1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 27 - Decisions
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 27 - Decisions

By van_themaster ·

Chapter 27

Palabas na sina Dan at Mika sa bar ng bandang pasado alas onse ng gabi. Hindi naman marami ang customers ng mga oras na iyon kaya hindi na sila pinag-extend ng kanilang supervisor. Ngunit ng nasa entrance na sila ay saka naman bumuhos ang ulan. Malayo ng bahagya mula sa bar ang abangan ng sasakyan at wala pang waiting shed. Nagkatinginan si Dan at Mika, kapwa napangiti, wala naman silang magagawa kung hindi ang maghintay. Habang naghihintay ay nakakaramdam ng panlalalamig si Mika. Tiningnan muna ni Mika ang paligid, hindi naman sila kita mula sa pwesto ng gwardiya. Nag-aalangang niyakap ni Mika ang braso ni Dan at saka isinandal ang ulo sa balikat ng binata.

"D-Dan… N-nilalalamig ako." ang giniginaw na sabi ni Mika, halata naman iyon sa mukha at katawan ng dalaga.

Nakita naman ni Dan ang kalagayan ni Mika, kaya kahit nag-aalangan siya sa ginawa ng dalaga ay pinabayaan na niya ito.

Mula naman sa loob ng bar ay nakita ni Alex mula sa bintana na umuulan. Mamaya pang alas-tres ng madaling-araw ang uwi niya, naalala niya si Mika na kasabay ni Dan. Tiyak na nasa labas pa ang dalawa at hindi makalapit sa abangan ng sasakyan. Itinigil mula niya ang ginagawa at nagpunta sa may locker room. Kinuha ang kanyang folding umbrella mula sa loob ng locker at saka lumakad palabas ng bar. Nang makalampas na siya sa entrance ay saglit na tiningnan ang pagbuhos ng ulan. Parang matatagalan pa ito bago huminto. Pagkatapos ay hinanap ng kanyang mata ang dalawang kaibigan na nakita niya sa isang sulok ng entrance na medyo madilim.

Bagaman nalungkot ay hindi na siya nabigla ng makitang nakayakap si Mika sa braso ni Dan habang ang ulo naman ni Mika ay nakasandal sa balikat nito. Napailing na lang si Alex at dahan-dahang lumapit kay Dan. Nakadistanya pa din siya ng tumapat sa tagiliran ni Dan. Iniabot sa kaibigan mula sa kanyang kaliwang kamay ang hawak na payong.

"Pre, gamitin nyo na to. Tila na naman yan pag pauwi na ako." si Alex na hindi nakatingin sa dalawa.

Sabay namang napalingon si Dan at Mika sa direksyon ni Alex, kapwa bahagyang nabigla. Napakalas si Mika sa braso ni Dan kahit ayaw pa ng dalaga.

Napilitan na si Alex na lumapit pa ng bahagya upang ipilit ang payong na hawak niya. Alam niyang pagod na ang mga ito. Si Dan ay maghapon ng gising at si Mika naman ay giniginaw na. Nang nakalapit na siya sa dalawa ay napansin niyang nakalayo na ng bahagya si Mika kay Dan. Napailing ulit siya. May dahilan kung bakit ganito ang dalawa. Dahilan na ayaw nilang malaman ng iba.

"Dan, kunin mo na to. Mag-abang na kayo ni Mika. Aabutin pa kayo dito ng tagal bago pa tumila yang ulan na yan." ang nagbibirong sabi ni Alex.

Napilitan na din si Dan na kunin ang payong kay Alex. Kapwa sila pagod na ni Mika at ramdam niyang nilalamig ang dalaga.

"Salamat Pre." ang nakangiting sabi ni Dan ng kinuha ang payong mula kay Alex.

Hinanap naman ni Mika si Alex mula sa tabi ni Dan.

"Thank you Alex." si Mika na nakangiti din kay Alex.

"O siya, umuwi na kayo. Bahala na kayong dalawa kung saan nyo ako gusto ilibre sa katapusan. Marami na kayong utang sa akin." ang nakatawang sabi ni Alex.

"Akong bahala sayo Lex." si Dan.

"Sama ako ha." ang sabi naman ni Mika na kay Dan nakatingin.

"Para namang makakatakas kami sayo ni Alex." ang nakangiting sagot naman ni Dan kay Mika.

Hindi na din nagtagal si Alex dahil kailangan na din nitong bumalik sa loob.

"Ingat kayong dalawa sa pag-uwi. Dan, si Mika ha. Ihatid mo sa mismong bahay niya. Lagot ka sa akin pag hindi mo ginawa." ang nakangiting sabi na lang ni Alex. Dahil alam ni Alex na sa iisang lugar nakatira ang dalawa ngunit hindi niya alam na magkatabi ang kwarto ng mga ito.

Nakangiti namang muling nagkatinginan sina Dan at Mika.

"Ok Pre, makakaasa ka." si Dan na lumingon na kay Alex.

Kumaway si Alex sa dalawa at saka ito bumalik na sa loob ng bar. Malamig ngayong gabi at masarap pakinggan ang pagpatak ng ulan. Kahit alam niyang mali ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan dahil sa naiisip niyang maaaring gagawin ng dalawang kaibigan ngayong gabi.

