1. Home
  2. Stories
  3. Bastusin mo ako, Sir! Part 14
PSErotica

Bastusin mo ako, Sir! Part 14

By sweetnslow ·

© 2016 sweetNslow. Reproduction of this story by any means or forms is prohibited unless with the author's expressed consent.

Maagang nakatapos ang mga estudyante sa exam ni ibinigay ni Daniel. Hindi na rin niya pinahirapan ang case presentation ng mga ito dahil wala rin siya sa mood….Lalo pa nga at parang nakakaloko si Mailyn tuwing tumitingin sa kanya. Allowed ang mga estudyanteng mag civilian clothing pag sabado. Naka white wrap around mini skirt si Mailyn. Hindi mo maiiwasang mapahanga lalo na pag naglalakad ito. Sa magandang at mahabang hugis ng legs nito at ang magandang umbok ng puwet na lalong nagiging prominente pag umiimbay ito sa paglalakad. Naka pink Hello Kitty shirt ito na fitting na tinernuhan naman ng pink din na nike running shoes. Naka pony tail ang buhok nito. Very sporty.
As opposed to Marie na naka Jeans at white shirt. Simple lang. Pero alam ni Daniel na ang kasimplehang yun ang nagpapasexy kay Marie sa paningin niya. Kung si Marie ay simple ang kaseksihang pino project, si Mailyn ay parang naghahamon. Yun tipong pag naglakad sa kalye e di mapipigilang habulin ng paningin. Na kung may tambay sigurong nakatingin ang sasabihin ay: Nakupu, mukhang babali ng tubo ito!

Medyo naiilang din si Daniel sa sitwasyon lalo pa nga't di mapigilan si Mailyn sa simpleng pangungulit nito. Nandung isubo at kagatin ang dulo ng ballpen na kunwari nag iisip ngunit biglang aangat ang mukha patingin sa kanya at titiyempong busy ang mga kaklase sa exam sabay ilalabas masok ng mabilis ang ballpen sa bibig nito sabay dila sa dulo. Paulit ulit ito. Umaalinsangan lalo ang pakiramdam ng lalaking CI. Nang tignan naman niya si Marie ay nakasimangot ito sa kanya. Nagseselos. Nakikita rin nito ang pasimpleng ginagawa ni Mailyn sa Sir Dan niya. Nang makita ni Mailyn ang tingin ni Marie sa kanya na parang galit, inilobo nito ang bibig at binangga bangga ng dila ang tagiliran ng sariling bibig kung kaya bumubukol ang pisngi nito sabay kindat sa kaibigan.
Lalo nang naasiwa sa sitwasyon ang lalaking CI. Patay malisya siyang tumungo sa desk na kunwari ay may binabasa. Titingin tingin naman si Mailyn at tuwang tuwa sa pagka asiwa ng CI. Hehehe. Kahit bagsak tong exam ko, sir…ipapasa mo ko..hahaha. sa isip isip pa nito. At umiral pa lalo ang kapilyahan niyo. Hinintay na mapatingin sa kanya ang Ci at nang matyempuhan ito ni Mailyn ay biglang ibinuka ang dalawang hita upang makita ng kanyang CI ang puting undie na suot niya…sabay kindat at sabay sara uli nito. at nag tap ito ng ballpen sa test paper…mabilis…alam niyang alam ni Sir Dan ang ginagawa niya.

Napalunok naman si Daniel. Siyet na bata talaga to. Exasperated ika nga. Pag titingin siya kay Marie, alam niyang nagagalit ito…nagseselos..at sa tuwing lilipat siya ng tingin kay Mailyn, wala itong paki sa panunukso sa kanya…at simpleng pang aasar nito kay Marie. Ano ba to. Di niya maitatanggi…Nagsisimulang tumindig ang bandila ng bayan. Ay naku, ano nga ba yung nabasa niya sa isang American novel? A stiff prick has no conscience? Lintek na tarugo niya…nag uumalma..natotorture… Naku, Mailyn ka…you'll pay for this…pagbabanta ng kanyang isip.

