1. Home
  2. Stories
  3. Best Days - Lost Chapters
PSErotica

Best Days - Lost Chapters

By patushbakusi ·

XII. Babasaging Langit

Hinanap ko ang pinaka maayos na upo at sinabihan ang drayber ng taxi na aking sinakyan na patungo ako sa aking unibersidad. Napatigil siya sa pagmamaneho at tinanong ako kung hindi pa raw ba suspendido ang klase. Napansin ko nga na medyo madilim ang ulap at medyo humuhuni na ang ihip ng hangin. Binuksan ng drayber ang kanyang radyo at sumipat sa AM para makibalita sa lagay ng panahon. Eksakto na binanggit sa balita na suspendido pa lamang ay ang mataas na antas ng paaralan at hindi pa kasama ang kolehiyo. Kaya muling pinaandar ang taxi at inumpisahan na niya ang metro nito.

Driver: Pambihira talaga tong Dep Ed sinabi na nga ng PAGASA na may malakas na bagyo hindi pa ihinto ang pagpasok ng lahat ng estudyante.

Me: Pasensya na hindi po ako kasi nakakapanood masyado ng telebisyon may parating po ba na bagyo?

Driver: Oo boy, Sabi super typhoon daw at malakas ang ragasa o dalang hangin. Umabot na ang bagyo sa bayan ko sa Visayas. At mukhang magiging signal number three din dito.

Me: Sige Manong bilisan nalang po natin di po kasi ako pwede mag absent at meron kaming pagsusulit.

Driver: Oo nga may pasok parin kayo. Sana di tayo abutan ni Milenyo sa daan kung sabagay ay malapit lang naman ang ating daraanan.

Medyo naging mabagal ang aming biyahe dahil sa trapik at pagpatak ng ulan. Ilang pasikot sikot din ang aming dinaanan. Kaya pagdating sa paaralan ay ibinigay ko kaagad ang bayad sa drayber na may kaunting dagdag. Nagpasalamat siya at uuwi na raw siya sa kanilang bahay at hindi na siya bibiyahe pa. Tumakbo ako papasok sa gate para hindi masyadong mabasa ng ulan. Pagpasok ko sa may gate ng unibersidad ay napansin kong maraming estudyante ang naghihintay ng kanilang sundo at may ibang kaguluhan kung tuloy pa ba ang mga klase. May mga estudyante na nagsasabing ang klase ay matutuloy o hindi depende sa maestro. Kaya tinahak ko ang una kong subject para sa araw na iyon.

Pag akyat ko sa ikatlong palapag at nagmamadali o patakbong dinaanan ang corridor. Malapit na ako sa aking silid nang napansin kong may isang estudyante na sumisilip sa may bintana ng pinto ng aking klase. Tumiting kayad isya at hirap na hirap siya sa pagsilip sapagkat medyo mataas ng bintana ng pinto. Nasa limang piye lamang kasi ang tangkad ng babaeng estudyante. Tumingin ako sa orasan sa corridor at napansing sampung minuto na akong huli sa klase. Nakisilip rin ako sa may pinto at nakitang nagsimula na ang pagsusulit ng buong klase. Kinalabit ako ng babaeng estudyante at tinanong kung ano na ang nagyayari. Isiniwalat ko na huli na kami at tiyak na magagalit ang aming propesor. Malaki pa man din ang epekto sa ego nang aming maestro ang mga taong late o nahuhuli sa klase. Parati siyang nagsesermon kapag may late, at sinasabing di daw binibigyan ng sapat na importansya ang kanyang subject dahil minor subject lamang daw ito. Kamot ulo akong tumalikod sa pinto at nag pasyang huwag na muna pumasok sa kanyang subject sa araw na ito. Habang naglalakad paalis ay kinalabit ulit ako ng babaeng estudyante. Tinanong niya ako kung papasok pa raw ba ako. Sinabi ko na hindi na ako papasok para hindi na magambala pa ang klase. Hindi na rin daw siya papasok at nakakahiya kung wala siyang kasabay na papasok ng late sa period. Tumingin ako sa kanyang mukha at inisip o kinilala kung kaklase ko ba talaga siya sa subject na ito. Habang siya ay nagsasalita ay naalala ko na kung sino ang estudyanteng ito.

