1. Home
  2. Stories
  3. Ang Pinuno Siete
Filipino Sex Stories

Ang Pinuno Siete

By elmergomopas ·

Pagsilang ng Berdugo
Ikalawang Bahagi

Kulang kulang dalawang oras na nag usap ang Punong Barangay ng Dalag at ang pinuno. Mag tatatlong oras na buhat nang makaalis ang Kapitan subalit hindi mawaglit sa isipan ni Edwin ang mga kataga nito kanina.

"Tinyente, kung sa tingin mo ako ang hinahanap mong pinakamalaking isda dito, nagkakamali ka". Maniwala ka man o hindi, isa lamang akong masa, na kailangang makisama sa kilusan. Kung ikaw ang nasa katayuan ko ano ang gagawin mo tinyente?"

"Malaking bahagi ng buwis na nalilikom ng kilusan mula sa mga kaaway na uri ay nakalaan para sa pagkain at gamot ng mga kadre. Napakalaking pera nun tinyente, at bibinibigay lamang ng kilusan ang katungkulan na iyan, hindi sa isang masa lamang na katulad ko tinyente, kundi sa isang tulad nilang hindi mag aalinlangang humawak ng armas sa hudyat para isakatuparan ang isang taktikal na opensiba o di kaya'y lumahok sa armadong pakikibaka.

"Pansinin mo ang barangay tinyente, nasaan ba dito sa pamayanan ang pinakamalaking tindahan?

"Oo tinyente. Siya ang gumawa ng plano, siya ang namuno sa opensiba kahapon. Sa madaling salita, siya ang nagtangkang katayin kayo, hindi ako tinyente".

Ito ang bahagi ng pag uusap nila ni Kapitan na hindi mawaglit, paulit ulit, at pabalik balik sa isipan ng pinuno.

Kinaumagahan, dalawang araw matapos ang labanan.
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw, at ang mga damuhan ay basa pa sa mga bakas ng hamog nang magsimula ang mga sundalong maghukay para hanapin ang bangkay ng pastor.

Kailangan nilang agahan ang paghahanap, sapagkat hindi din matiyak o alam ng Kapitan ang eksaktong pinagbaunan sa pastor.

Tuluyang lumatag ang liwanag mula sa sikat ng araw at nagsimula nang dumami ang mga taga Dalag na nag aabang at nag uusyuso sa ginagawang paghahanap ng mga sundalo, hanggang sa dumating na rin sa lugar ang ilang kinatawan mula sa lokal na polisya ng Mecaleon .

Ilang saglit pa nga ay….
Gwaaaarkkkk…. Waarrrkkkhhh…. Ggggwaaaarrrkkkkkkkk,
maluha luhang suka ng Team Leader makaraang amuyin ang dulo ng patpat na pinantusok sa bahaging iyon ng kawayanang karatig ng maliit na sapa, kung saan ang lupa ay may kahina hinalang kalambutan kung ikukumpara sa mga paligid na kalupaan.

At tama ang timbre ni Kapitan, natunton na ng tropa ang pinaglibingan sa pastor na matagal nang pinaghahanap.

Tahimik ang tinyente habang sinusundan ng tanaw ang papalayong bangkay sa ibabaw ng "stretcher".

"Pull out" na tayo Alamid", maya maya pa'y yakag na ni Edwin sa tropa.

Dahil sa mga nakalipas na kaganapan ay napilitang tuluyang makisama si Kapitan Robert sa mga sundalo, kabilang na dito ang pag alok sa "Barangay Hall" at "Covered Court" para magsilbing pansamantalang tuluyan ng pinuno at ng tropa.

Sa kanyang duyan, ay tanaw ng "Platoon Sergeant" ang kanina pang pananahimik ng pinuno sa higaan nito. Titig na titig ito sa hawak hawak na tila ba isang pinunit na pahina ng isang kwaderno.

Tumayo ang sarhento at nagpasiyang lapitan ang pinuno.
"Sir", ang pukaw nito sa atensiyon ng tinyente makaraang makalapit.
"Gusto niyo ba magkape Sir?", ang sarhento.

Bumangon si Edwin upang mabigyan ng espasyong mauupuan ang sarhento.
"Nasobrahan na yata ako sa kape Eric, maasim na sa sikmura".
"Wala pa bang advice ang Batalyon, Sir?"
"Tumawag na si S3, wala pa, dito lang muna tayo, alalayan si Kapitan."
"Eric tingnan mo to", sabay abot ni Edwin sa papel.