Natapos ang exam ng 12NN…idinismiss nito ang klase na may mga papasukan pang minor subjects. Naghiwa hiwalay na sila nung makaabot sila ng hallway. Nakatungo lang naglalakad si Marie kasabay ng grupo. Si Mailyn ay may kakaibang sigla sa mga hakbang nito. Ngiti ng ngiti…the cat who swalloed the canary, isip isip ni Daniel.

Dahil Sabado, halos walang tao maliban sa mga CI na nagpapaexam. Nang pumasok na si Daniel sa faculty room ..(na ginawa kong fuck--ulty room…sa isip ng binatang napailing na lang), nadatnan na nya dun si Ver na nagchecheck ng papel. Umangat ang mukha nito mula sa desk at binati siya.

" o, Pre…tapos na exam mo?" tanong nito.

"Yeah…" Matamlay na sagot ni Daniel.

Napatigil sa ginagawa si Ver. Matagal na rin silang magkaibigan ni Daniel. Alam niya pag namomroblema to. Sa tagal na rin naman ng panahong pinagsamahan nila, alam na niya ang likaw ng bituka nito. Kung meron man siyang itinuturing na tunay na barkada, si Daniel ang una sa listahan niya. At alam niyang ganun din ito sa kanya. Nadagdag nga lang sa listahan nila si Gary. And so far, dahil na rin nga pare pareho halos ang hilig nila, ok naman ang tropa. Iniwanan ni Ver ang ginagawa nito at lumipat sa swivel chair ni Gary. Hinarap niya si Daniel na nakaupo na rin sa swivel chair nito.

"Pera ba, pre? Magkano?" tanong nito sa kaibigan. Umiling lang.

"Hmnn…kung hindi pera…malamang babae…" sundot nito. Tinignan lang siya ni Daniel. di pa rin umiimik. Medyo tumungo ng kaunti si Ver sa desk ni Daniel at sinalo ng kanang kamay ang baba.

"Anak," simula ni Ver, " Ano man ang dinaramdam mo, mangumpisal ka na…ituring mo akong Father Confessor mo, " seryosong saad nito kay Daniel.

Hindi naman mapigilan ni Daniel ang mapangiti. Nag aalanganin pa rin siya. Pero kung meron man siyang mapagkakatiwalaan sa university na ito, si Ver at Gary lang yun. In that order. Gusto nyang protektahan si Marie. Ayaw niyang masira kinabukasan nito ng dahil sa kanya…at kailangan niya ng kakampi sa balak niya.

"Sige na, pre…anumang mabigat na bagay ay gumagaan kapag pinagtutulungang buhatin…" pangungumbinsi nito. "Mangumpisal ka na anak at mapagpatawad ang nasa itaas…at higit sa lahat…sabik din ako sa chismis…hehehe" nakangisi pa nitong dagdag.

Lumingon lingon sa buong paligid ng faculty room si Daniel. Huminga ng malalim…at marahang tumango sa kaibigan…

Nagsimulang magkuwento si Daniel nang mga nangyari. Nung una'y pabugso bugso, waring hindi sigurado at tagni tagni. Nakatingin lamang si Ver. Ngunit ang mukha nito'y tiim na nakikinig sa kaibigan. Hindi siya nagsasalita o nagkokomentaryo. Ini engganyo nya ang kaibigan nyang magtiwala ng buo…na sabihin ang bagay na bumabagabag dito. At unti unting parang tubig na umaagos dahan dahan ang mga alala sa isipan ni Daniel. Naging tuloy tuloy ang kuwento nito. Magkakahalong emosyon ang bumabalot dito. Nandun ang guilt, ang takot…at ang nananaig sa lahat…ang ligaya. Tuloy lang sa matamang pakikinig ang kanyang CI. Nang makatapos sa kuwento niya si Daniel, tumingin ito kay Ver…Hinihintay nito ang pag aakusa…at nakakaramdam siya ng hiya sa harap ng kaibigan niya dahilan sa mga pangyayaring naganap. Tumayo lamang si Ver. Tahimik. Wari'y tinitimbang ang mga sinabi ng kaibigan. Tinignan niya ito ng mga nagtatanong na mata. Tumango lamang si Daniel. Guilty as charged, Your Honor. Hinintay niya ang paninisi o panghuhusgang inaasahan niya sa kaibigan niya.

