isang halimaw sa likod nito..Kinain ang lalake.

Sigaw sya ng sigaw..Pero walang lumalabas na boses sa bibig nya..

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw ..

Gulat na dumilat si Sab..

Unang tumambad sa paningin nya ang maamong mukha ng binatilyo..

Kahawig nito ang lalake.. Automatikong napayakap si Sab kay Zack..

Nagtataka man, ginantihan ni Zack ng yakap ang bata..

Bigla na lamang itong umiyak..

Hinagod nya ang likod nito..

"Hey !..What happened here?.." tanong ni Saimon..

Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng boses at nakita nya ang among lalakeng palapit sa kanila..

Kunot ang noo nito ng makitang umiiyak ang unica hija.

Agad kinalas ni Zack ang yakap pero ayaw ni Sab..

Nahihiyang nagpaliwanag ang binatilyo ..

"Eh kanina po kasi nagwawalis ako dyan sa labas..Narinig ko pong umuungol si Sab.." mahinang paliwanag nya..

Napatango si Saimon..

Nahihiyang pilit kinakalas ni Zack ang pagyakap ng bata pero ayaw talaga nitong bumitaw..

"S-sab..Eto na Daddy mo.." sabi ng binatilyo..

Parang nuon lamang napagtanto ni Sab kung nasan sya..

Agad itong kumalas ng pagkakayakap kay Zack sabay dinamba ang Daddy nito..

Napangiti naman ang ama..

Hinagod nya ang likod ng anak..

"L-labas na po ako.." paalam ni Zack..

"Salamat iho..Kung di dahil sayo..Baka kung ano ng nangyari dito sa anak ko..Maraming salamat talaga.." sabi ng lalake..

Ngumiti ng kimi si Zack..Dinampot nya ng muli ang walis sabay labas ng kwarto..

Ilang oras ang lumipas..Himalang maagang nagising ang ina ni Sab..Naibalita na dito ang nangyaring insidente at ganun na lamang din ang pasasalamat nito kay Zack..Kiming tinanggap naman ng binatilyo ang pasasalamat ng mga amo..

Para sa kanya..Balewala ang ginawa nya..Nagkataon lang na sya ang nanduon ng mga oras na iyon..

Tahimik silang sabay sabay na kumain..

Matapos kumain ni Saimon.. Binalingan nya ang binatilyo..

"Oh iho..Handa ka na ba sa first day mo?.. " nakangiting tanong ni Saimon..

Tumango si Zack..

"Sabay na kayo ni Sab papasok mula ngayon..Kasi isang sched lang naman lahat ng levels don..From Grade 1 to Grade 6...So magsasabay na kayo.." sabi muli ng lalake..

Muling tumango si Zack..

Ilang saglit pa..Sabay ng umalis ang mga magulang ni Sab..

Dahil maagang nagising..Nagawang makapanuod ng bata ng mga cartoons na pang umaga..

Nagdidilig ng halamang si Zack ng sitsitan sya ng nanay nya.

"Mag aalas nuebe na anak...Maligo ka ulit.." tawag ni Ditas..

Tumango si Zack at dali daling pinatay ang hose...

Dinaanan nya ang batang tahimik na nanunuod.

Mabilis syang naligo at nagbihis..

Isusuot na sana nya ang uniform ng pumasok ang nanay nya..

"Anak..Wag ka muna mag polo..Asikasuhin mo muna si Sab..Ayaw sa akin eh.." sabi ni Ditas..

Napasimangot si Zack..

Natawa naman ang nanay nya.

"Sige na anak..Sayo gusto eh...Bilisan mo ay mamaya andyan na yung school bus.." sabi ni Ditas..

Tumango si Zack.

Mabilis nyang pinuntahan ang kwarto ni Zack..Naabutan nya itong nakabalot ng twalya habang nakaupo sa kama..

Sumimangot ang bata pagkakita sa kanya.

"Baket ngayon ka lang?.." tanong ni Sab..

Napakamot sa batok si Zack.

"Syempre magbibihis din ako..Dapat nagpabihis ka na kay Nanay eh.." reklamo nya..

Umiling si Sab..

"Ayaw.." sabi nito.

Gigil na lumapit si Zack sa closet ni Sab..

Mabilis nyang inipon ang lahat ng gagamitin ng bata.

