1. Home
  2. Stories
  3. Willie Boy ang Tirador II - Ang Pagsubok sa Tirador
PSErotica

Willie Boy ang Tirador II - Ang Pagsubok sa Tirador

By boytumbok ·

Sa La Salle Dasma

"Nica, kelan mo ako sasagutin? High school pa lang tayo nanliligaw na ako sa iyo ah?!" Parang naiinis na tanong ni Jeff kay Roni. Si Jeffrey Suarez masugid na manililigaw ni Roni, classmate nya mula nung highschool pa, pinili na mag aral din sa pinapasukan ng dalaga para hindi sila magkalayo.

"Alam mo na wala kang aasahan sa akin Jeff, magkaibigan lang tayo hanggang dun lang yun." Mapait na tugon ng dalaga.. Kahit na gwapo at mayaman ang binata hindi rin maiisip ni Roni kung bakit hindi nya magawang magustuhan ang binata. Dahil siguro sa pagkamaangas at barumbado nito.

Agad hinila ni Jeff si Roni at inakmang hahalikan sa labi, mabilis ang naging reaksyon ng huli at agad nakawala sa paghawak ni Jeff at Pppllaaakkk!! Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ng binata.

"UMALIS KA SA HARAPAN KO!! BASTOS KA!!" sigaw ng dalaga na nakapukaw sa atensyon ng mg tao sa paligid nila.

Hawak ang pisngi agarang lumakad papalayo si Jeff, dulot na rin ng pagtingin ng ibang mga estudyante sa paligid. Pero sa isip niya " magiging akin ka rin Veronica Hermosa! Akin ka lang! Walang ibang aakingkin sa'yo kundi ako lang." Tuluyan na siyang nawala sa paningin ng dalaga, na naiwan na puno ng pagkadismaya at galit sa masugid na manliligaw.

Agad tinawagan ng dalaga ang ama, " Pa pwde mo ba ako sunduin?"
"Bakit anak may problema ba?" Tugon ng ama sa kabilang linya.
"Wala Pa medyo masama lang pakiramdam ko" sagot ni Roni
"Pauwi ngayon ang pinsan mo galing Los Baños padaan na lang kita dyan." Sagot naman ng ama.
"Ok pa" salamat.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Slex

"Brod may wheels ka pala bakit ngayon ko lang nakita to?" Tanong ni Willie kay Bruce.

"Pahiram lang saakin ng Tito Tony ko to, Siya yung magiging manager mo brod" malay mo pagtagal ito ang papagamit nya sa iyo" sagot naman ni Bruce.

"Tito? Tiyuhin mo ang manager natin? Tangina brod bakit di mo kaagad sinabi?! Asar na tanong ni Will.

"Brod pasensya ka na, kung sinabi ko yun baka hindi kita makumbisi, wag ka mag alala mabait naman tito ko, siya na nga ang nagpalaki sa akin mula nung maaksidente mga magulang ko." Sagot naman ni Bruce.
"Magugustuhan ka ng Tito wag ang mag alala sagot kita dun brod." Dagdag pa niya. Hindi na nagawang sumagot pa ni Will, napatahimik na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Bigatin pala ang barkada nya, pero hindi nya halata dahil sa pagkacowboy nito sa lahat ng bagay. Naputol ang katahimikan nila nung bigla tumunog ang cellphone ni Bruce.

"Sige po Tito Tony daanan ko na lang siya" Eto na lang narinig ni Will na sinabi ni Bruce sa kausap sabay baba ng linya.

"Daanan lang natin si Roni sa Dasma ha, pinapasundo kasi ni Tito.

"Sige Brod" eto na lang naisagot ni Will, sa isip lang niya anak sigurong lalaki ng Tito ni Bruce, kaya hindi na siya nagtanong pa. Inayos na lang nya upo nya hanggang sa makatulog siya sa byahe.

"Roni asan ka na? Dito na kami sa parking lot ng Walter Mart, naalimpungatan si Will sa boses ni Bruce, asa Dasma na siguro sila sa isip nya at kausap nya ang pinsan nya sa cp. "Sige hintayin ka na lang namin dito, magtake out ka ng dalawang burger meal gutom na kasi kami sabay baba ng cp.

