1. Home
  2. Stories
  3. A Story Made In Heaven
PSErotica

A Story Made In Heaven

By hidden_desire ·

Taong 1999, first year ako noon sa isang sikat na unibersidad at first time na nakarating ng Maynila. Bilang first timer ay manghang-mangha ako sa kaibahan nito kumpara sa probinsya. Sa school campus naman ay di mapakali ang mga mata ko dahil sa daming magagandang estudyante at guro. Bilang isang baguhan, nagmasid muna ako sa mga ugali at estilo ng mga tao hanggang sa unti-unting naka-ride-on sa kanila. Di naglaon ay nagkaroon ako ng ka-tropa na naggaling rin sa iba’t ibang probinsya.

Marami kaming kalokohan ang mga barkada ko at gumigimik kami sa Quezon Av at Timog. Nandiyan ang katuwaan sa live band, sayawan at inuman. Pero lingid sa kanilang kaalaman, wala pa akong karanasan sa sex - at the age of 21 virgin pa ako. Mapili kasi ako sa babae. Gusto ko kasi na sulit yung magiging first time ko. Dapat ay mahal ko talaga at di kung sino-sino lang ang maka-devirginized sa akin. Kahit may kalokohan sa barkada ay pinagsikapan ko naman ang aking pag-aaral kaya maganda ang record ko sa school.

May mga time na naiinggit din ako sa mga ‘kiss-and-tell’ stories ng mga kabarkada ko at kung nalilibugan ako sa mga kwento nila ay dinaan ko na lang sa masturbation. Ang mga pantasya ko noon sina Aubrey Miles, Assunta de Rossi, Kaye Abad at Ara Mina. Pinaka-paborito ko si Aubrey Miles, ang daming semilyang pinakawalan ko dahil sa kanya.

Kuntento na sana ako sa ganun ngunit nagbago ang lahat nung pinadala ako bilang representative ng aming klase sa isang ‘seminar workshop’ na ginanap sa AB Department. Manghang-mangha ako sa aming facilitator na isang Behavioral Science expert. Nasa kanya lahat ang tipo ko sa isang babae: Matalino, Maamo ang mukha, Seryoso, Strong Personality, Maganda, Sexy at ang galing magsalita. Katamtaman ang kulay ng kanyang skin ngunit halatang alagang-alaga ito dahil sa kinis at linis. Ang gandang tingnan ng umuumbok niyang ‘butt’ na parang Jennifer Lopez. Tantya ko ay nasa 5’3’’ ang height niya. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay parang tumigil na ang aking mundo. Pansin ko ring umumbok ang aking harapan dahil sa tumigas kong kargada. Habang nakinig ako sa kanya, ang daming ‘imaginations’ na puro kahalayan na may halong kilig ang tumakbo sa utak ko. Siya na ata ang babaeng hinahanap ko at matagal ko ng hinihintay. Ngunit ang problema ko ay paano siya maabot – parang ang taas niya.

Pagkatapos ng seminar ay nagtangka akong lumapit kaso ang daming bumati at nagtanong sa kanya kaya wala akong chance na makalapit. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon, nang tinangka kong lumapit sa kanya ay nagkasalubong ang aming mga mata – nagkatinginan kami saglit. Para sa akin ang tingin na yun ay may kahulugan – eyes as window of the soul – tumatak sa isip ko ang pangyayaring iyon pati ang maganda at maamo niyang mukha. Di man ako nakalapit ay nakuha ko naman ang pangalan niya – Ma’am Theresa.

Dahil may angkin din akong talino at galing sa pamumuno, napili akong governor sa aming department. Mabilis akong nakaisip ng isang activity – leadership training – sa lahat ng mga class officers at si Ma’am Theresa ang kunin kong facilitator. Inaprub kaagad ng Dean ang suggestion ko kaya excited akong maiimbitahan si Ma’am.

Bitbit ang sulat na pirmado ko at ng Dean ay kabado akong pumunta sa class room ni Ma’am Theresa. Tama namang kaka-dismiss lang ng klase niya nung dumating ako. Nakita ko siyang nakatayo sa harap at inayos ang mga ‘teaching materials’ niya. Pumasok ako at nakatingin ang mga estudyante. Siguro nagtaka kung sino itong matapang na lumapit kay Ma’am Theresa. Narinig ko kasing ilag ang mga guro at estudyante kay Ma’am dahil sa talino at galing niya. Pero balita din sa buong school na ang daming may crush sa kanya ngunit hindi lang makalapit. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit kay Ma’am. Tumingin siya sa akin. I greeted her at ngumiti. Ngumiti din siya and greeted me back. Hindi naman siya mukhang masungit o maldita. Ang gaan nga ng aura niya.

