1. Home
  2. Stories
  3. Buhay Sundalo 1 (Panimula)
PSErotica

Buhay Sundalo 1 (Panimula)

By prince_of_persia ·

(It's my first time to write a story kaya humihingi muna ako pasensya sa lahat ng readers. Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay na hinaluan po ng konting fiction para mapaganda lalo. Nawa ay magustuhan ninyo)

FIRE! yan ang sigaw ko sabay putok namin ng mga sundalong nasa aking pamumuno sa aming mga dalang armas. Bratatat! Boom! Shiing! at naglipana ang iba't ibang bala sa paligid. Kitang-kita ko sa aking mga mata kung paano bumulagta ang aming kalabang rebelde na aming tinutugis sa kabundukan ng Basilan.

Sila ay mga miyembro ng notorious na abu sayyaf na ilang linggo na rin naming hinahabol dahil kailan lamang ay may kinidnap na namang mga foreigner at muli ay nanghihingi ng ransom.

CEASEFIRE! Muli kong sigaw nang maobserbahan kong wala ng ganting putok na nagmumula sa kalaban. Di nako nagpatumpik tumpik pa at muli ay sumigaw ako Team 1 and Team 2 ASSAULT! at pinangunahan ko ang paglusob na gagawin ng dalawang team na ayon sa aking paguutos habang nalalabing apat na team ay nagbibigay ng perimeter security habang kami ay dahan-dahang lumalapit sa mga nakatumba ng kalaban. Bilang kanilang Commanding Officer (CO) ako ang nagbibigay ng utos at gabay sa aking mga tauhan lalung-lalo na pag ganitong labanan dahil nakasalalay sa akin ang buhay ng mga tropa.

Pinangunahan ko ang aking iniutos na assault na siya namang dapat dahil ako ang kanilang lider. Kumpiyansa ako sa aking sarili at sa aking mga kasamahan dahil na rin sa alam kong lahat kami ay pareparehong hinasa at hinubog para sa ganitong pakikidigma bilang miyembro ng Special Forces.

Unti-unti ay nalalapitan na namin ang mga nakahandusay na kalaban ng biglang umalingawngaw ang isang putok galing sa malayo at naramdaman ko na lang na ako'y parang sinipa ng pagkalakas lakas at ako'y natumba patalikod. Sumigaw ang radioman na sumusunod sa aking likuran "Sniper! Si CO may tama!" Maya maya pa ay lumakas na naman ang putukan at naramdaman ko na lang hinihila ako ng isa sa aking mga tauhan. Namamanhid na ang aking katawan at halos di ko na maigalaw marahil dahil sa aking tinamong tama ng malakas na kalibre ng bala sa katawan. Unti-unti ay nanlalabo ang aking paningin at marahil ito na yata ang katapusan ko.

Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng chopper na marahil ay hiningi ng aking mga tropa para ako ay mabilisang maialis sa lugar na iyon at madala agad sa pinakamalapit na hospital.

Subalit unti unti ay nawawalan na ako ng ulirat at sa pagpikit ng mga mata ko'y ay awtomatikong nag-flashback ang alalaala ng aking nakaraan. Nais kong kahit papaano'y baunin sa aking pagpanaw ang mga masasayang alalaala. Lalo na ang alalaala ng pinakamamahal kong si Josephine na nung una'y tutol sa aking pagpasok bilang sundalo. Si Josephine na siya kong inspirasyon at sentro ng aking buhay.

(Pasensya na po at medyo maikli dahil CP lang gamit ko. Anyway, hahabaan ko ang susunod)

Next part: Ang Unang Sinta at Karanasan