Lumapit si Ver kay Daniel. Marahang ipinatong ang kanyang kanang kamay sa kapwa CI.
Umiling iling ito…at biglang binatukan ng marahan ang kaibigan. Nagulat si Daniel.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito kay Ver. Hindi naman galit ang hilatsa ng pagmumukha nito.

" Ayup ka….ang swerte mo!" Bulalas nito na may halong inggit sa nangyari sa kaibigan.

"Anong swerte?" pakunwaring tanong ni Daniel ngunit alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Napangiti rin siya.

"Siyet…dalawang magandang…ehem…" luminga linga muna ito uli sa loob ng faculty room upang masiguradong uling walang ibang tao. " Dalawang maganda at malilibog na dalaga may gusto sa yo…..Hmnnn may anting anting ka no?" nakakalokong tanong pa nito.

"Wag ka ganyan dre…namomroblema na nga eh….kawawa naman si Marie pag nagkabistuhan," pakiusap nito kay Ver.

Parang wala namang narinig si Ver at lumapit pa sa desk ni Daniel…suminghot singhot.

"Kaya pala may kakaibang amoy …amoy sex pheromones" nangingiting pang aasar pa nito patungkol sa human chemical na nagtitrigger daw ng sexual attraction.

"Parang alam mo ang amoy nun…huh." sagot ni Daniel. "Tama na yang kakenkuyan mo dyan…kaya ko sinabi eh para tulungan mo ako…hindi yang kung ano anong pinagyayawyaw mo," medyo inis na dagdag ni Daniel.

"E ano ba naiisip mo?" tanong naman ni Ver. " Paano mo mapipigil si Mailyn aber?"

Pinaupo uli ni Daniel si Ver. Nang makaupo ang ito, isa isang sinabi ni Daniel and outline ng plano niya at kung paanong ng planong yun ang magiging seguridad na ang lahat ay mananatiling lihim lang. At higit sa lahat, maprotektahan si Marie sa potensyal na bagyong maaaring dumaan sa buhay nito.

"Hmnn.." tatango tangong pag aanalisa ni Ver sa plani Daniel. " Pwede…pwede…hehehe…Aprub yan sa konstitusyon…" masaya nitong pagtatapos.

Napangiti ng lihim si Daniel. Sa loob loob niya…basta kamanyakan…maaasahan tong kaibigan niya. At paulit ulit nilang plinantsa ang detalye ng plano ni Daniel.

KINAWAYAN ni Daniel si Mailyn sa labas ng Jollibee. Nag text siya dito matapos nilang maghiwalay ni Marie na nagsabing may lakad daw sila ng kanyang ate sa mall, na malapit na sila kaya't naisipan nang dalagang lumabas na ng foodchain. Nakita ni Mailyn ang Revo ni Sir Ver at sa bintana ng passenger seat nito ay kumakaway ang Sir Daniel niya. O di ba? Sir Daniel ko…Bongga!

Dali daling lumapit si Mailyn sa nakaparadang Revo at sumakay sa bahaging kung saan ay nasa likod siya, bandang gitna kung saan hati halos equidistance siya sa dalawang CI na nasa unahan ng sasakyan. Prente siyang naupo sabay ngiti ng matamis sa dalawa niyang CI…At dahan dahan nang umabante ang sasakyan ni Ver. 4pm na. Tamang tamang around 5pm nandun na sila kina Gary.

"Baka may nakakita sayo ha?" tanong ni Daniel sa dalaga.

"Wala, Sir…ako pa!" may pagmamalaking sagot nito.

"Mag iinuman kami…anong gagawin mo dun?" dagdag na tanong ng CI kay Mailyn.

