Ang Mga Eba Sa Paraiso Ni Adan (Part 1)
ANG HULING NATATANDAAN ni Tiago ay ang sigaw na gumuhit sa katahimikan ng gabi sa madilim na kahaabaan ng Kaingin Road na sakop ng Barangay Apolonio Samson. At ang huling naramdaman ng matanda ay ang kanyang kamay na nakahawak sa tagiliran ng kanyang tiyan at ang mainit init na likidong bumabasa sa mga ito. Ang huling naamoy niya ay ang kasansangan na parang kalawang na pumasok sa kanyang ilong. Alam niya kung ano ito. Pamilyar na siya sa likidong amoy kalawang ilang ulit na rin niyang naranasang makita at maamoy. Dugo…Dugong umaagos ngayon mula sa lagusang nilikha ng matinding pagbayo. Ito na ang huling ala ala sa isipan niya habang unti unting nilamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan…
HALOS MASAKIT na ang lalamunan ni CJ sa pagsigaw. Naaaninag nya pa ang anino ng lalaking tumatakbo papalayo sa katawang nakasalampak sa bangketa habang sa kanyang pandinig ay naririnig niya ang papalapit na sasakyan. Mahapdi na ang kanyang mata sa pag iyak dahilan na rin sa takot at nerbyos na hanggang ngayon ay dumadagok sa kanyang dibdib. Napakabilis ng mga pangyayari. Kanina lamang ay naglalakad siya pauwi ng bigla siyang harangin ng isang estranghero. Hindi niya rin alam kung paano nangyari dahil naramdaman na lang niyang nakahawak sa buhok niya mula sa likod ang lalaki at may nakatutok na patalim sa kanyang tagiliran.
"Huwag kang papalag. Tahimik ka lang," pabulong pero matigas ang tinig na narinig ni CJ.
Parang naparalisa ang katawan ng dalaga. Hindi siya makakilos. Nararamdaman niya ang tulis ng bagay na nakatutok sa kanyang tagiliran. Holdap…hinoholdap siya ng lalaking ito. Nakabawi ng konting wisyo ang dalaga. Itinaas nito ang bag sariling balikat upang iabot sa lalaki. Sa isip niya'y di bale nang mawalan ng pera at gamit. Wag lang siyang madidisgrasya pa. Kikitain niya pa ang pera. Makakabili pa siya ng gamit. Pero alam ng dalagang isa lang ang buhay niya.
"Eto na ho, " nangangatal na saad ni CJ sa lalaking di niya nakikita.
Agad namang kinuha ito ng lalaki at mabilis na naipasok sa sariling kamay hanggang makaabot ang hawakan ng bag sa sarili nitong balikat. Hinintay naman ng dalagang pakawalan na siya ng buhong ngunit hindi lumuluwag ang hawak nito sa buhok niya sa likuran. Nakatingala pa rin ang dalaga. Unti unti'y may naramdaman siyang mainit na hininga sa kanyang leeg. Kinilabutan si CJ. Napalunok ang dalaga at napakagat labi ng maramdaman ang mainit na labi ng estranghero at ang matitigas nitong bigoteng tumusok tusok sa malaporselanang kutis ng biktima.
"Wag po, Manong….wag po…maawa ka," ang may pagmamakaawang pakiusap ng dalaga.
"Gaga! Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan!" marahas na sabi nito at sinimulang hilahin ang dalaga. Nang pilit na pinigil ni CJ ang mga hakbang paatras, naramdaman nito ang pagdiin ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran.
"Gusto mo talagang di ka na sikatan araw ha?" May panggigigil na sa tinig ng lalaki.
Sa pagitan ng pagtulo ng luha ay sinisisi ni CJ ang sarili. Bakit pa ba siya umuwi ng ganitong oras? Sinisi niya ang mga drayber nang pumapasadang dyip sa rutang yun na ngayo'y wala…ang mga tricyle na manakang naoobserbahan niya noong dumadaan kapag hinahatid siya ng BF niya…Ang cellphone niyang lowbat ng husto at di magamit upang i text o tawagan ang ama…Ang katangahan niya sa hindi paggamit ng telepono sa hospital… Ngayon, dahil sa katangahan niya, malalapastangan ang kanyang pagkababae. Kahit di na siya birhen, alam niyang isa ito sa mga karanasang magdadala ng sugat sa kanyang pagkatao. Wala na siyang magagawa kundi sumunod…tanggapin ang kalapastanganang magaganap.
