1. Home
  2. Stories
  3. Ligaya Sa Piling Mo (ms. Rocky) Book 2 Chapter 1
Filipino Sex Stories

Ligaya Sa Piling Mo (ms. Rocky) Book 2 Chapter 1

By blademaster_elven ·

LIGAYA SA PILING MO

(Ms. Rocky)

CHAPTER 1

AUTHOR NOTE: Ang kwentong buhay na inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari ng isang letter sender na si guiller mula sa Saudi arabia. Hindi ito isang kwentong fiction story na katulad na inyong mababasa sa inyong mga paboritong manunulat na kada episode ay mayroong milagrong kantutang nagaganap sa babaeng nakakasalamuha. Ito ay tunay na buhay, true confession na mula sa karanasan ng may akda. May sadyang pinalitan ng ilang pangalan o personalidad para maitago ang pagkakakilanlan ng mga tauhang nasa loob ng kwento.

Ayaw ko naman na malaman nila na kaya ako gumawa ng kwento ng aming masarap na pinagsasaluhan kapag gabi ay para ipagmalaki sa inyo na ginawa namin ito at maging pabida. Totoo naman talaga na masarap ang bawat-gabing ungol at halinghing ang aming ginagawa at ibinabahagi ng bawat-isa. At ang mga katas ng ipinalalabas na nagsasalubong sa kaselanan ng babaeng binabanatan mo. Pero Hindi 'yun ang punto ng kwentong ito, kundi ang mga karanasang hindi malilimutan na pwedeng kapulutan ng aral sa buhay ng bawat-isa. Na baka ang landas na dinaanan ko dati ay meron ding dumadaan. Naiintindihan ninyo ba ang gusto kong iparating na mensahe kong ito. Sinabi ko na din naman sa inyo na isa akong lalaking barako, tigasin lagi ang burat (kapag may kalabang pugad) lalawigan ng Batangas.

Papano ko ba sisimulan ang kwentong kalibugan namin ni ms. Rocky. Gusto ko pa naman bago ako magsimula eh nasa maayos kayong nagpapahinga kong saan man kayo naroroon. So ito na nga, hindi ko na pagtatagalin pa ang iyong paghihintay. Just Set back, relax, kung may kinakain ka/kayo sige lang kainin mo lang yan at 'yung walang kinakain hindi ko na problema 'yun. Bumili ka kong meron kang pambili pero kung wala. Hindi ko na din problema 'yun.

Ang pagbabalik ala-ala sa nakaraan.

Taong dalawang libo at labing isa. Buwan ng agustong singkad ang init.

Sa katatapos lamang na off shore project na aming inaalisan ito ay walang iba kundi ang RGX train 6 and 7 at AKG 2. Karamihan sa aming lahat na manggagawaay dinala sa patapos na din ngunit kailangan ng maraming manpower upang umabot sa tamang deadline ang kanilang mga ginagawa upang makaiwas sa anumang kaukulang multa.

Ang aming tinatrabahong gas plant ay tinatawag nilang GTL (Gas to liquid) off shore project. Na kung saan ang mga gas na mula sa ilalim ng karagatan ay kukunin ng nasabing planta upang gawing produktong petrolyo. Ang mga produktong nakikita namang ito ay siyang ginagamit sa mga naglalakihang hospital, health center. Ang oxygen na ginagamit sa mga ospital ay mga purong hangin dahil dumaan ito sa masusing pag-aaral (Ngayon alam na ninyo ha)

Sa mga kapwa ko ofw na nagtrabaho sa gas plant na ito ay malamang pamilyar na kayo sa project na aking nabanggit at ang lugar kung saan itinayo ang nasabing planta.

Ngayong naibahagi ko na ang line ng trabaho ko as a worker sa bansang ito.

Mas mainam na ituloy ko ang kwento ng aking buhay at karanasan.

Nandito ako ngayon sa isang mataas na vessel na kung saan, meron kaming inaayos na valve ng aming grupo. Habang naghihintay ng pagdating ng crane (malaking heavy equipment na siyang nagbubuhat ng valve, pipe, pataas sa tuktok na kalalagyan namin). Tumatanaw ako sa malayo, pinagmamasdan ang mga ibong malayang nagpapatianod sa hangin. Sa aming pwestong kinalulugaran. Tanaw na tanaw ang boung gas plant area maging ang ras Laffan gas project ay kita din. Sa aking pagmumuni ay merong ala-ala ang Pilit na nagbabalik sa nakaraan, kung ano man ako ngayon. Ang mga pinagdaanan ko noong bata pa lamang ako at kung papano ko napagtagumpayan ang mga hamon at unos na dumagok sa aking buhay. Kung papano kami nagkakilala ni ms. Rocky at kung papano nagkaroon ng makulay at makabuluhan ang bawat tamis ng aming pagniniig, paglalapat ng aming mga hubad na katawan. Ang mga pagsasalo ng aming mga laway at ang maiinit na hiningang dumadampi sa aming mga balat. Kung papano siya parang naging teacher ko sa kama. Mga dapat gawin sa pagpapaligaya sa isang babae. Kung papano paiinitin ang karburador ng babae (Boung katawan ang ibig kong sabihin) Mga itinurong kaysarap, nakakagigil at nakakahumaling. Ang sarap sa katawan.