" E di mag iinom din, Sir…makikijamming sa inyo…" sagot nitong nakanguso.

"Ayos yan, ineng" sabad naman ni Ver. " Mga gentlemen naman kami eh..di ba Dan?" sabay siko sa kaibigan. Tumango lang si Daniel.

"Weh?Hindi nga? Sure kayo dyan ha?" may panunuksong tanong nito sabay sulyap at kindat kay Daniel, Napailing na lang ang lalaki.

Huling huli ni Ver ang pilyang pagkindat ni Mailyn kay Daniel. Lintek na babae to, sa loob loob niya, malibog nga. At kahit nagdadrive, gumagana ang imahinasyon ng CI… ngunit pinigl nya rin. Langit malamang ang piling ni Mailyn…pero kung di siya magcoconcentrate sa pagda drive…malamang impyerno ang bagsak nila!

HINDI na nagtaka pa si Gary nang pagbaba ng kanyang inaasahang bisita ay kasama si Mailyn ng mga ito. May isang oras din silang magkausap sa phone ni Daniel. Kahit tutol siya nung una, nakikita niya ang logic ng argumento ng kaibigan. Isa pa, kaibigan niya ito. Alam niyang di siya makakatanggi sa hiling nito. Pero hanggat maaari, hindi siya makikisali sa mismong plano nito. Gagampanan niya ang kanyang role…pero hanggang dun lang…kahit naiintriga pa siya sa mangyayari…na kaninang nagluluto siya ay di nya rin maiwasang isipin…hindi dahil sa takot…kundi dahil sa kakaibang init na unti unting gumagapang sa kanya habang iniisip ito.

Matapos ang usual na batian at simpleng pag hi niya kay Mailyn, nagulat si Gary nang biglang humalik ito sa pisngi niya…kahit sandali lang…ramdam ni Gary ang susong lumapat sa kanyang braso. Anak ng tinapa! Ano ba yan? Para akong nakuryente ah. Down boy! Down! sabi nito sa pumitlag na alaga sa loob ng kanyang shorts. Ang hirap talaga ng tigang, sa isip isip niya.

PAGKATAPOS nilang maghapunan, pumunta sa sala si Gary upang i set up ang mga cables at i connect ang mga speakers sa analog mixer nito. Kasama na rin ang paglalabas ng mga guitar cables na lagi nilang ginagamit. Naghugas ng pinggan si Ver samantalang si Daniel ang namahala sa maliit na table kung saan isa isa niyang inihain ang crispy ulo, lechong manok, potato chips. Naglagay din siya ng pitsel ng tubig, isang 2 liter na coke,
apat na maliit na baso at dalawang regular size na pang chaser, at higit sa lahat, isang litro ng popular brand na Johnny Walker Black. In case bitin, sa isip isip niya, may isang case na Sanmig Lights sa ref.

"Ver, matagal pa ba yan?" pasigaw nitong tanong sa lalaking nasa kusina na sinilip ang nilulutong halaang tahong.

"Ready na…" sagot nito at nagsimulang maglagay malaking bowl ng mga tahong at dinala sa lamesa na sumikip na dahil sa mga nakalagay dun. Pagkalagay aya dagliang bumalik si Ver sa kusina at nagtadtad ng yelo na nilagay sa isang plangganita at pagkatapos ay inilagay sa baba lang lamesa. Langya, ice boy papel ko ngayon, sabi nito sa sarili.

"Game na…" Sabi naman ni Gary. At isa isang nagsiupo. Si Gary ay naupo sa single chair sofa. Ganun din si Ver na sa opposing single sofa. Si Daniel ang naupo sa gitnang sofa na kasya ang tatlo.

Sa lahat ng ito nakamasid lang si Mailyn. Hanga siya sa pagkaorganisado ng mga ito. Alam na halos ang galaw ng bawat isa. Matagal na sigurong magtoropa talaga. Pinaghahandaan talaga nila ang weekends nila. Naalimpungatan ito sa pagmamasid ng marinig na may tumawag sa pangalan niya.

