1. Home
  2. Stories
  3. LARAWAN 14
Filipino Sex Stories

LARAWAN 14

By paradoxxxx ·

Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan.

Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni Daniel ay kulang na ang kanyang pagkatao habang humahakbang palayo sa babaeng minamahal. Nakasisiguro na kailanman ay di na muling mararanasan pa ang sandaling kaligayahan na nadama sa piling nito.

'Patawad Trish…'

Nang umabante na ang sasakyan ni Daniel ay lalong yumugyog ang balikat ng dilag sa pag-iyak. Waring gusto niyang humabol dito at makiusap sa binata na huwag siyang iwan subalit parang di na siya makagalaw sa kanyang kinauupuan nang sandaling iyon.

Mugto ang mga mata, nagpalinga-linga siya at naghanap ng balikat na maiiyakan ngunit tanging mangilan-ngilang mabibilis na sasakyan lamang ang napaparaan.

"Bakit mo naman ako iniwan Daniel… huhuhu…"

Tila wala sa sarili ang dilag na humakbang kung saan tumungo ang sasakyan ng binata. Nakatanaw at tila umaasam na babalikan pa rin siya nito. Hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng lalaking kanyang minamahal.

Tulala at hilam sa luha, nagpatuloy sa paglakad ang dilag. Di halos maaninag ang dinaraanan dahil sa pagkuskos ng kanyang mga mata na binabalungan ng luha.

Wala itong kamalay-malay na nasa gitna na siya ng kalsada, nakatingin kung saan naglaho ang sasakyan ni Daniel. At isang malakas na busina kasabay ang matinis na kaskas ng gulong mula sa preno ang umalingawngaw at pumukaw sa kamalayan ng dalaga.

"AYYYYYY! DIYOOOS KOOOO!!" Tilian ang mga sakay ng pampasaherong jeep dahil lahat sila ay napadikdik papunta sa unahan ng sasakyan sa biglaang pagpreno nito.

"ALA EH! IKAW GA'Y MAY SANIB INENG?!! ABA'Y WALA AKONG IBABAYAD SA I-YO!" galit na turan ng mamang nagmamaneho ng jeep sa dalagang napabalik sa gilid ng kalsada.

Tila natauhan sa pagkatulala nang maglakad itong wala sa kanyang sarili. Humingi na lamang siya ng paumanhin sa driver at tumawid na sa kabilang direksyon ng kalsada at pumara ng masasakyang tricycle pabalik sa kanilang bahay.

Nang makarating sa kanila ay naabutan pa niya si Mang Bert na nagkakape sa hapag-kainan. Napatayo ito nang makita ang namumugtong mga mata ng nag-iisang anak na babae.

"Nak… anong nangyare sa i-yo?!"

Di na kumibo ang dalaga at hangos itong lumapit sa amang lubos na nag-aalala. Mahigpit na yakap lamang ang itinugon ng dilag sa kanyang tatay. Dama ni Bert ang pighating nararamdaman ng kanyang anak sa higpit ng yakap nito habang humihikbi.

Kahit di magsalita ang anak ay batid ng ama na muli na namang nasaktan ang kanyang anak. Kung kanina ay walang katumbas ang kasiyahang nakita niya sa mga mata nito bago umalis ay siya namang kabaligtaran ng nasasaksihan niya ngayon.

'Diyos ko nararapat ba ito sa aking anak?' Di niya naiwasang magtanong sa langit habang hinahagod niya ang likod ni Trisha. Habag na habag sa pagdadalamhati nito.

************************

May bahagyang liwanag pa nang marating ng binata ang kanyang tinutuluyan sa Maynila. Nang makapasok sa loob ay inihagis lang ang bitbit na bag sa isang tabi at pabagsak na naupo sa sofa. Parang estranghero itong iginagala ang mga mata sa apat na sulok ng kanyang tirahan.

Parang may kulang. Pakiramdam niya ay di siya taga-roon. Parang naiwan na ang kanyang buong pagkatao doon sa bayang kay tagal din niyang iniwasan. Parang sa mahabang panahon na hinanap niya ang kanyang sarili, nang matagpuan ay muli na naman siyang nagkawasak-wasak.

Tinukop ng dalawang palad ang mukha sa pangungulilang nadarama sa pag-ibig na nilisan. Sa babaeng alam niyang minahal niya ng lubos kahit sa sandaling kanilang pinagsaluhan.

Dito niya napatunayan na sa kabila ng mapait na kahapon ay may kakayahan pa pala siyang magmahal. Pagmamahal na agad ding hinadlangan ng mapagbirong tadhana.

At ano itong ginawa niya? Sa halip na suklian ang pagmamahal na ipinadama sa kanya ng babaeng ito, bakit di niya nagawang ipaglaban bagkus ay kanya pa itong sinaktan?

Parang kandilang nauupos ang binata na buhat sa kanyang pagkakaupo sa sofa ay dumausdos ito at napasalampak na lang sa sahig.

