1. Home
  2. Stories
  3. The Game - 1st Quarter
PSErotica

The Game - 1st Quarter

By lostinmyownfiction ·

Part 2 => http://pserotica.com/?q=node/10585

EXT. HARAP NG RESTAURANT - GABI

Huminto ang taxi sa harap ng isang restaurant.

BARRY (nakangiti): Eto po. Keep the change.

Bumaba si BARRY sa taxi. Tinignang mabuti ang restaurant.

BARRY (feeling proud sa sarili): Perfect.

Naglakad papuntang entrance si BARRY.

INT. LOOB NG RESTAURANT - GABI

BARRY: My name is Barry. I have a reservation for two.

WAITRESS (smiling): Ahh yes po. Pinaupo ko na rin po yung kasama niyo.

BARRY: She's already here?

WAITRESS: Opo, mga 10 minutes na.

Tinignan ni BARRY ang relo niya - 7:30 PM.

BARRY: Anong oras mo na miss?

WAITRESS: 7:30PM po.

Ang date ay schedule ng 8PM. At based sa experience, it's unusual na mas maaga sa kaniya ang babae. He has a feeling this date is different.

Sa kalayuan, nasilayan ni BARRY ang isang babae na nakaupo sa isang
two-seater. Nakatalikod ito pero feeling niya eto na yung date niya based
dun sa nakita niyang Facebook profile.

WAITRESS: Here you go, sir.

Hindi nga nagkamali si BARRY dahil dinala siya ng waitress sa table na yun.

Namangha si BARRY sa ganda ng babae. Ngayon niya lang napansin ang ganda ng
kanyang buhok - black, straight and shiny. Contrast sa kulay ng balat niya na maputi. Iba rin ang puti niya. Hindi yung maputlng anemic kundi rosy. May hawig siya kay Kylie Padilla

Tumayo si JEN. Nag offer ng handshake kay BARRY.

JEN (disinterested): Barry, right? Have a seat.

BARRY(nakipagkamay): Yup. Thanks. You're early.

JEN: Yeah.. Well, I'm in the area so…

Pero ang totoo, gusto talagang nauuna ni JEN sa venue para maplano niya ang
kanyang kanyang "exit' strategy". Ganun kaparanoid si JEN sa mga date
niya.

JEN (still standing): Look I will save you the trouble… You're not getting any.

BARRY: I'm sorry what?

JEN: It's about seven-thirty. Kung aalis ka ngayon, you might find an insecure, drunk and probably high sa ecstacy to fuck you sa Privy b ten o'clock. Unlike if you stay here… with me… Sayang lang oras mo.

Lumapit at yumuko si JEN sa nakaupong si BARRY.

JEN: I'm not going to sleep with you.

BARRY: Well, I think siguro mga nine lang…

JEN (puzzled): Nine lang ang alin?

BARRY(smiking): Mga nine lang makakakuha na ako ng girl sa Privy…

JEN (napailing): You're impossible!

Paalis na si JEN nang biglang tumayo si BARRY at hinawakan siya sa braso.

Tinitigan ng masama ni JEN ang kamay na nakahawak sa braso niya.

Binitawan kaagad ni BARRY ang braso ni JEN.

BARRY: Look, pre- ordered ko na ang food natin. Why don't you eat with me? Sayang naman eh kung itatapon lang.

Tinitigang mabuti ni JEN sa mata si BARRY. Nagbeautiful eyes naman si BARRY.

Hindi maintindihan ni JENNY kung bakit hirap siyang tanggihan si BARRY. Kung ibang lalaki iyon baka nakasakay na siya ng taxi ngayon.

JEN: Nice meeting you.

Tumalikod na si JEN at umalis. Wala nang magawa si BARRY kundi tignan na lang ang pag-alis ni JEN.

Nang makalabas na si JEN sa pinto ng restaurant, bumalik na sa table niya si BARRY. Nadatnan niyang hinanda na ang pagkain na order niya.

Naghanap siya ng waiter para ipabalot na lang yung pagkain pero walang pumapansin sa kanya. Kaya umupo na lang siya at kumain. Matamlay ang hitsura. Halatang wala siyang ganang kumain at napipilitan lang. Binuksan niya ang kanyang cellphone at naghanap ng babae sa contact niya para samahan siya. Tinext niya ang mga it at eventually binababa niya rin nang marealize niya na walang nagrereply sa kanya.

