Candy, Kasama ba talaga ito?
By: Uncle
Heto ang araw na pinakakhihintay ko, ang araw na makikilala ko na siya ng personal, nagkakilala kami sa isang social site and bagaman paudlot udlot lng ang aming paguusap dahil na rin sa pareho naming schedule sa trabaho, ako ay sadyang nahumaling na sa kanya at sa kanyang angking kagandahan.
Naalala ko pa ng minsan isang gabi na hindi ako makatulog, ako ay nagdesisyon an magbabad sa internet at pumasok sa nakagawian kong social site na PL (baka alam niyo rin ito…he he he). Dito ko siya nakilala, nag pm ako sa kanya at di naman ako nabigo dahil bagamat medyo matagal sya bago sumagot sa pm ko ay sumagot din naman siya at kami ay nagumpisang mag chat sa isat isa. Kaunting pagpapakilala at aking nalaman na ang kanya palang asawa ay nasa abroad at nagiisa siyang nagtataguyod sa kanayang maga minamahal na supling. Independent siya at marunong tumayo sa isang paa at higit sa lahat simple at maayos kausap sa chat. Sa mumunting pagkakataong ito, nahulog ang aking damdamin sa kanya. (mabilis ano?) napakabait naman kasi niya at dama ko na agad iyon…
Mula noon lagi ko siyang inaabanagan at nagusisa din naman ako kung nagkaroon ba ba siya ng affair bukod sa kanyang hubby, wala pa naman daw pero may nanligaw sa kanya na taga Las Pinas at ito ay kanyang ikinatagpo upang magkape at meryenda. Sana ako na lang yun…. To make the story short iforward natin, nagdesisyon kaming magkita sapagkat may inaalok akong trabaho sa kanya dahil may plano kaming magbukas ng isang maliit na negosyo at nangangailangan kami ng isang babae na matalino, kaaya ayang tignan (maganda) at siyempre marunong magdala ng conversation. Sinabi ko sa kanya na magdala siya ng resume or bio data sa araw ng aming pagtatagpo.
Dumating ang araw na iyon at super excited ako, wow finally makikilala ko na siya in person. At hindi ako nagkamali, na late ako dahil sa sobrang traffic pero matiyaga siyang naghintay sa lugar ng aming tagpuan sa Trinoma. Kabado ako dhil baka naiinip na siya at umalis. Tinawagan ko siya sa cp niya at sinabi niyang nandun daw siya sa may bandang starbucks one level below sa may water fountain. Nagmamadali ang aking mga paa na tumungo sa kanyang kinaroroonan at aking nasulyapan ang isang magandang dilag, sexy, simpleng tignan na naka dress ngunit malalim ang iniisip, tinawagan ko cp niya ngunit di siya sumasagot so akala ko ay hindi sya yung kausap ko (although nakita ko na ang kanyang face sa avatar niya sa ym) and she looks so familiar at napakaganda niyang tunay… (Itutuloy)