1. Kap (Punong Tagalitis)
2. Kagawad Almendras (Miyembrong Tagalitis)
3. Kagawad Serio (Miyembrong Tagalitis)
4. Kagawad Fuentes (Miyembrong Tagalitis)
5. Kagawad Domacio Lilia (Miyembrong Tagalitis)
6. Kagawad Nelia at Nelias Store (Liaison Officer, Suplay ng pagkain at gamot)
7. Sk Chairman Guario Tagapag Organisa (Grupo ng Kabataan)
8. Kura Paruko ng Mecaleon
9. Aselaida Asuto Tagapag Organisa (Grupo ng mga Kababaihan)
10. Nicanor Fabia Tagapag Organisa (Grupo ng mga Magsasaka)

"Galing mismo ke Robert yan, ang tinyente matapos suriin ng sarhento ang listahan.

"Anong plano Sir", kapagdaka'y tanong ng sarhento.

Tahimik ang tinyente, makaraa'y isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.

"Puntahan mo na ang tropa Alamid", ang pag iiba niya sa paksa.

"Shot yata sila samahan mo na, pag ganahan ako susunod ako maya."

Sa isang sulok ng "Covered Court" ay nagsama sama ang dalawang "Squad Leaders" at apat na "Team Leaders". Sa pahintulot ng pinuno ay masaya ang mga itong umiinom habang sinasariwa ang mga matagumpay na mga nagdaang operasyon.

Sa tama ng iniinom na serbisa, ay hindi maiwasang maging malagihay at taklesa na ang ilan sa pananalita.

"Tang ina kung ganyan lang sana lahat ng Platoon Leader dumiskarte, mauubos agad ang NPA hehehe, si Cpl Tacio, isang "Team Leader".

"Magaling si Sir napakagaling, sang ayon naman ni Sgt. Patrimonio, ang lider ng unang hanay.

"Akala ko nga tatakbo at mamumutla eh, unang giyera baga at kalaban pa talaga ang umatake."

"Ikaw Sarge ano masasabi mo?", sabay abot ni Patrimonio sa baso kay Sgt Rica,
ang lider ng pangalawang hanay.

"Kung ganyan ang opisyal ko, wala akong takot, wala akong masabi, napakagaling na opisyal, para bagang beterano na sa giyera, ang turan ng sarhento.

"Sinong magaling?", Isang boses galing sa giliran ng grupong nagkakasayahan ang nagpatindig sa mga ito mula sa mga bangkong kinauupuan.

"Good Afternoon Sir, ang halos panabay na saludo ng mga sunadalo sa sumulpot na tinyente.

"Sige lang, go ahead relax lang". Tinagayan siya ng mga ito, na malugod naman niyang tinanggap.

"Oh isang baso lang ako mga Sarge ha at wala pa akong saktong pahinga."
"Bago tuluyang iwanan ang tropa ay bumunot ito ng lilibuhin at ibinigay ito sa grupo, idagdag niyo nalang ito sa inumin".
"Ang alak sa tiyan ha, hindi sa ulo".
"Kopya Sir, we love you Sir, pabiro subalit taos pusong usal ng tamado na ring squad leader.
Tanginan Patring ang korni mo, kantiyaw naman dito ng pinuno, kapag daka,y bumalik na ito sa kanyang pwesto.

Kung alam lang ng inyente, kung pupuwede lamang ay gusto siyang yakapin ng tropa, dahil sa hanga ng mga ito sa kanya.

Dumaan ang isang linggong payapa sa Barangay Dalag, walang anumang bahid ng presensiya o karahasan buhat sa mga kadre ng komunista.

Samantala sa kabundukan ng Narciso Quezon, isang pagpupulong ang ginaganap ng pamunuan ng Southern Tagalog Regional Party Committee at Quezon Main Regional Guerilla Unit (MRGU) ng NPA.

Sa harapan ay ang mga nakatungo ang ulong nalalabing miyembro ng Platoon Guerilla na lumusob subalit pinulbo at pinatakbo ng kagitingan ni Tinyente Santos.

"IHAYAG ANG KAUTUSAN, SA LAHAT NG SPARU NA SUMASAKLAW SA BUONG TIMOG KATAGALUGAN, TRABAHUIN AT BIGYANG IMPORTANSIYA ANG LIEUTENANT SANTOS NA YAN.

