1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 9
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 9

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 9

First day of Class..

Maaga pa lamang ay nakabihis na si Zack..

Kanina pa sya pa balik balik sa labas ng kwarto ni Sab para hintayin itong matapos sa pagbibihis..

Ilang saglit lang ay nagbukas ang pinto..

Humalimuyak ang mabangong amoy mula sa dalagita.

Saglit natigilan si Zack..

Mabilis nyang pinasadahan ng tingin si Zab na abala sa pagsusuklay ng mahabang buhok.

"Tara na kuya.. Nasan si Dad?." tanong nito.

Napalunok si Zack..

Pinilig nya ang ulo.. Pilit ginigising ang sarili sa isang tila bangungot na sitwasyon nya.

"K-kanina pa naghihintay sa atin.." mahinang sabi nya..

Nagpauna na sa paglalakad ang dalagita..

Sinara na lang ni Zack ang pinto ng kwarto nito at sumunod..

"Oh.. Mag aaral mabuti ha?.." bilin ni Saimon..

Tumango ang dalawa.

Nakangiting pinasibad ng lalake ang kotse nito ..

Napatingin si Zack sa dalagita...

"Kuya.. Hatid mo muna ako.." utos ni Sab..

Tahimik na sumunod ang binata.

Habang nasa daan..

Walang kibo si Zack..

Kagabi pa sya di mapakali..

Alam nyang bawal..

Imposibleng mag karoon ng katuparan ang pangarap nya..

Nasa kalagitnaan ng pag iisp si Zack ng magsalita ang dalagita..

"Kuya.. Lampas ka na." natatawang sabi nya..

Umangat ang ulo ni Zack at maging sya ay natawa dahil dalawang kwarto na pala ang lampas nya..

Kakamot kamot syang bumalik sa tapat ng kwarto ni Sab.

"Lalim ng iniisip ah.." biro nito..

Ngumiti lang ng kimi si Zack at nag kibit balikat..

"So paano.. Kitakits na lang mamaya.." nag paalam na si Sab..

Pasimpleng pinagmasdan ni Zack ang dalagita..

Matapos nito..

Marahan syang naglakad patungo naman sa kanyang silid..

Maaga pa sila kung tutuusin..

Konti pa lang ang mga estudyanteng nanduon kaya malayang nakakapag isip si Zack..

Batid nyang malabong mangyari ang nais ng puso nya..

Pero wala syang magawa..

Malakas talaga ang hatak ng nararamdaman nyang ito para kay Sab..

Ano na lamang kaya ang iisipin ng dalagita kapag nalaman nito ang kayang pagsinta..

Ah...

Malamang na gumulong ito sa kakatawa..

Oh di kaya ay magalit sa kanya..

Baka palayasin silang mag ina kung magkataon..

Nahindik si Zack sa naisip.

Maaari nga..

Baka isipin pa ni Sab na kaya pala sya mabait dito ay dahil mayroon syang lihim na pagnanasa..

Lalong kinilabutan si Zack sa maaaring mangyari kapag nabunyag ang lihim nyang pag-ibig para sa anak na babae ng kanyang mababait na amo.

Kailangan nyang maging lalong maingat sa pagtatago nito..

Ayaw nyang masira ang pag titiwalang ibinigay ng mag asawa sa kanilang mag ina..

Napakalaki na ng naitulong ng mga ito..

Gusto nya pang makatapos ng pag aaral at maging isang tanyag na doktor balang araw..

Kailangan nyang sikilin ang nararamdaman..

Kung hindi man nya kakayanin.. Kailangan nyang masusing itago ito.. Kahit sa kanyang ina..

Napabuntong hininga na lamang si Zack sa naisip.

Ibabaling na lamang nya ang atensyon sa pag aaral at pag lilingkod ng tapat sa pamilya nina Sab..

Mabilis lumipas ang mga araw..

Ang araw ay naging linggo..

Ang linggo ay naging buwan..

Natanggap sina Zack at Denzel sa pagiging varsity ng school..

Bagama't paminsan minsan lamang siyang nakakadalo sa mga pagsasanay nila..

