Bastusin Mo Ako, Sir! Part 7
© 2016 sweetNslow. Reproduction of this story by any means or forms is prohibited unless with the author's expressed consent.
Biyernes…
Pasipol sipol na naglalakad sa hallway ng Nursing Building si Daniel, nakapamulsa ito at nakasampay ang blazer sa balikat. Sa loob ng bulsa ay may isang susi siyang pinagawa sa Recto. Mula ito sa hugis na binakat niya sa isang panligong sabon sa loob ng banyo nina Marie nung maligo siya. Napangiti siya. Nasa bulsa niya ang susi ng langit…Ang langit sa piling ni Marie. Ang batang bata, maganda, masarap at malibog na si Marie.
" Dan!"
Nawala sa daydreaming mode si Daniel at lumingon sa direksyon ng tumawag sa pangalan niya. Sinalubong niya ang lalaking papalapit. Si Gary. Or Sir Gary sa mga estudyante. Professor ng theoretical learning ng Oncology Nursing. Bale counterpart niya dahil siya ang kasama ng estudyante sa hospital sa applied learning or Related Learning Experience. RLE for short. Matangkad lang siya ng kaunti sa medyo chinitong colleague niya. Maganda rin ang pangangatawan nito. Mahilig magbasketball eh, sa isip isip niya. In short, maappeal. Crush ng karamihan ng estudyante kahit medyo may edad na rin. between 38 to 42 na yata ang kumag. Kung iisipin mo maraming nayaring babae itong si Gary pero alam ni Daniel ang kahinaan nito…Torpe! Indecisive ika nga. Pero may asawa na ito. Ayon sa kuwento nito minsan nag iinuman sila. Nagpunta lang ito sa Mindoro minsan dahil naimbitahan ng pinsan. Nakipag inuman. Nalasing. At paggising nito, may katabing babae na nakukumutan lang ang hubad na katawan. Ang masakit pa, nakatindig ang isang matandang lalaki sa harapan niya na may hawak na mahaba at nangingintab na itak. So kung may shotgun wedding, Si Gary ay biktima ng itak wedding. Naikasal agad di Gary sa huwes sa munisipyo ng Calapan. Isinama niya ang kanyang maybahay sa maynila at nanirahan sa isang apartment. Nurse din ang napangasawa ni Gary. May hitsura din naman. Kumbaga hindi lugi. Kinalaunan ay pinalad makapunta ng Chicago si Hilda na asawa ni Gary. Hindi sila magkaanak kahit anong pilit. Hindi ko naman matanong si Gary kung palyado ba ang sandata niya at puro blank bullets ang laman or kung asawa nito ang may problema. Pribadong buhay na nila yun. Hindi ugali ni Daniel maging UZI sa mga ganitong sensitibong bagay. Dahil nakaalis na nga si Hilda ng may dalawang taon na rin, solo na lang si Gary sa apartment niya. Paminsan minsan ay dun sila nag iinuman habang nag gigitara. Isa yun sa hilig nilang magtropa kasama si Ver.
Si Ver? Vergilio Mulintapang. Sir Ver sa mga estudyante nitong third year levels ng nursing. Kasamahan ni Daniel sa hospital na dati nilang raket. Nasa Abroad ang asawa. May tatlong anak na inaalagaan ng ina ni ver na nakatira sa apartment na inuupahan niya. Kung anong torpe ni Gary siyang pagkamanyakis nitong si Ver. Pasimple nga lang. Di rin kagwapuhan at pinakamaliit sa kanilang tatlo sa height nitonh 5'7". Medyo nahahalata na rin ang pag usli ng tiyan nito. Di mahilig sa sports maliban sa taekwondo kung saan blackbelt level ito. Kumpyansa itong gumalaw at magdala ng sarili. Mabiro at kinagigiliwan ng mga estudyante dahil sa pakwela itong magturo. Sabay silang ni recruit ni Gary mula sa hospital nung makita silang magtrabaho sa ward nun. Kinausap sila nito and the rest is history na nga. Naging magtropa sila since nag umpisang magturo si Daniel at Ver sa unibersidad na yun. Medical-Surgical ang tinuturo ni Ver. Theoretical at RLE. So may araw na nagtuturo ito sa classroom. At may araw na CI ito sa affiliate hospitals ng University. In fairness, magaling magturo ang tatlo. Sa Last evaluation na ginawa sa mga estudyante ng Nursing, 1-2-3 ang rankings nila. Una si Daniel. Sumunod si Ver. Pumangatlo si Gary. Sa halos isandaang nagtuturo sa Nursing ng iba't ibang theoretical at RLE, napakaganda na ng pagkakapuwesto nila sa evaluation. Maging ang dean ng nursing na si Mrs Sanchez ay nagpadala ng card sa kanilang tatlo na nadatnan na lang nila sa kani kanilang desk. Keep up the good work! Saad ng card kung saan nakapirma ang Dean.
