1. Home
  2. Stories
  3. Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 4
PSErotica

Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 4

By sweetnslow ·

© 2016 sweetNslow. Reproduction of this story by any means or forms is prohibited unless with the author's expressed consent.

HINDI mapakali sa harap ng salamin sa loob ng powder room si Jen. Naroong sinisipat kung tama lang ba ang at hindi sobra ang mascarang inilagay sa pilikmatang lalong nagpalantik sa mga ito. Pumungay lalo ang kanyang mata. Parang naging mysteriously seductive ang dating. Nag apply lang ang dalaga ng powder sa mukha at matapos ay nag lipstick na kulay berry light. Naging very prominent ang pouty lips niya dahil sa contrast na nalikha nito kumpara sa kulay ng makinis niyang mukha na nagsilbing background. Inilugay niya ang itim at tuwid na buhok na lampas balikat. Plinantsa ng sariling kamay niya ang suot na usong purple sporty dress with matching black thin cardigan na halos kasing haba ng kanyang dress na umaabot hanggang 2 inches bago ang kanyang tuhod. Nakasuot siya ng Adidas Superstar white with black stripe na usong uso ngayon. Very stylish. Very sporty ang peg ni Jen. Confident ang dating ng porma. Pero nanginginig ang kalooban ng dalaga. Muling tinignan ang sarili sa salamin. Maganda siya. Alam niya yun. Alam niyang di iilang lalaki ang makakapansin sa kanya pag naglakad siya sa labas. Hay, napahinga ng malalim ang dalaga. Nag spray muli ito ng D&G sa pulso na ipinahid sa magkabilang leeg. Bahala na, ng isipan nito. At lumabas na ito upang bagtasin ang daan patungo sa Padi's Point kung saan naghihintay ang estrangherong sa chat niya lang nakilala.

MATAPOS ang ilang minutong pakikipagsaligwayan sa paroon at paritong dagat ng mga tao, narating rin niya ang Padi's Point. Marami nang tao sa loob nito. Ngunit di karamihan sa labas kung saan ay may mga lamesa at upuan. Ang ilan sa mga ito ay may beach umbrella pang nakatirik sa mismong gitna ng lamesa. Nakikinig ang mga ito sa live band na tumutugtog sa loob sa pamamagitan ng mga speakers na nakakalat sa iba't ibang bahagi nito. Palinga linga ang dalaga. Hinahanap ang estranghero. Parang nakaramdam siya ng init ng matang sa kanya nakatingin. Luminga siya sa direksyong iyon at sa sulok, sa medyo dim na bahagi ay namataan niya ang isang lalaking nakaupo. Black collar shirt na nagrereflect ang three stripes na skyblue ang kulay. Nakatingin ito sa kanya. Maigsi ang buhok na medyo wavy. Clean cut. Kahit nakaupo ito ay kita ni Jen ang cargo pants na suot nito at canvas blue low cut Nike na sapatos. Hmnn…Clean cut pero mukhang koboy, sa isip isip ng dalaga. Hindi takot ang naramdaman ni Jen. Mukhang mabait ang lalaking nakatingin lang sa kanya. Parang tumatawa ang medyo singkit nitong mata na animo'y pinag aaralan ang bawat kilos niya at mga susunod na hakbang. Hindi kaguwapuhan ang lalaki pero aaminin ni Jen na lalaking lalaki ang dating. Ninerbyos siya bigla. Hindi nerbyos ng takot. Parang naeexcite siya. Huminga muli ang dalaga ng malalim. Ah bahala na si Batman! palakas loob nito sa sarili at naglakad na ito patungo sa mesa ng lalaki. Nang malapit na siya ay biglang tumayo ang lalaki. Ang tangkad! Sabi sa sarili ni Jen na napatingala kay Mark. Ngumiti lang ito sa kanya. Pilyong ngiti, isip isip ng dalaga. Hinatak ng lalaki ang upuan upang makaupo ang dalaga.

"Thank you," pasasalamat ni Jen. Naamoy niya ang lalaki. La Coste Blue…

"My pleasure," sabi naman nito bago naupo sa harap niya. Magkatapatan sila ngayon. Sinenyasan nito ang waitress na dagliang lumapit. "Drinks?" tanong nito sa kanya.

