1. Home
  2. Stories
  3. Sayang na Relasyon (Unang kabanata)
PSErotica

Sayang na Relasyon (Unang kabanata)

By jeylou ·

Note: Kung ang hanap ninyong kwento ay action agad hindi po ito ang kwento na para sa inyo.ito ay isang kwento ng pag-ibig libog at kabiguan.
Ito po ay unang kwentong ibabahagi ko. ano mang mga kritisismo ay malugod kung tatangapin. enjoy!

Panimula: Naranasan mo na bang maghal ng buo yung tipong lahat ng bagay gagawin mo? sa sobrang pag mamahal mo nagiging tanga ka na at paulit ulit ka nang nasasaktan? kahit alam mo sa sarili mo na wala kang aasahan pero sige ka parin ng sige! isang klase ng pag mamahal na kahit yata bala sasaluhin mo para sa kanya wag lang syang masaktan o mapahamak! pero sa bandang dulo iiwan ka lang at sasaktan!

Ako nga pala si Jey 32 years old nag tratrabaho sa isang kumpanya dito sa pasig bilang isang field marketing specilist. 5 taon na akong nag tratrabaho sa kumpanyang ito, Nag umpisa ang lahat ng malipat ang kumpanya namin sa ibang location. Pinagsama ang kumpanya namin at kumpanya ng tatay ng boss ko. dito ko nakilala si mia.

Si Mia ay isang accounting staff sa kumpanya ng tatay ng boss ko 21 anyos magandang dalaga at makulit. Nung una kung mga bwan sa kumpanyang iyon ako yung tipo ng tao na suplado papasok sa kumpanya at aalis ng di nila napapansin dahil katwiran ko hindi ko naman talaga sila kaopisina. Trabaho bahay lang ako walang kumplekasyon mas madali para sakin na gawin ang mga bagay bagay dahil wala naman akong pinag kakaabalahang ibang bagay maliban sa trabaho ko. hangang sa dumating sa buhay ko si Mia. Nag umpisa ang lahat ng pag pasok ko sa opisina bigla nya akong binati ng pabiro na kinagulat ko.

Mia: Good Morning mahal! sabi ko sayo sabay na tayong pumasok eh di mo naman ako sinabay! hehehe!

Me: ano?! (pasungit kung sagot)

Mia: Mahal naman eh! ang aga aga ang sungit sungit mo.. (tila napahiya niyang sagot)

Me: Addict ka ba? ( Medyo pikon kung sagot kay mia)

Pagkatapos nun di na sya nag salita pero lihim akong napangiti pag pasok ko sa sarili kung opisina. sabi ko sa sarili ko lintik na babae yun ah! ang lakas ng tama. hahaha di ko na pinansin pa si mia ng araw na yun katulad ng dati after office hour magliligpit ako ng gamit tatayo at aalis. Pero bago pa ako makalabas ng pinto biglang nag salita si mia.

Mia: Mahal uuwi ka na ba? di mo ba ako hihintayin?

Hindi na ako sumagot at deretsong lumabas ng pintuan. nasabi ko tuloy sa sarili ko na " addict talaga yung babaeng yun ang lakas ng trip kung ibang lalake lang ako pinatulan ko na ang mga biro nya eh!"

halos araw araw palagi nya akong binibiro ng mga ganong bagay na pinagkibit balikat ko lang dahil para sakin alam ko namang mapagbiro lang sya talaga at di ko na sineryoso pa. Kahit ang mga kaopisina kung medyo ilag sakin ay tinutukso na ako sa kanya na nginingitian ko lamang ng tipid dahil ayaw kung sabihin nilang ako ay nag kakainterest kay mia. Alam ko namang may boyfriend si mia at si Jayson. matanda ako ng 7 taon kay mia kaya para sakin malayo ang agwat ng edad ko sa kanya at medyo may pagka isip bata pa. Baka kako pinagtritripan lang ako nito. Hangang dumating ang isang gabi na nakapag pabago ng lahat.

Mia: Ailyn shot tayo badtrip ako ngayon eh!sama natin si sir jey.

Ailyn: cge! pero malabo sasama si sir jey alam mo namang di mahilig yun uminom eh!

Mia: Sasama yun! pustahan pa tayo! tatawagan ko sya.

Kring! Kring! kring!

Me: Sino ba tong tumatawag gabing gabi na eh! sarap na ng higa ko dito eh. Hello? sino to?

Mia: Mahal si mia to! yayain sana kita mag inom eh para may kasama kami ni ailyn.

Me: sigurado ka ba? alam mo ba kung anong oras na?

Mia: Cge na mahal sama ka na! pls! pls! (nung mga panahong yun naiimagine ko itsura ni mia na nag sasabi ng please na ikinangiti ko. bukod kasi sa maganda si mia eh! ang hilig nila mag paawa ng muka na talagang napaka cute tingnan.)

Me: cge na nga san nyo ba balak uminom?

Mia: yes! salamat mahal! ikaw mahal may alam ka bang lugar?

Me: Meron akong alam na lugar sa rosario dun ako madalas nag pupunta pag trip ko mag videoke..

Mia: Cge mahal dun na lang tayo punta ka na dito sa Q plaza dito ka namin hintayin!

Pagkasabi ni mia ng lugar ay agad nang natapos ang usapan namin at dali dali akong nag bihis. Lihim akong natuwa kay mia pakiramdam ko ang pogi pogi ko ng mga panahon na yun. di ko man aminin sa sarili ko unti unti ko nang nagugustuhan si mia. Sa maamo nyang muka hangang sa makulit nyang mga galaw. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag iimagine ng mga bagay na iniiwasan ko. Katulad ng what if maging kami magiging masaya kaya sya sa piling ko or magiging masaya kaya ako sa piling nya? mga katanungang paulit ulit na umiikot sa isip ko.

Susunod!

any comment will be appreciated. thank you for reading.