1. Home
  2. Stories
  3. Ang Huling Subdalo-3
Filipino Sex Stories

Ang Huling Subdalo-3

By eroticprince27 ·

Tinulungan nalang niya ang mga itong isalin ang gasolina at nang maayos na ay sumakay na ang anak. Bago umalis ay binukasan pa ang bintana sa gawi ng pasahero upang mag pasalamat. Hindi tuloy naiwasan ni Sonia na mapatingin sa lalaking naka takip ang mukha. Kahit tago ay lumabas pa din ang pilyong tingin na para bang nanloloko.

Yumuko nalang si Sonia hanggang sa tuluyan na silang makalayo. Tahimik lang ang mag ina habang bumibiyahe pero parang may gustong itanong ang anak.

Higit sampung minuto na siguro silang nakakabiyahe ng magsalita si Sonny.

"Ma parang me naamoy ako, naamoy mo ba?"

"Wala naman anak, anong amoy ba?" kinakabahang sagot naman niya.

"Parang amoy Clorox na pawis, hindi ko ma define."

"Ah baka kasi nakulob at nung umula pinapasok ko yung isang sundalo para hindi mabasa."

"Ah baka, anyways buti nalang pala at dumating sila kung hindi ay siguradong magtatagal tayo."

Sumang-ayon nalang siya sa sinabi ng binatang anak, pilit gustong kalimutan ang nangyari sa kanila ng estrangherong sundalo. Pag dating sa isang gas station ay muling nagpakarga ng gasolina si Sonny habang si Sonia naman ay nagpaalam na pupunta ng toilet.

Pagbaba ng sasakyan ay napangiwi ang babae ng sumirit ang sakit sa pagitan ng mga hita, hirap maglakad pero pinilit umayos para hindi magduda ang anak.

Pagdating sa CR ay nakita sa liwanag ang bahid ng dugo sa singit at pati ng umihi ay may kasamang dugo. Naduon padin ang bakas ng katas ng sundalo.

Nuon lang niya biglang naalala paano kung mabuntis siya sa pakikipagtalik kanina. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa katangahang ginawa. Halos isang buwan na din pala ng huli silang mag niig ng asawa. Nung huli ay nung kakatapos lang ng mens niya. Hindi pa naman siya gumagamit ng pills at kahit may edad na sila ay gusto pa din nilang masundan si Sonny.

Lalo siyang nainis sa sarili ng maisip, paano kung may sakit pala ang lalaki? Ni hindi sila gumamit ng condom, muli ay tumulo ang luha sa mga mata. ano ang mukhang ihaharap sa asawa ngayun.

Alam niya sa sarili na hindi dapat sisihin ang sundalo, siya ang unang nagbigay ng motibo, siya ang unang gumawa ng hakbang. Ilang minuto din siya bago lumabas, siniguradong maayos ang sarili bago bumalik sa sasakyan.

Puno ng pagtataka ang mata ng anak pero hindi ito nagsalita ng kahit na ano. Wala naman ng naging aberya hanggang makarating sila ng bahay.

Diretso na agad siya sa kwarto, tiningnan lang muli ang cellphone pero hindi na nag abalang sagutin ang message ng asawa. Isang mahikling nasa bahay na kami lang at nahiga na.

Gulong gulo ang isip sa mabilis na pangyayari, parang kanina lang ay ayos naman ang lahat, masaya siya sa pamilya biglang nagbago ang lahat.

Madaling araw na ng makatulog siya at tanghali na nagising, masama pa ang pakiramdam. Pinilit niyang tumayo para maglinis pero mas sumidhi ang kirot sa pagitan ng mga hita. Pinakiramdaman din ang sarili kaya natiyak niyang may sinat siya.

Pilit paring inayos ang sarile, ang Nanay lang niya ang dinatnan at sinabihan na lumibot ang magpipinsan.

"Nay meron ba kayong gamot diyan, lalagnatin pa ata ako."

Mabilis na lumapit sa kanya ang ina at hinawakan ang leeg pati ang noo niya.

"Naku Sonia me lagnat ka, saglit lang ay kukuha ako ng gamot."

Umalis ang babae pagbalik ay me dala ng gamot at tubig. Matapos inumin ay bumalik na sa kwarto para mag pahinga.

Idinahilan nalang sa ina na baka dahil sa ulan nung nakaraang gabi. Ilang messages ang natanggap sa asawa kaya nireplyan na niya.

Sonia: Hon sorry ha kakagising ko lang.

Sonia: Medyo masama ang pakiramdam ko, baka dahil sa ulan kagabi.