Habang binibihisan nya ito..Pangiti ngiti si Sab..

"Di pwedeng laging ako ang magbibihis sayo Sab..Syempre lalake ako at babae ka..Darating yung time na di na pwede talaga kahit anong pilit mo pa.." pangaral ni Zack..

Hagikgik lang ang isinagot ng bata.

"Oh ayan na..Tara na..Malapit ng dumating yung school bus eh.." sabi ni Zack.

Tumango si Sab..

Nginuso nya ang bag nya..Inis na dinaklot ni Zack ang mga gamit ng bata at nagpauna na sa labas..

Sumunod sa kanya ang bata..

Sinigurado muna ni Zack na walang nakasinding electrical appliances bago muling lumabas at isara ang pinto..

Pagbaba nila nasalubong nila ang nanay nyang nagpapagpag ng sofa.

"Oh mag ingat kayo ha?.. " nakangiting sabi ni Ditas..

Tumango si Zack.

"Opo Naynay.." biglang sabi ni Sab..

Nabigla ang mag ina.

Napangiti na lang si Ditas..

Eksaktong narinig nilang may bumusina..

"Oh..Maaga sila ngayon..Mag aaral kayong mabuti ha?.." nakangiting paalam ni Ditas..

Hinatid nya ang mga bata sa gate ..Kumaway pa sya sa mga ito bago muling pumasok sa bahay..

Naupo si Sab sa pwesto nya..

Tinapik nya ang katabing pwesto para dito na maupo si Zack..

Naupo naman ang binatilyo.

Ilang saglit pa, nasa kalsada na ang sinasakyan nilang school bus..

"Eto na.." sa isip isip ni Zack..

Lalong bumilis ang tibok ng puso nya ng pumasok sa malaking gate ang school bus..Dumiretso ito sa parking area kung saan nakaassign ang mga school bus ng eskwelahan..

Matapos mamatay ng makina..

Isa isang nag babaan ang mga estudyanteng lulan nito..

Binuhat muli ni Zack ang bag ni Sab sabay inalalayan itong makababa ng bus..

Hinatid nya sa kwarto nito ang bata..

Hanggang sa upuan..

Bago umalis ay binilinan nya muna ito..

"Sab, bago umuwi dito ka lang ha?.." bilin nya sa bata..

Tumango lamang ito..

Lumapit si Zack sa teacher ni Sab..

"Ahm Ma'am..Ako po ang magsusundo kay Sab mamaya.." sabi nya.

Ngumiti ang guro at tumango..

Matapos nito, kinawayan ni Zack si Sab..Gumanti naman ng kaway ang bata sa kanya.

Bumaba na sya ng building ng mga Grade 1 at Grade 2..

Lumipat sya sa katabing gusali kung saan naka assign ang mga Grade 3 at Grade 4 students na tulad nya..

Nilabas nya ang kapirason papel mula sa bula..

"Room 332, Third floor.. Left wing.." basa ni Zack..

Nasa third floor na sya..Kumaliwa sya at isa isang tinitigan ang mga nakalagay na numero sa itaas na bahagi ng pinto ng bawat kwarto..

Sa wakas narating na nya ang nasabing kwarto.

Dahan dahang sumilip si Zack..

May mga estudyante na..

Lalong bumilis ang tibok ng puso nya ng makitang nag kakasayahan ang mga ito..

Halatang mayayaman ang pinanggalingang pamilya..

Sumandal si Zack sa pader at lumunok..

May dumaang guro sa harap nya ..

"What are you doing here?.." tanong nito.

Ngumiti si Zack..

"B-bago lang po ako..Ako po yung transfer.." sabi nya.

Tumango ang babaeng guro..

"Oh ikaw pala yon..Sige na pasok ka na.. " sabi nito..

Alumpihit na sumunod si Zack sa Teacher..

Pagpasok nito ay tahimik na pumasok din si Zack sa kwarto..

Nagsibalikan ang mga estudyante sa mga upuan nito..

"Good Morning Class.." bati ng guro..

Sabay sabay na bumati ang mga estudyante.

"Goooood Mooorrnnniiingggg Ma'ammmm.." sabay sabay na sabi ng mga ito.

"Okay class..May bago tayong classmates..Hey, come here..Introduce yourself.." nakangiting utos ng guro..

Tahimik na lumapit si Zack at tumabi dito..