“Ma’am, I am the governor of our department, I’ve organized a leadership training and we chose you to be our facilitator. Here’s the letter signed by our Dean.”

Inabot ko ang sulat at tiningnan niya. She smiled at me and asked the details of the activity; kung ilan ang expected participants, saan ang venue at kung anu ang dapat ihanda na mga materials. Lalong gumaan ang loob ko sa kabaitan na pinakita niya – nawala ang kaba ko.

“Have you attended the seminar workshop last time?”

“Yes po Ma’am. Lalapit nga sana ako right after para i-congratulate po kayo at magpapasalamat dahil ang galing niyo po, ang dami kong natutunan, kaso ang dami niyong fans, di ako makalapit.”

“Yeah, I’ve noticed you.”
Masaya ako sa sinabi niya dahil ibig sabihin, di niya nakalimutan yung pagkasalubong ng paningin namin.

“I’ll help you Ma’am with your things”.

Parang alanganin si Ma’am pero mapilit ako kaya hinayaan niya na lang na bitbitin ko yung laptop bag niya at ibang books. Ang sarap ng feeling na magkatabi kaming naglakad sa hallway ng school habang nakatingin ang ibang estudyante at kapwa niya guro.

Dumating ang araw ng aming training at ito ay ginanap sa isang resort sa Laurel, Batangas. Bilang pinuno ng grupo, ako ang naging instant assistant ni Ma’am Theresa. Personal ko ring inaasikaso ang kanyang mga pangangailangan at inayos ko rin yung titirhan niya. Masayang masaya at walang pagod na pinagsilbihan ko si Ma’am sa buong event na yun. Nagamit ko lahat ng natutunan ko sa mga magulang ko paano maging gentleman.

Dahil dun ay kusang naging at kami ni Ma’am sa isa’t-isa. Ngunit sa kabila ng lahat, bilang isang binata ay di ko rin maiwasang makaisip ng kahalayan lalo na minsan ay nasusulyapan ko ang bakat ng hubog ng katawan ni Ma’am pag nabasa ito ng pawis. Mahilig siya sa fit na white shirt at fit soft-pants kaya bakat na bakat ang hugis ng katawan niya pag nabasa ito ng pawis. Di ko rin maiwasan na masulyapan ang umbok sa harapan niya, ang perfect shape ng butt niya at minsan ay ang makinis niyang cleavage. Kaya maraming beses na tinigasan ako. Pero kahit meron akong pagnanasa kay Ma’am, di ko pa rin hinaluhan ng kabastusan ang pagsisilbi sa kanya bilang facilitator namin.

Sa huling gabi ng aming three-day leadership training, habang tulog na ang aking kasamahan, naglakad-lakad ako sa labas nang tinawag ako ni Ma’am. Dahil medyo-close na kami, niyaya niya akong umupo dun sa may loan ng kanyang villa upang mag-kwentuhan. Inalok niya ako ng ‘Tostitos’ na sitsirya [mahilig pala siya nun] at m&m dark chocolate habang nagkwentuhan. Una ay formal na formal ang aming usapan. Tungkol sa grupo namin na iba raw sa mga hina-handle niya dati. Responsive raw kami at engaged. Pinuri ko rin si Ma’am at sinabihang gustong-gusto siya ng grupo dahil totoo nga’ng magaling. Dinig-dinig lang kasi namin ngunit ngayon ay napatunayan talaga naming magaling siya.

Habang lumalalim ang gabi ay naging medyo personal na ang usapan. Tinatanong na niya ako tungkol sa buhay ko. Sinabi ko naman kung papano ako napadpad sa Maynila at iba pang detalye. Naglakas loob na rin akong magtanong tungkol sa kanya. At yun, kwentuhan kami tungkol sa mga pamilya namin. Hanggang sa umabot kami sa mga sensitibong bagay. Naglakas loob na akong nagtanong about relationship – about her status. Di naman siya nag-atubiling magkwento tungkol dito. Nalaman kong 27 years old siya: Ikinasal siya nung 25 [1997], nanganak nung 26 [1998] at naghiwalay sila ng asawa niya nung 27 siya [1999]. Hinayaan ko lang siyang mag-kwento. Di raw kasi magkatugma ang values at priorities nilang mag-asawa. Tapos nung nagbuntis siya, feeling niya parang pumangit at tumaba raw siya, at nung nanganak siya through ‘caesarean’, parang di niya feel na inaalagaan siya ng kanyang asawa. Kaya naging malamig ang relasyon nila hanggang sa naghiwalay na.

