1. Home
  2. Stories
  3. LARAWAN 10
Filipino Sex Stories

LARAWAN 10

By paradoxxxx ·

Pilit nagpumiglas si Trisha sa kamay ni Marco na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Dama ng dilag ang pagbaon ng mga daliri nito sa kanyang balat sa mariin nitong pagkakakapit.

"BITAWAN MO KO!… Huhuhu… Nasasaktan ako!"

Doon lang natauhan ang alkade at agad na binitiwan ang pagkakapiga sa braso ng dalaga. Bakas ang pamumula ng balat nito dahil sa pagsunggab ng malaki niyang kamay.

"Sorry… Nabigla lang ako…"

Sa halip na sumagot ay maluha-luhang tinitigan lang ni Trisha ang alkalde at saka patakbong tinungo ang banyo. Di na tinangka ni Marco na habulin ito, hiyang-hiya sa nagawang pananakit sa babae.

Ano nga ba ang karapatan niya para usigin ang dalaga kung sino ang nakauna dito gayong alam naman niya sa kanyang sarili na napilitan lang ito na pumayag sa pagpapakasal sa kanya.

Alam niyang hanggang ngayon ay walang pagtingin sa kanya ang tinuturing na kasintahan. Alam niyang maituturing na isang pananamantala sa utang na loob ang ginawa nyang pag-aalok dito ng kasal.

At ano ang magagawa niya kung isipin man ng dilag na pagkabirhen nito ang sadyang pakay nya. Di niya ito masisisi sapagkat kahit saang anggulo tignan ay parang yun nga lang talaga ang hangad niya.

Higit sa pagnanasa sa kagandahan at sa alindog na katangian nito ay ang pagmamahal na kay tagal niyang kinimkim para sa dalaga.

Kagyat na pumasok sa loob ng banyo ang dilag at napasandal sa isinarang pintuan ang hubad na katawang nanginginig sa takot. Ngayon lang nya nasilayang nanlilisik ang mga mata ng alkalde sa galit. Tumutulo ang kanyang mga luha. Matapos ipagkaloob ang sarili sa kauna-unahang pagniniig nila ni Marco ay ito pa ang kanyang natanggap.

Ngayon ay mas lalong naging malinaw sa kanya kung ano lang talaga ang habol ni Marco. Katawan lang niya. Na ito ang makauna sa kanya. Para lang talaga siyang isang bagay kung ituring nito na kailangan siya ang unang makakagamit.

Pakiramdam ng dilag ay napakarumi na niya. Sa loob ng maikling panahon ay dalawang lalaki na ang nakagamit sa kanya. Kabaligtaran sa lahat ng kanyang pinangarap ang nangyayari sa kanya ngayon.

Napaisip si Trisha kung dapat ba siyang matuwa na iba ang nakauna sa kanya o dapat ba syang mahiya sa kanyang sarili dahil sa nangyari. Sa dami ng nagawa ng alkalde para sa kanilang pamilya ay parang kulang pa din ang kanyang katawan na ipinambayad dito. Dahil nagbayad nga siya ngunit di pa niya binuo.

May dapat ba siyang pagsisihan sa lalaking una nyang nakaniig? Hanggang kanina habang katalik nya ang lalaking nakatakdang makaisang-dibdib ay pilit pa ring sumisingit sa kanyang isip ang alaala nito.

Batid nyang hindi naman na nya ito muling makikita pa. Gayon pa man, dahil sa lalaking iyon ay hindi niya maturuan ang kanyang puso na ibaling na lang ang pagtingin sa lalaking ngayon ay nasa kanyang tabi.

'Ughh… Ikaw na naman! Tama na! Umalis ka na sa isip ko!' hiyaw ng kanyang isip habang nakasapo ang mga palad sa kanyang mukha at pilit itinataboy ang alaala ng estrangherong lalaki.

Tinungo nya ang maluwang na shower enclosure na gawa sa salamin at tumapat sa rainfall shower head. Ipinihit nya pabukas ang knob sa dingding at itinapat ang hubad na katawan sa malakas na daloy ng tubig. Umaasam na kahit sa pamamagitan nito ay mabawasan ang putik na nakakapit sa kanyang pagkatao.

Ramdam pa ng dilag ang paglabas ng semilya ni Marco mula sa kanyang pwerta kasabay ng pag-agos ng tubig sa kanyang hita. Batid niyang ano mang araw ng mga panahong iyon ay dadatnan na siya ng buwanang dalaw kaya't agad napawi ang kanyang pag-aalala na baka mabuntis siya ng alkalde.

Alam niyang pagkatapos ng naganap at sa natuklasan nito na hindi na sya birhen ay maaring hindi na matuloy ang kasal na inialok nito sa kanya. Katulad ng ibang mga naging babae nito ay malamang na iiwanan na din siya ni Mayor. Wala na din siyang ipinagkaiba.

Sa lakas ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower at sa lalim ng kanyang iniisip ay di na napansin ni Trisha ang pagpasok ni Marco sa loob ng banyo. Pinagmamasdan siya nito habang nakatalikod at nakatutok ang kahubdan sa shower.

"Trisha…"

"Huh?!"

Laking gulat ng dilag nang marinig ang malalim na tinig ng alkalde na nakapasok na din sa shower area at nakatayo na sa kanyang likuran. Pinili na lamang ng dalaga na manatiling nakatalikod sabay pihit pasara ng gripo upang tapusin na ang kanyang paliligo.

Hindi sya nakapagbitbit ng twalya mula sa shelf sa dry area ng banyo kaya't wala syang maipangtabon sa kanyang katawan. Ginamit na lang nya ang kanyang mga kamay upang pilit itago ang maseselang bahagi ng katawan sa harap ni Marco.