BIGLA na lang may lumagapak sa likuran ng dalaga. Naramdaman niya ang pagkawala ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran. Nawala ang kamay na humahawak sa kayang buhok. may ingay na nagaganap sa kanyang likuran. Nang lingunin ito ng dalaga'y nakita niya ang kanyang matandang kapitbahay. Si Mang Tiago na ngayo'y nakikipaggirian sa estrangherong lalaki habang hawak nito ang patalim. Nahimasmasan ang dalaga at nagsimulang sumigaw ng sunod sunod. Humihingi ng tulong. Nawala sa konsentrasyon panumandali ang matandang sumaklolo sa dalaga at hindi nito namalayan ang biglang pagsugod ng lalaki. Naramdaman na lang nitong sumakit ang tagiliran sa pagbaon ng isang bagay. Nagawa pa ring itulak ni Mang Tiago ang lalaki na nawalan ng panimbang. Kasabay nito ay ang ilaw nang papalapit na sasakyan. Dali daling bumangon ang lalaki at nagkukumahog na tumakbo papalayo sa matandang bumagsak na sa bangketa at sa dalang patuloy pa rin ang pagsigaw.
MABILIS na naisakay si Mang Tiago sa Barangay Patrol at isinugod sa isang hospital sa Quezon City. Natawagan naman ng mga Barangay Tanod ang ama ni CJ na kasabay dumating ng mga pulis na rumesponde sa tawag din ng mga tanod. Sinamahan si CJ ng ama sa presinto upang ilahad ang mga pangyayari. May isang oras din ang lumipas bago nakauwi ng bahay ang mag ama. May halong sisi ang mga salitang sinambit ni Mang Kadyo sa anak ngunit sa kalooban nito ay ang ang pagngingitngit sa mga pangyayari. Iyak lang ang mga naitugon ni CJ. Wala siyang maisagot sa ama. Hindi na nakakain ang dalaga. Pumunta na lang ito sa kuwarto. Parang wala sa isip na nagpalit ng damit. Nagpunta ito sa banyo na parang wala pa rin sa sariling naghilamos at nagsipilyo. Parang lutang pa rin ang katawang sumalampak ito sa kama ng padapa at dahil na rin sa kapaguran ay nakatulog na lang nang hindi man lang nabuksan ang aircon o natakpan ng kumot ang katawan…
NAGISING SA KIROT na nararamdaman si Mang Tiago. Disoriented pa ang matanda at ilang beses nagpikit mulat ang mga mata bago pa niya nasigurado kung nasaan siya ngayon. Tanaw niya ang hilera ng mga kama at ingay ng mga taong nasa paligid…Ang mga panaka nakang pag ubo…ang paglalakad ng unipormadong lalaki at babae sa paligid… At ang amoy ng alcohol sa paligid. Nasa hospital siya. Buhay pa siya. Napailing ang matanda. Masamang damo yata talaga ako, sa isip isip niya. Napangiti siya sa isiping yun na dahilan na rin ng muling pagkirot ng kanyang tagiliran. Naiikutan ang kanyang buong tiyan ng benda. Huminga ng malalim ang matanda.
"Gising na pala kayo, Manong," pagbati sa kanya ng nurse na naka scrub suit na pinaghating puti at navy blue.
Nginitian ni Tiago ang nurse na bagamat medyo may katabaan ay nagmamay ari naman ng maamong pagmumukha. Muli'y napangiwi ang matanda sa kirot.
"Naku, Manong, wag muna kayong magkikilos at baka dumugo ang sugat nyo," paalala ng nurse. Kinuhanan siya ng BP nito at nilagyan siya ng thermometer sa kilikili. Ilang sandali ang lumipas at nagsulat ito sa hawak na clipboard.
"Pagtapos nyo pong mag almusal, Manong, bibigyan ko kayo ng gamot. Ok naman ho BP nyo at iba pang vital signs. So relax relax lang po. Malayo sa bituka tama nyo," bumilog ang mata nito at humagikhik sa sariling biro.
Tumango tango lamang si Tiago at nginitian muli ang nurse.