Maayos ang samahan ng magkakaibigan. Usually pag Friday or Saturday nakatambay sila kina Gary. Dun nag iinuman, tumutugtog at nag gigitara. May kanya kanya silang Gitarang acoustic. Puro imported pa. Pinag ipunan o pinadala. Martin ang gitara ni Gary. Halagang hindi bababa sa 50k kung itutumbas mo sa pera natin. Naka Taylor Guitar si Ver. 35k daw ang raket niya. Padala ng mahal niyang asawa ang pera at dito na lang sa Pinas niya nabili. Si Daniel? Washburn guitar. Inabot din ng 15k at pinagipunan pa niya talaga. Puro electro acoustic ang mga ito. kapag nag iinuman sila, isinasaksak nila ang mga ito sa PA system ni Gary sa bahay na unti unti niyang naassemble at sa pagitan ng kanilang pag iinom ay ang pagla live session nila na hindi naman ikinaiinis ng mga kapitbahay. Ika nga kaya nilang magdala ng tono. Pasado na siguro kahit tumugtog sila sa Quiapo biro minsan ni Gary sa tropa. Game ako dyan laging sinasagot ni Daniel. Basta mga brod, dapat multiple branches tayo. Dapat tatlong sumbrero ilalatag natin sa bangketa ika nga. At sasabayan na nila ito ng paghahagalpakan.
"O bakit aga aga e nakasigaw ka?" tanong ni Daniel kay Gary.
"Aba, hinahanap mo daw ako sabi ni Ver." sagot nito.
"Di mo ba nareceive ang text ko?" tanong uli ni Daniel.
"Nasa pagawaan yung Nokia ko pre…Nagcrack ang screen dahil di ko naalalang nasa blazer ko. Yun nung hinubad ko…Toinks!" Nokia N95. Latest model. Kumpara sa 3310 niya at 6650 ni Ver. Laging api sa gamit si Daniel pagdating sa tropa. Pero di siya likas na inggitero. Kung may kinaiinggitan man si Daniel, yung gitarang Martin ni Gary. Talagang hanep kung tumunog.
" Ganda pa naman nung phone mong yun…Tsk pa check up ka na pre…Senyales na ng Alzheimer's Disease yan." pabiro nitong sinabi.
Papasok na sila sa Faculty room nun. wala ang ibang mga CI at prof. Either nasa klase or nakaduty sa ibat ibang hospital or community areas.
"Alam mo ba ang isinagot sa kin ng estudyante mong si Mailyn nung tanungin ko sa duty ha?" panimula ni Daniel matapos isampay ang blazer sa sandalan ng swivel chair niya at umupo na rin dun.
"Ano?" naguguluhang tanong ng kaibigan niya.
"Nung tinanong ko kung anong case study ang ipipresent nila sa end of duty rotation nila sa kin…ang sinagot ba naman..and hear this: Breast Cancer of the brain po, sir…Kumpyansa pa yung bata. Nagpapaimpress."
"Ha? Anak ng pitong puting manok na tinola oo! Yun ang isinagot?" shocked na tanong uli ni Gary.
" E di sinundot ko uli ng panibagong tanong…kako, iha…anong nilalang sa mundong ito ba ang palagay mo na nag eexist na may suso sa loob ng utak ha? Pakiexplain nga at mukhang di ko nadaanan ito sa Zoology subject ko nung nag aaral pa ako."
