The Unfaithful - HAPPY lang, walang ENDING
By:Boyong
Natuwa naman ako sa binulong sa akin ng banyagang kaibigan. Ngunit parang mahirap yata ang plano niya.
"Are you sure about that? Do you think it's effective?" Pag aalinlangang tanong ko.
"Yes of course. Hehe. Everybody is going to be surprised.
Tumango na lamang ako sa kanya bilang pag sang ayon.
Matapos ang ilang kwentuhan at pag iikot namin sa palibot ng mall ay nagkayayaan na kaming umuwi. Pagkahatid ko sa kanya sa may pedestrian lane malapit sa Market Market ay agad na rin akong umuwi.
Pagkarating ko sa amin ay parang wala na akong naramdamang lungkot. Parang hindi ko na namimiss ang aking asawa. Parang wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil sa ginawa niyang kahayupan sakin.
Iniisip ko pa rin ang planong minungkahi sakin ni Arabella. Mukhang magiging epektib nga ito kung sakaling mangyari. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip tungkol dito.
…
Matapos ang ilang araw ay normal routine lang ang nangyari sa akin. Talagang ginugol ko ang oras at panahon ko sa trabaho para ako'y tuluyang makalimot at makabangon.
Paminsan minsan ay pumupunta ako sa SM Aura para makipagkita sa foreigner kong kaibigan na naging sandalan at kaakibat ko na rin sa aking mga pinagdadaanan.
Isang gabi ay napagusapan uli namin ang plano niya.
"Are you okay with my plan?" Biglang tanong ni Ara.
"Uhm.. I think. But do you think it's okay?" Sagot ko naman.
"I guess it's okay. After all it's Kristel's fault." Ani naman nya.
"Hmm. You have a point. When are we going to start the plan?" Ako uli.
"We can start right now." Sagot niya habang nakangiti.
"Okay. Sige." Sabay kuha ko ng aking cellphone at agad na kinontak ang aking 'asawa'. Sumagot naman ito kaagad.
"Hello. Napatawag ka? Sana ay napatawad mo na kami Migo." Boses ng aking asawa.
"Hello. Sana ay bumalik na kayo sa bahay natin dito sa C-5. Okay lamang sa akin kung kayo ang mag buhay mag-asawa basta ba hindi ko makikita." Sagot ko sabay tingin kay Ara. Nag thumbs up pa ito habang nakangiti pa rin sakin.
"Ta.. Talaga Migo? Pinapatawad mo na kami? Okay lang ba talaga sayo?" Sagot niya na parang nag aalinlangan pa.
"Oo. Yun ay kung okay lang din sa inyo." Paninigurado ko pa.
"Sige. Salamat sayo. Bukas na bukas din ay babalik kami ni Chris dyan." Sagot ni Kristel.
"Aasahan ko yan." Ani ko pa bago pinatay ang tawag.
"So… Hmm? Do the next step Migs." Nakakalokong tingin sakin ni Ara.
"Are you we still need them?" Alinlangan ko na namang sagot.
"Yes. You need them for your annulment. C'mon. Don't hesitate. She cheated on you. It's your right. It's time for you to mind yourself. If she don't think about your feelings before she cheated on you, then why hesitate having the justice for yourself? " Sagot ni Ara. May punto nga naman siya.
Napabuntong hininga ako. "Okay. If that's the best thing I could do for us. Then I'll do it." Sambit ko.
"Don't mind her. Do it for yourself you dummy. Make yourself happy. Happy and free." Sagot niya sabay hawak sa kamay ko. Nakakagaan talaga ng loob ang babaeng ito.
Tumango lamang ako at ngumiti. Kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan ang aking mga biyenan. Siguro naman ay hindi pa sila tulog, 8:30pm pa lang kasi. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito.
"Hello? Anak napatawag ka?" Si nanay Ising, ang ina ni Kristel.
"Hello po nanay. Kamusta po dyan? Nais ko po sana kayong imbitahan sa munti naming handa ni Kristel para sa inyo. Matagal na rin po kasi tayong hindi nagkakasama sama." Paanyaya ko naman.