At ganito ko 'yun sisimulan.

Sa kwentong ginawa ni master Van_the master, reader kasi niya ako sa totoo lang. Isang talata ng pangungusap ang pumukaw sa aking kamalayan.

Ang kwento ni dan.

Sa pinamagatang: Ang mga tukso sa buhay ni dan.

Ang pinagdaanan niyang hirap sa buhay, kung papano hinarap at tinanggap ang mga pinasan niyang mga pasakit at hirap (Hindi sa pagiging babaero) Ang talatang sinabi niya dito ay:

"Mahirap talagang maging mahirap".

Maigsing salita lamang ito subalit napakahaba ng kanyang kahulugan.

Malaman at siksik.

Walang katumbas na salitang pwedeng maglarawan. Totoo 'yun. Sa maikling salita na 'yun. Pakiramdam ng isang dumadaan sa ganuong estado ng buhay ay parang pasan na niya ang buong mundo sa kanyang mga balikat. Fiction story na mailalarawan sa mga mambabasa pero mayroong dumadaang tao sa ganuong buhay sa realidad.

"MAHIRAP MAGING MAHIRAP!"

Ako nga pala si guiller, Labing-isang taong gulang pa lang ako noon. Isang patpating bata, Moreno, pero may tindig na Nasa ikalimang baytang sa pampublikong paalaran. Batak na ang katawan ko sa trabaho ng mga panahon iyon dahil inaasahan na ako sa pagkita ng pera para sa ikabubuhay ng aming pamilya. Laman na ako ng kagubatan (para maghanap ng siling labuyong dahon) laman na ako ng sagingan ng may sagingan (para kunin ang mga puso ng saging na pwede ng kunin) at niyugan (para mamulot ng mga bumabagsak na mga niyog). Sa kabukiran, upang tumulong mag-salansan ng mga ginapas na palay ng aking ama at ina.

Batang-bata sa idad na labing-isa pero kumakayod na. Kumikita ako ng mahigit 50-100 pesos kada lakad ko sa maghapon (Hindi naman malimit dahil may araw na pagluwas lamang ang mga biyaherong pumupunta ng pasig). Kumpara sa mga kaidaran (Same age) ko na puro laro at lakwatsa ang laman ng kanilang isipan habang Ako naman (Ang inyong bida) ay nagsisikap na para sa kinabukasan. Lahat ng aking mga income, hati kami ng aking ina. Para sa gastusin sa eskuwela ng mga kapatid ko at sa sarili ko. Napakalaking kaluwagan na 'yun sa aking sarili dahil hindi na ako umaasa ng baon ko sa magulang ko sa elementarya.

Marami ang mga tao sa aking paligid ang humahanga sa aking pagsisikap ko sa buhay. Ang kahusayan ko, ang madiskarte kong pamamaraan para makaraos sa buhay, Sa mga panuntunan ko at sa prinsipyo ko. Magaling sa buhay at may mararating at Bata pa lang maabilidad na. Hindi ko sineseryoso ang kanilang mga sinasabi sa akin.

Pagdating naman ng high school. Dumaan na naman ako sa butas ng karayom. Hayan na naman ang masakit na salita.

"Mahirap ang maging mahirap".

Hindi ko na kaya ang mga pasanin. Hindi na sumasapat ang income ko. Nasa high school na ako at iba ang gastusin dito. Sa aming anim na magkakapatid. Apat ang nag-aaral (Isa sa high school at tatlo sa elementarya.) ako bilang panganay sa anim na magkakapatid ay nagdesisyong huminto muna sa pag-aaral upang tumulong sa mga nakakabatang kapatid na nag-aaral (May talino or sintido-kumon kasi kumpara sa aking puro palakol ang nasa report card).

Nagbigay-daan ako para sa kanilang pag-aaral. Tumigil ako sa aking pag-aaral para suportahan sila sa kanilang pag-aaral sa madaling sabi. At nangako naman sila na pag-aayusin ang kanilang pag-aaral para kahit papano matumbasan nila ang gagawin kong hirap at sakit sa desisyon ko habang wala sa aming tahanan.

Nakahanap ako ng trabaho. Isang mabigat na trabaho na akma lamang sa aking tinapos (under grad high school). Trabaho na hindi mo maiisip na kakayanin ko ang ganuong hirap sa mura kong katawan. Sa idad na labintatlo (child labor na talaga). Nakakaya kong pasanin ang isang sakong asukal na tumitimbang ng 50kls. Baluktot na ang likod ko sa hirap, madala (maihatid) ko lamang ang aking dinadala (inihahatid) sa destinasyon na gusto ng may-ari. "Mahirap talagang maging mahirap." Yan totoo sa buhay ko.