Jun: Kinakabahan nga ako sayo at hindi ka nag rereply, kaya pala me sakit ka.

Sonia: Oo nga, pinainom nako ni Nanay ng gamot. Papahinga lang ako.

Jun: Sige, nasa meeting ako try ko tumawag mamaya pag nagising ka or ikaw nalang tumawag para alam kong gising ka na.

Sonia: Okay hon.

Jun: I love you!

Sonia: Love you too!

Matapos ang text messages ng mag asawa ay nakatitig lang si Sonia sa kisame ng kwarto. Hiyang hiya sa pangyayari, kinukumbinse ang sariling aayos din ang lahat at makakalimutan din ang nangyari sa kanya.

Nakatulog siya, nang magising ay tinawagan ang asawa. Matagal silang nagtawagan bago na low bat. Pinagpahinga na rin siya after mag dinner, pag naiisip nya kung ano ang reason bakit siya nagkasakit ay bumabalik ang inis sa sarili. Pero hindi naman niya maiwasang mag init everytime na maalala akung paano siya inangkin ng sundalo.

Kinabukasan ng gabi ang dating ng asawa, buti nalang din at umayos na ang pakiramdam niya. Bandang hapon ng parang kinabahan siya sa hindi niya maisip na dahilan.

Pilit nalang niyang binalewala at nakipag kwentuhan sa kapatid mga kapatid at magulang. Pag dating ni Jun ay didiretso na silang uuwi sa pamilya naman nito upang doon mag bagong taon.

Naisipan pa nilang lumibot sa night market habang naghihintay sa asawa. Bandang alas onse ng mag si-uwian na sila, siya naman ay siniguradong maayos na lahat ng gamit nilang mag iina papunta sa mga biyenan.

Nagtataka siya kung bakit walang message na narereceive buhat sa asawa, sinubukan niyang tawagan pero nag riring lang at walang sumasagot.

May nabubuong takot sa kanya na pilit inaalis at iniisip na baka nag mamaneho ito kaya hindi makatawag or maka text. Dumaan ang alas dose, ala una, hanggang umabot na ng alas kwatro ay wala pa din ang asawa ni tawag or text ay wala din.

Napilitan siyang gisingin ang ina upang ipaalam na wala pa ang asawa at walang tawag o text. Dahil nagpapanic na siya ay pilit pinakakalma.

Dahil wala silang alam kung ano ang nangyari ay nagpahatid nalang sila sa kapatid para makapunta sa biyenan. Nagtataka din ang mga ito kung bakit hindi sila naka uwi, inisip nalang daw na baka pagod sa biyahe.

Pero nang makita wala ang asawa niya ay bumaha ang pag aalala sa pamilya.

Buong araw na naghintay sila sa tawag o balita, umaasang nasabit lang sa kung saan at makakarating na.

Natapos ang buong maghapon pero wala kahit na anong balita, hinintay nila ang 24 hours para makapag report sa pulisya. Disperas ng bagong taon sa halip na naghahanda sila sa selebrasyon ay nasa pulisya sila upang mag pa blotter. Nag desisyon nadin silang mag iina na umuwi sa Maynila upang doon din ay mag pa blotter kasama ang mga biyenan at kapatid ni Jun.

Lutang na sila pare pareho sa puyat at pag aalala, nag tanong tanong na sila sa mga kaibigan at ka trabaho ng asawa pero lahat ay sinasabing wala silang balita at ang alam nila ay maagang umalis nuong gabi na dapat ay pauwi ito.

Hindi na nila alam kung ano ang gagawin, lahat na ay ginawa para hanapin ang asawa. Tulala lang si Sonia sa isang upuan habang nakayakap naman si Julia. Ang dapat ay masayang pagsalubong sa bagong taon ay napalitan ng lungkot at pagkabahala. Hindi alam kung ano ba ang nangyari sa haligi ng tahanan.

Padilim na ng makatanggap ng tawag si Sonia galing sa isang hindi rehistradong numero.

No: Good Evening Ma'am!

Sonia: Good Evening, sino po sila?

No: Ma'am PO1 delos Santos po ito, kayo po ba si Mr. Sonia Rodriguez?

Sonia:Ito nga po.

Wala pa siyang naririnig ay nanginginig na ang mga kamay niya.

No: Ma'am may balita na po sa asawa nyo, punta nalang po kayo dito sa FM Funeral Homes para i-verify.

Sonia: Sir anu po ibig nyong sabihin?

