1. Home
  2. Stories
  3. Matt's University Life - Chapter 2 : Summer Paradise
PSErotica

Matt's University Life - Chapter 2 : Summer Paradise

By diary_ni_matt ·

Ito na po ang Chapter 2 ng story ni Matt. ENJOY! =)

CHAPTER 2 : Summer Paradise

Kinagabihan ay nagsimula na ang event na pinangunahan ng magulang ni Alyssa. Habang rumarampa ang mga modelo ng clothing line ay tahimik kaming nagmamatyag nila Drew at Alyssa habang umiinom ng cocktail.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Yeng na may kasamang batang lalake. Naglalakad lakad lang ito. Napalingon siya sa akin at ngumiti ng matamis.
Nagpaalam ako kina Alyssa na may kukunin lang ako sandali. Patago akong damaan sa ibang lugar kung saan ay hindi nila ako makikita at nilapitan ko si Yeng.

Tinapik ko siya sa balikat at napalingon siya sa akin. O, bakit? Sabi niya. Wala naman. Sagot ni ko at ngumiti lang si Yeng sakanya. Alam mo na no? Nakayukong sinabi ni Yeng habang nakapamulsa ito sa suot niyang sobrang ikling shorts. Oo, pero wala naman akong paki doon. Sagot ko sakanya at ihinarap ko ang mukha niya sa mukha ko. Alam mo Matt, you're too good to be betrayed. Nakangiting sagot ni Yeng. And cute na rin.. pabulong na habol pa nito.

Tumango lang ako at tinitigan ko siya sa mga mata niya. Tumingin si Yeng sa kanyang relo at nagpaalam na siya sa akin upang umalis. Hindi pa siya nakakalayo ay pinigilan ko na siya. Bakit? Tanong ni Yeng. P-pwede ko ba na makuha ang phone number mo? Nahihiyang sabi ko. Ngumiti siya at nilagay sa phone ko ang number niya. Itext mo ako mamaya ha? Magpakilala ka! Sagot niya at tuluyan na siyang umalis.

Bumalik na ako sa party at tinext ko na si Yeng at tinago ko na ang phone ko sa aking bulsa.
Maya-maya ay kinukulit na ako ni Drew. Hihiramin daw niya phone ko para kumuha ng mga litrato. Inabot ko sakanya ito at nang makuha ay agad ibinalik niya agad sa akin pagkat mayroon daw akong bagong mensahe. Shit, nawala sa isip ko. Bulong ko na narinig ni Alyssa. Alin yung nawala sa isip mo? Dudang tanong niya sa akin. Ah-eh, wala yon. Sagot ko naman para pagtakpan ang sarili ko. Sino ba yang nagtext sayo? Sabi niya at akmang kukunin na ang phone ko nang bigla kaming tinawag ni tita dahil dumating na daw ang papa ko.

Nagtungo kami sa kinatatayuan nila ni papa, at tulad ng dati ay galit parin ako sakanya. Tinignan lang ako ni papa. Hindi mo ba ako kikibuin? Tanong ni papa sakin. Matuto ka munang makaalalang may anak ka, tsaka kita kikibuin. Inis kong sagot sakanya. Pinipilit ko naman na maayos ang relasyon ko sa inyo ng mama mo a? Nabibigay ko rin ang mga kailangan mo at gusto mo. Sumbat niya sa akin. Aanhin ang yaman kung magkakahiwalay naman ang mga magulang ko? Gigil kong sagot sakanya. Natahimik nalang siya dahil nakatingin na sa amin ang ibang tao. Mama mo ang nakipaghiwalay sakin at hindi ako, Pabulong niyang sinabi sa akin. So what if si mama ang nakipaghiwalay? Ikaw rin naman may kasalan dahil tuwing may business trip kayo e iba't-ibang babae ang mga nakakasiping mo. Sagot ko sakanya at pumagitna na sa amin si tita para awatin kami. Siguro mas maganda kung doon nalang kayo sa loob magusap na dalaw, Sabi ni tita sa amin habang pilit kaming pinaghihiwalay.
Naupo ako sa isang recliner para palipasin ang galit ko kay papa. Hayaan mo na si tito, ineenjoy niya lang siguro ang yaman na meron kayo. Napalingon ako at nakita ko si Alyssa. Nginitian niya ako at umupo sa tabi ko. Cous, grabe ang tapang mo kanina. Hindi ko magawa yan kay daddy kahit mas grabe pa siya sa dad mo. Sabi ni Alyssa at umakbay ito sa akin. Nilingon ko siya at napangiti. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at hinalikan ako sa balikat. Ano yon? Tanong ko sakanya. Ngumiti siya at tumayo na. Tara na Matt, pasok na tayo. Pagaya niya sakin. Sige mauna ka na susunod nalang ako. Sagot ko at bigla kong naalala si Yeng.