Unti-unting nagdilim ang paligid ng unit sa paglubog ng araw sa Manila Bay. Namaluktot ito sa dilim na parang giniginaw. Naghahanap ng mapagkukunan ng lakas.

************************

Parang ordinaryong araw lamang nang pumasok sa opisina ang dalaga kinabukasan. Ngunit ang pinagkaiba ay tila nawala ang ngiting laging nakapagkit sa kanyang magandang mukha. Malamlam ang mga mata nito at kahit ang mga kasamahan ay nagtataka sa biglang pagbabago ng dilag na dating magiliw at palabati.

"Good morning babe…" bati ni Marco at tinangkang halikan ang dilag sa labi na iniwasan naman nito.

Mabilis na naupo lang ito sa kanyang lamesa at inayos ang mga gamit na parang walang ibang kasama sa loob ng opisina. Muling nangamba si Marco sa inasal ng nobya sa pagsalubong nito sa kanya.

"Pasensiya na nga pala kahapon di na kita nakamusta… Ang dami kasing dumating… yung DILG Secretary… sumadya din ang NBI director." paliwanag ng alkalde sa dalaga.

"Okay lang." matipid nitong sagot. Tila robot itong walang ka emo-emosyon at ipinagpatuloy lang ang kanyang pagtatrabaho.

Di na muling nagsalita pa si Marco sa lamig ng pakikitungo sa kanya ng nobya. Iginalang na lamang niya ang pananahimik nito.

Kahapon pa siya nangangamba sa gustong sabihin sa kanya ng dilag. Parang ayaw niyang marinig dito ang bagay na kanyang kinatatakutan. Na baka umuurong na ito sa kanilang nalalapit na kasal.

Hindi siya bato upang di maramdaman kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya ng nobya. Kung kinakailangang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa mga senyales na ipinapakita nito ay gagawin niya huwag lamang ito mawala sa buhay niya.

'Mamahalin mo din ako Trisha.' mga salitang namutawi sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang kanyang mapapangasawa.

Lumipas ang maghapon na para silang hindi magkakila. Kumain nga ng sabay ngunit di naman maramdaman ng alkalde ang presensiya ng kaharap.

Para itong wala sa sarili at laging malayo ang iniisip. Waring nanliligaw si Marco kung paano nito pagsilbihan si Trisha ngunit para lamang itong tuod at walang pakiramdam.

Naghiwalay sila nang araw na iyon na halos wala pa ring imikan. Parang hindi maihahalintulad sa dalawang taong malapit nang mag-isang dibdib.

'Kung kinakailangang suyuin kita Trisha, gagawin ko.' Mapaklang nangiti na lang ang alkalde nang bumaba na si Trisha sa kanyang sasakyan.

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Trisha pagbungad niya pa lamang sa may pintuan ng kanilang bahay. Tuwang-tuwa ang dalaga at mayroon na siyang mapaghihingahan ng kanyang dinaramdam.

Naitanong pala ni Mang Bert kay Janet kung ano ang nangyari sa anak dahil di naman nagkwento ang dalaga matapos siyang iyakan nito kahapon. Kagyat naman itong napadalaw upang kamustahin ang matalik na kaibigan.

Agad pumasok ang dalawa sa silid ng dalaga para pag-usapan ang problema nito at kung bakit di niya naikawento iyon sa kaibigan.

"SHIIIT!!! Nagkita kayo ulit dito sa Batangas?!!" bulalas ni Janet na agad sinaway ng dilag.

"Kita mo nga naman… So nakatatlo pala ang gagong yon! At pumayag ka naman!" Nanlalaki ang mga mata ni Janet sa kaibigang nakayakap lang sa kanyang unan.

Ito na nga ang dahilan kung bakit hindi niya naikwento ang tungkol sa muling pagkikita nila ng estrangherong iyon. Alam niyang makakatikim siya ng pang-uusig mula kay Janet.

Ang hirap nga naman kasing maunawaan ng kahit sino. Kung paano at bakit na sa maigsing panahon ay ganoon na lang kadali na mahulog siya sa lalaking iyon. Sa totoo lang, maging siya ay hindi rin iyon maintindihan.

Paano niya maipapaliwanag kung bakit kahit pangalan lang ang alam niya tungkol dito ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Na para bang simula pa lang pagkabata ay kilala na ng puso niya si Daniel.

"Mahirap mong maintidihan lahat ng nangyari at naramdaman ko nuon… kahit ako eh… parang hindi ko kilala ang sarili ko pag kasama ko siya. Ang saya-saya ko non! Pero bakit ngayon… ang sakit-sakit!"

Awang-awa si Janet sa kaibigan. Lihim niyang sinisisi ang sarili kung bakit pa kasi niya isinama si Trisha noon sa Maynila. Hindi na sana nito nakilala ang lalaking iyon na nagpapaluha ngayon sa matalik na kaibigan.