Binuksan ni Dan ang payong na bigay ni Alex. Alam niyang ang payong na ito ay mas higit na para kay Mika kaysa sa kanya. Maaalalahanin talaga si Alex. Sa isip ni Dan ay kung kay Alex mapupunta si Mika sa pagdating ng araw ay papayagan niya. Kapwa mabait ang dalawa at magkasundo talaga.

Naramdaman niya ang muling pagkapit ni Mika sa kanyang braso.

"D-Dan, uwi na tayo." si Mika habang nakatingin sa kanya, nilalamig pa din ang dalaga.

"Tara na."

At nagtungo na ang dalawa sa abangan ng sasakyan at hindi naman nagtagal ay nakasakay na din sila. Pagbaba nila ng sasakyan ay nakayakap pa din si Mika sa braso ni Dan habang naglalakad silang dalawa. Masayang-masaya ang pakiramdam ni Mika habang nakayakap sa braso ni Dan. Parami ng parami ang ala-alang babaunin niya sa bawat sandaling sila ay magkasama. Ayaw na niyang malungkot sa kaiisip sa hinaharap, ang mahalaga ay masaya at maligaya siya ngayon sa piling ni Dan. Sapat na ito sa kanya.

Pagdating nila sa bahay ay mabilis na nagluto si Mika ng ulam pagkatapos nitong magpalit ng pambahay. May nakasaing na naman na kanin na nakahanda sa kanila gawa ng Ate Ella niya. Nakatingin lamang naman si Dan kay Mika, wala naman siyang maitutulong sa dalaga. Ayaw din ni Mika na gumagawa siya kapag sila lang dalawa ang magkasama.

Nang matapos ay naghain na si Mika. Kahit pagod ay masaya pa din silang nag-usap habang kumakain. Nang matapos ay si Mika na din ang nagligpit. Nagtuloy naman si Dan sa kanyang kwarto. Pagkatapos magligpit ay nagtungo si Mika sa banyo upang mabilis na maligo ngunit hindi niya binasa ang kanyang buhok. Ramdam niya ang lamig ng tubig sa kanyang katawan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nais niyang maging malinis ang kanyang katawan sa muli niyang pagtabi kay Dan.

Ini-lock ni Mika ang pinto ng kanilang kwarto ni Ella at saka pumasok sa kwarto ni Dan. Umupo siya sa gilid ng kama at hinintay na lumabas mula sa banyo si Dan. Ngumiti siya sa binata ng makita niya ito. Basa pa ang mukha ni Dan at may hawak pang sepilyo. Tumayo si Mika at kinuha ang twalya saka pinusan ng marahan ang mukha ni Dan. Nang matapos ay hindi na siya hinayaan ni Dan na muling maupo. Nagsimula na silang maghubad ng kanilang mga damit. At gaya kaninang umaga, kapwa nila masarap at mainit na pinagmasdan ang kahubaran ng isa't-isa.

Naghinang ang kanilang mga labi. Niyakap ni Dan si Mika habang nilalamas ang isang malusog dibdib ng dalaga. Yumakap din si Mika habang nakahawak naman sa malaki at nakakapasong pagkalalaki ni Dan. Ang kaninang malamig nilang katawan ay naging mainit na. At namalayan na lang nila na nasa kama na silang dalawa. Pinasadahan ng halik at laway ni Dan ang mainit katawan ni Mika. Lalo na ang malulusog na dibdib ni Mika na kaysarap paglaruan at lamasin talaga. Pinagsawa din niya ng husto ang kanyang bibig sa pagkababae at nektar ni Mika. Hindi siya tumigil hanggang hindi nangingisay sa sarap ang dalaga. Pagkatapos ay si Dan naman ang nahiga at saka tumingin kay Mika.

"Mika, nakaranas ka na bang sumubo?" habang nakatingin sa mata ni Mika.

Nahihiya namang tumango si Mika.

"Isubo mo Mika." ang sabi ni Dan.

Hinalikan muna ni Mika ang labi ni Dan bago niya pinagapang ang kanyang halik pababa. At ng nasa tapat na siya ng malaking alaga ni Dan ay nagsimula na siyang paglaruan ito. Naturuan na din naman siya ng una niyang nobyo. May alam na din siya kahit papano sa pagpapaligaya sa katawan ng lalake.

Ramdam ni Dan ang sarap ng dila at bibig ni Mika sa ginagawa nitong pagpapaligaya sa kanyang pagkalalake. Sadyang nais niyang gawin ito ni Mika. Dahil naramdaman niya kanina ang dalawang masarap na pagsubo ni Christine at Arcelle, maging ang paglunok ng dalawa sa kanyang mainit na tamod, kaya ayaw niyang matapos ang kanyang gabi na hindi niya nalalasap ang pagsubo naman ni Mika. Masarap ding sumubo si Mika, pero hindi kasing husay talaga ni Christine. Hindi naman napakarami ng karanasan talaga ni Christine ngunit para bang sinanay talaga ng dalaga ang bibig nito sa pagpapaligaya ng lalake.