“Ang dami mo ng nalaman. Ikaw naman mag-kwento”.

Medyo nahiya akong magsabi ng totoo kay Ma’am dahil sa edad kong 21 ay wala pa akong GF at wala pang karanasan. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Sinabi kong never pa akong nagka-GF. Sumama din ako sa barkada ko sa mga gimik at ibang kalokohan pero hanggang sayawan, kantahan at inuman lang. Pagdating sa babae, exit muna ako dahil hinahanap ko pa ang babaeng gusto ko talaga. ‘Yung totoong mamahalin ko. Tahimik lang siyang nakinig sa kwento ko.

“Nahanap mo na ba siya?”

Masugid na tanong ni Ma’am na parang isang magandang musika na gusto ko ng sabayan sa pagkanta.

“Ah… opo Ma’am. Kaso ang hirap lapitan. Di ko rin alam paano sabihin sa kanya.”

Pagkasabi ko nun ay nagkatinginan kami, parang nung una naming magkatinginan pagkatapos ng seminar.

“I tell you, maswerte siya kasi mukha ka namang matino. Lakasan mo lang ang loob mo”.

“Ako po ang mas maswerte Ma’am pag nagkataon. Kasi ang galing po niya, napaka-talino at napakabait, tapos maganda pa. Yun nga lang, mukha atang marami akong karibal.”

Nagkatinginan kami ulit ni Ma’am ng medyo matagal.

“Just tell her. Malay mo, you’re on the same boat. Siguraduhin mo lang na talagang totoo naramdaman mo sa kanya. Kasi pag nagkataon at nanloko ka ng babae, babatukan kita.”

Tumawa kami pareho ngunit magkatinginan pa rin sa mata. Iba na ang naramdaman ko pero pigil na pigil lang ako. Tumingin si Ma’am sa relo.

“Naku 12 midnight na. Medyo mabigat ang last activity natin bukas. Sige na, let’s take our rest.”

Pagbalik ko sa dorm type na villa namin ay di ako makatulog. Bini-blame ko ang sarili ko dahil pinalagpas ko ang pagkakataon. Sana sinabi ko na kay Ma’am ang totoong naramdaman ko sa kanya.

Kaya kinabukasan, binawi ko na lang ang lahat sa dobleng pag-asikaso kay Ma’am. Napag-alaman kong paborito niya ang oriental salad kaya maaga akong pumunta sa ‘Club-House’ upang i-serve si Ma’am ng ganun. Aliw na aliw siya sa kanyang breakfast. Sa palagay ko nakapuntos ako kay Ma’am kahit na natameme ako nung isang gabi.

Pagkatapos ng activity ay naging magaan ang kalooban namin ni Ma’am sa isa’t-isa. Madalas ang pagdaan ko sa classroom niya after her class upang bitbitin ang ‘things’ niya at sabayan paglabas. Dahil malapit lang sa unibersidad ang tinutuluyan niyang apartment, minsan namimilit akong ihatid na lang siya. Ngunit di niya ako pinahintulutan. Siguro, iniwasan niya ang tsismis lalo na’t kakahiwalay lang nila ng asawa niya. Nung patapos na ang first semester ay niyaya ko si Ma’am for dinner bilang celebration sa mataas kong grades at special leadership award. Ngunit umayaw siya pero meron siyang pampalubag loob, pinayagan niya akong ihatid siya hanggang bahay. Masayang masaya ako nun dahil ang tagal ko ng gustong gawin ‘yun. Kaya maaga akong nag-abang sa classroom niya upang antayin ang dismissal ng class niya. Mabilis akong pumasok at excited na binitbit ang mga ‘things’ niya.

“Grabe, nanibago naman ako. Parang ‘hyper’ ka ata ngayon.”

Biro ni Ma’am na may halong ngiti. Ngumiti lang ako at tumingin sa kanya. Everytime na nagkatinginan kami ng ganun. May ibang pakiramdam o kuryente na dumadaloy sa aking katawan. Di ko maintindihan kung anu yun – basta masaya ako at tinitigasan ako pag magkatinginan kami ng ganun.