"Ok lang yan bes… Ganun ata talaga ang nagmamahal… Kailangan masaktan ka pa… kasi kung hindi ka nasasaktan, hindi ka daw totoong nagmahal, di ba?" sambit nito sabay yakap sa kaibigan.

"So ano, gwapo ba talaga?! Nag-enjoy ka ba?! Hihi" biro nito sa kaibigan sa paglalayong mapangiti naman ito.

Walang maipakita si Trisha na larawan kay Janet dahil kahapon ay pinagbubura niya lahat ng mga kuha nilang magkasama sa kanyang cellphone. Kasabay din noon ay ang pag-unfriend niya sa binata sa social media.

Umaasa siyang sa ganoong paraan ay mas madali niya itong makakalimutan. Sana nga ay ganoon kadaling burahin ang alaala nito ngunit sadyang napakahirap at tila naka-ukit na ang imahe nito sa kanyang isip.

Malaking bagay ang pagdalaw ni Janet. Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng kinikimkim na sama ng loob ni Trisha. Ngunit sadyang naroon pa rin ang kirot na iniinda ng kanyang puso.

Bago umuwi ang kaibigan ay ipinaalala nito ang pag-aanak nila sa binyag na magaganap dalawang linggo mula ngayon.

"Ah sige bes… Nakalimutan ko na nga yan, buti pinaalala mo."

Dati nilang kaklase ang inang magpapabinyag na doon pa rin sa kanilang bayan naninirahan kasama ang napangasawa nitong dayo. Kaya naman sila-silang magkakaklase din ang kukuning ninong at ninang ng bata.

"Nang ma-invite mo na din sila sa kasal mo di ba?" pahabol pa ni Janet bago ito sumakay ng tricycle.

Tumango lamang at kumaway si Trisha sa papaalis na kaibigan. Tila lalo siyang nalungkot nang maalala na malapit na nga din pala ang kanyang kasal.

Malapit na silang magsama ng lalaking hindi naman niya mahal. Ng lalaking ginagawa ang lahat para lamang matutunan niyang mahalin. Ano pa nga ba ang hinahanap niya?

Halos lahat ay nagsasabi na napakaswerte niya kay Marco. Halos lahat yata ng kababaihan ay naiinggit sa kanya dahil siya ang piniling pakasalan ng butihing ama ng kanilang bayan.

Wala siyang narinig na anumang masamang opinyon o panghuhusga ng mga tao sa pagpapakasal niya dito maliban na lang sa lalaking mahal niya. Hindi niya maalis sa isip ang mga huling lintanya nito.

'Dahil sa kapangyarihan at pera.'

Nanlulumo si Trisha sa mga tinurang iyon ni Daniel. Hindi pa rin nagbabago ang sakit at lalo pa yatang humahapdi sa tuwing maalala niya ang sinabi ng binata.

'Arrghh!' Eto na naman siya. Ginugulo ng lalaking kanyang minahal.

Ngunit di tulad dati na sa tuwing maaalala ay umaasa siyang makaharap itong muli. Iba na ngayon. Gusto niyang burahin na ito ng tuluyan sa kanyang isip na parang isang masamang panaginip.

************************

Isang buwan na lang bago ang kanyang kasal. Mabilis na lumipas ang dalawang linggo buhat nang iwan siya ni Daniel.

Nanatili pa ring parang bato ang dilag. Walang nagbago. Hindi pa rin kakikitaan ng sigla ang kanyang mga mata. Lagi pa rin natutulala, bingi at tila walang naririnig sa ingay ng mundo.

"Uy bes… Halika group pic daw oh…" Hinatak ni Janet si Trisha upang makihalubilo sa mga dating kaklase para sa isang group selfie.

Masayang-masaya ang lahat sa ginaganap na salo-salo sa bahay ng nagpabinyag. Halos lahat ng kanilang mga ka-batch na naroon sa kanilang bayan ay nakadalo. May ilan na ding may sarili nang mga pamilya pero karamihan ay mga wala pang asawa.

Bagama't madalas din silang magkita dahil sa iisang bayan lang din naman sila nakatira ay iba pa rin kapag may ganoong okasyon na nagsasama-sama ulit sila na parang mini-reunion.

Lihim na naiinggit si Trisha sa kaibigan kapag nakikita niya ang sweetness nito kasama ang nobyo na katuwang din nilang nag-anak sa binyag. Di maiwasang sumingit sa kanyang isip si Daniel.

Paano nga kaya kung kasama niya doon ang binata. Siguro ay napakasaya niya katulad ng kanyang mga kaklase na kasama ang kani-kanilang mga kasintahan at asawa.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang ilabas ng kanilang kaklase ang mga lumang photo album ng mga litratong kuha noong sila'y nasa high school. Lahat ay nagkagulo sa tuwa nang muli nilang masilayan ang kanilang mga itsura.

"Ay grabeee! Ang chachaka pa natin nun oh… ANG JOJOLOGS!" hiyaw ng isa na sinundan ng tawanan ng lahat.