Kahit may nangyari na sa kanila at nakita na nito ang lahat-lahat sa kanya ay nakaramdam pa din siya ng hiya sa presensya ng alkalde. Dagdag pa rito ang kabang nananatili sa kanyang dibdib dahil sa nasaksihan nyang galit nito.

Nang pumihit na sya upang lumabas ng enclosure ay humarang ang alkalde sa kanyang lalakaran at niyakag ulit ang dilag pabalik sa tapat ng shower.

"Sabayan mo ko Trisha…"

May alinlangan man ay walang nagawa ang dilag sa utos ni Marco nang muli nitong buksan ang shower. Kasabay ng muling pagdaloy ng tubig sa kanilang katawan ay sinimulan ng alkaldeng haplusin ang balat ng dalaga.

Masuyong hinagod nito ng liquid soap ang likuran ng dilag. Nakaramdam ng pagka-asiwa si Trisha sa ginagawa sa kanya ng alkalde. Para siyang batang sinasabon at pinaliliguan nito. Lalo na ng dumako ang malalaking kamay ni Marco sa matambok na puwitan ng dalaga.

"Ako na lang…"

"Shhhh… Wag ka na mahiya…. Madalas na nating gagawin to…"

Napatukod na lang ang mga kamay ni Trisha sa tiles ng dingding sa lalong paglalim ng hagod ng kamay ng alkalde sa kanyang pwet. Gumapang pa ang isang kamay nito paharap sa tiyan ng dalaga at pababa sa puson.

Ramdam ni Trisha na nagsisimula na namang tigasan ang kargada ng lalaking nagsasabon sa kanyang makinis na katawan. Sarap na sarap naman si Marco sa ginagawang pagsasabon sa hubad na katawan ni Trisha.

Di talaga kayang pawiin ng isang putok lang ang ilang taong naipon na pagkasabik nya sa batang kasintahan. Sabay na naglaro ang malalaki nyang kamay sa puke at mga suso nito kasabay ng marahan nyang pagkintod sa matambok na pwet nito.

"Ahhh… Tama na po…"

Di malaman ni Trisha kung pagtutol nga ba ang sinabi niyang iyon sa ginagawa ni Marco dahil napapasabay naman ang giling ng kanyang pwet sa tuwing madudunggol ng malaking ulo ng burat ang kanyang hiwa.

Kusang napapausli ang kanyang pwet at halos mapatingkayad ang kanyang mga paa sa ginagawang pagkaskas ni Marco ng ari nito sa bungad ng madulas niyang lagusan.

"Di ako magsasawa sayo ineng… Ahhh… Akin ka laaang!" sabay lusong ng matabang alaga sa masikip na pwerta ng kasintahan.

"Ughhm… shiiit…"

Pinatatag ng dalaga ang tapak ng mga daliri nya sa paa habang nakatingkayad siya sa flooring. Nakalapat na ang kanyang mga kamay at gilid ng pisngi sa tiles habang gigil syang sinasakyod ng hayok na alkalde.

Kagat-labing tinatanggap ng dalaga ang bawat lusong ng matabang burat na iba ang paghagod ngayon sa kanyang lagusan. Parang naiba ang anggulo ng pagpasok nito sa kanyang loob kumpara kaninang nakahiga sya sa ibabaw ng kama.

"Ooohhh… Ang saraaapp… Sige pa poooo…"

"Uhmm… ummm… Mas masarap ako umiyot di ba ineng? Ahhhh…."

Umaalog ang katawan ng dalaga sa bawat madiing bayo ng alkalde at halos madikdik ang mukha ni Trisha sa malamig na tiles. Ume-echo ang tunog ng salpukan ng kanilang basang katawan sa mga dingding at sulok ng banyo kasabay ang mga impit na ungol ng batang sekretarya at hingal ng lalaking para na niyang ama kung titignan.

Nang makaramdam ng ngawit ang dalawa ay hinila ni Marco ang dalaga nang di hinuhugot ang kanyang batutang nakatarak. Dahan-dahang naupo ang lalaki sa kalapit na shower seat sa isang gilid at napasandal ang dalaga sa mabalahibong dibdib ng alkalde habang nakakandong siya dito.

Hawak sa magkabilang alak-alakan ay iniangat ni Marco ang dalawang hita ni Trisha sa ere saka muling inundayan ng kadyot pataas ang nakakandong na dalaga. Napapangiwi naman ang labi nito sa sarap habang naglalabas-masok ang matabang kargada ng alkalde sa kanyang biyak.

"Ughmm… ughhh… tingnan mo baby oh… Ang ganda natin tingnan di ba?" tukoy ni Marco sa kanilang repleksyon sa makintab na itim na tiles sa dingding na nasa kanilang tapat.

Minasdan ng dalaga ang kanyang sarili habang nakakandong sa alkalde at nakabuka sa ere ang kanyang mga hita. Parang piston ang matabang titi nito na naglalabas-masok sa kanyang namumuwalang pwerta.

Bagama't may kalabuan ay aninag niya ang masaganang katas mula sa kanyang pekpek. Namumuti iyon na nakabalot sa katawan ng kargada ni Mayor.

Dagdag pa sa libog ang hayok na pagdila ng alkalde sa gilid ng kanyang leeg paakyat sa pisngi. Hinang-hina si Trisha sa kanyang nasasaksihan at sa sarap na nararamdaman. Minsa'y para siyang manyika na kakapitan ni Marco sa katawan mismo upang isaldak siya sa burat nito.