"Gising ka na pala brod, malapit na tayo wait lang natin si Roni, nagpaorder na rin ako ng pagkain alam ko gutom ka na rin. Sabi nito kay Will.

"Salamat Brod" tipid nyang sagot sa kaibigan.

Kay Roni.

" Dalawa? Bakit kaya dalawa? Matakaw talaga ang pinsan kong yun, o baka naman may kasama na namang babae ang lokong yun." Sa isip nya. Tinapos na nya ang pagkain at umorder ng take out sa counter. Halos isang oras na rin siya naghihintay kaya naisipan nyang magmeryenda muna.

After 5 mins nakuha nya ang order, nagmadali na siyang pumunta sa parking lot at agad naman niyang nakita ang kotse na minamaneho ng pinsan nya. Nakita nya ang hindi pamilyar na lalaki sa passenger sit ng kotse, " isa na naman siguro sa maangas na barkada ng pinsan sa isip nya.

"Hi kuya liit!"

Bati nya sa pinsan nya sabay abot ng pagkain dito. Kita nya ang pagkamangha ng kasama ng pinsan sa kanya. Akma siyang sasakay sa likod ng kotse ng biglang nagnukas ng pinto ang kasama ng pinsan. At sinabi

"maam dito na ho kayo sa unahan."

Nagulat si Roni sa inasal nito dahil first time lang siya naalok na sa unahan umupo lalo na sa mga barkada ni Bruce.

"No its ok." Sagot naman ni Roni.

"No maam I insist na dito ka sa unahan." Sagot naman ng lalaki. Wala ng nagawa si Roni at sumunod na lamang sa gusto ng lalaki, pumasok na sya kotse at umupo, habang pumwesto na ang lalaki sa huling upuan ng kotse.

Sa isip ni Roni mukhang gentleman ang barkada ng pinsan bukod pa dito may ibang attraction siyang naramdaman nung makita nya ang lalaki.

Sa isip naman ni Will.

Loko talaga itong barkada kong to, di man lang sinabi a babae ang pinsan nya. At napakaganda pa, pero mukhang suplada. Haaay, hindi kaya tomboy to? Tanong na lang nya sa sarili.

"Brod eto na ang pagkain mo, alok ni Bruce ke Will. Sya nga pala si Roni nga pala pinsan ko, anak ni Tito Tony. Roni si Will nga pala barkada ko sa Los Baños. Inabot naman ni Will ang kamay nya sa dalaga na inabot din naman ng dalaga at saka sila nagpalitan ng ngiti.

Tahimik ang nahing byahe nila. Hanggang sa pumasok na sila sa isang Subdivision sa Bacoor. Tumigil sa tapat ng isang mataas na gate at bumusina, ilang saglit lang bumukas ang gate at pinasok na ni Bruce ang kotse sa loob.

Pagkababa nila ng kotse, agad ay bumati sa kanila na isang matandang babae, " Good afternoon ho maam at sir."

"Good afternoon din Manang Lita" bati rin ni Roni sabay pasok ng bahay at direcho sa kwarto nya.

"Manang asan ang Tito? Tanong naman ni Bruce sa matanda.

"Asa Leisure Room" hinintay na nga kayo dun kanina pa. Tugon naman ng matanda.

Si Will naman ay manghang mangha sa laki at ganda ng bahay na pinuntahan nila. " Bigtime talaga ang loko sa isip nya."

"Tara na brod hinihintay na pala tayo," aya ni Bruce ay Will. Agad namang sumunod si Will sa tropa na hindi pa rin nawawala ang pagmangha sa mukha.

Hindi sila pumasok ng bahay bagkus sa gilid ng bahay dumaan, may pathway na patungo sa isang bungalow sa likod. Mas namangha si Will pagpasok isang Star Billards na table ang nakita nya sa loob isang mini bar na puno ng mamahaling alak. Sa loob kita nya ang isang asa 40+ ang eded na lalaki ang tantsa nya na naglalaro sa lamesa. Nilapitan ito ng kaibigang si Bruce at may binulong habang naiwan si Will sa ay bungad ng pinto.Tumingin ito kay Will at tumango, nagpunta ito sa mini bar nagtagay ng double black label at tsaka nagsalita " lapit ka dito boy." Lumapit namam si Will sa matanda.