Napuno ng ingay ang salas habang inisa-isa ng magkakaklase ang mga lumang larawan nila. Mayroong mga di na halos makikilala kumpara sa itsura nila ngayon. Isa na dito si Ishie. Ang chubby na dalagita na laging naka-pigtails ang pagkakatali ng buhok.

Kasalukuyan nilang tinitignan ang mga litratong kuha noong sila ay nasa 2nd year higschool. Mga class pictures, mga kuha sa mga programa sa eskwela, field trip, maging mga bonding moments nilang magkakaklase sa labas ng paaralan.

Biglang natahimik si Trisha nang madaanan ng nagbubuklat ng album ang isang litrato. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar na iyon na nasa larawan. Kasama niya doon ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang batang puso.

Hinayaan na niya ang paglipat ng mga pahina ng album ngunit pinigilan naman iyon ni Janet dahil sa memorable picture na natanaw.

"WAIT… WAAAIT!!" pigil nito sa kamay ng may hawak ng album na agad ibinalik ang pahina.

"May nakita ako sandali… AY SYET!! Ikaw to bessss!!" tili ni Janet.

Kuha iyon sa malaking puno ng Acacia sa may tuktok ng burol. Summer break noon sa kanilang pagkakatanda. Nakaupo si Ishie sa duyan na gawa sa kahoy ang upuan at tinalian ng lubid sa magkabilang gilid na isinabit sa sanga ng puno.

Napakaganda ng pagkaka-ayos ng duyan at sadyang pinahanga siya ng lalaking katabi sa larawan.Ang lubid kasi niyon ay pinalamutian pa ng mga bulaklak na gawa sa makukulay na papel. Maging ang mga kaklase nga nilang babae ay nagpakuha din ng litrato sa duyang iyon na inihanda talaga para lamang sa kanya.

"Ganda naman ng duyan oh! Saka ang cute ni Billy!" biro ng isa sa mga babaeng kabiruan din ni Trisha.

Si Billy na bigla na lang naglaho. Iyon na ang huling araw na nakita niya ang binatilyo na ni hindi man lang nagpaalam o nagsabi kung saan pupunta. Pero patuloy ang dalagang naghintay at umasang magkikita pa silang muli.

Napasilip si Trisha sa loob ng kanyang bag. Hinahanap ang munting alaala ng unang pag-ibig na lagi niyang dala-dala. Ngunit kahit anong wasiwas niya ng mga abubot na laman noon ay hindi niya makita ang bracelet.

"Ay nandiyan din pala si Ruding Tigidig oh!"

Tawanan ang lahat nang may makapansin sa binatilyong nasa di kalayuan na napasama sa larawan nila Ishie at Billy. May kurot sa puso ng dilag nang makita niya ang lalaking yon.Gamit ang cellphone nito ay kinuhanan pa ni Janet ng picture ang larawang iyon ng kaibigan na nasa album.

Sa di kalayuan ay may dalawang lalaking di nabibilang sa kanilang magkaklase. Pawang dayo ang mga ito na bisita lamang na dumalo sa binyagan. Nagbubulungan ang mga ito patungkol sa magandang babae na kanilang nasisilayan.

"Tablado ka diyan brad… Balita ko yan ang mapapangasawa ng mayor dito." anas nito sa lalaking kumukursunada sa dilag.

"Ah ganun ba? Edi mas ok… Malay mo di ba?" sabay kindat nito sa kasama.

"Pag lumingon yan brad… akin yan hehehe" pahabol pa nito kasabay ng malalim na hitit sa sigarilyo.

Ang laki ng kumpiyansang ipinapakita nito sa sarili. Palibhasa ay may kagandahang lalake rin, mukhang mapera at may dating kaya ganun na lang kalakas ang loob.

Saglit na nadaanan ng paningin ni Trisha ang dalawang lalaki. Napansin na niya ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya mula pa sa simbahan. Tinangka na din nitong makipag-usap at magpakilala subalit di ito makasingit sa dami ng nagkakamustahang magkakaklase.

"Diyan mo ko mapapabilib kung madadale mo yan." sabay fist bump pa ng dalawa.

Madilim na nang magpasyang magsiuwi na ang magkakaklase. Lahat ay nasiyahan sa kanilang pagsasama-sama at ang iba ay umuwing may mga tama na.

Ang ibang malalayo ang bahay ay may dalang sariling mga sasakyan. Kanina ay nagpahatid si Trisha kay Mang Bert na nangakong susunduin din siya doon.

"Sure ka bes, mauuna na kami?" tanong ni Janet na naka-angkas na sa likuran ng single na motor ng kanyang nobyo.

"Sige Bes… ingat kayo. Nagtext na ko kay tatay di pa lang nagrereply pero baka papunta na din yon."

"Oh message mo ko pag nasundo ka na ni Mang Bert ha." habilin pa nito sa kaibigan bago umalis. May pupuntahan pa kasi sila ng nobyo kaya't di na mahintay na masundo si Trisha.

