1. Home
  2. Stories
  3. Kapos na Pagibig
PSErotica

Kapos na Pagibig

By biggerbadderboy ·

Natetensyon, natatawa, naeexcite… Lahat na lang yata ng pwedeng maramdaman eh nafefeel ko ngayon. Today is a big day for me, well sort of. Hindi ko alam ang sasabihin ko pag kaharap na kita, pinapractice ko pa sa salamin ang bawat linya na bibitawan ko. Mga corny na jokes na pinaglumaan ng panahon pero natatawa ka pa rin sa tuwing maririnig mo, updates sa mga kaibigan natin, mga nangyari sa pamilya at lalo na ang mga nangyari sa akin. Iniisip ko kung yayakapin ba kita pag nagkita na tayo, should I kiss your pretty cheek, pwede naman siguro kaibigan naman tayo di ba? Sa totoo lang nung una ayoko talagang gawin to, nagdadalawang isip ako. Pero naduwag na ko dati, ayoko ng maduwag ulit ngayon.

Para na kong tanga kakaisip kung ano ang isusuot ko, dapat ba pormado ako or kung magshorts na lang kaya ako at sando? Ah alam ko na I’ll just wear my plain white shirt, my denim pants, my Jordan retro shoes, and the gold bracelet that you gave me the last time you were here. Ayoko masyadong magpapogi, baka lalo kang mainlove sa akin. Haha, just kidding. The sun is shining, not too humid just perfect clear sunny weather. I just want to wear something comfortable since it’s gonna be a long drive from our place going to the airport.

While driving my 8 years old, but very reliable Fortuner, saktong saktong tumugtog ang favorite nating kanta yung ‘Every Little Thing’ ng Dishwalla. Habang sumusunod ako sa lyrics ng kanta at tinatambol ang manibela nabalingan ko ng tingin ang peklat sa braso ko. Eto yung peklat na panget tignan pero mahal ko ang peklat na to… Mahal ko to dahil sayo.

Ano nga ba ang kwento ng peklat na to? Eto yung lagi mong sinasabi sa akin na ‘peklat nating dalawa yan’ at sasabayan mo ng himas at mahinahon na ngiti. Maraming nagtatanong kung ano ang nangyari dito. Usually pag ibang tao na me peklat ang tinanong mo ang isasagot nila syo eh yung usual na tumumba sa bisikleta or nahulog sa kama, at kung ano pang aksidenteng pwedeng nangyari kaya nagkapeklat. Pero ako, pag me nagtanong sa akin ang una kong isasagot eh ngiti kasunod ang masasayang alaala kung ano nga ba ang nangyari. Natatandaan ko ang bawat scenario bawat salitang binitawan.

Naalala mo pa ba yung 3 batang lalake na nang-aagaw ng gamit mo. Sumigaw ako ng “Bitiwan nyo yan!” At pinilit kong ipagtanggol ka kahit alam kong matatalo ako, naglakas loob ako para syo kaso nakuyog ako nung tatlong lalake na mas malaki sa atin. Pagtulak nila sa akin tumama ang braso ko sa yero at dumugo ng tuluyan. Nung nakita ng mga bata ang dugo natigilan sila at natakot kaya dali-daling hinampas ko sila ng bag na hawak ko at kumaripas sila ng takbo. Tuloy ang pagdaloy ng dugo at sumisigaw ka para manghingi ng tulong. Kinuha mo yung panyo mo at binalot mo sa kamay ko para maampat yung dugo.

Iyak ka ng iyak no’n, humahagulgol ka pa nga kasi nagaalala ka na baka maubusan ako ng dugo, buti na lang dumating ang Kuya mo. Tinignan nya pa nga ako ng masama kasi akala nya ako yung dahilan kung bakit ka umiiyak. Sinabi mo ang nangyari at dinala nyo ko sa Clinic at tinahi ang sugat ko.