Nauunawaan naman sya ng magaling nilang coach.

Ayos lang dito kahit isang beses isang linggo lamang siyang maka attend..

Batid kasi nito ang paninilbihan nya sa pamilya nina Sab..

MAbait din ang nasabing coach..

Araw ng Sabado..

Maagang nagising si Zack..

Bagama't walang pasok sa eskwela.. Kailangan nyang pumunta dito upang dumalo sa praktis nila..

Nakaligo na sya at nakabihis..

Kasalukuyan na lamang syang nag aalmusal.. Para kahit paano ay mayroon syang lakas..

Patapos na sa pagkain si Zack ng pumasok si Sab sa kusina..

Nagulat pa ito ng makitang nakasuot ng lumang sando na pang basketball ang binata..

"San ka pupunta?.." tanong ni Sab..

Kibit balikat lamang si Zack at mabilis na inubos ang kinakain.

Napasimangot si Sabina..

"Sabi ko saan ka pupunta?.." tanong muli nito..

Tumingin si Zack sa dalagita..

"Sa school... Aattend ng praktice." maiksing paliwanag nya..

Napaismid si Sab..

Lately napapansin nyang nagiging tahimik na ang binata..

Di nya maintindihan pero parang nalulungkot sya dahil di na ito malambing sa kanya..

Sa twing magsasalubong sila sa bahay ay laging ngiti at tango na lamang ang sinasagot nito sa pagbati nya.

"Kuya... Iniiwasan mo ba ako?.." tanong ng dalagita..

Natawa ng mahina si Zack..

Mabilis nyang hinugasan ang pinagkainan at binalik ito sa lalagyan..

"Bakit naman kita iiwasan?.." maasim na tanong nya...

Nakatalikod sya sa dalaga habang nag pupunas ng mesa.

Nagdabog si Sab..

"Humrap ka nga !.." hiyaw nya..

Napakunot noo si Zack sa pagsigaw ng dalagita..

Hinarap nya ito at pilit na tiningnan sa mga mata .. Pero talagang di nya kaya.. Mabilis syang nagbaling ng tingin sa ibang direksyon..

Dinutdot ni Sab ang dibdib ng binata.

"Hoy !.. Ang yabang mo na ah.. Porke varsity ka na .." sita ng dalagita..

Ngumiti ng kimi ang binata..Pagkuwa'y umiling..

"Grabe ka naman.. Sige na .. Male-late na ako sa practice eh..Mamaya na lang ulet.." pag iwas ni Zack..

Pero humarang sa daan ang dalagita..

"Eh kung ayaw kong paalisin ka?.." pag hamon nito..

Natulala si Zack..

Napatingin sya sa babaeng nasa harap nya..

Nakasimangot si Sab at nakatingala sa binata..

"B-bakit naman?.. T-tapos na yung mga gagawin ko..Nahugasan ko na din yung kotse ng tatay mo.. Nakapagdilig na din ako.." mahinang sabi ni Zack..

Ngumuso si Sab..

"Eh ano.. Eh sa ayaw kong paalisin ka eh.. Magagawa mo?.." taray nya..

Napalunok ng laway si Zack.. Tama si Sab..

Kung ano ang nais nito.. Magagawa nito..

Tahimik nyang binaba ang lumang bag na naglalaman ng sapatos luma din at ngumiti ng malungkot kay Sab..

"S-sige.. S-sabi mo eh.." mahinang sabi ni Zack..

Naguilty naman si Sab..

"Sus.. Nakabihis ka na eh.. Sa susunod.. Bago ka magplano na aalis ka.. Magpapaalam ka muna saken.. Wag kay Daddy dahil syempre mahihiya yon na tanggihan ka.." pagtataray pa ng dalagita..

Di nya maintindihan ang sarili..

Naiinis sya sa sinabi ng classmate nyang si Princess na baka daw may pinopormahan na ang Kuya Zack nya kaya lately ay di na sya nito masyadong pinapansin..

Malungkot na napangiti si Zack.. Dahan dahan syang tumango sa among babae..

"Good. Sige na .. Basta bilisan mo lang.." utos ng dalagita..