Medyo nag-aalala na ang dalaga dahil wala pa din ang kanyang ama. Mahirap pa naman humanap ng masasakyan sa lugar na iyon dahil gabi na at wala nang namamasada.

"Uhm, Trisha?"

Nagulat ang dilag sa pagtawag sa kanyang pangalan ng lalaking nasa kanyang likuran. Amoy ng dalaga ang espiritu ng nainom na alak sa katawan nito.

"Wala ba yung sundo mo? Gusto mo ako na lang maghatid sayo?" paanyaya ng lalaki.

Sakto namang tumunog ang telepono ng dilag sa natanggap na mensahe. Si Mang Bert. Hindi daw ito makakarating agad dahil may biglaang inutos daw si Marco.

Lalong nangamba si Trisha. Sayang at nauna nang nagsiuwi ang ibang mga kaklaseng may oto na maaari niya sanang pakisabayan. Nagpalinga-linga ito sa paligid kung mayroon pang mapaparaan na namamasada.

"No thank you na lang… Tawagan ko na lang friend ko." pagtanggi ng dilag sa alok.

"Don't worry Trish… ihahatid lang kita."

Parang lumukso ang dibdib ng dilag nang madinig kung paano siya tawagin ng bagong kakilala. At muli ay sumagi na naman sa isip niya si Daniel na siyang madalas na tumatawag sa kanya ng ganoon.

Para siyang nagitla sa dampi ng kamay nang haplusin ng lalaki ang kanyang likuran at igiya siya nito papunta sa kotseng nakaparada ilang hakbang lamang mula sa kanila.

************************

"Oohhh, shit dahan-dahan lang… fuck ang laki mo!… Ummph!" reklamo ng dalaga habang nakatuwad at pinipigilan ang lalaking bigla na lang ipinasok ang titi sa kanyang pwerta na wala man lang foreplay.

Hindi pa nga sila nakakasampa sa kama ay patayong itinuwad na siya nito. Tinitiis niya ang bawat kadyot. Tila napasubo siya sa pagsama sa lalaking ito na walang pakundangang bumabayo at nagpapaalog sa kanyang matambok na puwet.

Napadapa siya sa kama buhat sa patayong pagkakatuwad upang mahugot ang sandata ng lalaking walang habas na kumakadyot sa kanya. Ngunit di ito naging dahilan upang di siya muling kubabawan ng hayok na lalaki.

Buhat sa pagkakadapa ay naramdaman ng babae ang paglundo ng kama sa pagsampa na rin ng lalaking nasa kanyang likuran. Tinangka niyang gumapang upang maiwasan ito ngunit di na siya nakausad dahil sa pagkakadagan na nito sa kanyang puwitan.

Gamit lang ang isang kamay ay nagawa nitong pigilan ang mga kamay ng dilag na magtatangka pa sanang bumangon. Pinihit nito ang mga braso at pinagsama ang mga kamay sa likod ng baywang na animo humuhuli ng kriminal.

Naramdaman ulit ng dalaga ang paggiit ng mainit at matigas na burat na pilit sumisiksik sa kanyang makipot na hiwa.

"Wait… wait… plea-- Ughhhh"

Hindi na naituloy pa ng dalaga ang pagmamakaawa dahil muli na naman siyang pinasok ng sagad nito. Napapanganga na lang ito kung paano siya iyutin ng lalaking nakadagan sa kanya. Wala siyang kalaban-laban habang marahas siyang binabarurot nito.

"Awww… Shit ang laki talaga! Uhmmp…" daing nito.

Ngunit habang tumatagal, ang mga daing ng sakit ay napapalitan na ng ungol. Maririnig na ang kaskas ng matigas na laman sa naglalawa na nitong yungib.

"Shiit… mas masarap palaaa… ungghh… Ghaaad ang sarap ng mas malaki! Uhmmpp"

Tumunog pa nang hugutin ng lalaki ang nakatarak na sandata sa puki ng dalagang kasalukuyang sarap na sarap na sa kanyang pagkasta. Parang laruang manyika lang itong ibiniling patihaya ng lalaking namumula ang mga mata saka hinila ang balakang ng babae hanggang sa gilid ng higaan.

Mula sa pagkakatayo sa sahig ay itinukod ng lalaki ang kanang tuhod sa malabot na kama. Itinagilid nito pakaliwa ang balakang ng nakatihayang dalaga at tinukuran sa likod ng alak-alakan ang binti nitong nasa ere.

Saka niya muling tinutukan ng mahabang tarugo ang namumulang biyak. Muli ay walang awa nitong isinagad ang kanyang kahindigan sa loob ng makipot na lagusan.

"AHHHH… FUUCK!!"

Pakiramdam ng babae ay ibang anggulo naman ang kinakayod sa kanyang kipay ng lalaking todo-bigay ang paghindot. Yanig ang buo niyang katawan sa lakas ng pagsalpok ng balakang nito sa kanyang pige.

"Tangina mo ahhh… paluluwagin kita bago ka ikasal! Uhmm… uhmmm!"