" O anong sabi?" sunod na tanong ni Gary na napapakamot na ng ulo.
" Eto ang clincher…namumula dahil nararamdaman na ni Mailyn na naghahagikhikan ang mga mga kagrupo niya…so ang sabi: Yan po turo ni Sir Gatchalian eh!"
Napailing si Gary sa pagkakaupo nito sa sariling swivel chair sa harap niya. Magkatabi lang kanilang desk.
" Ano sabi mo?" patuloy ang pag uusisa ni Gary na parang napapahiya sa kaibigan. parang ramdam niya incompetent siyang prof.
"kako…Mailyn…you mean si Sir Gary Gatchalian ba kamo?"
Nakatungo si Mailyn…"Opo sir Daniel…" hiyang hiya ito.
Humagikhik na ang grupo sa pagkapahiya ni Mailyn. Medyo adelantada kasi ang nito sa mga kasamahan niya.
" So sinabihan ko ang sila…be quiet all of you! This is no laughing matter. Imagine kung ang nagtanong sa inyo ay staff nurse mismo ng ospital na ito at yun ang isinagot nyo? Hindi lang ako o Sir Gary nyo ang napahiya. Pati pangalan ng eskwelahan nyo!"
"Then?" si Gary Uli.
" Then i told them..Sumeryoso ako…sabi ko..tandaan nyo ito…ang pagclassify ng cancer ay kung saan ang origin nito sa katawan. Kung ang history nito ay breast cancer before nagkaroon ng Cancer sa utak. The right terms are: Breast cancer with brain metastasis or cancer of the brain secondary to metastasis originating from Breast Cancer."
"Naks, nagpaimpress ka naman sa mga estudyante mo." pang aasar ni Gary.
"Obyus ba? hehehe…"
"Buset!" sabay bato ni Gary ng malambot na replica ng tennis ball kay Daniel na agad naman nitong sinalo.
" Ayus ayusin mo nga pagtuturo mo, brad" pang aasar pa ni Daniel. "Mapapahiya tayo nyan ng wala sa oras. Kaya pala number 3 Ang ranking mo sa evaluation eh."
"Ah ganun?…Pwes, wala kang bagong polo blue na pabango na matatanggap sa kin…padating pa naman yung package ni misis next week" nakaismid na wika ni Gary.
"…Na dapat ikaw ang naging number 1 sa ranking at hindi ako! unfair yang evaluation na yan talaga!" sabay bawi ni Daniel.#
" Ulol!"
At sabay naghalakhakan ang magkaibigan. Sanay na silang mag asaran. Halos parang magkapatid na turingan nilang tatlo nina Ver. Birds of the same feather are, of course, the same birds!
"Niweys, Dan, pakitext mo nga si Mailyn. Sabihin mong magreport dito sa faculty office mamayang 7pm at kakausapin ko kamo" pakisuyo ni Gary sa kaibigan niya.
"Areglado, Sir number 1…basta yung polo blue ko ha?" pang uuto ni Daniel sa kaibigan.
"Oo na! Sige akyat muna ako at may klase na ko sa 4th floor."
"Husayan mo pagtuturo ha? Baka mamaya brain cancer of the breast naman ang marinig kong sagot! muling pang aasar ni Daniel.
Nakita niyang lumabas na ng pintuan ng faculty room si Gary..pero bumalik papasok ang braso nito. Sa dulo ng braso ay ang kamay nitong nakakuyom maliban sa gitnang daliri na nakatirik paitaas…bago muling nawala ito.
Natatawang naiiling si Daniel habang tinitext si Mailyn tungkol sa mensaheng gustong ipaabot dito ni Gary.
Sabay pasok naman ni Ver sa pinto at lumapit itong nakataas ang kamay sa ere. Plak! nag high five ang dalawa.
" Musta ka na idol" bati ni Ver habang sumalampak ng upo sa swivel chair ni Gary.
"Ok lang…so far…wala akong iniisip na problema" sagot ni Daniel.
"Naks, walang problema idol ko." sundot ni Ver na parang nang uuto.