"ANG UTOS MULA SA KATAAS TAASAN, HUWAG NANG PATAGALIN ANG BUHAY NG SANTOS NA YAN, IBABA SA KANYA KAAGAD ANG HATOL , ISILBI SA SANTOS NA YAN ANG PARUSANG KAMATAYAN", ang naghuhumiyaw na bulalas ng tagapagsalita ng STRPC, at nang gagalaiti nitong mando. Halos mapatid ang litid nito sa leeg sa silakbo ng dala dalang galit.

"Napakalaki na ng naging pagod at sakripisyo ng kilusan sa Dalag na yan, abot kamay na halos ang ating mithiing maging atin yan.

"Nang dahil sa Santos na yan, walang kahit anong propagandang kukubli sa inyong naging kapalpakan at kahinaan sa nagdaaang labanan, ang patuloy nitong sumbat sa pamunuan ng MRGU Quezon.

"Wala na tayong babalikan pa sa Dalag."

Tahimik ang halos lahat na lider ng mga Platoon Guerilla na naroon sa pagpupulong na iyon, walang nangahas na magbukas ng argumento, walang nangahas na magtaas ng kamay upang magrason. Dama ng bawat isa ang tensiyon.

"Gawin na lamang ninyo ang nararapat, tama na iyong naging bigwas sa atin ng Santos na yan, patahimikin ang mga dapat patahimikin sa Dalag na yan".

"Lahat sila, nang sa gayon ay hindi na madagdagan ang kahihiyang inabot ng kilusan".

"Tinatapos ko ang pagpupulong na ito, paalala ko lang sa pamunuan ng Quezon, ayusin ninyo ang dapat ayusin, subalit ang gusto kong unang madinig ay ang agarang pagpanaw ng Santos na yan."

"Isama niyo na ang walang silbing Kapitan, at iyong tagapamagitan sa Barangay, sino nga iyon?", ang pagtitiyak ng pamunuan.

"Si k --kaaa, eh si ka Nelia po ka Arman, ka Nelia po", ang pautal at nahihintakutang tugon ng isang kadreng nakatakbo at nakaligtas sa labanan.

Dalawang Linggo matapos ang sagupaan ng NPA at ng tropa ni Lt. Edwin Santos, araw ng Lunes, araw ng merkado ng Mecaleon Quezon.

Sa bayan ay abala ang mag asawang Nelia at Carding sa pagkarga sa mga pinamiling paninda sa dala nilang "multi cab" mula sa suki nilang mini mart sa Poblacion ng Mecaleon.

Ang mag asawa ay naghahanda na sa paguwi sa Barangay Dalag, pag katapos umangkat ng samut saring produkto, konsumo, at paninda.

"Carding nakuuu bilis bilisan mo na diyan at tanghali na. Kung di ka ba naman kasi isa't kalahating lasenggo, alam mo na papa bayan tayo ngayon inuna mo pa ang lambanog kagabi.", ang pagtataray ni Nelia sa mister nito.

"Oo na siya at itong mga bigas na lang ang ikakarga at aalis na tayo.", kakamot kamot sa ulong tugon naman ni Carding.

"Naku bilisan mo at naabutan na tayo ng sobrang init ikaw kasing matanda ka, muling tungayaw ng ginang sa asawa.

Habang nag aantay sa loob ng multi cab ay minabuti na lamang ng ginang na suriin muna ang mga listahan ng mga pinamili upang matiyak kung meron bang malakihang paggalaw sa presyo.

Nawili ang ginang at hindi napansin ang paglapit at pagdikit ng isang motor na walang plaka, angkas ang dalawang lalaking parehas na naka helmet, sa gawing kanan ni Nelia.
Walang anu ano'y isang bilugang bagay ang pasimpleng inihulog ng angkas ng motorsiklo sa loob ng multicab, sabay arangkada palayo sa sasakyan at sa misis na bahagyang nagitla.

Sa loob ng helmet ng nakaangkas sa motor na iyon ay isang mukhang nagpupuyos sa galit.
Mistulang konduktor ng isang orchestra, ay kumumpas kumpas pa ang kamay nito.

Isa, dalawa, tatlo, apat…..

BRAAAAAAAAAGGGGGGAAMMMMMMMMMMMM…….

Napakalakas na pagsabog…….

Tumigil ang motor, at panabay na nilingon ng mga lulan nito ang multi cab na mistulang lata ng sardinas na nayupi at nagkalasog lasog, habang ito'y nilalamon ng naglalagablab na apoy.