Sino ako para magreklamo ng hirap? Wala di ba! Sino ako para sabihin sa aking mga magulang kung bakit kami ipinanganak na mahirap? Sino ba ako para sumbatan sila na bakit ko pinagdadaanan ang ganitong pasanin.? Sino ba ako? Sino ba talaga ako na sa murang gulang dumadaan sa ganitong hirap ng buhay? "Mahirap talagang maging mahirap."

Wala akong lakas ng loob na harangin ang anumang pasaning iniatang sa aking mga balikat ng kapalaran. Sa mga pambubully na aking naririnig na aking pinapalampas at binabalewala lang. Sa mga pambabatikos sa aking pamilya na alam kong naghihirap pa kami sa daga. Hindi ako nagrereklamo kung anumang sakit ang aking nararamdaman. Basta ang alam ko lamang. Sa aking sarili. Sa panuntunan ko sa buhay. Ay ang katagang bumubuhay sa akin na…

"Habang may buhay may pag-asa"

Sa gitna ng aming kahirapan. Alam sa sarili ko na matatag akong tao. May tatag at tibay ng loob na sa murang gulang pa lamang ay pinapanday na ako para ihanda sa mas malaking hamon ng kapalaran na Anumang hampas ng tadhana at unos, malalampasan ko.

After a long 5th years bilang trabahador. Sa idad na 18 years old. Wala pa sa isipan ko ang salitang pag-ibig. Hindi sumagi sa isipan ko yan. Wala pang babae ang nagpatibok o mas tamang sabihing nagpakabog sa natutulog kong libog.

Sa nakalipas na limang taon. Nakatapos na kahit papano ang aking mga nakakabatang kapatid. Yes, sa wakas nagbunga ang aking paghihirap sa kanilang tatlong may matatalinong isipan. Yes, sa sobrang talino nila, wala akong masabi sa kanilang mga utak. Dahil ang tatlong nakakabata kong kapatid ay masaya nilang inaabot ang kanilang mga diploma kasama ang isang diploma ng marriage contract.

17 years old Kasal na.

16 years old Kasal na.

15 years old Kasal na.

Wow ang tatalino talaga nila. Wala akong masabi.

Biglang may sumagi sa isipan ko. Ano ang magiging buhay ko ngayon.? Kargador na lamang ba ako habambuhay! Tatanggap ng kakarampot na sahod kapalit ng maghapong pagod at sakit! At pagkatapos nito. Anong sunod. Magkaka-asawa at magkakaanak din ako! Anong kayamanan ang ipapamana ko sa anak ko kung sakali? Kahirapan din ba sa buhay na kong saan dumaan ako! Papano kong isumbat sa akin ng aking anak kong bakit kami mahirap. Ano ang nararapat kong isagot?

Biglang nag-iba ang papanaw ko sa buhay. Nag-isip na ako para sa sarili ko naman at sa mga magulang ko. Nagdesisyon ako na babaliin ko ang kapalarang nakatadhana sa akin. Nagdesisyon na akong kailangang bumalik muli ang aking isipan sa pag-aaral para hindi ako maging mahirap.

"Mahirap talaga maging mahirap"

Nagkaroon ako ng misyon. Misyon na siyang babago ng buhay ko. Ng tadhana ko. Ng kapalaran ko.

Ang misyon ko ay abutin ang pinakamataas na tugatog ng tagumpay sa buhay ko. Ang pangarap kong makapag trabaho bilang mangagawa sa ibang dagat (Ofw). Akyatin ang pinakamataas. At nagawa ko na dahil…

"Pareng guiller! Day dreaming ka na naman diyan.!" Tapik sa akin ng aking kasamahang manggagawa. Kasama ko sa isang squad. Beterano. Isa sa magagaling at madidiskarte sa trabaho at maasahan sa anumang bagay. Isa ding babaero sa kanyang kapanahunan.

"Hindi naman pare! May naalala lang ako sa aking nakaraan. Isang nakaraan na hindi ko lubos maisip na malalampasan ko at ito nga narito tayo sa pinakamataas na vessel upang ikabit ang malaking globe valve." Sagot ko dito.

Umiling-iling lamang ako habang tila sariwa pa sa aking alaala ang nakaraan ko. Ang paghihirap ko sa buhay. Ang pagbabalik bilang estudyante sa idad 19 years old. Ang pagtawag sa aking ng kuya ng aking mga kaeskwela at ang pagkakaroon ng mga mas nakakabatang kaibigan. Ang kaligayahang mababakas sa mga magulang ko na balik-estudyante ako kahit sa ganitong edad na. at marami pang ala-ala na tunay at kahanga-hanga para sa akin. Sa mga taong humahanga sa dedikasyon ko sa buhay.

Hindi naman nagtagal ang ginawa naming paghihintay sa itaas ng vessel. Dahil makalipas ang ilang sandali, dumating na aming hinihintay. Ang malaking crane na siyang magbubuhat ng globe valve (30inch size) sa aming kinakatayuan.

ITUTULOY