Lumipas pa ang ilang sandali at nakapag almusal na si Tiago. Nainom na rin niya ang gamot na binigay sa kanya ng nurse. Dumating din ang doktor na nagsabing mababaw lang naman daw ang tama niya at kahit bukas ng umaga ay pwede na siyang umuwi. Nagpasalamat si Tiago sa doktor. Nabawasan ang ingay sa ward. Wala pang bisita ang kahit sinong pasyenteng naroon.
Nakatanaw lang si Tiago sa malayong bintanang nakatapat sa kanyang kama. BInalik balikan ang pangyayari…at ano nga ba ang dahilan kung bakit andun siya sa pangyayaring iyun…
SA LOOB NG SAMPUNG TAON na itinigil ni Tiago sa lugar na yun ng Barangay Apolonio Samson, hindi niya maiwasang humanga sa umuusbong na kagandahan ni CJ. Trese anyos pa lang ito nang unang masilayan ng kanyang mga mata. Mabait na bata. Masayahin. Magalang. Matalino. Palagay ang loob nito sa kanya lalo pa nga't nakakainuman niya ang ama nito. Kay Mang Kadyo niya nalaman na may lahing kastila ang nawalang ina ni CJ. Di na kataka taka na ang dalawang anak nito, isang lalaki na nagtatrabaho sa Saudi, si JunJun, at ito ngang si CJ ay may mga angking pisikal na katangian. Habulin ng babae ang kuya ni CJ hanggang napikot na nga ito. Nakatira na sa isang subdvision sa may Kamias ang pamilya ng lalaki. Titser ang napangasawa nito.
Ah,si CJ…Cathleen Jean Del Mundo. Napagmasdan niya ang paglaki nito na wari'y murang bulaklak na unti unting namukadkad. Ang mukha nito'y bahagya lang ang haba na kumokorteng waring mala puso na lalo lamang naging prominente ang ganda dahil na rin sa mga matang wari'y laging nakangiti, ilong na tama lang ang katangusan, at mga labing hindi makipot bagkus ay senswal at malaman. Nang ganap na itong dalaga, lalo lang lumutang ang ganda nito sa maitim, makapal at tuwid na buhok na ang haba'y lampas balikat. Kapag ang dalaga'y nakapony tail na at natatanaw niya sa labas ng bakuran ng bahay nito, kapansin pansin ang kinis at ganda ng hubog ng may kahabaan nitong binti nitong maputi. Ngunit ang lalong magpapabilis ng tibok ng dibdib ng sinumang lalaki ay ang diddib nito na sa tantya ni Tiago ay tamang tama lang ang laki. Hindi eksaherado sa laki at hindi rin maliit. Sa imahinasyon niya ay mala rosas ang korona nito at kung makikita niya siguro ng walang saplot ay tayong tayo sa kayabangan at kagandahan nito. Alam ni Tiago na kahit naging magkalapit ang edad nila ng dalaga, malabo siyang patulan nito. Sabi nga sa ingles, out of my league. Pang intercolor lang ang appeal ni Tiago kumpara sa alindog ni CJ na kahit siguro professional league e pwedeng ipanlaban. E ano pa nga't kalahating dekada na ang edad niya. Parang anak na niya si CJ sa distansya ng edad nila.Nakuntento na lang ang matanda na tanaw tanawin ang dalaga hanggang dumating nga sa puntong nakasilip siya ng pasimple upang abangan ang pag uwi nito sa bahay nila mula sa pinagtatrabahuhang ospital. Nursing ang tinapos ng dalaga. Sabi ni Mang Kadyo ay nag aaply daw sa US. Masaya na ang matandang nakikita ang dalaga sa pag uwi nito kahit pa nga minsan ay di niya mapigilan ang kumirot ang dibdib tuwing inihahatid ito ng BF. Pero siya na rin ang sumasaway sa sarili. Ilusyunado ka, Tiago. Mapapangiti na lang ang siya sa isiping yun. Di rin naman nagtagal at nagpunta ng Dubai ang BF nito kaya mag isa na namang umuuwi ang dalaga. Mula nang umalis ang BF nito, nakaugalian na Tiago ang uminom sa isang mumurahing beerhose malapit sa EDSA kung saan malapit sa mismong binababaan ng dalaga mula sa trabaho nito. Dahil na rin sa katapat lang ng repair shop niya ang bahay ng dalaga, alam niya kung kelan panggabi ito o alanganin ang uwi. Kapag alam niyang pang umaga ang dalaga, hindi na rin siya umiinom sa beerhouse na yun. Kuntento na siyang makitang si CJ na sumasakay sa tricyle o dyip pauwi sa kanila. Masaya na siyang isipin na safe ang dalaga. Nang partikular na gabing yun, taka din siya dahil atrasado ng uwi ang dalaga. Hindi niya alam na natoxic ito sa duty at kinailangang mag extend ng oras sa ospital hanggang maayos na ang lahat. Ito ang naging dahilan ng pag uwi nito ng alanganing oras. Ito na rin ang naging mitsa ng mga sumunod na pangyayari na ang kinatapusan nga ay ang pagkakasadlak niya sa kama ng ospital na ito.