"Mailyn, jo join ka ba…or waitress ka na lang namin? " tawag dito ni Ver.

"Syempre sali ko no?" nakanguso nitong sagot at tinungo ang sofa kung san nandun si Daniel at tumabi dito.

Inggit na inggit naman si Ver. Lalo pa nga't nang lampasan siya nito ay di niya maiwasan maamoy ang kabanguhan nito. Medyo napahinga pa ito ng malalim dahil sa pag upo nito sa tabi ni Daniel, medyo tumaaas ang laylayan ng skirtng mga 6 na pulgada mula sa tuhod. Konting bukas lang nito, sa isip isip ni Ver, at masisilayan na ang natatakpang langit na matagal na rin niyang nalaspag sa kanyang panaginip.

Kinuha ni Daniel ang apat na maliliit na baso at nilagyan ng kalahating taas na tagay ng whiskey. Nilagyan niya ang bawat baso ng yelo at isa isang inabot sa dalawang kaibigan at ang huli'y iniabot kay Mailyn.

"Sigurado ka bang kaya mo to?" tanong nito sa dalaga patungkol sa inuming inabot na nito.

"Sir, naman…Empi lights nga kaya ko eh," pagyayabang pang sabi nito sabay kuha sa coke at balak ihalo sa kanyang whiskey.

"Hep, hep, hep…" pigil ni Daniel nang makita ang gagawin ng dalaga. "Hindi mo maa apreciate ang whiskey pag nilagyan mo ng coke…dapat dyan yelo lang" sabi nito sa dalaga.

"Ang pait kaya nun," kontra naman nito.

"May beer sa ref, Mailyn, " sabad ni Gary. "Yun na lang kaya inumin mo?" suhestyon pa nito.

"HIndi…Ano ka ba Gary? " pagkontra naman ni Ver. "Ano palagay mo kay Mailyn..pipitsugin? Kaya nya yan…di ba Mailyn?" pang uudyok na pagtatanong pa nito na kinindatan ang dalaga

"Sus, wag mong pilitin ineng pag di kaya," Balik kontra ni Daniel. "Magbeer ka na lang," pag ayon pa nito kay Gary.

Nakaramdam ng pagkainsulto si Mailyn. Minamahina ako ng mga ito ah. "Ah ganun ba, Sir Dan… baka yung iba mong kakilala mahina…hmp" sabay tinungga ng straight ang alak na tangan nito.

Nagkatinginan ang tatlong CI. Sabay naghalakhakan. Nakita nila ang mestisahing mukha ni Mailyn na dagliang namula. Alam nila ang pait na nalasahan nito. Pero putting up a brave face ika nga.

"Ok guys," putol ni Ver…"bumawi naman tayo kay Mailyn…para sa pinakapilya at napakagandang dalagang bisita natin today. Cheers!" pagtataas nito ng baso na sinabayan ng dalawang kapwa CI nito. At pumailanlang ang salitang "kampai" sa sala.

"Ganda talaga ni Mailyn ano mga pare," sambit na naman ni Ver na tinangu tanguan naman ng dalawang CI. "Suwerte naman ng lalaking makakabingwit sa kanya," at pagkasabi'y tinignan si Mailyn ng pilyong tingin.

Napangiti naman ang dalaga sa tinuran ni Sir Ver. Parang may mainit na humaplos sa puso niya sa compliment na tinangggap. O siguro dahil sa whiskey na tinungga niya na nagdulot ng sudden warmth sa kanyang katawan.

AT NAGSIMULA na nga ang inuman at kantahan nila. Masaya. Enjoyable ika nga. Biruan…kantahan..tawanan. Libang na libang si Mailyn. Sa isip niya, pag uwian na, magpapahatid siya kay Sir Dan sa condo niya…at matutupad na ang kanyang pinapantansya. Wala sa expectation niya na higit pa sa pantasya niya ang mangyayari bago matapos ang gabing ito…

ITUTULOY…