Panay ang kislot ni Trisha sa kiliti dahil sa paghagod ng matigas na tubo ng nag-aabong balbas ni Marco sa kanyang leeg. Di maitanggi ang libog sa kung paano kayurin ng matabang burat na iyon ang kanyang kaloob-looban.

Namumungay ang mga mata ng dilag habang minamasdan ang repleksyon ng nakatatandang nobyo na hayok na hayok sa pagsakyod pataas. Kamangha-mangha ang tikas at resistensya pa rin nito sa pakikipagkantutan na napapanganga pa sa tuwing maisasagad ang kanyang kargada sa masikip na puke ng dilag.

"Ahhhh… fuckkk… Ang sikip mooo… Pigang-piga burat ko… Uugghh!" bulalas ni Marco na hingal na hingal sa libog.

"Unnghhh… ohhhh… Ang sarap pala magpaiyot… ohhh…" nagdedeliryong anas ng dilag.

Lalong ginanahan ang alkalde sa narinig sa batang kapareha kaya't mas lalo pa niyang binilisan ang pagkadyot sa puke nito. Sumasabay na din ng paggiling ang dilag sa mabibilis na sakyod ng alkalde.

"Ohhhh… Trishaaa… sa… sabihin mo… sakin ka laaang… Sabihin mong… ahhhh… MAHAL MO KO!"

Dito napamulat ang mga namumungay na mata ng dilag. Mula sa repleksyon sa makintab na tiles ay parang nagbalik ang imahe ng lalakeng nakauna sa kanya. Napailing pa ang ulo nang tila namalik-mata sa biglang pagbabago ng anyo ng lalaking kinakandungan at humahalik sa kanyang leeg.

Muli na namang nanumbalik ang alaala ng lalaking kailan lang ay unang nagpatikim sa kanya ng sarap na tulad ngayon. Sa halip na sagutin ang hinihiling ni Marco ay pikit-mata niyang ipinaling ang mukha sa lalaking nasa likod at hinalikan ito sa labi ng ubod ng tamis.

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa reaksyon ng dalaga nang maalala ang estranghero. Mas naging agresibo ang katawan nito na parang may sariling isip ang balakang sa pagsalubong sa bawat kadyot ng alkalde sa kanyang naglalawang biyak.

Dali-daling umahon ang dilag sa pagkakakandong kay Marco at pumihit ito paharap sa alkalde. Muli nitong inupuan ang nakatirik na batuta na siya pa mismo ang nagtutok sa kanyang hiwa.

Dahan-dahang ibinaba ang balakang habang titig na titig ang namumungay na mata sa lalaking minsan niyang pinangarap na tila muli nyang nakikita ngayon. Ninanamnam ang bawat pulgada ng pagkalalaki nito na muling pumapasok sa kanyang yungib. Iniipit ng labi ang bawat ugat na nakapalibot sa kahabaan nito.

"Uhmmp… Namiss kitaaa… Ahhh mahal kitaaa!" anas ng dilag.

Sarap na sarap si Marco sa nakikitang ningning sa mata ng katalik. Punong-puno ito ng pagmamahal sa kasintahan lalo na nang marinig niya ang mga katagang binitawan nito na inakala nyang sadyang para sa kanya.

Nang maisagad ang matabang batuta ng alkalde ay lalo pang idiniin ni Trisha ang balakang. Dinadama ang pagpintig sa loob ng lamang nakatarak sa kanya. Pinipiga pa iyon ng mainit na labi habang dahan-dahang iginigiling ang makurba nyang balakang.

"Ohhh… Ang sarap Trisha… Parang hinihigop ng puke mo titi ko… Ughhh!"

Mula sa marahang taas-baba at paggiling ay mas bumilis ang mga bagsak ng balakang ng dalaga. Napapanganga pareho ang dalawa sa bawat sagad ng pagsugpong ng kanilang mga ari.

Halos mawala sa sarili ang dilag lalo na nang puntiryahin ng bibig ni Marco ang mga utong nito. Halinhinan iyong marahas na sinupsop na parang batang uhaw na uhaw. Ang kaninang basang mga katawan sa tubig ngayon ay ginigitawan ng pawis dahil sa init ng kanilang pagniniig.

"Uhmm… ohhh… Eto na kooo… Sabayan mo kooo!"

Hinapit ng alkalde ang balakang ng dilag at isinaldak ito ng mas mabilis sa kanyang kandungan.

"Eto na din ako Neng… Saluhin mo tamod kooo!"

Sabay na nanginig ang dalawang katawang mahigpit na magkayapos habang nilalabasan. Halos bumaon ang mga kuko ng dilag sa likod ng alkalde nang ragasain ito ng matinding orgasmo. Nakatingala at liyad na liyad ang katawan nito saka lupaypay na napabagsak sa balikat ng kapareha.

"Mahal na mahal kita Trisha… Walang nagbago sa pagmamahal ko sayo." bulong ng alkalde sa nakayakap na dalaga.

Doon lang parang nagising sa panaginip ang dalaga ng marinig ang mga katagang iyon. Di niya malaman kung paano tutugon sa sinabi nito. Naiinis sa kanyang sarili kung bakit ang lalaking estranghero pa din ang tila mas matimbang sa kanya. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng kanyang puso at isip.

Imbis na sumagot ay muli lamang siyang yumakap kay Marco upang ikubli ang mga luhang mabilis na dumaloy sa kanyang pisngi. Bakit kahit sa sandaling ito ay di niya magawang magsinungaling at sabihing mahal nya din ito. Kahit kunwari lang.