"Will ang pangalan mo diba?" Tanong ni Tony kay Will.

"Opo sir" maiksing sagot ni Will.

"Nakita ko yung laro mo ng vinideo ng pamangkin ko, magaling ka ayon sa nakita ko. Pero gusto ko lang malaman kung buo ang loob mo." Sabay tungga ng alak.

"Pili ka ng tako dyan sa gilid maglalaro tayo." Utos pa ng matanda.

Agad tumalima si Will kumuha na tako sa stand sa gilid. Nagpunta siya sa lamesa at si bruce naman ay isinet na ang bola.

"Isang game ang ito Will, 10 balls, ikaw na ang break" seryosong sabi ng matanda. "Kapag nanalo ka ikaw ang magiging tirador ko kapag tinalo kita alam mo na" sabay labas ni tony ng isang kalibre 45 ikinasa at binaba sa mini bar. "naintindihan mo na ang ibig kong sabihin Willie boy." Dagdag pa nito.

"Bakit may baril Tito? Wag naman kayomg magbiro ng ganyan." Gulat na sabi ni Bruce

"Wag kang makiaam dito Bruce!" Pagalit nitong sagot sa pamangkin.

Hindi aam ni Will kung paano kikilos nung oras na yun, mukhang pinahamak siya ng barkada nya. Takot ang nararamdaan niya nun para sa buhay niya.

"Ano bata sasargo ka ba o hindi?!" Mataas na ang boses ni Tony.

Walang ng panahon pang mag isip pa, pumuwesto si Will para sumargo sa isip nya kelangan kong manalo.

Plllaaakkkkkk! Kalat ang bola, malas nga lang walang pumasok kahit isa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa kwarto ni Roni

Kasalukuyang naliligo si Roni, nakatapat sa shower ang hubad nyang katawan. lutang pa rin ang isip dahil sa nangyari sa school kanina. Sa isip nya muntik na nyang naranasan ang unang halik nya. Buti na lang mabilis ang naging reaksyon niya. kung may hahalik sa akin hindi si Jeff sa isip nya. Ng biglang pumasok sa isip ang lalaki sa kotse kanina, may kakaibang init siyang naramdaman. Hinawakan niya ang mapula niyang labi inisip na hinahalikan siya ng lalaki na kanina ang nya nakilala.

Ooohhh! Daing ni Roni, hindi niya namalayang hinahawakan nya ang kanyang tayong tayong suso, oooohhhh! Will!!! Ang SaRap!!! Wag kang titigil lamasin mo ang susoò koooo!!!! Aaahhh!! Ng biglang

TOK! TOK! TOK! ay kumakatok sa pintuan. Bumalik siya sa katinuan, nagbalot ng bathrobe at nagtungo sa may pinto.

"Sino yan?! " Sigaw nya sa kumakatok hindi niya binuksan ang pinto dahil ayaw niyan makita ng asa kabila ang katawan niyang nababalutan lang ng bathrobe.

"Maam handa na po ang dinner, kakain na po tayo.! Sigaw naman ni manang Lita na siya palang kumakatok.

"Sige manang magbibihis lang ako at pupunta na ako dyan."

Tugon naman ni Roni at narinig niya ang papalayong yabag ng matandang dalaga.. nagpunta siya sa harap mg salamin, hindi niya lubos maisip na nagnanasa siya sa isang lalaki na hindi pa niya talagang kilala. Tinanggal niya ang robe at pinagmasdan ang kahubdan ng kanyang katawan. "Swerte naman ng makakatikim ng katawan ko na to, daig pa niya ang nakajackpot sa lotto." Naisip niyang muli.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Malas naman dry break, benta pa ang uno, ganda kalat ng bola". Sa isip ni Will, mukhang hanggang dito na lang ako ah.

