1. Home
  2. Stories
  3. kristina
PSErotica

kristina

By stardust6969 ·

stardust6969 somebodyuused2know, this is for you as always. prologue las pinas city-present timeMagulo ang kwarto. Nagkalat ang mga gamit, ang mga kahon. Kalilipat lang ni Vincent sa maganda at bagong bahay sa isang subdibision. Hawak ang maliit na kahon. Iniisip kung saan ito itatago. Madilaw na ito sa katagalan, pero mahalaga ito kanya. Malaking bahagi ito ng kanyang buhay. Minsan, pag parang galit ang mundo sa kanya, ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang magpatuloy…lumaban sa hamon ng buhay. Maingat na binuksan ang kahon at Inilabas ang laman. Isang lumang sulat. unang yugtoquezon city, 1992-1993Marumi at masikip ang kalyeng yun sa Cubao. Dikit ang mga bahay. Nagkalat ang mga bata at istambay na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Nagdalawang isip si Vincent kung tutuloy pa, kaya lang , nakita na niya ang hinahanap na bahay. “Kayo po ba si Aling Amanda?” Tanong ni Vincent sa matandang nagbukas ng pinto.“Ako po si Vincent, kasamahan ko po si Joey sa trabaho. Nabanggit po niya sa akin na baka bakante pa ang kwartong dati niyang inupahan dito. Gusto ko po sanang makita kung maari.”“Halika, sumunod ka sa akin , dito sa kabilang pinto.”Pagpasok, bumungad kay Vincent ang hilera ng tatlong kuwarto sa kaliwa. Sa gitna ay may maliit na mesa at dalawang mahabang bangko. Sa kanan ay kusina at banyo. Binuksan ni Aling Amanda ang pinto sa gitnang kuwarto. Tulad ng inaasahan ni Vincent, napakaliit nito. May isang kama at isang makitid na mesa lang sa tabi nito. “Share kayo sa banyo, kusina at mesa. Kung okay sa iyo, limang daan kada buwan, isang buwan ang deposito.”“Sige po, kukunin ko po, bukas po ako lilipat.” Inabot ni Vincent ang pera sa matanda.“O eto ang susi. Isa sa kwarto mo at isa sa main door. Dapat laging naka lock ang main door. May kanya kanya kayong susi para diyan.““Sige po”“Siyanga pala, bawal ang droga, alak, magingay at ang mga bisita dito.”“Opo, sige po, bukas na lang po.” Palabas na si Vincent ng bumukas ang pinto sa unang kuwarto. Napalingon si Vincent. Naka tshirt lang ang babae. Bahagya lang naikubli nito ang suot na panty. “Oy, Kristina, may bago kayong kasama dito. Ano nga uli ang pangalan mo iho?”