Nakabalik ang magnobyo sa munisipyo na tahimik lang at di gaanong nagkikibuan. Hinarap ng alkalde ang mga dokumentong kailangang pirmahan na naantala dahil sa halos isang lingo nyang pagkawala upang dumalo ng convention sa Cebu. Ganun din naman si Trisha na naging abala sa tipikal nyang mga gawain, pag-aayos ng mga papeles, at pagsagot sa mga tawag para sa mayor.

Normal lang ang lahat sa loob ng opisina ng mayor. Ang pag-uusap ng dalawa ay puro tungkol sa trabaho at para bang walang namagitan na mainit na kantutan kanina.

Bago pa mag alas cinco ng hapon ay may huli pang bisitang tinanggap ang lakalde.

"Ah Mayor… Nandito po yung kaibigan niyo sa labas. Sila Mr and Mrs. Corpuz po." ulat ng isang bodyguard ng alkalde na sumungaw sa pinto ng opisina matapos ang ilang mahihinang katok.

"Ahh sige papasukin mo."

Nang makapasok ang mag-asawang Corpuz ay magiliw silang sinalubong ng magnobyo.

"Oh Greg… Elsa… Mabuti naman at nalibot kayo." bati ng alkalde habang mahigpit na nagkamayan ang dalawang lalaki.

"Naparaan lang Mayor… Sinamahan ko kasi tong si Elsa magpatingin sa OB nya." ani ni Greg.

"Ang tulis mo talaga Greg ah! Hahaha! Humabol pa talaga." biro naman ng mayor sa kaibigan.

"Walang magagawa eh… Eto kasing si misis ang hilig pa ring mangalabit. Aba'y pagbibigyan ko naman syempre."

"Sira ka talaga… Hmp!" sabay hampas at kurot ni Elsa sa tagiliran ng nagbibirong mister.

"Ay siya nga pala Mayor… May dala kaming bagong products namin, ipapatikim sana namin sa inyo." at iniabot ni Elsa kay Trisha ang paper bag ng sari-saring produktong gawa sa buko.

"Salamat Ate Elsa… ang dami naman nito."

"Nako wala yan Trisha. Bibihira na nga lang namin makamusta tong si Mayor at napakabusy talaga nito eh." sabay tapik ni Greg sa braso ng kaibigan.

"Nako ano ka ba naman Greg… Pare na ang itawag mo sa akin dahil magpiprisinta na akong magninong dyan sa susunod na anak niyo."

" Ah sige… Pareng Mayor." Nagkatawanan na lang ang apat sa sinabi ni Greg.

"Kailan ka pala due Ate Elsa? Alam nyo na ba kung boy o girl?" tanong ni Trisha na di napigilang himasin ang tyan ng buntis.

"Mga kalagitnaan daw ng January. Nako boy ulit! Kaya tuwang-tuwa yang si Greg at ipapangalan na daw sa kanya nang magka-junior sya." at excited pa nitong ipinakita ang print out ng kanyang ultrasound sa kasintahan ng mayor.

Di rin nagtagal ang masayang kwentuhan ng magkakaibigan at nagpaalam na din ang mag-asawa. Dahil pasado alas cinco na din naman ay sumabay na din ang magnobyo sa kanilang pag-alis.

"Pasensiya na Pareng Greg at masyadong busy talaga dito sa munisipyo. Minsan naman ang daming nilalakad na projects o minimeeting sa labas kaya di na ko nakadalaw sa farm nyo." ani ni Marco.

"Nako okay lang yun Pare, wag ka na din masyadong naglalalayo at malapit na kayo ikasal. Alam mo naman ang mga kasabihan di ba?" suwestiyon naman ni Greg sa alkalde habang palabas na silang apat ng gusali.

"Hahaha sige-sige… Ah yung panganay mo nga pala nakakauwi ba pag weekend? Tapos na daw ata yung gowns ng mga abay. Ipapadala ko na lang sa bahay nyo pag yari na nang maisukat nya at mapa-adjust kaagad kung kailangan."

"Ah oh sige Mayor. Nako excited na nga ang dalaga ko na mag-abay sa kasal nyo eh." singit naman ni Elsa na nauunang maglakad kasabay si Trisha.

Parang lutang ang pakiramdam ng dalaga sa mga naririnig na pag-uusap ng tatlo tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Marco. Kahit naka-set na ang lahat, parang may pumipigil pa din sa kanya kahit pa nga naibigay na nya sa mapapangasawa ang kanyang buong pagkatao.

Nang makaalis ang mga Corpuz ay umuwi na din ang magnobyo. Pinili na lamang ni Trisha na magpahatid pauwi sa kanilang bahay kahit anong pilit ng alkalde na yayain ito para sa labas maghapunan.

************************

Inabot na ng hapon ang inuman ng magpipinsan at ang masayang salo-salo ng magkakamag-anak. Lahat ay sabik sa tiyahin na bagong-dating mula sa Amerika lalo na kay Daniel na ngayon lang din umuwi mula sa Maynila.

Di na nila inungkat pa sa binata kung sino ang hinahabol nito kanina sa crossing na naging sanhi ng kumosyon at ng kanyang saglit na pagkakulong. Sadyang ayaw din ni Daniel na magkwento pa sa kadahilanang nahihiya din siya na banggitin ang naging ugnayan nila ng babaeng kanyang nakita. Di rin naman nya maipapaliwanag sa mga pinsan ang lahat ng pangyayari.

"Ay utoy… Ikaw ga'y pabalik na din bukas sa Maynila? Bakit di ka pumirmi muna di-ne nang makasama mo muna ang iyong Momi Lucy? Tiyak namiss ka din nya-an." tanong ng kanyang tiyuhin na medyo lasing na.