Wala na siyang magawa. Nandito na at kasalukuyan siyang niraratrat ng lalaking ito na nanlilisik ang malalim na mga mata. Walang kaingat-ingat. Pakiramdam niya ay para siyang bayaran kung iyutin nito.

Kitang-kita niya kung paano sumama ang labi ng kanyang hiyas sa tuwing huhugutin ng lalakeng kumakayog sa kanya ang burat nito. Kita niya ang pamumuti ng titi nitong naliligo sa kanyang katas.

"Unnggh… Chaaadd… Ang saaraap naaa! Ohhhh…" ungol ng dilag na malapit nang ikasal ngunit heto ngayon at kinakasta ng lalaking ngayon lang niya nakilala.

"Eto na ko Chaaad… Aaahhh… shiiit…. Unnngghhh!"

Ramdam ng binata ang pagsakal ng puki nito sa kanyang burat habang nilalabasan. Lalo pa niyang isinagad ang mga bayo, buong lakas ang ibinibigay sa pagsaksak ng kanyang kargada.

"Putok mo sa loob Chad… Tamuran mo kooo…"

"UGGHH TRIIISHH… Eto na! Eto na kooo!" Kasabay ng pagsirit ng kanyang tamod sa loob ng puke ng dalaga ay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Nang humina na ang galaw ng mga balakang na magkasugpong ay saka naitulak ng babae ang lalaking nakasuksok pa rin sa kanya.

"Hmp!" angil nito sabay tayo. "It's Jean by the way!"

Asar na asar ito sa lalaking nakilala kanina sa bar sa pagse-celebrate nila ng mga kaibigan para sa kanyang bridal shower. Sa isang araw na kasi ang flight nito para sa destination wedding nila ng kanyang fianc.

Dismayado siya sa binata na di man lang nito natandaan ang kanyang pangalan. Padabog itong pumasok sa banyo ng motel at mabilisang naglinis ng kanyang katawan.

Nang lumabas ng banyo ay agad sumalubong sa babae ang usok na galing sa hinihitit ng lalake. Napapatingala ito sa tuwing humihigop ng usok at pinipigilan iyong ilabas mula sa kanyang bibig.

Nag-apura na ang babaeng magbihis at gusto nang iwanan ang lalaking ito. Nang akmang pipihitin ang doorknob ay muli niyang nilingon ang lalaki at napailing na lamang.

Hubad na hubad pa itong nakasalampak sa carpeted floor at nakasandal sa gilid ng kama. Nakadipa ang mga kamay at nakatingala habang nilalaro ang usok ng damo na ibinubuga nito.

************************

Nang makalabas ang dalaga ay umalingangaw ang tawa ni Daniel. Isang todo-bigay na tawa na wala namang dahilan. Hagalpak ng isang taong naghahanap ng kaligayahan sa mga drogang ipinapasok sa kanyang katawan.

Ito na ang binatang muling nagbalik sa kawalan. Isang taong hinayaan nang tuluyang mawala sa kanyang sarili. Sa loob ng halos dalawang linggo mula nang magbalik siya sa Maynila ay di niya maalala kung kailan siya nakatulog nang walang epekto ng droga sa kanyang sistema.

Umaga na nang magising si Daniel. Parang gulat na gulat itong nagpalinga-linga sa apat na sulok ng silid. Pilit inaalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

Tulad dati, kapag bumaba na ang tama nito ay matinding sakit ng ulo ang kapalit. Nangangatal ang katawan at malikot ang mga mata na tila may hinahanap. Agad niyang inabot ang kanyang pantalon at dinukot ang mga bulsa nito.

Lahat ng makita sa loob ng mga bulsa ay itinatapon lamang at tila hindi iyon ang nais makita. Nanginginig ang mga kamay na binulatlat ang mga sisidlan ng kanyang pitaka ngunit sadyang di matagpuan ang kanyang pakay.

"FUUUCKKK!" sabay hagis nito sa kanyang wallet.

Napagtuunan nito ang ashtray na may lamang mga dunggot ng natirang nakabalot na damo kagabi. Pinagsama-sama niya ang mga iyon upang muli ay may masinghot na usok.

Ngunit kulang ang tama at sadyang di sasapat ang tira-tirang panggamit. Kailangan niya ng mas malakas. Yung pagkatapos niyang gamitin, maging siya ay di na muli kilala ang kanyang sarili.

Laging ganito ang naging takbo ng buhay ni Daniel. Hindi mapakali kapag nararamdamang bumabalik na ulit sa normal ang kanyang pag-iisip.

Tawag dito, tawag doon sa mga kakilala na nagsusupply sa kanya ng bagay na kailangan niya upang makarating ulit sa kabilang mundo kung saan siya nakakatakas. Kung saan siya masaya, malaya at malayo sa reyalidad.

Nakauwi ito sa kanyang condo na tila takot na takot dahil sa mga alaalang muling nagbabalik. Alaalang nabubura lamang kung siya ay wala sa kanyang sarili dahil sa pagkalango.