No: Ma'am hindi po naming ma confirm pero yung identification po niya sa wallet ay Roman S. Rodriuez Jr. kayo napo ang mag verify kung siya po ito.

Hindi na nakasagot si Sonia, nanghihinang napaupo sa sofa at bumuhos ang luha. Ilang minuto muna siyang umiiyak bago nasabi kung sino ang tumawag.

"Ma baka naman hindi si Dad yun, baka nalaglag ang wallet niya tapos napulot ng iba."

Ibat ibang paraan ang ginawa nila para lumakas ang loob habang papunta sa punerarya, pag dating ay nakita nila ang bangkay na may takip na puting tela. May mga pulis din na sumalubong sa kanila upang kilalanin ang nasa mesa.

Malayo palang ay iba na ang pakiramdam niya, nang buksan ay tumamlad sa kanila ang wala ng buhay na asawa. Duon bumuhos ang lahat ng emosyon ni Sonia, hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Hanggang sa hindi na niya kinaya bumigay ang isip at katawan.

Nagising siya na nasa isang kwarto, nasa paligid ang magulang, mga kapatid ang dalawang anak. Hinahanap niya ang pamilya ng asawa pero wala kahit isa.

Mabilis siyang bumangon.

"Dalin nyo ako kay Jun, dalin nyo ako sa asawa ko! Dalin nyo ko sa Daddy nyo!" nagsisisgaw na siya.

Pinigilan siya ng mga anak at niyakap ng mahigpit, ramdam niya ang hinagpis ng mga ito, pero parang merong hindi tama.

Umupo sa tabi niya ang ina at hinawakan ang kamay.

"Nay bakit? Bakit kami iniwan ni Jun?"

"Anak, huminahon ka. Alam kong mahirap pero dapat maging matatag ka."

"Nay hindi ko ata kakayanin na wala si Jun. paano na ako, paano na kami?"

Tiningnan ng nanay niya ang mga kapatid at isa isa itong nagsi alisan, naiwan silang mag iina pati ang nanay at tatay niya. Nalilito sa ikinikilos ng mga ito kaya hinayaan niyang mag salita ang mga magulang.

"Anak ayaw sana naming sabihin sa iyo ito ngayun, pero kailangan at tingin namin ay mas makakatulong sayo."

Nangingilid ang luha ng ina habang nagsasalita. Ang dalawang anak naman ay niyakap siya ng mahigpit upang iparamdam ang pag mamahal at suporta.

"Sonia, may ibang babae ang asawa mo."

"Nay hindi totoo yan mahal na mahal ako ni Jun. Hindi niya magagawa ang sinasabi mo."

"Makinig kang mabuti anak…"

Natagpuan pala ang bangkay ni Jun sa isang apartment kasama ang isang babae. Parehong naliligo sa sariling dugo at walang kahit anong saplot sa katawan. Ayon sa pulisya ay pinutol ang pagkalalaki ni Jun samantalang sinunog naman ng plantsa ang pagkababae ng kasama.

Ayon daw sa mga taong malapit sa apartment ay madalas duon ang lalaki kaya akala nila ay kamag anak ng babae dahil meron daw itong asawang Seaman. Ibig sabihin ay matagal na siyang niloloko ng asawa.

Marami pang sinabi ang ina pero hindi na niya naintindihan pa. Punong puno ng sakit ang didbdib niya at ng galit. Hindi makapaniwalang magagawa sa kanya ito ng asawa, sa buong buhay niya ay puro pag mamahal ang ipinakita sa lalaki.

Bumalik sa isipan ang nangyari ilang araw pa lang ang nakalipas. Sobrang pag sisisi niya sa nagawa nun pala ay matagal na siyang niloloko ng asawa.

Ganun pa man ay masakit pa din ang nangyari, iniisip niya na kung sakali naman ay kaya niya itong patawarin, baka katulad niya ay natukso lamang ito. Mas matatanggap niya na nasa ibang babae ito kaysa sa nangyari dito. Ganuon siguro niya ito kamahal.

Nabalitaan niya na nahuli na din ang pumatay sa asawa, kasalukyang nakakulong at hinihintay na magsampa sila ng kaso.

Pinuntahan nilang mag anak ang salarin, gusto nilang mabulok ito sa kulungang pero pag dating sa presinto ay biglang nagbago ang lahat.

Nakita nila ang isang lalaking disente, maayos ang pananamit bagamat halatang ilang araw ng walang tulog at hindi nakakapag-ahit. Kusa pala itong sumuko upang harapin ang ginawang krimen.