("slurrpp""slurrpp""slurrpp""slurrpp")

"Ah.. Ahh.. Sige lang Mika… "

Habang ninanamnam ni Dan ang sarap ng ginagawa ni Mika ay naisip niya si Angela. May mga karanasan na sa pagsubo sina Christine, Arcelle at Mika. Ngunit wala pa ang iniibig niyang si Angela, hindi niya alam kung katulad ba si Angela ni Diane na walang pagtutol na sumunod sa kanya ng ipasubo niya ang kanyang pagkalalake. Sa isipin pa lang na nilalaro ni Angela ang kanyang pagkalalake ay nag-aapoy na siya. Lalong sumarap ang pakiramdam niya. Ang maamong mukha ni Angela ang nasa isip niya habang nakasubo sa kanya si Mika.

("slurrpp""slurrpp""slurrpp""slurrpp")

"Malapit na ako.. Lunukin mo Mika.. Ahh.."

At ilang sandali pa ay sumabog na nga sa bibig ni Mika ang kanyang mainit na tamod. Nilunok naman lahat iyon ni Mika. Sinaid lahat maging ang tumulo sa katawan. Nang matapos ay nag-angat ng tingin si Mika at ngumiti kay Dan.

"Masarap?" ang nakangiting tanong ni Mika.

Hinaplos naman ni Dan ang pisngi ni Mika.

"Masarap Mika." si Dan na nakangiti din kay Mika.

Bumagon saglit si Mika mula sa kama at nagpunta sa banyo. Nilinis ang bibig, dahil iyon ang pinagagawa sa kanya ng dati nyang nobyo. Saka siya muling tumabi kay Dan at muli na naman silang nagpainit ng katawan. At sa malamig na gabi kasabay ng pagpatak ng ulan ay muli na naman silang nagpakasarap sa katawan ng isa't-isa.

"Ahhh… D-Dann….."

("PLAK!""PLAK!""PLAK!""PLAK!")

"Ah.. Ah.. Mika… Mika.. Ahh"

At pagkatapos ng matagal din nilang pagtatalik ay halos magkasabay silang nilabasan.

"Ohhhnnmmpp…."

"Aggghhhh.. Mikaaa…"

Nanatili pa silang magkayakap habang magkahinang ang kanilang mga labi. Pagkatapos ay saka nangusap ang kanilang mga mata.

"Mika, paano ka kapag nabuntis kita? Alam mo ang kalagayan ko." si Dan nakapatong at nakayakap pa din kay Mika.

"Diba sabi ko sayo Dan, wag kang mag-aalala sa akin. Wala kang pananagutan. Ako ang may gusto nito." si Mika habang hinaplos ang mukha ni Dan.

Natigilan si Dan, labis talaga siyang mahal din ni Mika.

"I love you Dan." ang buong pusong sabi ni Mika.

Isang mainit na halik na lang ang isinagot ni Dan kay Mika. At kasabay ng kanilang pag-idlip ay ang pagtila din naman ng ulan. Magkayakap ang kanilang kahubaran at payapa na silang nakatulog.

*****

Isang araw na lang mula ngayon ay ang araw na ng Huwebes, ang araw na pinananabikang dumating ni Angela. Nais ni Angela na maging masaya, ngunit kapag naalala ang naging pag-uusap nila kahapon kasama ang mga magulang ni Lance ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot. Parang dahil sa katayuan ng pamilya niya sa buhay ay wala na siyang karapatan na lumigaya na walang inaalala.

Naalala niya ang kanyang mommy, napangiti na din si Angela sa harap ng salamin. Kakampi niya ang kanyang ina at hindi siya nito pababayaan.

Napabaling si Angela sa pinto ng makarinig ng mga marahang pagkatok.

("tok"tok"tok")

"Angela, Iha, are you done?" ang pagtawag ni Alice.

Nagtataka naman si Angela, hindi naman siya kinakatok ng ina tuwing umaga dahil kusa naman siyang bumababa upang sumabay ng agahan sa mga magulang.

"Yes Mom, I'm coming now."

At lumabas na siya ng kanyang kwarto, kasabay na naglakad ang ina. May sinabi ito sa kanya at dito niya nalaman ang dahilan ng pagpunta ng ina sa kanyang kwarto. Nakaramdam siya ng matinding pagkasuya.

Pagdating nila sa magarang kusina ay nakita niyang nakatayo doon si Lance. Hinila ni Lance ang upuan sa tabi ng binata. Napilitan siyang umupo doon samantalang umupo naman ang kanyang ina sa tabi ng kanyang ama.

"Angela, on some days, Lance will be here to bring you to school, and pick you up too after your class." ang paliwanag ng ama.

Nakaramdam ng matinding kaba si Angela. "Some days", hindi araw-araw, ngunit paano ang araw ng bukas na hinihintay niya. Tumingin siya sa ina, ngunit malungkot ang mukha nito, walang magawa sa desisyon ng kanyang ama.

"Angela, don't always look to your Mom when it comes to this. You're not a kid anymore. Pumayag na ako sa gusto ng mommy mo na hindi muna kayo lumabas ni Lance. Pero kailangan nyo pa ding magkalapit na dalawa and this is the start. Don't be stubborn Angela, show some courtesy towards Lance. He is very affectionate and caring towards you. He doesn't need to do this but he is willing to give you some of his precious time just to be with you." ang madiin na wika ni Anton.

Hindi sumagot si Angela at tahimik na lang kumain.

Si Lance bagaman labis na natutuwa dahil nakikitang suporta sa kanya ng daddy ni Angela ay nakaramdam ng kaba. Dahil alam niyang galit na naman sa kanya si Angela. Ngunit pilit nyang titiisin ang nararamdaman ng dalaga, alang-alang din naman ito kay Angela. Darating din ang araw na mapapasakanya si Angela at magiging mag-asawa din sila.