"Naku naman ang mga batang ito, nag abala pa. Hehe. Eh kailan ba? Pero kami lang ng tatay terry mo ang makakaluwas ha? May mga projects kasi sina utoy." Sagot ni nanay.
"Okay lang ho. Basta po makapunta kayo. Bukas na bukas din ho sana kung pwede kayo." Ani ko.
"Sige iho. Maaga kaming luluwas para pumunta dyan. Alam mo naman kaming mga matatanda, maagang magising. Asahan niyo kami ng tatay bukas dyan." Paninigurado pa ni Nanay.
"Sige ho. Ingat ho kayo sa byahe. Pakamusta na lamang po dyan. Salamat ho." Sabay patay ko ng tawag.
"Alright. I didn't understand anything but I'm sure the coast is clear. I'm so excited!" Halatang pananabik ni Ara.
"Me too. I'm also nervous. Hehe." Sagot ko.
"Nah.. You're doing this for yourself. You'll have the justice in no time. I know you're a good person Migs, so you deserve all of this." Sambit ni Ara na nakangiti pa rin.
"Of course of course. Thank you for everything Ara." Ngiti ko rin sa kanya.
"Eww.. Look who's getting sincere here. I think it's getting late na. Let's part ways for now?" Paalam nito.
"Sure. Let's have a rest na. Take care!" Paalam ko rin.
"Goodluck for tomorrow! You have my support. Wish you all the best!" Sambit niya sabay halik sa aking noo. Agad itong naglakad sa akin palayo.
Hehe. Kay sarap naman sa feeling. Feeling Highschool na naman ang bida niyo. Pero naisip ko, wala naman sigurong masama kasi magpapa annulment na naman kami ng aking Asawa.
Pagkauwi ko ay humiga na ako sa kama. Hindi ko maalis sa aking isip si Ara. Para bang nagugustuhan ko na siya. Maya maya pa'y nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi.
-------------
Kinabukasan, nagising ako dahil sa katok ng pinto. Siguro ay ito na sina Nanay, sa isip isip ko. Pagtingin ko sa aking orasan ay 6:15am pa lang. Ang aga naman masyado ng mga ito. Hehe.
Pagka bukas ko ng pinto ay nagkamali ako, sina Kristel kasama ang kalaguyo nitong si Chris. Hindi makatingin ng diretso sakin si Chris dahil siguro sa hiya. Abay dapat lang. Siya ang sumira sa samahan naming mag-asawa. Siya ang mga kasalanan ng lahat ng ito.
"Salamat at tinanggap mo pa rin kami sa kabila ng lahat. Salamat talaga." Sambit ni Misis habang nakatungo.
"Wala yun. May pinagsamahan pa rin naman tayo kahit papaano. Oh paano, bahala na kayo mag asikaso ng mga gamit niyo ha. Maliligo muna ako at papasok pa." Paalam ko sa kanila.
"Sige pare. Kami nang bahala dito." Si Chris naman.
By:Boyong
Hindi na ako sumagot at agad na nagtungo sa banyo para maligo.
Bandang 7:30am ay naihanda ko na lahat ng aking kailangan para sa pagpasok.
Bandang 7:30am ay naihanda ko na lahat ng aking kailangan para sa pagpasok. Nadatnan ko silang magkasalong kumakain sa kusina. Inalok naman nila ako pero hindi ko na ito pinaunlakan dahil male late na ako.
Bago ko pinaandar ang aking kotse ay tinext ko muna sina nanay na magtetext sa akin kapag nasa Alabang na sila para sunduin na lamang doon. Nagreply naman sila agad at sinabing nasa Tollway pa.
Pagkarating ko sa office ay nagpaalam agad ako sa Boss ko na may aasikasuhin ako mamaya dahil may bisitang dadalaw sa amin, pinayagan naman agad ako nito basta magpapaalam lang.