"Pre…" bungad sa kanya ng kaibigang si Jorge.

"Tuloy ka pre." paanyaya naman ng binata at iniwang nakabukas ang pinto para sa bagong dating.

Nagulat ang matalik na kaibigan nang makita ang ayos ngayon ng tinitirhan ni Daniel. Magulo ang paligid at nagkalat ang mga basyo ng bote ng sari-saring alak sa lamesa. Napansin din niya ang mga obra nitong patong-patong lang na nakasandal sa isang bahagi ng dingding.

Hindi ito ang Daniel na nakilala ni Jorge. Walang kasing halaga ang mga nalilikha nitong obra kung pag-ingatan niya ang mga ito. Lalo nang nag-alala ang kaibigan nang mapansin ang mga nakabilot na damo, foil at basyong sachet ng ipinagbabawal na gamot na nasa lamesita.

Tinitigan niyang mabuti ang anyo ng kaibigan na parang natutuyo na. Bagama't maliksi ang pagkilos nito ay kita mo sa mga mata nito ang mga namumulang ugat tanda ng hindi maayos na pagtulog at para bang walang pahinga.

"Napadalaw ka pre?" sambit ni Daniel sabay abot ng malamig na bote ng beer sa kaibigan.

"Di ka nagpaparamdam ah, nakauwi ka na pala eh."

Habang hawak ang bote ay napagmasdan ni Jorge ang nakasalang na canvas sa stand na halos patapos na ang pagkakapinta. Tila nahahawig ito sa babaeng kasama ng kaibigan sa profile picture nito noong nakaraan. Na makalipas lang ang isang araw ay agad din naman nitong pinalitan ng kulay itim.

"Ang ganda nga pala niya pre…" may paghangang wika nito kay Daniel na agad namang tinabunan ng tela ang obra nang mapunang tinitignan iyon ng kaibigan.

"Hmm… Pre… may probema ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Ha?… Ah wala naman medyo busy lang lately."pagdadahilan naman ng binata.

"Para kasing meron eh… Pwede mo naman sabihin sakin… Tungkol ba to sa bebot na--"

"WALA!!"

Di na naituloy ni Jorge ang sasabihin nang pabulyaw siyang sagutin ng kaibigan. Ngayon ay nakasisiguro siya na ito nga ang dahilan kung bakit biglang nag-iba hindi lang ang anyo ni Daniel ngunit pati na rin ang pag-uugali.

"Pre ako to… wala tayong lihiman di ba?"

"PUTANG-INA BAKIT BA ANG KULIT MO?!! SINABI NANG WALA!!" Nanlilisik ang mata nito sa pagpupursigi ni Jorge na magbukas siya ng kanyang problema dito.

Hindi na muling nagsalita ang kaibigan at matama lang pinagmasdan ang galit na binata. Gumagamit sila paminsan-minsan pero ngayon lamang niya ito nakitang tila langong-lango na maging siya ay parang di na kinikilala.

Naiiling itong ibinaba ang boteng tangan at nagpasya nang lumisan. Alam niyang hindi niya makakausap ng matino sa ganitong sitwasyon ang kaibigang itinuturing na din niyang parang kapatid.

"Pre…" habol ni Daniel sa paalis na si Jorge.

"Please lock the door when you leave." walang lingon na sabi nito sa paalis habang tumutungga ng bote.

Nanlulumong napaupo si Daniel sa sahig pagkalabas ng kaibigan. Nanginginig ang kamay nitong inabot ang mga parapernalya at nagsimula ulit magprepara ng pulbos na gagamitin upang siya ay muling kumalma.

Ito na ang naging sandigan niya sa lahat. Gumagamit upang kumalma, maging masaya, makalimot at pumasok muli sa mundo kung saan siya ang laging bida.

Kung kanina ay parang lobo itong nanlilisik ang mga mata, ngayon naman ay mapungay ang mga mata nitong yumuyugyog pa ang ulo sa ingay ng tugtugin at sumasabay pa sa liriko ng awitin.

I've put my trust in you

Pushed as far as I can go

For all this… there's only one thing you should knooow…

I tried so hard and got so faaar

But in the end, it doesn't even matter

I had to fall, to lose it aaall

But in the end, it doesn't even matteeeeer…

"Ok ba Trish? Galing ko noh? Hahahaha!" bulalas nito habang tinatapos ipinta ang larawan ng dalaga.

************************

Tamad na tamad si Trisha nang magising nang Lunes ng umaga. Parang mabigat ang kanyang pakiramdam. Maaga naman siyang nakatulog nang makauwi galing sa binyagang dinaluhan ngunit tila di husto ang kanyang pahinga.

Sumagi sa kanyang isip ang bruskong lalaki na nagpumilit pang ihatid siya kagabi.Mabuti na lang at dumating ang nakababatang kapatid sakay ng motorsiklo nito. Kung hindi ay baka di siya nakapagpigil at malamang ay nasampal niya ang nakainom na lalaki dahil sa kapangahasan nito.