Hindi naman siya ang nakaisip nito, ngunit ng kausapin siya ng kanyang mga magulang na gawin ito na may pahintulot ng ama ni Angela ay hindi siya nagdalawang isip pa. Pumayag siya upang mapilitan si Angela na magkasama sila sa umaga at hapon. Nais sana niyang gawin ito araw-araw ngunit may sariling gawain din naman siya sa pamantasan na pinapasukan.

Nang matapos kumain si Angela ay tahimik siyang tumayo. Malungkot na tumingin sa kanyang mga magulang at saka nagpaalam.

"Bye Mom, bye Dad." ang sabi na lang ni Angela. At gumawi na siya sa salas upang kunin ang mga gamit niya sa school.

Naiwan naman si Anton at Alice na nakatingin sa papalayong si Angela. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi humalik sa pisngi nila ang nag-iisang anak. Nagtataka si Anton ngunit alam ni Alice ang dahilan.

Tumayo na din si Lance at nagpaalam sa mga magulang ni Angela.

"Tita, Tito, thanks for having me. Alis na po muna kami." ang nakangiting paalam ng binata.

Tumango lang si Alice.

"Take care on the road Lance, she's with you now." ang huling sabi na lang ni Anton.

At nagtuloy na si Lance sa kanyang magarang sasakyan at doon hinintay ang pagdating ni Angela. Nakaramdam ng lumbay si Lance ng makitang malayo pa lang ay malungkot na ang maganda at maamong mukha ni Angela. Pinagbuksan niya si Angela ng pinto sa passenger seat sa harapan at saka siya pumasok sa loob ng sasakyan.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang papunta sila sa pamantasan ni Angela. Sa daan nakatingin si Lance samantalang nasa labas naman ang paningin ni Angela.

Hindi din nakatiis ang binata.

"Angela, do really you hate me that much?" ang malungkot na tanong ng binata habang nakatingin sa daan.

Ipinaling naman ni Angela ang paningin kay Lance.

"I don't hate you Lance. But I truly love someone else." ang matapat na sagot ni Angela saka muling ibinalik ang paningin sa labas.

Nakaramdam naman ng bigat sa dibdib si Lance. Alam na naman niya ang katotohanan na iyon ngunit sa tuwina'y masakit pa din sa kanya. Lalo na kapag ang mga salitang iyon ay manggagaling sa mismong labi ni Angela, ang dalagang pinakamamahal niya.

Hindi na sila muli pang nag-usap. Nang makarating malapit sa gate ng school ay walang paalam na bumaba ang dalaga. Napatingin naman ang mga estudyante kay Angela. Ang ilang dalaga ay nakaramdam ng pagkaiingit kay Angela, dahil sa magarang sinakyan nito at sa gwapong binatang naghatid sa kanya. Isinara niya ang pinto ng sasakyan at nagsimula ng lumakad. Ngunit natigilan ng makitang nakatingin sa kanya si Dan na malapit lang sa may gate ng school.

Pagkababa ni Dan ng sinasakyan ay nagtungo na siya sa agad sa gate, malapit na siya ng mapansin niya ang pagdating ng isang magarang sasakyan na kulay itim. Bihira niyang makita ang modelo niyon, pang iilang mayaman lang talaga. Ganap na siyang magpapatuloy sa paglalakad ng bumukas ang pinto sa harapan ng sasakyan at lumabas si Angela, at bago magsara ang pinto ay nakita niya si Lance na siyang kasama ng dalaga. Napahinto siya sa paglalakad, at nakatingin lang siya kay Angela, ang katayuan niya sa buhay ay talagang malayo kay Lance at sa dalaga..

Pagkababa ni Angela ay mabilis na lumayo ang sasakyan ni Lance. Malalim siyang nag-isip, kailangang makilala na niya ang iniibig na lalake ni Angela. Ang lalakeng bumihag sa puso ng dalagang minamahal niya. Naalala niya ang simple nitong suot, hindi nila ito katulad ng katayuan sa buhay. Paghihiwalayin niya ang dalawa at maglalagak ng napakalaking halaga upang layuan lamang ng lalake si Angela. Hindi na niya kaya, ayaw na niya ng ganito. Nababaliw siya kapag nakikita ang maganda at maamong mukha ni Angela na hindi niya mahawakan, ang mapupulang labi ng dalaga na hindi niya mahalikan. Maingay at galit na ang makina ng sasakyan ni Lance, kasabay at katulad ng damdamin ng binata.

Gustong umiyak ni Angela ng makita si Dan, gusto niyang yakapin ang kasintahan ng matagal. At sabihing wala itong dapat na ipag-alala. Dahil ang puso at damdamin niya ay kay Dan, ang binatang pinakamamahal niya. Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring gawin dahil lihim ang kanilang relasyon, hindi pa ngayon ang panahon. Ngunit hanggang kailan? Sana ay pumili na si Dan , hindi na siya makakapaghintay pa ng matagal.

Nakita din ni Dan ang labis na pag-aalala sa malungkot na mata ni Angela. Nais niyang lapitan sana dalaga at hawakan ito sa kamay. Kailangan na niyang magdesisyon at harapin ng maaga ang katotohanan. Ngunit hindi niya alam kung paano ito sisimulan.