Bago siya napapayag ng tiyahin na umuwi ng Batangas ay nagsabi siya na kinabukasan ay kailangan na din nyang bumalik kaagad ng Manila.

"Hmm… Sige Tyong pwede siguro ko hanggang weekend." tugon ng binata sa tiyuhin.

"Ah talaga kuya? Pwede ba ko magpa-sketch sayo habang nandito ka?" Tuwang-tuwa ang dalagitang pinsan nito sa pagbabago ng kanyang isip.

"Sure no problem… Mura lang naman eh hahaha" pagbibiro ng binata.

"Ah Tyong… Buhay pa pala yang motor mo ah?"

"Ah oo kagaling pang manakbo niyan eh… Alagang-alaga ko sa himas yan. Mas maigi pang himasin kesa sa tyang mo!" sabay tawa ng malakas nito.

"Ay damuho ka! Kayabang ng matandang ere ah… Mukha na la-ang naman ang nagagalit sa i-yo!" tugon naman ng esposa nito. Hagalpak ang tawanan ng bawat isang nandoon sa asaran ng mag-asawang matanda.

Hatinggabi na nang matapos ang masayang pag-iinuman ng magkakamag-anak. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot at pagkadismaya ng binata na muli nyang nakaharap ang ama sa ganoong sitwasyon. Halos manliit siya ulit sa kahihiyan dahil sa nagawa niyang pagkakamali.

Kay raming tanong na naglalaro sa kanyang isip. Nagkataon lang ba talaga ang lahat ng pangyayari ng araw na iyon? Siya nga kaya talaga ang babaeng nakita niya kanina sa crossing? O baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang isip kaya siya namalikmata?

************************

"Ishie… pwede ga kitang matanong anak?" bungad ni Mang Bert habang bumabaybay sila sa daan kinaumagahan papasok sa munisipyo.

Ilang araw na niyang napapansin na malungkot at matamlay ang anak. Kahit ngayong lulan sila ng sasakyan ng alkalde at tahimik lamang ito at pinili pang sa likod maupo sa halip na sa front passenger seat na nakasanayan na nitong pwestuhan.

"Ano ho yon Tay?" Mula sa malayong tanaw sa labas ng bintana ay napatingin si Trisha sa amang nagmamaneho.

"May problema ka ba anak? Nag-aalala kami ng nanay mo sa i-yo. Ala'y parang ilang araw ka nang balisa eh." tanong ni Bert sabay sulyap sa rear view mirror upang silipin ang kanyang panganay.

"Wala ho Tay… Masama lang ho pakiramdam ko." tugon ng dilag at muling ibinalik ang tingin sa kanilang nadaraanan sa labas.

"Ay sige ha… Maniniwala ako di-yan sa sinabi mong masama la-ang ang iyong lasa… Pero kung may problema ka sabihin mo sana agad ha Ineng?"

Di pa nakakasagot ang dalaga nang biglang mapapreno si Mang Bert makalampas lamang ng crossing patungo sa kanilang munisipyo. Isa kasing itim na SUV sa kanilang unahan na may plakang otso ang bigla na lang tumigil sa gitna ng kalsada.

Napakalakas ng pagbusina nito at nakita pa nilang may bumabang lalaki sa front seat at pinagduduro ang isang rider na nasa gilid ng kalye.

"Talaga rin naman tong si Umali akala mo mga hari kung umasta di-ne eh."

Napatingin din si Trisha sa pagsita nito at umamba pa ng suntok sa lalaking naka park lang naman sa may gilid. Nang makakita si Bert ng puwang ay dahan-dahan na nilang nilagpasan ang malapad na sasakyang halos sakupin na ang gitna ng kalsada.

Habang umoovertake sila ay napalingon si Trisha at nakita nya ang rider na inakay na lamang ang kanyang motor palayo sa una nitong pinaradahan.

Habang pumaparada ang SUV sa gilid ay maangas na nakamasid pa din sa rider ang matabang lalaki na may sukbit na baril na nakasuksok sa kaliwang baywang nito. Halatang ipinapakita iyon sa lalaking kanyang sinisita.

Dumeretso na ng upo si Trisha at napailing na lang sa siga-sigaang asal ng mga tauhan ng kanilang kongresista.

Nang maakay palayo ang dalang motorsiklo ay unti-unting hinubad ng rider ang suot nitong helmet. Kunot ang nuo sa kayabangan ng lalaki habang pinapanood ang pagparada ng sasakyan na halatang pag-aari ng isang pulitiko.

'Tsk… Kung wala ka lang baril gago ka di kita uurungan.' bulong ni Daniel na pinipigil ang galit.

Kanina pa siya naghihitay sa kantong iyon. Nagbabaka-sakali na maparaan ulit ang babae at muli nya itong masilayan. Ito talaga ang dahilan kaya't nagbago ang kanyang isip at nagpasyang i-extend ang pananatili niya sa Batangas.

Umaasa siyang mabibigyang-linaw ang nangyari kahapon. Hindi mapakali hangga't di mapatunayan sa sarili kung talagang muling nag-krus ang kanilang landas o tanging halusinasyon lamang ang dalagang kanyang muling nakita sa lugar na iyon.

************************

Seryoso ang pag-usap ni Mayor at ni Hepe sa loob ng opisina ng alkalde. Kusa nang lumabas muna si Trisha upang magbreak nang matonohan nito ang maselang paksa na kailangang isangguni kay Marco.

"Alam mo na Hepe ang isasagot ko sa tanong mo… Gawin mo ang tama at nararapat." tugon ng alkalde nang nakakunot ang noo at nakapamulsa ang mga kamay habang palakad-lakad.