Pero medyo nahihiya ako noon kasi naman, kahit sinong makausap natin lagi mo na lang binibida sa kanila ang nangyari kung papaano kita pinagtanggol sa mga bully. At kung paano natin natalo yung tatlong lalake. Pinaglunch nyo pa nga ako sa bahay nyo at tuwang tuwa ang mommy at daddy mo sa akin at nagpasalamat kasi pinagtanggol kita. Kung ibang bata daw yun malamang wala daw gagawin yun at matatakot sa tatlong batang lalake. Pero iba daw ako kasi matapang daw ako at buo ang loob. Naging magkaibigan din kami ng kuya mo, lagi kaming naglalaro ng playstation. Nagsimula ka na rin magpunta palagi sa bahay namin, madalas ka nga makikain kasi sabi mo masarap ang luto si mommy.

Naging lagi tayong magkalaro, araw araw magkasama tayo at hindi tayo mapaghiwalay. Hanggang sa maging highschool tayo. Nagkaroon ka ng mga sarili mong kaibigan at nagkaroon na rin ako ng mga katropa ko. Nakakatawa kasi halos hindi tayo nagpapansinan sa school pero pagdating sa bahay maguusap tayo sa telepono. Kung ano ano lang ang pagkukuwentuhan natin pero yun ang bumubuo ng araw ko. Doon ko unti unting narerealize na mahal na kita. Naalala ko pa nung 3rd year tayo, sabay tayong nagrereview sa ilalim ng puno sa school, then nagkasagi yung kamay natin at para kong nakuryente. Naglakas ako ng loob at hinawakan ko ang kamay mo ng tuluyan pero hindi ka naman tumanggi. Walang nagsasalita sa atin habang nagbabasa ng libro, pero magkaholding hands lang tayong dalawa. Umuwi tayong sabay nun pero hindi natin napagusapan ang paghoholding hands natin.

Maraming nagtatanong sa akin kung tayong dalawa daw ba, sabi ko hindi at magkaibigan lang tayo. Pero nung sinabi sa akin ng isang tropa ko na liligawan ka daw nya, bigla kitang nagging girlfriend ng hindi mo nalalaman hahaha!. Ayokong paligawan ka kasi sa mokong na yun kasi alam kong sasaktan ka lang nya. Naalala mo pa ba nung isang beses na magkasama tayo at me nagtanong sa atin kung girlfriend daw ba kita, tumawa ako ng malakas at sinabi ko na “Hindi ko girlfriend yan, eh mas lalake pa sa akin yan eh.” Ngumiti ka pero nakita ko sa mga mata mo na nasaktan ka sa sinabi ko. Gusto ko sanang magsorry pero nahiya ako. Nagpaalam ka sa akin na uuwi ka na dahil masakit ang ulo mo. Alam ko na wala ka talagang nararamdaman pero pinili mong umuwi dahil sa sinabi ko.

Nung gabing yun, pinuntahan kita sa bahay nyo at dinalan kita ng paborito mong barbecue na isaw, hindi mo ko pinapansin, halos dalawang oras na kong nasa bahay nyo pero hindi mo ko kinakausap, gusto kitang yakapin at sabihin na sorry sa sinabi ko, pero baka pag nagsorry ako lalo mo kong hindi pansinin. Pero bigla kang nagsalita at tinanong mo ako na “Mukha ba talaga kong lalake? Lalake ba ang tingin mo sa akin?” At pumatak ang mga luha sa mata mo. Nataranta ako nun kaya niyakap kita ng mahigpit. Hahalikan ko lang dapat yung pisngi mo pero bumaling ang ulo mo kaya nagtama ang labi nating dalawa. First kiss natin ang isa’t isa. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin ang tamis ng labi mo, yung saya na naramdaman ko nung dumampi ang bibig ko sa bibig mo. Yun nga lang, hindi na natin pinagusapan ang tungkol sa halik na yun