Sapo-sapo ni Trisha at bahagyang dinidiinan ang nangingirot niyang puson nang maglakad ito patungo sa banyo. Tila maga at nangingirot din ang kanyang mga suso kaya't naisip niyang baka magkakaroon na siya ng buwanang dalaw kaya ganun ang kanyang pakiramdam.

Natigilan ang dalaga. Napahinto ito sa kanyang paglalakad at nagmadaling bumalik upang tignan ang kalendaryong nakasabit sa kanilang pader.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing mahigit dalawang linggo na palang huli ang dalaw ngunit hindi pa rin siya dinaratnan.

Kabang-kaba ang dilag nang magtungo sa CR. Regular ang kanyang dalaw at ngayon lamang nangyari na nagmintis iyon sa inaasahang petsa. Nagbilang pa ito ng mga araw sa kanyang isip at pilit inaalala kung tama bang maghinala na siya agad.

Kahit sa hapag-kainan habang nag-aalmusal silang mag-anak ay di mawala ang kabog ng kanyang dibdib. Di mawala sa kanyang isip ang pangamba. Hanggang sa pagbiyahe nito papasok sa trabaho kasabay ng ama ay tulala pa rin ang dilag.

"Bakit ga parang namumutla ka ineng? Ikaw ga'y may sakit?" puna ni Mang Bert.

"Wala ho tay… medyo masakit lang po ulo ko." pagsisinungaling ng dalaga.

"Ay inuman agad ng gamot… meron naman yata sa opisina niyo." mungkahi ng ama.

"Nako wala tay… saka baka sarado pa ang clinic. Pakigilid niyo na lang po dyan sa botika at nang makabili ako."

Hihintayin pa sana ni Mang Bert ang anak ngunit walang bakanteng mapaparadahan. Nagsabi si Trisha na maglalakad na lamang pagkabili ng gamot tutal ay sa kabilang kanto na lang naman ang kanilang munisipyo.

Palinga-linga ito sa paligid habang nakapila sa counter upang bumili. Sa halip na sabihin ang pakay ay pasimpleng nagtype na lamang niya sa kanyang cellphone ng nais bilhin at ipinakita iyon sa tindera.

Matapos ang flag ceremony ay agad na nagkanya-kanya nang balik sa mga departamento ang mga kawani. Hindi kasi nakadalo ang alkalde na nagpasabing mahuhuli ng dating sa munisipyo dahil may kailangan pang asikasuhin.

Agad na nagtungo ang dalaga sa Mayor's Office. Nag-lock ito ng pinto dahil wala namang inaasahang paparoon ng ganoong oras.

Nang mailapag ang mga gamit, bitbit ang biniling pregnancy test ay agad nagtungo si Trisha sa banyo na nasa loob din ng kanilang opisina.

Kailangan na niyang malaman ang sagot sa alalahaning bumabagabag sa kanya. Ngunit dahil sa kaba ay hindi pa ito agad mapaihi nung una.

Nang makakuha na ng sample na ipinatak sa strip ay tahimik itong umuusal na sana ay nagkakamali lamang siya ng hinala. At pigil-hininga nitong hinintay ang sagot na ibibigay ng test.

Isang impit na iyak na nang lumaon ay palakas na nang palakas ang mauulinigan sa loob ng opisina ng alkalde. Galing iyon sa loob ng banyo kung nasaan ang dalaga.

Tama nga ang kanyang kutob. Nagbunga nga ang gabing iyon na kanyang ipinagkaloob sa isang istranghero ang kanyang sarili.

Wala siyang duda. Nagbunga ang unang pinagsaluhan nila ni Daniel. Kung pagbabasehan ang kanyang cycle ay noon lamang siya fertile nung lumuwas sila ni Janet pa-Maynila. Kaya't alam niyang hindi si Marco ang ama ng kanyang dinadala.

Paano na ngayon. Paano pa siya magpapakasal kay Marco. Bukod sa hindi ito ang tinitibok ng kanyang puso ay hindi rin siya ang ama ng kanyang dinadala.

Aaminin ba niya dito ang katotohanan. O pipiliing ilihim na lang iyon at tanggapin ang kanyang kapalaran upang kapwa sila isalba sa eskandalo at kahihiyan.

Sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at pilit pinipigilan ang paghagulgol habang pinagmamasdan ang test sa kabilang kamay. Di makapaniwala sa dalawang linyang nakikita ng kanyang mga matang tigib sa luha.

"Trisha?! What happened?!"

Nagitlang napalingon ang dalaga sa tinig na narinig at sa biglang pagbukas ng pinto ng banyo.

Bakas ang pag-aalala at pagtataka sa mukha ni Marco. Palipat-lipat ang tingin nito sa namumugtong mga mata ni Trisha at sa tangan nitong pregnancy test.

Huli na upang ikubli iyon sa gulat na alkalde.