Siya si Lizzy, bihira ko lamang siya makita sa klase sapagkat parati siyang late. Hirap daw siya gumising sa umaga kaya nahuhuli sa pagpasok sa eskwela. Maliit na babae si Lizzy at medyo payat ngunit magtataka ka kung paano siya tinubuan ng mala higanteng dibdib. Minsan biro biro sa mga lalake sa klase para siyang puno ng langka na may dalawang bunga at ang puwit niya ay parang mga buko. Aaminin ko na mas malaman at lamang kaysa sa kanya si Ate Regina at mas naaayon ang kurbada ng katawan ni Ate Regina. Ngunit mas malalaki ang kanyang mga yamang dibdib kung ikukumpara sa aking Ate Regina. Yun nga lang mas mapayat at mas maliit si Lizzy kaysa kay Camille. Siya nga pala Lizzy ang kanyang palayaw ngunit “Igamu” ang tawag ng mga kaibigan ko sa kanya. Kamukhang kamukha niya kasi yung itim o kalaban na prinssesa sa lingguhang palabas na aming pinanood na “Maskman”. Maputi at parang hapon o instik kasi ang kanyang mukha at may nunal din. Parati din namin na nakikita si Igamu na may kasamang lalaki na sunod ng sunod sa kanya sa campus na kung tawagin namin ay sa pangalang “Drigo”. Tauhan din siya sa palabas na "Shaider" at kamukha din niya ang tauhan na ito, idagdag na rin na hindi namin alam ang tunay niyang pangalan.

Lizzy: Saan ka pupunta?
Me: Ewan apat at kalahating oras din kasi ang pagitan ng aking susunod na klase
Lizzy: Saan ka magiintay or tatambay?
Me: Baka sa Robinson’s Place lalakarin ko lang
Lizzy: Sige sabay na ako sayo
Me: Sasama ka sakin? wala ka bang mga kaibigan na pwedeng kulitin?
Lizzy: Yung iba di pumasok, yung iba walang pasok.
Me: Teka di ba may boyfriend ka si Drigo.
Lizzy: Teka sinong Drigo?
Me: Yung parati mong kasama minsan nga sweet pa ka yo
Lizzy: Hahahah! teka mukhang na gets ko na dahil ba sa Maskman yan?
Me: Nakuha mo hahahhah
Lizzy: Kung sabagay oo nga kamukha nga niya si Drigo di ko napansin yun.
Me: Wala ba kayong lakad o date ngayon?
Lizzy: Sira hindi ko boyfriend yun nanliligaw yun ayaw ko nga makita eh.
Me: Bakit? nag away kayo?
Lizzy: Hindi kaya nga ako sasabay sayo para takasan siya.
Me: Wow ganda mo sobra! bakit sawa ka na sa kanya?

Nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdanan papunta sa may gate.
Paglabas nang paaralan ay muli ko siyang kinausap para usisain.

Me: O laya ka na, teka bakit nga ba ayaw mo siyang makita
Lizzy: Kasi ang lakas maka feeling close tapos manghihipo parang manyakis
Me: Teka! e kung ganoon bakit ka sumama sakin?
Lizzy: Well tahimik ka naman sa klase at mukhang mabait, wait mali ba ako?
Me: Mabait at di Manyakis yun ang akala mo! hahahaha
Lizzy: Bakit mas manyak ka ba dun kay Drigo hahahaha
Me: Teka ano ba ginawa sayo ni Drigo?
Lizzy: Hay nako mahabang kwento, basta.
Me: Baka naman pinaasa or pinakitaan mo ng motibo
Lizzy: Gago sira ka talaga!

Kinurot ako ni Lizzy sa may balikat

Me: Wow feeling close, nanakit kaagad. Badtrip ka!
Lizzy: Hay nako kala ko mabait ka
Me: Mabait nga ako kaya nga eto sinasamahan kita eh.
Lizzy: Don’t say bad words I don’t want to hear his name today
Me: Teka hindi naman Drigo totoong name niya ah!

