1. Home
  2. Stories
  3. Cubao 24/7 Part 2: Mga Patay na Buhay Sa Aurora Blvd.
PSErotica

Cubao 24/7 Part 2: Mga Patay na Buhay Sa Aurora Blvd.

By stardust6969 ·

Cubao 24/7 Part 2: Mga Patay na Buhay Sa Aurora Blvd.

Nuong mga taong 2008 to 2013 , pa grabe ng pa grabe ang sitwasyon sa dakong yun ng Cubao, partikular sa kanto ng EDSA at Aurora Blvd…sa bangketa mula sa may Act Theater hanggang Puregold (dating puwesto ng nasunog na Uniwide).

Duon matatagpuang ang mga sinasabing latak ng lipunan. Mga patay na buhay. Nagkalat sila duon. Tila inari na nilang kanila ang lugar na yon. Lalo na sa gabi at sarado na ang mga establishments dun.

May mga ilan namang taong kalye na may inuupahang kuwarto sa hindi kalayuang lugar. Pero nasa sa bangketa ang kanilang kabuhayan.

Mga tindera ng sigarilyo at kendi, pokpok, bugaw, pulubi, hustlers, adik, pusher , mandurukot, snatcher at kung anu-anong raket. Yung iba, kasama ang mga anak na paslit.

Duon na natutulog, minsan naglalaba ng damit ng mga bata, minsan nagluluto ng kung anu-ano, pinaliliguan ang mga bata gamit ang tubig mula sa basyo ng 1.5 liter na coke. Pag gising sa umaga, itatabi, titiklupin ang hinigaang karton. Ang mga gamit ay nasa lumang back pack, pero kadalasan ay plastic grocery bag.

Ang CR nila ay mga nakapaligid na fast food , mall at supermart. Ang mga pokpok ay duon naliligo sa mga mumurahing motel/appartel. Kinse pesos ang bayad. Isa pa nakikisama rin ang mga motel na ito dahil ang mga pokpok ang nagdadala ng guests sa kanila .

May mga pokpok hindi na umuwi, lalo na yung minalas na walang customer. Kaya walang pamasahe man lang pauwi. Huwag na nating isali pa ang pagkain. Karamihan sa kanila ay nasa informal settlers’ communities sa Antipolo, Marikina, San Mateo, Montalban at Quezon City..Litex, NIA Road, at Payatas.

Madalas pag nakikita ako ng mga ilan sa kanila ay hihingi sila ng konting pera, pangdagdag lang daw sa nahingi nila sa iba. Lugaw at kwekwek ang bibilhin nila. Yung iba yosi at softdrinks.

Siguro, maitatanong ninyo, bakit hindi sila pinaalis duon? Tulad ng gawi ng gobyerno, ningas-cogon.

Pana-panahon. Paalisin…minsan. Lalo na pag may reklamo ng snatching, pangingikil at pandurukot. Pero, pagkatapos, wala na. Kaya naman, wala pang isang araw ay babalik na ang mga zombies at vampires dun.

In fact, mga ilang mga pulis din ang naka deploy dun pero sinasabihan lang nila ang mga bugaw at pokpok duon sa mga disimiladong lugar sila tumambay. Yung ibang pulis ay naawa din sa kanila. Pero marami ding walanghiyang pulis.

Minsan naitanong ko sa mga pokpok kung bakit marami ang hindi nalabas pag Friday. Yun pala takot silang mahuli at kasuhan ng “Vagrancy” o bagansiya. Tang na, 2,000 multa (piyansa?) nito. Tapos, Lunes na sila makakalabas dahil Biyernes nga at walang inquest, sarado ang opisina. Kaya maglalagay sila kung magkano ang kaya nila. Minsa kinikuha ang cell phone (kahit mumurahin) o kaya, yung may hitsura ay gagamitin nila .. kakantutin or magpapatsupa. Pag minalas pa, pipilahan nila.

Si “Jasmine”.

Sa ngayon ipopokus ko muna ang kwento sa kay “Jasmine”, ito ang ang kanyang screen name, or more appropriately, “street name” na kanyang gamit. Ewan ko kung tutoo niya itong pangalan. . Bihira man, meron din kasing gumagamit ng tunay nilang pangalan.

Sa stretch ng nasabi kong lugar sa Cubao ang teritoryo ni Jasmine. Yung iba sa kabilang side ng Aurora, mula Mcdo hanggang7/11 at Chowking.