NAWALA sa pagmumuni muni ang isip ni Tiago. May mga yabag na papalapit kama niya. Pagmulat niya ng mata, nasa tagiliran na niya si Kim. May bakas pa ng pag iyak ang mukha ng dalaga…at inis!
"Buhay ka pa? Yabang mo kasi!" bungad na salita nito.
"Shhh," saway niya dito. " Marinig ka ng ibang mga tao."
"Tanga ka kasi…masyado kang nagmamagaling," paninisi nito sa kanya.
"Sino kasama mo?" tanong niya dito para lang malihis na ang usapan.
"Wala. Di na ko umattend ng klase ko para makapunta dito….Alalang alala kaya ako sayo." may lungkot ang tinig ng dalaga.
"Sus, malayo sa bituka…Matagal pa bago ako mamatay…marami pa tayong…ehem," sabay kindat nito sa dalaga na lalo lang kinainis nito at ikinasingkit ng matang likas nang singkit.
"Dyan, dyan ka magaling!" gigil na sabi ng dalaga na gustong kurutin ang pasyente ngunit nag aalalang masaktan ito.
Napahalakhak na lang si Tiago. Si Kim…ang dalagang si Kim. Paano nga ba nagsimula ang lahat?
ILANG BUWAN pa lang ang nakakalipas bago naganap ang disgrasyang inabot niya, nang makilala niya si Kim. Bagong lipat ang mga ito at nangungupahan sa isang bahay na binakante ng isang pamilyang nag abroad na. Pinaupahan na lang ito ng kamag anak nung pamilya. Ano nga ba ang dahilan ng pagkakalapit nila ni Kim? Napangiti si Tiago sa alaalang yun. Gitara…gitara ang dahilan.
Matumal ang araw na yun para kay Tiago. Walang masyadong nagpapagawa. Tulad ng nakagawian, inuubos na lang ni Tiago ang oras sa pagkalabit sa kanyang lumang gitara. Paborito niyang tipain ang isang Jim Croce classic. Patungkol na rin sa isang dalagang alam niyang sa panaginip lang niya makakamtan. Hindi nabibigong maghatid ng ngiti ang isiping yun tuwing kinakanta niya ang partikular na awiting ito.
"Well, i know its kinda late.
Hope i didnt wake you.
But there's one thing ive just gotta say.
I hope you'll understand.
Everytime i tried to tell you
The words just came out wrong.
So i have to say i love you in a song."
"Ang galing nyo naman, Manong," naputol ang pagtugtog ni Tiago ng gitara. Di niya namalayang may nanonood pala sa kanyang dalaga na nung tignan niya ay may bitbit na bentilador.
"Salamat, ineng, " medyo napahalakhak niyang sagot. Marahan niyang inilapag ang gitara.
"Naku, tuloy nyo, Manong…Nakikinig ako eh," sabi pa ng dalagang singkit.
Pinagmasdan ni Tiago ang dalagang naka shorts lang ng maigsi at nakapink na Hello Kitty shirt.
Hindi katangkaran ang dalaga bagama't kapansin pansin ang kaputian nito. Naka pony tail ang buhok nitong may shade ng darkbrown to light red. Mapupula ang pisngi ng dalaga na may kakiputan ang labi na cute na cute ang dating pag nakangiti. Matangos ang ilong nito. Kung anuman ang depinisyon ng salitang cute, yun na siguro ang pinakasaktong maiaapply sa dalagang kaharap niya. Malakas ang dating nito lalo pa nga't makinis din ang kutis nito na makikita mula sa binti at hitang nakalantad sa paningin ni Tiago. Sa tantya niya ay lampas lang isang pulgada ang tangkad nito mula sa limang talampakan. Masarap buhatin. Napangiti si Tiago sa isiping yun.