" Brad, ang problema ko pera…But since wala akong pera…e di wala akong problema" sagot ni Daniel na napapatawa sa pagkapilosopo ng sarili niyang sagot.
"Kaya bilib ako sayo. Lintek ang logic mo. Convoluted at liko liko minsan pero logical pa rin ang dating. " natatawang sabi ni Ver.
"Nakasalubong ko si Gary. Nagmamadali. Late na raw sa klase niya." sambit ni Ver
"Andito ka nga daw …ano nga exact words niya…Andun sa faculty room yung alaskador nating kaibigan.." dagdag pa nito.
Napatawa si Daniel. At muli'y iminuwento nito kay Ver ang napag usapan at napagkuwentuhan nila ni Gary…Tawa ito ng tawa.
" Ano daw gagawin ni Gary?" tanong uli nito.
" Ano pa..e di sesermunan..alam mo namang may pagkapari yang si Gary..kundi napikot yan…malamang yan ang pumalit kay Cardinal Sin." natatawang sabi ni Daniel.
"Sabagay..pareho silang singkit…hehehe" pag sang ayon ni Ver. " Pero kung ako yun, sasabihan ko yang si Mailyn…Kuwatro o kuwarto? nyahahaha.."pagbibiro pa nito.
"Dyan…Dyan ka magaling…sa kamanyakan!" sambit ni Daniel.
" Pre naman…sino ba namang hindi titigasan kay Mailyn aber?" tanong ni Ver.
"Sabagay…" tatango tangong pagsang ayon ni Daniel.
At napatigil sa pag uusap ang magkaibigan. Parang tuksong pumasok sa isipan nila ng sabay si Mailyn. Mataas ito sa average na pinay sa height nitong 5'5". Mahaba ang tuwid at itim na itim na buhok…Fair complexioned at medyo balbon dahil na rin sa mga balahibong pusang makikita sa mga bisig nito. May kalandian ang matang sumisingkit pag nagsusuplada o ngumingiti. Maganda ang kurbada ng katawan nito. Pwedeng modelo kung tutuusin. Maganda ang tindig ng suso nito sa palagay nila dahil tayong tayo ito pag na iistretch ang uniform. Mapapatingin ka kapag naglalakad ito dahil sa pagkakausli ng makurba nitong puwetan na parang nag aanyayang titigan ito sa bawat pag imbay. Ngunit ang pamatay ni Mailyn ay ang kanyang pagiging long legged lalo pa nga's nagiging well defined ang kanyang mga legs pag suot nito ang puting stockings na panduty. Pag walang suot na stockings ito, mamamasdan naman ang napakakinis na kutis ng mga binti nito. Mukhang maraming naubos na pera sa kulambo, baygon o di kaya'y Lion katol ang mga magulang nito habang siyay pinapalaki. Di lang ito maganda. May hinala ang magkaibigan na saksakan ng libog si Mailyn. Ang sarap sigurong kantutin nito.
"Hoy!" pag gulantang ni Daniel kay Ver. Nauna siyang bumalik mula sa kanyang pagmumuni muni " ano na naman iniisip mong kamanyakan ha? " tanong niya dito.
"One word…" nangingiting sambit nito "threesome!" sabay na napahalakhak ang magkaibigan.
Natatawa na lang si Daniel sa kaibigan pero hindi nito alam na isa ito sa matagal nang pinapanstansya ni Ver. At lalong nag umigting ang pagnanasang nararamdamanm niya tuwing inisiip niyang si Mailyn ang bidang babae sa pantasyang yun. Siyet sabi ni Ver sa Sarili sabay paalam nito kay Daniel at oras na rin ng kanyang pagtuturo. Umaawit pa itong naglakad papuntang pituan palabas ng faculty room.
"Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa…" simula nito ngunit biglang napatigil dahil nakasalubong nito si Mrs Sanchez, and kanilang dean..nag gud morning maam ito habang kumakamot sa ulo at paipis ipis na pumuslit palabas ng pinto.
Naiiling na natatawang ibinalik ni Daniel ang atensyon sa kanyang desk at tinignan ang schedule niya for the day.
ITUTULOY