4th Year tayo ng sabihin mo na aalis ka ng bansa at sa London ka magaaral. Para kong pinagsakluban ng langit at lupa nung sinabi mo ang balitang yan sa akin. Sinabi mo na yung Tita mo ang magpapaaral sayo ng college. Tinanong mo ko kung ok lang ba sa akin na pupunta ka ng UK, sinabi ko sayo na oo dahil future mo ang nakasalalay dun pero sa totoo lang ayokong umalis ka, ayokong mahiwalay sayo… Ayokong mawala ang babaeng minamahal ko. 2 weeks before ka umalis, tinanong mo ko ulit kung papayag ba talaga ko na umalis ka, kasi willing kang magstay sa pinas kung ayaw ko. Pero sino ba naman ako para kumontra? Hindi naman tayo officially na magkarelasyon eh. Kaya nagkunwari ako na ok lang talaga dahil gusto kong maging maganda ang kinabukasan mo. Ang hindi mo alam, nung umuwi ako eh nagkulong ako sa kwarto at umiyak ako ng umiyak… Umiyak ako dahil aalis na ang babaeng minamahal ko at hindi ko alam kung papaano ko kakayanin na wala ka.

Habang nasa London ka, lagi pa rin tayong magkausap, pag birthday, pasko, at kahit anong celebration, tinatawagan natin ang isa’t-isa para batiin. Hanggang isang araw sinabi mo sa akin na me boyfriend ka na. Pinoy din ang boyfriend mo pero pinanganak sa UK. Excited kang magkwento tungkol sa kanya, pero bilang kaibigan mo kahit dumudugo na ang puso ko, kailangan ko pa rin making syo. Hindi mo lang alam kung gaano nadudurog ang puso ko tuwing kinukwento mo kung gaano sya ka perfect na boyfriend. Pero mahal kita eh, ikaw ang first love ko. Kailangan kong tanggapin ang lahat ng makakapagpasaya sayo kahit kapalit nito yung pagkatao ko.

Nagbreak kayo ng boyfriend mong gago, at naisip mong umuwi ka muna dito sa Pinas. Sinundo kita sa airport at namumugto ang mata mo kakaiyak. Pagkakita ko sayo, niyakap kita ng mahigpit, gusto kong ipaalam sayo na andito lang ako palagi at hinding hindi ako magsasawang making sa mga kwento mo. Nagdate tayo nun, gumawa talaga ako ng paraan para makalimutan mo yung lalakeng nang gago sayo. Pagdating natin sa kotse, binuksan ko ang aircon, hindi ko alam kung dala ng kalungkutan mo or dala ng alak at hinatak mo ang mukha ko papunta sayo. Nagkiss tayo… Para kong nasa ulap ng mga oras na yun. Pinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ko ang bawat sandali nag magkadikit ang ating mga labi. Ang tamis ng bawat pagtama ng dila natin na nagsisilbing alab na bumabalot sa katawan ko ng mga oras na yon. Hinaplos ko ang mukha mo at naramdaman kong basa ng luha dahil sa pait na nararamdaman mo or sakit dahil hindi naging tayo.

Nagsimula sa halik at dinala sa isang kwarto na tayong dalawa lang ang nanduon. Punong puno ng alab at damdamin ang bawat gunita. Mainit, malamig… Nakakapaso ang bawat haplos sa ating katawan. Ang bawat halik na nagsasabing ‘mahal kita noon pa man. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at handa akong mahalin ka magpakailanman.’ Punong puno ng emosyon ang mga sandaling hinantay ko ng mahabang panahon. Ang sandaling makapiling ka at masabi kong sa akin ka. Tahimik ang lugar ngunit parang me musika sa paligid na tumutugtog ng isang awit na nilikha para lang sa ating dalawa.

