1. Home
  2. Stories
  3. Rogelio: Ang Kahirapan sa Maynila
PSErotica

Rogelio: Ang Kahirapan sa Maynila

By lovelylaila ·

Laking probinsiya si Rogelio. Nag-iisang anak ni ng mag-asawang Tomas at Letty. Mula pagkabata ay mulat ito sa kahirapan sa probinsiya. Kinakailangan niyang tulungan ang mga magulang sa pagsasaka para lamang may makain sila. Sa kabila ng kahirapan, sinikap ni Rogelio na mag-aral mabuti para magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Laking tuwa ng mga magulang ni Rogelio nang makatanggap sila ng sulat mula sa Maynila. Nakapasa si Rogelio sa isang scholarship kung saan tinulungan siya ng kanyang guro sa high school para mag-apply. Ngayon ay makaka-punta na si Rogelio sa Maynila para makapag-aral ng Engineering sa isang sikat na pamantasan na pinapasukan ng mga mayayaman.

Nag-ipon ang mga magulang ni Rogelio para masigurado na may babauning pera ang kanilang anak. Tuition at libro lang kasi ang kasama sa scholarship ni Rogelio. Kailangan nilang bunuin ang pera para sa titirhan ni Rogelio at pati na rin ang kakainin nito. Pagkatapos mangutang at magbenta ng ilan nilang ari-arian, nakalikom ng sampung libo si Rogelio.

Pagdating ni Rogelio sa Maynila ay sinalubong siya ng mausok na paligid, maraming batang kalye at mabibilis na sasakyan. Nanibago ang binata sa kanyang bagong mundo. Kailangan niyang maghanap ng matitirhan, ngunit karamihan ng mga tinitirhan ng mga estudyante sa paaralan niya ay mga condo at apartment na hindi naman niya kayang bayaran. Kailangan din niyang maghanap ng part-time job dahil mabilis lang maubos ang baon niyang sampung libo.

Sa kanyang paghahanap ay napadpad si Rogelio sa isang squatter's area na dalawang sakay ang layo sa kanyang paaralan. Dito kasi siya itinuro ng mga tricycle driver nang magtanong siya kung saan may mauupahan na 1k isang buwan ang renta.

Napadpad siya sa Barrio Kalentong. Isang squatter's area na kilala na pugad ng mga snatcher, holdaper at mga street children na nanlilimos sa overpass. Maputik at mabaho. Napaka-ingay. Nakaka-sulasok ang paligid. Ito pala ang mukha ng kahirapan sa Maynila, nasabi ni Rogelio sa sarili.

Itinuro ng mga tsismosang labandera si Rogelio sa paupahan ni Aling Nadia. Kilala ito sa lugar dahil nagpapautang ito at siyang bumibili ng mga nakaw na cellphone at gadget ng mga holdaper. May-ari din ito ng isang bahay na ginagawa niyang paupahan. Sikat si Aling Nadia sa pagiging masungit sa mga batang maiingay. Malaki ang bahay nito, ngunit pangit at bulok. Tumatanggap siya ng 15 bedspacers kaya naman siksikan sa loob at madalas ang away ng mga naninirahan dito.

Rogelio: Tao po, ah dito po ba nakatira si Aling Nadia?
Aling Nadia: Oo. Naghahanap ka ba ng uupahan? Tara dito ipapakita ko sa iyo yung kwarto. 1k lang isang buwan tapos 150 sa tubig at 150 sa kuryente.

Isang maliit na kwarto ang nakita ni Rogelio. Literal na halos kasya lang siya sa loob para humiga. Para kang umupa ng ataul. Mayroon itong isang ceiling fan at isang bumbilya. May saksakan naman pero nakakatawa dahil wala ka namang maisasaksak na gamit doon bukod sa charger ng cellphone dahil sa sikip ng kwarto. Napailing si Rogelio ngunit wala naman siyang ibang choice kundi kunin na ang kwarto. Di bale, magsisikap nalang ako at maghahanap ng trabaho nang makaalis dito, aniya sa sarili.

Lumipas ilang buwan at unang semestre ni Rogelio. Hirap na hirap ang binata sa kanyang pag-aaral. Bukod sa hindi na niya kaya ang gastos, napakahirap mag-aral sa kanyang inupahang silid. Paano naman kasi ay napaka-ingay. Ang mga dalagitang jejemon sa harap ng bahay na walang ginawa kundi maglandian at tumili habang panay ang pindot sa kanilang mga nakaw na chinaphone hanggang alas tres ng madaling araw ay hindi siya pinapatulog. Nakapa-lalandi ng mga ito. Maya-maya ay dadaan ang mga tanod at papapuwiin ang mga menor de edad. Lalabas naman ang mga adik at magiinuman, hihithit ng marijuana at magka-kara krus sa tapat ng inuupahan niyang bahay. Walang matinong estudyante ang makakayanang mag-aral sa ganitong lugar!

Dahil dito napilitang huminto muna si Rogelio at nang makapag-trabaho at ipon para makabalik sa paaralan.

Sa mga unang linggo ay panay pa ang hanap ni Rogelio ng trabaho, pero dahil wala naman itong natapos ay walang kumukuha sa kanya. Unti-unti ay naubos ang pera niya. Hanggang sa saktong pang-isang buwan na upa nalang ang natira kay Rogelio. Umuwi itong malungkot sa kanyang inuupahang bahay.

Napansin ni Rogelio na may bagong lipat sa katabing kwarto niya. Nakilala niya si Gerald at madali nitong nakapaagayang loob. Inalok siya nitong makipag-inuman at pag-usapan ang frustrations nila sa buhay. Nalaman ni Rogelio na anak mayaman pala si Gerald na pinalayas sa kanilang bahay.

Gerald: Alam mo, hinddi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang mga magulang ko sakin. At kailangan pang umabot sa ganito.

Rogelio: Eh bakit ka nga ba ipinagtabuyan sa inyo?

Gerald: Nalaman kasi ng tatay kong bading ako. Ano bang masama doon?

Rogelio: Ah. Eh ganon talaga. Hindi pa kasi kayo tanggap ng lipunan.

Gerald: Ikaw ba hindi ka nandiri nang nalaman mo?

Rogelio: Hindi no. Eh ano naman kung bading ka.

Gerald: Nasabi mo nga pala na kulang ka sa pera ngayon, may ipon ako, puede ka namang humiram sakin hanggang sa makapasok ka sa trabaho.

Rogelio: (Natakot para sa virginity ng kanyang puwet) Ha? Nako wag na baka ako pa pasukin mo, eheh este makakapasok din ako sa trabaho. Malapit na. Hindi na kailangan yan. Salamat nalang.

Gerald: Wag ka nang mahiya. Hindi naman kita pagsasamantalahan bilang kapalit eh. Oh eto, limang libo. Ibalik mo nalang sakin pag sumahod ka na. Hindi naman ako tulad ng iniisip mo.

Rogelio: Naku, eh hehe, salamat Gerald ah. Malaking tulong ito.

Gerald: Walang anuman, Rogelio.

(Makakahanap kaya ng trabaho si Rogelio? Tama bang pagkatiwalaan niya ang baklang si Gerald? Makakapag-tapos pa kaya ng Engineering ang ating bida? Abangan sa susunod na kabanata.)