Nang makalayo si Alyssa ay kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa at nakita ko ang mga text ni Yeng. Sinubukan ko siyang tawag pero nakapatay na ang phone niya. Tulog na siguro, Bulong ko sa aking sarili at bumangon na ako at pumasok sa aming suite.

Pagdating ko ay naabutan ko si Papa na nagliligpit na ng kanyang mga gamit kasama ang kanyang assistant na si Lauren. Dumaan lang ako sa harap niya at bumulong siya. Sorry kung hindi ka nabiyayaan ng mabuting ama, Bulong niya. Nilingon ko siya at naupo ako sa sofa malapit sakanila. Naglakad na sila palayo at tinulungan ko siya magbuhat ng gamit. Pa, sorry kanina. Nahihiyang sagot ko. Mali naman talaga ako anak e. Pero promise ko sayo nagbago na ako. Sagot niya at pumasok na sila sa loob ng sasakyan.
Inihatid ko sila ng tingin hanggamg sa mawala na sila ng tuluyan. Niyakap ako bigla ni Alyssa mula sa likuran ko at bigla akong hinalikan sa pisngi. Pasok na tayo? It's 1:30am na. Sabi niya at bumalik na kami sa suite.

Pagbalik namin sa suite ay nahiga na agad ako at ipinikit ang aking mga mata. Bumukas ang pinto at nakita ko si Alyssa. Natatakot ka ano? Tanong ko at tumabi lang siya sa akin. Namiss ko lang bigla ang cute ko na pinsan, Pabirong sabi naman niya. Niyakap niya ako at natulog na kami.

Nagising ako at nakita ko si Alyssa na nakatapi lang at papalabas na ito ng pinto. O, nagising ka na pala. Sambit niya at napatawa ito ng malakas. Grabe naman yang itsura mo! Wala akong ginawa sayo Matt. Nakigamit lang ako ng shower sa room mo no. Pahabol pa niya. Ngumiti lang ako at tinignan sa phone ko kung anong oras na at nakita ko ang message ni Yeng. "Walk?" Text niya.

Lumabas ako at naupo sa isang kiosk. Good Morning tough guy. At nakita ko si Yeng na papaupo sa kiosk na inuupuan ko. Hindi ka naman nagrereply, Sabi niya. Nagkaroon lang kasi ng problema kagabi, Sagot ko naman sakanya. I know. Ngiting sabi niya. Ha? How? Sagot ko at tumawa siya. Nakita ko e, Sagot ni Yeng. Diba pumasok ka na non? Tanong ko at nginitian niya lang ako. Lumabas ako ulit kasi akala ko nadoon ka pa. Ani niya. Ngumiti lang ako at hinawakan niya ang kamay ko. Alam mo Matt we're too young to amount everything, Sabi niya at tinitigan ako sa mata. Tumango lang ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.

Matt, what will you do if one of your competitors fell inlove with you? Tanong mi Yeng sakin. It doesn't matter naman, as long as I like her too then I will give it a shot. Sagot ko at napangiti siya. Matt, alam mo ba na I am starting to like your attitude na. Nakayukong sabi ni Yeng. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya kaya lumapit lang ako lalo sakanya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya sa mga mata ko at isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Bumitiw ako sa kamay niya at niyakap siya. Yeng alam mo ba, I can't seem to get you out of my mind the moment I saw you. Bulong ko sakanya. Ako rin Matt, Sagot niya. At bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Tinitigan ko siya ng malalim. What's the matter? Don't tell me na hindi ka pa nakakiss ng babae ever since, Sagot niya. Hindi pa talaga, virgin pa ang lips ko--. Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay bigla nalamang niya akong ninakawan mg halik at sinabing. Not anymore, sambit niya at sinamahan ito ng matamis na ngiti. Matt, wag ka sana magbabago. Bulong ni Yeng sakin. I won't. Sagot ko sakanya.

Napatingin siya sa phone niya at napasimangot. Matt, I have to go na. Hinahanap na ako nila Mommy.Sabi niya at hinalikan niya ulit ako sa pisngi. Naiwan akong tulala at wala sarili. Napadaan si Drew sa aking harapan at tinapik ang aking mga balikat. Pasayaw ka talaga bro. At umiling-iling siya. Don't worry bro, wala akong plano ipagsabi ito kay Alyssa. At napangiti ako sa sinabi niya.

ITUTULOY….
Sorry guys kung hindi pa lumalabas yung mga scene na inaabangan niyo.
Next Chapter susubukan ko lagyan ng mga tease. Please keep on supporting this series. Thank You! =)
Ito po link sa Chapter 3 -> http://pserotica.com/?q=node/12685