Bawat piraso ng damit na nahuhubad sa ating katawan ay senyales ng karuwagan ko at kawalan ng lakas ng loob ko noon para angkinin ka. Para sabihing akin ka na lang at akin ka na lang ulit. Ang mga balat nating nagdikit na nagbigay ng ibayong sensasyon. Ang haplos ko sa dibdib mo, ang paghawak so sa bewang mo at ang paghimas ko sa pagkababae mong nagsabi sa akin na ikaw na nga ang babae para sa akin na handa akong magtiis at ipagwalang bahala ang sarili ko, mapasa akin lang ang pagibig mo. Ang bawat ulos ko sa kalooban mo ang nagsasabing ibibigay ko sayo ang ligayang magbibigay ng tamis sa ating pagsasama. Hanggang sa natapos ang glorya pero parang wala lang naganap.

Nangyari na ang dapat mangyari pero walang nagsasalita. Tahimik tayo at napansin kong tumutulo ang luha mo. Hindi ko maintindihan pero bigla ka na lang nagyayang umuwi. Hindi mo ko kinausap ng dalawang araw, tumawag ka lang nung kailangan mo nang bumalik sa London.

Nung nasa airport na tayo, yumakap ka lang sa akin ng mahigpit… matagal. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Bigla mo na lang akong sinuntok sa dibdib at umiyak ka. Hinayaan lang kita pero hindi ako nagtanong. Sinabihan mo lang ako na ang tanga ko. Gusto kong sabihin na, nagpapakatanga ko para sayo pero umalis ka na at pumasok na sa loob.

Dalawang taon ang nakaraan ng hindi ka nagparamdam, dahil naging busy ka sa bago mong trabaho. Tas tumawag ka sa akin at nangamusta, halos buong magdamag tayong magkausap sa skype. Kamustahan at kwentuhan ng bigla mo kong tinanong na “What if, magpapakasal na ko?” Nagulat ako sa tanong mo, namutla ako at parang binuhusan ng tubig na me yelo. Hindi ako nakasagot, dead air at nagtanong ka ulit. “Papayag ka ba kung magpapakasal ako?” Di ko alam kung ano pinanggagalingan ng tanong mo. Pero sumagot na lang ako ng “Kung saan ka masaya…” Hindi ka sumagot pero alam ko na umiiyak ka dahil sa singhot mo. Nagpaalam ka at binaba na natin ang telepono. Gusto kitang tawagan ulit para sabihin na kung me papakasalan ka, pwede bang ako na lang. Ako na lang yung ibigin mo habang buhay… Dahil eto ang ginagawa ko ngayon kung alam mo lang.

Isang taon pa ulit ang lumipas at tumawag ka sa akin at nagpapasundo ka sa airport. Eto na yun, eto na ang oras na inaantay ko para sabihin sayo na magpakasal tayo. Kaya ko ng sabihin sayo na mahal na mahal kita. Handa na ko, ang puso ko, isip ko, pati na rin ang kaluluwa ko.

Ngayon andito ka na at kitang kita ko ang ningning ng iyong mga mata. Hindi ko naman kasi makakalimutan ang ganda mo. Tumakbo ka papalapit sa akin at niyakap mo ko. Matagal… “Oh how I missed you.” Yan ang bungad mo sa akin,gusto ko ng umalis kaagad sa lugar na to para aminin sayo na mahal na mahal kita at ikaw lang ang bumubuo sa pagkatao ko. Na ayoko ng mawala ka pa sa akin.

Hindi pa ko nakakapagsalita pero bigla mong sinabi na me ipapakilala ka sa akin. Hindi mo naman sinabi na kasama mo pala kuya mo. Pero unti unti ng napupunit ang puso ko, nagkakaroon na ko ng idea kung sino ang ipapakilala mo sa akin. Nanlalabo ang paningin ko, unti unting nawawasak ang pangarap ko. Gusto kong maiyak pero pinilit ko na lang ngumiti. Slow motion ang bawat galaw sa paningin ko. Hindi ako makapagisip ng diretso…

Kumaway ka sa malayo at me isang lalake na lumapit, isang Briton at sinabi mo na “Sya nga pala…Meet my husband…”