Kinurot ulit ako ni Lizzy sa may balikat

Me: Ano ba masakit! Nakakarami ka na ah baka patulan na kita
Lizzy: Bakit ano gagawin mo sakin sige nga?!
Me: Baka sumakit ang buong katawan mo
Lizzy: Sira ulo puro ka manyakan ang nasa isip mo!
Me: Iba ikaw nag iisip ng kalaswaan, sasakit buong katawan mo dahil sa kurot
Lizzy: Ulol palusot!
Me: But I like how you are thinking, pinagiisipan mo ako ng malaswa

Kinurot ulit ako ni Lizzy sa may pisngi

Me: Teka ano ba masakit nga, di ka lang brusko madumi pa isip mo
Lizzy: Hehehehe sorry nakakagigil ka kasi cute mo, sarap mo kurotin

Pagdating naming sa entrada ng Mall ay biglang bumuhos muli ang malakas na ulan. Maraming tao din ang nag aabang sa pagbukas ng mall. Halos dalawang oras bago pa magbukas ang mall. Umupo muna kami sa hagdanan ni Igamu at muling nagusap habang hinihintay ang pagbubukas ng mall. Psychology pala ang kanyang kurso at tatlong semester nalamang ay graduate na siya. Matagal na rin siyang nililigawan ni Drigo simula nung magka blockmates pa lamang sila. Nagpalitan din kami ng ilang notes para mga takdang aralin nang aming tinakasang pagsusulit. Ilang minuto pa at lalong lumalakas ang ulan di namin namamalayan na tumataas na ang tubig. Nagiipon na ang mga basura at natatakpan na ang bukana ng mga imburnal. Di pa rin nagbubukas ang mall kaya nagsimula na kaming maalala. Tumigil muna kami sa aming pagaaral at nakitang tumaas na ang tubig hanggang sa may bakenta. Sinabihan ko siyang kailangan namin bumalik sa paaralan habang mababa pa ang tubig. Tiyak pag nanatili kami ay aabutan kami nang baha hanggang sa may hagdanan na aming inuupuan.

Pahirapan kaming bumalik sa campus na parang nagpipiko. Nabasa na ang sapatos at medyas namin. Nabasa narin kami ng ulan at pwede nang pigain ang aming mga damit. Ngunit di namin ito pinansin at sa halip ay patuloy na nag punta sa gate ng eskwelahan. Natanaw namin ang gate at maraming estudyante ang naka silong dito at para silang siniksik sa lata ng sardinas. Nakipag buno at nakipagsisikan kami para matunton ang gate. Subalit pag dating sa may gate ay sinabihan kami nang tagapag bantay na sarado na daw ang campus at suspendido na ang klase. Baha narin daw sa ilang dako sa loob ng eskwelahan. Hindi namin kinaya ang init ng mga katawan nang mga nakikisilong na mga estudyante. Sinilip ko ang aking pitaka at tinignan na buo pa ang baon ko para sa buong linggo. Nagpaalam na ako kay Igamu na lilipat ako ng lugar kung saan ako mamalagi sa bagyong paparating. Sasama daw siya sakin at sa liit niya ay di daw niya kayang makipag punong braso sa ibang estudyante sa may gate.

Me: Sigurado ka sasama ka sakin, di maganda ang pupuntahan ko
Lizzy: Oo sige basta wag dito ang init ang baho na nila amoy pawis
Me: Sige ikaw bahala medyo tatakbo tayo.
Lizzy: Sige go! susunod ako

Binaybay ko ang Quirino Avenue at pumunta ako sa motel kung saan ako unang dinala ni Camille. Nagulat si Igamu nang makitang Sogo Hotel pala ang aming pupuntahan. Kitang kita na napahinto si Igamu at tila hindi alam ang gagawin. Balisa siya at hindi mapalagay.

Lizzy: Dito ba tayo? Teka parang di ko kayang pumasok
Me: Anu ka ba sabi ko sayo eh kita mo nababasa na tayo ng ulan
Lizzy: Teka ayaw ko
Me: Bakit di naman kita gagawan ng masama
Lizzy: Bakit dito?
Me: May banyo dito pwede tayo magbanlaw at magpatuyo ng damit
Lizzy: Sure ka? baka may makakita sa atin na pumasok
Me: Tingin mo sa bagyong ito may sumusunod?
Lizzy: Sigurado ka ha! wag ka salbahe, hindi ako ganong klase ng babae!
Me: Isipin mo may telebisyon pwede tayo makibalita, at magpahinga.
Lizzy: Di pa ako nakakapasok sa ganito
Me: Akong bahala sayo ako magbabayad
Lizzy: Hindi yun may pera ako pero paano ang kalakaran dito
Me: Nakapasok na ko dito, dinala na ako ng girlfriend ko dito kaya akong bahala