Nakayuko sya at kipkip ang bag..

"A-ahm..M-my N-name is Zack Hidalgo..Magandang Umaga.." nahihiyang sabi nya..

Nagtawanan ang mga estudyante sa kanya..Lalong kinabahan si Zack..

"Oy wag nyo naman syang tawanan..Nahihiya kasi ang bago nyong classmates..So, hmm..Hidalgo..Dun ka sa tabi ni Cherry, Gwen move to the next chair..Ganun din kayo guys para maging alphabetical pa rin.." utos ng guro..

Napaungol ang mga estudyante habang isa isang nag si-usog ng silya..

Lumapit si Zack sa bakanteng upuan at tahimik na umupo..

"Okay.. So since na bago ka palang dito Zack, listen ka muna okay?.." sabi ng guro.

Tumango si Zack..

Nilabas nya ang isang notebook na bago..Habang nakikinig, nag tatake down notes sya para kahit di pa sya kasali..Makakasabay na sya sa mga susunod na araw..

Habang nagsusulat ang guro..Kinalabit si Zack ng tao sa likod nya..

Napalingon naman agad sya..

Nakita nyang nakangisi ang lalakeng kaklase nya sa likod..

"Yo..Ako nga pala si Garry..Nice meeting you pare..Zack right?.." tanong nito..

Tumango si Zack..Muli syang umayos ng upo..

Ayaw nyang mapagalitan ng guro at sabihan ng maingay..

Pero muli syang kinalabit ng katabi naman nya..

Pagtingin nya..Magandang mukha ng kaklaseng babae ang nakangiti sa kanya.

"Ano ba yang notebook mo?.. Si batman?.." mahinang tanong nito.

Nagtawanan ang mga kaklase nyang nakarinig.

Hiyang hiyang tinakpan ni Zack ang notebook gamit ang braso.

Ngumiti sya ng kimi ..

"Suplado pala nito..Teka yung sapatos mo .Parang ang laki ata?.." tanong muli nung Garry..

Lalong nahiya si Zack..

Medyo malaki talaga ang pinili nyang sukat ng sapatos nuong namimili pa sila ng amo nyang si Saimon..Ang katwiran nya..Kahit pa lumaki na sya at lumaki na rin ang paa nya..Magagamit nya pa ito..

Tahimik nyang pinagdikit ang mga paa..

Nagbungisngisan ang mga kaklase nya.

Napalingon ang guro..

"What are you laughing at?.." tanong nito.

Natahimik ang mga estudyante..

Nakataas ang isang kilay na pinagpatuloy muli ng guro ang pagsusulat..

Ilang saglit ang lumipas..

Natapos na ang first subject nya..

Tahimik lang na hinintay ni Zack ang susunod na guro..

Nilapitan sya ng kaklase nyang si Garry at inagaw ang bag nya..

Kinalkal nito ang mga laman..

Nanlaki ang mga mata ni Zack ng ilabas nito ang isang lumang kwaderno nya..

"Hey..Ano to?..Antique?.." tanong nito..

Inagaw ni Zack ang bag nya pero pinasa nito sa isa pang kaklase ..

Nagtawanan ang mga estudyante sa loob.

Binuklat nung Garry ang notebook nyang luma at napangisi ito..

Kinalkal din nung isang kaklase nya ang bag nya..

Kunot noo nitong nilabas ang baunan ni Zack..

Nanlaki ang mga mata nya..

Inabot nung kaklase nyang lalake ang baon na pagkain ni Zack duon sa Garry..

"Uy ano to?.. Boyscout ka ah..Teka anong ulam?.." sabi nito..

Hiyang hiya si Zack na binawi ang bag..Pero di nya makuha ang baon nya..

"Naks..Teka anong tawag dito guys?.." tanong ni Garry..

Hawak ng dalawang daliri..Tilang diring diring tinaas ni Garry ang isang pirasong galunggong na baong ni Zack..

Nagtawanan ang mga kaklase nya..

Napikon si Zack..

Ang pirasong galunggong na ito ay luto ng kanyang ina.

Ayos lang na sya ang laitin .. Wag lang ang luto ng nanay nya..

Galit na tumayo si Zack..

Nilapitan nya si Garry na napatingin din sa kanya..

Nanliit ito ng lumapit sa kanya si Zack..