"Naku, ineng…mas mabuti pang harapin na natin yang problema mo," sabay nguso niya sa bentilador na bitbit nit. " Ano ba problema?"
"Tumirik, manong eh." sumimangot ito. Lalong naging cute ang dating nito sa paningin ni Tiago. Ibinaba nito sa harap ni Tiago ang bentilador. Dahil sa kaluwagan ng T-shirt nito, napasulyap ang lalaki sa ibabaw ng maputing dibdib nito na iglap lumantad sa kanyang paningin. Napalunok ang lalaki.
"Siya, sige…iwanan mo na lang at balikan mo mamayang alas singko." sabi ni Tiago sa dalaga.
"Huwag mong mamahalan ang singil, Manong, ha?" may paglalambing ang tinig ni Kim.
"Wag kang mag alala. Pag magandang tulad mo, 50 percent discount agad," nakangiti niyang sabi dito sabay kindat sa dalaga.
"Manong, bolero kayo, ha?" Medyo namula ang mga pisngi ni Kim. Madaling magblush ang dalaga.
"Ineng, alam ko matanda na ko…pero alam ko pa rin kung maganda ang isang babae o hindi. Pustahan tayo may BF ka na? Ilang taon ka na ba?" paghahamon niyang tanong dito.
Napahagikhik si Kim. Ewan niya pero palagay agad loob niya sa matandang kaharap niya.
" Eighteen na po ako.Oho, Manong. May Bf na po ako." pag amin ng dalaga.
"Kaklase mo ano?" sundot pa ni Tiago.
"Manong dapat sa Quiapo kayo magnegosyo. Magtayo ka ng kubol dun. Magaling kang manghula eh," hagikhik uling sagot ng dalaga.
"Hindi naman kasi kataka taka sa ganda mong yan…Basta pag aaral ang unahin, Ineng. Direcho lang ang direksyon. Hindi lumiliko." may patalinhagang payo ni Tiago.
Hindi umimik si Kim. Alam niya ang ibig sabihin ng kausap. Nginitian na lang niya ang matanda. Kung alam lang nitong ilang beses na rin silang sumimple ng bf niya sa biglang liko.Natutuwa siya sa kausap. Mabait at magaling ang sense of humor. Bolero pa at pa charming pa. Hindi maalis ang ngiti ng dalaga.
"O siya, sige. ako na ang bahala dito. Balikan mo na lang, " nakatuon na ang paningin ni Tiago sa bentilador.
"E, manong…pedeng rumekwes?" medyo atubiling sabi ni Kim.
"Ano yun?" napatingala na naman si Tiago at di mapigilang humanga sa cute na mukha ng dalaga.
"Pede paturo ako sa inyo mag gitara?" medyo lumabi ang dalaga na parang nagpapapawa.
Napangiti na lang si Tiago. " Sige, sige pag wala akong ginagawa."
"Yes!" sambit ni Kim. " Ambait mo, Manong…aylabyu na.hihihi" pagkasabi't mabilis na tumalikod ang dalaga na sinundan naman ng tingin ng naiiling na si Tiago. Ang mga kabataan nga naman, buntonghinga nito.
NAGING simula yun ng pagiging magkaibigan ni Tiago at Kim. Kapag walang pasok ang dalaga'y nagpupunta ito sa kanyang shop at nagpapaturong mag gitara. Hindi maiwasang magkaron ng pagnanasa si Tiago kapag tinuturuan ito lalo pa nga't nahahawakan niya ang kamay at daliri nito at nasasamyo ang natural na kabanguhan nito. Hindi naglaon at pinagpaparausan na niya ito sa kanyang isipan. Ang ginagawa ni Tiago'y nagsasalang ng DVD sa maliit niyang sala at kakabitan ng extension cable ang kanyang headphone upang mapanood ang adult movie na haponesa ang mga bida. Sa isip niya, ang bawat babae dun ay si Kim. Dun na lang niya pinaparaos ang lahat kapag inaatake siya ng pagnanasa. Pero sa kabila ng lahat, kung tatanungin siya, si CJ pa rin ang nasa tuktok ng kanyang pedestal. Napapatawa na lang si Tiago. Sa isip isip niya, kahit sa ilusyon man lamang e palikero pala siya. Si Adan na naghahangad sa dalawang Eba.