“Big deal po ito sa’kin Ma’am, kasi first time ko pong mahatid kayo hanggang bahay po ninyo.”

“Ganun ba? Para ka namang pumunta sa isang mansiyon.”

Sabay na naman kaming ngumiti at magkatinginan pa rin.

Proud na proud akong naglakad sa campus katabi si Ma’am. Pakiramdam ko ang daming naiinggit sa’kin dahil ako lang ang nakalapit kay Ma’am at naging close niya. Parang di ako umaapak sa lupa dahil sa saya. Sa totoo lang, nung panahong ‘yon, [October 1999], in-love na in-love na ako kay Ma’am Theresa. Ngunit tinatago ko lang ito kasi baka pag malaman niya, magalit siya sa’kin.

Panay ang aming kwentuhan habang naglalakad patungo sa bahay niya o sa apartment na tinutuluyan niya. Inalam niya lahat ng mga ginagawa ko sa school. Nag-kwento rin siya tungkol sa mga magagandang trainings na hina-handle niya. Magaling magkwento si Ma’am, buhay na buhay. Gustong gusto kong makinig sa mga kwento niya at may lesson pa. Feeling ko nga parang magkasintahan na kami.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa tinutuluyan niya. Inabot ko na sana ang ‘things’ niya upang bumalik na ako sa school ngunit sinenyasan niya akong tumuloy at pumasok sa loob. Lalong nadagdagan ang saya at excitement ko.

Pinaupo ako ni Ma’am at pinaghandaan ng makakain. Napakalinis ng lugar niya at maaliwalas. Nandun rin ang anak niya at ang yaya. Kahit asiwa ako sa loob dahil first time, masayang masaya ako na mapuntahan ang bahay ni Ma’am kasi feeling ko parang umaakyat na ako ng ligaw sa kanya. Ngunit natahimik kaming lahat ng may biglang lalaking pumasok sa loob. Galit ito at nilapitan kaagad si Ma’am at pinagsabihan ng medyo madiin.

“Anu ka ba? Ginawa mo ito sa harap ng bata?”

Tapos tumingin ito sa’kin at pinalabas ako. Nabigla naman ako napahiya sa sinabi niya. Ngunit sinabihan ako ni Ma’am na umalis na lang. Pagkalabas ko ay hinabol ako ng yaya at sinabihang asawa ‘yun ni Ma’am. Di ko alam ang gawin ko sa puntong ‘yon. Di ko naintindihan ang naramdaman ko. Galit ako at napahiya at nagselos. Lalo na’t di ko alam kung anung nangyari sa loob. Gusto ko sanang bumalik sa loob ngunit pinigilan ako ng yaya at sinabihang umalis na lang para hindi magkagulo – ok lang raw si Ma’am.

At that time, di pa masyadong uso ang cellphone kaya wala ako nun. Balisa ako sa buong gabi at di nakatulog. Iba’t ibang bagay ang bumagabag sa isipan ko. Mga 11am ay tinawagan ako sa intercom ng porter namin. May bisita raw ako sa baba. Nagtaka ako kung sino kasi wala namang bumibisita sa’kin dahil ang pamilya ko’y nasa probinsya. Pagbaba ko ay bumungad sa paningin ko si Ma’am Theresa. Naka-fit na jeans at fit na white shirt. Ang ganda niya. Dalagang dalaga ang tikas.

“You’ve been inviting me out, right? But I said no. Now I’m inviting you out for lunch.”
Di ako nakaimik sa sinabi niya. What a pleasant surprise. Di ako makapaniwala.

“Hoy anu ka ba? Ba’t ka nakatunganga diyan? Ayaw mo ba?”

“Yes Ma’am. Gustong gusto ko. Bihis lang po ako.”

Kumaripas ako sa taas upang magbihis. Dahil nakapaglaba na ako at naligo, mabilis lang ako at nakabalik agad. Sumakay kami ng taxi patungong Robinson’s Place, Malate. Di maipinta ang mukha ko sa saya.

“Hoy, hyper ka na naman. Relax ka lang.”

“Di ko po mapigilan Ma’am kasi ang saya ko po.”

Ngumiti kami pareho at nagkatinginan na naman, matagal at may kasama pang buntong hininga.