"Sanmig please" sagot ng dalaga.

Tinignan ng lalaki ang waitress. " Sanmig for the lady, Miss….Make it two," sabi nito matapos tignan ang boteng nasa harap niya. "and the menu please?" dagdag pa nito.

Tinignan muli ni Jen ang lalaking kaharap niya. Nakatitig din lang ito sa kanya na wari'y binabasa kung anuman ang naglalaro sa utak niya. Nakoconscious siya sa tingin nito, lalo pa't nang ngumiti ito na parang nanunudyo sa nakikitang discomfort niya. Patuloy pa rin ang pagtibok ng mabilis ng kanyang dibidb. Siyet…Ano ba yan? tanong ng dalaga sa sariling kaisipan. Naramdaman na lang niyang may kamay na masuyong pumatong sa sarili niyang kamay.

"Relax, kid," kalmadong simula ni Mark. "We are just having a wee drink ok? kuwentuhan lang…Nothing to worry about.." saad pa uli nito na ngayon ay nakangiti na.

Nginitian din ni Jen ang lalaki. Kahit papaano'y nakakawala ng nerbyos niya ang kalmadong boses nito at reassurance na ibinigay. Relax lang daw. No pressure. Pero andun pa rin ang lintek na pressure dahil parang surreal ang lahat nangyayari. Kausap at kabiruan lang sa chat…Ngayon heto at kaharap ko pa mismo. Then parang nanunuksong bumalik sa isipan ng dalaga ang mga pinagsasabi niya nung nagchachat sila ni Mark. Pakiramdam niya ay pulang pula ang kanyang pisngi sa pagblush nito. Buti na lang at medyo dim. Pero pagtingin niya uli sa lalaki. Nakangiti lang ito. Parang normal lang ang lahat ng nangyayari.

"Kelan ka pa dumating?" tanong ni Jen sa pinakaka casual na boses na kaya niyang gawin.

"One week ago, " kaswal na sagot ng binata sabay tungga sa beer nito. Tinawag nito ang waitress uli na nang lumapit eh itinuro ang dalaga upang ito ang umorder.

"Ikaw na…busog pa ko eh, " pagdadahilan ni Jen.

Umorder ng sizzling sisig at sizzling wings ang lalaki. Tinignan siyang muli na parang hinihintay kung may gusto siyang idagdag. Umiling lang dalaga. Nagpasalamat ang lalaki sa waitress at umalis na ito.

"Sanlinggo ka na pala dito…ngayon ka lang nagparamdam," may tampo ang tinig ng dalaga. At inis. Kaya pala di ko mahagilap ang kumag, naisip nito.

Tumitig ang lalaki sa kanya bago nagsalita. "Well…lets say…im giving you the chance, " sagot nito.

"A chance?..A chance to what?" medyo mas umiiral na ang pagkainis sa dalaga kesa nerbyos.

"Ganyan ka ba talaga?" tanong ng binata. "So impatient…daling maaburido? Buti nami maintain mo yang ganda mo…i mean kung sa iba iba lang siguro, puro wrinkles na nakaparada diyan sa mukha mo," ganti ng lalaking nakangiti pa rin.

"Nambola ka pa," supalpal ng dalaga dito…pero nakikiliti ang isipan niya sa compliment na binigay ng binata. "A chance to ano nga?" balik tanong ng dalaga.

" A chance to forget everything…" banayad na sagot nito. " Na kalimutan na nakilala mo ako…that im just a pigment of your imagination…a teaser..a poser…anything that can actually prevent something you might not like to really happen," very articulate ang pagpapaliwanag ng lalaki.

"Kaya di ka nagparamdam? Ganun?" Unti unting napagtagni tagni ng dalaga ang pagkawala nito. Ang di pagsagot sa mga messages niya. Ang di pag oonline…Ang kuwentong di na nasundan pang muli. Mas lalo siyang naiinis.

"Yeah…" sagot nito.

"E bakit ka nandito ngayon?" paasbad na tanong ng dalaga na nginitian lang ng lalaki.

Hindi agad sumagod ang lalaki. Waring tinitimbang ang sasabihin sa dalaga. Nagkibit balikat ito bago nagsimulang magsalita.