"Alam ko kasi kapartido niyo ang mga Umali… kaya kayo muna ang kinausap ko bago natin iparating ito sa Provincial Director."

"Kung ordinaryong kaso di ko sinasalo Hepe, kahit kadugo ko pa ang dawit… eto pa kayang sangkot sa kalakaran ng droga sa lalawigang ito ang kukunsintihin ko?" sagot nito nang maupo sa kanyang executive chair.

Batid ni Marco na makakabangga nya ang maimpluwensyang political clan ng mga Umali ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang tungkulin na pangalagaan ang kanyang pinaglilingkurang bayan kahit nangangahulugan pa ito na sasagasa siya ng isang kapartido.

"Sige Mayor maraming salamat. Makikipag-coordinate na ko sa PDEG* para mailagay na ang mga Umali sa Order of Battle." [*PDEG (Provincial Drug Enforcement Group)]

"Yun nga palang testigo Hepe… pasok ba siya sa Witness Protection Program?"

"Ipapa-evaluate ko na sa DOJ para maipasok Mayor. Sa tingin ko naman pasok, di naman siya ang principal subject."

"Sige Hepe… asikasuhin mo na at nang matigil na kalokohan ng mag-ama na yan."

Isang malapit na kaanak ng kongresista ang nahuli sa isang operasyon kontra-droga ang napiga ng pulisya na ikanta kung sino ang mga druglord at mga protektor nito. Kapalit ng pag-amin at pagkanta ng nalalaman ay ang mas mababang sintensiya para sa kanyang pagtestigo.

Hindi nagdalawang-isip ang alkalde na tumulong para maikasa ang isang malawakang operasyon para matigil na ang paglaganap ng droga sa kaniyang nasasakupang bayan.

Batid nyang kahit damputin mo ang lahat ng maliliit na pusher sa kalsada ay mamamayagpag pa din ang droga kung patuloy na nag-ooperate ang malalaking isda.

Nakakabahalang desisyon na banggain ang mga Umali subalit isa ito sa kailangan harapin ni Marco dahil sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang alkalde.

Nang matapos ang confidential na pag-uusap sa pagitan ng Mayor at Hepe ay agad sinabihan ng huli ang dalawang pulis na nakatalaga sa alkalde upang lalong higpitan ang seguridad dito.

"Putang inang Vargas tinalo tayo! Kasama pala siya sa nagpapaimbestiga sa atin Dad!" galit na galit na turan ni John habang kausap ang ama sa telepono.

"Ok sige Dad. Aalamin ko kung saan nila tinago yang hudas na pinsan ko na yan. Tang ina ako mismo magtutumba sa kanya!" pangako ng anak sa kanyang tiwaling ama na hanapin ang tetestigo laban sa kanila.

Nagtipa ito ng mensahe sa kanyang telepono para sa kanyang impormante. Ipinag-uutos na agad alamin kung saan itinago ang tatayong ebidensiya laban sa kanilang mag-ama.

Aalamin ko agad Boss. mabilis na tugon ng pinadalhan ng mensahe.

"Ah Mayor san kaya itinago ni Hepe yung witness ano? Aba hindi dapat matagpuan ng mga Umali yan kase yan talaga ang malakas na ebidensiya laban sa kanila."

Tumingin lamang ang alkalde sa isa sa dalawang pulis na nakaupo sa harapan ng sasakyan kung saan siya lulan. Kabuntot nila ay ang isa pang sasakyan kung saan sakay naman ang kanyang personal body guards. Papunta si Marco sa isa sa mga projects ng kanilang munisipyo upang bisitahin ito.

Di siya sumagot sa tanong ng kanyang police security dahil sa napakaselang kaso na kakaharapin ng isa sa mga maimpluwesiyang pamilya ng kanilang lalawigan. Nanahimik na lang ang pulis ngunit tiyak na hahanap ng ibang pagkakataon upang makuha ang pakay na impormasyon.

"You don't know me Vargas… Di ako nawawalan ng galamay sa bawat bayan sa lalawigang ito." tiim-bagang na turan ni John at maring nakalamukos ang mga kamao.

************************

Araw ng Sabado. Katatapos lamang ng salo-salo sa pananghalian ng magkakamag-anak na Ramirez. Nagsama-sama muli ang mga ito sapagkat paluwas na ng Maynila si Daniel.

Lahat ay tila malungkot sa muling pag-alis nito. Wala na kasing kasiguruhan kung babalik pa ba ito sa lugar kung saan madami itong alaalang nais na makalimutan. Kaya naman mas nais nitong siya na lamang ang bisitahin ng mga kamag-anak kung mapapaluwas sila ng Maynila.

Walang araw na lumipas sa linggong iyon na hindi siya nag-abang sa lugar kung saan niya nakita ang dalagang laging laman ng kanyang isip.

Tiniis ang ulan at init at matiyagang sinuyod ang mga taong napapadaan sa lugar na iyon. Tuwing rush hour sa umaga at hapon ay parati siyang nag-aabang sa pagbabakasakaling muli nya itong masilayan.

Ngunit ngayong araw na ito ay napagtanto ng binata na isa lamang malikot na imahinasyon ang responsible sa kanyang nakita noong Lunes. Tanggap na niyang kahit kailan ay hindi na nya muling makikita pa ang babaeng iyon.

Samantala, inis na inis si Trisha habang kausap si Janet sa telepono. Last minute kasi ay nagsabi ito na di na makakasamang pumunta sa dati nilang pasyalan dahil may biglaang lakad daw kasama ang nobyo.