Karamihan sa mga pokpok sa mga lugar na yun ni Jasmine ay mga bandang gabi na , 7:00 PM or mas gabi pa, kung dumating. Pero minsan kahit may araw pa ay andun na sila..especially kung walang kinita nung nakaraang araw, or may babayaran , may bibilihin, may birthday or may sakit ang anak, at kung anu-ano pang dahilan.

May hitsura si Jasmine, mga 5’1” at maganda ang katawan, bilugan pero hindi chubby, mahaba ang buhok, may kaputian, malaki ang suso, maayos ang mga ipin. Maganda ngumiti.

Sa una pa lamang namin ng paguusap ay mapapansin ko na hindi siya “smart”. Simple lamang ang kanyang kaisipan. Siya yung tipong “follower or docile personality” yung walang sarileng disposisyon. Hind siya bibo.

May bugaw siya dahil nahihiya daw siyang personal na i-alok ang sarile. (Marami sa mga pokpok ang ganito, meron ding free lancer..bihira nga lang. dahil mas mabilis ang mga bugaw at mas agresibo sa paglapit sa potential customers. Maari din silang pagkakaisahan ng mga bugaw dun at baka mapalayas pa sila lugar na yun pag hindi sila nag pa bugaw.).

Pag matagal na at wala pang customer sa lugar na yun, aakyat sila Jasmine at ang kanyang bugaw sa over pass. Marami sila dun sa itaas, lalo na pag malalim na ang gabi. Napakadelikado dun para sa mga tatanga-tangang malilibog. Punong-puno ng patibong ang lugar nayun. .

Pero saka ko na ito ikukwento.

----------------------

500 to 600 ang presyo ni Jasmine. Negotiable. Karaniwang 400 lang ang singil ng mga ordinaryong pokpok. Short time, isang putok lang. Straight fucking, walang lamas sa suso, puke, lalo ng walang brotsa. Yung iba payag sa tsupa. At nagpapakain ng pekpek. Pero walang nagpapahalik sa bibig. At dapat may condom . Meron payag na walang condom. Extra 200 nga lang.

Akalain mo, 200 lang ang katapat ng maari nilang ikabuntis, mag ka AIDS at iba pang sakit, HepaB, tulo, herpes at marami pang iba.

Ang 100 ay sa bugaw. Pero pag tatanga tanga ka, hihingan ka ng tip ng bugaw, susundan ka nila hanggang sa mumurahing appartel. Tang na, parang “finders fee or brokers’ fee” LOL.

Kaya ang mga manlolokong pokpok at bugaw ay hindi pumapayag na sa Sogo, Nice, Eurotel at mga ganung kalaseng hotel dahil hindi puwede ang style nilang manloko. Hindi sila makalalabas ng hindi alam ng customer. Saka ko na rin ikukuwwento ang iba-ibang style ng kanilang pangloloko.

Pero pag pasok sa kuwarto. Kadalasan, hindi maghuhubad ang pokpok , hihingi ito ng extra 100 or 200 bukod sa pinagusapan niyong bayad. Kadalasan daw ay nagbibigay ang customer. Kasi nga andun na at libog na. Isa pa, may protector ang mag pokpok sa labas. Bugbog ang customers pag pumalag. Pati roomboys ay kakampi nila… ito ay sa mga patakbuhing appartel.

-----------------------------

Si Jasmine.

Kahit tuwing Friday lang ako nasa lugar na yun ng Cubao, nuon ko pa napapansin si Jasmine duon. Nawala to ng mahigit isang taon, bago ko nakita ulit. Nanganak pala ito. Pang tatlo na yata. Bago ito, talaga namang hindi regular si Jasmine sa Cubao,. Pasulpot-sulpot lang ito. Pag mahigpit ang pangangailangan. Ayon na rin sa kanyang kwento.

Pero malaki pala ang proglema ni Jasmine sa buhay. Nalaman ko ito sa mula sa dalawang naging bugaw niya. Pati na rin sa kanya mismo.

May kinakasama itong lalake. Isang security guard, nakita na ito. Minsan nasa overpass si Jasmine at naghihintay ng customer ng lapitan ito ni lalaki at dinala sa jollibee sa Farmers, duon din ako kumain. Kita ko na hindi sila halos naguusap habang kumakain. Matapos ito ay inihatid ng lalake si Jasmine sa overpass at saka iniwan dun. May itsura ang lalaki. Tingin ko mas matangkad sa akin ng bahagya. Mga 5’11”. Kaya siguro hindi lang panty at puso ni Jasmine ang nahulog sa lalaking yun. Pati utak niya ay nahulog.

May isa palang anak si Jasmine sa una bago pa ito nakisama sa security guard na yun. Ganun din daw ang lalaki, na may isa ring anak sa una. Dalawa ang anak na talagang kanila. Kasama na ang huling babay ni Jasmine.

Battered “wife” si Jasmine. Kaya malaki ang takot sa asawa. Katulad ng pattern ng wife beater, mag sosorry si lalake at magsisisi pagkatapos mambugbog. Paglaon, manguumbag ulit.

Si Jasmine ay hindi nagpapakantot, pero payag sa BJ kasama ang labasan ang lalaki sa kanyang bibig.

Hind rin nagpapakain ng pekpek.

“Bakit?” Tanong ko.

Malalaman daw ng asawa niya pag nakantot at nakain siya kahit pa may condom. Bugbog siya pag nagkataon.

“Alam naman niya ang trabaho mo di ba.” Giit ko.

“Oo, pero ang alam niya raket lang at hindi ako nagpapakantot talaga”

Naguguluhan ako sa paliwanag niya. Iniinspeksyon daw ang puki niya pag dating sa bahay. Inaamoy kung bagong hugas, pini-finger din.

Pokpok na raw siya ng magkakilala at magsama sila. Hiwalay daw sa asawa ang security guard. Tang nang yun, ang sarap ng buhay. Libre kantot na pinagkakakitaan pa ang babae niya.

------------------------

Nung huli ko siyang Makita. Ngumiti siya sa akin.

“Oh milagro, andito ka ngayon” Bati ko.

“Kailangan pang gatas at pambayad ng koryente” Malungkot ang mga mata ni Jasmine.

“Bakit kasi anak, ka ng anak” Parang sinisi ko pa.

“Ayaw niya ng condom” Sagot niya.

Dapat siguro pa salvage sa Davao Death Squad ang kinakasama ni Jasmine. Tang na.

Umistambay muna ako sa may gotohan habang uminom ng softrinks. Mga 9:00 PM pa ang bukas ng “Bangbangali” .(.baligtad ng “Alibangbang”) at iba pang club na pugad ng hubad na dancers. Naisipan kong mag Lotto muna. Keno. As usual, talo na naman ako.

Mag a-alas nuwebe na. Paalis na ako . Si Jasmine at ang bugaw nito ay andun pa rin. Wala pang mabingwit na customer.

“Kuya, ilabas mo na si Jasmine, wala pa eh. Kailangan niya na raw umuwi.”

Nangiti ako habang umiiling. Alam naman ng bugaw na showtine time lang ang gimmick ko, nuod -nuod lang ng nude dancers.At table-table lang. Mas desperada pa yata ang bugaw. Malamang hindi pa yun kumakain.

Nang hindi nakatingin ang bugaw, pasimpleng nilapitan ko si Jasmine. Tinapik sa balikat, tapos, sabay “high five”

“Good luck” Sabi ko at tumawid na ako papuntang bar sa hindi kalayuan.

“Salamat, habol niya”

Yun ang huling pagkakataon na nagkita kami.

Ewan ko kung ano ang maitutulong ng limang daang piso na inipit ko sa palad niya nuong ng “high-five” kami .

Hindi ako mayaman, pero parang may nagbubulong sa akin, parang naririnig at naamoy ko ang matinding pangangailangan ni Jasmine. Parang hindi ko maatim sa susunog ako ng pera para mag good time, tapos alam kong may isang tao na ganun kagipit sa pera.

Maayos naman ang aking kita. Wala na rin akong pinag-aaral, maliban sa aking asawa na paulit-ulit kong pinag-aaral….n a magpapayat.

Isa pa, maswerte rin lang si Jasmine kasi I just received the payment for the transcription and translation of tagalog documents from our office’s American counterparts. Mas malaki ito kesa sa inaasahan ko.

Hindi ko alam kung isa akong sucker sa sob story, or isang “pleaser”, or yung nagbibigay to feel important, to please himself, yun bang feeling Saviour, eka nga. I really don’t know. I just felt I had to at least offer a little help. Pagkain man lang at pamasahe ni Jasmine in case na wala siyang makuhang customer sa gabing yun.

I don’t want to dwell on it!

Tang na, makainom na nga. Naghihintay na ang ice-cold SanMig light at ang paborito kong kutkutin: pekpek , mane at utong. Sarap kaya nun.