Mabilis itong lumabas ng kusina at tumakbo paakyat sa kwarto..

Nagngitngit ang loob ni Zack..

Pero wala syang magawa..

Tahimik nyang sinukbit muli ang lumang bag at dahan dahang lumabas ng bahay..

Sinigurado nyang nakasara ang gate at main door bago sya naglakad palayo sa malaking bahay nina Sab..

Malalim ang iniisip nya..

Nahihiya sya sa sarili..

Nuon lamang syang nakaramdam ng pagkatalo..

Si Sab lamang pala ang makakapagbigay sa kanya ng ganitong pakiramdam..

Parang maagang naubos ang lakas ni Zack sa naging usapan nila ng dalagita.

Nakalabas na sya ng subdivision na tulala.

Ni hindi nya nagantihan ang kaway ng security guard at ang pagbati ng tindero ng yosi sa tabi nito na naging kaibigan na rin nya..

Malungkot na pumara ng jeep si Zack.

Mabilis syang sumakay sa di gaanong puno na jeep.

Agad syang dumukot ng pera sa bulsa..

Binilang nya ang barya sabay inabot sa kalapit na pasahero.

"Manong bayad ho.. Dyan lang ho sa kanto.." mahinang sabi ni Zack..

Inabot naman agad ng katabi nya ang bayad nya..

Muling binilang ni Zack ang natirang barya..

Kailangan nyang magtipid.

May baon syang tubig at biskwit kung sakaling magugutom sya sa kalagitnaan ng practice..

Ayaw na nyang magpalibre pa kay Denzel.

NApakalaki na ng utang nya sa kaibigan..

Umusog si Zack sa pinakadulong pwesto..

Sa malapit sa pinto at malungkot na pinagmasdan ang mga nadaraanan nila..

Mabilis ang naging byahe ni Zack..

Di masyadong matrapik dahil sa bukod sa umaga, araw pa iyon ng sabado..

"Sa tabi na lang ho manong.." sigaw ni Zack.

Mabilis syang bumaba..

Tiningala ang arko na nagsasabi ng pangalan ng pangmayamang eskwelahan kung saan sila nag aaral ni Sab..

Muli syang napabuntong hininga ng maalala ang dalagita.

Tahimik syang pumasok sa loob..

Dumiretso na sya sa gym ..

Nanduon na ang kaibigan si Denzel pagdating nya..

Nakasapatos na ito at kasalukuyang kumakain ng kung ano..

Tumabi sya sa kaibigan..

Napangiti ito ng makita sya at agad inalok ng kinakain..

"Pare oh.. Niluto ni Mommy eh..Sarap pre.." nakangiting alok ni Denzel..

Tumanggi si Zack..

"Takaw mo pre.. Dapat di ka kumakain ng marami kasi maglalaro tayo eh.. Baka magkasakit ka ng apendicitis nyan eh.." pangaral nya..

Natawa lang si Denzel..Pero tinigil na di nito ang pagkain ..

"Sabi mo eh.. Oh bakit parang nalugi ka ata sa sugal?.. " biro niya..

Natawa si Zack ng mahina..

"Wala pre.. Himala.. Andami natin ngayon.." puna nya..

Pinagmasdan din ni Denzel ang mga kasamang varsity .. Halos kumpleto sila.. Isa na lamang ata ang kulang..

"Syempre.. Sa susunod na linggo na umpisa ng InterSchool eh..Nakausap ko nga pala sina Primo.. Di daw sila sumali ni Vincent..Ayos to pare.." nakangiting sabi niya..

Napangiti din si Zack ..

"Ganon ba talaga sila kagaling?.. Bakit mo iniiwasan?.." tanong nya sa kaibigan..

Nagkibit balikat si Denzel..

"Pare parehas lang tayo.. Si Gustavo kasali din sana kaso yung magpinsan na yon ay mas inuna pa ang pambababae..Si Vincent ata may tigdas.. Ewan ko..Basta ang mahalaga.. Di na natin sila makakalaban kung sakali.. Di naman yung galing nila ang iniiwasan ko.. Ayos nga yon eh.. Ayaw ko lang talagang magkabanggaan tayong magkakaibigan.. Basta.. Di naman natin pwedeng sabihin na gawin na lang nating friendly game.. Eh baka magreklamo yung mga ibang members di ba?.. " paliwanag pa ni Denzel..