"Naisip ko kasi…what the hell…" pasimula nito. "Life is an adventure…and this is one adventure id really to see the end of…kung saan mapupunta? Ewan ko… But either way, gusto kong malaman dahil ayokong maging bahagi ito ng mga what ifs ko sa buhay," dahan dahan at mahabang paliwananag nito."

"Saan mo ba ini expect mapupunta tong pagtatagpo natin? " medyo pahamon na tanong ni Jen sa lalaki.

"I told you…hindi ko alam ok?" sagot nito. "At the very least, i think yung nakita kita at nakausap…just to put a face and a voice behind those things i read….may not be what i dreamed of…but consolation na rin…higit sa lahat, nobody can accuse me of not trying." may conviction ang bawat katagang binitawan ng lalaki.

Napapahanga siyang naiinis lalo sa lalaki. Magaling sumagot. Swabe. Ni hindi man lang nagpapakita ng kahit anong sign ng pagnanasa sa kanya.

"Oh and by the way, " dagdag pa nito. "You do look lovely tonight."

Nagblush na naman ang dalaga. Lintek ang dila nito ah. Hanep ang mga banat. Romantic at hindi pilit ang dating. Hindi sinasadyang pumasok sa isipan ng dalaga: Magaling din kaya ang dila nito sa pekpek? Kinilig siya at napahagikhik sa ideyang yun.

"May sinabi akong nakakatawa?" parang medyo nasaktan ang lalaki sa reaksyon niya.

"Wala," mabilis na sagot ni Jen. Parang bigla siyang natakot na naoffend niya ang lalaki.
"Ang galing mo kasing magsalita…matamis yang dila mo…" paudlot niyang dugtong.
"Iniisip ko kung yan bang galing ng dila mo ay nag eextend sa ano…" pabitin muli ng dalaga sabay nginitian niya ang binata at pinagalaw sideways ang dila nito sa sariling labi. Nagiging komportable na ang pakiramdam niya sa mnga sandaling yun. Nagiging confident na ang dalaga.

"Pilya ka talaga!" at hindi naitago ng lalaki ang pagkawala sandali ng composure nito. Pero maluwang ang pagkakangiti nito. "Sabihin natin yung huli kong nadilaan e hinahanting pa rin ako ngayon." at humalakhak ito na sinabayan ng pagtawa rin ng dalaga.

Lumipas ang kanilang oras sa pagkukuwentuhan…tanungan ng mga bagay bagay sa kanilang buhay…trivial things ika nga. Masarap kasama ang lalaki. Madaling mapalagay ang kalooban ng sinumang makakasama nito.

"So ayun nga, suhestyon ng lalaki sa GF na pinagtaksilan ng babae, " nagkukuwento si Mark. " Mag sex tayo para makaganti ka. Pumayag naman ang babae."

Nakangiti lang na nakikinig si Jen. Natutuwa siyang pagmasdan si Mark habang nagkukuwento. Very animated ika nga. May mga hand at facial gestures pang kasama ang pagsasalaysay nito.

"Then?" tanong ni Jen.

"Then nung makatapos ang isang round. wala pang isang oras, nagsalita uli yung lalaki…gantihan uli natin yung BF mo…payag naman si babae." sagot naman nito.

"So naka 2 rounds na sila? Dun na natapos?" pagtatanong uli ng dalaga kay Mark.

"Hindi nga eh…Kasi after 30 minutes, yung babae naman ang humirit na gumanti sila…then umabot na ng 4 rounds…" tuloy na pagkukuwento ni Mark. "After a while, humihirit na naman yung babae ng isa pa. Gumanti daw uli sila." binitin ni Mark ang sasabihin.

"Aba, mag lilimang rounds ha?" nakangiting sundot ng dalaga.

"So hinawakan sa magbilang balikat nung lalaki yung dalagang kapartner niya…sabay sabing: Miss, nasasaad sa Kasulatan…mas banal ang magpatawad…Patawarin na natin yung BF mo!" pagtatapos ni Mark na may pagmamakaawa ang boses.

Sa lakas ng pagtawa ni Jen, pati ang mga katabing lamesa ay napatingin sa kanila.

"Siraulo ka talaga…hihihi" napapahagikhik pang sabi ng dalaga kay Mark.

"Sus, narinig ko kay Rico J yung joke na yun," sabi nito patungkol sa dating sikat na singer at artista.