"Ano ba naman bes! Ikaw pa nagyaya sakin tapos di ka pala sasama!"

Nakahanda pa naman ang DSLR camera ng dilag na siya nyang ginagamit sa pagkuha ng mga larawan sa tuwing sila ay mamamasyal. Matagal-tagal na din kasing hindi sya nakakapaglibot sa kanilang lugar upang kumuha ng mga litrato.

"Haayyst… Ngayon lang ako pwede eh! Bukas may lakad kami ni Marco… food tasting daw para sa reception sabi ng coordinator. Tsk sige na naman, ngayon na lang kasi bes. Naka-set na tong lakad natin eh!" muling pakiusap nito sa kaibigan.

"Oh sya sige na… bwiset ka di mo na ko ulit mayayaya sa susunod bahala ka. Nakagayak na ko oh!" at pinindot nito ang video cam upang ipakitang nakahanda na ito para sa kanilang pag-alis.

Napakaganda ni Trisha sa suot nitong floral dress na lagpas-tuhod na tinernuhan ng puting sneakers.

"Hmp sige na!… Bahala ka di mo na talaga ko mayayaya kala mo ha! Buhbye na." pagmamaktol pa rin nito sa kaibigan.

Nanlulumong napadapa na lang sya sa kanyang kama. Nanghihinayang sa pagkakataon na maganda ang panahon ngunit maulap kaya't hindi mainit sa labas at maalwan sana silang makakapaglibot ng kaibigan sa paborito nilang pasyalan.

Habang nakadapa at nakalapat ang ulo sa kutson ay titig na titig siya sa repleksyon ng kanyang mukha sa lente ng camera na nakalapag din sa kanyang higaan.

Habang lulan ng kanyang sasakyan papalabas ng bayan, sa huling pagkakataon ay muling sumulyap si Daniel sa lugar kung saan niya nakita ang dalaga. Napangiti na lang ito ng mapakla sa ideyang pinaglaruan lang pala siya ng kanyang isip.

Muli siyang dumaan sa isang flower shop na malapit sa lugar na iyon. Gaya ng nakagawian nya nitong mga nagdaang araw, pagkatapos niyang ilang oras na maghintay sa lugar na iyon ay bumibili siya ng bulaklak saka iyon dadalhin sa himpilan ng namayapang ina.

Habang nakasalampak sa tiles ng magarbong museleo ay hinahaplos ng binata ang lapida ng kanyang ina. Di maalis ang lumbay sa muling pamamaalam sa puntod nito na sa ilang araw nyang pananatili sa Batangas ay siya nyang naging sumbungan.

"Ma… aalis na po ako… Di ko talaga nakita na ulit yung girl eh… Baka naduling lang ako haha…"

"Di ko alam Ma kung kailan ako makakabalik ha… Pero promise pagbalik ko… maipagmamalaki niyo na ako… lalo na si Papa."

Unti-unting tumulo ang luhang nangingilid sa kanyang mga mata. Luminga-linga pa ito sa paligid kung may nakakakita saka mabilis na pinahid ng likod ng palad ang mga luhang bumabaybay sa kanyang pisngi. Luhang ipinangako niya sa sariling hindi ipakikita kahit kanino man. Lalo na sa kanyang ama.

"Bubye na Ma… Wag ka mag-alala ha, good boy na ko haha… Bye po… I miss you everyday Ma."

Habang naglalakad si Daniel palayo sa himlayan ng kanyang mama at pabalik sa parking area sa labas ng sementeryo ay muli niyang natanaw ang matandang puno ng acacia sa itaas ng burol. Malapit lamang ito kung titingnan mula sa kanyang kinaroroonan ngunit malayo-layo ding lakarin at iikutan mo pa upang makarating doon sa tuktok.

Sa tuwing dadalaw siya sa ina ay parang hinahatak siya ng kanyang mga paa na muling akyatin ang burol ngunit sa tuwina'y mabilis lang siyang maglalakad at ipapaling ang ulo upang mailayo ang kanyang paningin sa punong iyon.

Mabilis niyang narating ang kanyang sasakyan. Ngunit sa halip na tuluyang sumakay ay binuksan niya lamang ang compartment nito at kinuha ang kanyang sketchbook at mga pangguhit at inawan muli ang kanyang oto.

Tumawid sya sa kabilang ibayo ng kalsada kung nasaan ang paanan ng burol. Sa pagkakataong ito ay tinatahak niya ang foothpath at minasdan ang tanawin habang pataas ng pataas ang daan na kanyang nilalakaran.

Kahit madamo ang paligid ng burol ay mukhang may nag-aalaga naman dito. Habang papalapit sa tuktok ay tanaw nya ang maliit na kubong halatang ginawa lamang bilang pahingahan.

Yari sa kawayan ang elevated na sahig na nagmistula na ding papag habang yari naman sa pawid ang bubong. Wala itong mga dingding kaya't tagusan ang preskong hangin sa tuktok ng burol.

Nilampasan ng binata ang kubo at ipinako ang tingin sa malaking punong nandoon. Nang makalapit sa puno ay hinawakan niya ito at tila may hinahanap sa balat nitong binago na nang panahon.

Malaki na ang pinag-iba ng puno, di na nya matagpuan ang letrang inukit niya dati sa balat nito. Pati ang duyan na dating nakasabit sa isang malaking sanga, ngayon ay tanging gula-gulanit na lubid na lamang ang nanatiling nakabuhol doon.

"Sana katulad mo ako puno… madaling magbago… madaling mabura ang mga alaala kahit ukitan pa mga balat mo." anas ng binata.