Nagsimula ng maglakad si Angela papasok sa gate atsaglit lamang na tumingin kay Dan. May ilang metro na ang layo ni Angela ng sumunod na maglakad naman si Dan. Nagtuloy si Angela sa loob ng library, sa pinakadulong parte, sa lagi nilang lugar ng kasintahan. Inilapag ang mga dala sa lamesa at saka nagtungo sa nakatalikod na lagayan ng mga libro. Inilapag naman ni Dan ang bag na nasa balikat sa tabi ng mga gamit ng dalaga. At saka lumakad palapit sa kinaroonan ni Angela.

Mahigpit silang nagyakap ng magkaharap na sila. Kapwa alam kung ano ang nararamdaman ng bawat isa.

"Dan…" ang malungkot na sabi ni Angela.

"Angela…" si Dan habang hinagod-hagod ang mahabang buhok ng kasintahan.

Inilayo ni Dan ng bahagya mula sa kanya ang katawan ni Angela upang makita ang maganda at maamo nitong mukha. Ngumiti siya sa dalaga, nais niyang maalis ang pag-aalala nito.

"Dan, how long do I have to wait? Hindi ba pwedeng malapit na." si Angela na malungkot na nakatingin sa mata ni Dan.

Hinaplos naman ni Dan ang pisngi ng dalaga.

"Malapit na Angela, hindi na magtatagal." ang sabi ni Dan, na nakatingin din sa mata ni Angela.

Lumakas ang pagtibok sa dibdib ng dalaga, malapit na at hindi na magtatagal, magiging sa kanya na si Dan ng wala siyang kaagaw. Magiging malaya na din sila.

"Thank you Dan. Ang happy ko now, kasi malapit na." si Angela na lalong humigpit ang pagkayakap sa binata. Ihinilig ang mukha sa binata upang itago ang luha ng kaligayahan sa kanyang mata.

Alam naman iyon ng binata dahil ramdam niya ang bahagyang pagkabasa ng kanyang damit. Pinabayaan lang niya si Angela habang patuloy na hinahagod ang buhok ng dalaga.

Ilang sandali pa ang pinalipas ni Dan at itinaas ng binata ang maamong mukha ni Angela. Pinahid niya ang ilang luha sa mukha ng kasintahan.

"Thursday na bukas na Angela." ang nakangiting sabi ni Dan.

Malambing namang napa-giggle si Angela, naalala ang pinananabikang araw ng bukas. Kinuha ang panyo sa bulsa at ibinigay kay Dan. Gusto ni Angela ang ganoon, na si Dan ang nagpapahid ng mga luha niya. Nakatingin lang sila sa isa't-isa habang mabuting tinutuyo ni Dan ang mukha ng kasintahan. Nang matapos ay ibinalik na niya ang panyo sa dalaga.

"Wag ka ng iiyak ulit ha." ang nagbibirong sabi ni Dan.

"It depends on you kaya, ikaw lang naman palagi ang dahilan." ang nagkuwang nagtampo na si Angela.

"Ok, sige na nga, ako na ang may kasalanan palagi."

"It's true naman talaga." ang pamimilit naman ni Angela na masayang nakangiti na din kay Dan

Ngunit ang sayang nararamdaman ng dalaga ay napalitan ng pag-aalala ng dahil kay Lance. Dahil kinuha ng ama ang schedule niya at ibinigay iyon kay Lance, upang si Lance ang bahalang mamili ng mga araw na maihahatid at masusundo siya.

"Dan, ihinahatid na ako at susunduin ni Lance, some days lang naman pero di ko sure about tomorrow. Alam niya ang sched ko. Paano tayo bukas?" ang nag-aalalang tanong ni Angela.

Ngumiti lang si Dan, nais alisin ang pag-aalala ng kasintahan.

"Huwag kang mag-alala Angela, matutuloy tayo bukas. Kahit na anong mangyari." ang paniniyak ni Dan

Ngumiti na din si Angela, napawi ang kanyang pag-aalala.

"I can hardly wait Dan, sobrang miss na kita." ang pagkasabik at pag-ibig ay nasa tinig at mata ng dalaga.

"I miss you too Angela." si Dan na talaga namang nasasabik na din sa dalagang iniibig niya.

"I love you Dan."

"I love you Angela."

Dahil dahan-dahan ng bumaba ang mukha ni Dan upang halikan ang labi ng dalaga. Matagal na naghinang ang kanilang mga labi habang nakayakap silang dalawa. Matagal, hindi nila alam kung gaano katagal ang lumipas na sandali. Hindi na iyon mahalaga sa kanila, magkahinang ang kanilang mga labi at magkayakap silang dalawa, ng sandaling iyon, ang daigdig ay para lamang sa kanila.

*****

Tinanghali ng gising si Arcelle, dapat ay kanina pa siya bumangon. Late na siya ng tatlong oras. Ngunit ang nagdaang gabi ay naging mahirap sa kanya. Pilit niyang inaalam kung ano ba talaga ang nararamdaman. Nang makauwi siya ng bahay ay bumalik sa kanyang alaala ang mabuting pagsasama nila ni Arman at ang kanilang pag-ibigan. Madaling silang magtabi dahil palaging busy at pagod ang asawa. Saka dumating sa buhay niya ang binatang si Dan. Sa panahong labis ang kanyang pagkauhaw at pananabik sa init ng laman.