Matapos ang ilang oras ay nagtext na sa akin si Nanay na nasa Alabang na raw sila.
Nagpaalam naman ako kay boss at umalis agad. Tinext ko na lamang sila na mag ikot ikot muna sa starmall habang naghihintay sa akin.
Sa kabutihang palad nama'y nakarating agad ako dahil hindi gaanong traffic sa may Guadalupe. Pagkakita ko sa kanila'y agad akong nagmano. Kinuha ang mga dala nilang gamit at agad na umalis patungo sa aming townhouse sa C-5.
Kinakabahan pa ako habang nasa byahe dahil sa mga maaring mangyari. Baka kasi kung anong madatnan namin doon.
…
Matapos ang kalahating oras ay nakarating na kami sa tinutuluyang bahay. Sabik na lumabas sa kotse ang mga magulang ni Misis, habang ako naman ang nagdala ng mga gamit nila papasok sa aming bahay.
Pagkalapag ko ng mga bag ay nakita kong parang tulala ang aking mga biyenan sa may pinto. Kinabahan ako dahil baka ito yung hinala kong madadatnan nila sa bahay.
Paglapit ko sa dalawang matanda ay tulala lang si Itay habang nakatingin sa screendoor, habang si nanay naman ay umiiyak. Sinilip ko ang screendoor at dito ko nakumpirmang tama nga ang aking hinala.
Si Misis nakakandong kay Chris. Tila wala sa sariling gumigiling sa ibabaw ng kalaguyo. Habang si Chris naman ay nakaupo lang at nakalagay ang magkabilang kamay sa mga batok.
Ito na nga ang plano namin ni Ara, kahit masakit para sakin na idamay ang aking mga biyenan ay nararapat lang ito para turuan ng leksyon ang aking taksil na Misis..
Binuksan ko na ang screendoor, agad namang natigilan ang dalawang kuneho sa ginagawang kamunduhan.
Tila parang nabuhusan ng malamig na tubig si Kristel nang makita ang kanyang magulang na nakita ang ginagawa niya, at sa hindi pa niya Asawa.
Agad tumayo si Misis at binalot ang damit sa kanyang katawan sabay lumapit sa kanyang mga magulang, si Chris naman ay nakatingin lang.
Umiiyak pa rin si Nanay Ising, agad namang niyakap ito ni Kristel. Nang mahimasmasan si nanay ay sinampal niya ang anak.
"Hindi ka namin pinalaking ng tatay mo! Bakit mo nagawa yan? Hindi ka namin pinalaki para maging puta. Ginapang ka namin ng tatay mo para makapagtapos sa kursong Medtech tapos ganyan lang ang kababagsakan mo? Anong klaseng babae ka?!" Manginig nginig na sigaw ng aking biyenang babae.
"Patawad inay, itay. Hindi ko po sinasadya." Humahagulhol sa na sambit ni Misis.
"Tinatakwil ka na namin. Wala kaming anak na puta. Hindi ka namin pinalaki ng ganyan. Kita namin sa asawa mo ang pagiging masipag at mapagmahal tapos ganito lamang ang isusukli mo sa kanya? Bakit mo nagawa ito samin? Kay Migo?" Si Tatay habang nakayakap kay nanay. Ako nama'y nakatingin lang.
Hindi na nakasagot pa si Kristel, tumungo na lamang ito dulot ng kahihiyan. Sinampal pa ulit ng isa ni Nanay si Kristel bago ito umalis, sinundan naman namin ito ni tatay.
"Ituloy niyo na ang ginagawa ng kalaguyo mo. Magpa annul na tayo Kristel. Para matahimik na rin tayo." Sambit ko bago umalis at hinatid na lamang ulit sina tatay papuntang Alabang pauwi ng Batangas. Wala kaming imikan habang nasa daan.
Pagkarating sa Alabang ay kinuha ko ang bag nila at hinatid sila patungo ng Bus. Nagbilin pa sakin si nanay.