Naupo si Daniel sa malaking ugat nito paharap sa magandang tanawin na kay tagal din nyang hindi nakita. Binuklat ang bitbit na sketchbook, humanap ng blangkong pahina at nagsimulang iguhit ang kagandahan ng paligid.

Samantala, habang binabaybay ni Trisha ang pataas na landas ay libang na libang ito sa mga tutubing nagliliparan sa ibabaw ng mga nagkalat na munting puting bulaklak ng mga talahib. Manaka-naka'y napapahinto siya sa paglalakad upang kunan ng larawan ang mga ito.

Damang-dama niya ang malamig at preskong simoy ng hangin sa paligid. Ngayon lamang siya ulit nakaakyat sa burol na iyon kaya't kahit di kasama ang kaibigan ay itinuloy niya na din ang pagbisita muli sa dati nilang pasyalan.

Nang marating ng dalaga ang tuktok ay lalo siyang namangha sa ganda ng paligid. Abot ang tutok ng kanyang lente sa magandang tanawing mamamalas mula sa taas ng burol.

Gaya ng dati, pakiramdam ng dilag ay nagiging malaya siya sa tuwing umaakyat doon. Para siyang napapayapa sa tuwing namamalas ang ganda at katahimikan ng paligid. Tanging banayad na sipol ng hangin at huni ng mga ibon ang iyong maririnig. Mga bata pa lang sila ay itinuring na nila ang burol na iyon na munting paraiso.

Namangha ang dalaga nang matanaw ang isang ibon na sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya nakita. Naparaan ito ng lipad sa kanyang harapan at dumapo sa tutok ng kubo.

Dahan-dahang humakbang si Trisha habang nakatutok ang kanyang camera sa makulay na ibon ngunit bago pa nya mapindot ang shutter ay lumipad ito ulit mula sa bubong at dumapo naman sa sanga ng malaking puno.

Marahan siyang lumapit habang nakaamba ang camera sa mataas na sanga. Ngunit nang sinisipat na nya sa viewfinder ang ibon ay mabilis iyong lumipad pababa. Hinabol ito ng dalaga ng sunod-sunod na burst shot ngunit tila hindi pa din niya ito nahuli.

Nang inspeksyonin niya ang kuha sa kanyang screen ay nadismaya sya na tanging shadow lamang ng makulay na ibon ang kanyang nakita. Sa kakasiyasat nya sa mga kuha ay parang may napansin siyang kakaiba sa kanyang nakuhanan. May nahagip na tila puting sapatos sa likod ng malaking punong iyon.

Bahagyang nakadama ng kaba ang dilag ngunit di iyon naging hadlang upang lumakad pa sya sa direksyon kung saan niya makikita ng buo kung ano o sino ang nasa likod ng malaking puno.

Nang makakuha ng anggulo ang dalaga ay tinutukan niya ito ng kanyang camera at izinoom upang makita ito ng mas malapitan. Tama nga siya, may lalaking nakaupo sa malaking ugat ng puno at tila abalang gumuguhit ng tanawin.

Tanging kanang bahagi lamang ng likod ng katawan ng lalaki ang hagip ng kanyang camera. Naengganyo si Trisha na kuhanan ito ng stolen shot dahil sa ganda ng anggulo ng lalaki kasama na ang magandang tanawing iginuguhit nito.

Nakailang kuha na ang dalaga ng litrato nang walang pahintulot mula sa lalaki. Pigil ang hininga nya na huwag makalikha ng ingay sa takot na baka masita siya nito. Wala din siyang balak na kausapin ang lalake lalo't nag-iisa lamang siya ng mga oras na iyon.

Habang abala si Daniel sa pagguhit ng magandang tanawin ay may pakiramdam siyang hindi siya nag-iisa ng mga oras na iyon. Tila ba may pares ng matang nakamasid at nanonood sa kanyang ginagawa.

Kaya't bigla siyang napalingon at tama nga siya na may iba pang tao sa tuktok ng burol. Nakita nya ang babaeng nakatayo sa bandang likuran at nakatutok ang bitbit na camera sa kanyang direksyon.

Gayon na lang ang gulat ni Trisha sa biglang paglingon ng lalaking nakaupo sa ilalim ng puno. Halos sumabog ang kanyang dibdib nang makita nya ang kabuuan ng mukha ng lalaking kanina pa nya kinukuhaan ng larawan.

Para siyang napako sa kanyang kinatatayuan. Di niya maigalaw ang mga kamay na nakahawak at nakasapo sa camera. Di niya maalis ang tutok ng camera sa mukha ng lalaking ngumiti sa kanya ng ubod ng tamis.

At awtomatikong gumalaw ang kanyang hintuturo upang pindutin ang shutter button at kuhaan ng larawan ang lalaking hindi na naalis sa kanyang isip buhat ng gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili dito.

Nang dahan-dahang nyang ibaba ang hawak na camera ay hindi namalayan ng dilag ang unti-unting nyang paghakbang papalapit sa lalaki na tumayo din at lumakad papunta sa kinaroroonan niya.

Tila napako sa isa't isa ang kanilang mga mata sa pagkamangha at pagkagulat. Parang bumagal ang oras nang mga sandaling iyon na muli nilang nakita ang isa't isa.

Nang tuluyang magkalapit ay tila kapwa sila napipi at hindi makapagbitaw ng anumang salita. Bakas ang pagkamangha sa pambihirang pagkakataong iyon at halo-halo ang emosyon na nadarama. May ningning sa kanilang mga mata, tila hindi pa din makapaniwala at sabay pa silang nagwika…

"IKAW?"