Mahal niya ang asawa, ngunit parang mahal na din niya si Dan. Ngunit talaga bang mahal niya ang binata? O isang matinding pagnanasa at libog lang talaga si Dan para sa kanya? Ito ang mga tanong sa isipan ni Arcelle na kailangan niyang mahanapan ng sagot ng maaga.

Masakit pa ang kanyang ulo sa dami ng nainom na alak na kagabi. Dahil doon niya nilunod ang kanyang sarili. Nagtaksil na siya sa kanyang asawa at nagpapunla na sa iba. Ngunit ngayon ay naguguluhan pa din siya.

Pinilit na niyang bumangon sa kama. Naligo ng mabilis at saka nagbihis. Tiningnan ang wedding ring na hinubad niya. Kinuha iyon at muling isinuot, alang-alang sa tapat at masikap na asawa ay titiyakin niya kung ano ang tunay niyang nararamdaman kapag nagkita na sila ulit ni Dan.

Lumabas na siya ng bahay, sa bar na lang siya maglalagay ng pagkain sa tyan. Pumasok siya loob ng kanyang sasakyan at saka nagsimulang landasin ang daan palayo sa kanilang tinitirhang apartmen. Paliko na siya sa kabilang kalsada ng mahagip ng kanyang paningin ang sasakyan ng asawa na pauwi sa apartment nila. Nakaramdam siya ng magkahalong init at saya, kailangan niya ang asawang si Arman upang mapatid na ang pagkauhaw niya kay Dan. Hindi na niya tanaw ang sasakyan ng asawa dahil napakalayo pa ng pinagpihitan niya. Kung kailan naman siya nagmamadaling makauwi ay saka pa nagsimula ang pagdami ng sasakyan. Nang nasa tapat na siya ng kanilang apartment ay mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Sabik na makita ang asawa na alam niyang nasa loob na ng kanilang tirahan. Nais niyang sorpresahin ang asawa kaya marahan at maingat niyang binuksan ang pinto. Ngunit mga ungol at daing ang bumati sa kanya mula sa nakabukas na kwarto nilang mag-asawa.

"Arman… Babe…. Ohhh…" ang anas ng isang ang babae.

"Ahh.. Hah.. Babe.. Ang sarap mo talaga…" ang asawa niyang si Arman.

Naging malamig ang kanyang pakiramdam at marahan siyang lumapit sa nakabukas na pinto. Mapait na napangisi ng makita ang ngyayari sa ibabaw ng kanilang kama.

Natigil si Arman sa ginagawa ng makitang namutla ang nakahigang babaeng kaulayaw niya sa kama nila ni Arcelle. Napalingon siya sa likuran dahil doon nakapako ang paningin ng babae. Siya naman ang namutla at labis na kinabahan. Bakit narito si Arcelle? Dapat ay kanina pa ito nasa opisina nito? Ang mga tanong sa isipan ni Arman na alam niyang mga wala ng halaga pa.

"So, kaya pala busy at palaging nasa malayo ang asawa ko?" si Arcelle na mapait na nakangiti sa asawa.

Hindi magawang makakilos ni Arman, para ano pa? Ang magsinungaling ng harapan sa asawang matagal na niyang pinagtataksilan. Lumapit si Arcelle sa kama at tiningnan ang babaeng nakahiga sa kanilang kama. Maganda ang babae at mas higit na mas bata sa kanya.

"Not bad Arman, at least magaling kang pumili ng kalaro." ang nang-uuyam na sabi ni Arcelle.

Nainis ang babae, itinulak si Arman at hinila ang kumot upang itakip sa kanyang hubad na katawan.

"Hindi ako kalaro ng asawa mo! Mahal niya ako at iiwan ka na niya." ang galit na sagot naman ng babae.

Lumingon naman sina Arcelle at ang babae kay Arman.

"Totoo ba yun Arman?" si Arcelle.

"Babe, sabihin mo sa kanya yung pangako mo sa akin!" ang pasigaw na sabi naman ng babae dahil sa pag-aalala ng hindi sumagot si Arman.

Hindi makapagsalita si Arman. Isang mapang-uyam ng ngiti ang muling ibinigay ni Arcelle sa dalawa. Hinubad niya ang kanyang wedding ring at ihinagis iyon kay Arman.

"Ibinabalik ko na sayo Arman. Ibigay mo kung kaninong babae mo gustong ibigay." ang madiin sabi ni Arcelle, ngunit may butil na ng luha sa kanyang mga mata. Mga luha para sa maraming taon din naman nilang pagsasama, kasama ang luha na kanyang ibinigay sa pag-aakalang siya lang ang nagkamali.

Tiningnan ni Arman ang magandang mukha ng asawa. Ngayon niya naramdaman ang pait ng katotohanan habang hawak niya ang wedding ring ni Arcelle. Mahal pa din pala niya ang asawa na akala niya ay naglaho na ng makakilala siya ng mas bata dito.

"Goodbye Arman." at dumako na si Arcelle sa may pinto.

"Mag-usap muna tayo Arcelle!" ang pasigaw na sabi ni Arman.

"Babe! Anong kalokohan to?" ang galit sabi pa din ng babae.

"Tumahamik ka muna Karen!" si Arman ng bumaling sa babaeng kasama nito sa kama.