Ilang sandali din kaming nagtalo bago pumayag si Igamu na pumasok sa motel. Pagbukas ng pinto ay binati kami kaagad ng tagapamahala. Pinaupo ko muna si Igamu at ako ang kumausap sa tanggapan ng motel. Ibinigay na sa akin ang susi ng kwarto at tinawag ko na ni Igamu na pumunta sa may elevator. Pagpasok sa elevator ay bakas sa pisngi niya ang kaba. Malikot ang kanyang mga mata at patingin tingin kung saan saan. Pagbukas ng pinto ng elevator ay dahan dahang naglakad si Igamu at sinabihan ako na madilim at tahimik ang lugar. Sinabihan ko siya na huwag siyang maingay para hindi makaistorbo sa ibang bisita. Pagdating sa pinto ng silid ay nagtinginan ka mi at huminto. Tinanong ko kung handa na ba siya at tumango naman siya. Pagpasok ay bagong linis ang kwarto, amoy bleach at medyo kabubukas lang ng aircon. Kaagad ko itong pinatay sapagkat kapwa na kami giniginaw. Sinabihan ko siya na sa kanya ang kama at sa may sofa ako maghahanap ng pwesto. Malinis daw pala ang lugar na iyon at maraming ilaw di tulad na nasa kanyang isip. Akala niya ay madumi at nakakatakot ang loob ng isang motel. Umupo sa kama si Igamu at tumingala sa kisame.

Lizzy: Bakit may salamin sa taas?
Me: Para sa mga mag asawa yan. Para sa alam mo na!
Lizzy: So ano nang gagawin natin?
Me: Edi ano pa at maghubad ka na

Ibinato sa akin ni Igamu ang isang unan

Lizzy: Gago ka! anong gusto mong palabasin hindi ako kaladkarin!
Me: Sira ulo! mag hubad kana, eto ang tuwalya at magbanlaw ka sa shower.
Lizzy: Loko ka talaga ayaw ko nang ganyang biro
Me: Bilisan mo para di ka magkasakit at ako naman ang susunod na magbabanyo
Lizzy: Sige akin na ang tuwalya
Me: Sabunin mo pati paa mo at lumusong tayo sa baha, eto tsinelas
Lizzy: Wow provided nila to?
Me: Oo, siguraduhin mo mabango ka paglabas mo ayaw ko ng mabaho kasama

Kinurot ako sa dibdib ni Lizzy at pumasok na siya sa banyo. Nagbukas siya nang ilaw at lumagaslas na na ang tubig ng shower. Hindi ko narinig na naikandado niya ang pinto ng palikuran. Nag ring ang telepono at sinagot ko ito, sinabihan ko ang tagapamahala na tinatanggap namin ang kwarto. Pagbaba ng telepono ay hinanap ko kaagad ang remote ng telebisyon. Nahiga ako sa sofa at binukasan ang telebisyon para maghanap ng balita. Nagulat ako na malakas ang volume nito at biglang sakto na may babaeng iniiyot at dinedeliryo. Humihiyaw at umaalulong ang babae habang kinakabayo niya ang isang lalaki. Biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Lizzy: Hoy anong ginagawa mo!
Me: Binuksan ko ito para maghanap ng balita eh mukhang eto lang ang palabas
Lizzy: Palusot ka pa, pare pareho talaga kayong mga lalaki puro kamanyakan
Me: Wag mo ako pansinin dito at bilisan mo maligo kinakati na ako, ako naman
Lizzy: Sige malapit na ako, Shit! bakit ganyan ang laki nung kuwan nung lalaki
Me: Ano ka ba? manood ka pa eh. Halika dito gusto mo makakita ng kuwan
Lizzy: Hindi na sorry, eto tatapusin ko na ang paliligo