Mas matangkad syang di hamak dito.

"Ibalik mo na yan please.." pakiusap ni Zack.

Akala nya nasindak na nya ang ungas..Pero nagulat sya ng itapon nito ang ulam nyang galunggong sa bintana..

Lalong nagtawanan ang mga kaklase nya..

Parang nakakalokong ngumisi lang si Garry..

"Gusto mo yong basurang yon?.. Eh di kunin mo dun sa likod ng school.." sabi nito.

Pinigilan ni Zack ang mapikon..Ayaw nyang ipatawag dito ang nanay nya..

Tahimik syang naupong muli sa upuan at yumuko na lamang..

"Hey guys..Wag naman kayong mean sa kanya..Ano bang ginawa nya sa inyo?.. " boses ng isang babae..

Napalingon si Zack sa pinanggalingan ng boses..Pagtingin nya ay maamong mukha ng kaklase nya ang nakita nya..Nakasimangot ito kay Garry at nilahad ang isang palad..

Napasimangot si Garry...

"Sus..KJ mo naman..Nagbibiro lang eh.." sabi nito..

"Di ka nagbibiro Garry..Pinagkakatuwaan nyo sya..Wala naman syang ginagawang masama sa inyo.." sabi pa ng babae.

Inis na inabot ni Garry ang baong kanin ni Zack..Nakangiti namang inabot ito ng babae sa kanya..

"Oh..Sorry nga pala sa mga classmates natin especially kay Garry ha?..Anak kasi ng Teacher kaya mayabang.." malakas na sabi nito..

Nahiya naman si Garry sa sinabi ng babae..Muli itong naupo sa upuan nito at sumimangot.

Nilahad ng babae ang palad nito kay Zack..

"Hi, I'm Gwen.." sabi nito..

Ngumiti si Zack..Tahimik nyang tinanggap ang malambot na kamay ng kaklase..Maganda ito at maputi...Kita nya pa ang pantay pantay at mapuputing ipin nito..

Nagblush si Zack ..Dahan dahan nyang muling sinilid ang baong kanin at nanahimik na lamang..

Ilang saglit pa..

Mabilis na lumipas ang oras..

Nag bell na..Senyales na lunch break na.

Isa isang nagtayuan ang mga kaklase ni Zack

Sya na lamang ang natirang nakaupo..

Binuksan nya ang bag..

Napabuntong hininga sya ng makita ang kanin na baon nya..

Gutom na sya...

Naalala nya si Sab..

Sinara nyang muli ang bag at sinukbit..

Baka kasi pagbalik nya ay makita na naman nyang pinaglalaruan ito ng mga kaklase..

Tahimik na tinahak ni Zack ang building ni Sab..

Pagdating sa second floor..Sinilip nya ang kwarto ng bata..

Napangiti sya ng makita ang kinakain nito..

Maraming nakahatag na pagkain sa harap ni Sab pero parang tamad na tamad itong kumakain..

Nakaramdam ng inggit si Zack..

Kumalam ang sikmura nya...Nagpasya syang bumaba na lamang sa school grounds at duon palipasin ang lunch break.

Isang oras ang itatagal ng tanghalian..

Kumalam ang sikmura nya..

Muli nyang binuksan ang bag..

Nagdalawang isip sya kung kakainin ba ang baong kanin o hinde..

Napansin nya ang isang bench..

Tahimik na tinungo ito ng binatilyo at tahimik ding naupo..

Muli nyang kinapa ang kanin na baon nya..

Napabuntong hininga ang binatilyo..

Kinapa nya ang bulsa..

Nanlaki ang mga mata nya ng may makapang pera..

Natawa si Zack ng mahina..

"Ayos.." sa isip isip nya..

Nilabas nya ang pera at binilang..

"Hmm..P7.50..Pwede na siguro itong pambili ng ulam.." sa isip isip ni Zack.

Mabilis nyang sinara ang bag ..Sinundan nya ang bungkos ng mga estudyanteng papunta siguro sa canteen..

Napangiti sya ng makita ang malaking kainan ng mga estudyante..

Nakisiksik si Zack..

May pila pala..

Bumalik sya at hinanap ang dulo ng pila..

Mabilis naman ang naging serbisyo ng mga serbidora kaya ilang saglit lang ay malapit na si Zack..Dalawang tao na lang bago sya..