MABILIS ANG PAGLALAKAD NI KIM patungo sa shop ni Tiago. Excited ang dalaga. Nakasukbit sa likod nito ang regalong gitara ng ama sa loob ng soft case. Ipapatono niya sa matanda at ipapaayos na rin. Naituro na rin ni Manong sa kanya yung mga bagay na nakakaapekto sa pagtugtog kasama na ng size ng string at tamang pagitan nito sa fretboard. Mas madali daw tugtugin ang gitara pag ganun dahil di masyadong mahirap tipain at nakakabawas sa sakit ng daliri. Nakita niya minsan kung paano pinapel de liha ni Manong yung matigas na plastic sa saddle ng gitara para bumaba ang height nito. Kaya nung finally gumib ap na ang ama niya sa kakulitan niya at ibinili siya ng gitara, yung pagpapaayos agad nito ang pumasok sa isipan niya kaya pagkadating sa bahay at pagkabihis, binitbit niya agad ang instrumento at hangos na tinungo ang shop. Medyo may mahinang ambon kaya nagmamadali siya sa paglalakad. Walang tao sa shop nang dumating dun si Kim. Nakailang tawag siya pero walang Manong na lumalabas.
"Nasa loob siguro," usal nito sa sarili at tinungo ang pinto patungo sa sala ng bahay ni Tiago.
Kumatok ang dalaga pero wala siyang naramdamang mga yabag para buksan ang pinto. Nang hawakan niya ang knob nito, hindi naka lock. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan. Nakita ng kanyang mga mata si Tiago. Nakaupo ito at may headphone na nakasalpak sa magkabilang tenga. May pinapanood. Nakatalikod ito sa kanya. May kapilyahang pumasok sa isipan ng dalaga. Gugulatin ko si Manong, sa isip isip niya. Paluhod na gumapang ang dalaga. Hindi naman kalayuan ang distansya niya. Nang malapit na siya sa likod ng matanda, napapansin niyang medyo umuuga ang kawayang sofa na kinauupuan nito at wari'y nagpipigil ng paghinga. Dahan dahang tumaro sa likuran ni Tiago ang dalaga at naghandang gulatin ito nang mahagip ng mga mata ng dalaga ang pinapanood ng matanda. Bold! Nang tignan ni Kim ang matanda sa pagkakaupo ay nakababa ang shorts nito habang baba't taas ang kamay sa sariling pagkalalaki.
PARANG IPINAKO sa pagkakatindig sa likuran ni Tiago ang dalaga. Hindi maalis ang tingin nito sa titi ng matanda. Maitim, mataba at di hamak na mas mahaba kumpara sa BF niya. Napalunok si Kim. May kung anong init na nagsimulang gumapang sa kanyang katawan. Siyet, ang laki! Sa pagitan ng paglunok lunok ay pumasok sa isipan ng dalaga kung ang titing yun ang pumapasok sa kanyang puke imbes na sa boyfriend niya. Lalong nadagdagan ang init na nararamdaman ni Kim sa imahinasyong iyon. Para siyang estatwang sinisilaban. Hindi siya makagalaw. Nakapako lang ang tingin niya sa ginagawa ng matanda.
"Oh, Kim…ang sarap mo, sarap mo namang bata ka," namutawi ang mga katagang yun sa ngayo'y nakapikit nang matanda habang patuloy na nagbababa't taas ang kamay sa katawan ng batuta nito.
Nagulat naman lalo sa narinig si Kim. Malinaw niyang narinig ang kanyang pangalan. Pinagnanasaan at pinag iilusyunan siya ng matanda! Hindi niya mawari ngunit imbes na mabastusan ay lalong nag init ang pakiramdam ng dalaga. Para siyang lalagnatin. May nararamdaman siyang pagkabasa sa kanyang pagkababae. Hindi niya namamalayang napapahaplos na ang kamay niya sa ibabaw ng cotton shorts na suot. Kahit ang saplot niya ay hindi magawang pigilin ang hilab ng init na nagmumula sa natatakpan niyang pagkababae. Gusto niyang umalis na ayaw niya. Pinaghalong pagkalito ng isipan at libog ng katawan ang nagtatalo sa chinitang dalaga.