Nagimpisang tumira si Tony. Pasok agad ang uno, dos, sunod tres, kwatro pero napahina ang hatak nya sa cue ball kaya masama preparasyon sa cinco, napilitan tuloy ang matanda ng isang safety shot. Tago ang bola.

"Anak ng puta tago pa, magaling din pala ang matandang to ah. Semi lock pa. Tres banda lang tira ko" sablay talo ako nito. Sa isip pa rin ni Will.

Lumapit siya sa mesa, minapa ang bola pumwesto ng pagtira. Isang buntong hininga muna bago tumira.

"GOOD SHOT!" Sigaw naman ni Bruce matapos tamaan ni Will ang bola swerte pa at tumago ang cue ball.

Tumira na si Tony at hindi matagumpay na tinamaan ang bola.

"BAD SHOT! ball in hand" sigaw ulit ni bruce.

Swerte sa isip ni Will. Nag umpisa ulit siyang tumira at tuluyan ng naubos ang nalalabing bola.

Klap! Klap! Klap! Palakpak ni Tony, "magaling bata, magaling. Nalampasan mo ang pagsubok ko. May Grace under pressure ka, nakakapag isip ka ng tama kahit mahirap ang sitwasyon mo." At tuluyan nyang kinamayan si Will.

Welcome dito sa simpleng bahay ko Willie Boy. Dagdag pang bati ni Tony kay Will.
Eto ang magiging bahay mo ngayon, dito ka matutulog sa leisure room ko. Lahat ng gamit dito ituring mong sa iyo.

"Liit samahan ko si Willie Boy aa magiging kwarto nya, pagkatapos sumunod na kayo sa bahay at ng makapaghapunan na." Utos ni Tony kay Bruce at iniwan na niya ang dalawa.

BLAG! Tunog ng kamay ni Will sa batok ni Bruce!

"Langya ka brod! May plano ka bang ipatay ako?! Tanong niya ke bruce.

"Hahaha! Pagsubok lang ni Tito yun hindi loaded yung baril nya, tingnan mo pa kinuha ni bruce ang iniwang baril at ipinakita ke Will. "Diba walang bala!" Dagdag pa nito.

"Kunin mo na ang gamit mo, sunod ka sa akin,"

sa likod pala ng mini bar, may isang kwarto, binuksan ito ni bruce, kita ni Will ang isang Single bed na may uratex foam, kita rin nya na may sariling CR ang kwarto kung susumahin mas maayos pa ito sa sarili nyang kwarto sa batangas.

"Ayusin mo na ang gamit mo, ito na ang magiging kwarto mo, katabi lang ng bilyaran para makakapagpraktis ka anytime. Bibigyan ka ng allowance ni Tito pambili ng personal na gamit mo bukas. Bilisan mo brod kakain na tayo gutom na ako eh." Waang tigil na sabi ni bruce. Tumalima naman si Will inayos ang mga gamit nya at sumunod na kay Bruce na nanguna na pagpasok sa malaking bahay.

Pagpasok nya sa bahay, si manang Lita na lang ang inabot nila sa hapag

,"kain na kayong dalawa, tapos na si maam veronica at sir tony kayo na lang ang hindi pa kumakain." Usal ng matanda.

" Sige ho manang" magasabay naming tugon.

Tahimik na kumain si bruce at Will, pagkatapos sinamahan ni Bruce si Will sa kwarto nito. Nagkwentuhan lang ng konti ang dalawa at nagpaalam na rin si Bruce napagod na rin siya at gusto niya magpahinga.

Naiwan si Will nakahiga, nag iisip, ilan na kaya ang mga tulad niya na naging kwarto ang kwarto na kasalukuyan nyang hinihigaan? Eto na talaga ang bago kong buhay, ganito ba talaga ang buhay na gusto niya? Maraming bagay pa ang naisip na ang pag aaral nya, ang pamilya nya, at ang bagong mukha niyang nakita kanina. Veronica pala pero bakit kaya roni ang tawag sa kanya, tomboy nga siguro siya… pero hindi nya malimutan ang maganda nitong mukha. Hanggang sa tuluyan ng napapikit ang kanyang mata.

Itutuloy….