1. Home
  2. Stories
  3. IAmSam - Part 1
PSErotica

IAmSam - Part 1

By lostinmyownfiction ·

Hindi mapakali si Mang Kris. Panay ang dungaw niya sa bintana pagkatapos ay
tingin sa oras sa cellphone niya.

"12:01 AM… Nasaan na kaya ang batang yun!", pag-alala ni Mang Kris sabay
upo sa sofa.

Biglang nagliwanag ang tanawin sa bintana. Tumayo kaagad siya at sumilip.
Nakita niya ang isang kotseng huminto sa tapat nang bahay niya. Bumukas ang
pinto ng kotse at narinig niya ang dumadagundong na sounds. Lumitaw mula sa
pinto ang isang babaeng nakablack na night dress. Tinanggal nito ang suot
na high heels at dahan dahang pumasok sa gate.

"Bye, Bitch!", biro nang isang babaeng nakasakay sa kotse na ikinagulat ni
Bea at sinenyasan niyang tumahimik ito.

"Woohoooo!", dagdag nang babae na parang bang nangaasar habang kumaripas na
paalis ang kotse.

Bubuksan na sana ni Bea ang pinto ng bahay nila nang biglang bumukas ito.
Nakatayo sa kabila nang pinto ang nakapamewang na si Mang Kris.

"Dad?", sabay kagat labi ni Bea.

Pero hindi umimik si Mang Kris. Alam ni Bea na galit ito.

Gusto nang pumasok ni Bea dahil nalalamigan siya dahil sleeveless ang suot
niyang night dress. Pero nakaharang pa rin sa pinto ang kanyang ama.

"Dad, please naman. Kung pagagalitan niyo ko, can't we do it inside?
Nilalamig na ako eh.", pagmamakaawa ni Bea.

Napaubaya naman si Mang Kris at tumakbo papasok si Bea.

Naupo si Bea at minasahe ang binti at paa niya. Hindi kasi sanay si Bea sa
high heels.

Samantalang si Mang Kris naman ay nilock na ang pinto at umakyat pataas.

"Dad, aren't you going to talk to me?", sabi ni Bea.

Huminto sa pagakyat ng hagadanan si Mang Kris…

"We agreed that you'll be home by 11PM.", sabi ni Mang Kris.

"Pero Dad ayaw pang umuwi nang maghahatid sa akin. What can I do? Alangan
naman maglakad ako umuwi. Hindi ba mas delikado yun", katwiran ni Bea.

"Pag gusto may paraaan, pag ayaw may dahilan.", sabi ni Mang Kris, "You
could've text me and I couldve picked you up."

Gusto pa sanang sumagot ni Bea pero tumuloy na sa pag akyat si Mang Kris.

Pinatay lang ni Bea ang mga ilaw at umakyat na rin siya sa taas.
Napadaan
sa sa kuwarto ni Mang Kris. At naaninag niya sa ilalim ng pinto na bukas pa
ang ilaw nito. Kakatukin niya sana dahil ayaw niyang matapos ang gabi nang
hindi sila nag-aayos nang kanyag ama pero nagdalawang isip ito.

Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay tinanggal na niya ang pagkapuson niyang
buhok.Makintab ito at itim na itim. Isa sa mga nagbibigay ng alindog kay
Bea. Maliban sa buhok nito, nangingibabaw din ang kanyang kaputian dahil sa
may lahing kastila si Mang Kris. Parang siyang si Lucy Torres with matching
freckles pa. Kaya naman maraming nababaliw sa kanya sa school. Maganda rin
ang kanyang katawan dahil isa siyang triathlete.

Tinanggal niya ang hikaw, bracelet at kuwintas niyang mamahalin at nilagay
sa jewely box. Ilan lang sa mga bagay na pinag-iwananan ng kaniyang
naglayas na ina.

Humiga siya habang lumuluha. Kinuha nya ang cellphone niya para may
makausap at nagtatawag ng friends pero walang sumasagot. Naisip niya na
gumigimik pa siguro ang mga yun.

Nahiga na lang siya at naglaro ng Candy Crush.

"Hi", may nag message sa facebook niya.

"IAmSam?", basa niya sa pangalan nung nag message sa kanya.

Inopen niya profile ni IAmSam para mamukhaan niya. Pero wala itong picture
ng mukha puro katawan. At mostly, half naked. Mukhang isang tao lang naman
yung pictures kasi consistent ang hitsura - may six-pack, tanned at may
tribal na tattoo sa batok. Madalas ang pictures nito ay nasa beach,
nagmamarathon, surfing, kayak o kaya biking. Naging interesado si Bea kasi
those are basically the things she is in to. Inabot siya ng kalahating oras
sa kakabrowse ng photos ni IAmSam.

"Shit!". Sa kaniya lang naalala na nagmessage pala ito. Tinignan niya
status sa messenger, online pa…