Nagmulat sa pagkakapikit si Tiago at muling tumutok ang mata sa screen ng TV. Pinatatagal talaga ng matanda ang pagpapaligaya sa sarili. Sinasadyang ibitin. Gusto niya ng malakas ng pagsabog. Nang di sinasadyang napatingin siya sa repleksyon ng pinagpapatungan ng tv. May transparent na salamin dun ngunit dahil nga sa patay ang ilaw ay makikita mo ang sariling repleksyon. Nagulat at biglang napatayo si Tiago. May tao sa likuran niya! Ni hindi na niya naitaas ang shorts sa pagkabigla at dali daling humarap sa taong nasa kanyang likuran. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang matanda. Napamura ito nang makita kung sino ang tao sa kanyang likuran. Dali dali itong nagtaas ng shorts at mabilis na nagpunta sa banyo.
Hindi naman malaman ni Kim ang gagawin. Ang unang utos ng isipan niya ay umalis ngunit kung may anong puwersang pumipigil sa kanya upang gawin ito. Naramdaman na lang niyang dinala siya ng sariling paa sa sofa at dun napaupo. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang eksena sa TV screen. Parang nahipnotismo ang dalaga sa eksena. Hindi niya mawari ngunit sa isip niya'y siya ang babae dun at ang lalaking kumakantot dito'y…si Manong!
Sa loob ng banyo, tapos nang umihi si Tiago. Hindi nakaraos ang lalaki dahil na rin sa pinaghalong pagkabigla at pagkapahiya sa pangyayari. Nagpalipas ito ng ilang minuto sa loob bago nagdesisyong lumabas. Inaasahan niyang wala na ang dalaga sa kanyang pagbabalik sa sala. Ngunit ng sumilip siya, naroon pa rin ang dalaga. Napamura na naman ng pabulong si Tiago. Nakalimutan niyang patayin ang DVD sa pagkataranta niya. Dali dalian niyang tinungo ang sala at kinuha ang remote control ng DVD. Pinatay niya ito. Static na lang nasa screen ng TV. Huminga ng malalim ang matanda bago hinarap ang dalagang ngayon ay nakaupo sa sofa at ngayo'y nakayuko.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" pagalit niyang sabi dito.
"Kumatok po ako, Manong," medyo utal nitong sagot. "kaso di naman kayo sumasagot."
"Kahit na! Dapat di ka dumiretso ng pasok!" pasinghal pa rin sabi nito sa dalaga.
"Nakabukas po eh…baka kako natutulog lang kayo," parang maiiyak ang tinig ni Kim. "O baka po may nangyari sa inyo," pagdadahilan pa uli nito.
Muling huminga ng malalim si Tiago. Naiiling na lang siya sa mga nangyari.
"Siya, umuwi ka na…at anuman ang nakita mo at narinig, balewalain mo na lang, ok?" sabi niya. "Mga Ilusyon ko lang yun. Wala akong balak na bastusin ka." paliwananag pa nito.
Dahan dahang tumayo ang dalaga at tinungo ang pintuan. Galit na sa kanya si Manong. Wala nang magtuturo sa kanya ng pag gigitara…pero ang mas nananaig ngayon sa isipan ni Kim, hindi na niya uli makikita ang batutang nagpainit sa kanyang katawan ng hindi sinasadya. Hindi alam ng dalaga kung anong dahilan pero sa mga sandaling yun ay isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Nang malapit na ito sa pinto, imbes na buksan ay inilock ni Kim knob nito. Marahan nitong ibinaba ang sukbit na guitar case at yuko ulong lumapit kay Tiago.
Nang malapit na ay tumingala ang may kaliitang dalaga sa mukha ng matanda. Marahas nitong hinawakan ang pagkalalaki ni Tiago.
"Pwede namang nating gawing katotohanan ang ilusyon mo, Manong," malambing na sabi nito habang sinimulang himasin ang nagigising na sandata ng nabiglang matanda.
Sa labas ng bahay ni Tiago, unti unti nang lumalakas ang pagpatak ng ulan. May ilang mga batang naglalaro sa buhos nito at tuwang tuwa habang ang langit ay saganang dinidiligan ang bahaging sumasakop sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City.
ITUTULOY