At mabilis na lumipas ang oras. Dumating na ang oras pareho nilang alam na hindi mapipigilan ang pagdating.

"Well…" panimula ng lalaki. " I guess this is it…we had fun".

"Yeah…" pag ayon ng dalaga. Nagsisimula nang umakyat ang nerybos sa kanyang katawan…ang excitement…ang antisipasyon…ang takot.

"Ok.." sinenyasan nito waitress tungkol sa kanilang bill na agad namang nag acknowledgesa kanya at pumunta sa loob kung san andun ang cashier. "At least let me play the part of being a gentleman…" dagdag pa nito. " Hayaan mong maihatid man lang kita kahit dun sa malapit sa inyo…i dont need to know your house basta't yung alam kong malapit ka at safe makakauwi." May pakiusap ang tinig ng lalaki.

Tumango tango lang si Jen. " Punta muna ako ng CR ha?" sabi nito sa lalaki na nakangiti lang sa kanyang tumango din.

Tumayo ang dalaga at iniwanan sa lamesa si Mark. Binagtas nito ang direksyon papuntang Ladies Room. Naiwan si Mark sa lamesa na napabuntonghinga ngunit may ngiti sa labi… at pag amin…Talo…It's not meant to be…At least I tried….hahaha…pagkonsola nito sa sarili.

Sa loob ng CR. Medyo inis si Jen. Lintek na Mokong yan ah. Wala ba kong appeal sa kanya? Ni hindi man lang magparamdam ang kumag kung gusto ba siyang kantutin o hindi? Umikot ikot ang dalaga sa harap ng salamin. Tangna mo, Mark. Baka malabo lang yang mata mong lalaki ka! Minumura na niya ang lalaki sa isipan. Hmnn…sandaling nag isip ang dalaga. Binalikan ng alaala ang mga naging usapan nila sa chat…Maya maya pa'y Napangiti na ang dalaga…may naiisip na siyang gawin. Tignan ko lang huh! sabi pa nito. At pumasok sa cubicle ng mga babae.

Tumayo si Mark nang makitang papalapit na si Jen.

"Tara let's" sabi ng lalaki nang makalapit na ang dalaga na sinagot lamang nito ng tango at matamis na ngiti.

Tinungo nila ang daan pababa kung saan ang direksyon papuntang taxi Bay. Halos midnight na rin kaya madali silang nakasakay ng taxi. Matandang driver na nakasalamin ang nasakyan nila. Magkatabi silang naupo sa likuran ng taxi. Nasa kaliwa siya ni Mark at bale nasa likod siya ng mismong taxi driver.

"Fairview, Manong…sa SM din.." sabi ni Mark. Tanda pa rin ng lalaki kung saan siya malapit.

At umusad na ang taxi sa direksyon papuntang Elliptical Road. Hindi sila nag iimikan sa loob. Ni hindi tinitignan ni Mark ang dalaga. Hindi rin nakatingin ang dalaga sa lalaki…ngunit gumapang ang kamay nitong nakasara ang munting kamao…hanggang mabangga nito ang kaliwang kamay ng lalaki. Inuntog untog nito ang kamay ng lalaki.
Napatingin si Mark sa dalaga at nakita niyang sumesenyas ito na ibuka ang kanyang kamay. Nagtatakang ibinuka ni Mark ang kamay pero hindi niya tinitignan ito. May naramdaman siyang inilagay ang dalaga dito. Nang tumungo si Mark upang tignan ang kamay niya, may nakalagay ditong tela. Maliit ang pagkakatiklop para magkasya sa kanyang kamay…silk panties. Walang suot na panty ang dalaga? Napalunok ang binata at tinignan ang katabing dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Tumango lang ito…Nakangiti…at sa tuwing tumatapat ang ilaw sa labas ng kalsada sa mukha nito, nanunukso ang mapungay nitong mata…at medyo nakaawang ang magandang labi …Nanlalandi…Naghahamon…

"Tonight's the night
Its gonna be alright
Coz I love you girl
Aint nobody's gonna stop us now…"

Ito ang awiting nagmumula sa radio ng taxi habang patuloy ito sa paglalakbay kahabaan ng kalye papuntang Fairview…

ITUTULOY