Minsan pang nilingon ni Arcelle ang dalawa. At saka siya tuluyan ng lumabas ng kwarto. Naramdaman pa niyang parang tatayo si Arman ngunit pinigilan ito ng kasama. Narinig pa niya ang mga pagtatalo at sigawan ng dalawa ngunit wala na din naman siyang pakialam.

Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. At sa isang parte ng kalsada na walang masyadong tao ay saka pinakawalan ang mga luha na hindi niya tiyak ang dahilan. Galit sa asawa na matagal na palang nagtataksil sa kanya, gaan sa loob dahil mas una itong gumawa ng pagkakamali, at saya na ngayon ay malaya na siyang gawin ang gusto niya sa piling ni Dan.

Pagkatapos na mailabas ang lahat ng luha sa kanyang mga mata ay saglit niyang kinalma ang sarili. Muling binuhay ang sasakyan at saka nilandas ang daan papunta sa resto-bar.

*****

Pagkatapos ng klase ni Alyssa ay masaya siyang naglakad patungo sa classroom ni Angela. Nais niyang makasabay ang kaibigan sa pagpunta sa canteen at sabay na din silang mag-break. Malayo pa siya ay napangiti na si Alyssa ng lumabas sa pinto si Angela. Kakawayan sana niya ang kaibigan ngunit natigilan ng mapansin ang katabi nitong kaklase. Nag-uusap ang dalawa habang naglalakad, ngunit hindi na kay Angela nakatuon ang paningin ni Alyssa, kung hindi sa napakagandang dalaga na mas mahubog ang katawan kumpara sa kanya na kasama ng kaibigan. Dahil ang kaklaseng kasama ngayon ng kaibigan ay ang dalagitang may alon-alon na buhok na ang larawan ay nasa wallet ni Dan.

"Alyssa.." ang bati ni Angela sa kaibigan.

Ngayon ay nasa harapan na ni Alyssa si Angela at ang mga kasama nito. Ngunit sadyang nahihirapan si Alyssa na mapadako ang paningin kay Christine.

"Angela, sabay sana tayo sa canteen." si Alyssa na bahagyang nag-aalangan.

Pumaling si Angela sa mga kasama at ipinakilala si Alyssa.

"Alyssa, meet Rose, Cherry and Christine. Mga kaibigan ko sa class namin." ang nakangiting si Angela.

Nakangiti din namang bumati ang mga kaibigan ni Angela na nakatingin kay Alyssa.

"Can we all go together?" ang pakiusap ni Angela.

"Sure. Why not? She's your friend, so dapat maging frienddin namin siya." ang masayang sabi ni Cherry.

At magkakasama na silang nagpunta sa may Canteen. Habang naglalakad ay maraming tanong sa isipan ni Alyssa. Magklase sina Angela at Christine. Si Angela ang girlfriend ni Dan ngunit bakit picture ni Christine ang nakalagay sa wallet ni Dan.

Hindi din naman nakatakas kay Christine ang pagkailang at mga tingin sa kanya ni Alyssa. Sabay-sabay na silang kumain at masayang nag-uusap. Pagkatapos ay magkakasabay ding lumabas ng canteen. Ngunit magkakahiwalay na ng daan na nilandas dahil sa magkaaibang lugar na nais paglipasan ng oras.

Habang magkasamang silang naglalakad ay napansin ni Angela ang pananahimik ni Alyssa.

"Is there someting bothering you Alyssa? Kanina ka pa tihimik eh?" si Angela na nakatingin sa kaibigan.

Nag-aalangan naman si Alyysa. Hindi alam kung sasabihin ba sa kaibigan ang tungkol kay Christine.

"W-wala Angela. Naisip ko lang na sana ay next month na."

"What about next month Alyssa?" ang nagtatakang tanong ni Angela.

Natigilan naman si Allysa at humarap kay Angela.

"Angela, next month, campus night diba, may mga banner na nagkalat para doon. Two days na may pasok pero walang class activities. Puro programs lang sa dalawang maghapon at special memorable night naman sa isang gabi." ang nakangiting paliwanag ni Alyssa.

Saglit na nag-isip si Angela at saka tumango lang sa kaibigan. Nagsimula na ulit silang lumakad.

"I see. Nawala kasi sa isip ko because hindi naman ako nag-attend palagi sa gabi."

"Me too, sa unang dalawang taon ko ay hindi din ako nag-attend sa gabi.. Wala naman akong gagawin dun kung hindi ma-bored lang. Pero this time ay pupunta na ako, kung a-attend ka din." si Alyssa na nakatingin kay Angela.

Si Angela naman ang nag-isip, hindi niya sure kung papayagan siya ng mga magulang. Ngunit sa isang gabi na kasama si Dan ay isang masarap at masayang alaala para sa kanila ng kasintahan.

"Sure, we go together. But Alyssa, I can't spend a lot of time with you. Alam mo naman diba." ang nahihiyang si Angela na nakangiti sa kaibigan.

Nakuha naman ni Alyssa ang ibig sabihin ni Angela, si Dan ang nasa isip nito.

"Ok na sa akin yun Angela, ilang pictures at moments lang ay ibibigay na kita kay Dan." ang bahagyang natatawang sabi ni Alyssa.

"Alyssa. Please lower your voice naman." ang nagkuwang nagalit na si Angela.

