1. Home
  2. Stories
  3. white lady x
PSErotica

white lady x

By notyourregularvoyeur ·

Mag-aala una na ng madaling araw nung nakauwi ako sa inuupahan naming kwarto sa kabilang kalye nina Vangie.

'Uy 'igan, umaga na ah.. Mukhang me inaaswang ka dito ha?' Bati ng guard ng apartment.

'Ah, napakuwento lang po eyan sa kapitbahay.. Hehe.'

'Kwento ka dyan! Baka kuwentu-tan! Haha.. Ayos ka, 'igan!" Pang-aalaska nya.

'Hehe.. Sige po, tulog na ako.' Baka kung saan pa mapunta usap namin.

- - -

Ordinaryong araw kinabukasan papasok sa trabaho ko sa munisipyo. Halata sigurong masaya ako kaya pinuna ito ng kasamahan kong babae.

'Looked like you have swallowed a camel, Rico. What made you smile today?' Si Evelyn, kalapit ko sa mesa. Crush ko, kasi very simple sa lahat ng bagay, masayahin, at palabati.

'Ha? Bakit ba? Ano ba ginawa ko?' Nagtaka din ako.

'Eh, you looked like a Joker as you work today, you're smiling ear-to-ear. Who made your day ha? I think it's not me naman.' Sabi ng inglisera kong ka-opisina na tila nang-iintriga.

'Wala naman ah.' Napatigil ako. 'Got a new friend? Does it count?' Ganting tanong ko.

Gulat siya. 'Somebody I know?'

'Siguro. Kapitbahay namin sa may seawall. Si Vangie.' Sagot ko. Sa isip ko, sana di nya kilala.

'Nursing student? Long hair?'

'Oo, mahaba buhok nya. Di ko alam estudyante pala siya.' Napaisip tuloy ako.

'I've seen her during last Christmas party sa kapitbahay namin. I think she is with her boyfriend, also a student at (College).'

'Paano mo nalaman me relasyon sila, Evelyn?' Usisa ko din.

'Babae ako noh! And the guy kept clse to her the entire time andun sya. Take note, nakaakbay pa and whispering to her.'

Kilala nga nya. At me boyfriend pala. Sabagay, matagal na.

'Hmm. Ok. Thanks for the info.'

'You're interested.' Tiningnan nya ako na tila me binabasa sa mata ko. 'Their relationship was over, I think.' Tumigil sya ulit.

'Because..' Ano dahilan kaya?

'The boy migrated to the States. Most people from my place have parents and relatives there.' Patuloy nya.

'Hmm. Ok.'

'That's it! You're her new lovelife? Don't fool me. I feel you!' Pinagtugma ni Evelyn ang kuwento ko sa mga bagay na alam nya.

'Balak ko siyang ligawan, Evelyn.' Kumpirma ko, tutal bistado nya na ako.

'Well, goodluck lover boy. You have my vote. Gusto ko sya para sa iyo.' Excited sya pero me panghihinayang sa tono ng boses nya.

'Thanks. I need that.' Sabi ko na lang.