Medyo frustrated siya at talagang laking panghihinayang niya sa nangyari. Wala na sa isip niya ang pagkasira ng unbeaten record niya. More than anything else, nanghinayang siya at hindi kumakain sa harap niya ngayon si JEN.

Si JEN naman ay nag-aabang ng taxi sa labas. Nakikita niya sa bintana na kumakain mag-isa si BARRY habang nagbabasa sa cellphone niya.

JEN (sabay upo): OK! Dinner lang.. After this we go on our own way. Got it?

Laking ngiti ni BARRY ng biglang umupo sa harapan niya si JEN.

Sa tuwa niya, daig pa niya ang isang waiter sa pag aasikaso kay JEN.

BARRY (habang nagaabot ng pagkain): Try mo itong sweet and sour tilapia nila. Yan ang kanilang specialty.

Napansin din naman ni JEN ang excitement ni BARRY nsa pagbalik siya. At sa loob-loob niya, eh na-faflatter siya.

JEN (ngumunguya): Hmmm masarap nga…

May napansin si JEN kay BARRY…

JEN tinignang mabuti): Are you… crying?

BARRY (wiping his eyes): Hindi ah…

JEN (laughing): Oh my God! Hahaha

JEN (trying not to laugh): Sorry… that was rude.

BARRY: I'm not crying. Besides, alam ko naman na babalik ka eh.

Kinindatan ni BARRY si JEN.

JEN: Talaga lang ha.

Biglang hinablot ni JEN ang cellphone ni BARRY na nakalapag sa mesa.

JEN (reading): To Joana, "Wassup? Where are you? Wanna meet?"

JEN (reading): To Mitch, "Hi! I'm in BGC. Wanna go out?"

JEN (reading): To Charise, "Tonight was awesome. I had a great…"

Kinuha kaagad ni BARRY bago matapos ni JEN yung message.

BARRY: OK, hindi na kasama yun. And besides I get the point.

JEN: Di pa ako nakakalayo, ang dami ng babae ang tinext mo. Gfrabe! tsk tsk

BARRY: Well… You're pretty convincing kanina eh. Bakit ka nga pala bumalik? Di mo ako matiis no?

JEN: Oh please! Kung makikita mo lang sarili mo kanina. Para kang tuta na nauulanan habang hinahanap ang mommy niya.

BARRY: I'll take it.

JEN: You do realized I just compared you to a dog, right?

BARRY: Not just any dog but a puppy. At cute ang mga puppies!

JEN: Bilib din ako sa optimism mo.

BARRY: Pag masyado kang nega, bibilis ang pagtanda mo.

JEN: Yeah, whatever…

Nagpatuloy ang gabi na puro kantsawan, tawanan at asaran. Hindi ma-imagine ni JEN na sobrang mag-eenjoy siya sa date. Di niya alam kung dahil yun sa matagal niyang di nakikipagdate or dahil huli lang talaga ni BARRY ang kiliti niya.

Si BARRY naman hindi niya napansin na medyo di na nasusunod ang plano niya. Nadala siya sa conversation kay JEN kaya hindi na rin niya inoover analyze ang gabi. He felt exposed for failure pero he doesn't care.

Habang lumalalim na ang gabi, the date is shaping up to be a perfect one. Nagsimulang ilang sa isa't isa. Eventually naging comfortable na sila sa isa't isa. And like any perfect date, it needs to end awkward again. But not to each other, but because of the anticipation on what could happen next.

Nahuhulog na si JEN kay BARRY and deep inside ayaw niyang matapos ang gabi. Pero alam niyang di sila puwede magtagal sa resto at kinakabahan siya sa pupuntahan nilang susunod.

Si BARRY naman ay umaasang nagbago na ang isip ni JEN. Hindi dahil sa kalibugan kundi dahil sa pagnanasa ng mas malalim na relationship with JEN.

Ayaw nilang matapos ang dinner pero alam nilang its inevitable. They both don't know how to proceed but…

WAITRESS (nagbaba ng check sa table): Whenever you're ready po…

Napatingin sila sa isa't isa…

Part 4 => http://pserotica.com/?q=node/10928