"Anak. Salamat sa kabila ng lahat ha. Hindi namin akalain na magagawa ng anak namin yun. Pagpasensyahan mo na sana." Si nanay.
"Wala yun nay, matagal ko na pong alam ang tungkol doon. Sa awa po ng diyos ay tinulungan niya akong makabangon sa kabila ng mga suliranin sa aking buhay.
"Mag iingat ka palagi nak. Aalagaan mo ang sarili mo." Si tatay.
"Opo nay, tay. Kung may problema po ay wag kayong magda dalawang isip na tumawag lamang sakin para humingi ng tulog. Mag iingat din po kayo palagi." Nakangiti kong sambit.
"Salamat iho. Salamat talaga." Ani Nanay.
"Wala ho yun nanay. Sige po. Mag iingat ho kayo sa byahe." Sabay pagmamano ko sa kanila.
Lingid naman sa kanilang kaalaman ay nagsilid ako ng 15k sa kanilang bag bilang tulong at pasasalamat na rin.
-----
Agad namang naasikaso ang annulment papers namin ni Kristel. Napawalang bisa ang aming kasal. Pareho na kaming malaya sa isa't isa. Hindi ko na pinatawan ng kaso ang aking Asawa at hinayaan na lamang siyang maging masaya sa kung saan siya masaya.
Mabilis na nagdaan ang mga araw, normal ang takbo ng aking buhay. Pagkagaling ko sa trabaho ay agad akong dumidiretso sa SM Aura para makipagkita kay Arabella. Tuwang tuwa siya dahil naging effective ang plano niya.
By:Boyong
"If I know you're just excited to take me away from Kristel. Hehehe!" Biro ko pa.
"Hmp! I just want to prove to you that I can treat you better." Nagulat at namula naman ito sa kanyang nasabi.
"So it means you like me? Hmm?" Patuloy kong panunukso sa kanya.
"You dummy! Don't state the obvious okay." Sabay kurot nito sa aking tagiliran.
Agad ko siyang niligawan. After 3months ay sinagot niya ako. Mula noon ay naging Masaya na ulit ako dahil may kaakibat na ako sa buhay. Palagi na rin niya akong kasama sa pagta travel niya around the Philippines basta day off ako.
Nagpropose ako sa kanya ng kasal noong nasa Vigan kami. Syempre she said yes. Hehe. Mas lalong naging maligaya kami. Wala pang nangyari sa amin bago kami ikasal kasi nirerespeto ko siya.
Pumunta kaming Canada para pormal na ipakilala niya ako sa parents niya at hindi sa Videochat lang. It all went well naman. Hehe.
------------
Taong Kasalukuyan (2016)
Dito kami naninirahan ni Arabella sa Ontario, Canada bilang mag-asawa. With two kids at kasalukuyang 3months na buntis si Misis sa aming patatlong anak. Isa akong Project Manager sa isang company dito sa Canada.
Everything happens for a reason nga talaga. Kapag umalis ang isang tao sa buhay mo, kahit karelasyon o asawa mo na yan. Palaging may mas better na darating para sayo. Manalig ka lamang sa panginoon. At hindi ka niya pababayaan.
Kaya kapag nahuli mo ang kapartner mo na may kinakanang iba, wag mong babarilin. Kumalma ka, isipin mo na lang na nangyayari yan ngayon dahil may plano ang diyos para sayo. Wag kang padalos dalos.
Mula nung insidente sa townhouse ay hindi ko na nakita pa ang aking Asawa at ang kalaguyo nitong si Chris. Nakapagempake at umalis na kasi sila agad noong umuwi ako pagkahatid ko sa mga magulang ni Kristel.
But I heard ay kasalukuyan pa rin silang nakatira ngayon somewhere in Pasay.
…
Salamat po sa inyong suporta. Nawa'y nagustuhan niyo po ang Finale ng The Unfaithful Series. Godbless po. Any comments will be accepted. Thank you! Sana ay magsilbing inspirasyon ang kwento kong ito para sa lahat.
Boyong Sabayton