Nakikita na nya ang mga katakam takam na ulam..

Natapos ng pagsilbihan ng serbidora ang isa ..Umusad ang pila.

Pangalawa na sya pero nanlumo si Zack ng makita ng malapitan ang mga presyo..

Sinuyod nya ng tingin ang bawat ulam na nakadisplay..

Walang bumababa ng sampung piso..

10 pesos ang pinakamurang ulam..

Yung tortang talong..

Lumong lumong umalis si Zack sa pila..

Matamlay syang naglakad muli pabalik sa bench kung saan sya nakatambay kanina.

Gutom na talaga sya.

Tumingin tingin sya sa paligid..

Nagpasya syang magtago na lamang at buksan ang bag.

Pasimple syang kumutsara ng kanin..

Mabilis nya itong sinubo at nginuya..

Pinigilan ni Zack ang maluha.

Kailangan nyang magtiis..

Mabilis nyang nilunok ang kanin at muling kumutsara..

Kinalahati na lamang nya ang kanin nya..Ayos sana kung may ulam sya..Mauubos nya ang baon ..Pero malas nga..

Tiniis nya ang walang lasang tanghalian..

Lumuha si Zack..

Nagpasya syang magpahinga na lamang at wag ng ubusin ang baon..

Kailangan nya ng tubig..

Muli syang lumakad pabalik sa canteen..Konti na lamang ang mga estudyanteng nakapila at kumakain..

Naglakad lakad sya para mag hanap ng murang inumin..

Pero malas talaga..

Wala talagang nagkakahalaga man lang ng limampiso..

Bottled water na maliit ang pinakamura..

Sampung piso ito..

Bumuntong hininga si Zack..

Matamlay syang naglakad palabas ng canteen..

Kahit di pa tapos ang lunch break ay bumalik na sya sa classroom nila.

Nasa hagdan sya ng masalubong si Gwen..

Napangiti ito ng makita si Zack.

"Uy.. San ka nag lunch?.. "tanong nito..

Ngumiti lang si Zack..

Nakita nyang may hawak na mineral water si Gwen..

"Uy pasuyo naman o..Pakitapon naman ito sa trashcan dun sa baba..Nakakatamad na kasing bumaba eh.." ungot nito..

Ngumiti ng kimi si Zack..Napansin nyang halos wala pang bawas ang bottled water nito..

Tinanggap nya ang tubig at muling bumaba ng hagdan..

Malapit na sya sa basurahan ng sulyapan nya ang paligid.. Pasimple syang nagtago at binuksan ang tubig.

Uhaw na uhaw sya...

Mabilis nyang inubos ang tubig na pinapatapon ni Gwen..

Ng makaraos...Napangiti si Zack at nagpasalamat sa Panginoon sa pagraos ng tanghalian nya..Imbes na itapon..Sinilid nya sa bag ang plastic na bote at muling tinahak ang hagdan paakyat sa classroom nila..Pwede nyang gamitin ito para paglagyan ng tubig sa susunod na mga araw..

Pababa na sana si Gwen ng may maalala syang itanong kay Zack..Hinabol nya ang binatilyo ..Napangiti sya ng makita itong papalapit sa basurahan pero nanlaki ang mga mata nya ng bigla nitong inumin ang pinapatapon nyang tubig..

Nakaramdam ng awa si Gwen sa kaklase..Batid nya sa simula pa lamang na mahirap lamang ito..Nagulat sya ng makitang pabalik na ang binatilyo matapos nitong isilid sa bag ang binigay nyang plastic bottle..Mabilis syang umakyat ng hagdan..

Umakyat muli si Zack sa classroom..Solve na ang tanghalian nya..Kahit na papaano ay nakaraos sya..

Tahimik syang nakinig sa guro..

Di nya alintana ang patingin tingin na kaklase na si Gwen sa tabi nya..

ITUTULOY !!!...

More from supertoyantz

Related Stories

Filipino Sex Stories

Kusina Chronicles 4: Salad

AdobongLamok

Muling nagkiskisan ang mga labi namin. Banayad lang ang naging halikan namin pero kapwa malalim ang aming paghinga at malakas...

12 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

My First Encounter With Anna

ryxdav

(A continuation of the story about my first night with a woman named Anna ...) ******** Pumatong na agad ako sa kanya...

4 minutes Read Time