Bumalik si Igamu sa banyo at pinatay ko na ang telebisyon. Tumawag ako sa tagapamahala sa baba para itanong kung bakit walang ibang palabas ang telebisyon. Dahil daw sa bagyo ay nasira ang kanilang cable. Kinuha ko ang isang tuwalya at sumilip sa bintana. Malakas parin ang ulan at kitang kita na lalong tumaas ang baha sa kalye. Sumigaw si Igamu na wala daw siyang susuotin palabas ng banyo. Sinabihan ko siya na magtapis muna siya at itakip niya ang kumot ng kama para hindi siya masilipan. Lumabas ng banyo si Igamu na nakatapis at basa ang kanyang buhok. Nagmamadali siyang pumunta sa kama at ibinalot sa katawan niya ang kumot ng kama. Ang bango bango niya paglabas ng banyo. Maganda at maamo pala ang kanyang mukha dahil natunaw na nang tuluyan ang makeup niya. Kaya pumasok ako sa banyo at nagsimulang magbanlaw. Habang nasa shower ay nakita ko na nakasabit ang damit at mga panloob ni Igamu. Itim ang kanyang bra at panty sadya itong isinabit para matuyo. Matagal akong nagbanlaw sapagkat masarap ang mainit na tubig ng shower. Kahit tapos na maligo ay sinadya kong mag babad sa shower para. mawala sa isip ko ang mukha ni Igamu. Sinimulan ko rin na labahan ang aking brief. Biglang kumatok si Igamu sa pinto ng banyo.

Lizzy: Bakit ang tagal mo sa loob ng banyo? buhay ka pa ba?
Me: Oo, buhay pa ako medyo inaamoy ko lang tong panty mo
Lizzy: Yuck! kadiri ka talaga
Me: Loko biro lang baka isipin mo may gusto ako sayo
Lizzy: Sorry nakakahiya nakita mo undies ko di ko kasi alam kung saan ilalagay
Me: Oks nga eh cute. Naimagine ko tuloy ano itsura mo pag suot mo to
Lizzy: Gago ka, manyakis ka!
Me: Oo na manyakis na ako. Ang inisip ko pa nga may suot ka pa eh, kaysa wala
Lizzy: Hahahah buti nalang di ako nakikita ngayon at wala akong suot.

Hindi alam ni Igamu na hindi ko rin kinando ang pinto ng banyo. Gugulatin ko lamang siya para biruin at biglang binuksan ko ang pinto. Nagulat ako na wala pala talagang saplot si Igamu at ginamit niya ang tuwalya para matuyo ang kanyang mahabang buhok. Parang estatwa si Igamu na nagulat at di alam ang gagawin. Nanigas siya at di malaman kung saan kukuha ng pantakip sa katawan. Kitang kita ko ang buong hubad na katawan ni Igamu. Sobrang laki para sa isang dalagita ang kanyang mga suso. Malalaki ang paligid ng utong nito parang kasing laki nang isang biskwit. Tayung tayo at matigas ang mga utong ni Igamu. Mapuputi ang pusod at mga hita niya. Napatingin ako sa ibaba ng kanyang katawan. Maganda ang hugis ng kanyang mga paa at binti. Di ko napigilan at napunta ang aking atensyon sa malalago niyang mga bulbol. Sinubukan niyang takpan ang kanyang mga suso ngunit hindi ito kaya ng kanyang mga palad at braso sa laki. Napamura siya at namimilipit na tumalikod. Buti nalang at tumalikod siya at duon ako naman nakita ang kanyang mga namimilog na puwit at buko kung bansagan nang aking mga ka eskwela. Di na ako nagisip at di ko alam kung ano ang sumapi sa akin. Lumabas ako ng banyo at niyakap siya mula sa likod. Inabangan ko siya kung siya ay magagalit o magpupumiglas. Sinadya kong ikaskas ang ulo ng aking sandata sa guhit ng kanyang puwit. Tumigas iyon dahil ginising nang kanyang katawan. Ikinaskas ko iyon nang madahan at tumilkop ito pababa nang maglapat ang aming mga katawan. Ngayon ay nasa pagitan na nang hiwa ng kanyang puwit ang aking mala bakal na sandata. Alam kong nararamdaman niya iyong pumipitlag at naninigas. Nakadikit na ang aking dibdib sa kanyang likod. Uminit ang katawan ni Igamu at inilagay ko ang aking mga palad at sinalo ko ang kanyang mga suso at sininghot ang kanyang mala gatas na kutis. Sa mahinang nanginginig na boses ay tinanong niya ako. Gagahasain mo ba ako?

Itutuloy…