Tumango tango si Zack..

"Sinong Gustavo?.." tanong nya..

Uminom muna saglit ng malamig na tubig si Denzel bago sinagot ang tanong ng kaibigan..

"Ah.. Pinsan ni Primo.. Tropa din pare.. Nakakatawa nga yon eh.. Sa dinadami dami ng pwedeng gawing pangarap.. Yung maging sikat na DETECTIVE pa ang napili..Baliw yun eh.. Pero infairness.. Magaling talaga sya sa puzzles.." purin nito..

Tumango tango muli si Zack..

Nag kwentuhan pa sila saglit bago dumating ang mabait nilang coach..Pero may kasama itong matangkad na lalake..

"Okay boys.. Assemble.." sigaw nito..

Agad silang lumapit sa gitna..

"Good Morning.." bati pa ng coach..

"Good Morning Sir.." sabay sabay nilang bati..

"As you can see.. May kasama ako.. Pamangkin ko sya from states.. Di naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na malapitp na din akong mag retire.. And since na wala pang papalit.. Eto na munang si Derik ang magiging substitute ko.. He's a former varsity member..Last year lang sya grumaduate from Miami Florida..And since na vacation pa sa kanila.. Dito na muna sya.. Nagcocoach din sya ng basketball sa mga high school students dun sa Miami..Okay lang ba?.." paliwanag ng mabait na Coach..

Nagkatinginan ang mga players..

"Oks lang sir.." sabi ni Denzel.

Isa isa silang nag sitanguan..

"Okay Derik.. Pakilala ka muna.. Kayo na bahala dito guys... Dito lang ako sa tabi.." sabi ng coach..

Ngumiti si Derik sa tyuhin ..

"Okay boys.. Assemble.." ma-otoridad na sabi nito..

Agad na sumunod at pumila ang mga players..

Napangiti si Derik..

"Okay first of all.. I am Derik Spolstra.. I graduated from Miami University last year.. I finished my course Engineering, Major in Computer.. Blah blah blah..Wag nyo ng alamin ang mga kalokohan ko." biro nito..

Nagtawanan ang mga players..

Unti unting napalagay ang loob nila sa bagong Coach..

"Wala ng question and answer portion ah.. Mahina ako dyan eh..Treat each other as brothers.. Tapos ako ang Kuya.. You can call me Kuya Derik.. Wag na Coach.. Para di nakakailang.. May isa lang akong request sa inyo.." sabi pa nito..

"Ano po yon Kuya?." epal nung isa..

Napangiti si Derik..

"Gusto kong kung paano nyo tratuhin si Uncle.. Ganuon din sana sa akin.." nakangiting sabi nya..

Nagkatinginan ang mga players..

NApangisi sa isa't isa..

"Are you sure sir?.." tanong ni Denzel.

Tumango si Derik at ngumiti ng matamis..

Pero nagulat sya ng bigla syang pagbabatuhin ng sapatos ng mga players..

Tawa ng tawa ang dati nilang Coach..

"Sabi mo yan sir eh.." tatawa tawang sabi ni Denzel..

Natawa na din si Derik.. Pinalampas na lamang nya ang kalokohan ng mga bago nyang players..

"Okay nadale nyo ko don.. Get moving guys.. So far balita ko your top 4 daw sa overall rankings ng highschool basketball..That's quite impressing.. Pero sad to say.. Di ako kuntento sa top 4 lang .. Alam kong kayo din.. So what are going to do is change everything.. From practices and drills.. Walang aangal sa hirap... Kung gusto nating mag ambisyon ng mataas.. Tiisin natin ang magiging konsekwensya nito.. We have to cooperate..Two weeks na lang ang natitira sa atin.. So guys.. I am challenging your guts..Are you in?.." paghamon ni Coach Derik..

