1. Home
  2. Stories
  3. white lady xi
PSErotica

white lady xi

By notyourregularvoyeur ·

(Yown.! Salbabida ako. Tumakip-sa-butas. Pero sa isip ko sobra pa sa ok lang, kasi nga ako una. Ganun naman talaga, pag mahal mo ang isang tao ay di mo tinitingnan ang kung ano pa man, basta masaya ka pag kasama mo siya at panay magaganda lang ang nakikita mo.)

Di ko alam kung paano natapos ang maghapon. Namalayan ko na lang pauwi na ako sa room ng apartment na nirentahan ko.

Nagbihis ako ng pambahay- shorts na pambasketball at white t-shirt, tapos humilata saglit at naghanap ng tinirang pagkain ng aking kasamang pumasok naman sa kanyang call center job.

Pagbukas ko ay may pritong tinapa, itlog na pula at kamatis.

'Langyang tao yun, pampa-high blood mga 'to, ah! Kaya nagsisilaki ang puwet mga yun.' Sabi ko na lang, pero mabango ang tinapa kaya kumuha ako ng pinggan at nilagyan yun ng isang sandok na kanin. Naghugas ako ng kamay, at kinuha ko ang isang tinapa at isang pirasong kamatis.

Pagkasubo ko ng isa ay me tumawag sa akin.

'Kuya.. Kuya..?' Tinig ng batang lalaki.

Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko at uminom ng tubig bago lumabas.

'Sino yan? Bakit?' Kilala ko ang bata. Madalas ko siyang nakikitabg bakikipaglaro sa may harapan namin.

'Dun ka daw po kumain ng hapunan kina Vangie. Nandun sya ngayon.'

'Okay. Saglit lang.' Kumuha ako ng baryang coins sa bulsa ko at binigyan ko siya ng apat na piso.

Abot-tenga ngiti nya paglahad nya ng palad. 'Salamat, kuya!' At mabilis syang tumalikod paalis.

Sumubo ulit ako ng isa pa, bago naghugas ng kamay. Naglagay ako ng hand lotion para matanggal ang amoy-ulam. Naghilamos din ako, bago lumabas ng bahay papunta kina Vangie.

Nang kumahol ang mga bantay, agad lumabas si Vangie upang ikulong ang mga aso sa likod-bahay. Mabilis siyang bumalik at hinila ako papasok.

Nagkusa naman ako.

Pagkapasok namin ay hinalikan nya ako sa labi. Lumaban ako ng laplapan pero kumalas din sya agad. Bitin!

Nun ko nalaman na nasasabik din pala ako sa kanya. Pero hinila nya ako papasok sa kusina.

Nandoon si Evelyn, ang magandang tiya nya. Mas matanda pala ako sa kanya. Medyo chubby in the right places, with braces! Medyo galit.

'Hoy, huwag mo akong matawag-tawag na Tita o Tiya o Auntie ha? Di ka na ulit makakapunta dito!' Kutsilyo ang ipinanturo sa akin habang nakapamaywang ang isang kamay. Ihinahanda niya yung ulam namin.

'O.. Opo, ate.' Utal kong sagot.

'Yun lang, Rico…' Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa. Hindi na sya tumingin pa sa akin. Natatawa naman si Vangie.

'Tulungan kita, ate?'

'Hindi na. Salamat. Tatawagin ko na lang kayo pag naluto na. Dun na lang kayo sa sala.' Tuloy kang sya sa paghanda ng mga sangkap.

Binuksan ni Vangie ang tv at nanood kami ng news. Kita kami mula sa kusina kaya good boy lang ako na nagkasya kami sa holding hands at mabilisang tukaan.

Biglang lumabas si Evelyn. Mabuti at katatapos lang namin nun.

'Anong palabas?' Tanong nya. Hindi naman nakatingin sa tv, kundi sa amin. Tila nanghuhuli.

'Me binaril daw sa kabilang bayan, ate.' Sagot ko agad.

'Vangie, pakikuha mo ako ng t-shirt sa kwarto! Pnawisan yata ako.' Malumanay nyang utos.

Agad namang pumanhik si Vangie. Pero hindi siya nagmamadali.

'Hoy, lalaki! Mahal ko yang pamangkin ko. Pag niloko mo yan, ako ang maglalagay sayo sa hukay.' Tumigil sya saglit na parang hinihintay si Vangie. Tapos, tumabi sa akin at mahinang nagsalita. 'Loko ka ha! Huli kita nung isang gabi. Nag-aano ka!' Tumawa siya ng pigil at lumabas ang kanyang mga dimples. 'Nakatapos ka naman?' Parang nang-aasar ang boses nya.

'Eh .. Opo ate.' Napakamot ako ng ulo habang nakayuko.

Biglang dumating si Vangie.

Nakapamaywang uli si Evelyn. 'Tandaan mo ang sinabi ko ha?' Medyo malakas ang boses nya.

'Opo ate.' Sagot ko din.

At bumalik na siya sa kusina.

Tatawatawa si Vangie nung tumabi sya sa akin. 'Pinagalitan ka ba? Ngayon ka lang niya kasi nakita.'

'Okay lang yun. Naintindihan ko naman.'

Tumawag si Evelyn galing sa kusina. 'Vangie, ready mo na ang lamesa at kakain na tayo. Luto na ito.'

'Oo, ate.' Sagot niya, tapos sa akin naman, ' Tulungan mo ako, Rico.' Inabot niya ang kanyang kamay at tinulungan ko syang maglagay ng mga kubyertos sa mesa.

- + -

Pumanhik kami sa taas. Me sala sa bandang kanan pagkapanhik ng hagdan. Nakikita namin ang aking apartment at ang mga kabahayan sa tagiliran nun.

Lumapit sya sa aking tagiliran at hinawakan ang aking kamay. 'I love you, Rico. Ikaw pa lang ang lalaki sa buhay ko.'

Hinalikan ko muna sya ng banayad sa pisngi bago sumagot. 'I love you, Vangie. Gagawin ko lahat para mapasaya ka.'

At muling naglapat ang aming labi, at katawang nag-iinit.