"I'm sorry." ang paumanhin ni Alyssa na nakangiti pa din.

"Alyssa, napaka-bad mo din talaga." ang nasabi na lang ni Angela.

Habang masaya pa silang nag-uusap habang naglalakad ay laman pa din ng isipan ni Alyssa ang tungkol kay Christine. Kailangan niyang malaman ang totoo at kay Dan niya ito malalaman. Depende sa paliwanag ni Dan kung sasabihin ba niya kay Angela ang nalaman o hindi.

*****

Pagkatapos ng last subject ay lumapit si Angela kay Dan ng halos sila na lang ang natitira sa class.

"Dan… Library…" ang mahinang sabi ni Angela bago ito lumakad na palabas at inantay sa hallway ang binata.

Magkasabay silang naglakad papunta sa library habang magkadikit na naglalaro ang kanilang mga daliri. Alam nilang parating na si Lance upang sunduin si Angela ngunit ayaw pa nilang maghiwalay. Sa pinakadulong parte kung saan naroon ang isang lagayan ng libro na nakatalikod sa mga iilang estudyante ay mahigpit na magkayakap at mainit na naghahalikan sina Dan at Angela. Nais na baunin ang mainit na sandaling ito sa kanilang muling paghihiwalay. Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi at tumitig sa mata ng isa't-isa.

At saka lumipat ang kamay ni Dan sa ibabaw ng mayamang dibdib ni Angela. Sinimulang alisin ang pagkabutones ng suot na blouse ni Angela mula sa taas..

"D-Dan…" ang kinakabahang sabi ni Angela ngunit hindi nagtangka na pigilan ang kasintahan.

Dumating na si Lance sa school ni Angela at ipinaradang maayos ang sasakyan malapit sa may gate. Sa loob na lang ng sasakyan niya aantayin ang dalaga, lalabas na lang siya kapag malapit na ito.

Nang makalas ang ilang butones sa blouse ni Angela ay maingat niyang inilabas ang isang dibdib ng dalaga. Muli niyang hinalikan ang labi ni Angela habang banayad na nilalamas ang isang dibdib na nakalabas. At mula sa labi ni Angela ay gumapang ang halik ni Dan patungo sa punong dibdib ng dalaga at binasa iyon ng kanyang laway. At ng matapos doon ay saka niya kinulong sa kanyang bibig ang tuktok ng dibdib ni Angela at nagsimulang laruin iyon ng kanyang dila at saka marahang susupsupin.

"Ohh…. D-Dan…."

At saka niya pinagapang naman ang kanyang kamay papunta sa pantalon ng dalaga. Inalis ang pagkabutones at saka niya ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng panty ni Angela. Buong sarap niyang dinakot ang pagkababae ng kasintahan at saka ihinagod ang kanyang daliri sa hiwa doon.

"Ahh… Ahhh.. Dannn.."

Natahimik si Angela ng muling maghinang ang kanilang mga labi ni Dan habang nasa loob pa din ng kanyang panty ang kamay ng kasintahan. Labis ang kanyang kaba, ngunit masarap at mainit ang kanyang pakiramdam. Kung makakalaya ngayon ang katotohanan ay walang pagtutol nyang tatanggapin malagay man siya sa kahihiyan. Basta nasa kanya si Dan, ang sasabihin ng lahat ay wala na siyang pakialam.

"I love you Dan…"

"I love you Angela…"

At muling naghinang ang kanilang mga labi.

Sa labas naman ng gate ay kanina pa naghihintay si Lance. Lampas labinlimang minuto na siyang nasa labas ay dapat kanina pa dumating si Angela. Lumabas na si Lance ng sasakyan at maglalakad na sana papasok ng makita niyang palapit na si Angela. Napansin niyang parang pagod ang dalaga at may mga namuo pang pawis sa mukha nito.

"Something happened to you Angela? Nag-aalala na ako since kanina pa ako dito." nasa tinig ni Lance ang katapatan sa pag-aalala nito.

Hindi sumagot si Angela, mainit pa din ang pakiramdam niya, sadyang hindi niya pinunasan ang mga pawis sa kanyang katawan. Nais niyang makita siya ni Lance sa ganitong ayos at kalagayan na katatapos lamang maramdaman ang saglit na sarap at init ng pag-ibig nila ni Dan. Nakapasok na si Lance sa kotse ng lumingon si Angela sa school. Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay niya sa binatang nakasuot ng simpleng damit na may sakbit na bag sa balikat na nasa may di-kaluyan. At sa tinig na hindi maririnig ay nagsalita siya hangin.

"I love you so much Dan." ang tahimik na paalam ni Angela sa kasintahan.

Habang hinahatid naman ng tanaw ni Dan ang papalayong sasakyan ni Lance na kasama ang kasintahan ay ipinangako niya sa sariling darating din ang araw na magiging magkasama silang dalawa ni Angela. Na wala ng makakapaghiwalay sa kanilang dalawa o magkaroon man sila ng ibang alalahanin pa.

(Ipagpapatuloy…)

Writer's Note:

"I have been struggling REALLY BAD to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, it will comes when it's ready.

Don't be suprise if the "ENDING" comes so soon, dahil talagang nahihirapan na akong mag-isip. Pero let's see, nothing is set in stone pa naman.

Copyright @ 2020 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED.