1. Home
  2. Stories
  3. Rapture Of Love
Filipino Sex Stories

Rapture Of Love

By lexmavil ·

Nakatitig si rose sa mukha ng lalaking kanina lang ay kanyang kaniig, mahimbing itong natutulog habang itoy nakayakap sa kanya na tila ba ayaw syang mawalay man lang dito kahit itoy natutulog.

Napa buntung hininga si rose, napakaligaya nya sa oras na iyon dahil kapiling nya ang tanging lalaki na nagpatibok ng kanyang puso.

Napaisip sya kung kailan kaya mauulit ito, o dapat pa ba talagang maulit ito. Ang kaninang masayang damdamin ay napalitan ng lumbay, nangilid ang luha sa mga mata at unti unting namalisbis sa kanyang mga pisngi.

Naalala nya ng siyay unang ipakilala kay Nico ng isang taong malapit sa puso nya, sumikdo ng tibok ng kanyang puso, nanlamig at pinag pawisan ang kanyang palad ng magdaop ang mga ito ng silay mag kamay, pilit man niyang ipaling ang mga mata ay di nya magawa, parang may magneto ito na hinihigop ang kanyang mga mata upang itoy pag masdan, nang sumilay ang ngiti nito sa labi ay nangalog ang kanyang tuhod, nasabi nya sa sarili na umiibig sya kay nico kahit sa unang pagkikita pa lang.

Nang mga sumunod na araw ay kay ligaya ng puso nya, sumugal sya sa pag ibig ni nico kahit sa umpisa pa lang ay alam nyang may hangganan agad ang kanilang pag iibigan.

Ipinadama sa kanya ni nico kung gaano kasarap ang umibig at ibigin, sa piling ni nico ang pinaka masayang sandali ng kanyang buhay.

Bumubukal na ang kanyang mga luha habang minamasdan pa rin ang natutulog na si nico. Parang gusto nyang mag tampo sa diyos.

Ang damot mo naman ang may hinagpis na patungkol nya sa diyos, sana hindi mo na lang hinayaan na kamiy magkakilala at mahalin sya kung hindi mo rin lang sya ibibigay sa akin ng lubusan.

Nang maramdaman nyang kumilos si nico ay mabilis nyang pinahid ang luha at ibinalik ang mga ngiti sa labi.

Wake up na love, sabay dampi ng halik sa labi upang itoy magising, mag gagabi hinihintay ako sa bahay.

Nagmulat ng mata si nico, minasdan sya at marahang kinabig at masuyo syang hinalikan, ng mag lapat ang kanilang mga labi ay hindi na nya napigilan ang kanyang emosyon, napahagulgol sya ng iyak habang mahigpit na nakayakap kay nico, ito na ang huling pagkakataon na silay magkakasama, ito na ang hangganan ng kanilang pagmamahalan.

Mahigpit din ang pakakayakap ni nico sa kanya, hinayaang mailabas ang kanyang hinagpis sa pamamagitan ng pag luha.

Nang lumipas ang bugso ng emosyon ay tinitigan nya si nico at sinabing, ikaw ang pinakamamahal ko ngunit ang pag iibigan natin ay nadama natin sa maling panahon, ngunit wala akong pinagsisisihan pagkat, kahit saglit ay lubos na kaligayahan ang idinulot nito sa akin, kahit ang kapalit ngaun ay kalungkutan, mahal na mahal kita love, at siniil nya ng halik ang labi ng lalaking minamahal.

I love you to love, so much, ang sabi din ni nico at mahigpit na niyakap si rose at tumugon sa halik nito.

Ilang sandali pa ay sabay na silang naligo sa shower room ng hotel na iyon, at muli sa huling pagkakataon ay nilasap nila ang tamis ng kanilang pag iisang katawan.

Nang malapit na sila sa bahay ay pinahinto na ni rose kay nico ang sasakyan.

Dito na lang ako, lalakarin ko na lang. Ang sabi nya kay nico na may pait ang ngiti.

Lalabas na sana sya ng sasakyan ng hawakan ni nico ang kaliwang bisig nya, hinila sya at niyakap ng mahigpit. Hindi na nya kinaya ang bigat ng dibdib at napayakap din sya ng mahigpit at napagulgol ng iyak.

Lumipas ang ilang sandali nanatili pa rin silang magkayakap ngunit payapa na ang kanyang kalooban.

Ilang sandali pa ay kumalas na sya sa yakap ni nico.

Mahal na mahal kita love wag mong kakalimutan yun ha, ang sabi nya kay nico bago sya humalik ng dampi sa labi at bumaba na ng sasakyan tuloy - tuloy lang ang lakad nya, ayaw na nya lumingon dahil baka hindi nya mapigilan ang sarili at muling bumalik sa mga bisig ni nico.

Tinatanaw naman sya nico habang mabilis syang naglalakad papauwi sa kanilang bahay, ngaun ay malaya na nyang pinakawalan ang mga luha na kanina pa nya pinipigil, ayaw nyang ipakita ang pag luha sa harap ni rose pagkat kailangan nyang ipakita dito ang tibay ng kanyang kalooban sa kanilang paghihiwalay upang maging matibay din si rose sa pagharap ng bukas na hindi na sya kapiling.

Nang makapasok na si rose sa kanilang bahay at saka pa lamang sya umalis sa lugar na iyon

Pag liko nya sa pang apat na kanto ay itinabi nya ang sasakyan, lumabas at nag sindi ng sigarilyo habang nag iisip. Nang maubos ang sigarilyo ay pinitik ang upos at napahinga ng malalim, sumakay uli sa sadakyan at bumwelta.

Pag parada nya sa tapat ng isang bahay ay kita na nya agad sa veranda ang isang napakagandang babae na naghihintay sa kanya. Napakaamo ng mukha nito, pag ngumiti ay makikita ang isang biloy sa kaliwang pisngi matangos ang ilong at sadyang mapula ang labi na kay sarap hagkan, mahaba ang buhok at balilngkinitan ang katawan.

Nang makita sya nito ay may pagkagalak at sabik syang sinalubong nito.

Nang makapasok na sya ay agad syang niyakap at humalik ng dampi sa kanyang labi.

Nagagalak naman nyang minasdan si izabel mababanaag sa mga mata nito ang labis na pag ibig.

Ahh!! napakaganda talaga ng honey ko ang sabi nya.

Ngumiti si izabel at halatang namula sa kanyang papuri.

Halika na hon, nag aantay na si daddy at mommy sa loob ang sabi ni izabel na naka abresyete sa kanyang braso at nakahilig sa kanyang balikat.

Nang makapsok sila ay tumuloy na sila sa komedor pagkat andun na ang mga magulang ni izabel.

Good evening po, ang pagbibigay galang nya sa nagulang ni izabel.

Oh nico tamang tama ang dating mo umupo ka na at ng makapag dinner na tayo ang sabi ng daddy ni izabel.

Iha ayos na ba ang preparation sa kasal nyo ni nico, you only have three days, ok na po mom, up to the smallest details ang sagot naman ni izabel sa tanong ng ina.

So nico, ready ka na bang maging family man ang tanong ng ama ni izabel kay nico.

Tumingin muna si nico kay izabel na puno ng pag ibig at saka bumaling sa ama nito at sumagot ng, i am, sir, i am.

Well good, at iyan naman ang inaasahan ko please take good care of my youngest daughter ang nakangiting sabi nya kay nico, ng mapansin nito na bakante pa ang isang upuan. Asan na ba ang ate mo, ang tanong nito kay izabel.

Nang makarinig sila ng nga yabag pababa ng hagdan galing sa ikalawang palapg ng bahay.

Ah shes coming na, dad ang sabi ni izabel sa kanyang ama.

Ilang sandali pa ay bumungad na sa komedor ang ate ni izabel.

Good evening everyone ang bati nito sa lahat. Nang magtama ang mga mata nila ni nico, ilang segundo silang nagtitigan at sa malamlam na mata ay binati nya din ito.

Good evening nico.
Good evening, ate Rose.

Fin….