1. Home
  2. Stories
  3. Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 3
PSErotica

Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 3

By sweetnslow ·

© 2016 sweetNslow. Reproduction of this story by any means or forms is prohibited unless with the author's expressed consent.

PARANG ang bagal ng isang linggo kay Jen. Kahit pa nga busy siya masyado sa kanyang trabaho at pag aaral, gusto niyang magsabado na uli. Aaminin niya…namimiss na niya ang kanyang ka chat. Sumisilip siya sandali kapag umuuwi pero di naman niya ito natyetyempuhan. Paulit ulit siyang nagpapadala ng private message at sabik na binubuksan ang laptop bago matulog. Pero wala. Nada..Zero..Zilch…Naiinis siya sa sarili pero talagang namimiss niya ang lalaking kamukha (daw) ni Dennis Padilla. Lintek na lalaki to ah. Bukod yata sa pagiging komedyante, may lahing mangkukulam pa! Nilibang na lang ng dalaga ang sarili sa pagtatrabaho ng ma divert ang kakaibang nararamdaman niya sa estrangherong ka chat niya.

AT DUMATING na uli ang sabado. Pagsilip niya ay naka online ang mokong. Parang pumitlag ang dibdib ng talaga. Excited. Mabilis siyang nag almusal pagkatapos ay sumalampak ng upo sa kama. May private message siya. Galing kay Mokong. Binuksan niya ito.

"Sorry for the very late reply. I was busy. May 5 days seminar ako sa London and it really took my time. Di na ko nakapag online nun. Stressful week. Sorry talaga, kiddo. Wag mo kong isumpa ha? wink wink." ito ang nakalagay sa message. Hmnn…napangiti ang dalaga. Namimiss rin siguro ako nito. Agad niyang tinungo ang chatbox at pinili ang ID ng lalaki.

"Mokonggg….." paunang bati ng dalaga.

"Mokong?…" sagot agad ni Mark. " Sagwa…di ba pedeng kuya na lang? o lolo?" dagdag pa nito.

"O sige…replay" type ng dalaga. "Kuya Mokong hihihi…." type nito at nilagyan ng icon na nakadila.

"Hahaha… haba ng dila mo,kiddo…So ano pagchichismisan natin today?" type ng binata.

"Empre, magaling akong mag ano eh…" BJ ang pahiwatig ng dalaga. Puring puri siya ng ex niya dahil dun.

"Mambelat?" panunudyo ng lalaki.

"Kumain ng ano…" pabiting ganti ni babae.

"Ng ano?" natatawa na si Mark. Pilya talaga tong si Jen.

"Secret…hihihi…" sagot ng dalaga. "Umuwi ka dito sa Pinas para malaman mo..wink wink.." sundot pa ng dalaga.

"Oy, di na biro yan kiddo.." napalunok si Mark habang nagtatype.

"Sino nagbibiro ha?" panunukso pa ng dalaga.

"Change topic tayo, kiddo…delikado tong direksyong pinupuntahan natin" type ng lalaki.

Hmp…kainis to ah. Teka nga.

"Kuya, pwede rumequest?" pasimulang tanong uli ng dalaga.

"Sure…basta ba kaya ko eh," sagot naman ng lalaki.

"Pwede yung story ko naman isulat mo?" type ng dalaga.

"Sure…sige…kuwento mo…" sagot ni Mark.

At sinimulang magkwento ni Jen. Nung una ay medyo nahihiya pa siya pero very encouraging naman ang lalaki. Open minded ika nga. Seryoso at di nangangantyaw. So nagtuloy tuloy ang kwento ng dalaga. Pati mga frustrations nito…At pati ang mga pantasya nito regarding sex.

"Whew," type ng lalaki nang makatapos si Jen. " Ganda ng kwento mo ha…In fairness understandable…Talagang kasama yang frustrations eh…and of course yung inner desires and fantasies…which is inherent in all of us…its a matter or controlling it…Yung iba kaya…yung iba hindi." mahabang paliwanag nito sa chat.

"Nosebleed naman ako, kuya" type ni Jen.

"Sorry …hahaha…nadala lang ako ng sarili kong paliwanag," sagot naman ng lalaki.

"May isa pa kong sasabihin, Kuya Mokong," type uli ng dalaga.

"Aray…sakit talaga sa tenga," type nito…"Go on.." pang eengganyo pa nito.