Nagkatinginan ang mga players..

Nagkangisian sina Denzel at Zack..

Sabay pa silang tumango at sumigaw..

"Let's get it on ! .." sigaw nila..

Pagod na pagod si Zack pagkauwi nya..

Naubos ang pamahase nya sa kabibili ng tubig sa canteen..

Nahihiya naman syang mangutang kay Denzel kaya tiniis na lamang nya ang maglakad pauwi..

Malapit lamang naman..

Halos tatlumpung minuto nya ding nilakad ang daan pabalik ng bahay..

Nanghihinang binuksan nya ang gate..

Matapos isara at siguhing nakalock..

Matamlay syang lumapit sa pinto..

Di na nya kailangang kumatok dahil may sarili syang susi..

Sinuksok nya ang spare key sabay maingat na binuksan ang pinto..

Madilim na sa paligid..

Mukhang nagpapahinga na ang lahat..

Muli nyang sinara ang pinto..

"Saan ka galing?.." mahina pero madiing sita ni Sab..

Nabitawan ni Zack ang hawak na susi sa gulat..

Natawa pa sya ng makita si Sab sa likod nya at napakapamaywang..

Salubong ang kilay nito at halatang galit ang nasa mukha..

Kinalma ni Zack ang sarili..

"Sa practice.." mahinahong sabi nya..

Napaismid si Sab..

"Liar.. " sita nito..

Napangiti ng malungkot si Zack..

Nilampasan nya si Sab at akmang didiretso na sa kwarto nilang mag ina..

Pero hinagip ni Sab ang braso nya at marahas na pinaharap..

"Sinungaling ka.. Dapat kanina pa ang tapos ng practice nyo... It's past nine already !.." mahina pero gigil na tanong ni Sab.

Ngumiti si Zack.

"Ikaw.. Daig mo pa ang asawa ko kung makapagtanong ka.. Hindi ako nagsisinungaling.. Kahit itanong mo kay Denzel sa Monday.. Bago na kasi yung Coach namin kaya maraming pinagawa sa amin na bagong drills.." paliwanag nya..

Umirap si Sab... Di nya pinansin ang paliwanag ng binata.

Akmang aalis na si Zack ng kurutin sya ng madiin ni Sab sa braso..

Natawa lang si Zack.. Ininda nya ang sakit..

Gigil na pinagpapalo ni Sab ang likod ng binata.

"Siguro nakipagdate ka lang no..Aminin mo na kase.." bintang nya..

Nagbunyi ang loob ni Zack.. Pero ayaw nyang umasa..

"Di ko alam ang sinasabi mo.. At kung nakipag date man ako.. Di mo na siguro dapat pakialaman.." sabi nya..

Natulala si Sab..

Tama ang kuya nya..

Wala syang pakialam..

Pero hindi..

"Aba.. Ang yabang mo na ah !.. Katulong ka lang namin dito baka nakakalimutan mo !.." sigaw nya.

Huli na para bawiin ang nasabi..

Ngumiti ng malungkot si Zack..

"Alam ko.. Di naman ako nakakalimot eh.. Pero nagsasabi talaga ako ng totoo.. NAg practice kame.. Yun lang.. Kung may ipaguutos ka pa.. Pwede bang hintayin mo lang ako?.. Magbibihis lang ako.." malungkot na sabi nya..

NApailing si Sab..

"K-kuya sorry.." hinging patawad nya..

Pero tumalikod na si Zack..

Nagsimulang lumakad palayo..

Lumong lumo ang pakiramdam ni Sab..

Napakasama ng nasabi nya sa kuya nya..

Pero talagang kinakain sya ng kung ano mang nararamdaman nya kanina nuong wala pa ito..

Di nya maintindihan ang sarili..

Kung ano ano ang pumapasok sa isip nya na baka ginagawa ni Zack at ng nobya nito kung mayroon man..

Matagal bago nakabawi si Sab..

Nagsimula na syang lumakad ng masigurong di na babalik pa ang kuya nya..

Pero nagulat sya ng pagsinghot nya..

Luhaan na pala sya kanina pa....

ITUTULOY !!!