Sa halip na magalit ay awa ang naramdaman nila. Kasama ang abogado nito ay nagharap harap sila. Ikinuwento lahat lahat, nagpapakahirap itong magtrabaho sa barko sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang asawa.

Waldas ang asawa, lahat ng pinapadala ay walang natitira pero hinayaan lang niya dahil para naman talaga dito ang pinghihirapan niya.

"Alam ko mali, pero napakasakit na makitang ang mahal mo ay may kasamang iba."

Hindi na napigilan ng lalaki ang umiyak, kaya daw sana niyang tiisin dahil wala siyang ibang pamilya kung hindi ito. Ulilang lubos bata palang, naka tapos dahil sa pag sasariling sikap. Inaakalang magiging masaya sa napiling mapangasawa pero ito pa pala ang magdudulot ng higit na sakit.

Pati ang mga anak ay hindi nakuhang magalit sa ikinuwento sa kanila ng lalaki. Matapos ang pag uusap ay umalis na sila, diretso sa burol kung saan ay nandoon ang pamilya ni Jun. Puro hingi ng despensa ang naririnig sa mga kamag anak nito lalong lalo na ang mga biyenan. Sinabi niyang wala kasalanan ang mga ito.

Nang lumapit sa kabaong ay wala ng luhang umagos sa kanyang mga mata, natabunan na ng galit at pagkamuhi. Walang emosyong naupo sa pinaka unahan at nakatingin sa kawalan.

Muli nilapitan siya ng mga anak upang ipakita ang suporta. Ilang araw din na ibinurol ang asawa bago inhatid sa huling hantungan. Halo halong emosyon ang makikita sa mga kamag anak at ka pamilya. Pero kay Sonia, blanko pa din ang ekspresyon ng mukha.

Matapos ang seremonyas at maisarado ang nitso ay isa isa ng nag alisan ang mga nakiramay, naiwan silang mag iina. Inaaya silang kumain ng pamilya ni Jun pero tumangi na sila, tinatanong kung ano ang plano especially sa pumatay sa asawa tanging hindi ko alam ang naisagot ng biyuda.

Nang makaalis ang lahat ay kinausap niya ang mga anak.

"Anak alam kong masakit itong nangyari sa atin pero kailangan nating tanggapin."

Buhat nung dumating sila sa burol ay ngayun lang ulit tumulo ang luha ni Sonia.

"Gusto kong pag alis natin dito sa sementeryo ay iwan na din natin ang pagpapatawad sa Daddy nyo, ayokong may matirang galit sa puso natin."

Mabilis na niyakap ng magkapatid ang ina, duon ay muli nilang ibinuhos ang lahat ng emosyon. Napagkasunduan din nila ang hindi na kasuhan ang pumatay sa ama, naintindihan nila ang pinagdaanan nito. Higit pa siguro dahil sa wala itong ibang matatakbuhan. Kaya kinabukasan ay tinawagan ang pamilya at sinabi ang desisyon.

Pinuntahan na din sa presinto at sinabing wala silang planong kasuhan ito, kung ang pamilya ng asawa ng lalaki ang magkakaso ay bahala na sila.

Iniwan nila ang lalaki na puno ng pasasalamat, sinabing hindi din niya alam kung ano ba ang mangyayari sa kanya pag katapos nito at ipinagpapasa Diyos nalang niya.

Nag leave muna sa eskwelahang pinag tuturuan si Sonia at nanatili sa probinsya, samantalang ang dalawang anak naman ay pumasok na.

Itinuloy na ni Sonia sa pag reresign ang leave, ang nakuha sa kumpanya ng asawa at sa insurance ay inisp niyang gamitin sa pagbili ng lupain sa probinsya. Ibebenta nadin ang bahay na naipundar nilang mag asawa upang pandagdag sa puhunan sa pagtatayo ng isang Pre-School sa probinsya.

Ang mga anak ay ikunuha nalang niya ng apartment na malapit sa university gayong malapit ng grumaduate si Julia at si Sonny naman ay isang taon nalang.

Malaki laki din ang perang natanggap niya pati ang pinagbentahan ng lahat ng ariarian nila sa Maynila kasama ang sasakyang gamit ng asawa. Ang isa naman ay iniwan niya para gamitin ni Julia at Sonny.

Pansamantalang nanirahan muna siya sa bahay ng mga magulang, dalawang buwan na din pala ang lumipas. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Dahil sa dami siguro ng pangyayari ay me ilang bagay na nakaligtaan na si Sonia.

Isang umaga ay gumising siyang masama ang pakiramdam, pagbangon ay umiikot ang paningin at naduduwal.