"Parang gusto kong maranasan yung naranasan nung bidang babae sa kuwento mo." wala nang hiya hiya pang type ng babae.

Matagal na hindi sumasagot ang ka chat ni Jen. Nararamdaman ni Jen na nag iisip ang ka chat ng sasabihin.

"Hmnn…suwerte nang lalaking magpaparanas sayo nun," lumilihis na naman ang sagot ng lalaki.

"Teka…ginawa mo ba talaga yung nabasa ko?" may hamong tanong ng dalaga.

"True story nga di ba? " ganting tanong ng lalaki.

"Hindi ka nandiri?…as in kinaya mo?" Pangungulit pa uli nito.

"Let's just say na pag nasa height ka ng pag iinit ng katawan mo, nakakalimutan mo ang mga bagay bagay…lahat ay maganda sa paningin mo…lahat ay masarap.." sagot ni Mark.

"Ganun?"

"Yup."

" E di alam ko na…" pabiting type ni Jen.

"Ano yun?" takang tanong ng binata.

"Bastusin mo ako, Kuya…wink wink." type ng dalaga sa ka chat.

Napatawa si Mark. Seryoso ba to? Ano nang nangyari at napasuot na naman ang usapan dito? Maingat na nagtype ang lalaki sa ka chat.

" Theoretically speaking…lets say…nagkita tayo…are you really willing to do that?" tanong nito sa dalaga. "Remember di ako yung napapanood mong bida sa mga koreanovelas" dagdag pa nito.

"Hmnn…we'll see..hihihi" pambibitin naman ng dalaga.

"Ok. Here's the deal. Alam ko kung saan ka nagwowork…if by chance youre still there when i get home. Then somehow youll know when im there. You only have to remember one word…the word is KIDDO…once you heard it or read it…then you know nasa paligid lang ako." mahaba at detalyado ang pagkakatype ng lalaki.

Naexcite naman lalo ang dalaga. Parang may thrill pang nadagdag dahil parang pelikula na ang nangyayari.

"Kelan ka naman uuwi, aber?" tanong nito sa lalaking ka chat.

"You'll know when im there…if not then it wasnt meant to be." sagot ng lalaki.

"Kung ganun…Deal!" type ng dalagang nakangiti.

"Ok…but dont worry…you can always back out when we finally meet…alang puwersahan." type uli ng ka chat na lalaki.

Ikaw ang pupuwersahin ko, sa isip isip ng dalaga.

"Anyway, just in case…update lang kita…tapos na ang series..inabot din 17 parts. So hope youll enjoy it." type uli ng lalaki.

"Ok…thanks Kuya Mokong.." maganda ang ngiti nito ngayon sa labi.

Di na rin nagtagal at nagpaalam na uli si Mark sa kanya. Medyo busy din daw sa work. Nang gumabi, binasa ng dalaga ang mga huling yugto ng kuwento ni Mark. Lintek talaga magpaikot ng kuwento ang lalaki. Hindi mo mapigilang mag init. At tulad ng mga naunang pangyayari, nakatulog na naman ang dalaga na may ngiti sa labi…nakadapa…at walang kasaplot saplot sa katawan…

WALANG sumunod na mga kuwento ang napost ng ka chat niyang lalaki. Hindi niya matyempuhan itong naka online kahit weekend. Iniiwasan siya? Bakit? Nagtataka siyang nag iisip kung ano ang dahilan. Sobrang busy? May day off naman siguro siya. Kahit sa private inbox niya sa chatroom walang message si Mark. Lintek na lalaki yun. Lakas talagang mang istir. Two weeks din ang mabilis na lumipas pero ni walang bakas ng anino ng lalaki sa chatroom. Ilang beses siyang nagpadala ng private messages walang sagot. Buset ka Kuya Mokong. Nagpapamiss ka talaga ha? Hmp. Masyadong preoccupied ang isipan niya at ilang beses na siyang muntik muntikanang matumba dahil nababangga siya ng ibang kostumers. Hindi niya napansin ang isang batang papalapit sa kanya.

"Ale, ale," tawag ng bata sa kanya at tinapik tapik pa siya sa braso.

"Ano yun, boy?" tanong niya dito.

"May nagpapaabot po nito sa inyo." kunot noo niyang tinanggap ang isang papel na bagamat may ibang bagay na nakasulat, isa lang ang nahuli agad ng kanyang mata: KIDDO…

ITUTULOY